Chapter 8


New York, MCA Publishing

THIRD PERSON 


"You informed Miss Lorico without my order, Sarah! Alam mo na kayang-kaya kitang tanggalin sa posisyon mo ngayon din." Galit na wika ng CEO sa kaniya.


"Ginawa ko lamang ang iniutos ninyo, Mr. Nourhi." Nakayukong sagot niya ngunit nakakuyom ang mga kamao niya na tila nagpipigil ng inis. 


"Iniutos? Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?" Nakakunot ang noong tanong ng CEO sa kaniya.


"Ito ang note na iniwan ninyo sa office ko. " Iniabot niya ang piraso ng sticky notes. Kinuha naman 'yon ng CEO upang matingnan. "Walang duda na kayo ang sumulat niyan, Mr. Nourhi." Aniya. Ilang sandali lamang ay kaagad na chineck ni Mr. Nourhi ang kaniyang email at mula sa sent messages bumungad sa kaniya ang isang 'di pamilyar na message na naipadala sa kaniyang secretary.


"Who sent this to her?" Salubong ang kilay na tanong niya.


"If it wasn't you who sent the email then it basically means that someone else did." Pahayag ni Sarah na kumuha ng buong atensiyon ng CEO.


"Who could it be then, Sarah? Ellisse is the only one who knows my email privacy. Are you telling me that someone else inside this company set Ms. Lorico up to risk?" Hindi niya makapaniwalang tanong.


"It's the first and more obvious possibility we could consider, Sir." 


"I have my eyes on what's going on throughout the company. Malalaman at malalaman ko kung sino ang nasa likod ng kapangahasang ito." Matigas na pahayag niya na tila ba nagbabanta.


Prove it then, Mr. CEO. Patunayan mo kung sino ang tunay na may sala sa nangyari kay Miss Lorico. Sa katunayan, kahit ako ay nababahala para sa kaniya. Makahulugan at nakangising bulong ni Sarah sa kaniyang isip. Hindi nagtagal ay tumunog ang phone ni Mr. Nourhi.


Nagpakawala siya ng mabigat na pag-hinga nang makita mula sa screen ng kaniyang phone kung sino ang caller. "You can go." 


Mababakas ang pagkasiphayo sa kaniyang mukha bago sinagot ang tawag matapos tuluyang makaalis ng silid si Sarah. "I told you, Renzo. This was a huge mistake," Panimula niya. Tinanggal niya ang suot niyang salamin tiyaka marahan niyang hinilot ang kaniyang sentido.


[This case has nothing to do with Natsuo.] Sagot ng kausap mula sa kabilang linya.


"Ano'ng ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ng CEO.


[Conduct a thorough investigation of all the employees. I need the details within two days.]


"And how about, Miss Lorico? Paano ang special task?" Naguguluhan niyang tanong dahil hindi niya lubusang maunawaan kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaniyang kausap.


[Terminate her contract with MCA. Si Gil na ang bahala sa special task. He knows what to do.] Utos niya. Madaming tanong ang naglalaro sa isipan ng CEO ngunit nanatili na lamang itong tahimik bago muling sumagot.


"Roger, Commander."




Serpent Headquarter

DHALE TIZUAREZ 


Dalawang araw na ang lumipas simula nang malaman ko ang nangyari sa loob ng headquarter. Hindi ko inasahan ang lahat ng nalaman ko. Oh God! It was like a dream.


"It's been three days, Friz..." Marahan akong napakagat sa ilalim ng labi ko para pigilan ang luha ko. She held my hand as she smiled a little.


"Gigising si Ellisse, okay? Gigising siya." Paniniguro niya but I know she's also trying her best to hide her emotion. I know her and I'm sure how many thousand times she's been cursing in his mind since then. We looked at the door when it suddenly opened. It was Axcel and Nick.


"Kumusta na ang lagay niya?" Tanong ni Nick pero walang sumagot sa amin ni Friza. Tiningnan lang niya si Ellisse tiyaka bumuntong hininga.


"Hinahanap ka nga pala ni Creid, Dhale." I sighed when I heard what Axcel said. "Nag-usap na ba kayo?" Tanong niya tiyaka naupo sa sofa.


