Pahina 12

Three years

Inabot kami ng halos isang oras at kalahati sa pag kuha ng bagong ID dahil sa mahabang pila sa finance. Wala naman naging problema at hindi kami nabagot lalo na at tinutulungan ko si Willow mamili ng mga damit online para sa Thailand trip nila ng pamilya niya next week.

As for the man tailing us...

Noong una, nakaka-ilang pa kahit na binitawan na niya ako nang makapasok kami sa premises. Hindi ko alam kung siya ba ang sasamahan ko o si Willow. Kakausapin ko ba siya tapos ay si Willow? O mauna si Willow tapos ay siya? O kaya pumagitna ba dapat ako?

I was thinking at first if I shall start a conversation that will engage them both? Pero kung ga'non, ano naman? Dates nila? Shall I ask when their engagement will be? Kaya lang baka bumakas sa mukha ko ang pagka irita ulit?

But then bakit naman ako maiirita?

Oh yes! Syempre, ayoko tuluyang lumubog ang kaibigan ko sa sitwasyong 'to, I won't let that happen!

Sa gitna ng maramdaming pag-iisip ay natanto kong napakaiba ng lahat sa inaasahan ko.

Paanong ako ang nahihirapan kung paano sila titimbangin? Paanong ako ang naipit sa gitna?

So I stopped.

Pinabayaan ko si Tob sa likuran namin habang kami ni Willow ang magkausap. Hindi ko naman na ni-problema si Tob dahil madalas ay may katawagan siya, usapang business ang naririnig ko, kaya naging magaan din ang lahat sa huli.

Habang dumadaan ang oras ay nakasanayan ko na ang lalaki sa likuran namin. Minsan ay bibigyan ko siya ng mabilis na sulyap at matatantong kahit may katawagan siya ay sa akin pa rin siya nakatingin.

I'll glare at him... just because I wanted to annoy him... but he'll smile playfully... and I will end up not being able to take the intensity of his gaze and the smile from his lips!

I keep on checking on him, parang nanay na nag babantay ng anak.

I noticed how the girls around crane their neck just to have a second look of him. Napapailing nalang ako dahil alam ko kung anong nakikita nila, and even if he annoys me alot, I can never invalidate the fact that... he's deviously gorgeous.

"Are you sure na ayaw mo sumama?" Paninigurado ko mula kay Willow bago siya sumakay sa sasakyan nila.

I didn't want her to come because it will be really awkward... but then... ayoko naman isipin niya na date ito kaya niyaya ko pa rin siya.

Mapanuya niya akong nginitian. "No, Avery..." bulong niya. "Basta! Pupunta ako bukas sa inyo, ha?"

Isang sulyap ang ginawad niya kay Tob na may inaayos sa loob ng sasakyan niya.

"H-huh? Bakit?"

"Of course! You have to tell me everything! Kung... paanong..." She pouted her lips to point at Tobias!

Napaismid ako at umiling-iling. "Mali ka ng iniisip!"

Gusto kong sabihin na kakilala ko lang 'tong chinito na 'to, pero paano? Nakita niya kami magkayakapan kanina! Wala na akong choice kung hindi panindigan ang 'mali ka ng iniisip', at pag tinanong kung ano nga ba kami, ang isasagot ko nalang ay 'siya na ang tanungin mo,'.

Naglaro ang ngisi sa kanyang labi at bahagyang humalakhak!

"I don't believe you, Avery! Magkasabay tayong lumaki, kilalang kilala kita. This is the first time you let yourself be hugged by someone other than your brother and our friends. Tapos sasabihin mo ay mali ako ng iniisip?"

I glared at the side, walang ibang mapag buntunan ng pagka-bisto ko.

Yes, I am that person... hindi basta-basta nag papalapit ng kahit sino. Kahit sa tuwing may party na kailangan daluhan ang pamilya namin, if anyone will ask me to dance, I will always say masakit na ang paa ko o hindi kaya may hawak na akong inumin agad para kunyari busy ako uminom ng wine o kung ano man.

I even remember, noong prom namin... nilibre ko pa si Koa sa loob ng isang linggo para lang tuwing may mag-aaya sa akin ay haharang siya at siya na ang mag sasayaw sa akin.

That's why I really wonder what sorcery did this man do... to me... to... allow him... to get so... close.

