Chapter 54


Hilton's Mansion 

ELLISSE ZERINA 


"Ano, Ell? Positive ba?" Hindi mapakaling tanong ni Tanya paglabas ko ng banyo. She came here with Lucas a few minutes ago. Napaupo nalang ako sa kama hawak ang pregnancy kit. I didn't know what to say. Hinayaan ko nalang siyang kunin ang kit sa kamay ko. 


"Ell...." I looked up to see her. Doon ko naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. The next thing I know, she's hugging me. I felt the tears fell down my cheeks. Lumayo siya tyaka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Masaya ako para sa 'yo, Ell." She smiled and that made me smile too. Napayuko ako tyaka hinaplos ang tiyan ko. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. This may not be the right time to have you, but thank God you came in our life. 


Mabilis na napalitan ng kaba at takot ang ngiting dala ko nang bigla nalang umalingawngaw ang malakas na putok na baril. Mabilis akong napatayo at tinungo ang study table para kunin sa drawer ang baril. "Ell, anong gagawin----" 


"They can attack us, but not in here, Zethanya." Naglakad ako palabas ng kwarto.


"Pero, Ell, baka mapahamak----" Napatigil ako't napahawak sa tiyan ko. Now, I need to protect not only myself but the life in my womb. I clenched my fist carrying the anger to whoever dared pull the trigger in this house.


"Ellisse!" I heard Tanya behind me. Napatigil ako nang marating ko ang hagdanan kung saan tanaw ko ang ganap sa living room. Napakunot ako nang makitang nandito ang buong gang. 


"Royal Knightress!" That was Novaleigh. Malawak pa ang ngiti niyang kumakaway sa akin hawak ang baril. Tanya then followed me downstairs.


"Hon" Sinalubong ako ni Renzo kasabay ng pagdausdos ng kamay niya sa baywang ko. Napasulyap ako sa hawak niyang baril. Did he....


"What the hell?" Bahagya akong napaatras nang masilayan ko ang bangkay ng lalaking nakahilata sa sahig dahil sa natamo nitong tama sa noo. 


"T*ng ina! B-bitawan mo 'ko s-sabi!!" Still surprised, my gaze turned to Bryan. Hawak niya ang lubid na nakapulupot sa leeg ng isa pang lalaki. Nakatali ang mga kamay nito at paluhod ding tinalian ng lubid ang mga paa.


"Who are these d*mn assholes?" Tanong ko tyaka ko sila isa-isang pinasadahan ng tingin, "And why the hell are you all here?" 


"Galing kami sa misyon, Royal Knightress." Sagot ni Nick sabay saludo niya.


"T*ng ina mo, humabol ka nga lang. Kung makapagsilata ka akala mo laki ng ambag mong g*go ka." Kontra ni Friza. 


"At least present ako."


"These motherf*cker wanted to f*cking kill you." Nalipat ang tingin ko kay Renzo. Matalim ang tingin niya sa lalaking bitag ni Bryan. "Some stupid sh*ts sent by the unknown."


So now they're moving again huh? Naglakad ako palapit sa lalaking nasa harap ni Bryan. 


"Hon" Renzo warned me, but I didn't bother to listen. 


"Who sent you?" Simpleng tanong ko. Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nag-joke para humagalpak siya ng tawa. Stupid. "Hands off, Bryan." 


Tuloy parin ang tangang lalaki sa pag-tawa nang bitawan ni Bryan ang lubid. "Now, answer me. Who sent you?" 


Nag-angat ng tingin ang lalaki. Nagagawa pa niyang ngumisi gayong puno na ng bugbog ang mukha niya. Tss. "Sa tingin mo ba Miss ay makukuha mo sa 'kin ang sagot na gusto mo?" And then he laughed again like a d*mn maniac. 


I smirked. "Alright then. Madali naman akong kausap." Umupo ako sa lamesitang kaharap niya tyaka pinag-krus ang mga binti ko. I crossed my arms on my chest. "Tell me the truth and I'll hand you a billion." 


Alam kong wala akong gano'n kalaking pera, pero wala namang mawawala kung susubukan ko ang bwiset na lalaking 'to. 


He smirked. "Anong gagawin ko sa bilyon mo kung doble pa ang natatanggap ko kay Boss?" 


And now he mentioned the 'Boss' huh? "Let's triple the dollar price then. Three billion dollars." I tried once more.