Sa halip na sumagot ako ay kinuha ko ang orange para balatan. Sobrang dami ko ng iniisip nitong mga nakaraang araw, at wala na akong oras pa sa ibang mga bagay.


"Sinong binabalatan mo ng prutas? Eh hindi pa naman gising si Ellisse." Tumigil ako sa pagbabalat nang magsalita si Friza. Tiningnan ko ang prutas na hawak ko and when I realized what I was doing, isinubo ko ang isang pulp at tiyaka itinuloy na binalatan ang natitirang bahagi.


"Kausapin mo na, konti na lang talaga masasapak ko na si Creid eh." Nick stated in annoyance as he sat beside Axcel. Wala naman kaming dapat pag-usapan. Ano ba ang drama niya sa buhay at lagi na lang akong nadadamay?


"Puntahan mo na baka mamaya makapatay na naman ng wala sa oras 'yon." Nakangising panggatong ni Axcel tiyaka tiningnan si Nick at sabay silang napailing. I looked at Friza na nakakunot-noo lang sa dalawa. They're doing it again.


"T*ng ina ni'yo, may tinatago kayo sa 'kin noh?" Pagsita niya sa kanila na ikinatawa lang nila. Nagpaalam na lang muna ako para ayusin kung ano man ang ikinakainis at problema ni Creid sa akin.


Pagdating ko sa rooftop—ang lugar na madalas at nag-iisang tambayan niya. Nakahiga siya sa bench at mukhang kung saan na naman siya dinala ng pagpa-pantasiya niya. For sure puro mga babae ang nasa isip niya. What else would it be? He's Creid. Creid Macklein Marquez.


Lumapit ako sa kinaroroonan niya at wala man lang siyang pakealam kahit na masinagan na ng araw ang mukha niya. Tumayo ako sa harapan niya para takpan ang sinag nito at pinagmasdan lang siyang mahimbing na natutulog.


"Sana lagi ka na lang tulog, para naman kahit papaano hindi ka magmukhang babaero." I whispered then I crossed my arms looking at him.


"What are you doing here?" Napasinghap ako't napatakip sa bibig ko nang bigla siyang magsalita. "Na-miss mo ba 'ko kaya ka nandito? Huh?" Ngayon ay mababakas na ang ngiti niyang abot hanggang tainga. Magsisimula na naman siya sa kalandian niya.


Umupo siya tiyaka hinawakan ang kamay ko na medyo ikinagulat ko. "Creid." I composedly said and at that point he let go of my hand. I sat beside him pretending that nothing happened.


Natigilan na lang ako nang bigla niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. "How's your feeling?" Tanong niya at hinayaan ko na lamang siya.


"I'm completely fine now, Creid. Thanks for asking." Sagot ko sa kaniya nang bigla niyang iniangat ang tingin niya. It seemed like my heartbeat suddenly stopped from the moment our eyes met.


"Don't hide it from me, baby." Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. No, Creid. This isn't right. Mahina kong itinulak ang dibdib niya palayo tiyaka ako umusog para layuan siya.


"I told you, tigilan mo na 'ko sa kalandian mo, Creid." Pagbabanta ko pero nginisian lang niya ako. Good thing na umayos narin siya ng upo.


"Sabihan mo 'ko kaagad kung kailangan mo ng secret investigator, hindi 'yong ikaw mismo ang naglalakas loob na lumutas sa isang kaso. Hindi ikaw si wonder woman kaya h'wag mong solohin lahat." Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya isama mo pa ang seryosong ekspresyon niya. I don't really know what to say.


"What?" Kunot-noong tanong niya dahil nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. You're weird.


"Ayokong maging istorbo sa 'yo." Sagot ko tiyaka umiwas ng tingin.


"Kailan ka ba naging istorbo sa 'kin? You've never been a nuisance to me Dhale, kahit ilang segundo lang." Muli akong napatingin sa kaniya, and he's still serious. 


Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Madalas, ibang klase rin kasi ang trip niya. When it comes to something like this, I mean, 'woman', hindi ko alam kung trip lang ba niya ako because I bet, between 80 and 20, I am 80 percent sure that he's doing this to any women out there who catches his attention. 


