Chapter 8


Debbora

Matapos ang kabastusan na ginawa sa akin ni Ryke, bigla na lang siyang nawala. Iniwan ako rito sa kuwartong mag-isa, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dito.

Gusto ko makaalis dito dahil nag-aalala ako sa mga magulang ko, kaya kailangan kong umisip ng paraan kung paano makakalabas dito. Lumibot ang mga mata ko sa paligid ng kuwarto at may nahagip ang mata ko, isang baseball bat. Nakasandal ito sa gilid ng cabinet, lumakad ako at nilapitan ito at napapangiti na lang ako sa naiisip ko. Bahala kang magalit, Ryke.

Lumapit ako sa may pintuan at pumuwesto sa harapan nito, iniangat ko ang baseball bat at ubod lakas na hinataw ko ang pintuan. Nayupi lang ito, kaya muli kong inulit ang paghampas. Nawasak ang gitna nito, ngunit bahagya lang kaya naman muli ko itong hinataw hanggang sa lumaki na ang sira. Kasya na ang tao kapag lumusot ka dito, napapangiti naman ako dahil sa wakas makakaalis na ako dito.

Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahan ako'ng naglakad palabas. Wala naman ako napansin na mga tao dito sa loob kaya naman binilisan ko ang lakad ko. Hindi ako puwede dumaan sa gate dahil may mga guard. Lumakad pa ako sa kabuuan ng bahay hanggang sa makarating ako ng kitchen.

May maliit na bintana ako'ng nakita at mukhang kasya ako doon, sumampa ako sa lababo at pilit na ipinasok ko ang katawan ko sa maliit na siwang nang bintana. Hindi ko nakita ang babagsakan ko kaya naman naramdaman ko na lang na may ilang tumusok sa balat ko na kung anong matinik.

"Ahh.. Ang sakit!" mahinang daing ko dahil ang kirot. Napansin ko ang dugo na nasa braso ko, pero binalewala ko na lang ito dahil gusto ko ng mapuntahan ang magulang ko.

Nakalabas ako ng bahay ni Ryke na walang nakakapansin, patakbong tinahak ko ang daan kahit hindi ko alam kung saan ang labasan dito. Masakit ang talampakan ko dahil walang sapin ang mga paa ko, patuloy lang ako sa pagtakbo at lakad.

Ngunit napahinto ako ng matanawan ko ang sasakyan ni Xander. Shit! S Xander! Paano siya napunta dito? Hindi ko na tuloy malaman kung saan ako pupunta o tatakbo dahil natataranta na ako. Lumakad ako at tumakbo ako sa abot ng makakaya ko ngunit naabutan ako ni Xander at humarang sa daraanan ko ang kotse niya.

"Debbora!" Malakas na bigkas ni Xander ng makababa na ito sa kotse niya.

Umiiling naman ako at balak ko pa ulit tumakbo pero mabilis na nahawakan ni Xander ang buhok ko.

"A-aaa.. Fu*k! Xander!" sambit ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak nito sa buhok ko.

"Akala mo ba matatakasan mo ako, Debb? Ngayon sa akin ka na." matigas ang tono na sabi nito.

Puwersahan na hinatak ako nito papasok ng kotse at tinakpan ang bibig ko, wala naman ako mahingaan ng saklolo dahil sa walang katao-tao dito sa kalsada.

Pasalyang pinasok niya ako sa loob at tumama ng malakas ang ulo ko sa bintana at nakaramdam ako ng pagkahilo,  narinig ko pa na tinatawag ni Xander ang pangalan ko hanggang sa tuluyan na pumikit ang talukap ng mga mata ko.

---------

Masakit ang ulo na kusang dumilat ang mata ko, nabungaran ko agad ang nag-aalalang mukha ni Xander.

"God! I'm so worried about you, Debbora. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa'yo." turan nito sa akin at lumapit sa kinahihigaan ko.

Hinawakan naman nito ang palad ko at pinisil, marahas na hinawi ko ang kamay ko at tiningnan ko siya ng masama.

"Huwag ka ngang magpanggap, Xander! Dahil hindi bagay sa'yo. At huwag na huwag mo akong mahawak-hawakan dahil nandidiri ako saiyo!" sarkastiko na sigaw ko sa kanya at inirapan ko siya.

"What are you talking about? Totoo ang pag-aalala ko sa'yo at hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal." seryoso na sabi nito at yumuko, nagbago ang itsura nito ng muling umangat ang mukha nito sa akin.

Nakaramdam ako ng takot sa klase ng pagkakatingin niya pero hindi ko ito pinansin dahil mas pinairal ko ang galit at pagkasuklam ko sa kanya.

"I don't care, Xander!" tumayo ako at dahil balak ko ng umalis sana pero marahas na hinatak ako nito pabalik ng higaan kaya napahiga ako.

"At saan ka naman pupunta? Dito ka lang at hindi ka makakaalis!" singhal nito sa akin na nakadagan  sa ibabaw ko.

"Demonyo ka!" sigaw ko dahil lumapit na ang mukha nito sa akin. Nagpupumiglas ako dahil sa hinaharas niya na ako.

"Pagsisihan mo dahil hindi natuloy ang kasal natin, kaya akin ka ngayon." mala-demonyong sabi nito at pinaghahalikan ako sa leeg at sa pisngi.

"Huwag! Gago ka! Xander!" sigaw ko at pilit na umiiwas sa mga nakakadiri niyang halik.

Halos masira na ang damit ko dahil sa ginagawa ni Xander at isang pangalan ang kusang bumigkas sa isipan ko. Ryke!

Natigilan ako ng biglang tumigil si Xander sa ginagawang kademonyohan sa akin dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ang narinig namin.

Tumayo naman ito agad at tiningnan ako bago lumabas ng pinto.

"Boss, si Ryke na na sa labas."

Narinig ko pa na sabi ng lalaki na nasa pintuan bago muli nitong sinara ang pintuan. Naiwan ako ulit rito sa loob at inaayos ko ang damit na halos mahubad na, naiiyak na napaupo ako sa gilid ng higaan. Sandali, si Rkye? Pinuntahan niya ako ililigtas niya ako.

Tumayo ako at sumulip sa bintana nakita ko sa may gilid ang dalawang lalaki na magka-usap, alam ko agad kung sino ang magkausap na 'yun. Si Ryke at Xander, pero bakit ganun parang magkakilala sila?

Sa pag-iisip ko biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may nakasukbit na baril sa dibdib nito. Hinawakan na lang ako nito sa braso at hinatak palabas ng kuwarto.

"Saan mo ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako. Nasaan si Xander." reklamo ko dito sa lalaki pero hindi manlang ako nito kinibo.

Dinala ako nito sa may likod bahay at doon sinakay sa kotse, nakaramdam naman ako ng kakaiba. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ko si Xander papunta dito at may hawak na baril shit! Bakit siya may hawak na baril?

"Tara na, Dan." sabi nito ng makasakay na sa kotse.

"Wait, saan mo ako dadalhin? Nasaan na si Ryke?" sunod-sunod na tanong ko kay Xander.

Nginisihan naman ako nito na bagay na hindi ko nagustuhan, nakaramdam rin ako ng kaba dahil sa kung ano ang balak ni Xander sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top