Chapter 7
DANIELLA KATE AVILAR
"Nick, we need to move her out of this place now! Paparating na ang serpent gang." Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ko sa kaniya na kanina pa hindi mapakaling pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko.
"Nick, ano ba?! I said, let's move her now!" Sigaw ko nang tumigil siya tiyaka ako tiningnan at malalim na huminga. Don't disappoint me, Nickolas. Buhay ni Ell ang nakasalalay rito.
"Sorry, Daniella." Sa boses pa lang niya para na akong nanlumo. "Wala na tayong magagawa." Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. I looked at Ellisse na sobrang putla na at hindi na humihinga. Sa pagkakataong 'yon tanging ang umiyak na lang ang nagawa ko.
"Ellisse, please...don't leave us like this. Parang awa mo naman Ellisse, lumaban ka!" Umiiyak na pagmamakaawa ko habang niyuyugyog ko ang katawan niya.
"Daniella, tama----"
"Let go of me, Nickolas!" Galit kong paghawi sa kamay niya nang pigilan niya ako sa ginagawa ko. "We can't leave her like this. Hindi siya pwedeng mamatay, Nick! H-hindi pwede..." Halos wala na akong mailabas na boses dahil sa paghikbi at patuloy na pagtulo ng mga luha ko hanggang sa napaupo na lang ako sa sahig. Galit, sakit at panghihinayang. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Wala man lang akong magawa para iligtas ang buhay ng kaibigan ko.
"Hinding-hindi ko m-mapapatawad ang s-sarili ko, Nick..." Paghikbi ko. Ang sakit sakit. Sobrang sakit ang mawalan ng tunay na kaibigan, pakiramdam ko nawala ang isang pinakamahalagang part ng sistema ko.
ZETHANYA YUI FELIZTRO
Kasalukuyan kaming nasa prison cell ng headquarter kung saan dinadala ang mga taong naghihintay na lang sa parusang kamatayan. Maliwanag na sa ginawa naming pagliligtas sa kaibigan namin, ang tingin ngayon ng mga nakatataas at ng buong serpent ay mga traydor kami.
"T*ng ina, palabasin ni'yo kami rito!!"
"Tama na 'yan Friza, walang tutulong sa 'tin kahit pa sumigaw ka ng sumigaw diyan hanggang sa mamaos ka." Pagpigil ni Creid kay Friz na kanina pa galit na sumisigaw.
Creid was right, walang sino man ang magtatangkang tulungan kami ngayon dahil para na rin nilang inapakan lang utos ng Serpent Commander kapag ginawa nila 'yon.
"Rix." Pagtawag ko sa kaniya na kanina pa tahimik at malalim ang iniisip.
"Wala ba kayong planong gawin huh, Beaurix? Nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Ellisse, naiintindihan ni'yo ba 'yon huh?!" Galit at sarcastic na saad ni Friza.
It's too impossible to escape out from this prison, at iniisip ko pa lang ang pananatili namin dito hanggang bukas, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na mailigtas ang buhay ni Ellisse.
"Kailangan kong makausap ang Serpent Commander." Lahat kami ay napatingin kay Rix nang magsalita siya. It's hard to read what's written on his face. Walang umimik sa amin hanggang sa tumayo siya.
"Teka, anong binabalak mong gawin?" Tanong ni Axcel tiyaka tumayo. Sabay silang lumapit ni Creid kay Rix na malapit sa pinto pero huli na nang walang pag-aalinlangang binuksan ni Rix ang isang box na nakasabit sa selda kung nasaan ang emergency button. Hindi basta-basta ang box na 'yon dahil naglalaman lang naman 'yon ng indian snake.
"F*ck, Rix no!" Sigaw ni Creid. Napatakip ako sa bibig ko nang ipasok ni Rix ang kamay niya sa loob para pindutin ang E-button. Huli na ng mabilis na nilapitan ni Creid si Rix para ilayo sa box, kaagad namang isinara ni Axcel 'yon tiyaka inalalayan sina Creid.
