Chapter 6

Debbora

Yamot na tinitingnan ko ng masama si Ryke dahil mukhang wala siyang balak na magsalita tungkol dito sa pagkuha niya sa akin.

"Ano pang hinihintay mo? Magpalit ka na ng damit mo." nakakunot ang noo na baling nito sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng naiinis na tingin, lumibot ang mata ko sa paligid. Dahil hinahanap ko ang cr, siguro nabasa niya ang iniisip ko dahil umayos siya ng upo at tinuro niya banda doon sa may nakabukas na pinto. Noong nagbihis kasi ako nakaraan dito lang sa kuwarto at hindi na ako nag-abala pa na pumunta ng cr saka wala naman siya dito sa loob no'n eh ngayon mukhang wala siyang balak na lumabas.

Naglakad naman ako papunta doon sa tinuro niya, pumasok ako sa loob at ganun na lang ang pamimilog ng mata ko ng makita ko ang banyo.

Oh, my gosh! Nababaliw na ba siya? Paano ako gagamit ng cr kung ganitong makikita ka rin sa loob nito. Dahil all glass ang design nito, yes maganda siya as in pero my god! Paano ka maliligo o gagamit ng cr kung ganitong kita ka naman sa loob?

"Nagustuhan mo ba?"

Halos lumundag naman ang puso ko sa gulat dahil sa paos naboses na nagsalita sa likuran ko.

"Yes! Gustong-gusto ko siya, bakit hindi ka maunang gumamit diyan sa crazy mo na C.R." inis kong wika sabay walk out palabas.

"Sure, bakit gusto mo ba ako panoorin habang naliligo ako, with my hot body?" mapang-asar na sabi nito.

"Grabe ang kapal mo!" Inis na sambit ko habang naglalakad ngunit naramdaman ko na lang ang pag-hawak nito sa kamay ko at hinila ako, sinandal ako nito sa pader at dinikit ang katawan nito sa akin.

"A-ano ka ba? Lumayo-layo ka nga sa akin, a-akala mo ba o-ok na ta-tayo?" nagkakandautal na sambit ko dahil ang lakas ng pintig ng puso ko ngayom, langhap na langhap ko kasi ang mabangong hininga niya.

"Seryoso ka? Bakit mukhang kinakabahan ka yata?" mapang-akit na bigkas nito habang titig na titig sa mata ko. Virgin ka pa ba? Hindi naman halata." sabay tawa nito at umalis na sa harapan ko.

"Fu*k ka! Ang kapal ng mukha mo!" gigil na sabi ko dahil sa sinabi niya at tuwang-tuwa pa siya, buwesit siya.

Naiwan na inis na inis ako, ugh! Kakainis ka talaga Ryke at ang yabang mo na siraulo ka! May araw ka rin sa akin, kakainis ka! Lumabas na ako ng pinto at nagbalik sa doon sa higaan. Napansin ko na wala na si Ryke pati na ang mga in-can na ininom nito kanina. Mabuti naman umalis na siya.

Naisip ko naman na buksan ang pinto pero hindi siya naka-lock, bakit kaya niya ako kinuha? Ano ba ang balak niya sa akin? Masaya pa naman sana ako dahil finally nagkita kaming muli after 10 years. Pero ibang-iba na siya. Mabilis na lumabas ako ng pinto at pansin ko ang may kadiliman na sa paligid, mukhang gabi na ata.

Nakalabas ako ng pinto ng walang Ryke na nakakita, dali-dali ako'ng nagpunta sa may gate. Nakita ko na may guard kaya mabilis na nagtago ako sa mataas na halaman, muli kong sinilip sa pagbaba-kasakali na puwede na ako'ng lumabas sa pinagtataguan ko. Pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng may tumakip sa bibig ko at sakop ng isang kamay nito ang isang dibdib ko. Bastos!

Muli akong dinala na kung sino man dito sa loob ng kuwarto at pasalyang binitawan ako nito sa higaan. Kita ko naman sa nagbabagang mga mata ni Ryke habang nakatingin ito sa akin, hindi ko tuloy malaman kung ano ang sa sabihin ko.

"Gusto ko ng umuwi, Ryke." naiiyak na mahinang sabi ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi ka aalis dito hangga't hindi ko sinasabi, huwag mo ubusin ang pasensya ko dahil papatulan na talaga kita." singhal nito sa akin.

Mangiyak-ngiyak naman ako dahil hindi ko alam kung bakit at kung ano ang dahilan niya.

"Ikukulong mo lang ako dito? At bakit naman? Sabihin mo sa akin baka sakali maunawaan kita." nanghihina na wika ko dahil mukhang hindi talaga ako nito paalasin dito.

"Mas safe ka kapag nandito ka," sagot lang nito at naglakad sa papunta sa bintana.

"Para saan? Si Xander lang naman ang banta sa buhay ko, kasama ka na." sagot ko na kinalingon niya, nagulat naman ako sa itsura niya dahil bakas ang galit nito sa gwapo niyang mukha.

