Chapter 53
Two weeks later | Mors
ELIJAH MINT LORICO
"Nakakapanibago parin na makita kang nagtatagal at pabalik-balik dito sa Mors." Nilingon ko si Master Harrisson na nasa tabi ko na. Nakatingin siya sa malawak na training field ng mga gangs. "Wala ka pa bang natatanggap na secret mission mula sa Serpent King?"
"I'm not yet done here." Sagot ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa railings dahil hindi ko maiwasang ma-bwisit kapag naiisip ko kung bakit ko kailangang tanggihan ang ilang misyong ibinigay sa akin ng King. I need to stay to hunt down that f*cking shadow behind that stupid unknown group.
"Kumusta na nga pala si Lorenzo?"
Hearing that asshole's name added a greater annoyance within me. Bago pa ako makasagot at mamura ang lalaking 'yon ay nagsalita na ulit si Master Harrisson, "Nagka-ayos na ba sila ng kapatid mo?"
Napabuntong-hininga ako't tinalikuran ko ang field para isandal ang mga braso ko sa railings. "I sent my sister back to the province. I told her to stay there."
"Sa tingin mo ba matatagalan niyang manatili sa probinsiya?"
"May inutusan akong bantayan siya. She won't easily escape." Sagot ko. Subukan lang niya dahil talagang mapipilitan na akong ikulong siya sa kwarto.
"Mahirap pigilan ang taong nagmamahalan, Mint."
Iritado kong tiningnan si Master Harrisson dahil sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin kaya iniba ko na lang din ang direksiyon ng tingin ko tyaka siya sinagot, "Love is just a weakness. Love can't help us to survive from this cruel world. Who would like to carry an extra baggage during a f*cking battle? No one. Unless you're stupid."
Nagkaro'n ng sandaling katahimikan bago nagsalita si Master Harrisson, "Have you ever been in love, Mint?"
Matunog akong napangisi dahil sa tanong niya na obvious naman ang sagot. "Ba't ako mai-inlove? Para tularan ang kapatid ko? Tss."
"Sabihin na lamang nating may mga bagay ka pang hindi lubusang nauunawan, pero kapag dumating ang panahon na mahuhulog ang loob mo sa isang tao at mamahalin mo siya ng buo na higit pa sa sarili mo, sigurado akong maiintindihan mo ang gusto kong sabihin sa iyo, Mint. Maiintindihan mo rin na ang pagmamahal ay hindi kahinaan kundi lakas na magtutulak sa 'yo para piliting lumaban."
So I will be able to know the reason why true love binds two people together for life till death when I fall in love huh? That's absurd.
Nawawalan talaga ako ng gana sa mga ganitong usapan. Umalis ako sa pagkakasandal ko sa railings at magpapaalam na dapat ako kay Master Harrisson nang magtanong siya, "Sigurado ka bang mananatili pa rin ang Royal Knightress sa probinsiya oras na nalaman niya ang kalagayan ni Lorenzo?"
Hinugot ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko at nagsindi ng isa. Hinithit ko 'yon at ibinuga ang usok bago sumagot, "I've already seen it coming at kung anong susunod na hakbang ang gagawin ng kapatid ko."
Oras na nalaman niya ang kalagayan ng mayabang at gagong lalaking 'yon, sigurado ako na hindi agad siya lalapitan ni Ellisse dahil uunahin pa nitong makipag-gyera. Katulad ko, malaki ang galit ng kapatid ko kay Baldwin at oras na naka-recover na ang isip niya sa mga nangyari hindi siya magda-dalawang isip na buweltahin si X.
No'ng matapos malaman ni Ellisse ang buong katotohanan, sinabihan ko na siya agad na sa probinsiya muna manatili. Hindi siya tumutol do'n—bagay na hindi ko inasahan. Ang akala ko magmamatigas siya na bantayan 'yong gago at mayabang na lalaki, pero dahil kilala ko ang kapatid ko, nalaman ko agad na may ibang bagay ang tumatakbo sa isip niya kaya siya pumayag na manatili muna sa probinsiya ng ilang linggo.
"Kumusta na nga pala ang kasalukuyang misyon mo tungkol sa unknown group? Alam mo na ba kung sino ang pinuno ng grupo nila?" Pag-iba ni Master Harrisson sa usapan.
Awtomatikong kumukuyom ang mga kamay ko kapag naririnig ko ang tarantadong pangalan ng grupong 'yon. "He will be dead soon."
Province
ELLISSE ZERINA
Hanggang saan ang kaya mong gawin para masabi mong mahal mo ang isang tao? Gaano kalaki ang kaya mong isugal para maiparamdam mong mahalaga sa 'yo ang taong mahal mo?
For him, it's too simple. Mikael Lorenzo will always be willing to do everything for my security and happiness. He doesn't mind to die for me.
