Chapter 59.2


Dark Soul Base | 15 minutes earlier


NOVALEIGH DOMINGUEZ 


Kasalukuyan kong inaayos ang dearest sniping rifle na dala ko nang mag-vibrate na naman ang phone sa tabi ko kaya napa-sulyap ako do'n. Hindi ko sure kung ilang beses ko ng hindi 'yon pinapansin magmula kaninang makarating ako rito. Kaloka! Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko masagot-sagot! Napa-irap ako sa kawalan habang parang tangang nakangiti—na alam kong sobra kong ikina-ganda. Enebe nemen teng lelekeng 'te kese, nepeke-clengy! Teweg ng teweg! 


Pinindot ko ang answer button at ini-loudspeaker 'to ng bonggang-bongga. "Yes, the pret----"


[P*tang ina, Dominguez, nasa'n ka?! Kanina pa ako tumatawag, ba't 'di mo sinasagot?!] Galit na galit si Bryan at good thing dahil hindi nakadikit sa tainga ko ang phone.


"Ganyan ka ba talaga mag-alala? Need mo talagang sumigaw? Pero sige, gwapo ka pa rin naman at in fairness huh, nakaka-kilig ka-----"


[T*ng ina, Novaleigh, gina-g*go mo ba 'ko? Nasa'n ka bang malandi ka?] 


Sinilip ko ang scope para makita kung okay na okay nang pamatay ng pangit ang rifle. Okay naman na kaya ibinaba ko na muna 'to para kunin ang phone ko. "Hindi kita gina-g*go, tyaka FYI with capital F, Y and I, nasa trabaho ako noh? Good girl kaya 'tong bb mo." Panlalandi ko sa kanya 'cause why not? Pake ba niya, eh malandi nga ako tulad ng sabi niya. Panindigan natin 'to girls, pinupuri tayo ng gwapo at hot na fafa!


[Nasa'n ka nga? Anong trabaho eh paalis palang kami rito sa HQ. Nasa'ng bar ka na naman ba napadpad?] Iritadong sagot niya. 


"Kaloka ka, baby! Pwede namang diretsahin ako ng I miss you eh." Tiningnan ko ang oras mula sa expensive wrist watch ko, hindi na inabalang pakinggang ang pagmumura niya.


I enthusiastically smiled which made me more gorgeous, "See you later, babe! I miss you more!" Then I ended the call at pinatay na muna 'to. Kinuha ko ang rifle bag at isinilid muna sa gilid. 


Hindi ko knows kung gaano ka-bloodly ang kahihinatnan ng gabing 'to, pero isa lang ang knows na knows ko: Ano man ang mangyari, I need to stay gorgeous from head to sole. Aba, hindi pwedeng sumabak sa bakbakan ng haggard. Madali kang mamamatay kung gano'n. 


Well, tingin ko ay masyadong matiwala sa akin si Royal Knightress, which is giving me the confidence to follow her command with no hesitation and objection kasi nga ganito ang tunay na maganda. Masunurin. Tyaka isa pa, hello? Pregy ang aming Knightress, kaya kailangan niya ng maganda at mahusay na backup kaya sino pa nga ang deserve sa mga ipinag-uutos niya? Malamang ako. The Royal Knightress was actually the one who assigned me for this task so who am I to decline? Maganda lang ako, no offense to that. 


So yes, I knew everything about their plan. Ang buong plano nina Royal Knightress at Ms. Angel kung paano tatapusin ang gabing 'to. Hindi alam ng gang ang prosesong gagawin nila Royal Knigtress pero, aware naman ang dalawa na susunod din sina Commander dito mamaya lang at later, it's party time na! 


"Wine for the gorgeous lady?" Napatingin ako sa lalaking nag-abot sa akin ng wine na biglang sumulpot sa harapan ko. Wow naman sa kanya, ang gwapo lang niya huh, mukha pang may ipaglalabang eight pack abs. 


"Thank you!" Medyo malanding sagot ko bago kinuha ang wine glass sa kamay niya at syempre talagang ti-nouch-by-touch ng pinky finger ko ang daliri niya with matching lip bite pa. 