"Dollar?" Parang kislap ng dyamante ang mga mata niya. Akala ba niya piso ang usapan? Tss!


"Tingin niyo ba lahat ng gusto ninyo madadaan niyo sa pera?" Mala-demonyo ang ngising iginawid niya. "Pasensya, Miss Royal Knightress, pero hindi ko kailangan ng dolyar. Alam mo kung anong mas magandang ipantubos sa katotohanang gusto mong malaman?...Ang bangkay mo, Miss." 


Sinundan ng mabilis na pagkasa ng baril ang sinabi niya. I know it was Renzo, pero bago pa man niya makalabit ang gatilyo ng baril niya ay naitutok ko na ang hawak kong baril sa noo ng lalaking nasa harap ko. Now this asshole pushed me off my limits. Matalim ang mga tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil do'n napawi ang nakaka-bwiset niyang ngisi. 


"I gave you a chance to live, but you chose death. Now, asshole...die." Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Naramdaman ko pa ang pagtalsik ng dugo sa pisngi ko, pero pinunas ko rin 'to gamit ang likod ng palad ko. I stood up and turn around to face Renzo. 


"Three billion huh?" He smirked. 


"So? Barya mo lang 'yon." I rolled my eyes. Syempre hindi ko naman ipupusta 'yong tatlong bilyon niya, pero kung gagawin ko nga, WTH! Big deal pa ba 'yon sa lalaking 'to? 


"Too low. You should've bid the entire property of Hilton." 


"Tss. Yabang." I scoffed. Nilingon ko ang gang. "Clean up the mess." Renzo commanded at mabilis namang tumugon si Bryan at Axcel. 


"Ikaw bang nagpapunta sa kanila rito?" Tanong ko kay Renzo. At talagang dito pa idinala itong dalawang bwiset na lalaking ipinadala ng unknown. Tss. 


"Parang hindi mo naman kami na-miss, Ell. Syempre nandito rin kami para dalawin ka. Tagal mo kayang nawala." Nakangiti pambobola ni Nickolas kahit na kakikita lang namin kanina. 


"Nick's right, Royal Knightress! Besides, katatapos lang namin sa mission, so I think wala namang masama kung dito kami magce-celebrate right?" Tiningnan pa ni Novaleigh ang iba na parang naghahanap ng kakampi, pero parang wala silang narinig. 


"So, I think I have to go." Tumayo si Lucas mula sa prente niyang pagkakaupo sa couch. 


"Oops! Bawal ang KJ here, Mr. Reaganel." Pag-FC ni Novaleigh. Napa-irap nalang sa kawalan si Friza at sigurado akong minumura na niya ngayon sa isip niya si Leigh. Kung hindi lang taken 'tong si Lucas, sigurado akong lalandiin din siya ni Novaleigh. Tss. This woman. 


"Hon" Napatingin ako kay Renzo nang hawakan niya ang braso ko. "I think, there's somethig you need to tell me." He whispered. 


"Hoy, Friza! Baka naman gusto mong tumulong sa pagbubuhat ng mga pinamili?"


"T*ng inang Navarro, 'to? Ako pang uutusan." 


"Ba't nasa'n na ba 'yong cook natin? Powtang, Creid 'yon, inuna pa kasi ang landi." 


Pinagmasdan ko sila na may kaniya-kaniyang mundo. Magkasunod na lumabas si Nick at Friza ng bahay habang walang tigil sa pagbabangayan. Lucas and Tanya made their way to the kitchen habang 'yong iba naman ay sinimulang maglaro ng baraha, while Cyan and Al started to play chess. 


"Come on, let these idiots do their things." Hinila ni Renzo ang kamay ko, paakyat ng hagdanan. Akala ko kung saan kami pupunta hanggang sa marating namin ang veranda ng mansiyon. 


Nang tumigil kami ay kaagad siyang humarap sa akin. "You really never fail to make me fall for you even more, hon." Ginawiran niya ako ng mabilis na halik sa labi. 


"You mean killing that asshole in front of the gang...and their Boss?" I smirked asking as he wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him. "Mmm...And it f*cking scares me, knowing that the unknown started to move again. Knowing that they're still out there waiting for their chance to harm you." 