But there are still things I don't know. I still have no idea how he fell in love with a woman like me. How did it start? When and where did it all begin? Sobrang dami ko pang gustong itanong at sabihin sa kaniya. Ang dami ko pang gustong malaman tungkol sa kaniya, pero nilalamon ako ng guilt hanggang ngayon. I was so stupid to let the real enemy poison my mind. Inakala kong ako ang tama, at siya ang mali.
I had my choice to trust Renzo, but I chose to trust myself kahit na aware akong gusto niyang magtiwala ako sa kaniya. He knows me well that's why he let me do what I badly wanted to do—revenge. Alam niyang wala akong pakikinggang ni isa sa kanila. Alam niyang hindi ako magpapapigil sa kahit na sino sa kanila, so she let me take the path to the wrong side dahil 'yon lang ang tanging paraan para ma-realize ko sa sarili ko na mali ang ginagawa ko. Malaki ang naging risk at pati buhay niya ay kinailangan niyang i-sakripisyo para lang sa realization na 'yon, and I hate myself even more for that.
Hinayaan niya akong gawin ang gusto ko, pero hindi niya ako pinabayaan sa bawat kilos at planong ginawa ko para iligpit ang Dad niya na inakala kong pumatay kay Papa. He even helped me. 'Yong bulletproof car na hiningi ko, 'yong mga armas na hiniling ko kay Zion. I knew it was all prepared by Renzo. He never failed to protect me although what I was doing was against his will.
Masyado akong naging confident sa sarili kong instinct at sa tuwing nagre-replay sa utak ko ang lahat ng nangyari, hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak. I love Mikael Lorenzo as much as words could ever say and I am missing him so damn much, yet I was so dumb to decline the idea of trusting him. I should've trusted him because that's what a wife should supposed to do. And what's much worst is that I broke up with him. Alam kong sobra ko siyang sinaktan sa lahat ng ginawa ko.
I f*cking broke up with the man I love. The man who's always there willing to offer his life and everything for me.
Binitawan ko ang tasa para punasan ang luha ko pero d*mn it! Hindi ko mapigilan dahil nagre-replay na naman sa isip ko kung paano ko nagawang makipaghiwalay sa kaniya.
...
I am busy investigating and creating plans for how to take X down to his grave, but Renzo kept pestering me with his nonstop messages and calls. Rejected lahat ng tawag niya pero binabasa ko ang ilan sa mga texts niya. Hindi siya pumalya sa kaka-sabi sa akin ng I love you kahit sa text lang. Nagi-guilty ako pero kailangan kong tapusin ang sinimulan ko.
Ilang araw pa ang lumipas pero hindi tumigil si Renzo sa pagpapa-ulan sa akin ng mga text messages until one time I finally decided to reply to his last and current message for me. He asked me for a meet up. Pumayag ako at bago ko pa masabi sa kaniya ang lokasyon ng pagkikitaan namin, naunahan na niya ako. He wanted to see me in Montana Peak.
Hindi ako tumutol sa gusto niya kahit sana ayoko sa lugar na 'yon dahil may maaalala lang ako. Mas mahihirapan akong ipagpatuloy ang plano ko. Distraction is the last thing I want for the moment.
Habang nasa byahe ako papunta sa Peak, napag-isip-isip ko na hangga't may koneksiyon ako kay Renzo mas lalo lang magiging mahirap para sa akin na gawin ang mga plano ko. Besides, he is the son of the man who killed my father. I need to end this now.
Nauna siyang dumating. Nadatnan ko siyang nakasandal sa headlight ng sasakyan niya habang humihithit ng sigarilyo. Hindi ako kaagad bumaba ng sasakyan nang maiparada ko ang kotse ko. I decided to look at him for few seconds before I got off the car.
Sobrang bigat ng loob ko habang palapit ako sa pwesto niya. Gusto ko siyang yakapin pero sobrang pagpipigil ang ginawa ko. Alam kong kanina pa niya naramdaman ang presence ko pero mukhang hinihintay niya akong lumapit sa kaniya. Sumandal ako sa kabilang headlight, keeping some centimeters distance from him.
This brings me to the time we reconciled during the imperial night. That was how we started 'us'. And now...it is also here. This place will also be the witness of our end.
Pinili kong manahimik. Mula sa gilid ng mga mata ko nakita kong itinapon niya sa may paanan niya ang upos ng sigarilyo tyaka 'yon inapakan. I already want to end this cold and awkward atmosphere between us but I don't know how to start.
"How's your plan going?" He asked. Pati ang paghinga ay nahirapan akong gawin. Parang hindi mabigat para sa kaniya ang sitwasyon sa sobrang casual niya sa akin. I was about to answer but he added, "I missed you in a f*cking inexplicable way, hon." And that pierced my heart. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero doble-dobleng pagpipigil ang ginawa ko.
He chose to remain standing in his position without even looking at me and so did I. Hinayaan kong manatili ang katahimikan sa loob ng ilang segundo nang hindi siya tinitingnan. Few seconds passed then he asked, "When are you coming back home?"