"I'm Franz by the way." Pakilala niya at tumabi sa gilid ko para samahan ako sa pwesto ko. Malanding 'to, type na naman ako nag-kagat labi lang ako. Hirap talagang maging maganda. 


"Novaleigh, just call me babe." Sagot ko.


"What?" Natatawang sagot niya parang na-deaf pa sa sinabi ko. Ano ba sinabi ko? 


"Ah, just call me, Leigh, baby." Tiningnan ko siya at bahagyang kumunot ang noo sa sinabi ko, nakangisi. "Baby, what?" 


 Napainom ako sa wine ko. "Your name. It's baby, right?" 


Natawa siya't napailing, "Franz. Franz Galiver." 


"Ow." Maarte akong napatakip sa bibig ko, "Sorry, akala ko baby." 


Nadapo ang tingin ko sa isang direksiyon. Nakatayo ro'n si Royal Knightress, may kausap na lalaki. Isa pa ang malanding lalaki na 'yon. For sure na maca-canon ang skull nito kapag nakita 'to ni Commander. 


"Do you know him?" Napatingin ako sa katabi kong hindi pa pala umaalis. 


"Oh, that guy?" Nginuso ng mapupula kong lips ang direksiyon nila Royal Knightress. "No. Mukhang gwapo lang at masarap kaya napatitig ako." 


Natawa siya, "Seriously?" 


Tumango ako, "Oo nga, seryoso. Ikaw din mukhang masarap, pero mukhang taken ka na so, pass." Saktong nakalapit ang babaeng naka-tube na malayong mas maganda ako kompara sa kanya. Umangkla sa braso ni Franz na parang pinagngangalandakan niyang jowa niya 'to. G*gang babaeng 'to, mukha bang aagawin ko 'yong type niyang asawahin? 


"See you around, Mr. Gaverlon." Pinandigan ko parin ang pagiging malandi kahit na gusto na akong sabunutan ng bongga nung babaeng hipon. 


I cut off the conversation bago pa 'to humaba. Goshy, baka ano pang gawin ng lalaking kumakausap kay Royal Knightress kailangan kong maging alert. Lumapit ako sa kanila pero sa pwestong hindi ako mahahalata. 


Napangisi ako nang makita ang side view ni Royal Knightress. Hindi talaga siya agad makikilala dahil sa kapal ng makeup niya. FYI, kailangan naming mag-disguise nina Ms. Angel para hindi kami agad makilala at mukhang effective na effective. Kahit ako kung hindi ko lang knows ang tindig at damit ni Royal Knightress hindi ko alam na siya 'yan. 


Napatingin ako sa kamay na may hawak ng glass wine sa harap ko. Ang ganda ko...Natigilan ako nang mag-angat ako ng tingin sa lalaking may hawak ng glass. Diretso ang tingin niya sa akin na parang anytime, anywhere lalapain ako ng mga mapupusok niyang halik...kidding aside! Syempre diretso talaga ang tingin sa akin ni Bryan dahil nagagandahan 'yan sa akin. Ako pa ba? 


"Thank you" Malawak ang ngiti kong tinanggap ang wine glass matapos ibaba sa katabi kong mesa ang naunang wine glass ko. 


"Ilan na ang nalalandi mo?" Casual na tanong niya tyaka sumimsim sa wine glass niya. Masyado niya naman akong pinupuri. 


"Dumating ka kaya lalandi na ako ulit." Diretsa ko na ikinatingin niya sa akin pagkatapos ay do'n sa wine glass na nasa mesa bago niya nilagok ang natitirang wine sa baso niya. I squinted, smiling like a stupid gorgeous lady, "Bakit, baby?" Tanong ko. Hindi siya umimik at naglakad palayo. Napatingin ako sa wine glass na ibinaba ko kanina sa mesa at kay Bryan na ngayon ay palayo na. Pereng tenge! Pwede naman niyang sabihing selos siya! Susundan ko na dapat siya nang biglang mamatay ang ilaw, tanging ang mga dim lights lang sa paligid ang naiwang nakasindi. Kaloka naman si Mr. Baldwin, may pa-light's off pang nalalaman. Pero ang bongga huh, in fairness! 


