Chapter 1

Hahanapin kita Debb... Mag-iipon ako ng maraming pera, magiging makapangyarihan ako dahil sa pera..

hihintayin kita...

Bigla ako'ng napamulat at pabalikwas na bumangon. Napanaginipan ko na naman ang isang bahagi nang buhay ko noon, siyam taon na ang nakakalipas. Hindi ko pa rin nakakalimutan hanggang ngayon ang batang lalaki na nangako sa akin na hahanapin akong muli upang magkita kaming muli. Ang batang lalaki na sa sandaling panahon at sa batang puso ko ay may kakaiba na akong naramdaman.

"Debb, are you awake?" tanong ni mama na pumasok sa kuwarto ko na hindi ko naman sinasara.

"Yes, ma." ngiting sagot ko at inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkakahiga, umayos rin ako ng upo dito sa kama ko.

"Your dad and I are going somewhere, kumain ka na lang bago ka pumasok sa school." paalam ni mama sa akin.

Tumango lang ako kay mama at lumabas na ito ng aking silid, parehong busy ang mga magulang ko sa negosyo namin dahil lumalaki na ito at lumalago. Kaya kapag naka-graduate na rin ako sa college do'n ang tuloy ko sa business nila para tumulong.

Inayos ko na ang sarili ko dahil maaga ang pasok ko at graduating na ako ngayong taon kaya naman excited na akong maka-graduate. Nineteen na ako ngayon kaya kahit paano hindi na ako hinihigpitan, hindi tulad dati dahil nga sa sampung taon ako ng ma-kidnap ako at tinubos nila ako sa malaking halaga.

_____

Pagkarating ko sa University nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Masayang nagyakapan kami na parang ngayon lang nagkita.

"Hey, Debb. Birthday ni Agatha tomorrow, kaya kailangan sumama ka dahil last year na natin itong magkakasama." bungad agad sa akin ni Julie.

Ngumiti naman ako. "Oo na sasama ako, saka papayagan na ako nila mama. At isa pa dalaga na ako noh?" nakangiting sagot ko sa kanila na lumawak naman ang pagkakangiti nila sa akin.

"Yes, finally! Debbora! Exciting to dahil doon 'daw gusto ni Agatha tayo mag-celebrate sa isang sikat na bar." masayang wika ni Shara.

"Sandali nasaan ba si Agatha?" tanong ko kasi wala siya dito, kalimitan talagang laging wala 'yun at bigla-bigla na lang lumilitaw.

"Agatha? Alam niyo na nandoon sa kandungan ng iba," natatawang sagot ni Shara at sinabayan ni Julie ng tawa kaya naman parehong nagtawanan kami.

Hindi kasi lingid sa aming kaalaman ang kalandian na ginagawa ni Agatha noon pa man. Pero siyempre bilang kaibigan niya, support lang kami sa kanya.

"Halika na nga pumasok na tayo," aya ko sa kanila at magkakasabay na kaming naglakad.

Parehong may sinabi sa buhay ang aming mga magulang. Kaya naman naibibigay sa amin ang lahat ng gusto namin, pero hindi kami brat na tulad ng iba mga pilya lang at aminado ako doon dahil kabilang ako doon.

Habang nasa klase kami ay wala akong naitindihan sa mga dini-discuss ng prof namin dahil busy kaming apat sa pag-uusap para sa gagawin at kung ano ang isusuot namin sa araw ng kaaawaran ni, Agatha.

-----

Kinabukasan ng gabi excited kaming apat na nag-uusap sa group chat about sa party na gagawin namin, para mamaya. Todo naman ang paalala sa akin ni mama pero si papa ay ok na dahil minsan lang naman raw ito, pero kailangan ko pa rin magpasama kahit na sa labas lang daw 'yung bantay ko. Pumayag na ako matapos lang usapan namin atleast makakapunta na ako sa mga ganun dahil, napakatagal na taon na rin ang lumipas bago ulit ito mararanasan.

