Pahina 11

Date

Mabilis kong dinampot ang maliit kong bag at tila computer processor ang utak ko sa bilis kong mag isip ng idadahilan!

"Willow, mauna na ako ha? May kailangan pa pala akong daanan para kay Kuya Archer! Baka hindi ko madaanan kung sasama ako sa date niyo."

Nanlaki ang mga mata ni Willow at hinarang ang katawan niya sa dadaanan ko para hindi ako makatakas!

Humawak siya sa braso ko, hindi man lang sa kamay o sa palapulsuhan ko, talagang sa braso ko humawak ang dalawa niyang kamay para lang hindi ako makalayo sa kanya!

"Willow!"

Napatingin ako sa gawi ni Tobias at nakitang palapit na siya sa amin!

He walked leisurely, like he owns this place, exuding an aura you can't miss. Gwapong gwapo sa suot na cotton navy blue long sleeves at denim pants.

Shit! Shit! Shit!

"Don't leave me, Avery! Sasama ako sa'yo! Let me just talk to him, mabilis naman siya kausap."

Mabilis kausap?! Si Tobias?

Oh please, all hell breaks loose, hindi 'yan nagpapatalo, paanong madali kausap?

"Low." I said through gritted teeth, still trying to get away.

"Hi." Bati niya sa lumapit na chinitong insekto na ka-date niya.

Napabuga ako ng hangin at umikot ang mata ko.

Wala na! Nakalapit na! Paano pa ako tatakas nito?!

"Hey..." he said in a formal tone.

I almost mimicked his 'hey' in an annoying way because of my irritation towards him!

Ewan ko ba, iritang irita ako sa kanya ngayon! Malayong malayo noong huli kong kita sa kanya sa Evergarden Restaurant.

Hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakatayo, naka anggulo ang katawan paalis.

Makahanap lang ako ng tyansa makaalis, talagang tatakbuhan ko tong dalawang 'to!

Ayoko maging third wheel 'no?

"Akala ko hindi ka makakapunta?" Tanong ni Willow.

"Oh... yeah. May pupuntahan kasi ako along the way, kaya dumaan na ako."

I almost rolled my eyes. Tss. Talagang kailangan ba nandito ako? Kailangan ko ba talaga marinig 'to?

Along the way pa siya riyan, lumang excuse na 'yan no?

"Ay. May gagawin kami ng bestfriend ko. Akala ko kasi hindi ka na makakapunta."

Humalukipkip ako pero hindi pa rin naalis ang kamay ni Willow. My bestfriend's grip shocked me, she's petite but the way she holds me... parang buhay niya ang nakataya hah?

Paano naman ang buhay ko? Grr! Ayokong makita 'tong lalaking 'to tapos hindi ako papayagan umalis? Saan ang hustisya!

"Oh... saan kayo pupunta?"

Marahas kong pinigilan ang sarili kong lumingon sa kanya at sumagot ng 'Pake mo?!'.

Bakit sasama siya? Hindi pwede! I say no!

I can feel my heart trembling, not because of good butterflies but because of hot freaking blazing fire that I feel enveloping me!

"Kukuha ng ID para sa huling taon namin sa university. Ikaw? Sayang ang fifteen minutes mo, you can go ahead." Ani Willow.

I scoffed. Hah? Fifteen minutes? Kunyari pa siya na busy siya at ni-sisingit niya lang ang dates nila sa sobrang hectic niyang schedule?

If I know, baka gusto niya lang makita kung posible ba sila mag work ni Willow.

Well, flash-news, Chinito! Her heart is taken already! And I won't let you be in between them! Tss.

Napatingin si Willow sa akin nang marinig ang kaunting reaksyon ko. Kumunot ang noo niya at sinesenyasan ako na para bang kailangan ko mag behave.

At bakit naman? I don't need to impress him. Bakit kailangan ko mag behave?

