Chapter 52.8
THIRD PERSON
Kararating lamang ni Mr. Jackson Hilton sa kaniyang pribadong mansiyon. Kaagad naman siyang sinalubong ng mayordomo ng bahay, isang ginang na nasa 70's na ang edad ngunit hindi mapaghahalataan ang katandaan nito dahil malakas parin ang pangangatawan at itim pa ang naka-pusod na buhok. Matipid ang dalang ngiti ng ginang, ngunit bago pa man niya mabati si Mr. Hilton, naagaw na ng atensyon niya ang marahas at matunog na stiletto na nagmumula sa double door ng mansiyon. Isang matangkad at maputing babaeng nakasuot ng pulang fitted dress ang pumasok dala ang salubong na kilay nito, halatang hindi maganda ang mood.
Dala ang malamig na mga tingin, nilingon ni Mr. Hilton ang dalaga. "Did I invite you here?" Tanong niya. Kaagad na nakaramdam ang mga henchmen ni Mr. Hilton sa atmospera ng paligid kaya naman nagsialisan ang mga ito, ang tanging naiwan lang sa malawak na living room ay si Mr. Hilton, ang kaniyang babaeng anak at ang ginang. Mr. Hilton then darted a glance at the old lady as if it's a cue to do what's the latter should do, and so the old lady left.
"Tss" Napailing na lamang ang anak na babae ni Mr. Hilton matapos magsi-alisan ang lahat. Ipinag-krus ang mga braso sa nagmamalaking dibdib nito tyaka tinahak ang couch. Sinundan naman siya ni Mr. Hilton.
"This is not how everything should be supposed to happen. This wasn't the plan, Dad." Reklamo niya.
"What was the plan, by the way?" Innocently, Mr. Hilton asked.
"Are you even serious right now, Dad? Have you not seen what just happened?" Mariing tanong ng anak, tila pilit ipinaiintindi sa ama ang nangyaring bakbakan, kani-kani lamang. Ilang sandali lamang ay dumating ang ginang na may dalang tray ng tea. Maingat niyang inilapag ito sa lamesitang nasa pagitan ng mag-ama bago lumisan.
"Don't ask the obvious. Of course, I have a pair of eyes." Malamig ang pagkakasabi ngunit halata ang pagka-sarkastiko ni Mr. Hilton tyaka kinuha ang tea cup. Napabuntong-hininga ang anak nito, tila nawawalan na naman ng pag-asa na makausap ng matino ang ama.
"Did you just let my brother sacrifice his life for you?... Alright, of course, you did, I mean, did you just let that woman shoot your son?" Tanong niya ngunit hindi sumagot ang ama. Naningkit ang mga mata nito, "You knew it, right?...Did you make an alliance with my brother to set this all up? Everything that happened in Horawoki...was yours and Renzo's plan, correct? Since when did you tell him about that old f*cking X? That you were just playing with Baldwin?"
Sa sunod-sunod niyang katanunangan, nanatiling tahimik at kalmado si Mr. Hilton. Marahas na bumuntong-hininga ang kaniyang anak. "Seriously, Dad? Renzo has been shot by a f*cking german bullet for goddamn's sake. Letting that woman killed my brother is a different matter. You should have had talk to me first."
"Your brother is not dead."
"Unconcious. He's currently unconscious for hell's sake. Currently in a f*cking coma."
"So, what do you want to do with that woman then?" Tanong ni Mr. Hilton na parang hindi man lang ito nababahala sa kalagayan ng anak niyang lalaki.
Napakunot si Angel sa tanong ng ama. Tila nagtataka kung bakit kailangan pa niyang tanungin ang bagay na 'yon gayong maliwanag naman na dapat ang sagot sa mismong tanong nito.
"You dislike her. You must know what to do with her, Dad. Or if you don't then I'll get rid of that woman myself."
"Dislike? When did I even say that?"
Seryoso at diretso ang tingin ng anak sa kaniyang ama dahil sa sinabi nito, "My brother and that woman's relationship is no good. Besides, you dislike stupid people to be part of our Empire...There's no f*cking way for that woman to be part of our clan."
Ibinalik ni Mr. Hilton ang tea cup sa saucer plate at seryosong tiningnan sa mga mata ang kaniyang anak, at sinimulang ibahin ang usapan. "I made an alliance with your brother back when I was in Cuba...That was how our partnership started. That was also the time I told him about Baldwin...And one more thing...Zerafina Lorico was also part of the alliance, and later on, her son joined us when he found out the existence of the real X."