"I was referring to your---"


"Sa mga babae ko na naman?" My eyes was stuck on him. Hindi ako sumagot sa halip ay nag-iwas ako ulit ng tingin.


"Ayokong maging sagabal sa quality time mo sa mga babae mo. Alam ko na mas mahalaga sa 'yo 'yon, Creid, and I respect that. Diyan ka masaya afterall." I said. It's part of his life and I don't want to hinder that thing. Sino ba ako? We're just friends, at hangga't maaari ayoko na ma-involve ako sa kaniya o siya sa akin. 


"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa 'kin, Dhale?" Tanong niya. Siguro right timing na 'to para magpakatotoo ako sa kaniya. I took a deep breath to gather the courage I need along with the right words.


"You're a man, Creid...pero pagdating sa mga babae, please, just drop me out of your chix list. We're good friends at ayokong masira ang pagka-kaibigan na mayro'n tayo. I don't need a relationship that's only filled with lust. I'm not a whore, and I know you knew that." I said in a confronting tone.


I heard him grinning. "Wala ka paring pinagbago, Dhale. Still the same as ever. Cheap." Sagot niya. Marahan kong kinagat ang ilalim ng labi ko para pigilan ang emosyon na ayokong makita niya. Cheap? Cheap na pala ang tawag ngayon sa matinong babae. 


Tumayo ako tiyaka humarap sa kaniya. "I know, and you don't deserve a cheap kind so stop acting like you really care about me." I said with my sight narrowly stuck with his. "I knew your agenda, Mr. Marquez and I'll be honest...you can never make me fall into your trap. Utak lang ang napapabayaan ko pero hindi ang puso ko." Naglakad ako papalayo pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang balikat ko paharap sa kaniya tiyaka niya hinigit ang baywang ko. I was stunned as I felt him hugging me so tight. Sobrang higpit na para bang ayaw niya akong pakawalan.


"C-creid, I can't breath. L-let me go." I whispered trying to push him away but the more I tried to do so, the more he pulled me closer to him.


"I'm sorry....I'm sorry, Dhale." Bigkas niya at ramdam ko ang mabigat na paghinga niya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap tiyaka ako tiningnan diretso sa mga mata ko. His eyes are filled of unsaid thoughts and feelings, pero ramdam ko sa mga tingin niya kung gaano siya kalungkot and it somehow hit my heart too.


He cupped my face then he caressed my cheeks. He sparingly smiled at me yet it wasn't enough to cover the sadness in his eyes. "You never failed to render my heart, Dhale. No one else is capable to destroy me from within. No one else but you."


"Stop it. I'm leaving." I was about to turn around but he went on speaking. "Alam mo ang tinutukoy ko. Alam kong ramdam mo 'yon, Dhale, because I know that I never failed to make you feel what I'm really feeling for you." 


I know yet I don't want to entertain it as a matter of fact. 


"I don't know what you're talking about. You should stop now, Creid." 


"T*ng ina, Dhale." Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagmumura sabay sabunot sa buhok niya. Makikita sa mukha niya ang pagpipigil ng inis. "Dhale, I-i..." Para bang may pumipigil sa bibig niyang ituloy ang dapat na sasabihin niya.


"Creid, please just stop okay? Kung galit ka sa akin dahil may nagawa akong mali na hindi ko namamalayan then I'm sorry. At kung ano man 'yang nararamdaman mo ngayon sa akin, please, stop entertaining it." I was about to step away when he grabbed my hands tiyaka ako isinandal sa pader which hurt my back and it really suprised me. His eyes are filled with anguish and I can't utter any words nor just simply push him away.


"I want you, Dhale. I want you so bad." He whispered in a desirous tone as he moved his head closer to mine.


"Creid, stop. I don't want to---" He cut me off when he furiously kissed my lips.


"C-creid, ano ba! Bitawan mo---" I tried to push him away pero hindi ko magawa dahil hawak niya ng mahigpit ang kamay ko na isinadal niya sa pader.