"Rix!" Lumapit ako kaagad sa kaniya tiyaka tiningnan ang kamay niyang may bakas ng kagat ng ahas.
"T*ng ina ni'yo! Palabasin ni'yo kami rito!!" Sigaw ni Friza.
"Kailangan kong makausap ang Serpent Commander bago mahuli ang lahat." Kalmado at nanghihinang saad ni Rix. Ngayon ang buhay naman niya ang nasa alanganin. I can't take all this shits no more! Tumayo ako na kuyom ang kamay ko. Lumapit ako sa dalawang lalaking kararating lang para tingnan kami.
"Take him to the infirmary room. It's an order." Matigas na utos ko sa kanila na para bang matatawa pa sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanila. "Kilala ni'yo naman siguro kung sino ang mga Reaganel hindi ba?" Tanong ko.
Nagtingin pa sila tiyaka nakangising umiling. "Nasa Serpent kayo at walang kinalaman ang kahit na sinong may ranggo sa ibang samahan sa kasong hawak ng Serpent." Mahigpit kong ikinuyom mga kamay ko.
"Hindi ni'yo kami palalabasin?" Napalingon ako nang magsalita si Creid. Namilog ang mga mata ko nang ilabas niya ang baril niya tiyaka 'yon itinutok sa dalawang lalaking nasa labas ng selda. Paano nakalusot dito sa loob ang baril niya?
"Unlock the door or I will f*cking shoot your heads!" Hindi ko alam kung paano nagawa ni Creid na utusan ang dalawa. Mabilis nilang binuksan ang lock. Kaagad naman kumilos si Axcel para alalayan si Rix na makalabas.
"T*ng ina ni'yo babalikan ko kayo oras na may nangyaring masama sa kaibigan namin." Mura ni Friza sa dalawang lalaki.
"Friz." Pagtawag ko sa kaniya. "Kayo na muna ang bahala kay Rix and give this to Doctor Loren, alam na niya ang gagawin niya." Patuloy ko tiyaka iniabot sa kaniya ang psychotria elata na ibinigay ni Creid kanina. Tumalikod ako at humakbang palayo.
"Hoy, Tanya sa'n ka pupunta?" Tanong niya pero hindi ko na inabala pa na lingunin siya.
I'm sorry but I need to talk to the Serpent Commander right away. Hindi ko maintindihan ang iniisip ni Rix kanina but now I just realized what was he planning out.
There's no one else who can turn the table now but Rix and I, dahil kami lang ang posibleng makapag-pabago sa isip ni Commander. I hope so...
Huminga ako ng malalim pagdating ko sa harap ng pinto ng royal room. Marahan ko itong binuksan. Wala akong nadatnang tao kaya naman inilibot ko ang paningin ko hanggang sa npansin ko ang presensiya ng dalawang tao na kalalabas lamang mula sa royal garden. Ang Commander kasama ang Royal Chief.
"Miss Feliztro, what do you think you're doing here? Hindi mo ba alam na pag-labag sa batas ng Serpent ang ginagawa mong basta-basta na lang pag-pasok sa kwartong 'to?" Nakakunot ang noong tanong ng Chief. Ramdam ko ang pag-tulo ng pawis mula sa sentido ko dahil sa kaba pero hindi ko ipinahalata pati ang nanginginig kong mga kamay.
Lumapit ako sa kanila at magalang na tumungo bago matamang tiningnan ang Commander. "I need to talk to you, Commander. It's an urgent report." Buong tapang na wika ko na sinasabayan ng malalakas na pagtibok ng puso ko.
"Last warning, Ms. Feliztro. Leave this room or I'll shoot you righ now, right here inside this room." Pagbabanta ng royal chief pero hindi ko na siya inabala pang pansinin. Wala na akong oras, I need to say it.
