Pahina 10

Fancy

"Koa, nakakuha ka na ng shampoo?" Dungaw ko sa guest room na katabi ng kwarto ko— dito matutulog si Anton at Koa habang tabi naman kami ni Willow.

"Yep! Amoy bulaklak tuloy ako, Ave! Mababawasan ang pogi points ko nito! Bukas ay kay Kuya Archer mo ako i-hiram ha?"

Tinaasan ko siya ng kilay at ni-ngisihan. "Choosy ka pa? Deal with that. At anong pogi points? May lakad tayo bukas, we'll celebrate Willow's Birthday, remember? Tayo-tayo lang ang magkakasama."

Bumagsak siya sa kama at pinadyak-padyak ang paa na parang bata! "I smell like little ponies!"

I chuckled.

This kid! "Koa! Magugulo ang bedsheets! Gusto mo ba sa labas ka patulugin ni Anton, hah?" Banta ko sa kanya.

"Edi sa kwarto mo nalang ako 'non."

"Kuya ko naman ang magpapalabas sa'yo."

"Oo na! Tanggap ko na. Tsaka nalang ako magpapa-pogi." Umahon siya at pagod akong tinignan.

"Tulog na ba si Willow?"

I nodded. "Nakausap mo na si Gab?" Balik kong tanong.

Umiling si Koa.

"Yung gagong 'yon. 'Wag talaga magpapakita!"

"Hayaan mo na. Kausapin nalang natin bukas. Sigurado ay nandyan na siya bukas."

Koa glared at the wind. "Dapat lang, dahil kung hindi, talagang bigwas 'yon sa akin."

I stifled a smile and shook my head. "Magpahinga na kayo. Babalik na ako sa kwarto ko, good night, Koa."

"Yeah, hintayin ko lang matapos maligo si Anton. Baka sipain ako paalis ng kama 'eh, mahirap na." Biro niya.

Muli akong natawa ng kaunti at kumaway para magpaalam. Sinara ko ang pintuan at lumakad na pabalik sa kwarto ko nang makita kong ang isang unread message mula kay Gabriel.

I stopped to read his message.

Gabriel: Hey, Avery. Sorry to disturb you. Nasa labas ako ng bahay niyo. Can you go out for a while? Don't tell the others.

Tinignan ko ang time stamp at halos sampung minuto pa lang naman ang lumipas. Agad akong nag tipa ng sagot habang mabilis na tinatahak ang pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa labas.

Avery: Wait for me. Pababa na.

Pinagbuksan ako ng guard namin ng pinto at nakita ko agad ang Civic niya. Naka-hilig siya rito, nakapasok ang kaliwang kamay sa bulsa habang ang isa ay hawak-hawak ang cellphone. Wala na ang kanyang coat, tanging ang inner vest at button down long sleeves niya nalang ang suot niya.

Lumapit ako sa kanya at naramdaman ng kaunti ang malamig na simoy ng gabi. I am only wearing my red satin pajamas.

Nakita ko ang tinitignan niya sa cellphone niya. It was the collage instagram story posted by Koa, kanina habang kumakain kami. Apat na tile iyon, ang una ay ang picture namin pagkatapos hipan ni Willow ang cake, ang pangalawa ay ang ni-drive thru namin na mga pagkain, ang pangatlo ay stolen shot ni Willow na kumakain ng french fries, at ang pang apat ay kami ulit apat sa hapagkainan namin.

"Are you okay?" Tanong ko nang makita ang malalim niyang pag titig doon.

Napasinghap siya at napaangat ng tingin sa akin.

Mabilis siyang nag ayos ng tayo para salubungin ang presensya ko.

I smiled. "Kumain ka na?"

He shook his head. "Sa condo na ako kakain."

"Are you sure? May pagkain pa sa loob."

Umiling siya uli bago sumandal ulit sa may pinto ng sasakyan niya. Sinundan ko siya at humilig din ako. Pinagdikit ko ang dalawang paa ko, feeling my fluffy bedroom slippers— na hindi ko na nagawang palitan.

"May problema ba, Gab?" I started.

He sighed.

"Umiyak ba siya?"

Muli akong napangiti. "Ano sa tingin mo?"

"S-sobra ba?" Bumaba ang boses niya at halos hindi ko na iyon marinig.

Ako naman ang bumuntonghininga ngayon.

"Why did you leave, Gab? Alam mo bang ikaw lang ang hinahanap ni Willow kanina."

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ang himig ng mga dahon lamang ang naririnig namin gawa ng malakas na hangin ngayong gabi.

