Chapter 56
ELLISSE ZERINA
"You okay, hon?"
Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa tanong ni Renzo. He's driving and we're currently on our way to his older sister's villa for a dinner. "Sigurado ka bang ayos lang talaga 'tong suot ko?" Tiningnan ko ulit ang suot kong simpleng white dress na medyo fit sa katawan ko. Hindi ako makapag-decide kanina ng susuotin kaya si Renzo na ang pinapili ko, so I ended up wearing this.
"Kahit anong suotin mo maganda ka." Tiningnan ko si Renzo. He took a glimpse at me and then back to the road. "But you better know what I prefer much..." Sinulyapan niya ulit ako nang may mapaglarong ngisi, "...No style could beat your naked body, hon."
WTH! "Bwiset ka talaga!"
"What the...What was that for? I'm just telling the truth." Depensa niya nang hampasin ko ang braso niya ng purse na dala ko.
"H'wag mo 'kong sinusubukan, Lorenzo. Akala mo ba hindi ko kayang mag-hubad kahit nasa daan tayo?"
Matunog ang naging tawa niya sa sinabi ko. "Would you do that? Well, I don't mind turning the car over."
Napataas ako ng kilay at napahalukipkip, "Fine. Stop the car."
Nakangisi niya akong tiningnan para taasan ng kilay, "What a naughty woman...Hey, baby, did you hear mommy? She wants us to make your sibling already."
Inirapan ko siya tyaka hinaplos ang tyan ko, "Dinamay mo pa 'tong anak mo, Lorenzo. Mag-drive ka na nga lang."
Natawa na naman siya at aaminin ko, ang ganda pakinggan ng boses ni Renzo sa tuwing tumatawa siya. Napangiti tuloy ako't napayuko para pagmasdan ang tiyan ko. You will surely love your father, anak.
"Hey, baby." Napaangat ang tingin ko para tingnan si Renzo. Sinulyapan niya ng mabilisan ang tiyan ko bago ulit tumingin sa daan. "Would you tell mommy that everything's gonna be fine? That your grand dad would love to know your existence and that he would surely like your mom..." Sinulyapan ako ni Renzo. Inabot niya ang kamay ko para hawakan 'to. He gently squeezes it, tyaka 'to inilapit sa labi niya para halikan, as if he's telling me that there's nothing to worry about.
Huminga ako ng malalim. I smiled at him. How could you easily calm me down, Renzo? Ano nalang ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko?
...
Hindi ko maiwasang mamangha sa lawak ng villa ni Maxine matapos akong pagbuksan ng pinto ng kotse ni Renzo. Sobrang ganda ng paligid ng buong villa ngayong gabi. There are different topiaries around the wide garden na nalalatagan ng berdeng damo. Ang ganda ng ibinibigay na liwanag ng mga maliliit na bombilya sa paligid. At ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang malaking fountain na sasalubong sa 'yo sa harap ng mansyon. May led light ang buong fountain na siyang nagbibigay ng iba't ibang kulay sa tubig na lumalabas mula rito. What a fabulous place she has!
"Do you like it?"
"Hilton nga talaga si Maxine." I admit, napabilib niya ako sa lawak at ganda ng property niya.
"Yeah, she is." Renzo wrapped his right arm behind, around my waist as he pulled me closer to his side, "Let's go greet my sister."
Awtomatikong bumukas ang malapad at mataas na double door at bumungad sa amin ang malawak na hall. Sakto lang ang dating ni Maxine dahil natanaw namin siyang pababa sa mataas na hagdanan na talagang nalalatagan pa ng red carpet.
She's wearing a long, black fitted turtle neck dress with a cutout on her right collar, and a long slit on its left, revealing her flawless leg. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na ngayon ay medyo paalon. She still looks fearless with her nude makeup.
"Feel free to praise me for how stunning I look today, Ms. Royal Knightress." Bahagya akong natauhan nang magsalita siya. Hindi ko kaagad namalayang nakalapit na siya sa amin.