Natigilan si Angel. Sa paga-akala niya'y alam na niya ang lahat ng nagaganap dahil madalas siyang sinasabihan ng kaniyang ama, mayro'n din siyang tauhang tagamanman sa mga pangyayari, ngunit nagawa paring ilihim ng ama niya ang pakiki-alyansa nito sa iba. Her father is really good at hiding secrets. Isang katangiang sigurado ni Angel na namana ng kapatid niyang si Renzo mula sa ama.
Hindi na kailangan pang tanungin ni Angel kung bakit hindi man lang siya sinabihan ng kaniyang ama tungkol dito. Alam ni Mr. Hilton na tututol si Angel lalo na't mapanganib ang planong naganap sa Horawoki, isa pa, kapatid niya ang usapan dito.
"I know you were close with Lorico but I didn't know you planned all of these with them, especially playing that old f*cking Baldwin."
"Old habits die hard...By the way, I forgot to tell you that Ellisse Zerina Lorico is also one of my cards."
Bumuntong-hininga si Angel tila hindi na nagulat pa. Nagpatuloy naman sa pananalita ang kaniyang ama, "Now is time to play our last trump card. Four out of five."
Tamad na sumandal sa couch si Angel nang nakahalukipkip. "I'm not in the mood to play the last card."
"Gather the rest of the members of the dark list. It's time to restore it." Utos ng ama, hindi pinansin ang sinabi ng anak.
"Dad!" Reklamo ni Angel ngunit nanatiling malamig ang tingin sa kaniya ng ama.
"You know what to do, Angel Maxine. Remember, your brother is still busy enjoying his bedtime. It's now your turn. Bring death to life, my little princess."
"Dad!" Sigaw pa niya tila asar na asar sa itinawag sa kaniya ng ama.
"I'm warning you to keep on staying low-key in the meantime. Christopher must know by now who you really are."
"So? I didn't even care about that f*cking old man knowing my real identity. How about my brother? Did you tell him about me?" Tanong niya tila sabik siyang malaman ng kapatid na mayro'n itong nakatatandang kapatid.
"Is that still even necessary?"
Napabuntong hininga si Angel at nanahimik nalang. Tumayo si Mr. Hilton. "Surprise him all you want." Tumalikod na siya at naglakad palayo. Sa sinabing iyon ng ama ay tila napangisi si Angel, marahil alam na nito ang ibig sabihin ng ama.
"Oh, by the way, Dad." Pahabol niya sabay halukipkip. "Do you still have to meet and fake friend that old f*cking Baldwin? I hope you will stop meeting him from now on since you're nothing now but a traitor to his clan."
"Hilton must be so stupid to do that." Pumihit si Mr. Hilton para tingnan ang kaniyang anak. "And correction, I'm not a traitor. I wasn't and I'm not even part of his empire to begin with." Sagot niya na nagpangisi na naman kay Angel.
"I'll be meeting your dark list's knights tomorrow then. I can't make it to the dinner. Just tell my regards to Tita Amelia." Tumayo siya para salinan ng whisky ang rock glass na nasa tabi ng couch na inuupuan niya.
Bahagyang napataas ang kilay ni Mr. Hilton. "I have never seen your presence at our dinners after all. We're not expecting you to join us anyway. You don't need to inform me next time."
"Well, yes? And so? I'm a busy witch, Dad." Maarteng sagot niya sabay lagok ng alak.
"And a busy witch would only join the dinner table with the presence of her younger brother."
Napairap sa kawalan si Angel dahil sa pang-aasar ng ama tyaka siya tumalikod matapos ibaba ang rock glass, "I'm leaving, Dad."
Sa pagtalikod ng kaniyang anak, lihim na napangisi si Mr. Hilton. Mula sa tagong bahagi ng living room, nakadungaw ang ginang. Nasaksihan nito ang pag-uusap ng mag-ama. Siya ang saksi sa mga ganitong eksena sa mansiyon; kung paano nagiging mahinahon si Mr. Hilton sa tuwing kausap ang kaniyang anak na babae at paano nito nagagawang makipagbiruan sa anak kahit na seryoso parin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Napangiti na lamang din siya habang pinagmamasdang mawala ang pigura ni Angel. Paniguradong mas matutuwa si Mr. Hilton kung kasama na rin niya ang bunso nitong anak tulad noong bata pa lamang ito. Ang nasa isip ng ginang.
