Chapter 52.7
ELLISSE ZERINA
"Casper Bautista is the real Mr. X. He's Christopher Baldwin."
"Si Andrei ang inutusan ko para bantayan ka, anak hindi si Casper Bautista. Paano ka mababantayan ng taong matagal ng patay?" Inangat ko ang ulo ko sa sinabing 'yon ni mama. Nanahimik lang ako bago niya itinuloy ang pagku-kwento.
"Matagal ng patay si Casper. Hindi alam ni Christopher na alam namin ang tungkol sa pagkamatay ni Casper kaya malakas ang loob niyang gamitin ang pagkatao nito...Matalik na kaibigan ng papa mo si Casper. Miyembro siya dati ng inner at siya ang kauna-unahang taong nakaalam sa tunay na kulay ni Christopher dahilan kung bakit siya kaagad na iniligpit. Pinalabas na namatay siya dahil sa isang misyon."
"That answers the question, who was the real asshole here...who killed our father...It wasn't Mr. Hilton, it was Christopher Baldwin." Dagdag ni Kuya dahilan nang awtomatikong pag-kuyom ng mga kamay ko at pamumuo ng luha sa mga mata ko.
"Maliban sa Stanford at Horawoki, noon pa man ay isa na sa mga pinakamayaman, pinakamakapangyarihan at pinaka-maimpluwesiyang pamilya ang Hilton at Baldwin. Nirerespeto sila ng lahat lalong-lalo na sa mundo ng mafia...pero, hindi naging hadlang ang estado nila sa buhay para maging malapit sa amin na isang hamak lang naman noong miyembro ng outer. We were good friends back then: Christopher, Eliazer, Jackson and I before Jack met his wife—Margareth Cecilia Aurora Miller—which was my former classmate in high school and my bestfriend. Cecilia was a well-known supermodel when she met Jack. Laki siya sa yaman. She was a strong and independent woman because she was well-trained to be. She must be the heiress of Miller group, but she declined because for her, having her own family with Jack was the best asset she could have...kaya ipinasa niya ang pagiging successor niya sa kambal niya." Patuloy ni Mama.
"Mrs. Cecilia Hilton was killed by the only devil, Christopher Baldwin." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Kuya. Napailing ako kasabay ng pagtulo ng butil ng luha mula sa mata ko. "Pinatay siya ni Baldwin noong nalaman nito na malaking threat si Cecilia sa mga plano niya."
"Sa lahat ng sinabi sa 'yo ni Baldwin na kasinungalingan, isa lang ang pasok sa katotohanan. Siguradong sa kaniya mo nalaman ang tungkol sa kung paano ang pamamahala noon ng Dark Soul at kung anong klaseng grupo 'to...Dark Soul served as the King of the City, and King was throned to protect his people. The group was like a charitable organization during Augustus Habir's generation—the very founder of Dark Soul. Totoo na walang sinusunod na bloodline sa pagpili ng magiging pinuno. The only requirements are wealth and power. Hilton and Stanford were the two Empires who were chosen. One of them woul be the next successor of Dark Soul...Nabubuhay pa lang si Augustus, sinanay na niya si Jackson at Joaquin sa tamang pagpapatakbo ng grupo, pero taliwas si Baldwin sa desisyon ni Augustus...He wanted to be one of the chosens. He resented everyone so he hidenly built a group—the Korbin. He wanted Dark Soul alone." - Kuya
"Plinano ni Chistopher na buoin ang Korbin para maisakatuparan ang plano niya. Sa halip na agad niyang patayin si Augustus at ang mga napili nitong tagapagmana ng grupo, bumuo siya ng plano kung saan unti-unti niyang mamamanipula ang lahat...Nakipag-alyansa siya kay Jackson para patayin si Augustus at lasunin si Joaquin, pero taliwas si Jackson do'n...at kalaunan pumayag din. Hindi dahil namanipula siya kung hindi dahil sinabi sa kaniya ni Christopher na oras na nawala si Augustus at ang karibal ni Jackson na si Joaquin, hindi na kailangang magkaroon ng pamimili kung sino ang karapat-dapat na mamamahala sa Dark Soul...Naging tagumpay ang plano, namatay si Augustus sa tahimik na paraan. Christopher poisoned him, pero nalunasan ang kay Joaquin—salamat kay Doctor Salviejo. Pero naitalaga nang leader noon ng Dark Soul si Jackson bago bumalik ang malay-tao ng kaniyang karibal. Hinayaan lang ni Jackson si Christopher sa lahat ng plano niyang 'yon dahil gusto niyang malaman ang tunay na motibo at mga plano pang gawin ng kaibigan." - Mama
