Chapter 6


Serpent Headquarter 

ZETHANYA YUI FELIZTRO


Inosente si Ellisse, pero bakit siya nadamay? Sino ang kumuha sa kaniya? At ang mas komplikadong tanong ay kung bakit dito siya sa headquarter dinala? Hindi ko alam kung paano nalaman ni Rix kung nasaan si Ellisse base do'n sa larawan na natanggap ko kanina. Ang sabi niya maaaring sa castle nga siya dinala. Pero paano? Hindi ko naiintindihan, bakit si Ellisse pa?


"Tanya." Tiningnan ko si Rix nang tawagin niya ako. Hindi ko na halos namalayan na nauna na pala siya sa paglalakad.


"Walang mangyayaring masama sa kaniya. Ilalabas natin siya ng ligtas dito sa headquarter." Paniniguro niya na mukhang nahalata ang kaba at takot sa mukha ko. Ang daming possibilities na pwedeng manganib sa buhay ni Ellisse lalo na't nandito siya sa loob ng headquarter.


"R-rix, are you sure about this?" Nanginginig ang boses kong tanong sa kaniya habang tinatahak namin ang may kadilimang daan papunta sa serpent castle.


This is the most sacred place here in Serpent kung saan isinasagawa ang annihilation, kung saan pinapatay ang mga prominenteng taong may malaking atraso sa samahan. Maliban sa serpet King, Queen, at Commander walang sino man ang may karapatang pumasok sa loob pati na ang royal chief o ang commander-secretary, maliban na lamang kung may pahintulot mula sa mga nakatataas.


"Wala na tayong oras, Tanya. Kailangan nating mailabas si Ellisse" Desididong sagot niya.


We reached the entrance gate at tulad ng inaasahan namin, mayroong dalawang armadong lalaking nakabantay sa magkabilang gilid nito. Mula sa damit na suot nila at pin na nakalagay sa kanang bahagi ng damit nila, they are one of the trusted rated members of serpent gang, at hindi sila basta-basta.


"Tanya." Napatingin ako kay Rix nang lingunin niya ako. "Naaalala mo pa ba 'yong kwento ni Nick tungkol sa sinasabi ng lolo niya na secret dungeon sa ilalim ng medieval royal court?"


What? Ang alam ko gawa-gawa lang 'yon ng lolo ni Nick. Napakunot-noo ako dahil sa pabulong niyang tanong. "That was 5th to 15th century, I guess? Bakit? Ano bang kinalaman ng medieval royal court dito?" Naguguluhan kong tanong tiyaka sinulyapan ang dalawang bantay na ano mang oras ay pwede kaming mahuli sa ginagawa namin.


"Tingin ko ay ito ang tinutukoy ng lolo ni Nick."


"What?" Hindi ko makapaniwalang tanong nang mabilis niyang takpan ang bibig ko. Sinenyasan niya akong tumahimik kaya naman itinikom ko na lang ang bibig ko. That was really close.


"What do you mean?" Pabulong kong tanong.


"May hidden route rito sa labas ng castle papunta sa loob na walang ibang nakakaalam kung hindi ang serpent commander lang. 'Yon ang tinutukoy ni Nick na secret dungeon."


"How did you know? Sigurado ka ba?" Nagdadalawang isip kong tanong dahil baka mamaya ay mas lalo lang kaming mahirapang mailabas si Ellisse oras na mahuli kami.


"Wala na tayong oras. Kailangan na nating kumilos. Kailangan nating mahanap ang secret passage bago pa mahuli ang lahat." Sagot niya tiyaka nagpati-unang naglakad ng nakayuko.


This is too risky, para na din kaming nagsu-suicide sa ginagawa namin but the hell we care? Ang mahalaga sa sitwasyong 'to ay ang kaligtasan at buhay ni Ellisse. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa sarili ko oras na may mangyaring masama sa kaniya.


"Tingin ko ito na 'yon." Sinundan ko si Rix papunta sa isang direksiyon where the only thing we could see are tall grasses.