So... close.

"Mag-ingat ka..." I murmured, scared that I'll say something more that will dug my grave.

She let out a short laugh before nudging me on my shoulder with her own.

"Enjoy, okay? At ikaw ang mag ingat... umuwi ka ng maaga!" Bilin niya bago nag madaling pumasok sa sasakyan nila.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin habang pinapanood ang sasakyan nilang umandar paalis.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumihit paharap sa lalaking hindi ko matanto paano ako napapayag sa kahibangang 'to.

I was welcomed by his impatient eyes, watching me from behind, hinihintay siguro na humarap ako sa kanya?

Nakahilig siya sa kanyang itim na Mercedes-Benz G63. Napanguso ako habang nakatingin sa kanya na prenteng-prente ang pagkakahilig doon. He looks like a damn freaking untouchable fuck boy with his flashy car. Bagay sa kanya ang sasakyan niya, mukhang masungit din, pero gugustuhin mo pa rin tignan kasi... nakakaakit.

He pushed himself a little to stand up properly.

I saw him gulp before pushing his tongue against his cheek.

Nag taas ako ng kilay at lakas loob na lumakad palapit sa kanya.

"Hmm... saan tayo pupunta?"

My eyes lingered on the man in front of me, watching... familiarizing his face... broad shoulders, physique... aura... stance, I tried to have a good look of how... utterly... dreamy he looks.

Kapag kasi tinignan mo siya, parang hindi sasapat ang isang beses. Gugustuhin mo na ulit-ulitin para lang makasigurado ka na hindi ka nananaginip.

He did a little moue. "I need to go back to the office... nagkaproblema sa isang shipment," panimula niya.

"Ah... uhm..." bumagsak ang puso ko, "... okay, wala naman problema 'yon..."

Luminga-linga ako na para bang nag-hahanap ng kung ano.

What now?

"Uh... sige." Tumango ako. "Mauna na ako, ha? Ingat ka!"

Hay...

Nalilito sa sarili at hindi maintindihan ang biglaang pag bagsak ng puso ko ay tumalikod na ako, ayokong malaman niya iyon.

Hindi ko alam kung anong ekspresyon ko habang nasa harap niya kanina, but... I don't want to embarrass myself more. Kasi bakit naman ako mabibigo hindi ba? Iritado ako sa kanya at dapat masaya ako na hindi kami matutuloy.

Pero... hindi ako magaling mag sikreto ng nararamdaman.

I know... he got a little hint of my disappointment. I can't hide my expressions well.

Pasundo pa ba ako?

Mag grab nalang?

Pero ayoko pa sana umuwi. Sana sumama nalang ako kay Willow.

Nakakailang hakbang pa lang ako ay may humablot na sa kamay ko at pinihit ako pabalik.

It was a light careful pull.

Something pressed on my heart when our eyes met again. Nakakunot ang kanyang noo, may kaunting iritasyon doon. In normal circumstances, I'll get irritated by him too. Ayoko talaga na dinadaan niya ako sa pa-iritasyon niya.

Pero... may kakaiba sa kanya ngayon. It wasn't just irritation. May kung ano roon...

"N-no..." nalilito at iritado niyang sabi.

I can sense... na hindi para sa akin iyon.

"Come with me. Okay lang ba?"

Napaawang ang labi ko sa tanong niya.

"H-huh? S-saan? Sa kompanya niyo?"

From my heart being down... I felt it jump and took a high leap!

His eyes showed determination amidst the confusion beneath it.

"Yeah..." he said breathily.

"Huh? Pero? Baka maging abala ka roon at magambala pa kita."

Kuya Archer doesn't even want me accompanying him in our own company, dahil nakaka distract daw ako. Mahirap daw iyong may nag hihintay dahil mapipilitan siyang mag madali sa trabaho.

He bit his lower lip and slightly stopped to think.

Naningkit lalo ang mga mata niya. Pwede pala iyon? Singkit na pero mas maniningkit pa?

He sighed and shook his head. "No..." he croaked.

Mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko na hila-hila ay inayos niya iyon.

He found my palm properly and found the spaces in between. He fit his fingers within mine and clasped our hands together.

May kung anong boltahe ang dumaan sa puso ko. Malakas. Mabilis. Nakakatakot. Delikado.

My eyes were glued to him. Hindi na magawang umiwas.