Naghintay ako sa sabihin niya pero wala ako'ng narinig sa halip lumakad ito at lumabas ng pinto, narinig ko na lang ang pag-click ng pinto. Napayuko na lang ako at napansin ko ang damit na nakapatong sa higaan, mabilis na dinampot ko ito dahil... Shit! Hindi ako nagsusuot ng ganito ka-ikli na short, bakit ganito naman ang ipapasuot niya sa akin? Buwesit talaga tong Ryke na 'to, nakakagigil.

Wala na akong nagawa nagpunta na ako sa C.R, wala naman siya dito kaya nagmadali ang bawat kilos ko dahil kating-kati na rin talaga ako. Pagpasok ko palang ng shower room naiilang na talaga ako kasi para kang nasa labas lang naliligo. Kainis!

Tiniis ko na lang at nagmadali ng naligo inalis ko na lang sa isip ko ang nakakaloko na cr na 'to. Hubo't hubad na ako'ng naglinis ng buong katawan, mabilis ang kilos ko upang matapos ako agad pero bigla ko naalala na wala pala akong tuwalya. Pagharap ko ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si Ryke na tulala habang titig na titig sa akin, hawak-hawak niya ang puting tuwalya.

Pakiramdam ko huminto ang oras pati na ang mundo at para akong na-paralized sa kinatatayuan ko. Pareho kaming titig na titig sa isa't-isa at nawala sa isip ko na nakahubad ako.

"Hindi na masama ang katawan mo." basag nito sa pagkabigla namin pareho.

Pakiramdam ko pulang-pula ang buong mukha ko sa hiya hindi ko nagawang singhalan siya, nakayuko na inabot ko ang tuwalya sa kamay niya. Pansin ko na sa iba nakatingin si Ryke hinayaan ko na lang, tinakpan ko na ang katawan ko at dahang-dahan na lumabas. Gusto kong magalit at awayin siya pero hindi ko magawa dahil naiilang ang pakiramdam ko.

Sinuot ko na ang damit na nandito sa higaan, lumingon pa ako ng konti dahil baka nandiyan siya sa likuran ko. Pero natigilan ako dahil wala palang undies at bra, gosh! Para na rin ako'ng nakahubad nito. Inis na inumpisahan ko na isuot ang short na maong na sobrang ikli, sinunod ko ang medyo maluwang na t-shirt na itim pero sumabit ito sa suot ko na hikaw. Hirap na hirap na tinatanggal ko ito dahil kalahati palang ang nakasuot sa akin.

Nahulog na ang tuwalya sa lapag hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang pagtanggal sa damit na sumabit sa hikaw ko, hanggang sa maramdaman ko na lang na may pumigil sa kamay ko at dahan-dahan na binaba.

Nanlamig ang katawan ko at sinundan ng kakaibang init, dahil sa naramdaman ko ang hininga ni Ryke sa may batok ko. Siya ang ang nagtatangal sa pagkasabit ng damit ko, napahawak ko sa tiyan ko dahil nilalamig na ako.

Matapos niyang matanggal unti-unti niyang binaba ang t-shirt, bumagal pa ito pagdating sa dibdib ko dahil nakaharang. Tuluyan ng natakpan ang katawan ko pero hindi ko pa rin magawang gumalaw dahil na sa likuran ko pa rin si Ryke. Balak ko na sanang umupo sa kama dahil nanlalambot ang pakiramdam ko, pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng bigla niyang dakmain ang magkabilaan na dibdib ko.

"Ang laki pala nito." sambit nito mula sa likuran ko.

"Shit ka! Ang bastos mo talaga!" gigil na sabi ko at mabilis na tinanggal ang dalawa niyang kamay sa dibdib ko, tumakbo ako banda sa dulo ng kama.

Tatawa-tawa naman niya akong tinitingnan na lalong kinaasar ko. "Alam mo ang manyak mo talaga, malamang marami ka ng dinala na babae dito." asar na sabi ko pero hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil ngayon ko lang napansin na bagong ligo rin pala siya.

Ang gwapo niya lang kahit magulo medyo ang kulot na buhok nito, tapos ang mata nito na parang laging nang-aakit. May cleft chin pala siya kaya naman mas lala siyang naging gwapo, ang kilay niya na may kakapalan tapos binagayan ng makipot na labi niya na parang mamasa-masa at matangos na ilong.

"Kung pinagnanasahan mo na ako ng lagay na 'yan, lalo na kung ano ang itsura ng nasa loob nito. Ipapakita ko sa'yo," malokong bigkas nito at unti-uti nitong tinanggal ang buttones ng suot nito.

Natataranta na hindi ko naman alam ang gagawin ko ng mahubad na nito ang suot na damit, isusunod na nito ang pantalon niya kaya. Naghanap ang mata ko ng puwedeng ipang-bato sa kanya, naabot ko ang unan at malakas na binato sa kanya.

"Gago ka talaga! Tigilan mo nga 'yan." naiilang na sigaw ko dahil naibaba na nito ang pantalon nito, ayoko man tingnan ang lumabas na panloob nito na kulay itim. Tapos bakat ang ano niya...
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top