Chapter 63.2


ELLISSE ZERINA 


"I thought you won't come." I started as I reached my brother, standing next to his right. "Kanina ka pa rito. Why don't you try to get along with your friends?" I asked referring to his outer members. Kanina ko pa kasi napapansing nakatayo lang siya rito sa may tabi, nakapamulsa ang kaliwang kamay habang painom-inom ng wine. Take his wine of glass from him at magmumukha na siyang body guard. Tss. 


"I still dislike that man..."


"And yet you're here." Nakangising patiuna ko. He looked at me with his brow raised. Did I piss him off again? Seriously? Iniwas niya ang tingin sa akin para sumimsim ulit sa wine glass na hawak niya. 


"You're carrying a Hilton in your womb, Ellisse Zerina plus the fact that you're still my sister. Guess, that are enough reasons to attend this dramatic event." May pagka-sarkastikong sagot niya na mas lalo lang nagpangisi sa akin. How bitter this man is. 


"No matter what you say. The one that matters is that you're here. Nandito ka sa isa sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ko." I looked at him. Wala man lang siyang reaksiyon sa sinabi ko dahil cool parin siyang sumisimsim sa wineglass niya. 


Finally, he turned his head to me, "H'wag mo 'kong drina-dramahan, Ellisse Zerina. Hindi magbabago ang tingin ko sa Hilton na 'yon. Tss, gago parin."


Oh, here we go again. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano bang ginawa ni Renzo sa kapatid ko at gano'n na lang ang sama ng loob nito sa kaniya? May alitan ba sila sa past? Was it about mafia thing? Sa halip na magtanong ay iniba ko nalang ang usapan.


"By the way, how's your intel about the unknown? Have you already tracked them?" 


Sandali siyang natigilan. That thing caught his attention real quick, huh? "Leave that thing to me." Wala siyang ibang sinabi. "Balikan mo na 'yong gago mong fiance." Ibinaba niya ang wineglass sa mesa sa tabi niya tyaka naglakad paalis. I heaved a sigh. I was about to leave para hanapin si Renzo nang lumapit sa akin ang isang event staff. He bowed at me, showing his respect, tyaka inabot ang kapiraso ng nakatuping papel, "May nag-papaabot po."


My forehead creased. Umalis din ang lalaki bago ko binuklat ang piraso ng papel. Then a short phare was written on it. 


Stanford. Under the table.


Kaagad na hinanap ng mata ko ang mesa kung saan naka-upo sina Tyler at Dwight. There's a vacant seat on their left. Who the hell sent me this note? And what the hell is he or she up to? Imposibleng si Renzo dahil siguradong magte-text o tatawag 'yon sa akin. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko habang palapit ako sa mesa nila Tyler. He's with Dwight na diretso ang tingin sa akin habang nilalaro niya ng paikot ang baso ng wine. 


Tyler was about to stand up when I reached them, pero kaagad kong itinaas ng bahagya ang palad ko para pigilan siyang tumungo. "Do you need anything, Royal Knightress? Is there something wrong?" Magalang na tanong niya. I tried to smile para itago ang pag-aalalang nararamdaman ko. I tried to pretend as calm as I could pero hindi ko maiwasang luminga sa paligid. 


"It's obvious. The Knightress is bothered by something." Komento ni Dwight kaya napatingin ako sa kaniya. Look at him. Parang hindi naging kaaway ng Serpent. Well, anyway, I'm not here to start a conversation with them. Kailangan ko lang magpanggap sandali.


"So how's things going on Mors, Mr. Stanford?" I asked. Kinuha ko ang iniabot sa aking baso ng juice ng waiter. Sumimsim ako bago ibinaba sa mesa. I looked at them. Nagtinginan pa silang dalawa, and there when I realized na pareho pala silang Stanford, kaya naman binalingan ko ng tingin si Dwight, "How's being an outer again, Ms. Dwight Kean Stanford? I heard you were busy working on something these past few weeks." 