"Is she mad?"

Suminghap ako at inanggulo ang katawan ko para matignan siya. His eyes were weary and tired, parang kaunti nalang ay pipikit na iyon, bakas din ang frustration sa mukha niya, tila hirap na hirap.

"Hindi ba ikaw dapat ang tanungin niyan? Ang sabi niya ay galit ka raw sa kanya? Ano ba ang pinag-awayan niyo?"

"I'll talk to her tomorrow..."

Hindi na ako umimik. Pinagmasdan ko nalang ang kaibigan ko habang tahimik pa rin siya na nakadungaw sa isang instagram story naman ni Anton, stolen picture ito ni Willow, tumatawa dahil sa pag bibiro ni Koa kanina sa kusina.

I am not... oblivious about it.

May pakiramdam ako sa nangyayari sa kanila. Hindi ko alam kung alam ba nila iyon... o kung napag usapan na ba nila. Ayoko lang talaga sila pangunahan dahil hindi rin ako sigurado. Bilang kaibigan nila ay aantabay lang ako kung kailangan nila ako.

But if ever... what I see and feel about them... is true...

I can't imagine the storm that will come.

My heart bleeds for them.

"I saw you... and that Lim." Pag basag niya muli sa katahimikan.

Napaahon ako mula sa pagkakahilig ko. Napaawang ang labi ko at marahan kumalabog ang puso ko... takot... na may iba ng nakakita.

Ang may makaalam na iba ay parang pag bibigay katotohanan sa lahat.

Atleast, noong ako lang ang may alam, pwede ko lokohin ang sarili ko na panaginip lang ang lahat, pwede ko ibaon ang lahat sa limot ng walang tao ang makakaalam at makikidalamhati para sa akin.

But him... telling me that he saw me with Tobias... meant it was all true.

Nangyayari nga ang lahat ng ito at hindi ako makapaniwala.

This is some kind of joke, right?

Paano umabot sa gantong sitwasyon? Parang noong isang araw ay maayos pa ang lahat. Bakit bigla nagkabuhol-buhol? O matagal na ba itong buhol... ngayon lang pumaibabaw?

"Gabriel, wala 'yon..." I let out a fake chuckle and shook my head, iniwas ko ang mukha ko sa kanan.

"... kakilala ko lang siya, nag kita kami sa Taiwan. At... uhm... diba... kaibigan mo iyong kasama niya sa La Union... at... yung ano..."

"At sinundan ka niya nung lumabas ka pagkatapos siya ipakilala? Umalis siya kahit alam niyang magkakagulo. Kahit na galit na galit na yung lolo niya at tinatawag siya ng mga magulang niya ay tumalikod pa rin siya." Pag tutuloy niya sa kwento ko... iba nga lang ang kwento niya sa gusto ko sabihin.

"Gab..." umiling ako, muling binaling ang tingin sa kanya.

"Wala 'yon, ni hindi ko nga siya ga'non kakilala... nag lalaro lang 'yon, baka bored? I-I... I... don't know."

Sinara ni Gabriel ang cellphone niya at nilagay iyon sa kanyang bulsa bago humarap sa akin.

"He likes you." He dropped like a bomb.

"No..." iling ko, "hindi! Imposible. Ano ba 'yang sinasabi mo? Coming from you pa, hah? Kakakilala niya lang sa akin, ano 'yon? Ang bilis naman." pagak kong tawa.

Isang ngisi ang sumilay sa labi niya. "Kung 'yan ang gusto mo paniwalaan, Ave. Hindi ko na ipipilit—"

"Yun ang totoo!" Giit ko.

Nag salubong ang kilay ko para ipakita ang determinasyon ko!

Hindi pwede 'to! Kailangan nila ako suportahan dito! Kung maniniwala siya na wala lang iyon, mas maniniwala ako na wala lang talaga.

But... will more believers make something true?

Muli siyang natawa, nawala na ang seryosong Gabriel kanina! At ito na nga ba ang sinasabi ko... naikot na niya ang lamesa, ako na ang pag didiskitahan niya ngayon!

"Gabriel!" Matalim na tingin ang ginawad ko sa kanya.

"Do you like him?"

Nahigit ko ang aking hininga at naramdaman muli ang kalampag ng puso ko!

"No!" Marahas kong iling. "Ano ba 'yang sinasabi mo?"

Isang hampas ang naramdaman ko sa loob, tila nagagalit ang sarili kong puso sa sinabi ko. Sumisigaw ng 'Traydor!', puno ng pag tatampo!

