CHAPTER 15
AN: Pasensya na po ulit kung matagal itong update ko. May mga pinagkaka-abalahan na kasi ako sa real world ko. Pero maraming salamat sa patuloy na pag-support. 😊
---------
DEBBORA
Naloka ako sa kilig talaga at kahit narito kami sa harap ng hapagkainan eh hindi ko maiwasan na mapangiti pa rin. Katabi ko si Ryke at kaharap namin si mama at papa, kumakain na sila pero ako ito hindi makakain ng maayos dahil sa tuwa.
"Kailan niyo naman balak magpakasal? Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin ang anak ko." Seryosong umpisa na sabi ni papa.
Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin rin sa akin at ewan ko ba, naiilang ako kasi napakalakas ng dating niya ngayon. Parang gusto ko ng mapag-isa na muna kami at mahalikan ko siya.
My god! Walangyang lalaki 'to bakit ba napakagwapo niya?
"Kung kailan po gusto ng anak niyo, kung bukas na walang problema kaya kong gawan agad 'yan ng paraan. Hindi ba, Debb?" Nakangiting sagot nito at parang nagpapagwapo sa harap niya.
"Really, Ryke? Bukas na agad-agad kung gusto ko? Well, bukas na ang gusto ko." Matamis ang pagkakangiting tiningnan ko siya at nagkibit balikat siya na ang yabang ng dating.
"Sigurado ba kayo na bukas agad? Napakarami pang aasikasuhin doon, pero kung talagang sigurado na kayo 'ay kailangan na nating ayusin ito agad-agad." Excited na wika naman ni mama.
Parang siya pa ang excited ah? Si mama talaga, mukhang gusto nila talaga si, Ryke. Sabagay ano pa ba ang hahanapin nila dito at kahit ako? Gwapo na at mayaman pa. Kaya talagang niyang i-provide lahat ng kailangan sa kasal.
-----------
Kinabukasan ay nag-asikaso na agad si mama sa pagpapagawa ng invitations sa kakilala niya. Habang kami naman ni Ryke ay nagpunta sa kilala niyang sikat na wedding shop. Hindi ko alam pati ito ay alam niya at talaga namang nalula ako sa mga presyo ng wedding gown na nakasuot sa mga mannequin. Nahirapan akong mamili dahil lahat ay maganda.
"Ryke, ano ba ang." Natigil ako dahil nawala siya likod ko at paglingon ko naroon siya sa kaliwa at nakatingin doon sa may display na nasa loob ng salamin na wedding gown.
"Mas gusto ko 'to sayo." Nakawak sa baba niyang sabi na nakatingin pa rin doon sa gown.
Isang white tube style, napakahaba ng dulo nito at may slit ito sa gilid kaya siguradong kita ang hita ko diyan kapag naglakad. Simple lang siya wala siyang gaanong design, pero ang elegant ng dating dahil ang tela nito ay napakaganda ang tingkad. Sinilip ko ang presyo na nakalagay doon.
"Oh my gosh! Ryke, fifteen milyon? What the? Ayokong isuot ang ganyan napakamahal at--"
"Miss, ito ang kukunin namin." Wika agad ni Ryke sa stuff at nakangiting hindi makapaniwalang tumango yung babae.
"Bibilhin mo 'yon? Ano ka ba ang mahal no'n saka." Natigil ako sa sasabihin ko dahil nakatingin siya ng seryoso sa akin.
"Mas mahal ka pa sa lahat ng nandito, Debb. Kaya wala pa 'yan sa gown na 'to." seryosong sagot nito.
Ewan pero pakiramdam ko nag-init ang magkabilaan kong pisngi dahil sa sinabi niya o mas tamang sabihin na kinilig ako?
"Bahala ka nga marami ka namang pera." Kunwaring inis ko at tinalikuran siya at nagpunta ako sa mga nakadisplay na mga stilleto heels at talagang na-amaze ako dahil ang gaganda rin.