"This is about Mr. Arnold Nourhi's secretary..." Napalunok ako tiyaka ko mahinang kinurot ang kamay ko. "Ellisse Zerina Lorico... siya ang kaibigan naming h-hinatulan mo ng kamatayan, Commander." The moment I said that phrase, my eyes didn't make a mistake, seeing how his jaw tightened. Void expression still but deadly eyes.
"Commander..." At sigurado ako na hindi rin inaasahan ng Royal Chief ang narinig.
"I will kill both you and Gil for this absurd mistake, Tyler" Matigas na pagbabanta niya. Walang salita o ano mang utos ng Commander ang napapako o napapawalang-bisa. He's a man of his words.
"Pero, Commander----"
"Terminate the order and kill all the gang members who would get entailed in the annihilation. Otherwise, I'll f*cking kill them myself."
DANIELLA KATE AVILAR
"Please let her go!! Ako na lang ang patayin ninyo! Please, nagmamakaawa ako." Nakaluhod kong pagmamakaawa sa member ng serpent gang nang dalhin ang malamig ng katawan ni Ellisse rito sa lumang warehouse ng headquarter. Ni wala man lang sa kanila ang pumansin sa akin.
"Daniella, tumigil ka na." Kalmadong hinawakan ni Nick ang braso ko patayo pero hinawi ko ang kamay niya.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Seriously, Nick? Papayag ka na lang ba talagang patayin si Ellisse ng walang kalaban-laban?" Umiiyak na tanong ko. Kung kaya niya, ako hindi.
"Oras na hindi ka tumigil, mas lalo mo lang mailalagay sa alanganin ang buhay niya."
"Ano?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Segundo na lang ang natitira, tuluyan ng mawawala sa amin si Ellisse pero nakakatawa lang dahil hanggang ngayon ay kalmado parin siya na parang may darating na milagro para sagipin si Ellisse sa bingit ng kamatayan.
"Wala ka bang tiwala kila Friza? Kilala mo sila Daniella, at alam kong alam mo na hindi nila hahayaang may mangyaring masama kay Ellisse kahit pa mismong Serpent Commander ang kalaban nila...natin." He stated.
Ilang sandali lang ay halos nanlamig ang buo kong katawan dahil sa malakas na putok ng baril na nanggaling hindi kalayuan sa kinatatayuan namin malapit sa warehouse...Ang Serpent Commander. Mabilis akong hinila ni Nickolas sa gilid tiyaka tumungo ng dumaan siya sa harap namin.
"Everything's going to be alright, Daniella." Napatingin ako kay Tanya na ngayon ay nasa tabi ko na nang yakapin niya ako para pakalmahin. "Dito na lang muna kayo. Ako na lang ang papasok. I need to see her condition." He added tiyaka naglakad papasok ng warehouse.
Anong ginagawa ni Commander dito? Bakit sila magkasama ni Tanya? Si Commander ba mismo ang papatay kay Ellisse?
ZETHANYA YUI FELIZTRO
Halos masira ang pinto papasok sa isang kwarto nang buksan ito ng Commander na siyang umagaw sa atensiyon ng mga gang members na nasa loob. Lahat sila ay tumungo at halos makahinga ako ng maluwag nang makita si Ellisse na nakahiga sa trolley bed. Kaagad ko siyang nilapitan para tingnan ang kondisyon niya.
"All of you. Get out." Kalmadong utos ng Commander pero mahahalata ang pagbabanta sa tono ng boses niya.
"Pero Commander hindi pa po namin nasisimulan ang ritual. May problema ba?"
"Ritual?" Nagtataka kong tanong dahil ngayon ko pa lamang naririnig ang tungkol do'n. Walang nababanggit sina Creid tungkol sa kung ano mang ritual na isinasagawa ng gang. Are they planning to do something vicious to Ellisse?
"Siya ang kabayaran sa mga ginagawang operasyon ng gang. Sa madaling salita, maisasagawa sa kaniya ang copulation habit o ang sex act ritual."
