Pahina 1
Antipatiko
"So..."
Nag-angat ako ng tingin kay Koa na naunang mag salita.
Oh! Yeah. That.
Lumipat ang tingin ko kay Willow.
"What is your balita pala?" Tanong ni Anton, inunahan na kami sa bagal namin humanap ng tyempo.
Nagtaas ako ng isang kilay.
Maarte boy, Antonio!
"What's your valita falah?" Panggagaya ni Gabriel sa kanya habang iniikot ang mata.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na ni-tikom ang bibig para pigilan ang pag tawa!
What the heck?!
What was that! That's so unbelievably funny!
"Arte mo, bro." Komento pa ni Koa.
"Great!" Binaba ni Anton ang kubyertos niya sa ibabaw ng pinggan.
"The only time you both agree with each other, and it will be about me?" Inis niyang tanong.
"Boys." Banta ko.
Mag sasalita pa sana si Gabriel pero natigilan siya nang marinig ako. Suminghap si Koa at ngumisi nalamang habang tinaas-taas ang kilay para magpacute sa harapan ko.
I then turned to Willow again, nawawala siya sa iniisip niya, parang kay lalim 'non.
"Hey... are you okay?" Tanong ko.
Inabot ko ang braso niya at mataman siyang tinignan hanggang sa makabalik. Bumaling siya sa akin at malungkot na tumango.
She shook her head.
"Why? May masakit ba sayo? Anong problema?" Sunod-sunod na tanong ni Gabriel.
Mabilis siyang tumayo at lumapit sa tabi ni Willow. He kneeled his right knee for support as he looked closely for any pain or injury from Willow.
Nawala ang atensyon ni Willow sa akin at napabaling kay Gab. Hindi ko makita ang reaksyon ni Willow pero umiling siya ulit.
"I-I..." garalgal ang kanyang boses.
Lumapit ako ng bahagya para mahawakan siya sa likuran.
"I am being..." Iniwas niya ang tingin mula kay Gab at yumuko nalamang.
"... promised to someone..." napaawang ang labi ni Gabriel.
Hindi ko naiintindihan. Anong promised to someone? What does it mean to be promised? For what? Anong kasunduan iyon?
Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Si Koa ay kamukha ko, parang hindi naiintindihan ang nangyayari habang si Anton ay seryoso lamang na nakatingin kay Willow.
Talagang ako lang at si Koa ang hindi nakakaintindi nito?
"Tal..." mahinang banggit ni Gabriel sa second name ni Willow.
Yumuko siya sandali bago tumayo.
"Manghihingi lang ako ng tubig."
Tumango ako at ngumiti kay Gab. Willow looked like she lost all her spirit and might faint anytime soon, kailangan nga niya uminom ng tubig.
Umalis si Gab kaya muli kong hinarap si Willow.
"Willow, anong ibig mo sabihin? I am sorry... I don't get it. Promised for what?" Diretso kong nalilitong tanong.
Bakas na bakas sa mukha ko ang pagkalito. Bumaba ang tingin ko at nakitang nakakuyom ang kanyang mga palad habang nakayuko pa rin.
"Low..." inabot ko ang kanang kamay niya at pinisil iyon para lumuwag ang pagkakakuyom.
Umiling siya, ayaw sumagot.
My heart hurt for how down my bestfriend is.
"It means... she's arranged to be married to someone already." Pag sagot ni Anton.
Marahas akong napabaling kay Anton. Halos mabitawan ko ang kamay ni Willow sa gulat. Doon lang lumiwanag ang lahat sa isipan ko. Parang tuwing nag e-exam at nakabasa ako ng keyword, unti-unting pumasok sa utak ko ang mga detalye.
Chinese. She's a chinese. Hindi man ako maalam sa kultura nila o ano man, I have heard of this before from a very few people I know who are also Chinese. But... lahat ng kakilala ko ay hindi na sinusundan ang ganitong uri ng pagpapakasal.