Naglakad na ako pabalik sa storage room kung saan ko kanina itinago 'yong rifle na gagamitin ko. I don't want to waste so much time, so I made sure na malapit lang ang kwarto mula sa mismong hall. Wala namang pake ang mga nakakasalubong kong lalaki na mukhang tauhan ni Mr. Baldwin. Masyado naman yata akong maganda para magmukhang may itim na balakwhich is tama naman, may itim kaming balak kaya kami nandito. Pero sa ganda kong 'to? Kung pagnanasaan nila ako, pwede pa eh. 


Hindi ko na ginamit ang daang dinaanan ko kanina pabalik sa hall kahit na gusto ko pang i-flex ang kagandahan ko ngayong gabi. Paglabas ko ng storage room ay nagpunta ako kaagad sa isang VIP room kung saan may elevator papunta sa hall. Ang magiging exit nito ay isang pinto na bubungad sa pwesto ng bar tender paharap sa mga tao. Nakatalikod ang mga nandito sa hall mula rito kaya hindi kaagad mapapansin ang kagandahan ko, unless gumawa ako ng iskandalo rito. Hindi naman gano'n karami ang people rito kaya madali lang asintahin ang target, besides magaling akong sniper kaya hindi problemang umasinta kahit madaming paharang-harang. Kasalanan na nila if ever matamaan sila noh!


Actually, hindi ko na alam kung ano ang ganap sa bandang harapan dahil medyo malayo-layo rin itong pwesto ko ro'n. Nag-chill nalang muna ako rito kasama ang lalaking bar tender. 


"Your vodka." Napatingin ako sa manly voice na naglagay ng baso ng inumin sa counter bar. I squinted, trying to see his face clearly. Nang ngumiti siya ay do'n ko lang napagtanto kung sino siya. "Juls?" 


"Ang natatangi." Nag-bow pa siya na parang isa akong Queen. 'Yan ganyan dapat. 


"Anong ginagawa mo rito?" 


"Anong, ako? Kalokang 'to, ako nga dapat ang magtanong niyan, baby. Bakit wala ka sa Horawoki at nandito ka huh?" Balik tanong ko, pero bago pa man siya makasagot ay bigla nalang may kamay na kumuha ng drink ko mula sa countertop. Pagtingin ko sa tabi ko, kahit na may kadiliman ay alam kong si Bryan 'to. Amoy na amoy ko ang nakakaakit niyang pabango. Pereng tenge telege! Sumusulpot nalang bigla. 


"Excuse me----"


"No, ayos lang, Juls. Hayaan mo na, mukhang uhaw na uhaw 'tong jowa ko." Putol ko kay baby Juls na balak sitahin si Bryan. "What, baby? Sige, subukan mong tumutol sa sinabi ko." Tinaasan ko ng kilay si Bryan dahil kung makatingin naman siya ay parang maling-mali 'yong una kong sinabi. Hard to get talaga 'to. 


"Do'n ka nga humarap. Kung ano-ano kasing inaatupag, landi ng landi." Halata ang iritasyon sa boses at mukha niya, hawak parin ang baso ng vodka ko. Parang ewan 'tong si krass, 'di nalang ako diretsahing nagseselos siya. 


Napatingin ako sa lalaking dumaan sa tabi namin, mukhang galing din sa pintong nilabasan ko kanina. May hila-hila siyang sako na halatang may kabigatan ang laman nito. Nagpagilid pa ang mga tao para bigyan siya ng daan papunta sa harap, mula sa kinatatayuan ko natanaw ko si Mr. Baldwin na nasa entablado. Nasa'n na ba si Royal Knightress? 


Ayos pa naman sa tingin ko ang takbo ng lahat ng plano, pero nagsimula akong kabahan. Okay? Medyo nakaka-t*ng ina 'to mga babies. Bakit kabado ang kagandahan ko? Anong meron?


"Now, Novaleigh." 


Hindi ko inasahana ang go signal ni Royal Knightress, but still, I was too quick to do my job. Inasinta ko kaagad ang target. Handa na ang finger kong kalabitin ang gatilyo ng sniping rifle nang umalingawngaw ang putok ng baril. T*ng ina? Who was that? 