"I don't, okay? Wag ka mag-alala. Makulit lang talaga 'yon. Pero tingin ko naman, titigilan na niya ako." Kasi gagawin ko ang lahat 'wag lang mag krus ang landas namin.

"Just be careful, okay? Mahirap kalaban ang dalawang pamilyang 'yon. Maiipit ka sa gitna, Avery. Desidido ang dalawang pamilya na matuloy ang kasal at hindi pag tanggi ni Willow o nung lalaking iyon ang makakapag pabago 'non. The Lims are one if not the most powerful Chinese family in Manila while the Tans are powerful in Cebu..."

Marahas siyang napapikit at mahinang napamura, para bang alam na alam niya na iyon, na... sa mga salita na binitawan niya ay... matagal na ang mga iyon sa isipan niya...

Na... naaral niya na ang lahat...

"It is as good as sealed right now, Avery."

Alam ko...

Natahimik ako sa sinabi niya. Yes, kumakalap kami ng impormasyon, humahanap kami ng butas para maparaanan ang sitwasyon ni Willow, pero alam ko... mahina ang laban namin.

We're only... students, ni wala pa kaming napapatunayan, hindi pa namin kaya tumayo sa sarili namin, paano namin ilalaban 'yon?

Para kaming babangga sa pader.

"Willow can be saved. Kung wala siyang gagawin... at susunod muna... I believe... she'll be fine. Hindi siya masasaktan kung hindi tayo gagalaw. Mas masasaktan siya kung ipipilit na kumalas ngayon."

Tumalikod si Gabriel at tinukod ang magkabilang siko niya sa sasakyan para kumuha ng suporta. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang palad at bumuga ng hangin, releasing all his frustrations and his weariness.

I can't believe that I am hearing these words from him. Palabiro at maloko si Gabriel, kaya rin marami siyang kaibigan dahil talagang life of the party siya at puros kasiyahan ang inaatupag. He can be serious at times, pero... hindi ko akalain na aabot sa puntong maiisip niya ang lahat ng ito.

"But that Lim... I don't think he'll hold back, Ave. I've seen him and I know the likes of him. Wala siyang kinatatakutan. I am scared for you."

Wala sa sarili akong umiling. "No..."

Sinubukan kong tumawa ulit para matago ang kalituhan ko.

"Imposible, Gab. Imposible talaga... at... para sa akin? No way... kahibangan 'to..." trying to convince him... to convince me...

I tried to recall every memory I have with him.

Parang tinutusok ang puso ko ng karayom sa lahat ng 'to. Natatawa nalang talaga ako. Paano? Hindi ako naniniwala. Ano ba 'to? May mali, kailangan ko mahanap ang mali para maging totoo ang iniisip ko na kahibangan 'to.

Yes. I do fancy him.

I may like him.

Pero hindi talaga ako naniniwala na gusto niya ako sa ga'nong paraan. Oo, nagpapahiwatig siya... pero mas maniniwala pa akong laro lang ang lahat, lalo na sa tulad niya, I could pass as a one time thing, batang natipuhan sandali pero lilipas din dahil mas maraming mas maganda at malayo na ang narating kaysa sa akin.

I could see him with a model, an entrepreneur, or an advocate, an ambassadress, or something with a title... ga'non ang nakikita kong bagay sa kanya.

"Wala lang 'yon." Pag kukumbinsi ko uli sa kanya.

"Wala lang..." bulong ko pa ng isang beses.

"Mali ka ng iniisip, Gab." Pag-uulit ko pa.

This is the truth. Ngayon lang 'to. Kailangan ko lang palipasin ang gabi at matatapos na rin ang lahat. Hindi ko na siya makikita pa, tatahimik na ulit ang buhay ko.

"If you don't feel anything for him—"

"Wala nga sabi!"

Shit! Sa pagkakaalam ko, sa aming lahat ay ako ang pinaka hindi naiinis, pero pag tungkol sa chinitong 'yon, parang lahat nalang... ikakasabog ko.

"Habang wala pa... layuan mo na siya, Avery. Habang hindi pa malala. You'll be pinned upside down with this one." Payo niya.

Hindi ko alam pero lumubog ang puso ko ng husto.

Ga'non naman talaga ang gagawin ko...

I am ready for that.

Pero ang may mag sabi sa akin na 'yon nga ang dapat gawin ay napakasakit sa hindi ko malamang dahilan.

"Yeah... I know." Pinilit kong ngumiti.