"Are you sure, dito talaga?" Nagdududa ko paring tanong habang inililibot ko ang tingin ko sa malawak na garden ng castle. Tumingin ako sa kaniya na may kung anong hinahanap sa mga damuhan.


"Hindi ba tinuro sa 'yo ni Lucas ang tungkol sa mga sikretong daan papasok sa mga dungeons ng samahan?" Tanong niya habang hinahawi ang mga damo.


Hindi na ako mapakali kaya naman sa halip sa sagutin ko siya ay muli kong inilibot ang tingin ko sa garden. "Dalian mo na lang, Rix. Baka may makakita pa sa 'tin dito." Reklamo ko sa kaniya. It's almost 15 minutes since we found the route na sinasabi niya but until now ay wala parin.


"Matagal pa---"


"Nahanap ko na." Napatingin ako sa kaniya at kaagad siyang nilapitan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang butas kung saan tanaw nga sa ibaba ang mga ilaw ng dungeon. I can't believe this, may ganito pa lang lugar dito sa castle. But how did Rix know about this? Dahil nga ba talaga sa kwento ng lolo ni Nick?


"Maging alerto ka Tanya, hindi basta-basta ang lugar na 'to." I don't know what he meant but his words creep me out as we started our cloak-and-dagger operation.


Wait for us, Ell. Ilalabas ka namin dito ng buhay. Please, be safe.




FRIZA GONZALES 


"Friz!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Daniella kasama si Nickolas. Teka, nasaan 'yong dalawang kumag?


"Nambabae lang 'yon, Friz. H'wag mo ng hanapin." Sabi ni Nick na mukhang nabasa ang iniisip ko. T*ng ina nila, hindi ba nila alam kung ano ang ganap ngayon?


"Miss Friza." Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin na marahang tumungo. "Ipinapatawag na po kayo sa grand hall." Dagdag niya. Napabuntong hininga na lang ako bago naunang naglakad. Nakaka-sakit sa ulo ng araw na 'to nakaka t*ng ina 999 times.


"Anong mayro'n sa formality ng hall? Ba't naka-formal suit ang lahat?" Tanong ko sa dalawang kasama ko nang makarating kami sa grand hall. Ako lang yata ang naka-kasuwal.


"Ikaw lang ang member ng serpent gang na hindi nakakaalam, Friz." Natatawang sagot ni Daniella. Alam kong may inauguration pero t*ng ina, ayaw magsabi no'ng dalawa kanina kung sino ang darating. 


"Hoy, Nick. Sino nga? Alam kong may alam ka." Pagsita ko sa kaniya pero sa ngisi pa lang niya alam ko na naman ang takbo ng utak ng g*gong nilalang na 'to.


"Bigyan mo naman ng dating 'yong sasabihin ng emcee, Friza. Hintayin mo na lang malalaman mo rin. Ayaw mo pa nun, para sur---"


"T*ng ina mo, manahimik ka na lang." Mura ko sa kaniya na ikinatawa lang niya. Magsama-sama sila nila Axcel. Tss!


"To our honorable Royalties, serpent knights and rooks. I, Gilbert John Malriego, the commander-secretary, on behalf of our Royal King and Queen would like to present a graciously glorious night to each one of you! Let us begin this prestigious event with the praise of our high-principled Royal Chief. I would like to call upon Mr. Tyler Young Stanford from serpent royalties."


Inirapan ko si Nick nang abutan niya ako ng wine. Nabo-bored na ako, nasaan na ba 'yong iba?


"This place is for both heaven and hell. Every time we kill, we fight for justice. Every time our hearts are filled with hatred and anguish, let the bursting flame of hell gives us the power to annihilate in the name of justice...I Tyler Young Stanford, the Serpent Royal Chief Officer would like to present to you our highly reputed serpent master, the Serpent Royal Commander, no other than, Mr. Mikael Lorenzo Miller Hilton!"


Literal na napaawang ang labi ko sa narinig ko mula kay Mr. Stanford. Isang masigabong palakpakan ang tanging maririnig sa buong hall. Hindi man lang sumagi sa isip ko ang pagbabalik ng Commander. Pero bakit? Bakit biglaan yata ang pagbabalik niya?