"Shut the f*ck up, Dhale! I know you want me too." He muttered until I felt his lips on my neck. Sa pagkakataong 'yon wala na akong magawa kung hindi ang hayaan na lamang ang luha kong tumulo mula sa mga mata ko. Wala na akong lakas na pigilan siya. 


"C-creid, please...Please stop.. Please, don't do this to me..." Pagmamakaawa ko hanggang sa tuluyan na akong napaupo nang bitawan niya ang kamay ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magawa dahil nanginginig ang buo kong katawan, niyakap ko na lang ang tuhod ko and I let myself to cry.


"Dhale"


"W-why Creid? Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to?" Gusto ko siyang sungaban ng suntok but I don't have courage to do so. The tear drops became nonstop.


"Dhale, I'm so---" Tinapik ko ang kamay niyang humawak sa pisngi ko. "Just leave. Please. Leave me alone." Pakiusap ko habang yakap ko ang mga tuhod ko. He didn't say anything. Tumayo siya hanggang sa narinig ko ang mga yabag niyang papalayo. At that moment I cried out loud.


This is the most crucial part of love kahit na gusto ng puso mong mag-mahal, kung sa pag-hanga pa nga lang nasasaktan ka na, do you think it still right to go for the happiness that you knew won't last long? Masasabi mo pa bang pagmamahal talaga ang namamagitan sa inyo if the other side only wants to satisfy his cravings for lust?




FRIZA GONZALES 


"Aamin ba kayo o hindi? Sagot!"


"Naiinip na 'ko sa 'yo, Bryan. Kanina mo pa pinapaamin 'yan. Wala namang nagsasalita." Walang gana kong komento sa kaniya na kanina pa naiinis sa pagpapaamin sa dalawang lalaking nababalutan ng tali ang buong katawan. Napatingala ako sa kanila na nakasabit mula sa bakal.


"T*ng inang mga 'to, tuluyan ko na kaya" Inis na sagot niya tiyaka ikinasa ang baril. Tss! Tumayo ako't naglakad papunta sa mesa malapit sa kaniya para kunin ang baril na ibinaba niya kanina. Hinipan ko ang muzzle nito tiyaka itinutok sa isang lalaki sunod ang katabi niya. Mukhang na-dismaya pa sila sa ginawa ko.


"Sayang naman ang mga laway ninyo kung hindi kayo magsasalita." Walang gana kong sabi.


"S-sasabihin namin a-ang t-totoo, h'wag niyo lang kaming p-papata---"


"Itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong madamay ang pamilya mo." Pagbabanta naman ng kasama niya. Tss, t*ng ina nito, mas gusto pa yatang mamatay. Kung sino man ang master nila, paniguradong alagang-alaga ang mga sungay nila.


"Miss Gonzales, ito na po ang lahat ng ebidensiyang nakuha namin sa buong kabahayan." Magalang na sabi ng isa sa mga miyembro ng investigation team na kasama namin ngayon dito sa bahay na nasa gitna ng bukid kung saan pumunta si Ellisse bago siya dinala sa headquarter. Kinuha ko sa kamay niya ang resealable plastic na naglalaman ng maliit na bote kasama ng syringe.


"Maaring 'yan ang gamot na itinarak kay Miss Lorico." Komento ni Jinno. "Pero kung balak talaga nila siyang patayin, sana ay ginawa na nila. Ang nakapagtataka pa ay sa dami ng lugar na maaari nila siyang dalhin, sa serpent headquarter pa at sa mismong kastilyo talaga. Ibang klaseng demonyo ang may gawa nito huh." 


Bakit nga ba sa castle pa? Ano ang kinalaman ni Ellisse sa Serpent, at ano ang koneksiyon ng suspect sa kaniya at sa samahan?


"Kailangan tayo sa headquarter. Urgent meeting daw sabi ng Royal Chief." Napatingin kami kay Zion na kapapasok lang galing sa labas.


"Maiwan ang ibang knights. Bryan, ikaw muna ang bahala rito. Friza nd Zion, sumunod kayo." Utos ni Jinno na naunang lumabas.

"Anong gagawin namin sa dalawang 'to, Jinno?" Tanong ni Bryan nang hindi pa man kami tuluyang nakalabas. Tss! Kung ako 'yan kanina pa sabog ang bungo nila.


