Chapter 58


Baldwin's Mansion 

THIRD PERSON 


Muling umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa indoor shooting range sa mansiyon. Napangisi siya nang umilaw ng kulay berde ang points indicator, tanda na napuruhan niya ang target. Ibinaba niya ang hawak na baril mula sa pagkaka-asinta nito para tanawin ang dalawang target board kung saan may nakadikit na larawan. Ang nauna ay larawan ng Serpent Commander at ang huli na kababaril lamang niya ay larawan naman ni Angel Maxine Hilton na ngayon ay butas na ang noo niya sa picture. 


"Traitor must be kept in hell forever." Nakangising bulong niya sa sarili habang tinatanggal ang suot na itim na leather gloves. 


"Mr. Baldwin." Tumungo ang isa sa mga tauhan niya nang lapitan siya nito. Iniabot ng tauhan kay Mr. Baldwin ang Ipad at kaagad din itong lumisan. Napataas ang kilay ni Mr. X nang buksan nito ang kaniyang email. May isang unread mail mula sa kaniyang inbox. A triumphant smirk was painted on his lips as he tap the message to see its content. As if he knew that it was a good news. 


Ang email ay mula kay Hunter Avierlo. Bihira lang ang paramdam ni Hunter sa mga emails, tawag at iba pang mensaheng natatanggap, kahit pa noong si Mr. Jackson Hilton pa lamang ang nakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng darklist. He's a too low-key man, pero kombinsido si Mr. X na isa si Hunter sa mga maasahan niya para maisakatuparan ang matagal na niyang plinaplano. 


Nagpadala si Mr. Baldwin ng email kay Hunter at Neithan matapos niyang makausap si Claire David noong nakaraan. Hindi kaagad tumugon ang dalawa, ngunit nakasisiguro si Mr. X na hindi siya bibiguin ng dalawa. And so did the former sent him a message today, containing his answer to Mr. X about the restoration. The email has no words nor a single letter, but a single image. It was Avierlo's way of communication. A red card with a black triangle at the center part of it. 


Hindi maalis ang ngisi ni Mr. X sa natanggap na tugon mula kay Hunter Avierlo. Red card means PERMITTED. Ibig sabihin na payag si Hunter sa plano ni Mr. X. 


Nagsimula siyang maglakad palabas ng shooting range area. Iniabot niya ang Ipad sa kaniyang tauhan nang lapitan siya nito. "Prepare the car. We're off to Candbrisk to see the weapons." Utos niya na kaagad sinunod ng lalaki. 


Patungo sa kaniyang pribadong silid, bago pa marating ito ni Mr. X ay isang tauhan pa ang lumapit sa kaniya habang nakatungo ito. "May sulat po galing kay Mr. Darwins." 


Napakunot ang noo ni Mr. Baldwin nang tumigil siya para kunin ang sulat sa kamay ng kaniyang tauhan. Umalis din ito kaagad para bumalik sa posisyon. May pagtataka sa reaksiyon ni Mr. Baldwin habang binubuksan ang maliit na brown envelope. It's not because he wasn't expecting Neithan's agreement about the restoration, but Neithan's way of communicating to him. Mr. Baldwin found the letter weird. Ano nga ba ang silbi ng teknolohiya kung sa liham pa idadaan ang pakikipag-usap sa kaniya? Nagsayang pa siya ng oras para buksan ang sulat, ngunit dahil nga mahalaga ito, wala siyang magagawa kung hindi buksan na lamang.



To our dearest X, 

I know we'll see each other soon, but when we do, I hope you do me a favor. Please spare my life, for writing you this letter. 

I have already wasted your thirteen seconds, and I don't want to extend my not-so-precious time to waste your dearest milliseconds with my writing, so I'll make this real fast. 

I have carefully read your plan. Who am I to decline the X? It would be my honor to be part of the restoration of Dark Soul. Expect my presence. I will bring my very best to do my duty, whatever it would be, for our victory. 

Cheers to Korbin and Dark Soul. 