I slightly gazed at her, shot an eyebrow and moved my gaze away again.

"It's okay. No time wasted." Anito sa makabuluhang tinig.

Tss. No time wasted? Ako sayang na sayang ang oras ko rito sa pakikinig!

"Okay, bukas nalang." Ani Willow.

Bukas? May bukas pa? Talagang araw-araw?

But thank God, hindi sila mag de-date sa harapan ko!

I almost said my thank yous aloud! Mabuti nalang ay napipigilan ko pa ang sarili ko!

"Okay..." he trailed.

Lumingon si Willow sa akin. I looked back at her with so much anticipation! Dito na ba banda yung sasabihin niyang 'tara na?'.

"Wait, mag banyo lang ako, then alis na tayo. Wait for me here, okay?"

She smiled sweetly before turning her back on me!

Oh no! No... no! Willow!

Not that easy, bestfriend!

Maagap kong hinawakan ang braso niyang makakalayo na sana! Wow, how the table has turned, huh?

Mariin ko siyang hinawakan doon at pinanlakihan ng mga mata.

She chuckled. "Sandali lang ako, wait for me, okay?"

She wriggled from my hold and I was left dumbfounded by the reality that I am alone with this annoying king of the jungle!

Paanong? Paanong?!

Napalunok ako, sinusundan lang ng tingin ang likuran ni Willow na palayo.

For this man just a few meters away from me...

Gagalaw lang ako pag gumalaw na rin siya paalis, until that... hindi ko aalisin ang tingin ko sa daan papunta sa banyo.

Bahala ka riyan!

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin dalawa. Ang pag hinga ko ay kalmado sa labas sa kabila ng bigat na nararamdaman ng puso ko. Tila bawat hampas ay nanunuya, napaka traydor, na sa kabila ng pag iiwas ko ay dito pa rin ako dinala sa harapan niya!

My heart failed to calm down, kahit anong utos ko rito ay hindi nakikinig! Para itong batang nakakita ng laruan, parang batang bagong gising sa hapon at alam na mag lalaro na siya, parang batang may bagong kaibigan, parang batang... nangangarap at parang bata... na nasa harapan ng gusto niya.

I feel so damn high and excited yet annoyed and irritated by him!

"Hindi ka pa aalis?" Hindi ko napigilan itanong. "Akala ko ba fifteen minutes lang?" Mapang-asar kong bitaw habang unti-unting ngumingisi.

"Bakit ako aalis? Nandito ka."

He said like... it was the most obvious thing in the world, at tanga nalang ako kung hindi ko pa makuha 'yon.

My lips parted, slightly losing my cool. Pinilig ko ang ulo ko at tinibayan ang loob ko!

I can't grovel! He's playing me! Hindi ako papayag. He'll make moves at pagkatapos ano? Makikipag date siya? Sa bestfriend ko?!

Fifteen minutes my ass!

"So what? Oh please, Tobias. Don't make me a fool. Hindi mo ako madadaan sa mga salita mo." Sarcasm dripped as I said every word.

Hindi na!

Muntik na ako maniwala roon ha! Even Gabriel... almost believed this man likes me! Ga'non siya kagaling sa larong 'to!

Napansin ko ang pag galaw niya kaya naalarma rin ako! Bago ko pa matanto kung anong gagawin niya ay naunahan na niya ako. Mabibilis ang hakbang niya palapit sa akin! Hindi siya tumigil hanggang hindi niya nalalapit ng husto ang katawan niya sa akin!

He stopped only a few inches away from me!

He towered me again! Claiming every part of my personal space! Damang dama ko ang init ng katawan niya sa distansyang naiwan! His impatient breathing didn't go unnoticed by me.

Napasinghap ako at ilang beses napakurap para lang mabawi ang pagkawala sa aking sarili!

Kung kanina ay sobra ang aklas sa puso ko, ngayon ay hindi na ito magkumahog sa nararamdaman!