ELLISSE ZERINA 


I was surprised when the man on my left, just a few meters away from me fell down on the cold floor, lifeless. Inilibot ko ang tingin ko para tingnan kung sino ang bumaril dito,but there's no one holding a gun around me, except sa akin at sa dalawang lalaking nakabantay sa gilid ko. No they weren't the one one who shot the man at malabong si Novaleigh. 


"Looks like you brought your Empire's pawns here, Jackson." Christopher said. Nanatiling tahimik si Mr. Hilton. Nakakuyom padin ang mga kamay ko. D*mn it! Where's Novaleigh? Bakit hindi pa siya kumikilos? Is she gone flirting with men again? 


"I'm an untouchable man, Christopher. Did you just forget it?" Seyoso pero halata ang pagiging sarkastiko sa sagot ni Mr. Hilton. Mukhang siya kanina ang puntirya nang lalaking binaril. I darted a glance at Renzo. He's still lying, unconscious...Should I consider the idea that lying there, pretending lifeless is only a f*cking part of his charade? 


"What the hell is happening, Maxine? This isn't part of our plan." Sinubukan kong kausapin siya, nagbabakasakaling sumagot mula sa earpiece, pero wala akong natanggap na sagot. D*mn it, really! 


"Well, you're right. You're untouchable, Mr. Hilton, unless there's someone capable of making you vulnerable." Makahulugan ang ngisi ni Baldwin, but the composed Mr. Hilton was still there, kneeling on the floor with Neithan and Hunter's threatening presence behind the latter. How can this man remain calm in this kind of terrifying situation? 


"I am pleased to meet that someone. Where is that person by the way?" Confident pa niyang sabi. Mas lumawak pa ang mala-demonyong ngisi ni Baldwin bago nito binulungan si Claire na nasa tabi niya, nakabantay. Claire had no reaction at all until she held his gun up, pointing to Mr. Hilton's direction. 


"F*ck you, Claire David!" Maxine is a composed type of woman like her father, but this time, she lost her cool. Her eyes are burning, raging like a dragon na nagtitimping bugahan ng apoy ang kalaban. That was Maxine na alam kong kating-kati na ang kamay na kalabitin ang gatilyo ng baril niya kung hindi lang nakatutok ang baril ni Claire kay Mr. Hilton. D*mn this! Wala akong makitang sign na scripted ang nangyayaring 'to. Should I move now? Hindi ko alam, pero parang may pumipigil sa akin kahit na gustong-gusto ng kumilos ng mga kamay ko. 


"Should I thank you first, Sir before we end this glorious night?" She asked with no expression at all. 


"You're holding a gun loaded with only one German bullet. How confident are you that you can kill your opponent in one shot, Ms. David?"  Mr. Hilton asked back. Para bang sa pagsusukatan nila ng tingin ay kilala nila ang bawat isa. 


"Let's say, there was an old man who taught me this trick. One day, that powerful man tortured the most important person in my life to death. He was a great person, I thought. But then I realized, he was nothing but a devil who deserves hell..." Claire's eyes are piercing. They are filled with so much pain and anguish, but there's no sign of tears in there, only the lust for vengeance. Para bang nagpipigil siya ng matinding emosyon. 


"I want to know what a German bullet feels like when planted on my head. Feel free to shoot, Ms. David." Walang bahid ng takot sa mukha ni Mr. Baldwin. Humigpit ang hawak ko sa baril. If she ever pulls the trigger, I won't think twice to pull mine. 


Everything happened so fast. Claire turned around to face Baldwin, pointing the gun at him and the latter did the same. Silang dalawang ngayon ang magkatutok ng baril. D*mn! What the hell is happening? 


"Is this how you greet your father, sweetheart?" 


Father? D*mn! What? Mag-ama sila? 


It was the first time when I saw Claire, smirking, "Your long lost daughter is finally home." Parang hindi na niya ikinagulat ang pagkakatutok ng baril sa kanya ng ama niya.


Natawa si Mr. Baldwin, but Claire went on, "Is this how you really play things in your favor, Dad?"


"You knew this would happen, and yet you still went on with this. You're really like your deceased mom." 


Halata ang pagiging seryoso ni Claire sa sinabi ni Baldwin. "Oh, I see..." Patuloy niya na parang may na-realized bigla. "I was that old man you were referring on your story. The devil who deserves hell. Do I?" 