At ito na nga nandito na nga kami sa loob ng bar.... Para kaming nakawala sa hawla o mas tamang ako lang dahil ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

Hindi ko talaga akalain na makakasama ako sa ganitong klase ng lugar. First time ko ang makapasok nang bar dahil birthday ngayon ng kaibigan namin na si Agatha. At isa pa pinayagan ako kaya naman ang saya-saya ko dahil nakasama ko rin sila. Dahil ilang beses na nila akong niyaya pero lagi akong tumatanggi kahit gustong-gusto ko na, pero ngayon totoo na talaga.

Nakapalibot kami sa bilog na lamesa at may iba't ibang klase ng mga alak ang nandito at pagkain na rin. Maingay at malakas na tug-tog ng mga sound system, nakakaduling na iba't ibang ilaw na patay sindi. Akala mo na sa langit ka na dahil sa mga usok na naglalabasan kung saan na nagbibigay pa lalo ng kakaibang kasiyahan.

"Hey! Debb enjoy ka ba?" Malakas na tanong ni Julie dahil hindi kayo magkakarinigan sa sobrang lakas ng tug-tog.

Tumango naman ako ng nakangiti, habang si Agatha na may birthday at si Shara ay nagsasayaw habang nakatayo. Natatawa naman kami ni Julie habang tumutungga ng alak. Sanay naman akong uminom pero mas masarap palang uminom sa ganitong klase na lugar. Dati kasi noong birthday ko sa bahay lang ginanap hindi tulad nila na talagang sa mga sikat na mga hotel and restaurant.

Habang walang tigil ang pag-serve ng alak sa amin. Wala ring awat si Agatha at Shara sa kakasayaw, minsan nagpupunta sila sa gitna ng dance floor at doon nagwawala. Si Julie naman na katabi ko pilit ako'ng niyaya pero todo tanggi talaga ako dahil kahit nakainom ako hindi ko pa rin kayang sumayaw.

Pabalik na ang dalawa halatang may tama na sila, pero masaya pa rin sila at tawa nang tawa.

"Hey, guys! Dahil araw ko ngayon. I have a challenge," malokong sabi ni Agatha na naniningkit na ang mata at namumungay. Mamula-mula na rin ang magkabilaan na pisngi nito.

"Gosh! Agatha. I'm so excited!" tiling bigkas ni Shara.

Nagtawanan naman kami dahil sa inasal ni Shara at katulad ni Shara nakaramdam rin ako ng excitement sa challenge na sinasabi ni Agatha.

"Ok, game!" sigaw naman ni Julie at ganun na rin ako.

Tinaas namin ang mga alak na hawak namin at sabay-sabay na tinungga ito.

"Ok, so. I want to challenge you, Shara! Dare lang gusto ko kaya wala kayong pagpipilian." Nakangising sabi ni, Agatha.

"Ok, accepted the challenge." Matapang na sabi ni Shara.

Pagkatapos no'n ay may binulong si Agatha 'kay Shara na lumapad ang pakakangiti nito.

Sinundan namin kung saan pupunta si, Shara. Nilapitan niya 'yung lalaki na nakasandal sa pader malapit sa bartender na busy sa hawak nitong cellphone. Nagulat na lang ako ng dakmain ni Shara ang harapan nito at nagtatakbo pabalik sa amin.

CUT- CHAPTER 2

"Oh, my gosh! Agatha ang laki." malokong sabi ni Shara pagkaupo niya dito.

"I know Shara, kahit hindi ko pa nahahawakan." Hagik-gik na sabi ni Agatha.

Naiiling naman 'yung lalaki na hinawakan ni Shara, natawa na lang kami lahat dahil sa ginawa ni Shara.

"Ok, your next Julie!" Turo naman ni Agatha kay Julie na napatakip sa bibig.

"Ok, accepted!" Sagot ni Julie at tinungga muli ang bote ng alak.

