Pahapyaw

Sinalubong ako ng malakas na hangin mula sa Tongatok Cliff. Hinayaan kong hipan ng hangin ang buhok ko, may iilan pa na tumama sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil sa maikli kong buhok.

Marahan kong hinaplos ang mga pasaway na buhok sa may bandang pisngi ko, I suddenly missed my long hair, but my short hair is definitely fit to fight the gusty winds of Camiguin.

Humilig ako sa kahoy na barandilya habang pinapanood ang pag baba ng araw. Hindi masyadong kuha ang sunset sa parteng ito pero napaka ganda pa rin, hindi tanaw pero sapat na para makita ang ganda ng kahel na langit.

My now short hair was blown softly and I felt my heart pounded with it.

I have affiliated the person I missed the most... with the setting sun.

Tuwing naririto ako sa Tongatok, niyayakap ng malamig na simoy ng hangin at tanaw ang nag-iibang kulay ng langit... ay parang pinaluluguran ko ang pagkasabik ng puso ko sa kanya.

Dahil tulad niya, kahit hindi ko tanaw, ay alam ko na sasadyain ko pa rin, gusto ko pa rin, at mamangha pa rin ako kahit gaano man kalayo ang abutin.

Pero tulad din ng araw, hinding hindi ko malalapitan. Hindi maaabot. Kahit anong tingkayad, lakad o takbo ang gawin, mananatili siyang malayo.

I would get burned touching him.

So I'll yearn for him from afar, I'll let my love burn for him.

As the color of the sky changed, my heart will ever be the same.


Hi Inspirados! I am sorry Pahapyaw got late, this story was supposed to be just a trial to start something new... I didn't expect a lot of you will love it. I want to widen my writing and this is a step, I hope you'll be with me in this journey.

Thank you! Have a good read, see you till the end!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top