Arranged marriage, traditional marriage, marriage of convenience, pragmatic marriage, whatever you call that kind of marriage...
Ngayon lang ako nakarinig ng actual na susunod doon. At sa bestfriend ko pa?
"Low... si tita? Si tito? Pinagkasundo ka? Kanino? Bakit daw? I mean... I never knew your family still follows—" Hindi ko mapigilan itanong lahat iyon.
"Akala ko rin... hindi ko rin maintindihan bakit biglang ganito. Hindi ko pa sila nakakausap, sinabi lang nila kagabi over dinner and sa sobrang pagtatampo ko, I just went back to my room and never went out hanggang mag umaga. Then... I left with you guys." Parang kakapusin siya ng hangin sa lahat ng sinabi niya. "I... don't even want to understand..." bigong-bigo niyang sabi.
"Hindi ko pa rin maintindihan, Anton." Rinig kong litong tanong pa rin ni Koa.
Napapikit nalamang ako at dinaluhan ko ang kaibigan ko. I embraced her tightly from the side and let her hide herself within my embrace. I am sure she's crying, sa pag galaw pa lang ng balikat niya ay alam ko ng umiiyak siya.
I caressed her back to lessen the heaviness she's feeling.
"Ang tagal naman ni Gabo, hanapin ko muna." Ani Koa, tinatakasan ang kaseryosohan ng sitwasyon.
"N-no..." tumayo si Willow.
Nabitawan ko ang kamay niya.
"... I will... l-look for him..."
Hindi niya na kami hinintay makapagsalita pa at umalis na sa lamesa namin. I wanted to follow her pero alam kong mas mainam kung silang dalawa na muna. They have been the closest sa aming lahat, Willow depended on him a lot and Gabriel has been taking care of her a lot too.
Gabriel's love language to give is act of service and while he gives us that all the time, mas lalo kay Willow.
Naiwan kami roon na nakatanaw sa kanya. Napabuntong hininga ako at napasapo sa noo. Hindi pa nga tapos ang unang problema namin sa isang kaibigan ay mayroon na naman?
Iniisa-isa ba kami ng mundo?
"I guess we shouldn't party tonight," Pagbasag ni Anton sa katahimikan namin.
Tumango ako. "Kailangan din natin umuwi ng maaga bukas."
"Wala ba tayong magagawa para kay Willow?"
"Hmm..." napaisip ako sa tanong ni Koa. "For now, I think... wala pa, pero we can observe for a while. Personally, I don't understand the depths of their traditions and their strictness over this matter, kaya hindi ako makakapagbigay ng opinyon, plus... we don't know her family's plans yet. But I suggest... we think of a way when we have a lot of information on our hands."
Anton nodded. "I agree. Mag tatanong-tanong din ako. I'll ask my parents about this, baka may alam sila. And... I'll ask... someone to... look over this matter."
Anton's family, the Lopez, are very powerful. They are on the shipping business, as far as I know, at marami pa silang side businesses, ang koneksyon nila ay mula Pilipinas hanggang sa ibang bansa. So... I know when he say he'll ask someone to look over this matter, we'll know a lot in no time.
Napatango nalamang ako at muling napabuntonghininga habang hinihilot ang sentido. I even caught a glimpse of that Chinito! He was looking at me with so much seriousness and depth but when he noticed that I was looking back at him, nag iwas ng tingin ang gwapong masungit!
Napanguso ako at napailing nalang. Kung kanina ay makikipag laban ako ng kasungitan sa kanya, hindi muna ako papatol ngayon. I am so shocked with what I found out about my bestfriend.
Hindi nag tagal ay nag bill out din kami, pinaliwanag ni Anton kay Koa ang sitwasyon, he's oblivious about matters like this, kailangan sabihin mo sa kanya ng diretso dahil napaka positibo niyang klase ng tao, hindi niya maiisip ang mga ganitong isyu.
"Let's go..." anyaya ni Anton at tumayo.
I nodded.