Nakakatakot nga namang malamang may mga taong gustong pumatay sa 'yo at hindi sila titigil hangga't hindi ka nagiging bangkay. Mikael Lorenzo Hilton is a fearless man. 'Yon ang pagkakakilala ko sa kanya. Kahit sino kaya niyang iligpit ng walang pinipiling oras at lugar. Anyone who dares to mess up with him will be dead. Hindi siya takot pumatay at hindi siya takot mamatay, pero ang kamatayan ko ang lubos niyang ikinatatakot. Who am I to have such man in my life? 


"You know, I can't lose you. Not this time. Never in any lifetime, Ellisse Zerina." Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Bahagya siyang lumapit sa akin para halikan ako sa noo. That gentle kiss made me close my eyes for seconds because it gives me warmth and enough to make me feel secured. Nang lumayo siya ng kaunti para pantayan ang tingin ko, there when I clung my arms on his nape. 


"They can try to kill me, but who says I would let them?" I smiled, "Not now that I'm carrying another Hilton in my womb." 


Parang sandaling tumigil ang oras. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko o ano. "Renzo?"


"D-did you say...another...Hilton?" Natawa ako ng mahina dahil sa pagkautal niya. Nakangiti ko siyang tinanguan. "Another Hilton in my womb, Mikael Lorenzo."


"I...i got you...pregnant. For real?" Ito palang yata ang unang beses ko siyang narinig na nauutal. That made me smile again. 


Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako nang makita kong namumula ang mga mata niya. Is he...crying? "You're going to be a Dad soon, Commander." 


"I...really got you...pregnant." Naniniguro ang mga tingin at tono ng boses niya. Halata ang kaba, excitement at tuwa sa mga mata niya. I bit my lower lip trying to suppress my tears, but as I slowly nodded, my tears betrayed me. 


 "F*ck, I love you, Elisse Zerina!" 


"What the....Renzo! Ibaba mo nga ako!" Binuhat ba naman niya ako tyaka ipinaupo sa mesa. Nang tingnan ko ang lawak ng ngiti niya at ang mga mata niya ay napangiti nalang ako. "Thank you, hon." Akala ko kung anong gagawin niya nang bigla siyang lumuhod. The next thing I know, hawak na niya ang tiyan ko at marahan 'yong hinahaplos. Hindi na tumigil ang pagluha ko.


"Welcome to our life, baby...I love you and your mom." Napangiti ako. Hindi ko pa man inilalabas ang anak namin pinaparamdam na ni Renzo kung gaano niya 'to kamahal. He will surely be the best father. 


I gently caressed Renzo's head as he kissed my belly. "Please, don't give a hard time on mom. Mmm?" Natawa ako ng mahina. Nakakatuwang pinapanood siyang kinakausap ang anak namin kahit na hindi pa naman siya nito naririnig. 


Hinaplos ko ang tiyan ko kahit wala pa namang umbok 'to, "I love you, anak. Mahal na mahal ko kayo ng Daddy mo." Sinalubong ko ang tingin ni Renzo. I pinched his cheeks tyaka ako bahagyang yumuko para halikan siya sa labi na agad din naman niyang tinugunan. Ako rin ang unang kumalas para salubungin ulit ang tingin niya. 


"Do you have any cravings? I'll buy you everything." Nakangiti akong umiling sa tanong niya. I know he would give me anything, but this time isang bagay lang ang gusto kong mapunan. Ang sagot sa isang katanungan. "Will you accept me back again in your life, Mr. Hilton?" 


He gave me a smile. The warmth and the genuine one. "You don't have to ask, Zerina. You were already accepted." He cupped my cheeks as he stood up without breaking his gaze at me. "You are forever welcome in my life, hon. You don't need anyone's permission or mine for you to enter my life. You are always part of my everything. Mark that on your mind, Miss." 


This man. Wala akong masabi sa sinseridad ni Renzo at sa bawat bitaw niya ng mga salita. I never thought that I would love this man so much. Sa dami ng bagay na walang kasiguraduhan, isa ang sigurado ako. There's no way in hell I would leave Renzo. Never again. 


"Te amo, my soon-to-be Mrs. Hilton." Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Parang hindi naging sapat ang mababaw na paggalaw ng mga labi namin. He deepens the kiss as he gently pulled my waist closer to him. 


