Chapter 63


KATRIELA DELA VEGA 


I was taken aback when I heard the sound of wheels approaching. Hindi ko alam kung nasaan ako nang marahan kong imulat ang mga mata ko. I thought I got blind when darkness greeted my eyes pero mukhang nasa madilim lang akong lugar. Wala akong ibang makita kaya naman sinubukan kong gumalaw, pero kahit ang mga paa't kamay ko ay hindi ko magamit. Nakatali ang mga 'to at ramdam ko pa ang lamig ng sahig kung saan ako nakasalampak. 


Napapikit ako dahil sa pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pintong hindi ko alam na nasa harapan ko lang. It was only a few steps away from me. Then I heard footsteps hanggang sa may umakay sa magkabilang braso ko. I wanted to yell. I wanted to ask them where on earth are they going to take me, but I wasn't able to do so dahil pati ang bibig ko ay tinapalan nila ng duct tape. 


Sinubukan kong magpumiglas pero wala rin namang nangyayari hanggang sa marahas nila akong ipinaupo sa isang bangko at itinali ulit ang lubid sa katawan ko. Aren't they satisfied with my hands and feet being tied? Tingin ba nila kaya ko pa silang takasan? I don't even have a gun with me and I admit, I am not that great when it comes to physical combat. Ano bang ikinababahala ng mga 'to? 


"I didn't expect we'll reach this point, Ms. Dela Vega." A familiar voice came from behind. Boses palang niya kumukulo na ang dugo ko. Lumapit sa akin ang isang lalaki at marahas nitong tinanggal ang tape sa bibig ko dahilan para mapangiwi ako sa hapdi. 


I tried my best to be calm just to show him na hindi ako takot sa posible niyang gawin sa akin ngayon. "Should I say...I am pleased, Sir?" Sarkastiko kong sagot. I know I can't escape death right at this moment. Aaminin kong may takot sa puso ko, but I'd rather die than live full of regrets. Alam kong mangyayari 'to. I'm doing this for an old friend.


"Do you ever think you can outwit me? A Dela Vega, huh?" Nakangising tanong niya nang makatapat siya sa harapan ko. He gently held my cheeks, "You know me very well, Katriela. You know how ruthless I can be with people who turn their back against me."


"Did I even turn my back against you?" I asked. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, mula sa nakangisi hanggang sa sumeryoso ito. Inalis niya ang kamay niya mula sa pisngi ko. Inilahad niya ang palad sa lalaking nasa tabi nito, then the guy handed him a gun. 


"I'm not even part of your Empire neither one of your pawns. Seriously? Why are you doing this?" 


"Oh, now you're playing dumb, Ms." Natatawa niyang sagot. Inilapit niya ang mukha niya sa akin pagkatapos ay sa tainga ko para bumulong, "You heard something you shouldn't. You know, I can't afford to let someone ruin my plan. Not you, darling." 


Ngayon ay ako naman ang natawa. "Why? Takot ka na malaman ng kapatid mo na all this time ikaw ang gustong pumatay sa ex niya? O takot ka na malaman ng mga magulang mo ang katotohanan kung bakit nagkanda-lugpak-lugpak noon ang Empire ni'yo. Siguradong wala pa silang alam na pati ang tatlong source of wealth ng angkan ni'yo ay naghihingalo na rin." 


His jaw tightened. Ngayon ay halatang-halata na ang matinding galit sa mukha niya. Should I congratulate him na nakukuha pa niyang magpigil sa galit sa lahat ng sinabi ko? 


"Do you think I'll go easy on you just because you're the closest friend of my stupid brother? I'm not someone who gives a second chance to an acquaintance, Katriela." Sinenyasan niya ang isang lalaki. Lumapit ito na may dalang galon pagkatapos ay ibinuhos niya ang laman nito sa palibot ng kinauupuan ko. That's a f*cking gasoline! 


"F*ck you!" Wala akong ibang magawa kung hindi ang murahin ang lalaking nakatayo lang hindi kalayuan sa akin. Lumawak ang ngisi nito habang nilalaro niya ang lighter sa kamay niya. Do you really think you already won this game? Well, best of luck, man. 


One month ago, I heard everything when I came on their clan's hideout. Doon ko nalaman ang masamang plano niya laban sa Serpent lalo na kay Ellisse. I don't know where his anguish is coming from. Kung bakit gano'n na lang ang matinding galit niya kay Ell. Wala akong makita o mahanap na rason para paghigantian niya ang taong wala namang ginagawa sa kaniya. He's not even close with Ellisse. And I know Ellisse too. She's not the type of person who will go against people just to upset them. 