Parang kapag nagtagal pa ako sa kinatatayuan ko, tuluyan na akong manghihina. Baka hindi ko kayanin, lapitan ko siya't mayakap ng mahigpit. I can't do something right now that might possibly stop my plan.
"Your father killed my father." Sa wakas ay nasabi ko rin, pero hindi ko inaasahan ang sunod na sasabihin niya sa tonong mabigat at puno ng emosyon at tila nakikiusap.
"I love you, hon. I always love you for life till death, Ellisse Zerina. So please, come home."
Masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha, pero tinatagan ko ang loob ko. I swallowed the lump on my throat as I gathered all the remaining courage I have. From his side, I turn to face him. Hinintay kong tumigin siya sa akin at nang magtama ang mga tingin namin, pakiramdam ko ayokong bitawan ang mga salitang kailangan kong sabihin sa kaniya.
Malalim ang mga mata niya. Mahirap basahin si Renzo pero sa pagkakataong 'to, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga tingin niya sa akin lalo na ang sakit na dinadala niya. "Do you trust me?" He asked.
I clenched my fist trying to suppress myself from hugging him.
"Don't even try to stop me or change my mind, Renzo. Alam kong ama mo parin ang taong pumatay kay papa. I don't mind at all if you will do anything to protect your father. I just want you to know that I will do anything as well to avenge my father...If you dare to stop me at all costs then try me...Mr. Hilton."
Ipinamukha ko talaga sa kaniyang isa siyang Hilton kahit na sobrang bigat sa loob ko. "Let's stop wasting our life for love, Commander. H'wag na nating gawing sistema ang isa't isa dahil hindi 'to tama." Gusto ng bumagsak ng mga luha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya at sumandal ulit sa headlight.
"You're still the right one, Zerina. You will always be."
Ikinuyom ko ang kamay ko. When will you learn to give up on me, Mikael Lorenzo? Pakiramdam ko hindi niya sineseryoso ang sinabi ko tungkol sa ama niya. Or maybe hindi na siya nagulat dahil matagal na niyang alam, hindi niya lang sinabi sa akin.
"Let's end this, Renzo."
"So breaking up with me is your last resort huh?" Ramdam ko ang pagka-sarkastiko sa tono ng boses niya. Kita ko mula sa gilid ng mga mata ko na nakatingin pa siya sa akin, pero hindi ako nag-abalang tingnan pa siya. Umalis ako sa pagkakasandal sa headlight at tinalikuran siya. "I don't need your love. I don't longer want to stay with your life...with the son of the man who killed my father. Kahit pagbali-baliktarin natin ang lahat, isa kang Hilton, Mikael Lorenzo. "
Tuluyan na akong naglakad palayo, pero narinig ko pa ang huling mga salitang binitawan niya na tuluyang nagpatulo sa luhang kanina pa nagbabadyang kumawala mula sa mga mata ko.
"I love you...I'll be waiting, Ellisse Zerina. Remember that I'm always here waiting for you to come back home."
Natauhan ako't nagbalik sa realidad nang marinig ko ang pagkabasag ng isang bagay. Halos hindi ko na namalayang nabitawan ko ang tasang kanina ko pa pinupunasan. I was about to pick the shattered pieces when I heard footsteps approaching the kitchen.
"Ghod, Ellisse! Are you okay?" It was Dhale. Halata ang pag-aalala niya nang lapitan niya ako't ilayo sa nabasag na tasa.
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Ghod, Ellisse!"
Hindi ko naituloy ang pag-kuha ng phone ko mula sa bag ko nang marinig ko ang boses ni Dhale kaya kaagad ko siyang sinundan papunta sa kusina.
"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong nang maabutan ko siyang hawak niya ang braso ni Ell pero kumawala rin ito sa kaniya. "Sorry. Lilinisin ko lang----"
"And you're planning to clean those shattered glasses with your bare hands? Are you even in your right mind, Ellisse?" Medyo iritado na si Dhale. Hinila niya ang kamay ni Ell para ilayo 'to sa nabasag na tasa at para iharap sa kaniya. Teka, umiyak ba siya?
"Ell, anong nangyari?" Hindi ko na maiwasang magtanong.
"Nothing. Nadulas lang sa kamay ko----"
"It slipped from your hand because you were spacing out, Ms. Lorico." Putol sa kaniya ni Dhale. Ganyan talaga siya kapag na-stress at nag-aalala, mabilis mairita. Hindi rin naman namin masisisi si Ell dahil alam naming may pinagdaraanan siya ngayon at hindi 'yon biro.
"Ako ng maglilinis dito. Siguro mas maganda kung magpahangin ka muna sa labas, Ell para makapagpahinga ka rin." Prisinta ko tayaka sinulyapan si Dhale para samahan si Ell. Hinila niya naman ang kamay nito at hindi naman na nagpumilit si Ellisse.
Hinarap ko ang mga bubog ng tasa na nagkalat sa sahig. Napabuntong-hininga nalang ako. Pati ako nahihirapang nakikita si Ellisse sa ganitong sitwasyon.