"A-avery..." narinig kong tawag sa akin mula sa katabing lamesa.
Sandali kong nadaanan ang masungit na chinito bago nahanap ang taong tumawag sa akin, iyong kaibigan ni Gabriel kanina.
Lahat sila sa lamesang iyon at napabaling ng tingin sa akin, maliban sa masungit ng chinito!
"Aalis na k-kayo?" What's with the stuttering?
"Yes." Tugon ni Koa para sa akin.
Ngumiti nalang ako at tumango.
"Uuwi na kayo sa Manila?" Tanong ng isa.
I shook my head. "Tomorrow morning pa." Sagot ko gamit ang tono ng boses ko tuwing hindi ko kakilala ang kausap.
A little bit cold but still gentle.
"O-oh..." maagap na salita noong kaibigan ni Gabriel.
"Mag pa-party ba kayo mamaya?" Dagdag niyang tanong, ngayon ay may ibayong lakas ng loob na ata?
Narinig ko ang pag 'tss' ni Anton sa gilid habang tinatapik na ni Koa ang kahoy na sahig dahil sa inip.
These boys! Lagi nalang!
Pinilit kong wag mainis sa mga kaibigan ko at nag kibitbalikat nalang bilang sagot.
"We're not yet sure. Tatanongin muna namin si Gabriel." I safely answered, I don't want to tell them our plans or whereabouts.
Kahit na sigurado akong hindi na kami makakapag party dahil sa impormasyon nalamang mula kay Willow.
"Oh... okay! See you around?"
What? No more stuttering?
"Baka hindi pare, hindi lumalabas ng classroom ito." Ani Koa at inakbayan ako.
Nanlaki ang mga mata ko at matalim na tinignan ang kaibigan ko!
"Bye... we have to go!" Nahihiyang pamamaalam ko at hinila na si Anton at Koa sa magkabilang gilid ko para umalis na.
"We won't see you around!" Nakangiting kaway ni Koa habang lumilingon pa para mahabol sila ng tingin!
What the fuck?!
Hindi ko na nagawang tapunan ng tingin iyong lalaking... wait... bakit kailangan ko siya tapunan ng tingin? He'll surely just either show me a mocking smirk or will just give me a look that says he's pissed.
Kaya mabuting 'wag nalang talaga!
Agad kong ni-siko sa tyan si Koa nang makalabas na kami sa Kabsat.
"Aray!" Daing niya.
Hinawakan niya ang tyan na para bang namimilipit siya sa sakit, that wasn't even half of my strength! OA! Nalukot ang mukha niya at nag panggap pa na nasasaktan.
"That hurts, you know?"
Napabuga ako ng hangin at napairap! "That's what you get for being so rude. They were just asking, Koa."
He looked offended immediately!
"Asking? 'Eh halata naman na gusto ka nung kaibigan ni Gabo. Suportahan mo nga ako rito, Ton!"
Tumango si Anton at bumaling sa akin na para bang sa kabila ng pagka-bored niya ay sumasangayon pa rin siya.
"Yes... I do agree... wala naman masama if boys like you... alam mo 'yan, we're not to stop you or what, you're old enough plus sanay na kami sa mga nagpapapansin at gustong manligaw sa'yo. It's just... that boy's reputation... is no good, Ave." He said lazily.
Kumunot ang noo ko.
Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?
Sinabi ko bang gusto ko 'yon? I am not even a bit interested! Mas advance pa sila mag isip kay'sa sa akin!
"Hindi dahil kinausap ako ay gusto na agad ako. Ilang beses ko ba ito kailangan ipaliwanag?" I groaned!
Humalukipkip ako at natawa ng kaunti—na puno ng sarkasmo.
"Please, listen. I am not a bit interested, okay? Ang priority ko ngayon ay ang latin honors ko at ang boads pagkatapos. So you can ease those overthinking head of yours. Problehamin niyo ang mga love life niyo, not mine."
I pursed my lips and angled my head to the side. Tinaasan ko sila ng kilay at inirapan nang sumimangot sila sa harapan ko.