I smiled when we parted. "Mahal din----" Natigil ako nang may maamoy ako na parang gumising sa cravings ko. "Naaamoy mo ba 'yon, Renzo?" Tanong ko sabay singhot ko. Bumaba ako mula sa pagkakaupo ko sa mesa. "Careful" Inalalayan ako ni Renzo pero hindi ko na siya pinansin dahil nagutom ako bigla sa amoy. 


Mula rito sa veranda, tanaw ang ganap sa malawak na hardin sa labas kung nasaan 'yong iba. I quickly spotted Friza and Nick grilling barbecues. Napangiti ako ng malawak. Renzo wrapped his arms around my waist from my back. He then caressed my belly. "Looks like, Mom's hungry, baby." Hinalikan niya ang balikat ko bago kumalas sa yakap sa akin para hilain ang kamay ko. "Let's go down there." 



...

FRIZA GONZALES 


"P*tang ina, Nickolas. Pano tayo makakaipon ng luto kung kada maii-ihaw kinakain mo?! T*ng inang 'to, tusukin ko kaya ng stick 'yang lalamunan mo?" Halos maihampas ko ang tongs sa kasama kong nag-iihaw, pero tinawanan lang niya ako.T*ng inang 'to talaga. 


"Inom ka na lang muna. Dami mo pang sinasabi." Inabot niya ang beer in can na kabubukas lang. Inirapan ko ang g*go at inagaw ang beer sa kamay niya tyaka 'to nilagok. Humagod pa ang pait nito kaya napangiwi ako. 


"Oh, ito pulutan." Akmang iaabot na niya sa akin ang isang stick ng barbecue nang biglang...


"Nick!" Sabay kaming napatingin kay Ellisse. Malawak ang ngiti niya at 'yong tingin niya ay nakatuon sa iniihaw namin kaya napatingin ako ro'n bago sa barbecue na hawak ni Nickolas. Inagaw ko 'yon sa kaniya, "Gusto mo, Ell?" 


"Powta, kaninang ako ang kumakain gustong tusukin 'yong lalamunan ko pero kapag si Ell---"


"T*ng ina mo ka, manahimik ka kung ayaw mong stick nalang ang makain mo mamaya." Pagpapatahimik ko sa t*ng inang katabi ko. 


Bumalik ang tingin ko kay Ell na halatang sarap na sarap sa kinakain niya. Napangiti ako. Ilang sandali lang ay siniko ako ng p*tang ina kong katabi. Akala ko kung anong ka-gaguhan na naman niya, pero nang tingnan ko sya ay inginunguso niya lang pala ang palapit na si Commander. Sumaludo pa ang t*ng ina kong kasama habang ako ay bahagyang tumungo para gumalang. Tinanguan lang naman kami ni Commander hanggang sa makalapit siya kay Ell. Ipinadausdos niya ang kamay sa baywang nito. Napangisi ako't ibinalik nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko.


"Naol lumalab-life." Umentrada ang isa pang t*ng ina mula sa likod namin at tinabihan si Nick. 


"Sige subukan mong bawasan 'yan t*ng ina mo, itutusok ko sa mata mo 'tong extra stick dito." Sita ko agad kay Zion na akmang kukuha na naman ng barbecue. T*ng ina, wala pa sa sampu 'yong naluluto, nilalantakan na nila. Mga g*go.


"P*tang...sabi ko----"


"Sabi mo subukan ko bawasan 'di ba? Oh, penge ako dalawa." Sabi ng pilosopong gago na talagang kinunsinti pa ni Nickolas. Mga p*tang ina talaga. 


"Hoy, Tanya!" Tawag ko nang sa kaniya dumapo ang tingin ko. Kausap pa niya 'yong boyfriend niya, pero wala akong pakealam sa love life nila dahil mas mahalaga sa ngayon 'tong barbecue.


"Bakit?" Tanong niya nang lapitan niya kami. Buti naman at iniwan niya muna ang love life niya. Tss! Iniabot ko sa kanya ang tongs tyaka ko itinulak si Nickolas. "Powta naman oo, Fri---"


"Umalis ka rito baka maihampas ko sa 'yo 'tong ihawan." Itinaboy ko siya at ang g*go sobrang bilis ng kamay niyang dumukot ng tatlong stick ng barbecue sabay takbo palayo. G*go talaga. 


"Oh, ano namang ginagawa mo?" Sita ko sa kasama ko na may dalang plato at ngayo'y nasa harap na ng bandehado ng mga lutong barbecue. "T*ng ina, pati ba naman ikaw, Tanya?" 