"Why don't you ask your older brother, Ms. Lorico? Since he's our head, he must know everything." Makahulugang sagot niya. 


I smirked. This Stanford really knows how to play his card. Hindi siya magbibigay ng walang kapalit. "I'm not going to sit here to ask you about your work when I could easily talk to my brother about it." Ma-sikreto si Kuya, lalo na kung ang inaalala niya ay ang kaligtasan ko. Obvious naman na ayaw niyang magbigay ni isang detalye kaninang nagtanong ako sa kaniya.


Pa-simple kong kinapa ang ilalim ng mesa. I hope this is not a f*cking bomb. "What do you want to know?" Dwight Kean asked. 


"All about that d*mn group called Unknown." Sagot ko habang marahan kong kinakapa ang ilalim ng mesa. Why is it so hard doing this? Hindi naman ako basta-bastang makakilos ng mabilis dahil nakatingin sa akin itong dalawang mag-pinsan. 


"You know what, Ms. Knightress, I'm always a give-and-take person." Yes, I know. Hindi ka kikilos para sa iba ng walang kapalit na premyo. Tss. 


"Hey, Dwight----"


"Name the price, Mr. Stanford." Hindi namin pinansin si Tyler dahil siguradong susuwayin lang niya si Dwight sa pagiging tuso nito. Diretso lang ang tingin ko sa kaniya habang patuloy na inaabot ng kamay ko ang bwiset na bagay na nandito sa ilalim ng mesa. 


Oh d*mn! Napatigil ako nang makapa ko ang matigas na bagay. I caressed it with my finger until I realized, it was a f*cking gun. A d*mn gun? Sinong naglagay nito?


"How 'bout the half property of Hilton?" He smirked. Mukhang kayamanan talaga ang lalaking 'to. 


"Are you okay, Ms. Lorico?" Tyler asked. Mukhang nahahalata ang kakaibang ikinikilos ko sa kinauupuan ko. Nginisian ko lang siya habang marahan kong hinuhugot sa pagkakadikit ang baril sa ilalim ng mesa, "Tyler..." I called him, pero ang tingin ko ay nakay Dwight parin.


"Yes, Ms. Lorico?"


"Can you help me transfer to this man what he's asking me for?" 


"Sorry?" Binalingan ko ng tingin si Tyler na halatang gulat sa sinabi ko. Oh, I got it. Ngumiti ako nang tagumpay kong makuha ang baril. "Nothing. I better ask the Serpent Commander." Bawi ko.


Tiningnan ko si Dwight na napangisi bago sumimsim sa baso ng alak niya. Parang gustong-gusto niya ang nagging takbo ng usapan namin. Muli niyang nilaro ng paikot ang natitirang alak sa baso. "You're not really interested about the thing that we're currently working on. You won't sit with us to talk about that group given by the presence of the people around us...Why don't you tell us what treasure have you found under our table?" He easily see through people. Tss. 


"Wait...Under...." Kaagad na yumuko si Tyler para tingnan ang ilalim ng mesa, pero mabilis kong inilabas ang kamay ko mula sa tela para ipatong sa hita ko ang baril tyaka ko ito tinakpan ng dalawa kong palad. "Is there-----"


"The real party is about to start now." Saad ni Dwight na nakangisi parin. Napakunot ako. What the hell is he saying? May alam ba siya? 


"Tyler, prepare your bullets." Hindi ko halos alam kung kailan naglabas ng baril si Dwight. Ikinasa niya ito na parang walang pakealam sa mga taong nandito ngayon sa party. Everyone looks unaware about the chaos that's about to start. Mas lalo akong inantig ng kaba. Inilibot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling mahanap ko si Renzo. 


Tyler then asked his cousin, "What the hell are you talking about, Dwight Kean? Are you----"


And the next thing that happened was completely unexpected. A bomb exploded under one of the vacant tables. Nagsimulang magkagulo. Kaniya-kaniya sa paglalabas ng mga baril nila ang ilan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, napuno ng usok ang buong paligid na sinundan pa ng sunod-sunod na pag-sabog. 