"Baldwin's real motive is to let Jackson be the leader of Dark Soul and let the latter run the organization, making it the strongest and wealthiest among any other group that no one could ever surpass. Sa madaling salita, gagamitin niya si Jackson para palaguin ang Dark Soul pagkatapos ay papatayin niya ito...That was the original plan he made with Korbin that Jackson hadn't been aware of yet, but Cecilia heard it all. 'Yon ang sinasabi ko kanina kung bakit isang malaking threat kay Baldwin si Mrs. Hilton dahil nalaman nito noon ang tunay na pagkatao at plano niya." - Kuya
"Noong nalaman ni Cecilia ang plano ni Christopher, ako ang kauna-unahang sinabihan niya. Hindi ko noon alam kung ano ang dapat na gawin, kung dapat ba na umaksiyon agad, pero malaki ang tiwala ko kay Cecilia noong sinabi niya sa akin ang plano niyang bumuo ng samahan laban sa Dark Soul. Ang samahan ng mga taong nasa white list—and tinawag niyang, Alliance of Peace and Justice. Sinabi ko ito sa papa mo. Gusto kong sumali para suportahan si Cecilia pero ayaw ng Papa mo na mapahamak ako dahil ka-buwanan ko na noon sa 'yo, anak, kaya naman sa halip na ako ang sumali, si Eliazer ang sumama sa grupo. Patago at maingat ang naging kilos ng white list noon. Hindi nagtagal ay sinabi rin ni Cecilia kay Jackson ang tungkol sa whitelist at ang plano ni Christopher laban sa kaniya...It was tragic...dahil noong araw ding umamin si Cecilia kay Jackson, pinatay siya ni Christopher...She was on her way to meet the white list member...Mag-isa lang siya no'n kaya sinamantala ni Christopher ang pagkakataong 'yon para tambangan siya at iligpit...Mikael was only one-year-old when h-his mother died."
I couldn't find the right words to say. Ang marinig ang huling sinabi ni Mama, wala akong ibang magawa sa kinauupuan ko kung hindi ang hayaang dumausdos sa pisngi ko ang mga luhang patuloy na bumubuhos mula sa mga mata ko. I started hating myself...
"Hindi alam ni Christopher na alam na ni Jackson ang tungkol sa plano niya. Sa halip na kaagad bigyang hustisya ang pagkamatay ni Cecilia, nanatiling pinuno ng Dark Soul si Jackson." My mother went on. Pinunas ko ang pisngi kong nabasa ng luha pero walang nangyayari dahil patuloy parin 'to sa pagtulo.
"Your father was being framed by Cecilia's death..." Natigilan ako. Halos walang lakas kong inangat ang tingin ko kay mama na pilit nagpipigil ng luha. "And...J-jackson..."
"Hindi si Mr. Hilton ang nasa likod nun kung 'di ang demonyong si Baldwin. Ang alam ni Baldwin walang nalalaman si Mr. Hilton kaya patuloy niyang pinaikot 'to. Sinabi niya na si papa ang pumatay kay Mrs. Hilton. Pinalabas pa niyang si papa raw ang bumuo sa Alliance of Peace and Justice para pabagsakin ang Dark Soul dala ng matinding inggit niya kay Jackson." Nakikita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya, pero walang-wala 'yon sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.
"You might be asking why...Why did Mr. Hilton do nothing? Why did he choose to remain on his throne letting his friend die?" 'Yon din ang tanong na naglalaro sa isip ko. Diretso ang tingin ko sa mga mata ni Kuya at hinintay siyang magpatuloy.