Ngumiti lang siya sabay sabing, "Bibigyan ko lang sandali si Ell." At umalis na papunta kay Ellisse na ngayon ay ginugulo na naman ng malanding si Novaleigh. Napailing nalang ako. 


Habang ibinabaliktad ko ang mga iniihaw ko ay nadako ang tingin ko sa isang direksiyon, medyo may kalayuan sa amin. Mukhang may pinag-uusapang seryosong bagay si Commander at 'yong boyfriend ni Tanya. 




ZETHANYA YUI FELIZTRO 


"Ell, ito pa oh." Iniabot ko sa kanya ang platong may lamang barbecues. "Thanks!" Nakangiti niyang inabot 'yon. 


"Bakit ako wala? Maganda rin naman ako. Umiiral ang favoritism natin ah, Ms. Feliztro? Ganyan ba ang tinuturo sa 'yo ni baby Lucas, huh?" That was Leigh. Napailing nalang ako. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Ell.


"How's your previous operations? May kailangan ba akong malaman tungkol sa HQ at sa gang?" Tanong niya habang kumakain. Nagkatinginan kami Ni Leigh, pero siya na ang sumagot. 


"Okay na okay naman, Royal Knightress. Maganda parin ako at hot na hot sa bakbakan. At tungkol sa------"


"Wala akong pakealam sa itsura mo, Novaleigh. Sagutin mo 'yong tanong ko." Kung hindi ko lang alam na buntis si Ell magtataka ako sa gaspang ng pananalita niya. Mahina tuloy akong natawa.


"Ang harsh mo naman ngayon, Royal Knightress, pero sige na nga! To answer your question, syempre okay naman ang buong gang. We dealt with some minor cases na wala man lang ka-thrill-thrill, and about HQ? Well, nothing special. Gano'n padin, pero mas masaya once na bumalik ka na ulit." Nakangiting sagot ni Leigh. I smiled with her last words. She's right. Serpent feels incomplete without the presence of the Knightress, at si Ellisse lang ang makakapuna nun. 


"How about those two assholes earlier? How did you catch them?" Tanong ulit ni Ell dahilan nang mapatingin ako kay Leigh.


Bumuntong hininga siya, "Actually, kahapon lang din kami sinabihan ni Chief dahil kahapon lang din daw nasabi sa kaniya 'yong about do'n sa two men na hindi naman ka-gwapuhan...According from his source, those two ugly geese were following you simula noong magpunta ka sa blakewood temple to check if Liam Malriego is the real Mr.X...So yes, matagal ka na pala nilang minamata, Royal Knightress kaya medyo na-surprise ako ng bongga. We thought nga na tauhan lang din 'yon ni Christopher Baldwin, but when we asked Rix to dig in about these ugly creatures, do'n namin nalaman na they're member of the unknown. Sinabihan ni Rix si Commander kaya inutusan kami kaagad na sugurin ng bonggang-bongga 'yong dalawang guy. And guess what we found? Nakita namin kung saan ang hideout nila. Akala nga namin, madami sila at makikita pa namin 'yong pa-mysterious na Boss nila, but sadly, we didn't. We killed the rest at itinira namin 'yong dalawa kanina para iharap kay Commander."


Masyado silang misteryoso at hanggang ngayon hindi parin maliwanag ang dahilan kung bakit si Ellisse ang puntirya nila. Posible kayang konektado si Mr. X at ang unknown group?


"Honestly, naisip ko...what if, they're both connected? I mean, Mr. X at 'yong unknown group?" Tanong ni Leigh. We have the same question in mind. Napatingin ako kay Ell na ngayon ay seryoso na ang ekspresyon ng mukha. 


"They're not. Magkaiba ang pakay ng dalawa kaya imposibleng konektado sila sa isa't isa." Saad ni Ell, siguradong-sigurado. Kunsabagay, may punto siya, pero bakit nga ba? Bakit si Ell ang target ng unknown?


"That's why mas safe na rito ka muna mag-stay, Royal Knightress---"


"There's no safer or safest place for me. We're talking about the unknown here and I am their target alone. They want me dead. Hindi natin alam kung sino ang nasa likod nito, kung paano siya kumilos at kung kailan niya balak gawin ang gusto niya. He or she might do it anytime or anywhere...wherever I am so I'd rather do something than just hide myself to avoid the risks. Who knows? Baka mas ma-alarma siyang kumilos kapag ako mismo ang gumalaw para tapusin siya." 