That day when I unintentionally heard his plan, kaagad siyang nag-utos ng tao niya para bantayan ang bawat galaw ko. I'm not a great shooter neitheir on physical fights, but I'm a keen observer. Alam ko kung may kakaiba sa paligid ko kaya madali ko lang naramdamang may mga alipores ng kasamaan ang nakapaligid sa akin. Hanggang sa mansyon nakasunod parin sila ng patago. 


I don't want to catch them on act 'cause I know, once I did that, mas hindi na ako makakagalaw sa paraang gusto ko. So I showed them that I'm not planning something para ibulgar ang bagay na narinig ko. That I'm not even interested minding other's business. 


Halos isang buwan na nagpanggap akong hindi ko alam ang tungkol sa mga alipores na ipinadala niya, and now here I am. Mukhang hindi na siya nakatiis at nakatunog na rin na may plinaplano ako kaya heto ako ngayon sa bingit ng kamatayang inihanda niya, exclusively for me. He's nothing but a devil. Descendant yata ni Christopher Baldwin. 


"I heard, there's a very special celebration tonight in Horizon Hotel." Napalunok ako sa bawat bitaw niya ng salita. I know he's planning something big. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan ng sobra. Am I going to succeed? Sana man lang bago ako mamatay, magtagumpay ako sa huling bagay na ginawa ko.


"I heard, every clan close to Serpent and Canis are coming. So my brother must be there...sadly, you can't witness how romantic the celebration would be...Of course, I can't go there too." Naglalakad siya sa palibot ko habang nilalaro parin ang lighter sa kamay niya. "Well, if you're thinking that I'm a scared cat afraid to be caught by the most powerful clans, oh...nah. I fear nothing, darlin'. You know, I have too many pawns and puppets out there. Just one signal from their Master, they can start a war." 


Sobrang higpit ng pagkakakuyom ko sa kamao ko dahil mas lalo lang kumukulo ang dugo ko sa kaniya. How could he spits those words as if killing is just a theater play for him? 


"Just a reminder. You may be great at playing your cards, but those are nothing when you're playing with a greater opponent with better tricks."


"Ah! You mean, those bullsh*ts? Hilton, Fallen, and Stanford?" Nag-echo ang tawa niya na parang isang malaking biro sa kaniya ang mga angkang nabanggit niya. He knows nothing. Stupid. 


May pagtataka sa ekpresyon ko nang senyasan niya ang isa pang tao niya. A man approached him with a big canvas on his hand. Wait...


"Is this your plan, Katriela?" Namilog ang mga mata ko nang iharap nang lalaki ang malaking canvas sa akin. That was the painting I sent to Art using one of our close friends as a sender. How could...


"I have eyes and ears everywhere~" 


Nagpumiglas ako, "F*ck you! F*ck you!!" 


No, I can't afford everything to turn out like this. I sent the painting to Art, expecting that he would read my message on it. It was secretly written sa mismong painting kaya hindi ito makikita nang basta-basta without using the tricks of an ultraviolet light. How could this man know about it? Masyado ko ba siyang minaliit? 


"The Unknown made his move. The Royal Knightress is in danger. PLEASE, HELP HER." He recited. Tandang-tanda niya ang nakasulat sa canvas. 


"Don't worry, Katriela. Hartley would be there in Horizon tonight...But let's see if he can rescue the love of her life. You know what? If I were you, I would've made better use of my own happiness. Think of it...once that Knightress meets her demise, Hartley Hernandez would never go crazy about her at all. He has no choice but to forget the dead, and your man is all yours. Such a perfect happy ending for the both of you, don't you think?" 


A happy ending for both of us? I don't think it that way. Sa aming dalawa ni Hartley, ako lang ang nagmamahal, but I'm not a b*tch para maging makasarili. I love Hartley and I want to protect the people who are important to him. And I know, out of those people, isa si Ellisse ro'n. Besides, sa akin din naman mismo, mahalaga si Ellisse. She's an old friend. No. She was my best friend. 


Tears escaped from my eyes. Alam ko na sa pagkakataong 'to, wala na akong magagawa pa. I lost the only resort I have to sabotage this man's evil plan. Siguradong hindi nabasa ni Hartley ang message ko sa painting. Thus, those people enjoying the night in Horizon doesn't have any idea about the war that's coming on their way. I'm just hoping na handa sa labanan ang lahat ng nasa Horizon ngayon. 


Please, be safe, everyone...I whispered in my mind since it's the only thing I can do right before I die. Ito na yata ang unang pagkakataong nanalangin ako. 


