Chapter 55


ELLISSE ZERINA 


When we found out that I was pregnant, Renzo's always there to take care of me. 'Yon ngang business meeting na sinabi niya sa aking kailangan niyang puntahan sa Germany ay si Maxine na raw ang bahala. I told him to just go since kaya ko naman ang sarili ko, isa pa hindi naman siya magtatagal do'n. And I know how important it is for their clan, pero ayaw talaga niyang umalis. As if mamatay ako agad kapag umalis siya. Tss. That Hilton. 


At talagang hindi niya ako pinayagang umalis ng mansion para samahan siyang magtrabaho sa HQ. Lumalabas naman ako, pero dapat alam niya at may kasama ako. Mas madaming pagkakataon lang talagang hindi niya ako pinapayagan. Ilang beses akong nagpumilit at pinagdabugan pa siya para lang iparamdam sa kaniyang taliwas ako sa gusto niya na maging tambay lang ako rito sa pamamahay niya, but in the end, as always, siya parin ang panalo. 


May mga pagkakataong nakakaramdam ako ng pagsakit ng ulo, at oras na pumatak na ang alas-singko ng hapon, do'n na ako dinadalaw ng matinding antok. Paiba-iba rin ang mood ko, pero hindi nag-iiba ang panlasa ko sa matcha, parang naging comfort food ko na 'to sa halip sana na avocado. Everything's part of my pregnancy. But still, kaya ko namang magtrabaho at tumulong sa HQ. I can still do the Knightress' duties. Kahit nga ang makipag-barilan sa mga kalaban alam kong kaya ko, pero nag-iingat parin naman ako. Sa kalagayan ko ngayon, hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil dalawang buhay na ang prinoprotektahan ko. 


Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit dito sa malawak na living room ng mansion. I sighed. Ang tagal na nga ng oras, ang boring pa. 


"I'm here! Na-miss ni'yo ba ang magandang dilag na si Novaleigh?!" I rolled my eyes as I heard her irritating loudness. Rinig na rinig ko ang tunog ng plastic na hawak niya. 


"Ba't ang bilis mo?" That was Friza who came from the kitchen. 


"Syempre maganda ako. Until now ba naman, baby Friz, hindi ka parin aware kung gaano ka-effective ang kamandag ko kahit sa'n ako magpunta? Sa palengke man 'yan o sa mall, sa ganda ng isang Novaleigh Dominguez, of course, baby, talagang luluhuran ka, choosy lang talaga ang Bryan na 'yon! Malapit ko na talagang kaldagan 'yon." 


"T*ng ina mo." Inagaw ni Friza ang mga plastics na hawak ni Novaleigh.


Napabuntong hininga nalang ako. Well, Renzo gave these two a mission. To guard me while his busy doing his work in HQ. Si Friza ang madalas na nasa kusina habang si Novaleigh ang madalas taga-grocery kapag nauubusan ng karga ang ref. Maasahan naman sila, pero WTH! This is not the setup I want and I need right now! I want to work. I need some work!


"Nakabusangot ka na naman, Royal Knightress. Hindi raw 'yan nakagaganda sa baby." Umupo siya sa harap ko tyaka ipinatong sa lamesita ang paper bag. "I bought something!" Masayang sabi niya tyaka sunod-sunod na inilabas ang iba't ibang pagkain na matcha flavor. Parang automatic na naa-activate ang cravings ko sa pagkakataong 'to. I took one plastic of matcha bar. Binuksan ko 'to tyaka kumagat bago ulit hinarap ang laptop ko kung saan naka-flash sa screen ang emails ko.


"Pinuntahan mo na ba 'yong lugar na sinasabi ko?" Tanong ko kay Novaleigh na nakikikain na rin ng matcha. I just let her.


"Oh, yes! I forgot to report, Royal Knightress!" Isinubo niya muna ang matcha mallow, mabilisang nginuya 'yon bago nagsalita, "I checked the place, pero hanggang do'n lang talaga ako sa labas. Sobrang higpit ng security at talagang piling-pili lang ang mga nakapapasok. If I'm not mistaken, ang mga may card pass lang ang nakakapasok sa property na 'yon."