Serpent's Headquarter
ZETHANYA YUI FELIZTRO
Madaling araw na nang magkakasunod na dumating ang gang pabalik dito sa HQ. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kanina dahil hinihintay ko talaga sila at nag-aabang din ako ng balita. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating sila sa maayos na kondisyon. May mga ilan sa kanilang nakatamo ng daplis ng bala, maliban do'n wala na. Pero ang lubos na pinag-aalala namin sa ngayon ay ang kritikal na kondisyon ni Commander.
Axcel just called me an hour ago. Hindi na sila dumiretso pabalik dito sa HQ dahil do'n muna raw sila sa Filiergo mago-overnight kasama si Nick, Creid at iba pang boys. Ang dumating lang kanina mula sa gang ay sina Jinno, Cyan, Fritz and the rest of the girls. Hindi na sila ang pinag-bantay sa Highstone dahil sa Hilton Empire kumuha ng mga tauhan para bantayan si Commander. Ang sabi ni Axcel utos daw 'yon ni Mr. Jackson Hilton.
Si Axcel ang nag-balita sa akin tungkol sa kalagayan ni Commander at sa iba pang nangyari sa Horawoki. Sobrang daming nangyari, at naganap lang 'to sa loob ng ilang mga oras. Kung tutuusin parang gyera na nga ang nangyari.
Isa pang ikinababahala ko ay si Ellisse. Walang nasabi sa akin si Axcel tungkol sa kaniya maliban sa kasama niya ngayon sina Kuya Elijah at Tita Zerafina. Kung pwede ko lang sana siyang puntahan at yakapin, kaso alam ko na hindi 'yon ang pinaka-kailangan ni Ellisse. Kailangan niya ng space at oras para makapag-isip-isip. Isa pa, kahit naman sino sa aming mga kaibigan niya ang gustong puntahan siya ngayon, hindi rin naman niya kami basta-bastang haharapin lalo na't alam namin na mas gusto niyang mapag-isa sa mga oras na 'to.
Ang akin lang sana h'wag niyang sisihin ng sisihin ang sarili niya dahil sa nangyari kay Commander. Kilala ko si Ellisse at sigurado ako, na 'yon at 'yon ang mararamdaman niya.
Napatingin ako sa pinto nitong infirmary room nang bumukas 'yon at iniluwa niyon si Dhale na malalim pang bumuntong-hininga. Mukhang napagod din sa trabaho niya sa CIT. Halos magdamag ba naman silang nakasubaybay kila Chief at sa gang.
"The girls are all fine." Mahinang wika niya at may kasama pang buntong-hininga matapos mailapag ang kit sa trolley cart tyaka siya naupo sa couch, inihiga ang ulo sa backrest at mariining napapikit. Dahil sa pag-aalala nang malaman niya kaninang dumating na sila Friza, siya na ang nag-prisintang gumamot sa mga sugat nila. Again. Dhale will always be Dhale.
"Hanggang kailan mo ba kakayanin 'yan?" Tanong ko matapos kong ibalik ang atensyon ko sa ginagawa kong pag-aayos ng mga medicine box.
"I'm just sleepy, Tany, alright? Please, don't start." Mahina lang pero may pagbabanta sa sinabi niya. Napailing ako at natawa. Dahil sa reaksyon ko, napamulat siya tyaka ako kinunutan. "What?" Tanong niya halatang naiirita. First time yatang mairita nito sa akin kahit wala naman akong sinasabi na dapat niyang ikairita.
"Hanggang kailan mo ba kasi balak magpanggap na kaya mong wala si Creid sa tabi mo? Bakit hindi mo muna pakinggang 'yong explanation niya. Baka naman kasi-----"
"Didn't you know Creid Marquez, Tanya? He's Creid Macklein Marquez for ASSHOLE'S sake, Zethanya Yui...."
"At sinasabi mo sa akin na kayang-kaya ka niyang lokohin at ipagpalit kay Angel Lazarte dahil siya si Creid." Patuloy ko sa sinasabi niya na ikinatahimik niya. Napabuntong-hininga ako.
Hindi ako sigurado sa mga bagay na gusto kong sabihin kay Dhale pero tingin ko walang mangyayari sa kaniya kung ipagpapatuloy niya 'tong pagpapanggap niya kahit maliwanag naman sa aking hirap na hirap siya kaya naman sinikap kong maging maingat sa mga sasabihin ko.