"He knows that Baldwin is a tough opponent. No matter how powerful and wealthy his Empire was, he couldn't easily take his opponent down. That was why he let Baldwin play him like a fool. Mr. Hilton is waiting for the right time to cut the head of the real devil. Si papa lang ang sinabihan niya tungkol sa plano niya at tungkol sa dahilan kung bakit kailangan niyang manatili bilang anino ni Baldwin at umaktong kanang-kamay nito."
"Bago namatay si Cecilia ay ako, si Jackson at ang papa mo lang ang sinabihan niya ng buong plano ng white list kung paano pababagsakin ang Dark Soul. Akala ko noon, hindi magtatagumpay ang plano niya dahil mahirap kunin ang loob ng mga mafia tycoons na may magandang pakikitungo kay Christopher, pero dahil sa tulong mismo ni Jackson umayon ang lahat sa plano. Siya mismo ang palihim na kumausap sa mga tycoons na iwan ang Dark Soul...You know, nothing is impossible for Hilton. Kalaunan, madaming mafia tycoons ang unti-unting umalis sa Dark Soul kaya nahirapan ang samahan sa makukuhanan ng yaman at kapangyarihan. Matapos ang pag-alis nila, doon pumasok ang lakas ng Mors. Ang outer na pinamahalaan ng papa mo ang tumapos sa mga gang members ng Dark Soul. Sa dami nila, hindi nailigpit lahat kaya madami ang mga miyembro noon ang kabilang padin hanggang ngayon sa Korbin...Dahil sa kakulangan sa yaman at kapangyarihan, unti-unting bumagsak ang Dark Soul hanggang sa tuluyan na itong naging bahagi ng nakaraan. Matapos ang pamamahala ng Dark Soul, doon na nakilala ang iba pang grupo bilang pinakamakapangyarihan at tinitingala hanggang ngayon, ang Serpent at Canis." - Mama
"Serpent being the most powerful and wealthiest mafia organization that no one could ever dare to surpass is part of Jackson's plan. Jackson Fredavien Lee Hilton and Don Joaquin Alvarez Stanford were good rivals when it comes to legal and illegal businesses...And yes, Don Joaquin was aware of his rival's plan though Mr. Hilton didn't inform the former about it...not even a single word. Gano'n kakilala ni Don Alvarez-Stanford si Mr. Hilton...Noong nabalitaan ng Don ang pagbagsak ng Dark Soul, siya mismo ang lumapit kay Mr. Hilton para sa isang alok...Their deal was about the creation of a powerful organization. Stronger than Dark Soul and that was how Serpent Society was built." Nakahalukipkip si Kuya at nakasandal sa pader.
"Elisse...Elijah, anak..." Napatingin kami kay Mama. Huminga siya ng malalim na parang panimula 'yon sa sasabihin niya na siguradong ngayon pa lang din maririnig ng kapatid ko. Walang umimik sa amin ni Kuya. We let our mother went on speaking.
"Noong nalaman ni Christopher na ang Alliance of Peace and Justice ang nasa likod ng pagbagsak ng Dark Soul, nag-utos siya ng mga tao para iligpit ang mga kabilang sa listahan. Hindi niya sinabi 'yon kay Jackson dahil posible na nakakaramdam na rin siyang may plinaplano si Jackson laban sa kaniya; na maaring sangkot din mismo si Jackson sa pagbagsak ng samahan. Hindi kasi kapani-paniwalang ang isang Hilton ay hahayaang bumagsak ang pinamumunuan nitong grupo. Dahil sa hinala niya, gumawa siya ng paraan para subukin ang katapatan ni Jackson sa kaniya...Totoong nag-utos si Christopher ng tao niya para iligpit ang papa ni'yo. It was Jackson...to test his loyalty...pero..."
"B-but what?" May panginginig sa boses ko dahil sa ilang segundong pag-tigil ni Mama. She bit her lower lip to suppress her tears pero nonsense ang ginawa niya dahil tumulo parin 'yon kaya mabilis niyang pinunas. She tried to hide the sadness by giving us her signature warm smile, but even that isn't enough to comfort us right at this moment.