I opened the document tab where I compiled all the information I got four days ago. Hindi ako kasing-galing ni Rix pagdating sa pangangalap ng impormasyon, pero kahit papaano ay gumagawa ako ng paraan para makakuha ng detalye tungkol sa unknown. Kahit papa'no ay may nakuha naman akong ilang mga useful info tungkol sa grupong 'yon. Three of their hidden properties. Mga pag-aaring nagiging source of income ng grupo nila. 


Gusto ko sanang i-confirm kay Kuya ang mga nalaman ko. I've been calling him, pero hindi naman niya sinasagot. Nag-text na rin ako sa kaniya at humingi ng tawad sa pag-alis ko sa probinsiya, but he didn't reply back. Sinubukan ko ring sabihin kay Renzo ang tungkol dito, pero sa tuwing babanggitin ko ang unknown inuunahan na niya akong h'wag kong masyadong isipin 'yon at magpaka-stress dahil makakasama 'yon sa baby at sa akin. D*mn! He had a point so I had always nothing to do with it. Buti na nga lang nandito sina Friza dahil sila ang sumasama sa akin kapag kinakailangan kong umalis. 


"Gusto mo bang pasukin natin 'yong property na 'yon, Royal Knightress?" Tanong niya. 


"Anong ka-gaguhan na naman 'yang naisip ng malandi mong utak? Ilalagay mo pa sa panganib ang buhay ni Ell. Ang bilin sa atin, bantayan ang Royal Knightress, hindi konsintihin gumawa ng ka-gaguhan." Sita ni Friza nang makalapit siya para ipatong sa lamesita ang bowl ng fresh na fresh na mga prutas. Napatingin ako sa kanya. "Kain ka muna, Ell." 


I sighed. Friza had a point. Mahigpit ang bilin sa kanila ni Renzo and I'm hundred percent sure na kung may kakampi man sa akin sa dalawang 'to, it would be Novaleigh.


Ibinaba ko muna ang laptop sa tabi ko para simulang kainin ang prutas sa bowl. "But Leigh has a point. Besides, 'yon din ang plano ko in the first place. Pasukin at sirain ang property na 'yon." 


"Teka, Ellisse. Ibang usapan----"


"But first, we need the blueprint of that property." Putol ko sa sasabihin ni Friza. I know she's just worried, pero tulad nga ng sinabi ko, walang mangyayari kung hindi ako mismo ang kikilos. Isa pa, hindi naman ako gagawa ng bagay na alam kong ikapapahamak ko at masyadong delikado para sa anak ko.


Napatingin ako kay Friza nang bumuntong-hininga siya sabay dampot sa matcha sticks. "Sinabihan ko na si Creid tungkol sa tatlong properties ng unknown. Siya na raw ang bahala kaya kumalma ka muna, Ell. Mahirap ang basta-bastang sumasabak lalo na ngayong buntis ka." 


I was about to say something when my laptop made a noise. Ibinaba ko ang bowl para i-check ang email na kare-recieve ko lang. Pangalan palang ng sender ang nakita ko, napangisi na ako. Here we go, b*tches. I opened the message and read it silently. 


"Royal Knightress, anong ngiti 'yan? Kinikilabutan ako! Parang may balak kang madilim." Komento ni Novaleigh. I closed the laptop, carrying a triumphant smile. It was Max and her email is about the progress of my proposal to her.


"Unknown's case is currently on standby." I stood up. 


"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Friza nang iwan ko sila. 


"HQ. I need to see your Boss." 




Serpent's Headquarter


Diretso lang ang lakad ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa royal room. Oh! How I miss this d*mn place! Halos lahat ng nakakasalubong ko ay tumitigil para tumungo bilang pagpapakita nila ng paggalang. Nginingitian ko naman sila pabalik. 


Sinadya kong dumaan sa CIT, pero hindi na ako pumasok. It's enough for me to see the team from the clear glass wall as they're busy working on their screens. Napangiti ako bago sila iniwan para tahakin ang daan papunta sa destinasyon ko. 