Lumapit siya kay Renzo para i-beso 'to. "You look good in your suit, but better with a gun. I imagine watching you killing a bunch of idiots."
"And I imagine you grieving with those idiots." Sagot ni Renzo na nagpangisi sa kapatid niya, "None taken, Commander."
Alright. I know they're siblings but I had no idea they're already comfortable with each other. Hindi maikakaila na magiging maganda at maangas kapag sila ang nagsama sa isang misyon. Two Hilton in one frame huh?
Nabaling sa akin ang tingin ni Maxine. "You look...how would I say this?" Humalukipkip pa siya, hinawakan ang chin niya at pinanliitan ako ng mata. She scanned me from head to toe. "Right. A living goddess. The witch one of course."
"And so do you." Maagap na sagot ko na nagpangisi sa kaniya.
"Where's dad and tita?" Tanong bigla ni Renzo kaya napatingin ako sa paligid.
"Let's wait for them on the rooftop." Nauna ng naglakad paalis si Maxine kaya sinundan namin siya. Sa lawak ng mansiyon, talagang sa rooftop pa nila mas prefer mag-dinner.
"So how's the current status of Serpent, Mr. and Ms. Royalty?" Maxine started the talk with a question when we reached the rooftop. May naka-setup na ngang mesa rito. Talagang pinaghandaan niya. Inalalayan ako ni Renzo makaupo bago siya naupo sa tabi ko.
"You're asking as if you don't have any idea. Tss." Sagot ni Renzo. Tama naman kasi. Magtatanong pa 'tong si Maxine, sigurado namang alam niya ang ganap sa mga organisasyon sa mundo ng mafia. Besides, she's the Queen of Fallen Empire and she's been eyeing every powerful society out there.
"But, really...I enjoyed playing with the both of you." Nakangising saad niya habang sinasalinan ng wine and dalawang kopita. Inabot niya kay Renzo ang isa pagkatapos ay sinalinan niya ng orange juice ang isang baso bago ito iniabot sa akin. Hinila niya ang upuan kaharap namin para maupo. "I hope you enjoyed too."
"Not really." Mapaklang saad ni Renzo.
"Well, I only sent threats to Ellisse, Mikael. H'wag mong sabihing nagtatampo ka sa akin dahil do'n? Besides I didn't have plan to kill her to begin with. Just a pure game, brother."
Napainom nalang ako sa juice ko't hinayaan silang mag-usap.
"Your game had no thrill. Couldn't you make something more worth playing than sending threats next time?" Renzo mocked. Alright. It's Hilton vs. Hilton.
"If I should've listened to my evil voice then you must still be grieving with your Knightress until now...and you must still be hunting me down." Sumimsim si Max sa kaniyang wine.
"'Yon ay kung papayag akong sumuko kay kamatayan. Siguro nga hanggang ngayon nagdadalamhati parin si Renzo." Pagbaba niya ng kopitang hawak ay napangisi siya dahil sa sinabi ko. "If I were you, I should've listened to my evil voice and do something out of it to know what my opponent is capable of..." I went on. Kinuha ko ang baso ng orange juice tyaka 'to pinagmasdan, "Pushing your opponent off of her limits is the only way to know how far she could survive. Tama si Renzo, dapat mas binigyan mo pa ng thrill ang laro mo."
Ramdam ko ang marahang pag-haplos ni Renzo sa hita ko kaya napatingin ako sa kaniya. Halata ang ngisi sa labi niya kahit na hindi siya nakatingin sa akin dahil hawak ng isang kamay niya ang kopita habang sumisimsim dito. I know at that point, proud na proud siya sa sinabi ko.
"We should play another game next time, then." Nakangising saad ni Maxine. She's looking at his brother with a playful smirk on her lips. "Two heads to one. What do you think, Commander?"
Tiningnan ko si Renzo para makita ang reaksiyon niya. Seryoso lang siya pero patuloy parin ang haplos ng mainit na palad niya sa hita ko kahit na natatakpan 'to ng dress. D*mn this man!