"F*CK OFF!!" Hindi ko inaasahan ang gagawing pag-patay ng Commander ng harap-harapan sa lalaki. Pati ang ibang mga members ay nagulat sa ginawa niya. Mula sa sahig dumaloy ang dugo ng lalaking binawian niya ng buhay. Ngayon ay maliwanag ng mababakas sa mukha ng Serpent Commander ang galit na may kasamang pagnanasang pumatay ano mang oras.
"GET THE HELL OUT OF THIS ROOM. NOW!!"
Mabilis na nag-silabasan ang lahat pero nanginginig ako habang hawak ang pala-pulsuhan ni Ell. "C-commander" Nag-umpisang mangilid ang luha ko. "H-her heartbeat is a-already gone."
"F*ck." Malutong na mura niya kasabay ng malakas na pag-suntok niya sa pader. I've never seen him before having this dreadful aura at ang makita ng harap-harapan kung paano siya magalit ay nakakangatog ng tuhod.
"Can you still save her?" He asked in a heavy breathing tone.
"It's too---"
"F*ck, just say if you can or not!" Sigaw niya na mas lalong nagpanginig ng tuhod at kamay ko. Ito ang bagay na sinasabi ng royal chief tungkol sa kaniya. Galitin mo na ang ahas, h'wag lang ang pinunong may sariling batas.
"I-i'll try, Commander." Nauutal na sagot ko. Kahit na alam kong imposibleng kayanin pa na pawiin ng psychotria etract ang lason na nagkalat na sa katawan niya.
"Then, it's an order...Save her and I will spare all your lives." Walang ekspresyong sagot niya pero mahahalata ang awtoridad niya.
FRIZA GONZALES
"Maayos na ang lagay niya, wala kayong dapat ipag-alala." Halos makahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi ni Doctor Loren sa amin pagkalabas niya ng infirmary room matapos bigyang lunas si Rix.
"Ito nga pala 'yong psychotria extract." Sabay abot ko sa kaniya ng maliit na bote.
Napangisi siya. "Where did you get this? Sa pagkakaalam ko ay isang lugar lamang dito sa Pilipinas makikita ang bulaklak ng psychotria, at imposibleng makakuha kayo mula sa ibang bansa." Makahulugang komento niya at sa mga ngiti pa lang niya alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.
"Tama ka, Doctor Loren. Galing 'yan sa royal garden, ang natatanging bulaklak na pinakaiingat-ingatan ng Serpent Queen." Sagot ko at tulad nga ng inaasahan ko hindi na siya nagulat.
"Hindi ni'yo man lang naisip na ang royalties ang kinakalaban ni'yo. Maniniwala na talaga ako sa suwerte kung hanggang bukas ay buhay pa kayo." Nakangising sabi niya bago ako lampasan. Tss! Sinong tinakot niya?
"Ang sabi nila may pinatay raw na gang member si Commander." Napakunot-noo ako habang naglalakad sa hallway para hanapin si Tanya nang marinig ko ang usapan ng dalawang lalaking nakasalubong ko.
"Hoy, teka lang!" Pagtawag ko sa kanila nang lampasan nila ako. Kaagad silang tumungo nang makita ako. "Anong sinabi mo? Sino ang pinatay ni Commander?"
"Si Dan, balita ko napainit niya ang ulo ng Commander." Sagot ni Jinno na sumulpot mula sa likuran ko. "Bakit kasi hindi ni'yo sinabi kaagad na VIP pala ang tinutukoy ni'yong kaibigan." Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya.
"Ellisse Zerina Lorico. Siya ang natatanging secretary ni Mr. Arnold Nourhi, ang CEO ng MCA Publishing Company." Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko na secretary si Ellisse pero hindi man lang pumasok sa isip kong tanungin kung saang kompanya at wala man lang sinasabi sa akin 'yong iba. Hindi ko sinagot si Jinno. Mabilis akong tumakbo para hagilapin kung nasaan dinala si Ellisse.