"Fine. Sorry na. Eh kasi naman 'eh. Ang bano 'nun! Lagi may ka-make out sa bar at hindi nag-aaral! Okay lang sana kung may ka-make out pero nag aaral, ang kaya lang, hindi! Titi—"
Maagap kong tinakpan ang bibig ni Koa! Pinanlakihan ko siya ng mata habang si Anton ay bahagyang napahalakhak sa muntik masabi ni Koa! Wow! Tss!
Bakit ba ako naiwan sa dalawang 'to?!
Ritzelle, I hope you're here!
"Shush!" Bawal ko sa kanya!
"Tss. Conservative mo naman, Miss Crush ng Bayan!" Pag-alis ni Koa sa kamay ko.
"Shut up! Tara na nga, we have to find Gab and Willow,"
Iniwan ko na sila roon at nauna na mag lakad palayo sa Kabsat.
Tama nga ang hinala ko, although Willow's mood was up already nang madatnan namin sila AirBnb, as Gab was trying to make her laugh and as always, he's always successful— ay wala na kami lahat sa mood para lumabas at mag party.
Lumabas nalang kami nang mag eleven o'clock na para umupo sa may dalampasigan at tanawin ang madilim na gabi. There were no visible stars at that time, lukob na lukob ang La Union ng dilim, malakas din ang hampas ng alon at malamig ang gabi.
Pero sa kabila 'non, the warmth of my bestfriends' laughter and stories warmed my heart.
I watched them goof and made fun of each other as Willow and I tried to warm ourselves using the same blanket. Tawa kami ng tawa habang nag tutulakan si Koa at Gabriel sa buhangin.
"Alam mo, yung pangalan mo, parang tahol ng aso?" Pang aasar ni Gabriel kay Koa.
"Huh?" Litong balik ni Koa.
"Kao! Kao! Kao!" Pag babaliktad ni Gabriel sa dalawang letra sa dulo ng pangalan ni Koa.
Napanguso ako para mapigilan ang pag tawa pero hindi pa rin talaga mapigilan, it was so funny because Gabriel tried to bark like a dog!
Parang uusok naman ang tainga ni Koa sa sinabi ni Gabriel. Mabilis itong tumayo at umambang dadaganan si Gab kaya tumayo ang huli at tumakbo.
And there, Koa chased Gabriel while Gabriel was barking 'Kao! Kao! Kao!' as he ran!
"Oh please, Anton, stop them!" Ani Willow.
Anton groaned and stood up. "Both of you! Stay!" Sigaw ni Anton sa dalawa.
Nagkatingingan kami ni Willow na para bang pareho namin nakuha ang ibig niyang sabihin sa eksaktong oras!
And we both ended up laughing again as we watched our friends fight each other.
"You'll be fine..." I assured Willow habang nag hahabulan pa rin ang mga lalaki.
Lumingon siya sa akin, nag niningning ang kanyang mga mata. May bahid ng pangamba pero hindi makukubli ang saya roon.
"We're here, I am here, you got us, okay?" I assured again.
Her eyes glistened and she nodded. "Thank you, Avery. I love you."
I smiled sweetly and placed my head over her shoulder. "I love you too, bestfriend."
Malamig ang gabi pero ang init ng dala nilang comfort sa akin. I will do everything for them, I will make sure to help them in every way I can. Hindi ko sila papabayaan. I have failed to protect Ritzelle and I won't make the same mistake again.
Masaya pa rin ang naging bakasyon namin kahit na umuwi na kami kinabukasan. Mag ta-taiwan ang pamilya ko sa darating na biyernes kaya magiging abala ako sa buong linggo para mag handa para roon.
We'll be staying there for five days, pag balik ay birthday na ni Willow at magkakaroon ng malaking party, imbitado kami kaya marami akong kailangan bilhin tuesday pa lang. Wala na akong oras bumili ng gown pagkauwi mula sa Taiwan kaya mag hahanap na ako 'non agad, isasabay ko sa pag bili ng sweater at jacket na gagamitin ko sa Taiwan.