I didn't knock as I reached the door. Pinagmasdan ko lang 'to habang nakatayo ako. Parang kailan lang talaga noong ayaw na ayaw kong pasukin ang pintong 'to. For me, back then, this was hell and there's a living devil inside. Pero ngayon, ngiti na ang dala ko. I could trespass whenever I want to, but this time, I am the Knightress so I knocked three times. 


Ilang segundo ang lumipas, pero walang lumalabas o boses na sumasagot. Medyo nainip na rin ako kaya napagdesisyunan kong pihitin nalang ang doorknob. I was about to hold the knob when someone opened it from the inside at isang tao ang gumulat sa akin. 


"E-ellisse" After how many d*mn years, tinawag niya ulit ang pangalan ko. Nagkaharap kami ng malapitan at talagang kung kinaganda lang naman ng timing ng usapan, dito ko pa talaga siya maabutan. Sa private room ni Lorenzo. 


"What the hell are you doing here, Katriela?" Tanong ko sa kalmadong paraan, pero alam kong aware na aware siyang hindi ko gusto ang presensiya niya. 


"Hon" Napatingin ako sa likod ng babaeng nasa harapan ko bago ko ulit siya tiningnan. "Zerina, it's not what you think. She----"


Tiningnan ko si Renzo tyaka siya pinagtaasan ng kilay, "Bakit? May sinabi na ba ako para simulan mong mag-explain?" Tiningnan ko si Katriela, "Besides, paalis na 'tong bisita mo. Pwede naman na siguro akong pumasok." Nilampasan ko sila at tuloy-tuloy na pumasok sa loob, pero tumigil ako nang magsalita ulit si Katriela. 


"Ellisse" I didn't bother to turn around just to face her. Tinatamad ako, bakit ba?  Bisita ko ba siya? Hindi naman 'di ba? Bisita siya ng Serpent Commander. "It's nice to see you again...I mean it, Ell." 


Tinawag pa talaga akong Ell. Tss. Hindi na ako sumagot at naglakad na ng tuluyan papunta sa mini living room ng kwarto para maupo sa couch. Tanging ang pag-sara nalang ng pinto at ang palapit na mga yabag ang narinig ko. 


"Don't be-----"


"I'm here to see you, Lorenzo." I preceded him. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya. "Hindi ba ako allowed pumunta rito kung kailan ko gusto?" 


Naglakad siya palapit sa akin at naupo sa lamesitang kaharap ko. He held my hand. "Of course, you are, Zerina, but you should've told me first before coming here. I mean, going out isn't safe for you and our baby. I could just fetch----" 


Mabilis ko siyang hinalikan sa labi tyaka sinalubong ang mga tingin niya. I smiled. "I'm back to work now, Commander." Bago pa siya maka-angal ay inilapat ko na ang hintuturo ko sa labi niya. "That's a royal order from your Serpent Royal Knightress." 


Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para ilayo ang daliri ko sa labi niya. "I'm still the Boss, Zerina." Nakataas ang kilay na sagot niya na parang niyayabangan pa ako. 


I smirked, "And so? I'm your Queen, Mr. Hilton." Confident na kontra ko. 


"Tss" Pag-suko niya tyaka tumayo para puntahan ang hidden storage niya na naglalaman ng mga armas. Is he going somewhere? Bago pa ako makapagtanong ay naunahan na niya ako.


"Rix's coming with me to take down a group." 


Napakunot ako. A certain group then popped into my mind. "Is it the unknown?" Sabik na tanong ko, nagbabakasaling sila nga ang pupuntahan nila Renzo. 


"No." Humarap siya hawak ang isang baril na ikinasa niya, "And you're not coming." Naglakad siya papunta sa couch katapat ng inuupuan ko. He started disassembling the gun. He looks hot everytime he does that thing. 


"Sasama ako." I announced. Tumigil siya tyaka ako tiningnan dala ang blankong ekspresyon. I know that look says a strong 'no'. Itinuloy niya ulit ang ginagawa niya. Ngayon ay ibinabalik na sa ayos ang baril.