Napag-pasyahan namin ni Dhale na dalawin si Ell dito sa probinsya nila. Magta-tatlong araw na rin kami rito para samahan siya. Sinabihan din namin ang kuya niya na dito muna kami mag-stay. Hindi naman siya tumutol, pero sinabihan niya kaming siya ang una naming sasabihan oras na may mangyari.
Hindi ko alam kung kumakain ng maayos si Ell noong mga nakaraang araw na wala kami sa tabi niya. Mag-isa lang siya rito sa rest house nila maliban sa tatlong kalalakihang kasama niya na nagbabantay sa paligid para masigurong ligtas siya. Speaking of those guys, simula no'ng dumating kami rito ay hindi na namin sila nakikita. Baka may ibang iniutos sa kanila si Kuya Elijah. Isa pa nandito naman kami para siguruhing maayos ang lagay ni Ell.
Ngayong nandito kami para samahan siya, halos ayaw pa nga niyang kumain, paano pa noong nakaraang wala kami? Kung hindi pa nga siya pipilitin ni Dhale at pagsasabihan hindi siya kakain. Madalas nasa kwarto lang niya siya. Akala ko nga noong nakaraang araw ay ayos na siya. Naabutan ko kasi siyang seryoso habang kaharap ang desktop, may mga papeles din at folders siyang binabasa na hindi ko alam kung tungkol saan ang mga 'yon.
Kapag lalabas siya ng kwarto, tahimik lang siya. Madalas din namin siyang napapansing nakatulala. We badly want to help her, to comfort her pero hindi naman gano'n ka-simple 'yon. Sa ngayon, ang magagawa lang namin ay siguruhing hindi niya pinababayaan ang sarili niya.
Huminga ako ng malalim nang matapos kong iligpit ang mga nabasag na bubog. Kumusta na kaya si Commander?
Magmula ng matapos ang kaguluhang nangyari sa pagitan ng Korbin at Serpent, bumalik sa dati ang daily routine sa HQ. Sa ngayon, wala pa naman kaming natatanggap ni Dhale na tawag mula sa kanila. Tinext ko si Axcel noong nakaraan para kumustahin ang lagay ni Commander, pero hanggang ngayon ay wala pa akong natatangap na reply. Simula noong dinala si Mr. Hilton sa Highstone, wala na kaming natanggap na balita tungkol sa kaniya. Ni wala kaming alam kung gising na ba siya o hindi pa. Ellisse will be happy to hear the former.
Dala ko ang food tray na naglalaman ng cup ng avocado ice cream at dalawang baso ng orange juice, nadatnan ko na nasa cottage si Dhale at Ell, mukhang may pinag-uusapan kaya naman lumapit ako sa kanila. I smiled as I put down the tray on the table. I gave a glass of juice to Dhale at ibinigay ko naman ang cup ng ice cream kay Ell, "Avocado ice cream?" Nakangiti kong alok. Pinagmasdan niya muna ang cup bago 'yon kinuha, pero ibinaba rin niya sa mesa.
"So back to our topic, Dhale. What more do you know about her?" Seryosong tanong niya. Nakakunot kong tiningnan si Dhale para tanungin kung anong mayro'n. Bumuntong-hininga siya bago sumagot, "It's about Angel Lazarte."
Automatic na nalipat agad ang tingin ko kay Ellisse. Nasabi sa akin ni Axcel ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Angel Lazarte. Siya raw ang nakatatandang kapatid ni Commander. I was surprised when I first heard about it. Pero, teka, ayos na ba si Ell at gusto na niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na konektado sa mga Hilton?
"Remember the threats' sender you asked me to track?" Tanong ni Dhale kay Ell. Napakunot na naman ako na mukhang nabasa kaagad ni Dhale ang ekspresyon ko.
"Ell received her first death threat when she was on Frinvalley Island. The second one was the night she met Mr. Jackson Hilton at Western Factory, 2303, Block Yale..."
"Teka, alam ba ni Commander ang tungkol dito?" Maagap na tanong ko.
"No. He didn't have to know." Mabilis na sagot ni Ell sa seryosong tinig.
"And the third one has already been sent to you." I looked at Dhale when she said that. Seryoso siyang nakatingin diretso kay Ellisse na parang hinuhuli niya 'to dahil sa isang sikreto. Tiningnan ko si Ellisse na seryoso lang at wala man lang karea-reaksiyon.
"Totoo ba 'yon, Ell? Kailan mo pa natanggap ang third threat?" I asked.
"Here." Napatingin ako sa paper card na inilapag ni Dhale sa mesa. "I found it in her room." Kinuha ko 'yon at tahimik na binasa ang nakasulat.
Have you ever seen death itself?
Prepare, for it will soon come to you, Ms. Royal Knightress.
This time, I WILL SURELY BURY YOU TO YOUR OWN F*CKING GRAVE.
Start digging.