"F*ck! Royal Knightress!" May humila sa braso ko at umalalay sa likod ko para makalayo. It was Tyler. 


"Congratulations, Ms. Royal Knightress!!" Napatigil ako nang mag-echo sa buong paligid ang boses ng isang lalaki. He's not familiar. Parang naka-konekta sa malakas na speaker ang boses nito. "I hope you liked my little surprise." 


"We need to move now, Ms. Lorico!" Inalalayan ako ni Tyler. Halos lakad-takbo ang ginawa namin. Who the hell is that person? How dare he ruin our night? 


We entered the hotel. Iniwan na namin ang hotel garden dahil napuno na ito ng usok. Habang lakad-takbo kami ay nakarinig kami ng mga putok ng baril. We were surprised. I thought, the place is entirely secured. Paanong mapapasok 'to ng mga kalaban? 


"D*mn!" Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla akong makaramdam nang parang pag-hilab. F*ck, I can't risk my child. Hindi ko na alam kung saang parte ng hotel kami nakarating ni Tyler. 


"Stay here, Ms. Lorico. Please don't leave this room until we get back to you. You need to be safe first. I'll find Mr. Hilton. He must be looking for you now." Hindi na hinintay ni Tyler ang sagot ko. Iniwan niya ako kaagad. Naghanap naman ako kaagad ng mapagtataguan ko rito sa kwarto. Sa isang sulok na medyo tago, I hid myself in there. Napahaplos ako sa tiyan ko. Hang in there, baby. Matatapos din 'to. I promise. 


Gusto kong lumabas para tulungan silang tapusin ang mga g*gong kalaban na sumira sa kasiyahan, pero sa pagkakataong 'to ay kailangan kong pagtiisan na h'wag sundin ang sinasabi ng puso kong makipag-barilan sa labas. Buntis ako. I need to secure the life I'm carrying in my womb first. I need to trust Serpent, and the rest out there. I need to trust Renzo. 


Hindi parin ako mapakali kahit pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Who would dare to ruin tonight's party? Isa lang ang ideyang nasa isip ko. It must be the Unknown's doing. 


I was thinking a lot of the worst things that might happen out there until I came up pointing to one person. Zayn Hartley Hernandez. I know, he must be here since invited siya, pero bakit iba ang pakiramdam ko kaninang nakita ko siya? Seems like he was up to something. 


Gusto kong pigilan ang sarili ko na h'wag magpadalos-dalos, pero hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko kalahating oras na akong naghihintay rito kahit halos limang minuto palang yata akong iniwan dito ni Tyler. 


D*mn it! I need to find Renzo. 


Hawak ko parin ang nakuha kong baril kanina sa ilalim ng mesa habang puno ng pag-iingat kong tinatahak itong lobby ng hotel. D*mn it! I'm not wearing my bulletproof breathable vest right now. Mas lalo pa akong kinakabahan sa bawat hakbang na ginagawa ko. 


"Where are you going, Ms. Lorico?" Natigilan ako dahil sa boses na nanggaling mula sa likuran ko. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay na-triple pa ang kabang nararamdaman ko. Why the hell am I feeling this way about the presence of this man? It feels...so dark. Parang ka-boses nito ang nagsalita kanina sa speaker.


Humarap ako sa kaniya at mabilis na itinutok ang baril. "Woah, woah~ Chill, Royal Knightress." He said chill but the way he said it is so d*mn devilishly playful. Nakataas pa ang mga palad niya tanda ng pagsuko.


"Who the hell are you?" I asked without breaking my gaze on his. Nakatutok padin ang baril ko sa kaniya. 


"Oh, that hurts. I was expecting you could still recognize me. Well, at least, this face of mine. Too sad, you forgot." Nakangising saad niya. Nakapa-mulsa na ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya na parang hindi man lang nababahala sa baril na nakatutok sa kaniya. 