"How about two heads over two?" May panghahamon sa tono ng boses niya na sinabayan ng marahang pag-pisil sa hita ko. What the!
"What do you mean? Are you belittling me?" Natatawang tanong ni Maxine. Hindi ko alam kung ano ang intensyon ni Renzo sa sinabi niya, pero sigurado akong may mapaglarong ideya na naman ang nasa isip niya.
"Not really. I know what the Queen of Fallen is capable of. I'm just curious about what makes this certain Queen powerful and fearless."
What makes his sister strong and fearless? I think the answer is obvious. Naging makapangyarihan at matatag si Maxine dahil kay Renzo. All she did ever since she was young was for the Hilton Empire and to protect his brother. May gusto pa bang patunayan si Renzo maliban do'n?
"Alright then...Two heads over two." Pinal na sagot ni Maxine tyaka nilagok ang natitirang wine sa kopita niya. Bakit parang bigla siyang nagdalawang-isip?
"Oh, you three are already here!" Napalingon kami nang marinig namin ang masiglang boses ng isang ginang. Napako ang tingin ko sa kasama niya.
"Pardon us for the delay. May dinaanan pa kasi kami ng Dad ni'yo."
He looks professional. Halatang mayaman. No. Unang tingin palang ay malalaman mo ng bilyonaryo siya at may mataas na katungkulan. Walang gusot at halatang mamahalin ang suot niyang dark borwn na two piece suit. Pati ang tindig niya ay napaka-elite tingnan. Halatang nakuha ni Renzo ang pagka-seryoso ng Daddy niya. His father's eyebrow and stance. Hindi maikakailang mag-ama ang dalawa.
"Ija?" I was taken back to reality when I felt a gentle tap on my shoulder. "Ayos ka lang ba?" Mahinahon ang boses niya. Tulad ni Mr. Hilton, hindi rin maikakaila na galing sa mayamang angkan ang ikalawang asawa nito. Mrs. Amelia Daine Hilton is Renzo and Maxine's step-mom. Nasabi sa akin ni Renzo na may dugong banyaga 'to. Hindi sila madalas magkasama ni Mr. Hilton pero siya 'yong tipo ng step-mom at asawa na supportive at maalaga. And I admit, halatang mabait siya. Hindi nalalayo ang itsura niya sa mga Hilton. She looks young and gorgeous with her crown braided hair and red backless fitted dress na sakto lang ang haba hanggang tuhod.
"Shall we start?" Nakuha ni Mr. Hilton ang buong atensyon namin nang maglakad siya sa kabilang side ng mesa. He sat across Renzo while Mrs. Amelia took the seat beside her husband and on her right is Maxine. Bakit pakiramdam ko hindi lang simpleng dinner ang mangyayari kung hindi isang seryoso at confidential na meeting?
D*mn it! Kanina okay pa ako pero hindi na ngayon. Their presence is too much, especially the head of Hilton.
Napatingin ako kay Renzo nang maramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa hita ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero mukha namang kalmadong-kalmado siya kahit nasa harap namin ang dad niya. WTH! Parang naiihi ako na hindi ko mawari.
"Alright! Let's start the feast, everyone!" Masigla si Mrs. Amelia.
Siguro kung wala siya baka mananatiling tahimik ang hapagkainan. We started to eat the dinner that was served by maids which was surely prepared by professional cook. Hindi kasi pangkaraniwan ang mga inihain.
Halos si Tita lang ang dumadaldal. Madami siyang nai-kwento tungkol sa paga-out of country niya, even those times she was with Mr. Hilton. Wala naman siyang nasasabi tungkol sa dalawa, siguro dahil hindi naman niya sila gaanong nakakasama?
"You know what, ija, the moment I saw you earlier, I already knew why Mikael fell in love with you."