- N.D



Napangisi si Mr. X bago muli nagpatuloy sa paglalakad. He was right when he said that he knew each one of his people. Mula sa lakas at kahinaan ng mga ito. He could say if someone would be a traitor or a loyal puppet of his. Her notion never goes wrong when it comes to the people around him. Alam niya na kahit talikuran siya ng lahat, hinding-hindi siya basta matitinag. He has aces; The lowkiest people in the dark list, Hunter Avierlo, and Neithan Darwins. But will the two be able to defeat Hilton and Fallen? Will they be enough to bring death to one of the most powerful Empires around the world?


'Yan ang tanong na matagal na ring naglalaro sa isipan ni Mr. Baldwin. Matagal na niyang pinag-planuhan ang pagbagsak ng Hilton Empire kaya pinag-isipan niyang mabuti ang lahat. Alam niya sa sariling, hindi madali ang pagpapabagsak sa Hilton at iba pang grupo kaya kinakailangan niya ng plano para sa posibleng mangyari. He had a backup plan. He calls it, the greatest final move. Kung hindi magtatagumpay ang dalawang aces, then it's time for him to bring the biggest trump card.


Mula sa telepono na naka-display sa kaniyang study table sa silid, i-dinial niya ang numero ng kakilala. Ilang beses pa itong nag-ring bago tumugon ang nasa kabilang linya. 


"It's been a long time, Sir." He greeted with a smile, expressing his reverence kahit na hindi naman siya nakikita ng kausap. 


"What do you want after a decade of absence, Christopher?" Diretsang bungad ng kausap sa malamig na tono. Buo, malalim at mararamdaman ang propesyonalidad sa boses ng kausap. He didn't change a single crumb. Ang nasa isip ni Mr. Baldwin. 


"I am pleased you still remember me, Sir. That...I guess, your promise is still alive in your memory too."


Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago sumagot ang kausap. "Tell me the favor."


Napangisi si Mr. Baldwin, inasahang magagamit pa niya ang huling alas niya sa kaniyang kausap. He slid his left hand inside his pocket. "Remember what I told you years ago? I'm going to be the most powerful ruler that no King or Empire could ever surpass. It's time to restore the Dark Soul Organization and take back everything to its right places. For me to do that...I need your Empire's army." 


"That ultimate dream of yours... You haven't given up yet, huh, Christopher...Then I guess, you still remember your vow." 


Unti-unting napawi ang ngisi sa labi ni Mr. Baldwin nang maalala ang pangako rin na binitawan niya sa kausap, ilang taon na ang lumipas. 


"I am a man of my word, Sir, so please do bring your best armies." 


Saktong naputol ang usapan ng dalawa nang may kumatok sa pinto. "It's me, Sir." Paghingi ng pahintulot ng dalaga mula sa labas. 


"Come in." Ibinalik ni Mr. Baldwin ang telepono pabalik sa lalagyan nito tyaka nag-angat ng tingin sa dalagang kapapasok lamang sa bumukas na pinto. "I didn't ask your presence, Ms. David. What are you doing here?" 


Tumungo muna si Claire upang ipakita ang respeto bago sumagot. "I'm here to give you the list of the chosen guests invited for the restoration." Lumapit siya sa study table para iabot ang listahan kay Mr. Baldwin. "Kayo nalang po ang bahala kung sino sa mga bisita ang tatanggalin niyo at gustong idagdag."


Mabilis lamang na pinasadahan ng tingin ni Mr. Baldwin ang listahan bago ibinalik kay Claire. "Add your friends. They're coming." 


Napakunot si Claire. "Friends? The last time I checked, I had no one." 


Ilang segundong pinagmasdan ni Mr. Baldwin si Claire sa mga mata nito, tila binabasa ang nasa isip ng dalaga. It was the first time he cut his gaze off of to someone. Claire is just too hard to read. Sinalinan na lamang niya ng alak ang rock glass. 