"Yes, you f*cking do!" Magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. I thought it was Claire who shoot his Dad first. Natamaan ito sa binti kaya napaluhod at nabitawan ang baril niya. But no, the bullet was from another direction. 


"You can't touch the future Queen of Baldwin's Empire, Sir. That's against the law." Napatingin kami sa lalaking may pa-grand entrance na talagang naglakad pa sa gitna ng mga tao. Kulang nalang ay red carpet. Hawak niya ang baril at pormal na pormal ang awrang dala niya dahil sa suot na formal suit. He's also wearing a round eye glasses. I think, I've seen his face somewhere. 


"What the f*ck are you doing here, motherf*cker?" Claire asked. Mukhang kilala ang lalaki. 


The man gave him a playful smirk, "Should I introduce myself first to everyone, sweetheart?" 


"F*ck you."


"Alright, no. Let's proceed then. By the way, it's nice seeing everyone here." Inilibot pa niya ang tingin na parang kilala ang lahat ng nadito sa hall. He's weird. 


"F*ck you and get lost, asshole. This old man is mine. Mind your f*cking business." Itinutok ni Claire ang baril niya sa lalaki, pero wala man lang bahid ng takot sa mukha nito. He's something. He's giving the aura like Renzo's. Deadly. 


"That old man almost shot your chest before you could pull the trigger to make him perish. A simple thank you will be appreciated, sweetheart." Itinaas niya ang magkabilang kamay niya, tanda ng pagsuko. "Well, now, do what you want. No one's stopping you. Torture him as much as you want..." Luminga-linga pa siya sa magkabilang gilid niya, "Well before everything, does anyone here wants to stop the Baldwin's Heiress? Please, raise your hand."


Wala ni isa ang nagtaas o nagtangka man lang na kumilos. They must be scared of the presence of this man and what he's capable of, or him using the title 'Baldwin's Heiress' referring to Claire David kaya walang nagtangkang tumutol sa gustong gawin ni Claire. She's their long lost heiress after all. 


Nadako ang tingin ko kay Baldwin nang tumawa ito. Umalingawngaw ang mala-demonyo niyang tawa. D*mn him! Nakuha pa talaga niyang magsaya ngayong mamamatay na rin siya. 


"Oh my dearest daughter." Nakangisi niyang saad habang takip nang palad niya ang natamong tama ng bala sa binti niya. "I hope you do know how cunning your father is, just like you." Talagang pinuri pa niya ang sarili niya at ikinompara sa anak niya. What a d*mn way to be proud of her daughter. 


"Of course, I know you very well, Dad. You can't move without somebody's help, so you brought your aces tonight because you have expected this to happen, but where are your aces?" Sarcastically, luminga-linga pa si Claire. 


Hindi naalis ang mala-demonyo niyang ngisi. Mas lumawak pa nga ito. He turned his gaze to Mr. Hilton. "Now. Baldwin is yours..." He whispered in a lower tone as if he was giving a cue to someone who was also here, waiting for his/her time to move. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa baril at napalinga-linga sa paligid. This devil might have his one last ace. 


Seconds and almost a minute had passed, but nothing happened. Ni kaluskos ay walang narinig. Napalinga-linga si Baldwin na parang nagtataka dahil hindi nangyari ang hinihintay niyang mangyari. Doon na nagbago ang ekresyon niya, "F*ck! Shoot them! Kill Jackson Hilton! Kill everyone!!" Para siyang baliw na kinakausap ang taong inaasahan niyang papatay sa amin.


"Seemed like, your last ace abandoned you, Mr. Baldwin." Napatingin ako kay Mr. Hilton nang tumayo ito. Hindi ko alam kung paanong natanggal na ang pagkakagapos ng mga kamay niya. "Thanks, Neithan and Hunter." He said. I then looked at the men behind him. Neithan and Hunter. Ngayong matagal ko silang natitigan ay parang naging pamilyar sila sa paningin ko. 


"Even you assholes?! F*cking traitors!" Nagngangalaiting sigaw ni Baldwin sa dalawa na inakala niyang katiwala niya. 


The one on the left removed his black baseball cap. WTH?! "I'm not a traitor, you old hug. I wasn't even part of your f*cking troop, to begin with. G*go ka ba?" And that was no one else but the only asshole, Dwight Kean Stanford! D*mn!


