Chapter 9


FRIZA GONZALES 


Tatlong araw na ang lumipas simula nang maayos ang kaso sa pagitan ng MCA at Vitcom. Tuluyang ipinasara ang kompanya ng Vitcom, at walang batas ng gobyerno ang umalma sa ginawang aksiyon ng serpent. Sinong matapang ang mangangahas? Tss, sasayangin lang nila ang oras pati buhay nila.


"Mamayang gabi magaganap ang annihilation sa castle. Kailangan ang presensiya ng lahat ng gang members." Sabi ni Axcel tiyaka inabot sa akin ang lemonade.


"H'wag mong sabihing galing ang utos kay Commander?" Nakakunot kong tanong tiyaka ako sumipsip sa straw ng juice.


"Kanino pa ba?" Balik tanong niya. T*ng ina, ito na naman. Inaatake na naman ako ng curiosity.


"Wala ba kayong balak dalawin si Ell?" Sabay kaming napatingin ni Axcel kay Tanya nang saluhan niya kami sa pagkain. 


Sa katunayan, simula nang nabalitaan namin na gising na si Ellisse, hindi pa namin siya nakikita dahil kasalukuyan naming inaayos ang kaso tungkol sa kaniya at sa human organ trafficking. Gusto ko siyang makita, gustong-gusto ko na siyang yakapin pero natatakot ako.


"Walang may lakas ng loob magsabi sa kaniya ng totoo. Sa ngayon, maayos pa ang lahat dahil wala pa siyang maliwanag na naaalala pero anytime malalaman at malalaman niya ang totoo tungkol sa atin at sa Serpent." Pahayag ni Tanya.


Hindi nagtagal ay biglang dumating si Creid na siyang umagaw sa atensyon naming lahat. May pasa na naman ang g*go.


"Ilan na naman ang napatay mo?" Nakangising tanong ni Axcel nang makaupo si Creid sa harapan niya. 


Nitong mga nakaraang araw, halos si Creid ang sumosolo sa ibang mga misyon ng gang. Akala mo kung sinong superhero. Parang laging sabik na pumatay at makipag-basag ulo.


"Shut up, Naugsh." Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa sagot niya. Naugsh daw oh. May problema na naman 'to panigurado.


"Kaya ayoko talagang magka-love life eh, napaka-komplikado ng buhay." Komento ni Axcel na mukhang si Creid ang pinariringgan. Napatingin ako sa kaniya na ang talim ng mga tingin kay Axcel, sunod kong tiningnan si Tanya na umiling lang matapos niyang makuha ang gusto kong ipahiwatig sa mga tingin ko. Ano bang 'kinagagalit ni Creid? No'ng isang araw pa ang g*gong 'to ah.


Dahil sa kuryosidad, hindi ko na napigilang magtanong, "Sino na naman bang nakabangga mo?" 


"Ang itanong mo kung sino ang dahilan ba't siya nakikipag-basag ulo." Tiningnan ko si Nickolas na kararating lang. Tinapik pa niya ang balikat ni Creid tiyaka naupo sa tabi ni Axcel. G*gong 'to talaga, kararating lang pero nakasabay na naman agad sa usapan. T*ng ina, updated? 


"Axcel." Lahat kami ay napatingin kay Dhale na nasa likuran ni Creid. Teka, ano bang meron ngayon at pati siya ay hindi mai-pinta ang mukha?  "I need to talk to you." Seryosong sabi niya na diretso ang tingin kay Axcel.


"Sigurado ka? Ako ang gusto mong makausap?" Malawak ang ngising tanong niya tiyaka sumulyap kay Creid na mahigpit ang hawak sa baso. P*tang 'to. 


"Follow me." Malamig na sagot ni Dhale tiyaka tumalikod at naglakad na palayo.


"Teka lang, Dhale! Hindi pa 'ko handa sa confession mo eh!" Sigaw ni Axcel sa kaniya na halos mapatingin ang ibang mga tao rito sa cafeteria. G*gong 'yan, pinagsasabi niyang confession? 


Ibinaling ko na ang atensyon ko kay Creid nang magsalita si Tanya, "Hindi pa ba kayo nag-uusap hanggang ngayon, Creid?" Tanong niya na nagpakunot na naman sa akin. At ano ang kailangan nilang pag-usapang dalawa? 