How did this woman have the lust to kill Jackson Hilton? Anong sikreto ang mayro'n si Jackson na hindi ko alam tungkol sa babaeng 'to?  Ang mga tanong na naglalaro sa isipan niya simula nang makasalo niya sa hapunan si Ms. David. He was amazed by the determination of the woman. Nakikita niya sa mga mata ng dalaga ang kasabikang patayin si Jackson Hilton kahit na buhay nito ang nakataya. Her eyes are filled with anguish, pain, and loneliness. 'The eyes of vengeance', he whispered at the back of his mind. 



"Hunter Avierlo and Neithan Darwins. Don't forget to add them to the list."





Serpent Headquarter 

FRIZA GONZALES 


"Questions?" Tanong ni Commander pero wala ni isa ang nagtaas ng kamay. 


"Objections?" Tanong niya ulit, naghihintay ng isa sa amin na maglalakas ng loob na kontrahin ang lahat ng sinabi niya. Mahal pa naman namin ang mga buhay namin kaya wala ni isa sa amin ang nagpaka-p*tang inang pabida para kumontra kay Commander. 


"Well then, it's all settled." 


Nagtanguan sila ni Chief bago magkasunod na umalis ng meeting room. Napa-inat ako kaagad at humugot ng malalim na paghinga, gano'n din ang mga g*go kong kasama. Tumayo pa si Nickolas na pabida habang nakataas ang mga kamay niya. "Inuman naaaa!"


"Tss, moron." Nakahalukipkip na komento ng g*gong si Creid. 


"Amputs, bawal pa, may trabaho pa tayo. 'Di ka ba nakinig kanina?" Kontra naman ni Axcel. Bida-bida na naman kasi 'tong g*gong Nickolas na 'to porque sinama siya ni Chief sa sunod naming misyon. Nagtataka lang ako ba't wala 'yong g*gong inosente na si Rix? May sariling mundo ang p*ta.


"We need to prepare the weapons before dawn. Kami na nina Axcel at Nick ang bahala ro'n." Umpisa ni Fritz. Napatingin kami kay Zion nang tumayo siya mukhang seryoso ang g*go. "Pahangin lang." 


Sinundan pa namin ng tingin and g*go hanggang sa makalabas siya ng double door. Napatingin ako kay Althea at Gingerly, tinatanong kung among mayro'n, pero kibit-balikat lang and naisagot nila. 


Sumunod na tumayo si Creid para umalis, "Leave me the guests' list." Inaasahan ko ng sasabihin niya dahil sa CIT niya 'yon makukuha. Malamang nando'n si Dhale. Malanding g*go 'to. 


"Oh 'yong listahan ang atupagin ah, h'wag puro landi." Paalala ng g*gong si Nickolas nang may pang-aasar sa ngisi niya. 


"F*ck you. Palibhasa single ka." Pambabara ni Creid na ikinatawa namin nila Axcel. 


"Bobo mo mang-asar. Ano ka ngayon? Real talk ka, g*go." Pangtutusta ko kay Nickolas.


"G*guhan lang, Friz? Parang ikaw hindi single ah. Taken ka? Taken?" 


Mabilis kong naabot ang bottled water sa tabi ko tyaka ibinato sa g*go, "Pakyu ka." Tawang-tawa pa siya dahil nasalo niya ang bottled water. G*go talaga.


"Guys, we need to start our task now before we get scolded by Mr. Hilton." 


"Baka maabutan pa tayo rito ni Chief na wala pang nasisimulan." Segunda ni Gingerly. 


"I'll get the site's blueprint." Prisinta ni Cyan sabay tayo hawak ang phone niya. Sumunod si Al, "I'll go with you."


Napatingin ako kay Gingerly na napatingin kay Fritz. Parang may pinag-uusapan sila sa tingin na sila lang ang nakakaintindi. "Kakausapin ko si Tanya at Dhale para sa preparation. Hindi naman 'yon gano'n kabigat." Prisinta ng luyang may gusto kay Fritz.


Ano 'to? By partner? Mga p*tang ina, hindi ako nasabihan. 