Sumunod na nadako ang tingin ko sa katabi niya nang tumikhim ito. Hinila ng kamay niya ang balat ng mukha niya which turned out to be his disguise look. A silicon mask? "T*ng ina, ang init nito." 


Ash Zane? WTH! Even you?


"Oh, hi there, Mr. Baldwin. Nice seeing you, finally." Kumaway pa siya matapos ihagis ang silicon mask sa sahig. Pinampag pa niya ang magkabilang kamay. "Should I introduce myself now, Sir?" Tanong niya kay Mr. Hilton pero hindi ito sumagot. 


Ash put his hands behind him, naglakad-lakad na parang isang maginoong prinsipe. Humarap siya sa madla. "Everyone, pleased to meet you all. I am Ash Zane Stanford----"


"Enough, Mr. Stanford. You're wasting too much time. Let my father take the spotlight. Wala rin namang pakealam ang mga taong nandito kung sino ka." And that was Maxine na parang inasahan na niyang mangyayari 'to. So that means, she was also part of their plan? Arte-arte lang ang ginawa niya kanina? Why she didn't tell me? Halos atakihin na ako ng galit at pag-aalala kanina. This witch! Panalo na siya sa Oscar. Tss. 


"Easy there, witch. Just enjoy the show for now. Everyone's safe." She said over the earpiece. That was a relief. Pero nasa'n na ba si Renzo? Inilibot ko ang tingin ko nang magsalita na si Mr. Hilton.


"Did you think, everything is under your control till the end? Have you forgotten?" Naglakad-lakad si Mr. Hilton sa entablado. Sandali niyang sinulyapan ang mga tao pabalik kay Baldwin na nagngingit sa inis at matinding galit. "I was the one who built your empire. I was the one who made Korbin stronger...And that means, I was, and am still the one pulling the strings on this play. I own every pawn and knight in your organization...including you. I am Mr. X, Christopher. How come you forgot that the chosen one to reign the next generation of Dark Soul Organization is no one else but me?" 


Hindi ko inaasahan ang maririnig ko. So, the real Mr. X is Mr. Hilton? Siya talaga ang may ari ng titulong 'yon? Now, I get it. Since he was the chosen one to reign the Dark Soul after the late Augustus Habir. I couldn't remember when did I read it, pero may nabasa ako sa isang file na ang King of Dark Soul will be marked as X. It is the highest rank in that organization. WTH! Stupid Baldwin. Akala ko ba matalino siya? Bakit hindi niya naisip na pwedeng pinaglalaruan lang siya ni Mr. Hilton? Mukhang nilamon na nga siya ng kasakiman at ang mga walang kasing-samang plano niya kaya hindi na niya naisip 'yon. 


"F*ck you, Jackson!" 


No, f*ck you! 


Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril bago pa man mapulot ni Baldwin ang baril niyang nabitawan niya kanina. "That bullet was from stealing my mother's freedom." That was Claire. Inihagis niya ang baril at dumukot ng isa pa sa holster na suot niya. Ipinutok niya ulit 'to na tumama sa dibdib ng ama niya. "And that was from torturing my mother in every opportunity you have." I couldn't see any trace of hesitation from his eyes. Desidido talaga siyang patayin ang ama niya. 


Now I realized why he helped Baldwin out from Highstone back then. Noong nalaman ko ang baluktot palang katotohanan na si X at Casper Baustista ay iisa. Claire arrived there to save his father hindi dahil iniligtas niya 'to sa kamatayan kung hindi dahil gusto niya na siya mismo ang kikitil sa buhay ng ama niya. Now it's happening. This is Claire's ultimate goal. To kill his father, Christopher Baldwin. 


Tumigil siya sa harap ng ama niyang naghihingalo na at wala ng laban. Itinutok niya ang baril sa noo nito. "I was f*cking honored to be your daughter. I honored you as a King and a man of principle, but f*ck you, old man." Hindi ko man makita ang mukha ni Claire dahil nakatalikod 'to sa direksyon namin, pero sa boses niya ay umiiyak siya sa sobrang sakit at galit na kinimkim niya, marahil ng sobrang tagal bago humantong ang lahat sa araw na 'to.