"Fine. Let me have a quick throwback...Remember your stupid ex boyfriend?" Nakakirita ang ngisi niya. Nagngangalaiti na akong kalabitin ang gatilyo ng baril ko. "I'm that older brother of him...Zamielo Hugh Hernandez...The man you were looking for almost months now. The King of the Unknown."


Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. I was in a complete surprise. Hernandez? Is that why he looks familiar? Because I was right...I've already seen this man before. But d*mn? Siya ba talaga ang nasa likod ng Unknown? Wait...I think I remember now. Una ko siyang na-meet noong ipinakilala ako ni Art sa pamilya niya. He was there. 


"Ellisse!!" Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan nanggaling ang boses. It was Hartley...


"F*ck, Zamielo, no!!" And the next thing that happened, namalayan ko nalang ang leeg ko sa braso ng lalaking kanina lang ay kausap ko. The gun I was holding, pointing to him is now aiming my right temple. How could he f*cking move that fast?


"Let her go. Zamielo, walang kinalaman----"


"You still don't understand, do you, brother?" Nahihirapan akong huminga dahil sa pagkakasakal sa leeg ko. I tried to free myself, pulling his arms that were wrapping my neck, but my effort only went in vain. Nagsisisi akong hindi ko siya agad binaril kaninang naramdaman ko ang dilim sa presensiya niya. 


"So you really want to take my life this way, huh? Y-you should have called me para hindi ka na nag-abala pang sirain ang gabi namin." I tried to pretend brave kahit na nangangatog ang mga tuhod ko. 


"I love surprises, Ms. Lorico." Kahit na nasa likod ko siya ay nai-imagine ko parin ang nakaka-bwiset niyang ngisi. "Oh, do you hear that? The others are coming to save the Queen!" Masayang saad niya na parang isang laro ang lahat ng 'to. I heard footsteps approching our direction. 


Pakiramdam ko ay maluluha ako nang matanaw ko si Renzo. Mas lalong ipinagdiinan ni Zamielo ang muzzle ng baril sa sentido ko dahilan nang mapangiwi ako. F*ck him! 


"Where's my old friend, Mr. Hilton? You must be with him. Don't tell me you and my stupid brother are the only audience who would watch this play come to an end?" 


"You're hurting her, Hernandez." Kalmado si Renzo pero may pagbabanta sa boses niya. I know how badly he wants to pull his trigger. Ramdam ko ang pagpipigil sa loob niyang kumilos. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa akin nang magtagpo ang mga mata namin. 


"Should I take the life in his womb first then?" Inilipat niya ang baril sa bandang tiyan ko dahilan nang maalarma ang dalawa. 


"T*ng ina, Zamielo!!" 


"Don't f*cking pull your f*cking trigger, Hartley! We're securing my wife and my child's life here." 


Napapikit nalang ako. Kung kanina kaya ko pang magtapang-tapangan, ngayon hindi na, dahil ano mang segundo, sigurado na ang pagkamatay ko rito. Parang biglaang nawala ang lakas ng loob ko. D*mn? I promise to protect you, baby. I'm sorry. I'm so sorry. 


"Hey, hon..." I opened my eyes. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. Sadness, Anger, pati ang sobrang pag-aalala ay makikita sa mga mata ni Renzo. I want to smile, para sabihing ayos lang ako, but do I still need to lie kung patuloy na sa pagtulo ang luha ko rito? D*mn it. 


"I know this is stupid, but...everything's going to be fine, okay?...You'll be safe. Trust me...So, stop crying now. Please." Alam kong nahihirapan siyang nakikita akong umiiyak sa takot at galit, pero anong magagawa ko? Nasa bingit na ng kamatayan hindi lang ang buhay ko kung hindi pati ang anak namin. Kung sarili ko lang siguro ang inaalala ko, makakaya ko pang maging matapang at makipag-agawan ng baril, pero hindi sa pagkakataong 'to. Takot ako. I'm so scared that once I move, Zamielo won't hesitate to kill us both. Ako at ang anak namin ni Renzo.