"Time's up." Nag-angat ako ng tingin nang magsalita siya. He's looking at his wrist watch bago niya sinenyasan ang isa ulit sa mga tao niya. "Do whatever you want to do with her. Don't forget to burn the body right after." Inihagis niya ang lighter sa lalaki bago ito tumalikod at naglakad palayo. Then four of his men looked at me with lust painted on their eyes. 


For the first time in my entire life, I felt so useless. I just closed my eyes and let the tears fall down my cheeks, whispering the last words I kept telling myself since the day I lost my friend. 


"I am so sorry, Ell." 




...

ELLISSE ZERINA 


"Thank you for coming to celebrate this very special night with me and my..." Renzo looked at me. He smiled, but more likely a smirk, "...with my wife." Dahil sa tawanan ng mga bisita ay napayuko nalang ako. Pakiramdam ko kasi nag-init ang pisngi ko sa sinabi nitong si Renzo. Well, I'm used of him calling me wife kahit na hindi pa naman talaga kami kasal, it's just that, iba ang dating ngayon. I don't know, maybe everyone's here and you know, my heart's just filled with overflowing happiness. 


"I have a lot of things I want to say to each of you about this most gorgeous woman in my life, but...I'm just gonna save it for our wedding, of course. I don't want to spoil you with my vow anyway." Natawa sila ulit at pati ako ay hindi maiwasang matawa ng mahina. Mikael Lorenzo Hilton, pulling some joke huh? He's so adorable. 


"I just want to say one thing..." He then held my shoulder, making me face him. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. How could someone look at you with so much love and care? As if those eyes are telling you thousands of things that your heart could only comprehend?


"To the most stunning woman, the bravest, and the best among all the f*cking best in the whole universe. To my ever-savage Queen...Ellisse Zerina Lorico...I love you more than godd*mn words could ever say. I love you since day one, today to f*cking eternity, hon." 


I know how much he loves me. Ilang beses ng napatunayan ni Renzo kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa akin, at sa ilang beses na 'yon halos i-sakripisyo niya ang buhay niya alang-alang sa kaligtasan ko. Just who the hell I am to deserve this devilishly dashing man?


Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha ko. He smiled at me, a gentle one as he wiped the tears on my cheeks. "Te amo. Thank you for making me the happiest." He almost whispered as he gently kissed me on my forehead. 


"Mahal din kita, Renzo. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin." That made him smile. Sa tuwing iniisip ko na magkakaroon na kami ng anak ni Renzo, hindi ko maiwasang matuwa ng sobra. Pakiramdam ko, wala na akong ibang mahihiling pa. 


"Hoooo! Mabuhay ang bagong kasal!" I was taken aback when I heard an explosion. Tumingala ako sa kalangitan, and there I saw a fireworks display. Napatakip ako sa bibig ko sa gulat. What the hell! I didn't expect this! 


"I want to ask you again...." Rinig kong saaad ni Renzo. I was about to ask him what is it nang biglang may nabuong mga letra gamit ang fireworks. 


Ellisse Zerina Lorico, Will You Marry Me?


Napatakip ako sa bibig ko sa gulat. That was so cool! Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Renzo. "That's a fireworks drone. Credits to my genius nephew." 


"Seriously, Mikael Lorenzo? Are you proposing to me again?" Natatawa kong tanong, hindi pinansin ang sinabi niya. 


"Well, last time...was a bit rush and you know...I think I messed up...." Natawa ako dahil parang nag-aalangan pa siya sa bawat bitaw niya ng salita. Kahit naman hindi magarbo ang proposal niya, wala namang kaso 'yon sa akin. But look at all of this preparation. Talagang pinaghandaan niya. 


"So, is your answer still the same?" Seriously? 


"Are you giving me one last chance para baguhin ang sagot ko? Are you even serious, Commander?" Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak. 


"You don't know how f*cking nervous I am, now that I'm asking you again to marry me." Napakunot ako sa sinabi niya. What's with him? Bago pa ako may masabi ay pasimple ulit siyang nagsalita na halos bulong nalang, "You're brother's here..."


Natawa ako. Kaya naman pala. He mouthed 'what' na medyo nakakunot ang noo. May takot din pala 'to sa kapatid ko. "It's fine. Well, to answer your proposal, once again, Mr. Hilton...Yes, I will marry you, Commander. And no one can change that."


Ngumiti siya na parang sa wakas ay napanalunan na niya ang premyong inaasam-asam. Lumapit siya sa akin. He wrapped his arms around my waist, gently pulling me closer to him. Pagkatapos ay bumulong siya sa tainga ko, "Your brother must hear it, hon." 


Napataas ang kilay ko, "So, you're doing this on purpose, Mr. Hilton. You want to tease my brother, huh?" 