Halata sa mga mata ni Ell ang determinasyong lumaban at alam ko kung saan ang pinanggagalingan nito. Isa ako sa mga saksi kung gaano kalaki ang pagbabago ni Ell mula sa pagiging muhi niya sa mafia to being a braver woman. Minsan nga nakikita ko sa kaniya si Commander. 


Masaya ako para sa kaniya, pero hindi maalis sa loob ko ang matakot para sa kanila ng anak niya. Si Ell ang tipo ng tao na hindi basta-basta umuurong sa isang laban. Kapag sinabi niyang lalaban siya, lalaban siya. Siguro sa ngayon, mas panatag lang ang loob ko dahil alam ko namang hindi na siya magpapadalos-dalos dahil aware naman siya sa dinadala niya, isa pa, nakasisiguro akong hindi na siya basta-basta hahayaan ni Commander na kumilos sa paraang gusto niya.


Napatingin ako sa kaliwa ko nang hawakan ni Lucas ang braso ko para kunin ang atensyon ko. Lumapit siya sa tainga ko tyaka bumulong "I have to go first, love. Got something to work on." Pa-simple pa niya akong hinalikan sa pisngi. "Text me as soon as you got back to Serpent."


"Hay naku, kailangan talaga sa harap ko mag-flirting session? Kalokang mga 'to." Napatingin kami kay Leigh. Nakalimutan kong nandito pa pala siya sa tabi namin maliban kay Ellisse na ngayon ay nakalayo na kasama si Commander. 


Hinila ko si Lucas palayo kay Leigh para ihatid na rin siya sa sasakya niya. Bago siya makapasok sa driver's seat ay hindi ko na napigilang magtanong. "Tungkol sa unknown group..." 


"Unknown?" Nakakunot siyang humarap sa akin, "What about them, love?" Umiwas ako ng tingin, pero wala akong kawala dahil si Lucas ang kausap ko. Marahan niyang hinawakan ang chin ko para magpantay ang mga tingin namin. "Now, tell me. You want to say something or you want me to say something?" 


See? Wala akong kawala rito. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagpatuloy. "I want to you to be honest, Lucas...May nalalaman ka ba tungkol sa unknown group? Alam mo ba kung bakit si Ell ang target nila?" 


Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Walang nagbago sa ekspresyon niya na parang inasahan na niyang magtatanong ako sa kaniya tungkol dito. Hinawakan niya ang balikat ko at diretso ang tingin niya sa mga mata ko, "Honestly, yes. I know something about that group...something I couldn't easily tell you. For now, all I can say is that you don't have to worry about the Knightress. Elijah Mint and Renzo arthere to protect her." 


Malaki ang tiwala ko kay Lucas at naniniwala ako sa mga sinasabi niya, pero syempre hindi ko parin maiwasang mag-alala para kay Ell. Kaibigan ko ang involve rito at buhay niya ang nakataya. Ayoko namang pilitin si Lucas na sabihin sa akin ang nalalaman niya dahil kapag nalaman ko kung ano man 'yon, ano ba ang maitutulong ko? Siguradong wala rin. 


"Love...."


Ngumiti ako para siguruhin naiintindihan ko at wala siyang dapat ipag-alala kung hindi ko na dapat pang malaman ang mga nalalaman niya. "Ingat ka sa daan. Tawagan na lang kita mamaya." Tumingkayad ako para halikan siya ng mabilis sa labi. 


Hindi ko alam kung nagulat siya sa ginawa ko o ano, pero ngumisi rin pagkatapos, "You're making me want to marry you earlier than the plan." 


Natigilan ako sa sinabi niya, "Teka...a-anong...." Lumawak ang ngisi niya at marahang pinitik ang noo ko dahilan nang paghaplos ko rito. "I'm leaving, love." Pumasok siya sa kotse at pinaandar na ang makina nito hanggang sa makaalis siya.


Naalala ko bigla ang sinabi niya dahilan nang mapangiti ako. Unang beses kong narinig ang salitang 'marry' kay Lucas. Talaga bang magiging Reaganel ako? Iniisip ko palang, hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. 



















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top