"You told me this once, remember? You must kill. Kill only those whose deeds are nothing but evil. How ironic, don't you think, Dad? That the one who taught me that is the one I must kill." 


"Y-you don't...u-understand...the empire..."


"You may now rest in hell, Father." Umalingawngaw ang huling putok ng baril. The lifeless body of Baldwin was left there. Nakatulala at nakatayo parin si Claire sa katawan ng ama niya. Nabitawan niya ang baril, at bago pa man siya mawalan ng balanse ay maagap na na-suportahan ng lalaking may pa-grand entrance kanina ang likod niya.


Wait...Now I remember. That man is no other than Blythe Kenzo Stanford! So the three Stanfords are here huh? Joining the game with Hiltons. Tss. I didn't see this coming. With these cunning and powerful men, paanong papalpak ang plano nila? Wala ni isa ang nagsabi sa akin. Did Renzo make this all up para hindi ako mag-alala at ipaubaya nalang sa kanila ang checkmate part para kay Baldwin? 


Gusto kong ako mismo ang pumatay kay Baldwin dahil sa ginawa niya kay Papa, but I think it was better to let Claire do it. It's her father after all. She had an unfinished business with that devil. Kung hustisya lang ang gusto naming makamit para kay Papa, sa Mommy ni Renzo at sa mga inosenteng nadamay noon dahil sa ka-demonyohan ni Baldwin, Claired served it to us. And I think, that was it. End game. 


"I missed you." Gulat ang naging reaksiyon ko nang may bumulong sa tainga ko kasabay ng palad na dumausdos sa baywang ko palapit sa bisig niya. "What the hell, Lorenzo? I thought..." I looked at the sack, na ngayon ay hila-hila na ng isang lalaking mukhang tauhan ng mga Hilton. I then looked at the man beside me. Ngumisi siya at mabilis na pinasadahan ng halik ang labi ko, "Sorry. Part of the plan." 


I turned my body, facing him. I cupped his cheeks, checking if he's really fine. "Did you get hurt?" Hinawakan ko ang braso niya para suriin ang matikas niyang pangangatawan. "Baka nakipag-bakbakan ka muna bago ka pumunta----" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko kaya napa-angat ang tingin ko sa kanya. He gave me a warm smile, reassuring me that there's nothing to worry about. "I'm all good, hon. Have you forgotten? I'm good at dodging. Bullets are nothing." 


Sinipat ko ang dibib niya, "H'wag mo 'kong niyayabangan, Lorenzo. Baka ako pa ang bumaril sa 'yo. You should've told me about your plan where there was a fake body of you that would play dead." 


Natawa siya ng mahina at hinalikan ang noo ko, "Deepest apology, Queen." 


"Tss." I just rolled my eyes at natawa pa siya dahil do'n. This man. 


Napalinga ako nang biglang mag-sindi ang mga chandelier na kanina ay pinatay. The grandiose lights are on. The slow musical background echoed again around the hall. Bumalik sa pag-uusap at kanya-kanya nilang ginagawa ang lahat. Wow, as if nothing had happened huh. So this night is now a welcome party for the Heiress of Baldwin's Empire I guess. And yes, kasama na ang restoration ng Dark Soul na ngayon ay hawak na ng Dad ni Renzo. What an amazing man he is who made this all possible.


Iniligpit na rin ng mga tauhan ng Hilton ang katawan ni Baldwin. The rest are already nowhere to be found. Where's Max? 


"Do you want to go home?" Tanong ni Renzo, nakapulupot pa rin ang braso niya sa baywang ko. 


Umiling ako, hinahanap ang iba, but then Renzo just read my thoughts. "Don't mind them. They're surely enjoying their business whatever it is and wherever they are." 


Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya na saktong kinuha ang wine glass mula sa tray ng dumaang waiter. "Where have you been earlier?" 


Hindi siya sumagot. Bumitaw siya sa baywang ko at hinawakan ang kamay ko tyaka ako hinila paakyat. "Let's go somewhere." 


"Now talk, Lorenzo." Seryoso akong bumitaw sa kanya nang makarating kami sa veranda. "Saan ka galing kanina?" Tanong ko ulit. I should be asking him dahil alam kong may inasikaso siyang konektado sa plano nila, but d*mn! There's something here that doesn't feels right! 