Malificently,
- H
"She even used malificently." Komento ko. "Talagang gumawa pa siya ng sariling term para ilarawan kung gaano siya kasama."
"Is that what you were doing all this time in your room? You were secretly investigating about the threats' sender." Komento ni Dhale. Napatingin ako kay Ell. Kung gano'n nga, ibig sabihin na may iba pang dahilan kung bakit piniling mag-stay rito ni Ell ng halos dalawang linggo? Hindi sa ayaw niyang mag-stay sa Highstone para makasama si Commander dahil nagi-guilty siya, kung hindi dahil para mag-imbistiga.
"That was sent two weeks ago when I was still in Highstone, right after my mother and Kuya Elijah unraveled the truth about the real Mr. X." Tukoy niya sa card na hawak ko.
"And how were your findings?" Tanong ni Dhale.
Huminga ng malalim si Ell bago may kung anong kinuha sa bulsa ng suot niyang hoodie. Inilapag niya sa mesa ang dalawa pang papel. Kinuha ko ang mga 'to para tingnan. Mula sa bawat papel naka-print ang screenshot image.
"Those are the first two programmed threats I received." Wika ni Ell. Pinagsunod-sunod ko ang mga ayos nito mula sa unag threat na natanggap niya hanggang sa ikatlo. Pinagmasdan ko isa-isa ang mga 'to bago ko tiningnan si Ell. "Nahanap mo na ba kung sino ang mga sender ng mga 'to?"
"The question is not 'who were the senders, but who the sender was." Sagot ni Dhale na mukhang may alam na rin tungkol sa nagpapadala ng mga threat kay Ell.
Napakunot ako, "Sender?...Ibig mong sabihin, itong tatlong threats na 'to iisa lang ang sender?" Tiningnan ko ulit isa-isa ang mga 'to. Sa bawat message, puro single capital letter lang ang iniwang pagkakakilanlan ng sender. "Paanong iisa kung iba-iba naman ang mga initial na ginamit sa bawat threat? 'Yong una ay naka-address kay A, tapos iyong susunod ay kay M at 'yong last naman H."
"It was too hard to find out without the last threat. At first, I also thought each one was from a different sender, but when I found the third threat in your room yesterday, I suddenly remembered the first two initials—A and M." Turan ni Dhale.
"We were not aware of the existence of Mr. Hilton's older sister. Besides, she's been securely using a different identity. Imagine how hard it is to find someone we don't even know if he or she's really existing."
"Ibig mong sabihin si Angel Lazarte at ang sender ng tatlong threats na 'to ay iisa?" Tanong ko kay Dhale para masigurong tama ang pagkakaunawa ko sa pinupunto niya. Tumango siya ng marahan at sandaling napasulyap kay Ell kaya pati ako ay napatingin din sa gawi niya.
"It was three days ago after I came here when I found out about her real name and her empire."
"Her empire?" Tanong ko na naman.
"Wait..." Napatingin ako kay Dhale na nakakunot, "Where did you get all these information? I mean...look, Ell, I'm not belittling you or what, but...how did you really manage to find a piece of well-secured information about a high-profile person? I mean, we're talking about Angel Lazarte."
Bago pa makasagot si Ell ay naagaw na ng atensyon namin ang paparating na humaharurot na sports car. Awtomatikong napatingin ako kay Dhale. Kita ko pa ang pagbuntong-hininga niya nang pumarada ang kotse malapit sa amin at lumabas mula sa driver's seat si Creid. Hindi na kailangang alamin ang dahilan kung bakit pinagpi-pyestahan ng mga kababaihan ang isang tulad niya.
"Ellisse!" Nalipat ang tingin ko kay Nick nang lumabas siya mula sa shotgun seat. Malawak ang ngiti niya at kumakaway-kaway pa.
"Bakit nandito kayo?" Tanong ko nang makalapit sila. Itinaas pa ni Nick ang dala niyang mga paper bags. "Nag-grocery lang naman kami para sa inyo." I smiled at that. Kahit madaming kalokohan ang isang 'to maaasahan naman siya sa madaming bagay.
"Do you mind if I sit next to you, Madam?" Napatingin ako kay Creid nang kausapin niya si Dhale na parang isa 'tong Reyna.
"What do you call the space on your left, Creid?" Sarkastikong tanong ni Dhale. Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga. Mukhang nasanay na yata si Creid na sinusungit-sungitan lang siya ni Dhale dahil sa halip na mainis ay ngumisi pa ito at naupo nalang sa pwestong tinutukoy ni Dhale. Ewan ko sa dalawang 'to.
"Away-away pa kayong nalalaman, halata namang sabik na sabik kayong magbalikan."
"SHUT UP." Halos magkasabay pang sumagot ang dalawang love birds dahil sa sinabi ni Nick. When their gazes met, mabilis na inirapan ni Dhale si Creid at alam kong ginawa niya 'yon para makaiwas sa eye contact, at ito namang si Creid ay pangisi-ngisi pa na parang masaya pa siyang pinagti-tripan ang ex niya.