Pinagsayaw sa gitna ng dance floor si Julie habang tinataas ang skirt niya hanggang sa undies niya. Gosh!

"Ok, you're turn Debb." nakangising baling ni Agatha sa akin.

Bigla naman ako'ng kinabahan nawala 'yung excitement ko kanina. Ewan ko ba pero hindi ko pinahalata, dahil ayoko namang mag-isip sila sa akin dahil ngayon lang ako sumama sa ganito. Nagpaling-linga si Agatha na para bang may hinahanap, hanggang sa matuon ang pansin nito banda sa gilid nang bar na medyo may kadiliman.

"Ok, Debb. Madali lang naman 'to, you have three minutes. Nakikita mo ang tatlong lalaki na 'yun banda sa may gilid? Yung nasa pinaka-gitna?" Tukoy ni Agatha doon sa banda sa may gilid, hindi ko gaano makita ang mga itsura ng mga lalaki na nandoon dahil madilim ang parte doon.

Mga nakangiti sila habang nakatingin doon banda sa mga lalaki. Hindi ko gaano maaninag ang mukha ng na sa gitna at isa pa naka-sumbrero ito kaya mas natago ang mukha nito.

"Ok, nakita ko.  What am I going to do in three minutes?" tanong ko na may halong kaba.

"I dare you to lap the man for three minutes, ganun lang. Walang kahirap-hirap." nakangising sagot ni Agatha.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa isipin na kakandong ako sa lalaki na 'yun. May takot oo, baka kasi...

"Go, Debb. Mukhang gwapo naman hindi na masama," sabi pa ni Shara sa akin.

"Kaya mo 'yan, Debbora." pag-cheer sa akin ni Julie.

Pilit ang ngiti na tumayo ako, pero bago ko pa ako maglakad muli kong tinungga ang kakabukas pa lang na bote ng alak. Diretsong inubos ko 'yun para pampalakas ng loob at pampakapal ng mukha.

"Wohooo! Exciting! Hindi na kami makapaghintay, Debbora." masayang sabi ni Agatha.

Parang may mabigat na bakal ang nakadagan sa paa ko dahil parang hirap akong ihakbang ang mga paa ko. Lumingon pa ako sa paligid kung nariyan ba ang bantay ko pero wala naman dahil kilala ko naman 'yun.

Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko ng makarating na ako sa harap ng tatlong lalaki na ito. Muli naman akong lumingon kila Agatha, mga nakataas ang alak nila ibig sabihin go lang.

Kaya mo yan Debbora, three minutes  lang naman ang gagawin mo.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga, mabilis na lumakad ako at dumaan ko sa gilid nitong isang lalaki. Diretso ako dito sa lalaki na nasa gitna, sabay upo patagilid sa kandungan nito.

Nagulat naman ang dalawang lalaki na kasama nito at parang pigil ang ngiti na gustong sumilay sa labi nila. Binibilang ko naman ang sigundo na mas lalong nagpapatindi ng bilis nang pagtibok ng puso ko. At isa pang nakakaba dahil hindi man lang nagsasalita ang lalaki na 'to. Hindi rin siya gumagalaw at hindi ko magawang tingnan ang mukha niya dahil sa takot ko.

Akmang tatayo na ako dahil tapos na ang tatlong minuto ng hatakin nito ang braso ko, muli ako'ng napaupo sa kandungan niya. At ganun na lang ang pamimilog ng mata ko nang sakupin nito ang labi ko, mapusok ang halik na binigay niya sa akin nalanghap ko pa ang mabangong hininga nito at kasabay ng pagmasahe sa isa kong dibdib na hindi ko inaasahan.

Pilit na tinutulak ko siya pero parang wala lang sa kanya, hinawakan pa niya ang isang kamay ko upang pigilan sa pagtulak sa kanya. Para akong mauubusan ng hangin dahil sa ayaw niyang paawat sa pag-ankin sa labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top