"Kami ng bahala ni Bry sa mga pangit na target na a-attend ng event mga babies!" Napatingin kami sa kanina pang nanahimik na si Novaleigh. Malawak ang ngiti niya na parang excited ng sumabak sa bakbakan. Napakunot ako nang tingnan ko si Bryan na wala man lang ginawang pagtutol sa suhestiyon ng malandi. 


"Hoy, narinig mo ba 'yong sinabi ni Novaleigh?" Paniniguro ko dahil baka nakatulog siyang dilat ang mga mata niya. Pero hindi naman dahil tiningnan pa niya si Leigh, "Umayos ka, Dominguez. Ayoko sa malandi magtrabaho." Tumayo siya at nilisan kaming tulala. 


T*ng ina? Napatingin ako kay Leigh na malawak ang ngiting tumayo para sumunod kay Bryan. 


"Powta, hindi tayo na-inform ni Bry. Nahulog na nga yata ang g*go." Komento ni Nick, pailing-iling. Napailing nalang si Axcel. 


"Let's move." Napatingin kami kay Jinno na ngayon lang nagsalita magmula kaninang nandito pa sina Chief at Commander. Nakatingin siya sa phone niya. Kanina ko pa sa meeting 'to napapansin. Laging sa phone niya nakatingin. Tumayo siya habang hawak padin ang phone. Nakatingin pa siya rito at may bahid ng ngisi sa labi niya. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.


"Powtang ina." Napasabunot sa buhok niya si Nickolas. Itinuro pa niya ang pintong nilabasan ni Jinno. "H'wag ni'yong sabihin pati si Master, inlababo?" 


Napatingin ako kay Axcel na natawa. "Kala ko ba tsismoso ka? Ba't oudated ka?" Umiling siya. Nagsitayuan na kami, pero hindi parin maalis ang ilang mga bagay na nasa isip ko.


P*tang ina. Anong kalandian ang nagaganap sa Serpent Gang? 




Royal Room 

ELLISSE ZERINA 


I am currently reading and skimming some of the files about the past cases of the gang when I was gone. Those moments I was busy doing shits. Niri-review ang ilan sa mga 'to dahil part 'to ng trabaho ko, para naman may alam ako kahit papa'no sa mga nagdaanag operations ng gang. I am their Royal Knightress for d*mn's sake!


Ang gusto ni Renzo sa bahay nalang muna ako, pero nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa. Besides, hindi ko feel kapag sa bahay lang ako magmumukmok sa pagbabasa ng mga 'to. Gusto ko ring maramdaman ang environment ng HQ. Isa pa, hindi naman sobrang maselan ang pagbubuntis ko. 


Naka-indian sit ako habang nagbabasa. These are minor cases. I turned the sheet to the next page tyaka ko inabot ang grapes mula sa bowl na nasa mesa sa harap ko para sumubo. 


Narinig ko ang pag-bukas ng pinto. I didn't bother to look and check who it was dahil wala ng ibang papasok dito ng hindi kumakatok kung hindi ang may-ari sa kwartong 'to. Dumukot ako ulit ng ubas tyaka isinubo. Lahat naman ng misyon nila noong wala ako ay accomplished. Do they still need my lead? 


Renzo cleared his throat to get my attention. Nag-angat ako ng tingin para tingnan siya. "How's the meeting?" I asked tyaka dumukot ng grape fruit. Sinundan pa niya ng tingin ang pag-kuha ko pati ang pag-subo ko. 


He shrugged, walking towards me. "Just the usual one." Natural na sagot niya at naupo sa couch na inuupuan ko para tabihan ako. Gusto kong sumama kanina sa meeting pero nag-prisinta siyang siya nalang ang haharap sa gang at hindi nalang ako kumontra pa. What for? Para makipagtalo na naman sa kaniya sa simpleng bagay lang?  


Isinandal niya ang likod sa backrest tyaka niya ipinulupot ang isang braso sa baywang ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. He kissed the top of my head then a deeper one on my shoulder. "I love you, hon." He whispered huskily. The clingy side of him, yes. Tss. 