Bakit ba ganito? Parati nalang!

Hindi ko masalita ang eksaktong pakiramdam na makaharap siya... ng ganito kalapit...

Sometimes it feels like... a dream... finally realizing in front of you, sometimes... it feels like a soft hum amidst the chaos outside, and sometimes... it feels like staring at a beautiful art piece for the first time.

"What the—"

"What do you mean by that?" Mapagtimpi at matigas niyang tanong.

Napalunok ako at kahit natatakot ay lakas loob ko siyang tinignan.

Mula sa dibdib niyang marahas ang pag taas-baba dahil sa mabigat na pag hinga ay hinanap ko ang mga mata niya.

My eyes met his.

Kita ko ang pagkalito, iritasyon, pag-tatampo at pagkasiphayo roon.

Nakaramdam ako ng mabilis na pagkalusaw! Sandaling nanlambot ang tingin ko pero buong lakas kong pinigilan iyon!

I won't grovel! Ako ang iritado rito! Hindi niya mababaliktad iyon!

I tried masking my wearing irritation by forcing a glare on him!

Hmph!

"Oh what now? Kailangan ko pa ba sabihin sa'yo kung anong ibig kong sabihin? Do I need to enumerate how... you're such a... playboy! You'll do those moves on me! Hug me! And tell me all these feathery words, tapos ay ano? Makikipag date ka?"

I snarled and rolled my eyes!

"Sabagay? Marami ka ng karanasan panigurado! At okay lang naman 'yon! Wala akong pakielam! Kahit makipag date ka pa riyan every fifteen minutes, wala akong pake! Pero ang gawin iyon sa amin ng bestfriend ko? That's where you're wrong, Mister! I won't turn a blind eye on that kind of shit!" Himagsik ko!

His eyes pierced through me, tila patid na patid na ang kanyang pasensya sa akin! His jaw clenched and his lips formed a grim line. Damang dama ko ang galit niya sa bawat salitang narinig sa akin.

Looking at him this angry, parang nasa harapan talaga ako ng isang leon!

He crouched more, taunting me, looking at my eyes— may hinahanap doon. I masked my emotions more!

I bended my back a little, nag hahanap ng mas malaking espasyo para makahinga ng kaunti.

Kinain niya ang buong paningin ko, siya nalang ang nakikita ko ngayon.

"What?" He said exasperatedly.

Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo, pressing his tongue against his left cheek, tila hindi makapaniwala sa mga narinig.

For a while, I thought he will burst and lash out! Pero pumikit lamang siya ng mariin sandali at huminga ng malalim. May katagalan siyang nag-isip. Puno ng pag titimpi, halatang gusto ng sumabog pero mas pinipili ang mag-isip muna!

What now? No lashing out on me, Tobias? Cut your tongue?

Bakas sa mukha niya ang pag-aaral sa kung ano man ang ideyang pumasok sa isip niya. Mabilis ang naging pag babago ng ekspresyon niya.

From angry and impatience... to confused... then in denial... but at the end, isang ngisi pa rin ang nag wagi sa kanya.

A playful teasing smirk made its way on his lips.

"Okay..." he said breathily.

Okay?

"Nakuha mo na ba?" Pag hamon ko.

He chuckled a bit and nodded. Nakakairita talaga ang isang 'to! Bakit parang tuwang tuwa? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?!

"So... hindi mo na gagawin?" Udyok ko.

A tired amused smile plastered on his lips. Pagod na pagod niya akong tinignan pero ayaw mag pahinga man lang... hindi nililisan ang paningin ko.

He shook his head indulgently.

Nang-aasar ba 'to?

"Hindi ko na... I am sorry..."

Bakit parang tunog pang-aasar iyon?

At... aba? Sumuko ngayon ha?

"Talaga? No more fifteen minutes? Kahit na sabihin pa ng parents mo?"

Pinaningkitan ko siya ng mata.