"Maiiwan naman ako sa kotse. Bulletproof din naman 'yong sasakyan mo 'di ba? Please?" Finally, natapos na niya ang paga-assemble. He looked at me at hindi ko inaasahang iaabot niya sa akin ang baril na hawak niya. "Take it." Nang kunin ko 'to ay kaagad siyang tumayo at tinungo ulit ang secret storage.


With a smile on my face, tiningnan ko siya at pinagmamasdang mamili ng armas. "Giving me a gun, means you're allowing me to enter the battlefield as well." D*mn it! Did I miss firing a gun?


Humarap siya sa akin hawak ang isang black na bag. "No, without this." Inabot niya ang bag. Nakakunot ko 'tong kinuha para makita ang laman. 


"It's a special breathable vest for pregnant. Wear it at all costs." 


"Where did you get this?" Tanong ko nang ilabas ko ang vest. Parang normal vest lang kung titingnan. "Pinasadya mo ba 'to?" I looked at him. 


"I know you're still capable of starting a war even when you're pregnant. You're becoming even more fearless, hon. I will only allow that savageness when I have the guarantee that you're somehow harmless."


I smiled. Tumayo ako para umangkla sa batok niya. "And we're going to ask the Doctor first." Pahabol pa niya. 


"Alright, Mr. Hilton. As you said." 



...

Pagkatapos naming magpunta sa Highstone para magpa-check up ay tumuloy na kami sa destinasyon namin. Madaming sinabi ang Doctor sa amin kung paano ko mapapanatiling healthy at iingatan ang anak namin ni Renzo. Well, actually, he was the one asking the whole time. Kung pwede bang ganito ganyan at kung ano-ano pa. Parang wala nga akong presensiya the whole time. This d*mn man, tss! Gladly, the Doctor said I can still do the Knightress duties basta h'wag ko lang daw sasagarin ang sarili ko. Doctor Naomi is a pediatrician and also an obstetrician. Si Renzo mismo ang kumuha sa kaniya para maging private Doctor ko, and guess what? The Doctor's aware about our involvement in mafia kaya walang kaso sa kaniya ang pagiging open namin tungkol sa trabaho namin. She's also working under Stanford clan.


"What's with that gorgeous serious face, Ms. Royal Knightress?" Nakuha ni Renzo ang atensyon ko kaya sandali ko siyang tiningnan habang pokus ang atensyon niya sa pagmamaneho. "Felt dizzy again?" Binawasan niya ang bilis ng sasakyan at mabilis akong sinulyapan.


"Ayos lang ako. I just want to ask something." Honest na sagot ko at itinuon nalang din ang atensyon sa daan. Sandali akong yumuko para isipin ang tamang mga salitang gusto kong itanong. D*mn it! Bakit ba iniisip ko pa kasi 'yon? 


"Katriela came into my room just to personally give me some files. We had a real quick discussion about it. Nothing more or less, hon. If that's what you wanted to ask." Tiningnan ko si Renzo dahil sa sinabi niya. How could this man even read my mind?! D*mn him! 


"Gusto ko lang naman malaman. Nothing more or less din." Mapaklang sagot ko tyaka isinandal ang likod ko sa backrest. I don't really want to ask anymore, but d*mn! My curiosity's killing me. 


"Nothing more or less huh? But your face doesn't resonate. It speaks jealousy, Zerina." Nakataas ang kilay kong tiningnan si Renzo, at kahit hindi siya nakatingin sa akin ay obvious na obvious ang nakakaloko niyang ngisi. Bwiset na 'yan! Kaya ayokong magtanong dahil alam kong mang-aasar lang siya. Tss! 


"Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa niya sa royal room, selos agad? Tss." Inirapan ko siya nang sulyapan niya ako dala ang nakaka-bwiset niyang ngisi. "Alright, as you said." Pinal na sagot niya, pero nakangisi naman. Bwiset talagang lalaking 'to. Lakas mang-asar. 


"Wanna know about the file?" Tanong niya. 


"Pake ko sa file? Kung proposal man 'yon para sa arrange marriage ng Dela Vega at Hilton, edi congrats." Sa bwiset ko ay 'yan nalang bigla ang naisagot ko. I heard him chuckle kaya napatingin ako sa kaniya. 