"Do you want to eat something other than that?" Tukoy niya sa bowl ng ubas na nasa mesa. Nakasandal ang chin niya sa balikat ko at hinayaan lang siya sa gano'ng posisyon. Itinuloy ko ang pagbabasa bago sumagot. "Mamaya nalang. Busog pa naman ako." 


Lumayo ako ng kaunti sa kanya para dumukot ng ubas. Isusubo ko palang 'yon nang marahan niya akong hinila ulit palapit sa kaniya. Tuluyan na niyang ipinulupot ang mga braso sa akin kaya hindi ko maisubo ang grape fruit. "Renzo, nagbabasa pa 'ko." 


Sa halip na pakawalan ako at hayaan sa ginagawa ko ay hinalikan ulit niya ang balikat ko. I tilted my head a little as he tried to get access on my neck. He planted a soft kiss there. "I just wanna go home and spend the rest of the day with you, hon...Uwi na tayo?" Para siyang batang uwing-uwi na dahil sobrang bored na siya sa school. 


"Do you really want us to go home? Or it's just me you want to stay there?" Nakataas ang kilay ko kahit na nasa likod ko siya. Mahina siyang natawa at muling hinalikan ang balikat ko. "H'wag kang pauso, Mikael Lorenzo. Sinabi ko ng kailangan ko ring mag-trabaho rito." 


"But you're pregnant, hon. You can't stress yourself with these f*cking files. Besides, they were all done. You don't have to read those." Mahinahong sagot niya na halos bulong lang 'yon sa tainga ko. As if he's trying to coax me para umuwi na. Tss. 


"H'wag kang OA, Lorenzo. Nagbabasa lang ako ng mga files. Hindi naman 'to binawal ni Doc. Tyaka pwede ba, nasa royal room tayo. 'Yang kamay mo." Tinampal ko ang braso niyang nakapulupot sa akin. Pero mas lalo pa niya akong niyakap. "The f*ck I care? This is my room. This is my territory. I'll do whatever I want to." 


Napabuntong hininga nalang ako. The Serpent Commander and his authority. 


"Do you find this amusing?" Inagaw niya ang hawak kong folder nang hindi binibitawan ang pagkakayakap sa akin. 


I sighed looking at the paper kung saan may green stamped ng 'ACCOMPLISHED'. "They can still do their job better without even a Knightress." Komento ko. Nakapanghihinayang na hindi ako nakasama sa mga kasong nilulutas nila noon. 


"What do you mean?" Lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Renzo. Ibinaba niya sa mesa ang folder tyaka hinawakan ang balikat ko paharap sa kaniya. "Those were just minor operations, hon. Stop thinking that the gang doesn't need you anymore." He easily read my mind. 


"Nasasayangan lang ako kasi ang tagal kong nawala sa gang. You know, I did shits..." Huminga ako ng malalim, nakatingin lang sa daliri ko. "It made me feel like I failed to do my job." 


"Look at me." He commanded pero hindi ko 'yon magawa. Matapos mabasa ang mga nakaraang operations nila, napagtanto ko lang na ang dami kong na-missed dahil sa ka-tangahang ginawa ko.


"Zerina, look at me." He ordered in a lightly authoritative tone. Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang mga mata niya. He cupped my cheek, looking at me directly in my eyes.


"You're not a failure. Not at all, hon. Be it a Royalty or a woman. You're the best person I've ever met in my whole existence. You never failed to impress me and everyone around you. How could you see yourself as a failure when all I can see is your crown representing you as a fearless Queen?" 


He's always sincere at nakakagaan sa puso ang bawat katagang binibitawan niya. Bagay na mas lalo kong minamahal sa kaniya. He knows how to lift me up. 


"Remember the time when you had your first mission?" He asked. 


"Paano ko 'yon makakalimutan? I hated you for giving me such task." I almost rolled my eyes nang maalala ko 'yong sa Frisco Di Yarte. It was a risky mission. 