Umayos siya ng tayo at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo ko.

He smirked. "I have a lot of friends, magaganda ang background, they came from good families as well, pili ka lang, irereto nalang kita, 'kay?"

I shot an eyebrow. "What? Your bar friends?"

He gave out a tired but genuine laugh.

"Hey! Easy there. May mga kaibigan akong misunderstood lang. They party a lot but they study well!" Depensa niya.

I rolled my eyes. "I know..." sadyang... wala lang akong gusto sa ngayon.

"Come here..."

Inabot niya ako at niyakap. Pinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat at hinayaan ang sariling maramdaman ang pitik sa puso ko.

Napabuga ako ng hangin at pinilit na ngumiti.

Inabot ko ang likuran niya at bahagya iyon tinapik-tapik.

"You'll be fine, Gab. Just... try to talk to her first."

"You'll be fine too, Avery. Hindi ako papayag na hindi."

"Halika, pakita ko na sayo mga IG profile ng mga kaibigan ko..." biro niya.

Ngumuso ako at tumawa. "Pag paalam mo muna kay Koa at Anton 'yan, tsaka ako papayag." Biro ko pabalik.

"Ako ng bahala kay Kao-kao... irereto ko rin siya..." subok niyang pagpapagaan pa sa usapan.

I chuckled and hid the quivering of my voice.

Pumikit ako at humiling na sana pag gising ko ay... iba na ang nararamdaman ko, kung hindi man... sana ay panaginip nalang ang lahat.

Gusto ko na bumalik bago ang lahat ng 'to.

Naging mabagal ang pag-usad ng linggo. Akala ko ay mabilis lang dahil may inaabangan ako sa susunod na linggo pero hindi, naging abala ako sa pag-iwas... na akala ko ay madali pero... kay hirap pala? Tila nananadya ang tadhana, kainis!

I can't wait for the week to end. Pagkatapos nito ay magiging abala na ako sa summer job ko sa kompanya ng Tito Victor ko. Simula noong nag college ako ay taon-taon ko na ito ginagawa, kilala na ako roon at inaabangan na ako sa Finance Department.

At least may pagkakaabalahan na akong iba. Pagkatapos ay malapit na rin ang bagong event na ni-organize ng Zobel para sa Healing Hands Foundation. Hindi ko pa alam ang mga detalye dahil si Kuya at ang ilang pinsan ko ang nag asikaso roon, but by the end of next week, magkakabalita na rin.

I just need to busy myself... hindi tulad ngayon na nakakulong ako sa bahay dahil pang limang araw na 'to ng pag-iwas ko.

Noong una, pagkatapos mismo ng birthday ni Willow ay nag celebrate kami kinabukasan sa Evergarden, isang sikat na restaurant dito sa syudad. Naka private room kami at maayos ang lahat, we gave her our gifts, ang alam ko ay nakapag usap na rin sila ni Gabriel kaya sobrang saya na rin ni Willow nung araw na 'yon at puros tawanan kami buong celebration.

But...

"Anton, naiwan ko ang digicam ko sa loob ng sasakyan mo. Can I get it?"

"Yeah, sure." Inabot niya ang car key sa akin.

Lumabas na ako at tinahak ang pasilyo na nag hihiwalay sa private room mula sa mismong main area ng restaurant.

Tuloy-tuloy lamang ako palabas, kinuha ang digicam at pumasok ulit... pero bago ako makapunta sa pasilyo uli ay nadaanan ng mata ko ang pamilyar na pamilyar... na mukha.

Hindi ako pwede magkamali! Alam na alam ko siya...

Pumasok ako sa pasilyo at nag tago. I tried to take a peek, hiding myself from the wall. Tahip tahip and kaba ko habang hinahanap ang tamang anggulo para mas makita siya ng maayos.

I can hear my heartbeat from the empty corridor.

I watched him...

He was having a meeting I guess? Pormal na pormal ang suot niya. Matikas ang upo. He has this gaze that says... 'you better say something important, or else, I won't close this deal,'...

I found myself smiling from my own thought. Ga'non na ga'non nga siya... his usual demeanor. Pati ang pag kunot ng noo niya ay... nakapagpangiti sa akin. Tahimik lamang siya nakikinig pero hindi ako nabagot panoorin siya.

Sometimes his lips will curve into a smirk, tila may naiisip sa sinasabi ng mga ka-meeting. If I follow what I knew of him. Sigurado akong hinuhusgahan na niya ang pinagsasasabi ng kausap. Lalo na at pagkatapos ng ngisi ay iiwas siya ng tingin at itataas ng kaunti ang kilay bago ibabalik ang tingin sa kaharap ng parang wala lang.