"Friz!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Axcel mula sa likuran ko. Hindi ako naka-angal dahil mabilis niyang hinila ang kamay ko palabas ng hall.


"T*ng ina, bitawan mo nga----"


"Friz, may problema tayo." Kalmado niyang sabi nang bitawan niya ang kamay ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya. Kalmado ang t*ng ina pero mukhang kabado.


"G*go ka, Cel h'wag mo 'kong simulan." Pagbabanta ko sa kaniya dahil baka mamaya naka-trip na naman siya. Pauso rin ang isang 'to, akala mo seryoso 'yon pala mangga-g*go lang. Tss!


"Nasa castle sina Rix at Tanya. Nando'n din si Ellisse" Tipid na sagot niya na siyang nakapagpatigil sa akin. T*ng ina, ano?


"Anong ginaga---" Mabilis akong hinila ni Axcel palayo nang mapansin niyang may mga serpent members ang papalapit sa amin.


"Kailangan nating mailabas si Ellisse sa castle bago pa makarating ang balita sa Commander." Seryosong sagot niya. 'Yong inis na nararamdaman ko kanina nahaluan na ng kaba. 


"Cel, dito!" Tumingin ako sa isang direksiyon kung nasaan si Creid na nakatago. Palihim kaming lumapit sa kaniya.


"Nasaan na raw sila?" Tanong ni Axcel. T*ng inang araw 'to, ang sakit sa ulo.


"Malapit na raw." Sagot niya habang kami ay parang mga spy na naghihintay ng sundo. Magtatanong pa lang sana ako sa kanila nang mabilis silang sabay na umalis para salubungin ang dalawang taong palapit. Rix at...Tanya? Pero naagaw ng atensyon ko ang kasama nila. P*tang ina!


"Ellisse!" Patakbo akong lumapit kay Rix na buhat si Ellisse na walang malay at sobrang putla. Hinawakan ko ang kamy niya at halos mapaluha ako nang maramdaman ko ang lamig ng katawan niya.


"T*ng ina sino ang gumawa sa 'yo nito? Ellisse!" Tumulo ang mga luha ko habang niyuyugyog ko ang braso niya.


"Friz, calm down---"


"T*ng ina, Zethanya! Sinong kakalma sa ganitong sitwasyon huh?!" Sigaw ko dala ng galit at pag-aalala. "Sabihin ni'yo, sino ang gumawa nito sa kanya?" Nanggigigil sa galit na tanong ko pero wala man lang ni isa ang sumagot sa kanila. Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagkuyom ng kamao ko para pigilan ang sarili ko.


"Friza, p-please...We need to move her now, kung hindi ay tuluyan na siyang mawawala sa atin." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tanya.


"Sabihin mong buhay pa siya, Tanya. Sabihin mo na kaya mo siyang iligtas." Pigil luha kong sabi pero hindi siya nagsalita.


"Hindi 'to matatapos ng maayos kung hindi tayo gagalaw." Komento ni Rix tiyaka siya naunang naglakad habang buhat si Ellisse.


Pakiramdam ko nagliliyab na ang galit ko sa loob. Kung sino man ang may gawa nito kay Ellisse, sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang ginawa niya. Kahit pa sinong nilalang sa mundong 'to ang makabangga ko, hindi ako magdadalawang isip na pumatay. P*tang inang demonyo ang may gawa nito! 




ZETHANYA YUI FELIZTRO


"Kumusta ang lagay niya?" Sabay na napatayo si Rix at Friza pagkalabas ko ng private medical room dito sa dorm. We can't bring her out of the headquarter dahil mas lalo lang mailalagay sa alanganin ang buhay niya. Sa kondisyon niya, hindi na pwedeng itagal pa ang iniinda ng katawan niya.


"I need an antidote," I said as I breathed heavily.


"Kami na ang kukuha." Prisinta ni Creid at muli silang napatingin sa akin. This is not going to be easy.