"Kill them." Tipid na sagot niya bago lumabas. Hinagis ko ang hawak kong baril kay Bryan na kaagad naman niyang nasalo. "Ayusin mong bumaril, h'wag kang aksaya ng bala." Pang-iinis ko sa kaniya na babangayan pa sana ako pero mabilis kong sinundan palabas sina Jinno.




Serpent Headquarter

Pagdating namin sa meeting room ng headquarter, bumungad sa amin ang seryosong mukha ng Commander. Pumunta sa harapan ang Commander-Secretary at mula sa malaking screen projector ipinakita niya ang isang larawan ng lalaki.


"Benjamin Chen. Siya ang editor in chief ng MCA. Ang prime suspect sa ginawang krimen kay Miss Lorico." Diretsang pahayag niya dahilan ng pagkuyom ng kamao ko. T*ng inang editor in chief 'yan, 999 times, nasa malapit lang pala.


"According to Mr. Nourhi, he's one of the most trusted person inside the company maliban sa secretary niya which is Ms. Lorico. Hindi kaagad mapapansin na kaya niyang gumawa ng taliwas dahil sa propesyonal na katayuan niya sa MCA." Dugtong ni Mr. Malriego at sunod na nag-flash ang isang stolen shot.


"He was sent by Vitcom Publishing Company actually as a spy to MCA in exchange of a large money figures. Vitcom is one the biggest competitors of the company, at balak nilang pabagsakin ang MCA sa pamamagitan ng pagkuha nila ng mga VIP and VVIP clients ng kompanya. Given by the fact na kay Miss Lorico na-assigned ang special----"


Hindi naituloy ni Mr. Malriego ang sasabihin niya nang walang ekspresiyong nagsalita ang commander. "Next detail."


"Paano nadamay si Miss Lorico rito?" Tanong ni Axcel. 'Yon talaga ang nakapagtataka, bakit?


"She's the CEO's secretary and her job is to deal with VIP and VVIP clients, and she was ordered to lead the entire company in behalf of Mr. Nourhi. Ayon sa nasabi ng mga employees, nagkaroon ng alitan si Mr. Chen at si Miss Lorico ilang araw lang ang nakalipas bago nangyari ang insidente." Sagot ni Mr. Malriego.


"Dahil lang sa pera nagawa niya 'yon kay Ellisse?" Hindi ko makapaniwalang komento. Ikinuyom ko ang kamay ko.


"Miss Lorico is not an easy kind to deal with. She has her own law and discernment." Seryosong pahayag ng Commander na nakahalukipkip. Alam niya ang tungkol sa ugaling 'yon ni Ellisse. Paniguradong nakuha na niya ang buong detalye tungkol sa kaibigan namin.


"What's the next plan then, Commander?" Tanong ng Royal Chief.


"Seize all the properties of Vitcom. Mr. Nourhi will do the rest." Kaagad na sagot niya na mukhang napag-planohan na niyang maigi ang gagawin.


Ito ang kapangyarihan ng mga ungovernable societies tulad ng serpent. May sariling batas na sinusunod at may sariling opinyon kung sino ang iiwang buhay o marahas na mapapatay, at hindi maaaring mangealam do'n ang kahit na sino na may katayuan sa gobyerno.


"How about Mr. Chen?" Tanong ni Mr. Malriego.


"Take him here." Malamig na utos niya. Teka, ano? Bakit siya idadala rito? Nandito sa headquarter si Ellisse. Ano bang plinaplano mong gawin, Commander?


"Commander it's not safe for Miss Lo---"


"Do what must be done or try to piss me off." Pagbabanta niya sa Royal Chief na hindi man lang natapos ang sasabihin.


"My apology, Commander." Magalang na sagot niya.


Tumungo kaming lahat bago lumabas. Hindi parin naalis sa isip ko ang posibleng plinaplano ng Commander. Bakit pa kailangang dalhin ang suspect dito sa headquarter kung pwede namang utusan ang gang o ang Royal Chief mismo na patayin s Benjamin Chen sa labas ng bansa.


T*ng ina, naguguluhan na ako.