Hindi naman ga'non kalamig sa Taiwan ngayon, we already checked the possible temperature there via internet, sakto lang, around ten to fifteen degrees celsius perhaps? So I only need to wear sweaters or jackets that will keep me warm, bilang isang lamigin.
Together with my brother, Kuya Archer, nag punta kami sa mall para mag hanap ng mga pahabol na dadalhin sa Taiwan. We went to different stores kasi iba kami ng fashion sense. Napag pasyahan namin na mag kita nalang mamaya sa Mango dahil doon kami pareho madalas may gusto.
I went to a store that I know sells cropped jackets. Gusto ko makahanap ng sakto lang sa balakang ko, hindi mahaba pero hindi rin maikli, it will surely look good with my denim pants.
I shopped enough, trying to fit everything within my budget dahil ga'non kami pinalaki nina mommy. They will give us a budget and then kami na bahala gumawa ng paraan para pagkasyahin 'yon sa mga kailangan namin para sa isang buwan.
But this time, dahil bakasyon at wala kaming baon, mas kaunti ang binibigay nila. Two weeks from now ay mag ta-trabaho naman ako sa kompanya ng tito ko, kapatid ni mommy kaya may kikitain ako.
Contrary to people's opinion that we can buy everything we want and in a snap... I can get anything I wish for, hindi kami ga'non pinalaki at thankful ako roon.
I like my parent's parenting style towards me and my kuya.
Marami akong natututunan at mas tumitibay ako.
Lastly, malapit na ang birthday ng kapatid ko, second day namin sa Taiwan ang birthday niya. Pinag ipunan ko na ng matagal ang regalo ko kaya naisipan ko na rin bilhin iyon.
I plan on buying this particular suede shoes he likes. Ilang buwan ko rin pinag ipunan 'to dahil sigurado akong ito ang gusto niya.
Tinungo ko ang store kung saan ko mabibili iyon. I looked around with the help of the sales lady who ecstatically guided and helped me. Alam ko na ang bibilhin ko dahil alam ko ang gusto ng kapatid ko pero parang may ibang bagay para sa kanya?
This is so hard! Parang may mas ibang bagay sa kanya!
Should I pick that instead? But... mom said... bilhin ko kung anong magugustuhan ng reregaluhan ko at hindi ang gusto ko para sa reregaluhan ko.
Fine!
"Hmm..." pinakatitigan ko pa ang sapatos na gusto ng kapatid ko.
"I'll get this one..." pag suko ko sa sarili ko.
Mabilis na ni-tugon iyon ng sales lady at iginiya na ako sa cashier para mag bayad.
Kuya Archer! Be glad I am your sister!
Sana mag improve na rin ang pag reregalo niya sa akin, nagpapakahirap ako rito mag regalo ng maayos at maganda habang siya hindi ko lubusan maisip kung saan niya napupulot ang mga regalo niya sa akin!
Last year, his gift for me was a cooking set... not the real ones! But a toy set! Akala niya ata bata pa rin ako? He's stuck there!
"Thank you..." pasasalamat ko sa cashier habang inaabot ang debit card ko.
"Buying a gift for your boyfriend, huh?"
Like a flash, mabilis akong lumingon sa lalaking nag salita!
Hindi ako pwede magkamali sa boses na iyon! It has only been two days, pamilyar pa rin iyon sa akin, parang kahapon lang, tandang-tanda ko pa rin ang lalim, tono at ganda ng boses niyang iyon.
Sumalubong sa akin ang kunot-noo niya. His eyes were deep and brooding! Matigas ang titig at panga. No... his whole expression was hard! Ang laki ata talaga ng sama ng loob niya sa mundo, huh?
Ibang iba sa La Union, he was wearing a navy blue polo with collar and hem band. Not too tight, not too loose, saktong sakto ito sa kanya. It was paired with denim pants and his own suede shoes.