"I need the psychotria extract to counteract the drugs from her body...Makikita lang 'to sa royal garden sa loob ng royal room" Pahayag ko na ikinatahimik nila.


"Ako ng bahala," Sagot ni Rix. He was about to leave when Friza stopped him.


"Alam mo ang kapalit nito, Rix." Death. Lahat kami ay ipit sa sitwasyon, we can't do anything but to go against the serpent rules at masasabi ko na wala sa amin ang may paga-alinlangang mag-sakripisyo para kay Ellisse. Our friend's life is at stake, and we must do anything to save her.


"We're running out of time. Tama na ang drama." Pagputol ni Creid tiyaka nauna ng naglakad palabas na sinundan naman nila Rix at Axcel. Niyakap ko na lamang si Friza para pakalmahin siya.


"She's going to be fine, Friz. I will save her, no matter what. Hindi ko hahayaang mawala sa atin si Ellisse." Paniniguro ko.


Pagkatapos ng lahat ng 'to, paniguradong malalaman na niya ang tungkol sa katayuan namin bilang member ng Serpent. Dumating na ang bagay na kinatatakutan naming lahat, ang kamuhian niya kami. Pero sa ngayon hindi na 'yon ang mahalaga, as long as we could save her, masaya naming tatanggpin ang pagkamuhing naghihintay sa amin. 


Ellisse is a part of our life. Parte ng buhay namin ang buhay ng bawat isa, and I know for sure that after this night, no one will let this pass. Isa pa, sa dami ng pagkakataon, ngayon pa biglaang bumalik ang Serpent Commander. Therefore, none of us can ever escape the punishment that is waiting for each one of us. 




THIRD PERSON 


"Isang malaking kalokohan ang balitang 'yan. Sino sa tingin ni'yo ang walang takot na magtatangkang pumasok sa castle huh?" Mapanghamong tanong ng isang lalaki matapos marinig ang balitang mayroong nagtangkang pumasok sa kastilyo ng headquarter ilang minuto lamang matapos ang inauguration ceremony.


"Hindi ka pa nakakaapak sa tarangkahan, baka naligo ka na sa sarili mong dugo." Paiiling-iling naman na komento pa ng isa. Ilang sandali lamang ay narinig sa buong headquarter ang boses ng royal chief.


"To all serpent knights and rooks, proceed to the field. That's an order from the Serpent Royal Commander." Ma-awtoridad na anunsiyo niya.


Ang lahat ay mabilis na nagtungo sa field. Umayos ang kanilang mga tindig at mabilis na tumungo nang makita kung sino ang taong papalapit sa kanila. Ang lubos nilang iginagalang na pinuno, ang kanang kamay ng Serpent King at Queen. Walang iba kung hindi ang Serpent Royal Commander.


"Whoever attempted to enter my territory. I'll give you five seconds to kneel before me." Makapangyarihang utos niya na nagpayuko sa lahat. Tila ba ramdam sa buong headquarter field ang isang madugong pagbabanta.




FRIZA GONZALES 


"Friz, don't do this. Please." Pagmamakaawa sa akin ni Tanya habang hawak ang kamay ko matapos marinig sa buong headquarter ang announcement ng Royal Chief.


"Alam mo ang patakaran sa sistema ng Serpent, Tanya. Walang lihim ang hindi naibubunyag, at walang parusa ang kayang takbuhan ng sino man." Sagot ko sa kaniya. "Nilabag na rin natin ang batas, wala na tayong ibang magagawa kung hindi ang tapusin ang gulong pinasok natin." Dugtong ko tiyaka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.


Kahit pa saan kami lumusot palabas sa lugar na 'to, wala na kaming takas. Nakaka-p*tang ina, pero anong magagawa namin? Hindi naman kami mga t*nga para hayaan lang si Ellisse na mamatay para maligtas ang mga buhay namin.


"THAT'S AN ORDER FROM THE SERPENT ROYAL COMMANDER!" Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang galit na boses ni Commander. 