Kinuha ko ang isa upang isukat ang kulay isang silver heels, umupo ako malambot na sopa at doon ay balak kong alisin ang sandals na suot ko ngunit mabilis na kinuha niya sa kamay ko at siya mismo ang nagtanggal sa ng sandals ko at sinuot niya ng dahan-dahan sa paa ko.
Pakiramdam ko ako si Cinderella ng mga oras na ito at si Ryke ang aking prinsipe. Sakto lang ito sa paa ko at hindi pa rin kumikilos ito nakatingin lang siya sa paa ko.
"Bagay ito sa'yo." Sagot nito at tumayo namulsa at nagpunta doon sa mga stuff.
"Salamat sa lahat, Ryke." Mahinang sabi ko pagsunod sa kanya doon sa may counter. Umakbay ito sa akin at hinagkan ako sa noo na kinangiti ng ibang stuff.
"Ikaw pa ba? Para sa'yo gagawin ko ang lahat, lalo na kapag tuluyan ka ng naging akin talaga." Nakangiting sabi nito.
Hindi na ako nasakagot ano pa ba ang sasabihin ko? Eh, lahat ginawa na niya simula no'ng bata pa kami. Matapos namin mamili ay nagpaalam mo na siya sa akin na may aasikasuhin siya at kakausapin na rin para sa hotel & restaurant na gagamitin namin.
--------
Ang araw na hinihintay ko ang kasal namin ni, Ryke. Si mama bago umalis ay talaga namang todo payo sa akin ganon rin si papa. Nagkadramahan pa kami dahil nga sa mag-aasawa na ako at ang mga kaibigan ko ay kinuha ko rin sa araw ng kasal ko, hindi sila makapaniwala na ikakasal na ako.
"Debb, tapos ka na?" Napalingon ako kay Ryke na pumasok sa pinto ng kuwarto ko. Ayaw niya pumayag na hindi ako kasama sa pagpunta sa simabahan, gusto niyang masiguro na ligtas ako.
"Oo, ok na ako." Ngiting sagot ko at pareho kaming nagkatinginana, siya na talaga namang napakwagapo sa white tuxedo nito. Mas lalo pa siyang gwapo dahil sa pagkakasandal nito sa pader habang nakatingin sa akin.
"Napakaganda mo talaga, Debbora. Simula bata pa lang ako hindi ko kinalimutan ang parte ng mukha mo. Itinago ko ang sa memorya ko ang magandang mukha na 'yan." seryosong sabi nito lumapit na sa akin.
"S-Salamat, Ryke. Ako rin naman hindi kita nakalimutan at lagi kitang n-naalala." Bigla akong kinapos ng hangin sa pagsasalita dahil narito na siya sa harap ko at halos magdikit na ang labi namin at amoy na amoy namin ang aming hininga kaya napapapikit ako.
"Bukas na lang tayo magpakasal, gusto kitang angkinin ngayon." nangingiting sabi nito.
Mahinang tinulak ko siya dibdib upang lumayo siya ng kontin sa akin dahil baka bumigay ako.
"Halika na hindi puwede, mag-tiis ka na muna. After this, kahit araw-araw o oras-oras mo pa ako angkinin." Sabi ko lang at balak ko ng buksan ang pinto para lumabas pero humarang ito doon. Pinandilatan ko siya ng mata. "Ryke?" Pigil ang tawa ko dahil sa maloko niyang ngiti.
"Totoo ba, Debb? Kahit oras-oras puwede?"
Nakangiting wika nito at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.
"Oo na, kaya halika na para matapos na 'to." hinawi ko na siya at binuksan ang pinto. "Itaas mo yung dulo ng suot ko baka madapa ako." Sabi ko lang na natatawa.
"Yes, my queen." sagot nitong may halong pang-aasar.
Nasa sasakyan na kami at nasa gitna na kami ng kalsada ng maisip ko itanong na bakit siya marunong kumanta.
"Ang ganda pala ng boses mo, Ryke." Sabi ko na nilingon niya ako.