"May hindi pa ba ako nalalaman, Ma?" My brother asked. Kinalma ni Mama ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpilit niyang pag-ngiti at pagpilig ng ulo.
"Inamin ni Jackson sa papa niyo na inutusan siya ni Christopher para patayin siya nito. Jackson had a perfect plan to fake your father's death to save him so he told Eliazer to escape, but your father insisted not to...Si Christopher ang tipo ng tao na oras na may pagdududa siya sa isang tao, gagawin niya ang lahat para patunayan kung tapat ba ito o hindi. Alam ng papa ni'yo at ni Jackson sa mga oras na 'yon na hindi titigil si Christopher kaya sa halip na tumakas, nakiusap ang papa ni'yo kay Jackson na patayin nalang siya para mapatunayan lamang na tapat ito sa kaibigang Baldwin. He would feel honored to die in the hands of his friend for the sake of everyone. Naniniwala ang papa ni'yo na sa kanilang dalawa, si Jackson ang may kakayahang pabagsakin si Christopher sa tamang panahon kaya ayos lang sa kaniya na mamatay siya at maiwang buhay si Jack."
"Y-your father..." Napapikit ng mariin si Mama, nahihirapang ituloy ang sasabihin. Sa nakikita kong emosyon mas lalong nati-triple ang bigat ng emosyong dala ko ngayon.
"Bago mamatay ang papa ni'yo, nakipagkita siya kay Jackson. Alam ni Christopher 'yon dahil sinabi mismo ni Jackson sa kaniya ang plano kung paano niya ililigpit ang papa ni'yo. Duda parin si Christopher kay Jackson kaya nag-utos siya ng tao para sundan ito...Your father was aware that Christopher might order someone to tail Jackson that night, and Jackson isn't dumb as well not to notice it."
"Sinasabi mo ba, Ma na...si Mr. Hilton talaga ang pumatay kay Papa?" Nanginig ang labi at mga kamay ko sa tanong ni Kuya.
Umiling si Mama, "Jackson has already prepared his men to capture your father in the place where they would be meeting para idala ito sa ibang bansa. Kayang pumatay ni Jackson ng kahit na sino, sa kahit saan at sa ano mang paraan, pero hindi niya kayang pumatay ng tunay na kaibigan. Alam 'yon ng papa ni'yo pero kailangan niyang kontrahin ang gustong gawin ni Jackson noong gabing 'yon...Jackson was already aiming his gun to your father, but it was only an act. Alam niyang nakabuntot parin sa kaniya ang taong inutusan ni Christopher para manmanan siya. The man was behind your father, meters away. Sa lalaki talaga nakatutok ang baril ni Jackson...Jack was ready to pull the trigger, but little did he know that your father has ordered someone to kill himself...before Jackson's men came out to capture him off to escape, Eliazer was already lifeless." Napayuko si Mama at patuloy sa pagpupunas ng luha sa mga mata.
"Sniper ang inutusan ng papa ni'yo kaya hindi 'to napansin kaagad. Lumabas na si Jackson ang bumaril sa noo ng papa ni'yo. 'Yon ang alam ng taong inutusan ni Christopher at 'yon ang ibinalita niya...Masakit man isipin, pero sa parte ng papa ni'yo, tagumpay ang naging plano niya. He died. He left Jackson to end all of this once and for all."
"Sinong pumatay kay papa? Isa ba sa mga dating miyembro sa outer?" Tanong ni Kuya na parang ano mang oras ay bubunot ng baril at aalis para puntahan ang taong inutusan mismo ni papa para patayin siya. I kept on my seat as I let the tears fall. Ano pa bang magagawa ko kung hindi umiyak at hayaang manghina?
"Desisyon 'yon ng papa ni'yo, anak. Mahirap mang tanggapin pero kailangan nating i-respeto ang ginawa niyang sakrispisyo para matapos ang lahat ng 'to." Umiiyak na sagot ni Mama.
"Just tell me his name." Matigas na saad ni Kuya. Wala na akong pakealam kung humihikbi na ako.
"Genesis Chua. Isa sa mga miyembro sa white list. Kasama siya sa mga ipinapatay ni Christopher noong araw ring namatay ang papa mo."