"No need." Walang ekspresiyon na sagot niya tiyaka tumayo. "Wala naman kaming dapat pag-usapan." Dagdag pa niya tiyaka kami tinalikuran at naglakad na palayo.


"Tingin ko tama talaga ang hint ko, Friz." Napatingin ako kay Tanya na nakatingin kay Creid na papalayo na. Nadako ang tingin niya sa akin ng nakangiti na siyang nagpakunot sa noo ko.


"Anong hint na naman 'yan?" Walang interes kong tanong tyaka isinubo ang almond. Kung tungkol lang sa pambabae ni Creid, gasgas na sa akin 'yan.


"Mukhang may namamagitan kay Creid at Dhale. I mean, there's something going on between them. I don't know exactly, but I can say just by looking at them." Sagot niya na hindi ko alam kung kinikilig ba siya o ano. 


"Oh edid ikaw na ang manghuhula." 


Si Creid at Dhale? Tss! Ano 'yon? Kailan pa pwedeng magsama ang langit at lupa? 


"Si Creid 'yon, Si Creid Marquez na hindi mabubuhay ng maayos ng hindi nagpapalit ng babae kada linggo. Tingin mo ba papatol si Dhale sa isang tulad niya? Si Dhale Tizuarez na kulang nalang jowain ang mga papeles? Tss, kahit sa imahinasyon nga ang labong isipin na may ganap sa kanilang dalawa." Kontra ko sa sinabi niya.


"Omsim" Segunda ni Nickolas habang ngumunguya pa.


"I got your point, Friz. Pero kasi..." Iritado ko siyang tiningnan, "Pero ano huh? Bagay sila? Na may posibilidad na magbago si Creid para kay Dhale? Pala-desisyon ka rin eh noh, Tanya? Jowain mo na kaya silang dalawa?" 


"Nag-third party pa nga" Segunda na naman ng g*gong kasama namin.


Napabuntong hininga si Tanya at talagang humirit pa, "Tadhana na lang siguro ang makapag-sasabi." 


Napailing ako sa sinabi niya. Tadhana? Tao ang gumagawa sa sarili nilang tadhana, hindi tadhana ang mismong gumagawa ng kapalaran ng tao. Tss. Sakit talaga sa ulo 'yang mga ganiyang bagay eh. 


T*ng inang romance, romance na 'yan. Naghahanap lang kayo ng sakit ni'yo sa ulo't puso.




DHALE TIZUAREZ 


"Dito mo pa talaga ako dinala noh? Ano ba 'yong sasabihin mo't masyado naman yatang tago ang lugar na 'to." He commented smirking as we reached the head quarter's balcony. Kung saan makikita ang malawak na field.


Hindi ko pinansin ang sinabi niya, sa halip ay iniabot ko ang isang itim na paper envelope na naglalaman ng mga documents. "That's all the details regarding the men we encountered in Baldwin property. Two were reportedly killed in Red Fox Club and the investigation regarding the other man which I think is their leader is still in progress." 


"Nando'n kami sa mismong pinangyarihan ng krimen noong gabing pinatay ang tinutukoy mong dalawang lalaking nasa Red Fox Club." Sagot niya nang hindi man lang binubuksan ang envelope. "Si Creid ang pumatay sa kanila." He went on which surprised me.


I looked at him to see if he was only trying to play some jokes or what but then he went on, "At tama ka, 'yong isang kasama nila, siya ang leader. Mga miyembro sila ng Aris group." Sa pagkakataong 'yon ay naalala ko bigla si Rix. His hunch was right that Aris is one of those involved group in organ trafficking.


"H'wag mong solohin ang kasong 'to, Dhale. Alam kong mahalaga para sa 'yo na malutas 'to, pero hindi mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo para gawin ang lahat ng dapat na matapos. Hindi sapat ang isang hinala sa dami ng pirasong nawawala sa bawat pangyayari. Oras na nagkamali tayo ng konklusiyon, palyado ang buong wakas." Paliwanag niya. I don't know, but I just can't help myself to dig up so hard about this case. Hindi ako mapakali sa mga nangyayari.


"I don't know anymore, Cel. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang uunahin ko. I have so much right now." I took a deep breath as if it can somehow help me lessen the stress, but of course, it couldn't. I just want to fix everything as soon as possible, or else, mas madaming buhay pa ng mga inosenteng tao ang mawawala. 


"Unahin mo muna ang sarili mo. Hindi natin alam kung kailan pero sigurado ako na babalik din sa ayos ang lahat. Matatapos din 'to." 