Aaminin ko, mukha lang akong hindi takot kay kamatayan pero sa Serpent Commander, nanginginig ang buo kong katawan. Maliwanag sa lahat na hindi siya nailagay sa mataas na posisyon dahil lang sa wala.


"Commander." Buong tapang na pagtawag ko tiyaka ako humakbang paabante.


"Ms. Gonzales? What do you think you're doing?" Tanong ng Royal Chief na halatadong hindi inasahan ang pag-abante ko. Sa paghakbang ko pa lang, sobra-sobra ng disappointment ang dinala ko sa gang.


"Are you----" Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya nang matama siyang tiningnan ng Commander.


"My deepest apology, Commander." Lumuhod ako tiyaka ako tumungo hanggang sa ang noo ko ay sumagi sa damong bermuda.


Simula maging miyembro ako ng gang, ni hindi pa ako lumuluhod at yumuyuko ng ganito sa kahit na sino sa mga royalties, at hindi ko inaasahan na darating ang araw na sarili ko mismong buhay ang itataya ko.


"Handa ako sa parusang kamatayan, Commander...Pero nagmamakaawa ako sa inyo, h'wag ni'yo sanang idamay rito ang kaibigan ko." Nakayuko kong pakiusap.


Pero natigilan ako nang biglang lumuhod si Tanya sa tabi ko tiyaka yumuko. "Commander, please spare her life...Iaalay namin ang sarili naming buhay kapalit ng buhay ng kaibigan namin." Ikinuyom ko ang kamao ko.


Bakit ba dumagdag ka pa Tanya? Bakit ba hindi mo na lang ako hinayaang saluhin ang lahat? Sino nalang ang aasahan naming gagamot kay Ellisse kung pati ikaw pinatay? T*ng ina! Gusto kong magmura pero pinigilan ko ang sarili ko.


"Who do you think you are?" Mababakas sa tono ng boses ng Commander ang pagka-strikto at galit at ano mang oras ay kayang-kaya niya kaming patayin ng walang pag-aalinlangan.


"Commander!" Ang buong atensyon namin ay naituon kila Rix na papalapit sa amin. T*ng ina! Hindi ko maiwasang mapamura sa isip ko dahil sa nangyayari ngayon pero nabuhayan ako nang makita ko ang hawak ni Creid. Ang psychotria elata.


"Kami na lang ang patayin mo. Handa naming saluhin ang kamatayan para sa buhay nila." Desididong sabi ni Rix ng walang bahid na kahit anong emosyon, tiyaka lumuhod. Sumunod sina Axcel at Creid. Mga t*ng ina! Damay-damay na ba talaga 'to?


"You're giving me bullsh*t choices. Do you think I would pick some to spare?"


Napapikit ako ng mariin sa sinabi ng Commander. Akmang tatayo ako pero hinawakan ni Tanya ang kamay ko para pigilan ako. Ilang sandali lang ay lumapit sa Mr. Malriego kay Commander at may kung anong ibinulong.


Muling humarap sa amin ang Commander na blanko ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. T*ng ina, kinakabahan ako sobra. "Kill their friend." Malamig pero may awtoridad na utos niya. Sa mga oras na 'yon para bang literal na natigilan ako sa pag-hinga.




Korbin Group 

THIRD PERSON 


"Wala kang dapat ikabahala, boss. Malinis na naisagawa ang lahat ayon sa utos mo." Tagumpay na nakangising saad ng matanda na nasa mid 50's ang edad sa kaniyang kausap mula sa kabilang linya.


"Natitiyak ko na magiging maganda at matagumpay ang daloy ng bawat plano. Ang biglaang pagbabalik pa lang niya, hudyat na 'yon na magagamit natin ang buhay ni Ms. Lorico laban sa kaniya." Nagagalak na wika niya tiyaka hinithit ang tobacco pipe.


[That was good to hear then. Pero pinapaalala ko lang, ayoko ng may humahadlang sa mga plano ko. Alam mo naman siguro ang gusto kong iparating, Mr. Yoro. Ayoko ng dumi sa sistema ko.] 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top