"Sige, sabihin na nating siya si Creid Marquez. Ang Creid na sobrang tinik sa babae na kayang-kayang magpalit ng girlfriend twice a week. Pero Dhale, mahal mo siya 'di ba? Kahit sabihin nating hindi buo ang tiwala mo sa kaniya sa ngayon, may tiwala ka parin naman sa kaniya hindi ba? Hindi sa kinukunsinti ko o kinakampihan ko si Creid...baka pwedeng pakinggan mo rin ang side niya. You broke up with him without even giving him a chance to explain his point of view. Talagang mahihirapan ka kung hindi mo naman alam ang iniisip niya lalo na kung ano talaga ang nangyari."
Napabuntong hininga siya at napapikit ulit. "Where did you get the courage to convince me, Ms. Feliztro?"
"Hindi ka kasi magaling na pretender. Halata namang nahihirapan ka sa break up ni'yo."
Napamulat siya ng mata at tiningnan ako nang nakakunot, "Every broken hearted person feels the hardship of moving on when the wound is still fresh. And mine's still fresh."
"At sinasabi mo na maghihilom din ang sugat mo? Kailan?"
"Time will tell." Inirapan pa niya ako na hindi naman niya madalas gawin.
"No, Dhale. I can tell." Nakipagtitigan ako sa kaniya pero siya ang unang sumuko.
"Fine. I can't. Happy?" Dahil sa pagka-irita niya ay natawa ako. Minsan lang mairita si Dhale sa aming girls at nakakatawa lang dahil nagkakaganito siya dahil kay Creid. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko kasabay ng pakikipag-usap sa kaniya. "Sinubukan ka na ba niyang kausapin?"
"He's been pestering me the whole time since he came back from his mission. He's really annoying, Tanya. He's been texting, calling, and even sending me three red roses almost every day."
"Kaya naman pala." Napatango-tango ako kaya napakunot siya.
"What is it again?" Naiinis na tanong niya.
"Kaya naman pala nagkakaganyan ka. Bakit? Tumigil na ba siyang kulitin ka?" Sa pag-irap pa lang niya alam ko na ang sagot. "Alam nating dalawa kung gaano ka-busy ang gang sa mga nakaraang oras, Dhale. Kaya h'wag ka munang ma-frustrate kung hindi ka pa nakakatanggap ng text, tawag o bulaklak mula sa kaniya. May bukas pa, okay?"
Mukhang tuluyan na siyang naasar. Tumayo siya't tinalikuran ako. "I was wrong to let you talk to me about my ex."
Napangiti ako dahil halatang naasar siya at dahil 'yon kay Creid. That man really got Dhale Tizuarez.
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng coat ko nang maramdaman ko ang pagba-vibrate ng phone ko.
From: Love
Hope you're already asleep.
Napangiti ako at kaagad siyang tinawagan. Kaagad din naman niyang sinagot.
[And you're still up.]
Mahina akong natawa, "For sure aware ka na sa pinagkaka-abalahan ngayon ng Serpent."
[But still, you need to take some rest.]
Ito na naman ba kami. "Iidlip na ako niyan. Patapos na rin ako rito sa ginagawa ko." Nagkaroon ng sandaling katahimikan at sigurado ako na napatingin si Lucas sa oras kaya gano'n din ang ginawa ko.
[Get a proper sleep, Zethanya, not a nap. I'll fetch you tomorrow. Tawagan mo ako kapag gising ka na. I'll fetch you.]
Ibinaba ko ang phone ko at inilagay 'to sa loud speaker mode para makapagpalit ako ng leather coat. "Hindi ba kita naiistorbo ngayon?"
[What? Not even a second.] Napangiti ako pero natahimik din dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin...
[You got a favor. Say it.] Alam na alam na talaga niya kapag nananahimik ako.
"Pwede ka bang pumunta rito sa HQ ngayon?"
[This early? You want to see me this early, Zethanya Yui?] Kahit na hindi ko siya makita, kilala ko si Lucas at alam ko na nakangisi siya sa mga oras na 'to. [I wanted to see you as badly as you want, love, but first, you need to rest. Get a proper sleep now then I'll fetch you there by noon.]
"Ang sinasabi ko Lucas Aiden Vaughnn ay kung pwede mo na akong sunduin ngayon dito sa HQ papunta sa condo mo. Do'n na ako magpapahinga."
[Tss, you should've told me sooner...Be there in a few minutes. See you, love.]
Napailing nalang ako. Lucas nga naman talaga. Gusto akong dito magpahinga pero kapag sinabi kong sa condo niya ako magpapahinga, willing din naman akong puntahan ng madaling araw dito para lang sunduin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top