I hope so as well.


"Hindi pa ba kayo ayos ni Creid?" Pag-iba niya sa usapan. Ayoko na munang isali sa mga problema ko ang nangyari sa amin. Sa tuwing naiisip ko si Creid, naaalala ko lang ang nangyari. 


I looked at Axcel when his phone suddenly rang. He pressed the answer button and take the call. He listened to the other line until his forehead creased, "Ano?...Papunta na kami," then he hung up.


"May problema tayo." Bigla na lang akong kinabahan dahil sa naging reaksiyon niya. I followed him dahil nauna na siyang umalis hanggang sa makarating kami sa VIP room. Pagkapasok namin, si Tanya ang nakita naming umiiyak habang si Friza ay nakayakap kay Ellisse na pilit inilalayo ang sarili niya. Oh please, no...


"Paano ni'yo nagawa sa 'kin 'to? I trusted you! Buong tiwala ang ibinigay ko sa inyo. Pero bakit? Bakit nagawa ni'yong itago sa akin ang buong katotohanan?" Pati ako ay naiyak na lang din nang makita ang poot sa mga tingin at luha ni Ellisse. This is the most daunting day for us, and yes, we all knew that this is inevitable. 


"Ellisse," I uttered trying to approach her but she went on ragingly, "All this time, you've been lying to me! Anong klaseng mga kaibigan kayo? You know what, akala ko ako na ang pinaka-swerteng tao sa mundo dahil mayro'n akong kaibigan katulad ninyo, but I was wrong. Of all people, bakit kayo pa?! You knew how much I hate the mafia world tapos isang araw magigising nalang ako at malalaman ko na miyembro kayo ng samahang kinamumuhian ko? Well, if I'm not mistaken, alam ni'yo ang tungkol sa existence ng grupong 'to noon pa man. We all knew, and we hated them...and now, all of you were already part of it? What a d*mn great news!" 


I wanted to say something but I chose not to speak at all. We're already at this point where the only thing we could do is accept the fact that Ellisse resents us. There's no one to blame but us because we decided to keep it from her, but destiny's just too creative. Naging mala-teleserye ang lahat. Sa dami ng paraan na pwedeng malaman ni Ellisse ang tungkol sa amin, why it has to be this way? 


"E-ellisse, I'm s-sorry..." Tanya said sobbing.


"You're not my friends. Hindi makitid ang utak ng mga kaibigan ko para pasukin ang ganitong klase ng mundo. This is not what I used to know each one of you." Sagot niya tiyaka pinunas ang luha niya. Her words was like millions of knives stabbing each one of us from within. It hurts so bad, with the fact that we could do nothing but accept the way she see us.


Suddenly the door opened. Mula roon pumasok ang Serpent Commander kasama ng Royal Chief. Mabilis kaming umayos ng tayo at nagpunas ng luha tiyaka kami tumungo.




ELLISSE ZERINA 


Tiningnan ko silang lahat nang sabay-sabay silang tumungo pagkapasok ng dalawang lalaking naka-pormal na suit. "How's your feeling?" Tanong sa akin ng isa sa kanila. Natawa ako ng sarkastiko dahil sa bungad niya. Kailan pa naging concern sa iba ang mga taong walang puso?


"The hell you care?" 


"Ellisse---" Tiningnan ko si Tanya ng masama pero bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya ay muling nagsalita 'yong lalaki.


"You now look vigorous." Saad niya nang nakahalukipkip habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaniyang baba. "I think, we can now proceed with the prosecution." Patuloy niya tiyaka nagpamulsa. 


"Pardon?" Nakataas ang kilay na sagot ko. "Wala akong ginagawang masama o ano mang nilalabag na batas. Kung sino man ang makasalanan dito, kayo 'yon." Ma-awtoridad na sagot ko. Wala akong pakealam kung sino siya sa lugar na 'to. I know what I am fighting for, at alam ko na tama ako.


"Really?" Nakangisi at naglalakad na tanong niya hanggang sa malampasan niya ako sa kinatatayuan ko.


Humarap ako sa kaniya na nakatalikod sa akin. "You must be the one to be prosecuted here. Each one of you." 


"You know what, this place is no longer your working field. Let me clear that you're in my territory." Seryosong sagot niya tiyaka siya humarap sa akin diretso sa mga mata ko, "Defying my command holds a great punishment, Ms. Lorico."