His amusement grew. Slightly crouching more and before I could bend my back more, mabilis ang kanyang kaliwang kamay na inabot ang likuran ko, pushing me towards him. His hand rested just... on my lower back.

He dipped his head... just beside my left cheek, nanatili ang kanyang labi banda sa aking tainga.

I felt his hot breath over there...

Tila sinisilaban ang nag-aapoy ko ng puso!

Nakakakiliti ang kaunting pag didikit ng pisngi namin, nakakahilo ang lapit at amoy niya na nilukob na ng tuluyan ang espasyo na dapat ay mayroon kami.

Hindi ko mapigilan malungkot ng kaunti nang maamoy ko ang pabango niya.

Something in his scent made me realize how much I yearned for this secretly.

"I am not a good follower, Avery. Hindi ako basta-basta sumusunod. Kahit pa parents ko." Nakakakilabot na bulong niya.

Avery...

There's something in the way he said my name.

Pero teka lang!?

"So... desisyon mo yung pakikipag date mo?" I can't help but to push it!

"Ahuh,"

Napaawang ang labi ko at bahagya siyang tinulak dahil doon. Nagpatianod siya at napaahon mula sa pagkakayuko.

Ano?!

My eyes expressed my extreme annoyance from what he answered!

Humalakhak siya kung saan dinig na dinig ang tuwa at pagkamangha roon, tumatakas ang ngisi sa kanyang labi.

"Makikipag date talaga ako, paano ba naman... tinataguan ako nung gusto ko makita. I had to find a way, right?"

I glared at him.

I scoffed. Akala talaga nito uto-uto ako?

"And you think... maniniwala ako?" I snapped.

"Tinataguan mo naman talaga ako." Aniya.

"Hindi 'ah!"

"Tinataguan! Iniiwasan. Hindi pinapansin!"

Aba? Nag tatampo pa ata?

"Hindi nga sabi! Bakit ko naman 'yon gagawin?" Walang aamin!

"Sige nga, you reply to my messages." He suddenly cornered me!

"A-at... bakit n-naman? Wala naman a-akong sasabihin?"

"Ang dami mong sinasabi... like now. Tapos sasabihin mo wala?"

My eyes widened and I want to suddenly wipe the arrogance on his face!

Yung ngisi niya parang ngisi ng nananalo sa debate! Kainis!

"Ah basta! Mag re-reply ako kung kailan ko gusto!"

Humalukipkip ako uli para isarado sana ang usapan pero mukhang hindi siya papayag.

"Then... makikipag date pa rin ako." Aniya sabay irap.

"What?!" I snapped again! "Sabi mo kanina ay hindi na? Pinagloloko mo ba ako? Sabi na 'eh. You're just words!"

"Then reply to my messages. Let's compromise. You reply to me, I won't attend the dates."

"Fine!"

Fuck! Great! Para sa lahat ng pag-iiwas ko, ngayon ay re-replyan ko pa siya? Siguro ay kailangan ko mag research paano mabwisit ang isang tao sa kausap sa text?

Maybe I could turn cold, o kaya puno-in ko ng shortcuts para ma-imbyerna siya? O... puro 'k' nalang ang reply ko para mairita siya ng tuluyan?

If that happens, wala na akong problema. He won't date my bestfriend, hindi na mahihirapan si Willow, at siya na ang iiwas sa akin kasi maiirita siya.

"Okay..." He amusingly smiled while looking so content...

Kontento sa naging takbo ng usapan. Paano ba naman? Nanalo na naman siya.

"Okay na?"

He nodded, still smiling.

"Hindi na ako makikipag date." Pinal niyang sabi.

Nag kibit balikat ako. "Pwede ka makipag date, 'wag lang sa bestfriend ko."

I am doing this for Willow and Gabriel! Masyado ng maraming problema para dumagdag pa ang isang 'to.

He shook his head indulgently again.

Tobias is ticking me off big time.

