Chapter 4
Debbora
"Sandali saan ka pupunta? Iiwanan mo ako dito?" nakataas ang kilay na tanong ko dahil naglakad na siya papunta sa may pintuan.
Humarap naman ito ng may nakakaloko na ngiti. Kaya bigla akong napa-atras sa pagkakaupo ko sa malambot na kama dahil baka may kung ano siyang balak sa akin.
"Gusto mo ba na nandito lang ako?" nakangisi na sagot nito at humakbang palapit sa akin. "Kapag hindi ako lumabas ngayon, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko o maaari naman na magustuhan mo," malokong patuloy na sabi nito habang papalapit nang papalapit sa akin.
"S-sandali anong bang balak mo sa akin,? Bakit hindi mo pa ako ibalik o kaya ay pauwiin mo na ako. Gusto ko ng umuwi sa amin." naiilang tanong ko sa kanya, kasi 'yung titig niya sa akin kakaiba at naiilang akong tingnan siya sa mata.
"Hindi mo ba ako na-miss? Mali pala, dahil na-miss mo talaga ako dahil kumandong ka pa nga sa akin tama ba?." nakangising saad nito sa mapanuksong itsura, pumantay pa siya sa mukha ko at pinakatitigan ako.
"A-ang yabang mo rin noh? H-hindi pa naman kita nakilala no'n kaya huwag kang mag-assume," kunwari na taray ko dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko ngayon.
"Magpahinga ka na muna diyan, bukas na kita isasauli." sabi nito na tila nagbago ang anyo nito at napalitan ng seryosong mukha.
"Bakit bukas pa? Kung puwede naman ngayon, ako na lang mag-isa ang uuwi. Dahil kaya kong umuwi, hindi na ako bata." inis kong wika at hinawi ko siya upang makaraan ako dahil nakaharang siya sa harapan ko.
"Subukan mo lumabas diyan sa pinto na 'yan. Sinisigurado ko sa'yo na pagsisihan mo." nakayukong mukhang sabi nito.
Bigla naman ang pagdaloy ng takot sa buong pagkatao ko ng makita ko ang kanyang itsura. Ano ba ang nangyari sa'yo, Ryke? Ano ba ang nangyari sa'yo sa loob ng siyam na taon? Oo alam ko naman na hindi kita ganun ka lubos na kakilala. Pero naramdaman ko noon ang pagiging mabuting tao mo, bakit ngayon.. Parang may kakaiba na sa'yo?
Nakalabas na siya ng pinto ng hindi ko namalayan, narinig ko na lang pag-click nang pinto na ibig sabibin 'ay ni-lock ito. Nakabalik naman na ako sa ulirat kaya kinalampag ko ang pinto, napagod na lang ako pero walang nagbukas. Napaupo na lang at sumandal ako sa pintuan, nakatingala ako sa kisame at bigla na lang naiyak. Dahil naalala ko ang mga magulang ko na siguradong nag-aalala na sa akin.
Nakatulog na lang ako dahil sa pag-iisip lalo na sa magulang ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, naramdaman ko na lang na parang dumuduyan ang katawan ko. Para bang kinarga ako, naramdaman ng katawan ko ng sapuin ng malambot ang katawan ko.
Napamulat ako at ganun na lang ang pagtataka ko na si Ryke ang nandito sa harapan ko. Titig na titig siya sa akin, gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya, sa huli ako na lang ang umiwas. Pinaling ko sa ibang deriksyon ang aking mukha, pero ramdam ko pa rin ang mga matang nakatingin pa rin sa akin.
"Magpalit ka ng damit, ihahatid na kita ngayon." sabi nito matapos ilapag ang isang plastik na mamahalin. Muli siyang naglakad sa pintuan at lumabas, naiwan na natitigilan naman ako dahil sa naging asal ni Ryke.
Suot ang t-shirt na black na medyo fitted at jeans at isang pares ng kulay silver na sandals. Hindi ako makapaniwala dahil sukat lahat sa katawan ko at amoy fabric pa ito. Mukhang pina-wash niya pa ito bago pinasuot sa akin.
Paano niyang nalaman lahat ng sukat ko? Oh, baka naman siguro talagang sanay na siyang malaman ang sukat ng mga babae. Dahil marami na siyang naging babae kaya hindi ko na kailangan pa na magtaka.
Sa isipin ko na 'yun ay nakaramdam ako ng lungkot pero binalewa ko na lang. Binuksan ko na ang pinto, bumukas naman at hindi na siya naka-lock. Paglabas ko namangha ako sa mga nakita ko, mas magaganda pa ata ang laman nito kaysa sa bahay namin talagang masasabi ko na mayaman o bilyonaryo talaga ang may ari nito. Naglakad ako at nakita ko ang hagdan, bumilis ang lakad ko at nakita ko si Ryke banda sa gitna na at saglit na nilingon niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Anong problema no'n? Pero bakit ganun? Parang walang ibang tao dito. Wala bang mga maid o boy man lang dito? siya lang at sa kanya kaya itong magandang bahay na 'to?
"Tara na may lakad pa ako."