Sporting his brooding chinito eyes, muli na naman akong natameme!
I didn't even know chinito eyes can be this dark and brooding. I only see people that I know with the same kind of eyes as... cute.
But his... is different.
My throat felt suddenly dry! And... I felt conscious! At bakit, Avery? Why will feel all these? Siguro ay naiinis talaga ko sa kanya!
I felt a punch on my gut.
Edi kasi mainis siya sa akin. Maiinis din ako sa kanya!
"What?" Iritado kong tanong.
"You give your boyfriend shoes as a gift? You don't know the implication of such as a gift?" Kulang nalang ay kumahol siya sa inis sa akin.
Bakit pa ba ako kinakausap nito kung sobrang inis at iritado rin naman siya? Hindi ko naman siya kakausapin kung ako man ang unang nakakita sa kanya!
Tss. Hindi ko na 'to kasalanan, sa kanya na 'to! Hindi ko na responsibilidad ang kasungitan niya.
"What boyfriend? And what implication? Are you drunk?" I leveled his intensity with my irritation!
Sandali siyang natigilan at tila namangha pero mabilis din iyon bumalik sa pagkainis. He rolled his eyes at the end, probably thinking of something again! Napaka judgmental talaga nito!
Wow. This annoying jerk!
Naninikip ang dibdib ko sa mga mapanghamak niyang tingin!
"Kapag daw nag bigay ka ng sapatos bilang regalo, posibleng kahinatnan 'non ay umalis ang taong pag bibigyan mo 'non sa buhay mo kalaunan."
Napakurap-kurap ako. I couldn't focus on the context of his words! Masyado akong namangha sa tagalog niya. He delivered it so well! Akala ko ay ang ganda na ng boses niya sa ingles pero... his tagalog is even better to listen to!
I could literally listen to him talking the whole day!
And why will I listen to him for a whole day?!
Heck, Avery!
"And so what? Mind your own business." Irap ko dahil sa totoo lang ay hindi ko man naintindihan ang sinasabi niya dulot ng pagkawala ko sa paninitig sa kanya at pakikinig sa ganda ng boses niya.
I listened but didn't get a thing. I only listened but did not understand!
"What did I do to you?" Mas iritado niyang tanong.
Napaawang ang labi ko sa tanong niya!
Anong what did I do to you?! At bakit napaka iritado niya?!
Hindi ba dapat ang tanong ay 'What did I do to him', para pag sungitan ako ng ganito?!
"Excuse me?"
I am so offended!
"You're so kind towards other people, pero sa akin ay sobrang iritado mo. I even helped you with your hanky, but this is how you return it?"
I cannot believe this! Napaka imposible ng lalaking 'to! Umiinit talaga ang ulo ko sa kanya. This is definitely far from my personality! Normally, I couldn't care less, pero he has this ability to annoy me so much!
Siguradong nalilisik na sa inis ang mga mata ko. Gusto kong sumigaw sa inis dahil sa lalaking 'to!
Naningkit ang mga mata ko habang matalim siyang tinitignan. Nasisigurado ko na mas singkit pa ako sa kanya ngayon!
Gwapo nga, antipatiko naman! Aanhin ko iyon?
Chinitong antipatiko!
Binuka ko ang bibig ko para mag salita pero mabilis ko rin iyon sinara.
Another thing he does to me, my vocal self is mum in front of him! I was lost for words!
"You know what? Nevermind. Give that to your boyfriend para umalis nga siya." Masungit niyang sabi bago ako tinalikuran.
Nalaglag ang panga ko habang sinusundan siya ng tingin. He went to where I was before and got the one I wanted to give my brother! Iyong sa tingin kong mas bagay niya! He asked for a size and remained annoyed as he sat down on a sofa chair.
Ga'non ba kaliit ang mundo para makita ko siya rito?
How unlucky I could be!
Ako na ata ang isusunod ng mundo pagkatapos ni Willow?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top