"You started dealing with major cases while others started with some sort of child's play. You don't need to feel insecure or a failure over these minor papers. You started with me. I somewhat hated it, but yeah, I trained you...I marked you as Royalty, but it wasn't because of me or anyone else that made all of your mission successfully done. You did it, hon...with your own fearlessness and capability." 


How could this man be this good to cheer me up? Masyado na yata akong swerte sa kaniya? I smiled as I hanged my arms on his nape. "Thank you..." Lumapit ako sa kaniya para halikan siya sa labi. He held my waist to support me. Tumugon siya at mas pinalalim ang halik. Isinandal ko ang noo ko sa noo niya nang maghiwalay ang mga labi namin.


"Te amo. I love you so much, Ellisse Zerina." 


Umalis ako sa pagkakaupo sa couch at tumayo sa harap niya. Napataas ang kilay niya na parang nagtataka sa gagawin ko, pero napangisi rin na parang may nabuong ideya sa isip niya tungkol sa kung ano ang gusto kong gawin. This man. Ang berde rin mag-isip. 


And yes, I sat on his lap, facing him. Umangkla ako sa batok niya at siya naman ay naka-suporta sa baywang ko. 


"Mas mahal na yata kita, Commander."  Nakangiting sagot ko sa sinabi niya kanina na ikinatawa niya ng mahina. "You do?"


"I do, Mr. Hilton." Matapang na sagot ko pero hindi ko alam na bibigyan niya ng ibang meaning ang sinabi ko. 


"Sorry, I didn't bring the wedding ring with me." 


Bwiset na 'yan! Natawa siya sa reaksiyon ko. 


"Sure kang pakakasalan kita? Kung makatawa ka parang sure ka ng payag akong maging bride ah." Pang-aasar ko. Napataas ang kilay niya dala ang mapaglarong ngisi sa labi. Hindi talaga magpapatalo ang isang 'to. 


"I guess you haven't seen your mark yet." Nakangising saad niya. 


Napakunot ako. Napawi ang ngiti. "What mark?" 


He bit his lower lip and d*mn him for doing it sexily. "I put it on your left thigh..." Sandali siyang tumigil na parang inaalala pa ang pwesto nito. "No...I guess a little closer on your groin." 


Namilog ang mga mata ko at halos mahampas ko siya pero natawa lang siya. "What did you mark? Bakit hindi ko alam?!" Umalis ako sa kandungan niya. 


"Come here. I'll show you." 


What the...Kinuha ko ang throw pillow sa couch na nasa tabi ko tyaka 'yon inihagis sa kaniya pero nonsense lang dahil nasalo lang din niya. At ang bwiset talagang tawang-tawa pa.


"What? Don't look at me as if I did a crime, hon. I just marked what's mine." Natatawa pa niyang dagdag. 


"Ano ba kasi 'yong nilagay mo? At bakit pa do'n sa malapit sa...d*mn you, Mikael Lorenzo!" Binato ko siya ulit ng unan sa inis dahil nakangisi pa siya habang nakatingin sa ibabang parte ko. What the hell! This man! 


"Why?"


"Anong, why?! Bakit mo 'ko nilagyan ng tattoo ng hindi ako aware sa kung pa'no mo 'yon ginawa?" Hindi ako matahimik dahil malapit sa private area ko pa niya 'yon nilagay. I mean, what the hell! How did he do that? Masyado na bang mahimbing ang tulog ko no'ng panahong 'yon?


"Obviously, hon, you were completely naked...and yeah, I really enjoyed the...f*ck!" Hinampas ko siya ng librong nahablot ko sa mesa. Muntik ng tumama 'yon sa mukha niya kung hindi niya lang nasalo 'yon ng mabilis. 


"D*mn you, Hilton!" Natawa pa siya lalo. Naglakad ako palayo papasok sa royal garden na may sama ng loob at hiyang nararamdaman. Paano ba naman kasi, tinatuhan ako nang hindi ko alam tapos do'n pa sa parteng 'yon! 