"Po?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Tita. Napatingin ako kay Maxine dahil bigla siyang matunog na napangisi. "How about you, Dad? What's your first impression with your daughter-in-law?" Bigla akong kinabahan dahil sa naging tanong ni Maxine sa daddy nila. I looked at Mr. Hilton. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya honestly, at mas na-doble pa ang kaba ko nang tingnan niya ako sa mga mata.
"Is my response even necessary?" He asked. Parang nasasanay na rin ako sa lamig ng presensiya niya. Kinuha niya ang kopita ng wine na sinalinan ni Mrs. Amelia tyka sumimsim rito.
"You didn't object to my choice of word 'daughter-in-law'. Is that an official approval then?" Asked Maxine. Kahit ako ay nag-aabang ng sagot. Mula sa akin ay nalipat ang tingin ni Mr. Hilton kay Renzo kaya naman napatingin ako sa katabi ko.
"I have to tell you something, Dad." Kabog ng dibdib ang naging reaksiyon ko sa biglang sinabi ni Renzo. Kanina lang tahimik siya at ngayon lang ulit nagsalita. Diretso ang tingin niya sa Dad niya. I then felt his hand held mine and gently squeezed it. "We have an announcement."
Ito na ba talaga 'yon? Paano kung tumutol ang Dad niya? WTH! Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng mga negatibo dahil tandang-tanda ko pa ang mga ka-tangahang ginawa ko noong pinagbintangan ko si Mr. Hilton na siya ang pumatay kay Papa. He had a reason to hate mo or to disapprove me.
"When's your plan to hold the wedding?" Parang nabingi ako sa narinig mula kay Mr. Hilton. What the hell did he just ask?
"As soon as possible, Dad." Napatingin ako kay Renzo. Inaasahan na ba niya ang magiging reaksiyon ng Daddy niya kaya kalmado lang siya magmula kanina?
"As soon as possible huh?" I looked at Maxine who's playfully smirking again. Ibinaba niya ang kopita ng wine, "Alright then, leave the preparation to me. Would you love to help me out, Tita Amelia?"
"Of course, dear! Count me in. We must make it grandiose!" Pumalakpak pa si Mrs. Amelia.
"Thanks." That was Renzo.
"Anything for my devil brother." His sister replied. Teka nga, bakit parang planado na nila ang kasal at parang napakadali sa kanilang pag-usapan ang gano'ng klaseng event? I mean...yes they're Hilton pero ang tanong dito ay...paano? Tanggap ba ako sa clan nila at kasal na agad ang usapan?
"How about Elijah Mint? Did you get his approval?" Tanong ni Mr. Hilton.
"Kind of? Well, Tita Zerafina will do me a favor once his son wouldn't agree." Sagot ni Renzo na nagpakunot sa akin. Ibig sabihin, aware rin sila mama sa magaganap na kasal? WTH! Bakit wala akong alam?
"You didn't tell your bride about the wedding, son. She looks clueless."
Nagkatagpo ang mga tingin namin ni Renzo. "I didn't want to stress her out. Besides, it's not good for our baby."
"WHAT? S-she's pregnant?" Mrs. Amelia had a surprised look. Nanatiling tahimik si Maxine dahil alam naman na niya ang tungkol dito at si Mr. Hilton? Hindi ko alam kung nagulat ba siya o alam niya. Napayuko nalang tuloy ako.
"I...I know it's too sudden..." Finally, I got the courage to speak. Tinapangan ko ang loob kong i-angat ang tingin ko para salubungin ang tingin ni Mr. Hilton. "I wanted to apologize...I know how stupid I was to blame you...I almost...killed you. I'm really sorry, Mr. Hilton." I bowed my head as I touched my belly. Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Renzo sa kamay ko.
"Save your apology, young lady." Napaangat ang tingin ko. Hindi ba niya tatanggapin 'yong sorry?
"We're now even." Napakunot ako sa sunod na sinabi niya.
"What do you mean, Dad?" Renzo asked. Mukhang hindi rin nakuha ang punto ng ama niya.