Sa halip na matakot ako sa mga tingin niya ay mas lalo pang nadagdagan ang galit na nararamdaman ko. "Oh really, Mr? You mean like death penalty? What are you gonna do then huh? Ibibitay ni'yo ako? Gagamitan ng silya elektrika? Or do you much prefer shooting me in the head just like what the Spanish did to Jose Rizal? O baka naman ang trip ni'yo ay lunurin ako sa pool? Well, If I were you, mas mainam kung ipatapon ni'yo nalang ako sa bermuda triangle para naman magkaro'n ng thrill ang death scene ko." Pamimilosopo ko, but he had no reaction at all.


Don't you dare try to intimidate me with your deadly eyes dahil hinding-hindi mo ako matatakot.


"Commander?" Bigkas ng kasama niya na ginawiran ko ng matalim na tingin.


"Take her to the castle." Tipid na sagot nung tinutukoy nilang Commander nang hindi inaalis ang mga tingin niya sa akin. It took him few seconds before he walked passed to me. Kaagad naman akong nilapitan ng kasama niya at mahigpit na hinawakan ang braso ko.


"D*mn, ano ba?! Saan ni'yo ako dadalhin?!" Pagpupumiglas ko. Hindi pa ba sila nakuntento sa ka-demonyohang ginawa nila sa akin? Kung balak din pala nila akong patayin bakit hindi nalang nila ako tinuluyan?


"Ellisse!" Rinig ko ang pag-aalala sa sigaw ni Dhale nang makalabas kami. Tiningnan ko siya ng masama. Acting like you care huh? Liar. 


"Bitawan ni'yo ako sabi! Ano ba! I said, let me go!" Patuloy kong pagpupumiglas pero wala akong nagawa hanggang sa dalhin ako sa isang lugar. Isang malawak at mataas na lugar na mala-kastilyo ang dating. 


Maaamoy ang masangsang na kalawang na ang tanging nagbibigay liwanag lang ay mga kulay berdeng mala-kristal na ilaw na nakalagay sa bunganga ng snake head sa magkabilang gilid ng daanan. Hitsura palang ng lugar, mukha lungga na ng mga taong walang puso, tss. 


Tama nga talaga ang kasabihan, na kung sino pa ang mga taong malapit sa puso mo sila pa ang may kakayahang sumira sa tiwala mo. What a fact and d*mn it!


Matapos akong ipaupo sa upuang gawa sa semento ay lumapit sa akin ang lalaking nakasuot ng kulay army green na cloak. So they really gonna use me the silya elekrika? Talagang ipaparamdam nila sa akin ang sakit. 


"Mas prefer kong maipatapon sa bermuda triangle." Taas-kilay na sabi ko sa lalaki na itinatali ng mahigpit ang mga kamay ko.


"Itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong mapaaga ang lamay mo." Pagbabanta niya tiyaka ako tinalikuran. Tss, asshole. 


Hindi nagtagal ay naituon ang atensyon ko sa mga taong palapit na nakasuot din ng cloak. Pumwesto sila paikot dito sa round platform kung nasaan ako. "Bring the target." Utos ng isang lalaki sa dalawang naka-cloak. Ilang sandali lang ay hila-hila na nila ang isang pamilyar na lalaki na walang malay. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang hawak nila na siyang tinutukoy nilang target. No, not after me!


"A-anong gagawin ni'yo sa kaniya?" Dismayadong tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sa akin. Ipinaupo nila siya sa upuan katapat ng sa akin. 


"Mga walang puso! Anong gagawin ni'yo kay Mr. Chen?!" Nagpupumiglas na sigaw ko pero para lang akong hangin sa kanila. Paano siya nadamay rito? Ano'ng binabalak nilang gawin sa amin?  D*mn it! I couldn't take this anymore! 


"Begin the sanction." Utos ng isang lalaki. 


May lumapit na isang lalaking nakasuot ng cloak kay Mr. Chen tiyaka niya binuhusan ito ng tubig dahilan ng magising siya mula sa pagkakatulog. Hingal na hingal niyang inilibot ang paningin niya hanggang sa namalayan niyang nakatali siya kaya naman pilit siyang kumakawala pero natigil siya nang makita ang mga taong nakapalibot sa amin at nang madako ang tingin niya sa akin.