Ibinaba ko ang zipper ng suot kong pants nang masigurong nakatakip sa akin ang malaking halamang damo sa katawan ko. I pulled down my pants. D*mn it! Hindi ko na ibinaba ang panty ko. Hinawi ko nalang ang gilid nito para i-check kung totoo ang sinasabi ng bwiset na lalaking 'yon. Medyo nahirapan ako dahil hindi ko mahanap. Nakakangawit yumuko. D*mn him, really!


"Need help?" 


"What the hell, Lorenzo!" Napatakip ako sa private part ko kahit suot ko naman ang panty ko. Renzo just smirked walking near me. Lumuhod siya kaharap ang ibaba ko. She held my hand that's covering my private area. Nag-angat siya ng tingin sa akin, "Don't hide it, Zerina. I had seen this multiple times." 


Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. Ba't ba napaka-bulgar ng lalaking 'to?  "Let me help you." 


Hinayaan ko nalang siya pero hindi parin maalis ang kaba sa dibdib ko. D*mn it! Ba't ba kinakabahan ako? Wala naman kaming gagawing masama o kung ano man. 


She held my hand and guided it where my mark was placed. "It's here." 


"What was it?" I asked. Tumayo siya. Itinaas ko ang pants ko para isuot ulit. 


"What the hell! Bakit naghuhubad ka?" Nagtatakang tanong ko nang simulan niyang i-unbutton sa harap ko ang long sleeve na suot niya. Hindi siya sumagot hanggang sa kalahati na ng katawan niya ang litaw sa paningin ko. Hinawi niya ang damit niya sa bandang kaliwa and there when I saw his tattoo. The Hilton mark. Inabot niya ang kamay ko para ipahawak ang marka niya sa upper left part ng chest niya. "It exactly looks like this."


Sinalubong ko ang tingin niya. "When?" I asked. 


"The first time we made love." Maagap na sagot niya na parang tandang-tanda ang eksaktong date kung kailan 'yon. 


Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung kailan nga 'yon. "Back in the island..." Ang tanging nasabi ko. Binitawan niya ang kamay kong nakapatong sa dibdib niya.


He started buttoning up his long sleeve. "You were deep asleep, so I did mark you...I used a high-tech pen to do the mark. It was painless. I didn't want to wake you up." Paliwanag niya. 


Bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy na siya matapos niyang iwang nakabukas ang dalawang butones niya. "In case you don't know, once you were marked by our clan's symbol, it only meant one thing..." Malalim ang tingin niya sa mga mata ko. "That you are already part of Hilton, now and f*cking eternity." 


"You...." 


Natawa siya ng mahina bago ko pa masabi ang dapat na sasabihin ko. D*mn! Why is he cutting me off? Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Don't worry, the mark's temporary. We have clan rules."


"Rules?" Nakakunot na tanong ko.


"One of the rules is to not mark anyone without the presence of all the Hiltons. There's a formal way to gain the official mark. But f*ck the rules, I could mark you whenever I want to."


"Kaya mo 'ko nilagyan ng temporary tattoo? At sa part pa na 'yon." Kontra ko na ikinatawa na naman niya. 


"I want to be reminded that I f*cking own you every time I kiss you down there." Mapaglarong sagot niya. Kanina pa 'to. "But we can move it..." Natipid ang paghinga ko nang lumapit siya sa akin sa bandang leeg ko. I felt him sniffing me there. "How about here, hon?" He whisphered. Ganyanan pala ang gusto niya. 


"I'll move mine and you'll move yours too." Bulong ko pero may halo 'tong pang-aakit. Marahan kong hinaplos ang hita niya malapit sa nagmamalaking pag-aari niya. "How about here, Commander?" Panggagaya ko sa kanya. Napangisi ako nang maramdaman ko ang bigat ng pag-hinga niya. 


"So we'll be even." I went on, caressing him down there, closer to his pet. Sinadya kong masagi 'yon. 