"Magiging abala ako, oo... but..."

Parang hirap na hirap siya sa kung ano. Hindi ko maintindihan kung para saan ang pag hihirap niya. Nahihiya lang ba siya dahil siya ang nag-aya tapos ay hindi siya pwede? Pero sa totoo ay ayaw niya ako isama? Okay lang naman 'yon sa akin!

Kung ayaw niya ay ayos lang! Pabor pa nga iyon sa akin. Umiiwas ako remember? Tss.

Avery, nahihibang ka na.

"... but... will that be okay for you?"

Bahagya akong natigilan sa pag-iisip ng kung ano-ano, hindi inaasahan ang tanong niya.

"Ang alin?"

"That you'll stay inside my office. Will properly sit there for hours. I have a television there, you can watch, but... you might get bored. Although, I can work beside you and we can eat our dinner together. But... I'll be quite busy. Ayos lang ba iyon sayo?"

Ang boses niya ay may pagkahalo ng takot at pag-asa.

Napalunok ako. Hearing his voice hopeful... contrary to his usual demanding voice, sent me to the roof.

"A-ayos lang..." nalilito kong sagot.

A small worried smile made its way to my lips.

"Hindi ako madali mabagot. Kaya kong umupo at mag cellphone lang sa mahabang oras. Mag babasa nalang ako ng e-book. O hindi kaya... manonood. There's no problem, really."

I felt his hand tightened on me.

My heart fluttered silently.

"S-sayo...." mahina kong tanong. "Ayos lang ba iyon? Makapag trabaho ka kaya?"

He wetted his lower lip and smiled cockily.

"Mas hindi ako makakapag trabaho kung hindi ka sasama. I'll probably just end up spacing out, thinking what could have been if I was with you. Or, I'll end up dealing with my regret... na nasa kamay ko na, pinalagpas ko pa ang pagkakataon."

Oh shit.

Parang dumarami ang hangin sa puso ko, mapupuno at sasabog ito kung hindi ko makakalma ang sarili ko.

Ang daming pumasok sa isip ko. Ang mga salita niya, ang ibig sabihin ng mga iyon, ang ekspresyon niya, ang magkahawak naming kamay, ang nararamdaman ko... gusto ko aralin at isa-isahin, pero... masyadong makamandag ang nararamdaman ng puso ko.

Pakiramdam ko, sa dami ng natanggap kong magagandang salita sa buong buhay ko... ay ito pa lang ang unang pagkakataon na hindi ko alam ang gagawin o isasagot ko.

"Then I'll come with you..." I trailed. "Okay na ba iyon? Will you be able to work?"

He nodded. "Yes. Thank you."

I saw how his eyes lit up.

Napaiwas ako ng tingin at marahan hinila ang kamay ko mula sa kanya pero sandali lamang 'yon nahiwalay dahil hinabol niya ito at hinawakan ulit.

He laced our hands together in a relaxed way.

"Kailangan pa ba hawakan ang kamay ko?" Tanong ko.

"Kailangan." He said breathily.

Napanguso ako at napatango nalang.

He took that as a sign to pull me towards his car. Nagpatianod ako at pinanood nalamang ang likuran niya sa may bandang unahan.

I can't help but to think about a lot of things.

Looking at his back felt so surreal. Parang may ibang mundo ako tinitignan dahil lang sa likod niya. Parang hindi makatotohanan. Malayo at mahirap maabot.

The thing with him is...

He is far beyond reality. I've met a lot of successful people because of my family, the kind of world we deal with and the people around us, pero siya ang pinaka-kakaiba. Parang nasa tuktok siya ng lahat, parang kaya niyang durugin ang lahat pag naisip niya.

Kahit ako. Kayang kaya niya durugin.

Seeing our distance... napakalayo. He might be emphasizing our age but for me? Hindi 'yon ang nakikita ko.

He's just so... far high.

Adoring him... feels so wrong even. Parang hindi ako nararapat.

He opened the door for me. I saw how extravagant his car is...

Iilan din ang sasakyan namin pero... iba ang kanya. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Baka nga hindi pa ito ang pinaka magarbo niyang sasakyan.

Napalunok ako.

"Careful," aniya at humawak muli sa tuktok ng ulo ko para iwasan ang pagka-untog ko kahit na hindi naman mangyayari 'yon.

Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakatingin doon.

Bakit parang nag si-sisi na ako?! Parang ayoko na tumuloy! Malakas lang ang loob ko kanina kasi nalilito ako! Sino ba naman ang hindi? Pero ngayon, parang hindi ko kaya sumakay doon.

It felt like a forbidden world. Like there was a line between me and his car. That his car... signifies another world— his world. Na kapag tumuntong ako roon ay pinapasok ko talaga ang mundo niya.

Will his world accept me? I don't know.

"Is there a problem? Nag bago na ba ang isip mo?"

I opened my mouth but ended up closing it again.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

Alangin kong sinampa ang paa ko at pumasok ng sasakyan niya. I felt him watching me till I sat down. I almost sighed when my butt touched the seat.

I licked my lower lip and searched for his car's seatbelt.

"Here..."

Siya ang nag-ayos 'non, hinayaan ko nalang siya dahil nahihilo ata ako sa lahat ng nangyayari. Hindi pa nakakatulong na tahip-tahip ang kaba sa dibdib ko at nag hihikahos ang puso ko.

His eyes lingered on me, studying me.

I masked my dizziness with a smile.

"Tara na, baka mag bago pa ang isip ko." I smirked at the end to lure him that... I am okay.

Kumunot ang noo niya at sumama ang tingin sa akin.

"No, you won't." Aniya bago sinara ang pintuan sa gawi ko.

Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Halos ibuga ko lahat ng pigil kong hininga kanina.

Seeing him drive for me, gave a different feeling. Pinaluguran ko sa loob ko ang lahat ng ito. Nandito na ako, nanamnamin ko nalang. Hindi naman ito palagi at baka hindi na mangyari pa, kaya... habang nasa harapan ko ay hahayaan kong ma-enjoy ko.

I watched him drive for me. I watched everything he does for me. The way he looks at me when the car stops for a stoplight. When he smiles at me, or he does this little pout when he can't stand my gaze, or... the way he tries not to playfully smirk.

I watched how laidback he drives, one hand... on the steering wheel. I never paid attention to such... particular... move before. But now, it flutters my heart.

I let myself sucked the image of him tilting his head, trying to focus in front, jaw hardened, but will ended up gazing back at me.

I fancy him. I really do.

But like other girls my age, I know I will get over this. I know...

For sure...

Nang makarating kami sa opisina niya ay binigay lamang niya sa isang naka-abang na guard ang susi ng sasakyan niya. Napatingin ako sa suot ko para tignan kung may mali ba dahil tumitig ang guard sa akin pagkalabas ko ng sasakyan.

Mabilis ang naging yapak ni Tob. Tinawid niya ang distansya namin dalawa at iritado akong tinignan.

Bahagya akong napaatras sa kanyang pag hakbang palapit sa akin.

Oh... okay... I angered him again?

Natigilan siya sandali sa nakitang ekspresyon ko. Kumibot ang labi niya, marahil hindi alam kung sisimangot, mapipirmi sa galit o kakalma.

He sighed. "Okay..."

"Next time, unless I tell otherwise, pag bubuksan kita ng pintuan, hmm?"

"Ha-huh?"

He reached for my hand and held it firmly.

"Tara," malambing niyang sabi.

Tinanggap ko ang kamay niya at nag lakad na kami papunta sa elevator. I assumed that the elevator we used was specifically for him only. Napatingin ako sa repleksyon namin at nakitang may ngisi sa kanya na hindi malabas-labas.

When we reached the top floor of the building, mahabang pasilyo ito at isang lamesa lang ang nasa dulo, may lalaki roon na agad tumayo nang makita kaming palapit.

The man bowed as he welcomed Tobias.

"Good afternoon, Mr. Lim. Nahanda ko na po iyong mga bilin niya at iyong mga papeles na naglalaman ng detalye sa aberyang nangyari sa shipment ay naroroon na rin." Anito sa pormal na tinig.

Nakita kong bahagyang sumulyap sa akin ang lalaki at mabilis na namula ang mukha.

"Go back to work." Madilim na sabi nitong masungit na chinito!

His secretary flinched and I almost did too! Akala ko ay full force na iyong pag singhal at away niya sa akin noon pero mukhang hindi pa pala.

The 'boss' in him is scarier! His voice was trained to be authoritative.