ZETHANYA YUI FELIZTRO 


[Babe, I told you I can't easily grant your request. Masiyadong komplikado.] He answered from the other line.


Bumuntong hininga ako. "What am I going to do now then, Lucas?" Tanong ko sabay hilot sa sentido ko. Mahigpit na nga ang batas ng societies, pati ba naman siya.


"Mas mahal mo talaga ang posisyon mo kaysa sa akin noh?" Nagmamaktol at patampo kong tanong. Hindi ko ugali ang papiliin siya kung ako o ang trabaho niya bilang royal knight ng Canis, kailangan ko lang talaga ng impormasyon tungkol sa ginawa kay Ellisse.


I heard a deep sigh from him. [That are two different things, babe. You know that.]


"Fine, I won't ask for more. Sige na, I have to go." Ibababa ko na sana ang phone nang magsalita siya ulit.


[Don't dare to end the call with a long face, Zethanya.] Wika niya. Kahit sa phone ay hindi ko maitago ang reaksiyon ko.


Bumuntong hininga ako. "Fine. I won't ask for more. I have to go now, babe. Take care and I love you." I sweetly uttered. Kilalang kilala rin kita, and I know what he meant to say.


[Let's meet tonight?] And that's how things work between us. Konting conflict, meet up agad.


"Okay lets---"


"Tanya, si Ellisse!" Naputol ang sasabihin ko nang biglang narinig ko ang pagsigaw ni Daniella mula sa private room kung nasaan si Ell.


[What was that?]


"Sorry, Lucas. I can't meet you tonight. Babawi na lang ako next time, okay? I really have to go now." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. I ended the call tiyaka mabilis na nagtungo sa kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nangingisay si Ell. Nilapitan ko siya kaagad para suriin ang kondisyon niya at bigla ko na lang naalala ang naceachotin extract. It was my last research study, hope it works.


"Is she alright?" Nag-aalalang tanong ni Daniella nang kumalma si Ell matapos ko siyang turukan ng antidote. "She will." Paniniguro ko habang nakatingin kay Ellisse. Please, Ell, wake up. We need you.


It's been half an hour pero hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Ellisse. Ayokong ipakita kay Daniella na nag-aalala ako kaya naman nagpaalam muna ako sa kaniya na may kailangan akong asikasuhin pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay napatigil ako.


"S-she moved." Napalingon ako at nakita ko ang unti-unting pagmulat ng mga mata niya. Naramdaman ko na lang ang kusang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.


"Ellisse!" Halos mapasigaw ako sa tuwa nang lapitan ko siya.


"N-nasaan ako?" Nanghihina niyang tanong at mahahalatang hindi pa niya kayang igalaw ang katawan niya.


"Hindi na 'yon mahalaga, Ellisse. Ang mahalaga ay gising ka na." Sagot ni Daniella na nagpupunas ng luha habang hawak ang kamay ni Ell. I was about to speak nang biglang maalala ko ang sinabi ni Commander. I need to inform him.


Nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan ako. Nagtungo ako sa royal room kung nasaan si Commander. Naiwang bukas ang pinto kaya naman sumilip ako mula sa nakaawang na espasyo.

"She's under my law and no one can go against it even her." Rinig kong wika niya. Si Ellisse ba ang tinutukoy niya?


"Just come in if you want to hear everything." Napaayos ako ng tindig nang marinig ko ulit ang boses niya. Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.


"Report, Commander." Saad ko matapos kong tumungo. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Gising na po si Miss Lorico. Kailangan na lang niya ng sapat na pahinga para maka-recover ang katawan niya." Patuloy na pahayag ko. Hinuhuli ko ang magiging reaksiyon niya but I saw nothing kahit sa mga mata niya.


"Bring her to the castle." Sagot niya na siyang ikinatigil ko. Again? Bakit sa castle?


"Commander, anong----"


"You heard me. Defy me once, otherwise...." 


Kaagad akong tumungo, "My apology, Commander. Right away."


Ano ba talaga ang plano mong gawin, Commander? Kaligtasan ba talaga ni Ellisse ang iniisip mo o ang mahuli lang ang mga taong nagdala sa kaniya rito sa teritoryo mo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top