"Hindi na ako makikipag date kahit kanino. I don't like you jealous. You hide and you ignore me. I don't like that. Sayo lang ako makikipag date, Avery."

His eyes and voice were filled with so much malice!

Akala ko ay wala na akong i-iinis pa! Akala ko ay wala ng mas makakapag pasabog sa damdamin ko! Akala ko ay sukdulan na ang irita ko sa kanya kanina!

Pero hindi pala! Mayroon pa pala?!

"Hah? Ako? Nag seselos? Nananaginip ka ata, Tobias. Hindi 'yon mangyayari."

Nagkibitbalikat siya. "Hmm... sige... sabi mo 'eh."

Argh! Nakakairita! Hindi nakakatulong kahit na ang ganda pa pakinggan ng boses niya pag nag sasalita ng tagalog!

Mas nananaig ang panunuya roon!

"Hindi nga sabi!" Giit ko!

"Oo na... edi... hindi..." he still chuckled at the end!

"Tobias! Hindi ako nag seselos!"

Kulang nalang ay padyakin ko ang paa ko para lang masabi ang punto ko!

Umirap nalang ako at umiling. "Bahala ka! Hindi nga sabi! Ayaw pa maniwala."

"Yeah..."

Napalunok ako nang abutin niya ang dalawang siko ko at hilahin ako palapit sa kanya gamit 'yon. Magaan ang kanyang pag-hila kaya hindi ko alam bakit nawalan ako ng lakas para pigilan 'yon.

His gentleness melted me. Nanlambot lang ako sa gaan ng kamay niya sa siko ko.

Marahan niya akong binagsak sa bisig niya. His embrace enveloped me once again. Ngayon... mas magaan, mas nanunuot, mas nakakapanlambot at mas nakakapangsuko.

His cotton long sleeves covering his hard muscles felt so comfortable.

I inhaled his scent and hid a smile...

Tinago ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Nahihiya sa kawalan ko ng lakas na labanan siya. Mula sa mabibigat na pag hinga ay unti-unti ng kumalma ang dibdib ko. Ang pag hataw ay malakas pa rin pero... komportable na ito ngayon.

I melted in his arms.

Pinakiramdaman ko ang puso kong galak na galak sa yakap na 'to.

His chest muscles were hard but... they were comforable.

"I missed you..." he said with so much relief.

Lumubog ang puso ko bago umahon ng malakas.

Marahan kong pinikit ang mga mata ko at siniksik nalamang ang sarili sa kanyang katawan.

"May sakit ka raw? Are you okay now?" His voice sounded so sweet I want to melt more.

Tumango lamang ako.

I inhaled him once more and felt another wave of yearning.

"Can I come with you? Then... perhaps dinner?"

Napakalambing ng pag tatanong niyang 'yon.

"Akala ko ba... fifteen minutes ka lang?" I murmured with my smallest and lowest voice.

"No... that doesn't apply to you..." he said hoarsely. "No can do, fifteen minutes is far from enough. I want full attention, Avery."

Naramdaman ko ang bahagyang pag haplos niya sa buhok ko.

"Undivided and full." It sounded like a demand.

Mariin akong napapikit, dinama ang gaan ng pag haplos niya sa buhok ko.

Avery? Nasaan na ang tapang mo ngayon? Bakit hiyang-hiya ka bigla?

Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang pisngi ko.

He tried to move away to look at me but I only pushed myself towards him, mas nag tago ako sa kanyang bisig!

Ayaw makita niya ang namumula kong pisngi at ang pagkawala ko sa lahat ng emosyon ko!

He groaned when he did not get a glimpse. Marahan siyang natawa at niyakap nalamang ako ulit. This time, mas sinikop niya ako, siniksik ang ulo niya sa gitna ng aking panga at balikat.

I felt his breath on my neck now! My breath hitched and my heart slammed hard!