"Ganon talaga siguro kapag pinagpala." Mayabang na sagot nito.
Inirapan ko naman siya ng nakangiti dahil sa kayabangan nito at nabaling sa bintana. Narinig ko pa na tumawa siya kaya napapangiti ako. Nagpatuloy ang biyahe namin at malapit na kami sa simbahan ng mapansin ko na kanina pa nakasunod sa amin 'yung kote na itim.
"Ryke, kanina pa yang itim na kotse nakasunod sa atin." Bigla akong kinabahan at muling napasulyap sa side mirror.
"Napansin mo rin pala." Sagot lang nito at dinukot nito sa loob ng damit niya ang baril.
"Ba't may dala ka niyan?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.
"Para sa mga ganito, dapat lagi tayong handa. Sinabi ko naman sa'yo lahat na sa akin na kaya ayan marami ang naghahabol sa akin." biro pa nitong sabi. "Tawagan mo sila mama na malate lang tayo ng oras, sabihin mo kahit anong mangyari darating tayo."
Naguguluhan na napatango ako at niliko ni Ryke sa ibang daan ang kotse at napalingon ako sa likod namin dahl sumunod ulit 'yong kotse. Mabilis na kinuntak ko si mama na agad naman niya sinagot.
"Debb, malapit na ba kayo?" Tanong agad ni mama pagkasagot nito sa cellphone.
"Ma, malalate lang kami. Pero darating kami pakisabi na hinatayin kami. Ma, darating kami aa. Tuloy ang kasal." Mabilisang sabi ko at pinatay ko na ang cellphone, pero muntikan ko ng mabitawan ang cellphone dahil binuggo kami mula sa likuran.
"Ryke!" Malakas na sigaw ko ng biglang magpaputok sa likod, nilingon naman ako nito.
"Yumuko ka lang at huwag na huwag mong itaas ang ulo mo." Sabi nito at nilagyan ng unan dito sa kotse ang ulo ko.
Habang nagmamaneho ay binabaril ang nasa likod na humahabol sa amin at talagang hindi na ako magtataka, dahil nga sa marami siyang kaaway.
"Marunong ka mag-drive hindi ba?" Nakaangat ang kilay na tanong nito.
"Oo," sagot ko agad.
"Palit tayo, basta mag-drive ka lang at kailangan mailigaw natin sila." Sersyong sabi nito.
Kahit hirap ay nagawa naming magpalit ngunit sumabit ang layalayan ng gown ko at napunit ito, nadumiha na rin ito dahil sa sapatos niya na naapakan ito. Hinayaan ko na 'yon at nag-focus ako sa pag-drive, habang nakikipagpalitan si Ryke ng barilan sa likod ay minsan ay napapasigaw ako sa gulat at muntik-muntikan na akong makabunggo ng sasakyan sa harapan. Hindi gaano maraming sasakyan dito sa kalsada kung saan naghahabulan ang sasakyan namin.
"Mga tarantado tong mga to. Kasal ko ngayon pa sila mangugulo." Asar na sabi ni Ryke habang nagpapalit ng bala nito.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagdrive, nagulat ako binaril niya ang bubong ng kotse ng ilang beses matapos 'yon ay malakas na tinulak ifo ng kamay niya kaya bumukas ang ibabaw. Doon ay tumayo na siya at pinaulanan niya ng paputok ang kalaban sa likod at muling bumalik sa upuan. May kinuha ito sa ilalim ng upuan at isa itong armalite.
Para akong nabibingi sa lakas ng putok hanggang sa nagpagewang-gewang sa daan ang kotse sa likod na at tuluyan na 'yon huminto. Napangiti kami pareho ni, Ryke.
"Tuloy na ang kasal." Natatawang sabi nito at dinampian niya ako ng halik sa labi.
"Syempre, tuloy talaga hindi puwedeng hindi." Sagot ko at nagkatawanan kami at naalala ang itsura namin. Hindi na importante 'yon basta makasal na kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top