"Seriously, Zerina? You came up with that f*cking nonsense idea?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Pailing-iling pa habang nakangisi. Edi siya na ang masaya. 


"H'wag ka ngang ngisi ng ngisi, Lorenzo, baka hindi ako makapagtimpi't maibato ko sa 'yo 'tong baril ko." Nakakasira 'to ng mood nakakainis. 


Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya. "Look at your Mom, baby, she's frowning again. She looks the prettiest, and stunningly savage isn't she?" Sinulyapan niya ang tiyan ko at malawak na ngumiti bago ako tiningnan. "Throw me whatever you want,  I won't dodge." 


Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Sigurado ka?" Kinuha ko ang baril na ipinatong ko kanina sa dashboard. He took a glimpse at it na walang bahid ng pagkabahala bago ulit nag-pokus sa pagmamaneho. "Because I'm good at catching, Ms. Royal Knightress." Tiningnan niya ako na may ngisi sa labi. Yes, and you caught me from falling so deep on you, asshole. 


"Bilisan mo na nga lang mag-drive parang hindi naman tayo umuusad." Umiwas ako ng tingin dahil minsan mahirap lang talagang tagalan ang mga tingin niya. It's so d*mn hypnotizing. 



...

Pagkalabas ko ng kotse, sumalubong sa akin ang malamig na hanging panggabi at ang lumang commercial building, ilang metro ang layo mula sa amin. "Let's go." Renzo held my hand. Nagpatianod lang ako hanggang sa makapasok kami sa loob. Hindi na gumagana ang mga elevators kaya ginamit namin ang hagdanan papuntang second floor. 


"You okay?" May pag-aalala sa tanong niya. Tumango ako bago niya ako ulit hinila para magpatuloy sa paglalakad sa mahabang pasilyo. What a d*mn creepy place. 


"Renzo, tayo lang ba ang pupunta rito? Hindi mo ba sinabihan ang gang para sa backup?" Tanong ko. Baka mamaya puno pala ng kalaban ang building na 'to tapos bigla silang umatake sa amin. 


"Why? Are you scared?" Tanong niya at kahit nakatalikod siya sa akin, ramdam ko ang mapang-asar niyang ngiti. I rolled my eyes kahit na hindi naman niya 'to kita. "Buntis ako, Lorenzo at hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi sa akin kung anong grupo ang nandito." 


"Just some f*cking stupid motherf*cker." Sagot niya. Tumigil kami sa harap ng pinto at siya ang pumihit sa doorknob nito. Bumungad sa amin ang luma at bakanteng kwarto. 


"Tagal ni'yo." I didn't expect to see Rix inside. May hawak pa siyang lollipop na isinubo niya rin agad. Akala ko walang kalaman-laman ang kwarto, pero kaharap niya ang mahabang mesa kung saan nakapatong ang tatlong desktop at isang laptop. WTH! D*mn this computer freak.


"How's the set?" Renzo asked. Lumapit siya sa tabi ni Rix para tingnan ang nando'n sa mga screen. Tumabi ako sa kaliwa ni Rix to see what's going on. Sa isang computer screen nandoon ang satellite map, the other one is a flash of live CCTV footage from different places, sa isa naman ay puro mga codes and symbols na hindi ko maintindihan. And from the laptop' screen there's a blueprint.


"Wait...What's this blueprint?" Takang tanong ko. I have a bad feeling about this. 


"Hycon. It's a dry goods storage but only a cover to hide what's inside." Sagot ni Renzo. So it was the place I asked Leigh to check. Hycon.


"Not a dry goods' storage, but a warehouse for guns and ammos." Dagdag ko sa sinabi niya. They both looked at me. I crossed my arms across my chest at hindi inalis ang tingin ko sa screen. "Isa ang Hycon sa mga tatlong malalaking sources of wealth ng Unknown. That explains how much they cared for each property. Kung wala ang mga 'yan, hindi sila magtatagal at uusad bilang makapangyarihang grupo." The question is, why are they hiding? Playing this d*mn hide-and-seek game with us? 


"And since they care too much, we're going to destroy their group's pillar," Tiningnan ko si Renzo and he did the same. I smirked before looking back at the screen. "Tayo ang first move." 