"Back when I was still Baldwin's shadow as the fake Mr. X, I commanded Hosephio Yoro to take you to Serpent Castle."
Natigilan ako sa biglaang pag-amin niya. "You were the one behind her abduction?" That was Renzo. Halatang walang ideya sa ginawa ng Dad niya.
"He was playing his own game too, Mikael. Akala mo ba ako lang ang nakikipag-laro?" Komento ni Maxine smirking playfully again. WTH!
"Were you expecting that I would make her a Royalty?" Tanong ni Renzo.
"I know how Hilton's mind works, son...I used your bride for my plan." Plan? "I want you to become powerful...Not just a leader by title but a man with strong principles who knows how to keep his things under his protection."
"You know her even before?"
"I had my ways."
"I don't get anything. You put Zerina's life at risk for hell's sake, dad. She was almost killed." Halata ang inis sa boses ni Renzo kaya naman hinawakan ko ang kamay niya para sabihing kumalma siya. We need to hear his father's side first.
"Yes, but I knew you would do anything to protect her. Remember what I told you back when I failed to protect your mother?... You may build the strongest empire alone but with the presence of people around you—that you treasure the most, you would be unstoppable. You would do anything to keep your power for life till death to protect them because there's nothing more necessary for you than having those people in your life...That's the strongest asset you could have, son, to be powerful."
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. I didn't have any idea that Mr. Hilton would say such a thing to his son. He used me to make his son powerful because he believes that having people you want to protect so badly makes a man unstoppably capable of victory.
"I want you to keep the people you love around you because I know, just like me, you would do anything to protect them. And that would make you the strongest, wealthiest, and most powerful man."
"Seriously? You should've told me, Dad."
Hindi ko alam pero namuo nalang bigla ang luha sa mga mata ko.
"I sincerely apologize for what I did, Mr. Hilton...I...really mean it." Nakayuko lang ako. How could I blame this man? Ngayon ko lang napagtanto ang dahilan kung bakit naging malapit ang loob ni Mama at Papa sa kanila.
"I told you, we're now even...I knew you would do anything to put my soul in my own grave but honestly, I didn't expect your way to get it done. No one would attempt a reckless act against me, not even a single mafia tycoon out there, but you...the Royal Knightress had some guts to blow the Hilton King's head off and didn't even care to start a mafia war...Well done, young lady."
Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng papuri dahil sa ginawa ko sa halip sana na masakit na mga salita dahil sa ginawa kong pambibintang sa kaniya. Mukhang masungit at walang pakealam sa iba si Mr. Hilton pero ang totoo, sobrang buti pala ng kalooban niya.
"Now, that's a new you, Dad. Masyado ka ng obvious na pabor ka sa bride ng kapatid ko." Said Maxine sabay subo ng grape fruit.
"From now on, Tita na ang itawag mo sa akin, okay?" Nakangiti si Tita Amelia. "And you should eat some more of these, dear!" Nilagyan pa niya ng vegetable salad at prutas 'yong plato ko. "You're carrying another Hilton in your womb. You need to be extra careful and healthy."
Napapailing pa si Maxine dahil kay Tita Amelia. I looked at Renzo at kahit siya ay nakangiti. Napangiti nalang din ako. Hindi ito ang dinner na inaasahan ko kasama ang pamilya niya. I thought it was going to be serious and cold.
Habang nagpatuloy ang kwentuhan na pinangunahan ulit ni Tita Amelia, minsan ding sumasali sa usapan si Renzo at Maxine, not until Mr. Hilton joined too. Halos ilang segundo kaming natahimik sa sinabi niya. Pakiramdam ko nga nakalimutan ko ng huminga.
"You're going to be a Hilton soon, young lady, how about calling me Dad?" Kinuha niya ang kopita ng wine para sumimsim rito.
Ramdam ko na nakatingin silang lahat sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. I got speechless, d*mn!
"And you should take extra good care of my grandson."
Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. I smiled at ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. "I will...Dad."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top