"E-ellisse." Nauutal na bigkas niya. Ilang sandali lang ay may lumapit ulit sa kaniyang isang lalaki. Nilagyan niya ng duct tape ang bibig ni Mr. Chen tiyaka may kung anong inilagay siya sa noo nito at pinindot ang hawak niyang maliit na controller dahilan nang bigla na lang nangisay si Mr. Chen.


"Aaaaaahhhh!!!!"


"Ano ba?! Tama na!!" Pagmamakaawa ko pero hindi nila ako pinapansin. Mahigpit kong ikinuyom ang kamay ko. Hindi ko na kaya ang nakikita ko kapag nagtagal pa ako rito. Kahit nga piringan pa ako hindi ko maiwasang hindi masaktan sa ginagawang pag-atungal ni Mr. Chen.


"E-ellisse." Halos walang boses niyang bigkas. Ramdam ko ang pangingilid ng luha mula sa mga mata ko.


Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit pinipigilan ang galit sa loob ko. "Let him go. Please. Tigilan ni'yo na siya." Ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa sentido ko pero ilang sandali lang ay parang gusto ko na lang takpan ang tainga ko nang muli kong marinig ang nagmamakaawa niyang sigaw.


"T-tama na, p-parang awa----aaaaaahhhh!!!!!!"


Pakiramdam ko ay hinihigop ang buong lakas ko sa naririnig ko. "Stop, please! Just let him f*cking go!" 


Why are they doing this? Bakit sila gumagawa ng ganitong kasamaan sa mga inosenteng tao na gusto lang mabuhay ng normal? Ito ba ang kaligayahan nila? Ang pumatay ng mga taong walang kalaban-laban at wala namang nagawa sa kanilang kasalanan?


"Commander!" Matigas na saad ng isang lalaki na sinundan ng pagtungo nilang lahat bilang pagpapakita ng pag-galang nang dumating ang isang maskuladong lalaki. He was the man earlier.


Commander huh? Isang pinuno na walang puso. Matapos niyang isuot ang itim na gloves, nilapitan niya si Mr. Chen. Hinawakan niya ang buhok nito para iangat ang tingin niya sa kaniya.


"How was the first sanction, Mr. Chen?" Tanong niya na sa hitsura niya ay mahahalatang sanay na siya sa mga ganitong sitwasyon as if torturing anyone is just a norm for him. Kung may kakayahan lang ako, hindi ako magdadalawang isip na lapitan siya para sungaban ng suntok.


"S-spare my l-life, C-commander...P-please...P-pangako h-hindi na m-mauulit a-ang n-nangyari..." Nahihirapan niyang sagot. Anong nangyari ang sinasabi niya? Kilala ba niya ang lalaking 'to?


"You know my rule. Accepting sinners' alibis is out of my deeds..." Sagot niya tiyaka siya bahagyang yumuko para bumulong na sapat lang para marinig ko, "No matter how valid or not it would be. I prefer sparing no one." 


"H-hindi na m-mauulit, p-pangako...P-pangako, C-commander." Nagmamakaawang saad niya. Binitawan ng sinasabi nilang Commander ang buhok ni Mr. Chen tiyaka pinindot ang controller na inabot sa kaniya ng isang lalaki dahilan nang muling pangingisay ni Mr. Chen.


"D*mn! That's enough!" Sigaw ko pero hindi man lang niya ako pinansin hanggang sa patayin niya ulit ang controller.


"I don't really much care about you conspiring with Vitcom...But you have touched something you must not, to the point that you almost made me want to torture you from little pain to death until you realize how much you made me f*cking rage like this." He was calm pero mahahalata parin ang inis at pagpipigil ng galit sa boses niya. Ano ba ang nagawa mo, Mr. Chen? Bakit ka nila pinahihirapan ng ganito? At sa harap ko pa talaga.


"I need nothing but one precise answer. Who was behind you? Say it or I won't hesitate to shoot you." Itinutok niya ang baril sa noo ni Mr. Chen na mas lalo pang nag-bigay ng matinding takot sa loob ko. 


Sa sobrang takot ay hindi ko napigilan ang sarili ko, "Ano ba'ng kailangan ni'yo sa amin huh? Why the hell are you doing this? What did we do so wrong?" Salubong ang kilay na tanong ko kasama ng pangingilid ng luha ko pero ni hindi man lang niya ako nagawang tapunan ng tingin.


"Three seconds, Mr. Chen." Patuloy niya tiyaka mas lalo pang idiniin ang pagkakatutok ng baril.