"Hon..." He tried to come closer pero naglakad ako at nilampasan siya. Sumandal ako sa railings at tinanaw ang tanawin sa labas. "Tell me."


I heard him sigh. "We killed the remaining stupid men of Baldwin. I was with the gang along with Tyler. You can ask them." Maiksing paliwanag niya. 


"Are you sure this is how it really ends?" Natanong ko nalang bigla bago siya hinarap. "I mean, oo, wala na ang taong kumitil sa buhay ni Papa at sa Mommy mo, and even Claire's mother. The real opponent was already gone, but there's something wrong here, Renzo." 


Napakunot siya. Ibinaba niya ang wine glass sa railings at hinawakan ang mga kamay ko. "Mind to share?" 


Huminga ako ng malalim. I deeply shut my eyes, and opened it then para salubungin ang mga tingin ni Renzo na naghihintay sa sunod kong sasabihin. "I just feel that...that, there is something bigger coming to us. I don't know. Hindi ako mapakali." Umiling ako, but then Renzo held my chin to made me look up at him. 


"Hon. Everything is fine now. We're safe. You're safe. The baby's safe." Paniniguro niya. Yes, that was soothing. I always feel secured with his presence and assurance, pero sa ngayon ay hindi sapat ang mga 'to para mapanatag ang loob ko. 


"I think, you need to rest now. You must be tired already."


I suddenly caressed my belly, hindi pinansin ang sinabi niya. Nakahawak parin si Renzo sa mga kamay ko, and so I looked up to see him. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Panatag ang loob niya alam ko, pero kinakabahan ako. "I want to go home now, Renzo." 


He planted a kissed on my forehead. Binitawan niya ang mga kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. When we parted, he held my shoulder at diretsong tiningnan ang mga mata ko. "You go first with Max. I've already told her to accompany you."  


Napakunot ako, mas lalong kinabahan. "At saan ka pupunta?"


"I have one last mission I need to finish."


"No. Sasama----"


"Zerina, listen..." He slightly bent down para pantayan ang height ko. He cupped my face, "You can't come with me this time. As much as I wanted to stay and spend the night with you, I can't. This must be done by me alone."


"Why? You should bring the gang with you. Si Rix. Hindi ba siya ang kanang-kamay mo sa mga high-risk mission mo? You can take Tyler with you too. Hindi pwedeng ikaw lang, delikado."


"Zerina...It was a command from the Serpent King." Mabigat na ang pag-hinga niya at alam kong nahihirapan siyang umalis dahil sa gusto kong mangyari. You can't blame me from worrying this much! 


"No. You're not leaving without the gang or anyone from your Empire or from Serpent. Kung ayaw mo, ako mismo ang sasama sa 'yo. That's a royal order from the Serpent Royal Knightress, Mikael Lorenzo." Pagmamatigas ko kahit na aware akong walang utos ng King ang nilalabag ng mga Royalties. No one.


Inalis niya ang mga kamay niya sa braso ko. "Sorry, hon, but I can't obey you tonight."


"Then it's a wish. I wish that you don't leave my side. Not tonight, Lorenzo." Hindi ngayon na hindi maganda ang pakiramdam ko. 


Napaiwas siya ng tingin sa mga mata ko. "I...can't grant your wish this time, Zerina."


Namuo ang luha sa mga mata ko. Parang gusto kong pagsusuntukin ang dibdib niya sa inis dahil hindi man lang niya ikino-consider ang nararamdaman ko, but I kept my cool. Buti nalang ay napaurong ko pa ang mga luhang nagbabadyang kumawala dahil sa bwiset na lalaking nasa harapan ko ngayon. Ayokong maging immature ngayon kahit na gustong-gusto kong mag-dabog.


"Hon..." Lumayo ako ng bahagya nang aktong hahawakan niya ako. Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya. "Leave. Do whatever you must do. Finish the task given by the King. Make sure you're going to come back alive, Mikael Lorenzo." 


Nilampasan ko siya at tinatagan ang sarili kong h'wag umiyak habang palayo ako sa kanya. I caressed my belly once again. Please, come back alive, Renzo. For me and for our baby. 










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top