"This is why I hate drama." Komento niya, muling inilipat ang baril sa sentido ko. 


"Zamielo, I'm warning you. Don't you dare----"


"F*CK!" A loud bang echoed followed by Zamielo cursing in pain. Hindi ko alam kung sino ang bumaril sa binti niya dahilan nang makawala ako sa pagkakasakal sa bisig niya.


"Hon." Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayang nakalapit na sa akin si Renzo. She pulled me away from Zamielo pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap na parang nakahinga siya ng maluwag. Tears started to fall from my eyes again.


"Hey, hon. I'm now here. Please...Please, stop crying." Pinunas niya ang pisngi kong nabasa ng luha matapos niyang kumawala sa pagkakayakap sa akin. He gave me a deep kissed on my forehead. 


"F*ck you, Stanford!" Nilingon namin si Zamielo na nasa sahig hawak-hawak ang binti niyang duguan. I looked at the person approching him. It was Dwight Kean na kinakamot ang sentido niya gamit ang muzzel ng baril. 


"Pakyu ka rin, Zamielo. Ano? Pumunta ka rito ng walang backup? Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga?" Maangas na mura niya tyaka sinipa ang baril na nahulog kanina. I should thank this man.


"That's enough, Dwight." Napatingin ako sa kaliwa ko nang marinig ko ang boses ni Kuya. Kadarating lang niya at diretso at seryoso siyang nakatingin kay Zamielo. "Long time no see, Hugh."


Puno ng galit at poot ang reaksiyon ni Zamielo. He tried to stand up, "F*ck you, Mint. Do you think, I came here unprepared?" Tumawa siya ng mala-demonyo. "We're going to explode here...once and for all." Tuwang-tuwa siya and that made me clench my fist. F*ck him! 


"I know. Thanks to Katriela. I was aware of your boring surprise." Sarkastikong sagot ni Kuya. My forehead creased. Katriela? May contact siya kay Katriela? 


"All the bombs were already defused." Dumating si Katriela at tumabi ito kay Kuya. Mas lalo akong napakunot dahil sa hitsura ng damit niya. Saan siya galing at may galos pa ang braso niya?


"Yes, I'm still alive, Zamielo. And for you to know, hindi lang si Art ang pinadalhan ko ng painting na may hidden message. I know how cunning you are, Sir, so I planned to send a different painting to Mr. Lorico with the same message. I know you won't suspect me of doing the latter so I did." 


What painting? What message? Matagal na ba nilang alam ang tungkol dito sa gagong Hernandez na kapatid ni Hartley? 


Nag-echo ang malakas na tawa ni Zamielo. I was expecting na galit nalang ang mayro'n siya dahil palpak na ang plano niyang tapusin kaming lahat dito especially ako, pero mukhang hindi pa rito nagtatapos ang bwiset niyang laro. 


"Stay behind." Bulong ni Renzo sa akin at iginiya ako sa likuran niya. He stepped a little closer.


"You took everything from me, Mint. You almost destroyed my Empire, and----"


"Dahil hindi makatao ang ginagawa mong pamamalakad sa grupo mo! Puro ilegal ang gusto mong gawin para mapabilis ang pag-angat mo." Umalingawngaw ang boses ni Kuya. This is my first seeing him act this way. Alam ko kung paano siya magalit, pero hindi sa ganitong paraan. He's d*mn scary. 


"You wanted to build a mafia group that no one could ever surpass? I know you can. I was willing to support you. I was almost willing to be your henchman, but there's no way I would tolerate a greedy self-centered King...."


"And when you became the head of the outer, you sabotaged me. All of my f*cking plans to become powerful were taken in the grave because of you f*cking asshole. And now, I'm taking all your precious people, Mint. You must know what lost feels like." 