"Let's go." Masungit niyang aya sa akin at tumuloy na kami sa isang pintuan pa roon.

Napanguso ako habang papasok pero halos mahulog ang panga ko sa nakitang opisina!

My eyes flickered from gaping!

What...

His office was massive! Twice... no— thrice!

Thrice the size of my brother's office! Twice the size of my father's!

Glass wall ang kaliwang dingding 'non. Overseeing the whole metro. Black and brown interiors, amoy leather, at may iilang mamahaling paintings ang nakasabit sa may kabilang dingding.

Nasa bandang gilid ang kanyang lamesa, at may mahabang lamesa sa harapan na napapalibutan ng swivel chairs, marahil para sa mga ka-meeting.

Sa tapat ng pinaka sentro at malaking picture frame na naglalaman ng litrato ng buong pamilya niya ay dalawang sofa, angled to form a letter 'L'.

"Come here, you look sick, namumutla ka kanina pa." Aniya.

Nawala ako sa mga iniisip ko at natantong palapit na kami sa sofa set. Bumitaw siya sa akin at inayos ang kaliwang sofa, may pinindot siya roon at bigla itong naging sofa bed. Parehong itim na leather iyon kaya alinlangan akong lumapit doon.

"I have a room here, pero baka hindi ka pa komportable humiga roon, also... I want to see you while working..."

Tumango ako. "Gusto ko rin dito,"

Umupo ako roon at napatingin sa malaking paper bag na may tatak ng isang sikat na grocery store.

"I asked my secretary to buy you some flu medicines, may cooling gel pad din, and some snacks, I have a refrigerator here, you can grab anything you like, susunod ang dinner natin mamaya."

Pinanood ko siyang nilalabas ang lahat ng laman 'non. Napaka seryoso na naman niya sa ginagawa niya, at totoo naman lahat ng sinabi niya, ang dami nga 'eh, parang isang linggo akong magkakasakit pa... eh pagaling na nga ako.

Lumapit siya sa akin, he leaned a little, making me smell him again. Napangiti ako nang maamoy siya, inabot niya ang isang grey na kumot at pinatong iyon sa aking hita.

I was overwhelmed by all his actions!

Uhm... I didn't expect this at all.

Gusto ko pag-isipan ang lahat, gusto ko isa-isahin ang mga nangyari at ginagawa niya, pero mamaya ko na iyon gagawin kapag nag ta-trabaho na siya. Gusto ko muna namnamin, pakiramdaman ang malakas na pintig ng puso ko.

Gusto ko kiligin kahit ngayon lang! I have never felt this before, not even after the grand gestures I received all my life!

Iyong para kang nasa alapaap, masarap, maginhawa, at mapapangiti ka kahit ayaw mo.

The feeling I have right now is the same feeling I have whenever I will sit down just along the shore, watching the water moved back and forth, reaching my feet sometimes.

The sun set will hover me, in orange gradient color... the wind will blow, grazing my skin just enough to make me smell the salt air from the water in front of me.

"I'll be fine, go to work, Tob. Ayos lang ako rito, sobrang komportable na nito," paninigurado ko sa kanya.

Nakakunot pa rin ang noo niya na tumango sa akin. Nag aalinlangan man ay lumakad siya papunta sa kanyang lamesa. Hindi ko na siya tinignan dahil baka makita ko na naman ang likuran niya at malungkot na naman ako.

I get sad looking at his back. I don't know why. Kaya... 'wag nalang! Kahit ang ganda pa naman tignan 'non...

Nakangiti pa rin ako habang inaayos ang kumot na binigay niya. I stretched my legs and draped the blanket over my feet up to my waist. Kaamoy pa rin niya ang kumot... hmm... ang bango! Ang sarap amuyin! Parang nakayakap siya sa akin dahil sa amoy na 'yon...

Humilig ako sa backrest ng sofa at humiga roon. Shall I watch or read? Pero parang ayoko... hmm...

May nakita akong magazines sa may ilalim ng lamesa at kinuha ng isa bago humilig ulit.

I flipped on the pages and saw that there were two pages dedicated for him and his family.

Mag sisimula na sana ako mag basa nang marinig ko ang pag singhap at pag buntong hininga niya pagkatapos.

Napaangat ako ng tingin at nakitang malapit na naman siya sa akin!