Nakakahilo! Nilalagnat ata ako ulit?!

"Please..." bulong niya sa leeg ko.

I opened my eyes and nodded slightly.

"Pero... kasama ko si Willow..." bulong ko pa.

"Her driver will pick her up, may dinner sila ng pamilya niya. Wala kang kawala, don't even try to make excuses."

I bit my lower lip.

"Hindi ka kasama?" I said in a small voice.

"I am busy... I have a date..."

Mariin ko na naman pinikit ang mata ko! Akala ko may matutulong 'yon pero hindi man lang naibsan ang kiliti sa puso ko!

Date talaga? Mag de-date kami?!

I'll have a date with 'the' Tobias Lim?!

"Kung wala kang date... sasama ka?"

"No..." he drawled. "I'll work, then between my work, I will just text you... kaya replyan mo na ako, hmm?"

Napanguso ako. "Hmm... okay."

Talaga lang, hah? Avery?

Paano na 'to?

Can... I ask... that... after our... dinner tonight? Pwede kaya na isipin ko nalang ang lahat pagkatapos nito? I want to indulge myself today. Tutal naman ay nilagnat ako?

Maybe I could cease fire with myself for now? At pag bigyan muna ang sarili ko kahit ngayong araw lang?

Para akong ma-iihi sa lahat ng naiisip at pangyayari.

Wait... CR! Si Willow?!

Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakabaon sa kanyang dibdib at dumungaw para hanapin si Willow.

Shit!

Nakita ko siya, umiinom na ng frappe habang nakaupo sa may hindi kalayuan. She was giggling while looking at us! Hawak-hawak pa ang cellphone niya!

Willow?! I am sure she took a picture!

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatingin ako sa kanya! Mabilis siyang nag-seryoso at kinalap ang cellphone niya sa lamesa para mag pipindot doon.

Talagang nag panggap pa?

Wala na! Kahit ano pang gawin ko! Nakita na niya. Ano pang excuse ko ngayon? 'Uh, Willow, wala lang 'yon ha? Nag tatago lang ako.' o di kaya 'nilamig lang kasi ako, sayang naman, bodyheat, sa totoo lang hindi ko man nga siya kilala 'e,'.

I shut my eyes off before poking his chest lightly.

"T-tara na..." bulong ko.

Baka mamaya, hindi ko na mapaliwanag pati sa sarili ko kung ano ba 'tong hinahayaan kong mangyari.

He loosened his hug. "Let's go."

Akala ko ay lalayo na siya sa akin para bumitaw pero gumalaw ang kaliwang kamay niya papunta sa aking kanang kamay. Hinanap niya iyon at dahan-dahan inabot.

Bumaba ang mata ko roon. Pinanood ang bawat pag galaw ng daliri niya.

His fingers slowly crept and found home between my fingers.

His large hand enveloped mine and I felt its warmth traveling up... to my heart.

Dapat ay pigilan ko na siya diba?

Pero may lagnat ako...

Sapat na ba na rason iyon para ngayong araw?

Nang makuntento siya sa pagkakasuot ng kamay niya sa akin ay hinila niya na ako para mag lakad. Umiwas ako ng tingin habang palapit kay Willow. Bahagyang nauuna sa akin si Tob kaya siya ang sumalubong sa mga mata ni Willow.

"T-tara na ba?" Natatarantang tanong ni Willow, hinahanap ako sa likuran ni Tob pero mas tinago ko lang ang sarili ko sa likuran niya.

"Yes. Samahan ko na kayo. Ayos lang ba?" Pormal na pormal niyang tanong.

"Uh... yes... yes! Of course. Sige. Tara..." Nalilitong sabi ni Willow habang dinudungaw ako.

Tumango si Tobias at naunang mag lakad. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kaya tumambad na ako kay Willow.

Kita ko ang mga mata niya na puno ng akusasyon!

Umiling lamang ako.

Oh now, great! Willow knows!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top