Mabilis na tinutukan ni Kuya ng baril si Zamielo nang ipasok niya ang kamay nito sa loob ng tuxedo niya. He took something from it. It was his phone. Nakangisi siya habang pinipindot ang screen nito and then he placed it on his ear. 


"As promised, I will let you hear your precious son and daughter's voice one last time, Madamme." Mabilis na kumalabog ang dibdib ko. Inalis niya ang phone sa tainga at may button na pinindot sa screen, letting us hear the voice on the other line.


"A-anak..."


"Ma!" I was about to step closer pero pinigilan ako ni Renzo. Namuo ang luha sa mga mata ko. Not our mother. 


"Anong ginawa mo sa kaniya, Zamielo?! Where did you f*cking take my mother? She's out of this matter, you bullsh*t ass." My brother was in great anger. 


Inilapit ni Zamielo ang phone sa bibig niya dala ang mapaglarong ngisi, "Speak, Madamme. They want to hear your dying voice."


Ikinuyom ko ang mga kamay ko. No. This can't be. She was here earlier. Kasama ko pa si Mama kanina. Paanong nakuha siya ng mga kalaban? 


"I'm so s-sorry...M-mahal na mahal ko kayo...E-elijah...please, t-take care of your sister...I-ingatan mo sila ng p-pamangkin mo, hmm?...Ell, anak...sorry. P-Patawad...I always w-wish y-you the best a-and h-happiest life, a-anak..."


"Tell me where you are, Ma! P-puntahan ka namin. We're going to save----"


"It's almost time!" Anunsiyo ni Zamielo na nagpakulo ng dugo ko.


"F*ck you, asshole! Where did you take my mother?!" 


"Don't worry, Royal Knightress, you'll see her tonight...I won't burn his corpse anyway."


"P*tang ina mo!" Kuya was about to pull his trigger when we heard a loud bang coming from Zamielo's phone. Konektado parin ang linya nito kay Mama, and that made me lose all my strength kung hindi lang ako naalalayan ni Renzo. 


"One down." He smirked at nabaling ang tingin sa akin. Sa pagkakataong 'to ay parang wala na akong pakealam sa paligid ko. I was furious. I didn't know how I moved too fast para agawin ang baril ni Renzo at humakbang palapit kay Zamielo. I pulled the trigger without any second thoughts, pero bago ko pa man tuluyang makalabit ang gatilyo ko ay nakaramdam na ako ng kirot sa kaliwang braso ko kasunod ng pagdaloy ng dugo mula rito. 


"F*CK. ZERINA!"

 

"A sniper!!" I heard Tyler's voice.


"T*ng ina!!" 


Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Zamielo. Nang sulyapan ko siya ay may hawak na siyang baril na nakatutok sa akin, "CHECKMATE, MY DEAR FRIEND, ELIJAH MINT!" A loud bang echoed kasunod nang pag-yakap sa akin nang kung sino. Then I was surprise when I saw Katriela, smiling at me. Unti-unting bumibitaw ang kamay niyang nakayakap sa akin. "I'm sorry." That was her last words before her body completely fell on the floor. 


"Katriela!" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naupo ako to check her pulse. Magkakasunod narin ang mga narinig kong putok ng baril sa paligid ko. Everything happend so fast. The last thing I saw was Zamielo lying lifeless on the floor before someone grabbed my hand away from the chaos. 


Then I just found myself tearing up again. This must be a special night...Why did it have to turn out this way? 


I suddenly felt dizzy. "R-renzo...I----" 


"F*ck!" The next thing ay naramdaman ko nalang ang pag-akay niya sa katawan ko bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig. Hinang-hina na talaga ako. "Hang in there, hon. Please..." 


Ramdam ko ang takbo ng kotseng sinasakyan namin. Hindi ko na alam kung gaano kabilis 'to dahil tuluyan ng nawawala ang buong lakas ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, sinasabayan pa ng sakit ng ulo at kirot ng braso ko.


I felt so drained. So, I closed my eyes, and just let the dizziness take my senses. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top