"Sigurado na 'yan? Pipindutin ko na 'yong detonator." Napatingin ako kay Rix at sa hawak niya. WTH?


"Did you just----"


"He already trespassed the place, yesterday hon. He set bombs in Hycon with Zion and Axcel." They're too quick! Akala ko mauuna ako sa pagpa-plano para pabagsakin ang property na 'yon. 


"Siguradong sinabihan kayo ni Creid tungkol sa tatlong properties. At talagang binigyan pa kayo ng blueprint." At 'yong Creid na 'yon kampi rito Kay Renzo sa halip na ako sana ang kauna-unahan niyang pagre-reportan ng mga nakalap niyang impormasyon. I should've be the first one to have that d*mn blueprint.


"Looks like the Boss made the first move quicker than the Knightress..." Nakangisi si Renzo at halatang nang-aasar. Edi siya na ang magaling, tss. Cheater!


"Parang wala ako rito ah." I was about to say something when Rix joined the conversation, but my phone vibrated kaya kinuha ko muna 'to sa pants ko. I smirked as I saw the caller's name.


"Who's that?" Hindi ko na inabalang tingnan si Renzo nang magtanong siya. "The call I've been waiting." Tumalikod ako't lumayo sa kanila matapos pindutin ang answer button. 


[So, how's the witch doing?] Hindi ko man siya nakikita, pero nai-imagine ko na ang marahan niyang pagsimsim sa wine glass. 


"We're currently dissolving dirts. Hindi ka naman siguro tumawag para lang mangamusta. By the way, nabasa ko na 'yong email mo kanina. You really has the power of a Queen, huh?" Sagot ko. Rinig ko pa ang mahina niyang pag-ngisi. 


[Actually, I called to ask how are you doing.] Napakunot ako. [Well, I heard the news. And I planned a family dinner for us. Dad and Tita Amelia are also coming.] 


"Dinner?" Napakunot ako. WTH! Did he just say na pupunta rin ang Daddy niya? D*mn it!


[Why? Sounds like you're now having a panic attack. Chill down, witch. I also talked to Mikael about this.] 


Napabuntong hininga ako. "Don't forget to update me regarding our plan. See you later." 


[See you later, Ms. Royal Knightress. Looking forward to meeting my nephew.] Makahulugan ang huling salitang binanggit niya. She knows it already? 


Seriously? Am I really going to meet Mr. Hilton? After what happened? Paano ko siya haharapin? Is it fine to ask him for forgiveness at a family dinner and at the same time, aamin akong dala ko sa sinapupunan ko ang magiging apo niya? Bwiset! Kinakabahan ako, knowing na puro mga Hilton ang makakasalo ko sa hapunan. 


Huminga ako ng malalim bago bumalik kina Renzo. 


"How are things going?" Natural na tanong ko habang nakatingin sa screen. Natigilan ako dahil 'yong mga lugar mula sa footage na kaninang matiwasay pa ay halos nilalamon na ng apoy. 


"One down." Komento ni Rix, subo-subo ang lollipop. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Renzo kaya nag-angat ako ng tingin para tingnan siya. "Who was the caller and what took you so f*cking long?" 


Napakunot ako dahil halata ang inis sa boses niya. "Two minutes lang yata 'yon." 


"Answer me, Zerina. Who was that you've been waiting to f*cking call you." Hindi ko alam kung matatawa ako dahil halatang naiirita siya. Sa halip na inisin siya ay sumagot nalang ako ng maayos. "Max. May family dinner daw mamaya." Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa screen kahit na ramdam ko parin ang tingin ni Renzo sa akin.


Siguradong iniisip niya kung ano ang iniisip ko ngayon. D*mn! I'm nervous like hell, knowing that I will be meeting his father again! Well, hindi na ako maso-sopresa kapag sinabihan niya akong layuan ko si Renzo, o baka diretsahin pa nga niya akong hindi niya ako gusto para sa anak niya. D*mn it! Paano ba makalusot dito? My hand suddenly caressed my belly, Give me courage, baby. We're going to face your grandfather, later. 






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top