"Did you only come here to flirt with your ex, Creid?" Nagkaroon ng katahimikan nang magsalita si Ell. Hindi lang ako ang halatang nagulat dahil sa diretsahan niyang tanong. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Dhale.
"Don't mind the jerk people around, Ell. Anyway, about my question, who's been helping you to investigate?"
"Maka-jerk 'to parang 'di mo naman ako minahal ah." Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Creid na ipakita ang pagiging bulgar niya sa nararamdaman niya kay Dhale. Si Dhale kasi ay masyadong low-key pagdating sa love life at nararamdaman niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya na halatang nafa-frustrate na naman dahil sa presensiya ni Creid.
"Will you please shut up, Mr. Marquez? You're not the one I'm talking to." Tiningnan niya si Ell at naghihintay ng sagot nito sa tanong niya kanina.
"'Yang malandi mong ex ang nagbigay ng lahat ng impormasyon sa akin tungkol kay Angel Lazarte." Magaspang na sagot ni Ell.
Napatingin ako kay Dhale pero nanatili siyang tahimik habang nakatingin kay Creid. Parang binabasa niya ang iniisip nito. Kalaunan ay nagtaas ng mga kamay si Creid na parang sumusuko 'to. "Trabaho lang, Madam. Walang malisya."
"Ang sabihin mo stalker ka lang." Pambabara ni Nick.
"Shut the hell up, Nickolas."
"Oh bakit? Defensive ka agad? Type mo yata talaga 'yon eh si Ms. Lazarte. Alam mo Dhale kung ako sa 'yo h'wag mo ng balikan-----"
"Shut the f*ck up, you----"
"So what did you find out about Angel Lazarte, Mr. Marquez?" Seryosong tanong ni Dhale na nagpatigil kay Creid. Tanging ang paghampas lang ng alon-dagat ang maririnig nang magkaroon ng sandaling katahimikan.
Tumikhim si Creid at umayos ng upo, "Angel Lazarte is the heiress of DZX Gaming Company. She's been running DZX since she was 17 with the help of his father, and later on, became the hidden CEO when she turned 20."
"Sa murang edad pa lamang inaral na niya ang lahat tungkol sa business. Hindi lang 'yon, pati ang mga nangyayari sa mundo ng mafia inalam niya. Ang pakikipaglaban at paghawak ng baril ay naimulat sa kaniya sa kabataan niya. Sinanay siya ni Mr. Hilton sa madaming bagay na hindi karaniwang ginagawa ng isang bata, pero dahil sa mga 'yon ay nabuo niya ang isa sa mga pinakamalakas na samahan na namamahala ngayon sa ilang mga foreign countries." Dagdag ni Nick.
"She needed to use a fake identity to survive. Remember Mr. Baldwin? He's been aware that Mr. Hilton might betray him anytime so in order to keep his right hand to his side, Mr. Baldwin needed something that he could use to threaten Mr. Hilton if ever he would turn against him—it's the latter's Achilles heel. Ang alam ni Mr. Baldwin magagamit niya si Commander bilang kahinaan ni Mr. Hilton pero hindi 'yon nangyari. That explains why Mr. Hilton has been distant from his son all this time. Kailangan niyang palabasin na mas mahalaga sa kaniya ang kayamanan at kapangyarihan kaysa sa anak niya para lang patunayan ang loyalty niya kay Mr. X, para hindi siya patalsikin ng basta-basta dahil kapag nangyari 'yon, masisira lang ang mga plano ni Mr. Hilton na pabagsakin si Mr. Baldwin sa tamang panahon...You should know by now why Angel Lazarte has been hiding her real identity ever since she was a kid."
"Kapag nalaman ni Mr. Baldwin na may anak na babae si Mr. Hilton, posibleng gamitin niya rin 'to laban sa kaniya o di kaya'y patayin."
"Exactly. That's why Mr. Hilton chose to hide his daughter. He couldn't keep both his daughter and son in one place. Mahihirapan siyang gawin ang plano sa gano'ng paraan. He couldn't afford to distance himself from the two while pretending to be Mr. Baldwin's faithful ally. One must become a Royalty while the other one will do the hardships of learning to keep the former in a firm position. It's like a King and Queen helping each other to strengthen their power and Kingdom."
At kung iko-kompara sa chess, si Mr. Hilton ang chessmaster at ang King at Queen ang pinaka-paborito niyang pieces. Ni ayaw niya 'tong ipagalaw dahil sobrang niyang iniingatan.
"Lumaki si Angel Lazarte na dala ang dahilan kung bakit kailangan niyang maging matatag at makapangyarihan balang araw. Bata pa lang siya, alam na niyang may mga taong gustong pumatay sa kaniya at balak puntiryahin ang kapatid niya. 'Yon ang nagtulak sa kaniya parang maging Reyna ng makapangyarihang samahan." Sagot ni Nick.
"And that empire was...named, Fallen." Saad ni Dhale. Mukhang nag-conduct na rin siya ng research tungkol sa usapan namin ngayon.