ZETHANYA YUI FELIZTRO
Pinunas ko ang pawis mula sa sentido ko at huminga ng malalim bago ko pinihit ang doorknob palabas ng VIP room kung nasaan si Ellisse. Napatingin ako sa Commander na nakatalikod habang nakatayo sa harap ng malaking bintana kung saan tanaw ang malawak na field sa labas. Tiningnan ko ang oras mula sa nakasabit na wall clock. Halos anim na oras na pala ang nakalipas simula kanina.
Lumapit ako sa kaniya tiyaka magalang na tumungo. "She's now on stable condition, Commander yet we still have to wait for about two to three days." Panimula ko.
"How stable she is?" Tanong niya pero nanatili ang tingin niya sa malawak na field. It's too hard even to guess what is possibly running in his mind.
"Ang pagtanggap ng katawan niya sa psychotria extract para ma-cleanse ang dugo niya, to normalize her blood circulation along with her pulse rate is a long progress but good thing that her body is smoothly handling the process." Paliwanag ko.
"Inform me right away when something happens. No one else but me." He strictly said. Tumalikod siya at palabas na sana ng kwarto nang muli akong magsalita.
"I-i need your help, Commander." Alam kong isang malaking pag-suway ang ginagawa ko pero kailangan kong gawin ito. I know he's the only one who can help us right now.
Muli siyang humarap at matamang tumingin sa akin. "Kailangan naming mailabas si Ellisse mula rito sa headquarter ng hindi niya nalalaman. Please, allow my favor, Commander." Tumungo ako at hinintay ang sasabihin niya.
"Did you really expect that I would allow such a random favor from anyone?" Sagot niya. Naikuyom ko ang kamay ko bago ko iniangat ang tingin ko.
"Why did you save her then, Commander?" Kanina ko pa gustong itanong ang tungkol sa bagay na 'yon. Just why?
"She's a VIP and you have no rights to question my order." Seryoso at matigas na tonong sagot niya.
Sapat na sana ang sagot niya, but I saw everything about what happened earlier and I think it has something to do with Ellisse. Kilala niya si Ell dahil siya nga ang MCA's secretary. Given na 'yon pero sa nakikita ko sa reaksiyon niya kaninang nag-aagaw buhay si Ell, parang may mas malalim pa na gustong iparating 'yon.
"No one has permission to take her out of this place. You know my rule. If you would like to go against my law, well no one's stopping you. Give it a shot and take the consequence." Sagot niya.
Ito ang dahilan kung bakit walang sino man ang nagtatangkang labagin ang utos niya. His orders are deadly inevitable.
"But we can't guarantee her safety here, Comm---"
"She will be safe under my command. Mark my words." At umalis siyang puno ang utak ko ng madaming katanungan.
Sa dami ng tao na pwedeng magkaro'n ng koneksiyon kay Commander, bakit si Ellisse pa? If it was really fate that changed everything now, I hope, fate will also give us the chance to fix our mistake in the end.
THIRD PERSON
"M-maniwala po kayo, Mr. Stanford. Nakabantay po kami ng buong araw sa castle. Bantay sarado ang center gate pati na rin ang palibot ng buong kastilyo." Paliwanag ng isang lalaki na siyang leader ng mga naatasang magbantay sa buong kastilyo ng headquarter.
Galit na kinalabog ni Mr. Stanford ang mesa. "Kung hindi kayo naisahan, paano sa tingin mo naidala sa loob ng castle si Miss Lorico?"
Sakto namang bumukas ang pinto at mula roon pumasok ang Commander na seryoso ang mukha kasama ang kaniyang secretary. Tumungo silang lahat.
"Commander." Magalang na bigkas ng Royal Chief.
"Cue" Malamig at tipid na utos niya nang makaupo ito sa center seat.