Kahit gaano pa nakakatakot ang tensyong nandito sa lugar, mas nangibabaw parin sa akin ang galit, "Can you please stop this bullsh*t! Just let us---"


"Shut the f*ck up, Ms. Lorico or I'll shoot the head of this old man." Ma-awtoridad na pagputol niya sa sasabihin ko tiyaka ipinutok ang baril sa hita ni Mr. Chen dahilan nang mapadaing siya sa sakit. They're a complete evil. Mga walang puso.


Tears fell from my eyes due to so much emotional pain and anguish, "So this is how powerful the Serpent Society is? Kayang-kaya ni'yong idamay ang mga inosenteng tao, pumapatay kayo ng kung sino't kailan ni'yo gusto. Ito ba ang ipinagmamalaki ni'yong batas huh? This is what you call justice?.." Natawa ako ng sarkastiko kahit na basa parin ng luha ang pisngi ko. "What a reign! Isang malaking kahibangan na igalang kayo ng mga tao. Poor mind and heart-blinded people, honoring a worthless awful thugs, worse than trashes." Madiin kong saad kahit na ang likod lamang niya ang nakikita ko.


"Ms. Lorico, watch your---"


"Mr. Stanford." Hindi ko makita ang ekspresiyon ng Commander nila pero mula sa blankong tono ng boses niya mababakas ang awtoridad.


Nagkaroon ng sandaling katahimikan kaya naman kinuha ko ang pagkakataong 'yon para muling magsalita. "Kung balak ninyong patayin siya, mas mabuti pang isama ni'yo na rin ako para matapos na ang problema ni'yo...Oh wait, problema nga ba talaga? I think, it's much better to hear recreation...Hindi ba't libangan ni'yo namang pumatay? Go ahead. Do it. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa ang mabuhay sa impyernong 'to." 


Wala na rin ang buong tiwala ko sa mga kaibigan ko, at panigurado na pati ang pagiging secretary ko na pinakaiingatan ko ay mawawala na rin sa akin. Parang isang kurap lang nawala sa akin ang lahat and it all ends right here right this way.


"Just kill me." Walang lakas kong saad at hinayaan na lamang ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.


 I swear to myself that I will take the risk no matter what to fulfill my task, at hangga't nasa tama ako lalaban ako, but I already lost the courage to do so. Wala na rin akong pag-asa at wala na akong kakayahan pa para ipaglaban ang buhay ko sa batas nila.


"Are you really willing to die with the person who almost killed you, Ms. Lorico?" Napa-angat ang tingin ko sa Commander nila na nakangisi habang nakatingin sa akin. "Or would you like to trade your life for him instead?" Nanghahamon na tanong niya.


Napangisi ako habang diretso ang tingin ko sa mga mata niya. "That's your choice, asshole. You spare no one afterall." 


"Clever. Good that we're clear about it." Mapanuyang sagot niya. He then walk towards me.


"You're in the place where there is only one law against wicked people, nothing but to eliminate them." He went on. Naupo siya sa harap ko para kalasin ang tali ng mga paa ko. Kinalas din niya ang pagkakatali ng kamay ko tiyaka ako matamang tiningnan bago siya tumayo. "Now. Kill one of them." Ma-awtoridad na utos niya tiyaka niya hinawakan ang kamay ko para iabot ang baril niya.


Pinagmasdan ko lang ang baril na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko at pakiramdam ko ay napapalibutan ako ng mga demonyo na naghihintay na maging ganap akong kauri nila. Hell no! Hindi ako makapapayag. Ramdam ko ang pawis mula sa sentido ko dala ng kaba pero hindi ako pwedeng magpadala sa takot ngayong may pagkakataon na akong lumaban.


"Justice is in your hands right now, Ms. Lorico." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baril. Muli akong napatingin kay Mr. Chen na wala ng lakas at muli ko rin itinuon ang atensyon ko sa Commander nila na hinihintay ang gagawin ko.


Pilit kong pinipigilan ang pangangatog ng tuhod ko nang tumayo ako. Inayos ko ang pagkakahawak sa baril kahit na hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Itinaas ko 'yon paturo sa direksiyon kung saan nakaupo si Mr. Chen. 