This chinito! Makinig ka nga. Ni-dodog show niya pa ata ang kausap niya?!

Naku... I think negative ang deal na 'to. Base sa ekspresyon niya ay hindi siya nasisiyahan talaga—

Mabilis akong napatago nang mapansin na lilingon siya sa gawi ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkataranta!

Malayong makita niya ako dahil tago ang pasilyong ito pero... just the mere thought of crossing gaze with him... can twirl my heart around.

Pinilig ko ang ulo ko.

You had enough, Ave. Time to go...

My phone beeped. Tinignan ko ang notification doon at halos ipasok ko ang sarili ko sa pader nang makita ang pangalan na naroroon.

Unknown number:

I am in a meeting. I am bored. What are you doing?

Pinakatitigan ko iyon para masigurado na hindi ako namamalikmata.

Is this for real?!

Tobias Lim is texting me while in a meeting?!

I don't know how to feel!

Kung normal na pagkakataon ay mag rereply ako ng 'Wow, how unprofessional. Listen and focus!' and then I'll know... our fight will start from there.

But that fight can send me into frenzy too.

I tried peeking again and saw that he loosened his necktie already, nakahilig na siya sa upuan niya, hindi tulad kanina na diretsong diretso ang upo. Mukhang bagot na bagot na siya at hindi natutuwa sa nag sasalita sa harapan niya.

Bumaba ang mata niya sa cellphone, tila may hinihintay. His colleague excused himself, nang makaalis sa lamesa ang ka-meeting ay pinulot niya uli ang cellphone niya.

He typed...

And my phone beeped again.

Bumaba ang tingin ko roon. Magkadikit ang dalawang kamay ko, malapit sa dibdib ko, trying to hide myself while I read his message.

Unknown number:

Hey... reply, please?

I bit my lower lip and sighed, removing the small smile on my lips.

I must really fancy him, huh?

Tumingin ako muli sa kanya. Dumagungdong ang puso ko habang pinagmamasdan siyang naiirita habang nag titipa.

My heart ran amok anticipating more expressions and actions from him...

I didn't even feel this during highschool. Kahit sa mga naging crush ko noon. Walang wala ito.

My phone beeped again.

Unknown number:

You're avoiding me?

Mariin kong pinikit ang mata ko para huminga ng maayos.

Unknown number:

You're ignoring me?

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

Unknown number:

Reply. Or else... you'll see.

I pursed my lips and rolled my eyes. Ang lalaking ito talaga! Puro pag babanta!

I looked at him again and saw him threw his phone lightly on the table. Napabuga siya ng hangin at mas niluwagan ang neck tie niya.

He looked dangerously handsome. Sobrang gwapo na niya tuwing maayos na maayos siya pero hindi ko akalain na gwapo rin siya kapag ganitong pagod na. I always thought coat and ties are just... unfashionable. Pero siya? He could walk on a runway with his.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at pinilig ang ulo ko. Ang swerte ko ngayong araw. Pwede na 'yon. Okay na ako.

Smiling, tumalikod ako at bumalik na sa private room namin.

Sa susunod na araw naman ay napag usapan namin ang magiging pag babago sa mga plano namin. Kung noon ay kakausapin si Tobias, ngayon ay hindi na, wala na iyon sa plano, mananahimik na muna kami at mag hihintay.

Gab initiated it. Priority niya si Willow which we all agreed to. Tama siya, mag fi-fifth year pa lang kami, pagkatapos ay may boards pa, marami pa pwede mangyari at mahirap kung ngayon na magkakagulo.

Willow's parents won't back down just because she'll say no. Baka mas lalo pa iyon ipilit kung sakali. I remember noong ayaw niya kunin ang Accountancy bilang course ay muntik siya ipadala sa abroad ng parents niya.

Buti nalang ay iyon din ang balak kong kunin kaya kahit papaano ay naging maayos naman sa huli.

Wala na sanang problema pero wala pa man isang buong araw pagkatapos ng kasunduan namin na manahimik na muna ay...

Nag se-set ng dinner date ang pamilya ni Willow at Tobias para sa kanila.

My mood immediately went down reading that from our groupchat. Nakahiga ako sa kama ko 'non. Niyakap ko ang unan ko habang binabasa ang sunod-sunod na messages ng mga kaibigan ko.