"If you may insist, Ms. Royal Knightress." Lumayo siya nang bahagya sa akin. Hinayaan niya akong kunin ang microphone sa kamay niya nang hindi ko binibitawan ang tingin ko diretso sa mga mata niya. 


"The Serpent Royal Knightress is declaring the Serpent Royal Commander, Mikael Lorenzo Hilton as her future husband...Yes, Commander, I will marry you." 


Nagpalakpakan ang mga bisita. Rinig ko pa ang sigawan ng mga kaibigan ko. I won't forget this night. 


"The savageness of using your authority just to answer my proposal is...f*cking hot, Ms." May pang-aakit na bulong ni Renzo habang nandito parin kami sa harap ng mga bisita. Siniko ko siya dahilan ng matawa siya. Bakit ba pati tawa niya kailangang nakaka-inlove? "How 'bout making a twin later?" 


What the...Bago pa ako may masabi nang tingnan ko siya ay ginawiran na niya ako nang mabilis na halik. "Kidding aside, hon." 


"Tss" Inirapan ko siya. I was about to ask him something nang may maalala ako nang bigla niyang inalis ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. "I'll be right back. Dad's calling me." Paalam niya tyaka ako mabilis na hinalikan sa pisngi bago tuluyang umalis. 


"Finally, the happiest part." Napalingon ako nang marinig ko si Dhale. She's with Tanya. Niyakap nila ako. This is one of the best part tonight. Nandito ang mga kaibigan ko kasama ako sa engagement party ko. 


"Congratulations! We're so happy for you." 


"Thank you." Wala na yatang pag-lagyan ang ngiti ko. "Nasa'n 'yong iba?" Lumingon ako sa paligid. 


"Oh come on, don't trying looking for them. Busy sila sa kaniya-kaniya nilang love life." Si Dhale ang sumagot na may pa-irap pa. Tss. Bitter parin ba 'to? 


"Ellisse." Pero unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likod ko. Sumenyas sila Tanya na aalis muna. Ayaw pa sana ni Dhale pero hinila na siya paalis ni Tanya, so I had no choice but to face my visitor. Everyone, let's welcome the heir of Hernandez. Invited ang lahat ng angkan under sa Canis kaya malamang nandito rin siya. I should've ask Max to limit the guests. 


"Can we talk?" Himala yata at maayos ang pakikitungo niya ngayon. 


"We're already talking, Hartley. Just say it." Ayokong maging rude, pero hindi ko lang talaga maiwasan. 


"Well..." Bumaba ang tingin niya sa bandang tiyan ko. Medyo nagtagal ang tingin niya rito kaya napahawak ako rito. Napansin niya 'yon kaya nag-angat na rin siya ng tingin. He smiled at me, pero alam ko na pilit lang 'yon. I know him. Matagal na panahon na simula noong maging kami, pero hanggang ngayon alam ko kung kailan masaya o may dinaramdam si Hartley. Hindi dahil, hindi pa ako nakaka-move on kaya alam ko. What am I? Stupid? Well, maybe, this man simply didn't change at all. 


"Congratulations. You finally found your man." Ang hindi ko lang masiguro ay kung sincere ba siya sa mga salitang binitawan niya. Bakit ba bigla nalang akong hindi mapakali? Masyado ko na bang hinuhusgahan ang pagkatao ni Art? 


"Actually..."


"Got a problem here?" Nagulat ako nang bigla nalang may dumulas na palad sa baywang ko. It was Renzo. Seryoso at diretso ang tingin nito kay Art. Bakit ang bilis bumalik ng lalaking 'to? 


"We're just talking." Ako na ang sumagot. 


"Congratulations, Mr. Hilton." Saad ni Art, diretso rin ang tingin nito sa mga mata ni Renzo. What's with these two? 


"Can I take my wife now, Mr. Hernandez? I bet you don't have any necessary business with her you should talk about longer than a minute." Iginiya ako ni Renzo paalis, but before we could turn our back from Art, nagsalita ito. 


"I actually need to talk to you, Mr. Hilton." 


Napatingin ako kay Renzo na bahagyang nagtaas ng kilay. Bago pa siya makasagot ay nagsalita ulit si Art, "It's a private urgent matter. I hope you can spare your five minutes for it." 


Sandaling nagkaro'n ng katahimikan sa pagitan nila. Sa mga tingin ni Renzo kay Art, parang sinusukat nito ang tunay na pakay ng bisita namin. Seconds passed before Renzo took his arm off my waist and turned on me, "Stay with Max. I'll be right back." Hinalikan niya ako sa labi bago tuluyang tumalikod, "Your five minutes starts now, Mr. Hernandez." He remarked as he walked away. 





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top