"Nagsasabi po kami ng totoo, Commander. Mahigpit ang ginawa naming pagbabantay sa kastilyo. Walang ano mang bakas ang iniwan ng suspect. Malinis pong naisagawa ang ilegal na panghihimasok sa castle." Patuloy na paliwanag ng isa sa mga bantay.
"I need no one's explanation." Walang emosyong sagot niya tyaka dinampot ang baril na marahang ipinatong ni Mr. Malriego sa mesa. Marahang niya itong hinahaplos na parang isang mamahaling dyamante hanggang sa gumawa ito ng tunog ng pag-kasa.
"Since when did I permit you to hire dumb men to guard the castle, Chief?" Dagdag niya na nagpayuko lamang kay Mr. Stanford. Naiisip din niya marahil na sa kabilang dako ay may sagutin siya sa nangyaring insidente.
"Isang napakalaki at seryosong pagkakamali ang nagawa namin, Commander. Magalang po naming tinatanggap ano mang parusa ang ipataw ninyo." Lumuhod sa harapan ang leader ng mga bantay na sinundan ng iba pa. Hindi sumagot ang Serpent Commander kaya naman napatingin sa kanya si Mr. Stanford at Mr. Malriego na nakatayo mula sa magkabilang gilid ng center seat.
"Shall I spare them, Mr. Malriego, or better if I shoot them all?" Tanong nito sa kaniyang Secretary habang patuloy ang marahang pag-haplos sa baril na hawak niya.
Nais mang basahin ni Mr. Malriego ang iniisip ng Commander, hindi niya ito magawa. Kahit siya na pinakamalapit at kanang-kamay ay hindi maunawaan ang kasalukuyang tumatakbo sa isip ng kaniyang pinaglilingkurang pinuno.
"Hindi katanggap-tanggap sa batas ng serpent ang ginawang krimen kay Miss Lorico. Tingin ko ay hindi natin ito dapat palampasin, Commander. Nararapat lamang na mahuli ang mastermind sa likod ng kasong ito. Kamatayan ang kapalit ng isang mabigat na kasalanan sinasadya man o hindi. Ano sa tingin mo, Mr. Stanford?" Mungkahi't tanong niya.
"We must prioritize the investigation to find the whereabouts of the person behind this case. If possible...."
*BANG*
Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kasabay ng pag-bagsak ng katawan ng isang lalaki na katabi ng leader ng mga bantay sa kastilyo. Tila nakabibinging katahimikan ang bumalot sa malawak na silid matapos.
"Did you really think I could possibly spare these men, Chief?" Nakangising tanong ng Commander na tila batid na ang dapat na sasabihin ni Mr. Stanford.
"They can...."
*BANG*
"I can hire triple the number of these dumb...right, Mr. Malriego?"
"Right away, Commander." Magalang na sagot niya bago sinimulang pindutin ang kaniyang phone na tila may idina-dial na numero.
"Useless must be eliminated out of my place. I don't use extra yet weak bullets. Even time can't strengthen them. I thought you knew it, Chief? Have you just met some shit who taught you to bring trash in my place?"
"My apology, Commander. I will take them back in Mors, right away."
*BANG*
"No. Eliminate them."
Ilang segundo ang lumipas, ngunit wala ni isa ang gumawa ng pag-tutol sa pinal na utos ng Serpent Commander. Tumayo ang ilan sa mga natirang bantay bago tahimik na lumabas ng silid. Kaagad namang may tatlong lalaki na maskulado ang katawan ang kaagad na pumasok upang linisin ang mga bangkay na naiwan.
"Execute the investigation within three days, and bring the perpetrator's head to me...without any single trace of mistake, Mr. Stanford." Matigas na utos ng Commander tiyaka siya tumayo.
"Commander, three days are---" Hindi naituloy ng Royal Chief ang kaniyang sagot nang tumigil ang Commander ngunit nanatili itong nakatalikod sa kaniya.
"Otherwise, you're going to lose your royal position."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top