I watched them planned for the date. Sasama si Koa at Anton kay Willow sa date na 'yon. Gabriel said he was busy... but I know better.

Ako ay nag dahilan na may gagawin kasama si Kuya Archer kahit ang totoo ay hihiga lang naman ako, mag hihintay ng updates sa kanila.

Nakakainis! Supposed to be... itong linggo na 'to ang free week ko bago mag summer job! Pero ito ako, nag mumukmok, parang lalagnatin dahil sa bwisit na chinito na 'yon!

I feel sick, down and sad all of a sudden, pagkatapos ko siyang makita kahapon ay okay naman ako pero kauwi... sumama na ang pakiramdam ko. At dahil gusto ko makipag away sa kanya ngayon ay siya ang sisisihin ko sa sakit ko!

Natulog nalamang ako para maibsan ang sakit ng ulo ko.

I woke up with a lot of notifications from our groupchat.

Tinatanong nila kung gusto ko raw ba mag dinner. This time, I told them the truth that I am sick.

Nag back-read nalamang ako sa groupchat namin. Halos lumuwa ang mata ko sa mga nabasa ko! Nakatulog lang ako ay ang dami ng nangyari?!

So apparently, Tobias Lim showed up!

My mood turned more sour reading that! Akala ko ba...

Tss. What else?

Edi makipag date siya! Buhay naman niya 'yon.

Sana makagat siya ng insekto.

Mabilis naman gumaan ang pakiramdam ko nang mabasa na fifteen minutes lang halos ang tinagal niya. Umalis din agad pagkatapos makipag usap sa kanila— at mukhang kasundo na siya agad ni Anton?! Dahil nakausap niya raw ito at nag agree na sumipot sa mga dates!

Aba, Tobias?!

Parang bumabaliktad sa mga salita, hah?

Whatever.

Days passed, ga'non ang mga pangyayari. Nagpapagaling ako sa bahay at sila ay nakikipag date! Bwisit!

Pag gabi ay sinasamahan lang ako ni Kuya Archer sa may garden para mag pahangin at pagkatapos ay babalik na ako uli sa kwarto para makapag pahinga.

Ngayong araw ay medyo may sinat pa ako pero mas okay na kaysa sa mga nakaraang araw. Napagpasyahan ko na sumabay kay Willow para mag papalit ng ID sa university. Hindi ko na iyon malulugaran sa mga susunod na araw kaya sumabay na ako.

Thankfully... wala silang date ngayon!

Busy raw ang insekto.

I wore an off shoulder grey dress with sweetheart bodice and tied bow sleeve which is in color pink. Mag dadala nalang ako ng white cropped blazer para ipatong mamaya kapag nasa university na.

Nilugay ko lamang ang buhok ko at nag liptint para mag kakulay ang labi ko. Nag blush on din ako dahil medyo maputla pa ako.

Nauna ako makarating sa coffee shop kung saan kami mag kikita ni Willow. Sa tapat lamang iyon ng university mismo. Dito rin sila dapat mag de-'date' nung insekto dahil siya dapat ang sasama sa kanya bilang utos ng mga magulang nila pero dahil hindi siya pwede ay pumayag ako na dito nalang din kami mag kita.

Umupo ako sa may tabi ng glass wall at hindi na muna nag order.

Around ten minutes, Willow came. She was wearing a hollow out lace patchwork dress in beige.

"Wow, you're not wearing something bright?" Tudyo ko.

"Eh... this is your gift! Gusto ko makita mo na suot ko."

I laughed after her sentence! Alam na alam kong iyon ang sasabihin niya. She likes bright colors and the neutral in her wardrobe is usually a gift from me or her mom.

"Bagay kaya!" Tudyo ko pa.

Tumawa siya at bahagyang umikot para mas mapakita sa akin ang damit.

"Okay ka na ba?" Inabot niya ang noo ko para pakiramdaman iyon.

"I am fine." Tango ko.

Akmang tatanggalin ko ang kamay niya roon nang bumukas ang pintuan ng coffeeshop.

My eyes drifted towards the entrance.

Parang mararamdaman ko ulit ang lagnat ko nang makita ko kung sino ang pumasok sa coffee shop!

"W-willow! Akala ko ba h-hindi 'yan sisipot?!" Marahas kong bulong habang pinapanood si Tobias na nililibot ng tingin ang buong lugar.

"Huh? Oo nga no? Akala ko rin 'eh?" Aniya na para bang okay lang ang lahat!

Hindi okay! Walang okay! Ano 'to?

Mag thi-third wheel ako rito?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top