"Mismo, Madam. Fallen starts with the capital letter F. Remember the threat that was sent to Serpent? It has the initial F...It was the Fallen's doing."
"And why did Mr. Hilton's older sister threaten us? And Ell? What was she trying to do?" Hindi pa halata, pero ako ramdam ko na ang inis ni Dhale.
"Calm down. We don't need to worry about that."
"How could you even say that, Creid? Ellisse has already received three death threats for hell's sake!"
"Cool ka lang, Dhale. Tama si Creid, wala tayong dapat ipag-alala. Malay natin hindi naman talaga seryoso 'yong si Ms. Lazarte sa mga death threat niya. Halata ngang miss na miss niyang makasama 'yong kapatid niya...Ang gusto kong sabihin, bakit naman niya pababagsakin ang samahan kung sa'n kabilang si Komander, at bakit niya papatayin si Ellisse? Siguradong alam niya na si Komander mismo ang makakalaban niya kapag tinotoo niya 'yong pagbabanta niya."
Napatingin ako kay Ell dahil sa huling sinabi ni Nick. Wala man lang siyang reaksiyon. Tahimik lang siyang nakikinig. Anong iniisip mo, Ell?
"Let's just wait for now. The Chief told us to focus on the other cases in the meantime so I'm sure for now, there's no need to spare a room for worries about the threats." Pagpapakalma ni Creid.
"Ito bang mga initials sa bawat threat na natanggap ni Ell ang bubuo sa tunay na pangalan ni Angel Lazarte?" Tanong ko matapos kong pagmasdan ulit ang mga initials.
"Ah, oo nga pala. Ang tunay na Angel Lazarte ay anak ni Venus Georgina Lazarte na dating miyembro rin ng Serpent Gang. Isa si Ms. Venus sa may kahanga-hangang katapatan sa Serpent noon. Hindi niya gustong umalis sa samahan, pero dahil nagdadalang-tao siya noon, napilitan siyang umalis muna sa samahan para masigurong ligtas ang anak niya. Sanggol pa lang si Angel Lazarte ay pumanaw na ito dahil ipinanganak siyang mahina ang puso. Maliban kay Mr. Hilton, Tito Eliazer, at Tita Zerafina wala ng iba pang nakakaalam tungkol sa pagkamatay ng anak ni Ms. Venus. Kalaunan matapos pumanaw ng anak niya ay bumalik siya sa Serpent at doon siya naging miyembro ng white list."
"So that was the history of Angel Lazarte's real identity." Komento ni Dhale.
Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Commander. Sa lahat ng ginawa ng ama niya, makikita mo na kung gaano ito katalino at kagaling sa pagpa-plano para lang mapabagsak ang kalaban niya. Advance lahat. Hindi mo mahahalatang ang mga nangyayari ay planado na at kontrolado niya.
"And you were right, Tanya. The initials from those threats that were sent to Ellisse were the initials of Angel Lazarte's real name...Angel Maxine Hilton. The Queen of Fallen Empire."
"Where is she now?" Napatingin kami kay Ell na ngayon lang ulit nagsalita. Napatingin ako sa ice cream na nasa harap lang niya. Hindi pa 'yon nagagalaw at mukhang wala na siyang balak pang lantakan 'yon dahil tunaw na.
"The last time I saw her, she was in Highstone." Sagot ni Creid.
"Wows, updated ang babaero ni'yong lingkod." Pang-aasar na naman ni Nick.
"T*ng----"
"Follow me, Mr. Marquez." Strikto at seryosong saad ni Dhale bago siya tumayo at umalis. Nang tingnan ko si Creid ay nakangisi na naman siya na parang nanalo na sa lotto nang hindi pa naman tumataya.
"Creid, give me your car's key." Bago pa siya tuluyang makaalis ay napatingin siya kay Ell at alam ko na kokontrahin pa sana niya 'to, pero inilahad na ni Ell ang palad niya. Diretso at nagbabanta ang tingin ni Ellisse kaya walang nagawa si Creid kundi ang iabot ang susi sa kaniya. Bago umalis ay tinapik niya si Nick. Isang tingin lang ay nakuha naman agad nito ang ibig sabihin ni Creid.
"Alam mo, Ell balita ko may magandang tourist spot dito sa probinsiya ni'yo. Gusto ko sanang puntahan kaso 'di ko alam ang daan. Baka naman pwede mong ituro sa akin. Sama na kayo ni Tanya para hapi."
Kinuha ni Ell ang paper bag na inilapag kanina ni Nick sa mesa at sinimulang mangalkal do'n. "What's the use of waze? Use your mind, Nick."
Nagkatinginan kami ni Nick dahil sa sagot ni Ellisse. Napakamot sa batok si Nick at alanganing natawa. "Ano kasi, hindi legit 'yong waze app. Dami kayang nililigaw nun."