"F*ck!" Hinuli niya ang kamay ko at bahagyang lumayo sa akin para tingnan ako. His eyes are darker, and I can read those. It was already filled with pleasure. 


He was about to kiss me when I raised my brow and folded my arms across my chest. "Buntis ako baka nakakalimutan mo." 


"And?"


"And you had your promise. You can't f*ck me during my pregnancy." 


Napabuntong hininga siya sa bulgar na sinabi ko. I know, Renzo is a man of his word. A promise is a promise, depende nalang kung talagang trip niyang basagin ang pangakong 'yon. 


Nagtaas siya ng kamay senyales ng pag-suko, "No making love." 


See?  Napangisi ako.


"Why are you so f*cking good at pleasing me, Zerina? You know, I can't easily f*cking break the promise." Bulong niya at mukhang stress na nag-walk out. Natawa nalang ako tyaka siya sinundan palabas ng royal garden.


"So, when will I gain the official mark of Hilton?" Tanong ko pagbalik namin sa kwarto. Na-curios ako bigla kung may ritual pa bang kailangang gawin. Am I too excited to have it?  D*mn! 


"If you want to be a Hilton's bride. You will be marked after the wedding." Seryosong sagot niya habang nakasandal sa study table niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil kanina lang ay pangisi-ngisi siya at tatawa-tawa. 


"What's funny?" Humalukipkip siya. 


Humalukipkip din ako, "Why are you suddenly so serious?" Panggagaya ko.


"Don't imitate me, Ms. Lorico." Natawa pa ako lalo. Hindi ko alam kung nagsusungit siya dahil hindi niya kayang basagin 'yong pangako niya pero mukhang gano'n na nga. 


Lumapit ako sa kaniya. I pinched his cheek. "Tss." Pagsusungit niya pero hinayaan lang naman niya ako sa ginagawa ko. I'm being childish here, yes dahil ang cute ng magiging asawa ko. 


"I want to imitate your tattoo, Commander." Saad ko. Ilang segundo siyang nakatingin sa mga mata ko, tinatanya kung seryoso ako. He smirked kaya mabilis kong dinagdagan, "'Yong tattoo mo sa likod." 


"What the f*ck?" Natawa ako sa reaksiyon niya. Yumakap ako sa baywang niya. "But I love the other one on the chest part. Parang mas babagay sa akin 'yon." 


Tumaas ang kilay niya, naniniguro sa sinabi ko. Natawa ako ng mahina. "But I want to have it place on my neck or maybe on my earlobe. I want to be reminded that I am part of you. Always." Nakipagtitigan ako sa kaniya, but this time hindi na ako nagbiro pa. 


"You will always be part of me, wife." He was about to kiss me...


"T*ng ina, Hilton!!" 


Napabitaw ako kay Renzo nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. What the hell! 


"Kuya! Anong ginagawa mo rito?" Dahil sa tanong ko ay tiningnan niya ako ng masama. I was surprised by his sudden presence kaya hindi ko na naisip ang dapat na itanong. I missed him. Pero mukhang wala siya sa mood dahil ano mang oras ay bubunot siya ng baril para barilin si Renzo.


"F*ck you, asshole!" Dahil sa gulat ay napasinghap nalang ako dahil sa bilis ni kuyang sinungaban si Renzo ng suntok. The latter didn't fight back. 


"Ano ba, Kuya!" 


Parang nawala ang presensiya ko sa kwarto. Nagsusukatan sila ng tingin pero mukhang kalmado si Renzo, parang inasahan na niyang may mangyayaring ganito. Pinunas niya ang dugo sa gilid ng labi niya gamit ang likod ng palad niya. 


"What a pleasantry filled with reverence, Elijah Mint. Was that how you greet your Commander?"


"Isa kang malaking g*go, Lorenzo."


Dahil sa gulat natulala nalang ako sa kinatatayuan ko. The next thing that happened, nakasalampak na sa sahig si Renzo. 


What the f*ck is happening? 








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top