"If real justice is in my hands then real wicked must be the one to eliminate." Walang pag-aalinlangan kong inilipat ang pagkakatutok ng baril sa Commander nila na wala man lang ekspresiyon ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pag-galaw ng mga taong naka-cloak na bigla akong pinalibutan. Lahat sila ay may hawak na baril na nakatutok sa akin at dagger ang hawak ng iba.


"You can try to eliminate the devil but before you even forget, your life is already in his hands." Malamig na tugon niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya, wala man lang siyang naging reaksiyon sa ginawa ko. Humakbang siya palapit sa akin, sobrang lapit na halos dinig ko ang paghinga niya.He moved closer to my ears and whispered, "Just a kindly warning...no one beats the devil, hon." Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng baril at iginiya paturo kay Mr. Chen. Hindi ako makagalaw. I wanted to resist pero hindi ko magawa.


D*mn, Zerina! You can't be this weak! Lumaban ka!


"Close your eyes." Bulong niya mula sa likuran ko habang hawak ang mga kamay ko. Pilit kong kinu-kombinsi ang sarili ko na lumaban pero hindi ko na alam pa kung paano ako makakatakas sa mga bisig niya. Wala akong nagawa kung hindi sundin siya. I closed my eyes at ilang sandali lang ay narinig ko ang isang putok ng baril.


"Great shot...Now, you're safe." Muling bulong niya at pag-kamulat ko ng mga mata ko ay bumulaga sa harapan ko si Mr. Chen na wala ng buhay dahil sa natamong tama ng baril sa kaniyang noo.


Kahit na gulat ako sa nangyari ay para bang bigla na lang may sumanib sa akin na bumuhay ng galit ko sa loob. Humarap ako sa lalaking nasa likuran ko tiyaka siya malakas na sinampal. "D*mn you! Wala kang kasing-sama! Isa kang demonyo!" Ramdam na ramdam ko ang galit at hindi ako tumigil sa pag-suntok ng buong-lakas sa dibdib niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko.


I'm already exhausted. Tumigil ako dahil sa panghihina ng buo kong katawan. I could no longer help but just let the d*mn tears fall nonstop while sobbing in pain. "W-why? W-why it h-has to be me? W-why are you so unfair w-when I even d-didn't do a-anything for you to torture me like this?" Wala na akong laban pa dahil patuloy akong pinapahina ng halo-halong pakiramdam sa loob ko. Parang pinipiga 'yong puso at utak ko sa nangyari.


"J-just kill me too...please." Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na talaga kinaya. Ngayon hinihiling ko na sana, sana natuluyan na lang din ako.




THIRD PERSON 


"Mabuti at tumawag ka. Dapat na ba tayong magdiwang?" Nakangising saad ng isang matandang kung tawagin ay Mr. Yoro habang hithit niya ang kaniyang tobacco pipe. Tanaw niya mula sa malaking bintana ng kaniyang silid ang hardin mula sa labas ng kaniyang mansiyon.


[Patay na siya.] Maikling sagot ng lalaki mula sa kabilang linya matapos masilayan ang buong pangyayari sa loob ng serpent castle.


"Hindi talaga maaasahan si Benjamin Chen." Wika niya tiyaka nagtungo sa isang lumang cabinet at binuksan ang drawer. Mula sa loob makikita ang isang baril na mayroong mala-antique na disenyo.


[Pero wala kayong dapat ipag-alala, Mr. Yoro. Wala siya ni isang isiniwalat na detalye tungkol sa inyo at sa samahan.] Magalang na wika niya.


Napangisi ang matanda tiyaka isinara ang drawer. "Sa ngayon wala pa. Kilala mo ang Serpent Commander, at alam mo ang takbo ng isip niya. Sigurado ka ba na wala pa siyang nalalaman hanggang ngayon?" Makahulugang tanong niya matapos salinan ng whisky ang baso.


[Nandito sa loob ng headquarter si Ms. Lorico. Nakasisiguro ako na hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na ikapapahamak niya. Kung may nalalaman man siya hindi siya kikilos ng basta-basta.] Kampante niyang sagot.


"Kung gano'n, manmanan mo ang bawat galaw niya. Sa ngayon, hayaan muna nating malamon ng galit si Ms. Lorico sa mga nalaman at malalaman pa niya. Panigurado na gustong alamin ni Boss kung paano na ngayon kumilos ang Serpent Commander ngayong nasa tabi na niya ang kahinaan niya....ang taong mismong iniingatan niya. Kikilos tayo oras na nakatanggap tayo ng signal mula kay Mr. X."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top