"You're just stupid." Napatigil si Nick. Napabuntong-hininga nalang ako. Magra-rason na nga lang kasi itong si Nickolas hindi pa niya maayos. Paano namin mapipigilang umalis 'tong si Ell niyan?
"Anong hinahanap mo, Ell? Gutom ka na ba? Teka, magluluto lang ako." Hindi ko na naituloy ang pagtayo nang sagutin niya ako.
"No need. I found what I was looking for." Napatingin ako sa hawak niya. Ice cream. Napatingin ako kay Nick na napatingin din sa akin, pero nagkibit-balikat lang siya dahil kahit siya ay walang idea kung bakit nakangiti si Ellisse ngayon habang hawak ang large cup ng matcha ice cream. Sa tatlong araw naming pananatili rito ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti.
"Hindi mo sinabi sa akin na gusto mo rin pala ng matcha flavor." Komento ko tyaka ko sinimulang kalkalin ang iba pang laman ng paper bag para maghanap ng maluluto mamaya. Natigil ako nang kunin niya ang isa pang paper bag at may kung ano na namang hinahanap do'n. "Where's the matcha bar, Nick?"
"Ah, oo nga pala. Sorry, Ell wala kaming nahanap."
"Did you go to the store I told you?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.
"Ah...h-hindi na kasi malayo na 'yon dito tyaka kailangan din namin bumalik ni Creid agad sa----"
"Tss. Nevermind."
Okay? What's happening here?
"Ell, ayos ka lang ba?" Maingat na tanong ko dahil kanina lang nakangiti siya ngayon naman nakabusangot na at parang may sama ng loob na kinakain ang ice cream.
"Mukha ba akong okay sa paningin mo, Zethanya?" Natigilan ako nang tingnan niya ako. Hindi dahil masama ang tingin niya sa akin kund hindi dahil nanunubig ang mga mata niya.
"T-teka, Ell, h'wag kang iiyak. Hindi ko naman kasi alam na paborito mo pala talaga 'yong matcha. Kung alam ko lang bibilhin ko lahat para----"
"Just shut up." Tumayo siya at nag-walk out.
Tama ba ang iniisip ko?
"T*ng ina, nakakatakot naman si Ellisse. Kung may baril lang siguro 'yon, inasinta na niya 'yong bungo ko. Pero, teka nga lang, hindi ba avocado ang paborito niya? Kailan pa siya nahilig sa matcha eh lasang damo 'yon."
"That's also my question, Nick."
Kanina ko pa 'yon napapansin. Diretsahan kung sumagot si Ell na parang wala siyang pakealam sa mga term na ginagamit niya basta mailabas lang niya ang sama ng loob niya. At dahil lang sa ice cream nagbago agad ang mood niya. At napaka-imposible na magbago agad ang taste niya sa paborito niyang pagkain.
"Powta! Sabi ko na nga ba!" Tiningnan ko si Nick na halos mapapalakpak pa.
"Are we thinking the same thing?" Tanong ko para masigurong tugma ang iniisip namin.
"Pareho tayo ng iniisip kung iniisip mo rin na ang mga babae talaga ang bilis magbago ng isip, ngayon mahal ka lang, bukas makalawa hindi na." Pailing-iling pa na sagot niya. Napabuntong-hininga nalang ako tyaka tumayo. Kinuha ko ang mga paper bag at iniwan siya.
"Hoy, Tanya!"
Ewan ko sa 'yo, Nick.
"Mga babae talaga ang lakas ng saltik!"
Hindi ko na siya pinansin. Hindi ko namamalayang nakangiti na akong pumasok sa loob ng rest house. I need to ask Ell kung ano ang gusto niyang kainin para sa hapunan.
Ngayon alam ko na kung bakit nitong nakaraang araw ay lagi siyang nakabusangot galing kusina. Ilang beses ko na kasi siyang nadatnang nagbukas ng ref, pero kapag wala siyang nagustuhan sa mga laman nito, nakabusangot siyang babalik sa kwarto. Kapag naman tinatanong namin siya kung anong gusto niyang kainin, ang sagot niya, kahit na ano o 'di kaya ay hindi siya gutom.
Matapos kong ilapag sa countertop sa kusina ang mga paper bags ay kaagad kong pinuntahan ang kwarto ni Ell, pero hindi pa man ako nakakarating ay may tumawag na sa pangalan ko.
"Tanya!"
"Nick?" Hingal na hingal pa siya na parang galing sa marathon.
"S-si Ellisse tumakas."
"Ano?"
Ito na nga bang sinasabi ko. May secret door ba 'tong rest house nila at hindi namin napansin kung saan siya dumaan para makatakas?
Ako ang nababahala para sa kaniya. Hindi ba siya aware sa dinadala niya? Baka kung ano pang mangyari sa kaniya sa daan. I have no choice. Hindi pa ako sigurado, pero kailangan kong tawagan si Kuya Elijah. Ida-dial ko na dapat ang number niya nang may mapagtanto rin ako agad.
Sorry, Kuya Elijah, but I have to keep this from you...for now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top