Huh? Akala ko ba...

Umupo siya sa may tabi ng dulo ng paa ko, walang binigay na distansya, ang laki-laki ng sofa bed na 'to, at may kabilang sofa pa pero... doon siya umupo.

Pinatong niya roon ang tatlong long folders na hawak niya, then he twisted to look at me.

Binaba ko ng kaunti ang magazine na hawak ko.

Mula sa pagkakakunot ng noo ay kumalma ang ekspresyon niya. Mariin siyang pumikit at maingat akong tinignan pagkatapos. Inabot niya ang kumot na nakatakip sa akin at inayos iyon.

"May I work here?"

"This is your office, Tob. No need to ask for permission."

Tumango siya. "Is this okay for you?"

Sandali...

Parang iba na ang tinutukoy niya?

"Ang alin?"

Napalunok siya.

"This. That I am busy. I have alot of responsibilities. Halos ngayon pa lang nililipat sa akin ang responsibilidad sa businesses namin at inaaral ko pa talaga. Maraming pagkakataon na baka ganito, baka dito lang tayo... we can go out after pero kapag may pasok ka na at kailangan mo mag pahinga agad ay hindi na kita malalabas sa gabi..."

Hirap na hirap siya sa bawat sinasabi. Looking at him now... kanina pa siya parang may iniisip. Ito ba iyon? Hanggang saan na umabot ang isip niya? Parang ang layo naman na ata ng narating 'non?

"You're young... and you might want to explore, I understand that, I have been there. At gusto ko samahan ka sa mga 'yon. I have a lot of plans inside my head, I want to do many things with you... pero... dahil sa mga responsibilidad ko... ngayon... parang..."

The sun was starting to set. Mula sa glass wall ng kanyang opisina ay dumidilim na.

The sunset is a little purplish today...

Aninag iyon sa kanyang mukha habang nakatanaw ako sa kanya. The color of the sky blended well with his handsome... face... despite of the hopelessness from his reaction.

Pero... aabot ba kami sa ga'non?

I am looking at this as a short lived thing. Ayokong maisip na mag tatagal 'to dahil alam kong mabibigo lang kami sa dulo.

We will only get hurt.

Tama si Gabriel, their engagement is good as sealed right now.

Sooner or later, they have to face the reality that if nothing stops their family, mag papakasal sila ni Willow.

I can feel a little burn inside my heart, napapaso sa naiisip. Masakit.

At habang maliit pa lang iyon, wa-wakasan ko na ito. Hindi na paluluguran sa mga susunod na pagkakataon.

Pero sa ngayon... parang hindi ko siya kaya mabigo. Ayoko ang lungkot sa ekspresyon niya. Hindi ko siya kayang nahihirapan sa harapan ko.

I patched the little burn inside my heart and smiled sweetly.

"I don't mind, Tobias. Really. Marami rin akong responsibilidad. Summer break lang kaya mukhang marami akong oras. Pero next week mag su-summer job ako sa kompanya ng uncle ko. Then I'll be busy for school, kapag pasukan na, graduating na ako. Then boards after. See? Busy din ako."

"Pero... baka mas gusto mo iyong laging may oras, at..."

I sighed and chuckled a little.

"We can always find time at may oras para roon. Pero kung gusto mo talaga, pwede naman isingit siguro? In between—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng abutin niya ang kamay ko at hilahin ako paahon. He pulled me towards him, magaan at maingat ang kanyang pag haklit sa akin.

My left shoulder touched his right. Mula sa braso ko ay pumadaudos ang hawak niya sa kamay ko. He loosely held my hand... almost not touching...

My heart hurt.

Naaninag ko ang family picture nila na nakasabit, tinatamaan ng ilaw mula sa palubog na araw.

"This was only my dream... for three years now... I never thought... it was possible... for us to be this close." Napapaos niyang sabi.

Nawala ang pag titig ko sa litrato nila.

Napaawang ng kaunti ang bibig ko sa gulat.

"But the difference is... noon, ayos na sa akin na nakikita ka lang, pero ngayon... parang hindi na. Hindi na ako makukuntento sa ga'non lang. I... I want more, Avery." His voice getting weaker every second.

He sighed. He looked at me determined but... frustrated.

"I fucking insanely want more... of us. Hindi na ata ako makakapayag na hindi pwede."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top