"Did...did Renzo...know all of this...Lahat ng plano ng ama niya?" Halos walang boses kong tanong. Magkasabay pang napatingin sa akin sina Kuya at Mama.
"Alam niya, anak pero hindi ko alam kung kailan pa niya nalaman." Nagbuga ng malalim na buntong-hininga si Mama. "Plano lahat ni Mikael ang nangyari sa Horawoki. Ang makipagpalit ng pwesto kay Jackson. Isa pa, hindi si Casper Bautista ang ka-meeting niya. Hindi mo ba nakilala ang taong kausap niya?"
"What do you mean it wasn't Casper Bautista?" Naguguluhang tanong ko.
"Si Tyler 'yon. He was in a disguise. Naka-focus ka sa pagpatay kay Mr. Hilton kaya hindi mo na napansin." Sagot ni Kuya na nagpatahimik sa akin dahil naipamukha na naman ang katangahang ginawa ko. Ang kagustuhang iligpit ang taong inakala kong pumatay kay papa.
"Casper Bautista...Where was he that time then?" I asked. May contact pa kami that time kaya kampante ako at sigurado akong siya ang ka-meeting ni Renzo sa Horawoki.
"According to my source, he was on Hanteigh's rooftop when the shooting on the VVIP room started. He wanted Mr. Hilton's son dead."
"Kasinungalin ang lahat ng sinabi sa 'yo ni Christopher, anak para manipulahin ka. Alam niyang magagamit ka niya para maisagawa ang plano niyang pagpatay kay Jackson at kay Mikael."
Wala akong masabi sa huling sinabi ni Mama. Kung nauubos lang ang luha, siguro kanina pa ubos ang akin.
"Taliwas kami ng Kuya mo sa plano ni Mikael na hayaan ka sa gusto mong gawin dahil inakala mong si Jackson ang pumatay sa papa ni'yo."
Napakunot ako dala ang mga luha sa mata ko, "That was....his plan?"
"Makikinig ka ba sa kaniya kapag nakiusap siya sa 'yong h'wag kang magpadalos-dalos sa gagawin mo? Maniniwala ka ba kapag siya mismo ang nagsabi na hindi ang ama niya ang pumatay kay papa?" Wala akong maisagot sa mga tanong ni Kuya. "There's no way you would believe anyone, Ellisse. Si mama nga at ako na kapatid mo hindi mo pinapakinggan dahil 'yong alam mong tama lang ang pinaniniwalaan mo. No one could stop you so we had no choice but to let you do what you want until you would realize that you're taking the wrong side. Do'n ka lang matatauhan, and now look at what you did. Kung hindi tayo umabot sa puntong 'to, siguradong hindi ka makikinig at gagawin mo parin kung ano ang akala mong tama."
"Elijah, anak, tama na."
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Mama at paghagod niya sa likod ko. She pulled me for a hug at doon na ako humagulhol ng humagulhol.
Hindi masakit ang matalo sa isang laro kung alam mong ginawa mo ang lahat para manalo, pero sa pagkakataong 'to, sobrang sakit dahil alam kong natalo ako dahil ginawa ko ang lahat sa maling paraan para manalo sa labang inakala kong dapat at tama lang na ipaglaban.
I chose the wrong side. I almost killed the person who tried to save my father—na inakala kong pumatay sa ama ko...and what's more heart-shattering is the fact that I was the one who summoned death for the man I love—the only person who's always there to protect me since day one.
"I'm...sorry...I'm so sorry..." Humihikbi kong paghingi ng tawad sa lahat ng katangahang nagawa ko.
Gusto kong tumakbo palabas ng kwartong 'to para puntahan si Renzo, pero wala akong lakas ng loob o ni pisikal na lakas para tumayo man lang. Nagi-guilty ako ng sobra-sobra. Nasasaktan ako at galit na galit ako sa sarili ko.
I can never forgive myself if he dies because I know there's no one to blame here but me. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay oras na nawala siya sa buhay ko.
Hindi ko 'yon kaya, kaya please lang...Please lang, Mikael Lorenzo...H'wag na h'wag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top