Napatitig lang ako sa nakasimangot niyang mukha, dahil sa tono ng pag-aaya niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng inis sa kanya at hindi ko alam kung bakit.
"Alam mo, bigyan mo na lang ako ng pamasahe dahil wala akong kapera-dito kinuha ng mga kaibigan mong holdaper." inis kong turan sa kanya. Nandito na kami sa labas ng bahay at narito rin ang kotse na ginamit namin kanina, alam ko na mamahalin yun pero wala akong pakialam sa kotse niya.
"Hindi ko sila kaibigan, kung gusto mo talagang umuwing mag-isa." dumukot ito sa bulsa ng maong na pantalon niya at naglabas ng ilang lilibuhin na pera at inibot sa akin.
"Sige, umuwi ka kung gusto mo. Ayoko sa lahat 'yung maarte, hindi ko sasayangin ang oras ko." seryosong sabi pang muli nito at sumakay na sa kotse niya.
"What the-" naiinis kong sambit at gustong-gusto ko ng batuhin ng suot ko na sandals ang kotse niya sa inis.
Shit! Talagang iniwan niya ako? Ang sama talaga ng ugali niya na!
Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko habang malalaki ang hakbang na lumabas ng gate na nakabukas pa at nagtataka man ako dahil wala namang nagbukas no'n. Paglabas ko kusang nagsarado rin ito, kaya napailing na lang ako. Habang naglalakad ako sa gilid ng may kainitan na village, pansin ko na wala man lang puwedeng masakyan kahit na ano. Kahiy tricycle wala ba rito? wala ring taxi.
Nagpatuloy akong maglakad dahil kahit na mga taong naglalakad wala rin. Sobra namang kamalasan 'to, alas diyes ng umaga palang kanina doon sa bahay ng demonyong si Ryke. Kaya napakainit na agad. Nagpalinga-linga ako sa pagbaba-kasakali na makahagilap ng kahit na anong masasakyan. God! Saan ba ang daanan palabas dito? Nakakaasar na talaga, dahil sumasakit na ang paa ko dahil sa pataas ang mga daanan dito. Minsan pababa naman siya at ngayon ko lang naranasan maglakad ng ganito.
Napalingon ako sa likod ko dahil may narinig akong tunog ng mabilis umaandar na sa sakyan. Natuwa naman ako dahil kilala ko ang kotse na 'yun, si Ryke!
"Sakay na, bilisan mo lang."
Napasimangot naman ako dahil hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Diretso lang ang tingin niya sa unahan, hindi na lang ako nagsalita pa sumakay na ako dahil alangan naman na umangal pa ako. Tahimik na nakikiramdam lang ako habang nakatuon ang atensyon ko sa labas ng pintuan. Hindi ko alam paano niya nalaman ang bahay namin dahil sa mismong gate ng bahay namin niya ako dinala at hindi ko yun napansin habang nasa biyahe kami dahil malalim ang iniisip ko.
Binuksan ko na ang pinto at tahimik na lumabas ng kotse nito, hindi ko alam pero parang ayoko pang bumaba. Pero ganun na lang ang gulat ko ng hatakin ako nito sa kamay at muli akong napasok sa loob. Naghihintay ako ng sasabihin niya dahil sa pinasok niya ako ulit. Pero sa totoo lang, may kakaibang init akong naramdaman habang hawka niya ako sa kamay.
"B-bakit ba?" Kinakabahan na tanong ko, kasi tahimik lang siya. "Kung ayaw mong magsalita diyan lalabas na ako, may oras pa ako para makahabol sa mga klase ko." mahinang sambit ko at akmang lalabas na akong muli ng bigla niyang kabigin ang batok ko.
Namilog na lang mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko, nakita ko siyang nakapikit kaya naman kusang pumikit ang mata ko at dinama ang pangalawang halik niya. This time, kakaiba ang halik na binigay niya, parang may kung anong bigla na lang nagliparan sa paligid ko at ang puso ko sobrang lakas ng tibok nito, hindi ko alam kung ilan minuto ito bago niya ako binitawan at pakiramdam ko parang ayoko pa yun matapos.v
"Sige na, mag-iingat ka lagi." mahinang sambit nito at saglit na tiningnan ako.
Marahan na kumilos ako at lutang ang diwa na lumabas ng kotse niya. Hanggang sa makaalis na sa harapan ko ang kotse ni Ryke, tulala pa rin ako.
"Debbora!"
Halos lumundag ang puso ko sa gulat dahil sa malakas at matigas na tono nang boses ng lalaki. Nagbalik sa tamang pag-iisip ko ang isipan ko ng makita ko ang galit at seryoso na mukha ni Xander. Ang taong ayaw na ayaw kong makita.
"What are you doing here, demon Xander?" sarkastiko kong bati ko sa kanya na nasa tabi ng kotse nito at talagang nasa loob siya ng gate namin, bumukas na ang gate at pumasok na ako sa loob.
"I'm here to fix our marriage." sagot lang nito at natigil ako sa paglakad at sa balak na balewalain lang ito.
Pakiramdam ko nawala ang dugo ko sa buong katawan dahil sa sinabi ni Xander. What? What he said, to fix our marriage? Shit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top