Chapter 52.6


Highstone Hospital | Present....

ELLISSE ZERINA 


As much as I know, besides having fast reflexes, Fritz Gaverlon has disquise prowess. Mabilis siyang makaramdam sa paligid kung may mga kalabang umaaligid. Magaling siyang mangilatis kung ang isang tao ay nagpapanggap o totoo sa sinasabi o sa galaw nito. Everybody knows how good he is when it comes to reading a person. 


That explains why he was the one who accompanied me in the hospital. Posibleng si Tyler ang nag-utos sa kaniya para bantayan ako dahil alam niyang gagawa't gagawa ako ng paraan para makatakas. He thought Fritz must be the perfect guy to keep an eye on me since the latter has the capability to guard me whole-timed, but that's not what happened. 


Kaninang nakiusap ako kay Fritz na magpahangin, ramdam ko na hindi niya ako gustong palabasin ng kwarto o bumaba man lang ng hospital bed. Well, I wasn't lying that time. Sa dami ng nangyari, sobrang daming tanong ang bumabagabag sa isip ko at hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga 'to. I just wanted time alone to process everything. 


When he told me that my brother just called at sinabi nitong h'wag akong hahayaang umalis hangga't hindi siya nakakarating sa hospital—I really wanted to ask Fritz how's my brother and my mother, but I suppressed myself. Letting my emotion consumes the remaining bravery I have is the last thing I want to do. Hinayaan ko nalang din si Fritz na sundan niya ako sa labas. 


Paulit-ulit kong iniisip ang lahat. Kung paano ako humantong sa sitwasyon na 'to, kung paanong kailangang isakripisyo ko ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—si Renzo. I wasn't expecting his presence in the Horawoki, pero alam ko ang dahilan kung bakit siya ang nando'n at hindi si Jackson Hilton. He must save his father, the King of Hilton Empire. Hindi ko lang inasahan na buong puso niyang isa-sakripisyo ang buhay niya para lang protektahan ang ama niya. He knew I was the one who's going to kill him. He knew it crystal clear, pero hindi man lang siya nagdalawang-isip na harapin ako...and d*mn him! He could even utter I love you right after I pulled the trigger. D*mn you, Mikael Lorenzo. 


Hindi ko alam kung ilang beses kong pinunas ang luha ko. Wala na rin akong pakealam kung sino ang makakita sa akin dito habang humahagulhol ako. I thought I have already understand the reason why Renzo must chose to protect his father. Pilit kong iniintindi pero hindi ko alam kung paanong pag-intindi ang gagawin ko. Simula pa lang hanggang ngayon isa lang ang maliwanag sa akin. I can never tolerate the devil whoever he is...even if he is the father of the man I love. I know I can't be whole after this, but I'd rather be shattered for doing the right thing than choose love and be stupid forever. 


Even before this war begins I know that I can't choose both justice and love. I must avenge my father. I must avenge those innocent people who were killed by the devil. Alam kong ang ginagawa ko ngayon ay hindi na kailanman mabubuhay ang mga patay, pero hangga't nabubuhay si Jackson Hilton, mas madami pang tao ang makokontrol niya at mas madami pang buhay ang posibleng mawala. I can't afford that to happen. Not again. This is the time where everything must end. 


Pinunas ko ang luha ko hanggang sa ilang sandali lang ay naagaw ng atensyon ko ang tunog ng mga sasakyan sa kaliwa ko. Mula sa hospital garage, sunod-sunod ang paglabas ng mga van at ilang mga ambulansiya. Wala na akong panahon pa para alamin ang dahilan. I darted a glance to Fritz, ang buong atensyon ay nasa mga sasakyan din. Hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo't umalis na sa bench na kinauupuan ko bago pa niya ako mapansin. 


Sa pagtakbo ko, isang tao ang kaagad na naisip ko. Casper Bautista. He was in the VVIP room with Renzo. Did he make it alive? I don't have my phone, wala akong wallet at tanging 'tong hospital shirt and pajamas lang ang suot ko. Habang lakad-takbo ako ay palingon-lingon din ako sa likod para tingnan kung nakasunod si Fritz hanggang sa matanaw ko ang isang store na may telepono. Tiningnan pa ako ng tindero mula ulo hanggang paa. D*mn! He must be thinking I am a d*mn crazy woman who just escaped from mental hospital. Wala na akong panahon pang magpaliwanag. Sinulyapan ko ang telephone na nasa ibabaw ng glass storage at bago pa man niya makuha 'yon ay naunahan ko na siyang hablutin 'to tyaka ako kumaripas ng takbo. Rinig na rinig ko pa ang sigaw niya ng "magnanakaw" at paghingi ng tulong sa iba kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. D*mn it! Kinailangan ko pa talagang magnakaw. Tss. 


Tumigil ako sa makipot na eskinita para do'n magpahinga. I-dinial ko rin kaagad ang numero ni Mr. Bautista, nagbabakasakaling may sasagot pa sa kabilang linya. Naka-ilang ring na pero walang sumasagot. Ilang beses ko pang sinubukang kontakin siya pero puro ring lang 'to. I heaved a sigh. I have no choice but to go back in Highstone to get my phone. Nakita kong nakapatong 'yon kanina sa bed side table kaya sigurado akong nando'n padin. 


Naging maingat ako sa pagbalik ko sa hospital dahil baka nandito parin si Fritz. I wasn't wrong when I saw him entering the elevator pero tumigil din siya nang magbukas ang pinto. I hid myself in a vacant room habang nakasilip sa hamba ng pinto kung saan kita ang direksyon kung nasaan sina Fritz, Axcel and Patricia. Why is she here? Isn't she a Canis? Mukhang may pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig dahil medyo malayo-layo rin sila. Hinintay kong makaalis sila bago ko tinahak ang elevator kung saan sila galing. Tanda ko pa ang daan papunta sa kwarto ko kaninang lumabas ako para magpahingin. It's a VVIP room kaya sa pinakataas 'yon. 


Fritz, Axcel, and Patricia must be on their way to find me. Little did they know that I am here. Tahimik at naging alerto ako sa pagkuha sa phone ko sa kwarto dahil baka may biglang pumasok. Nakahinga lang ako ng maluwag nang marating ko ang fire exit. I opened my phone at bumungad sa akin ang ilang mga text messages mula kay Kuya, pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang limang missed calls mula kay Mr. Bautista. D*mn! Thank he's alive. Ida-dial ko palang sana ang number niya nang makatanggap ako ng tawag at galing 'to mismo sa kaniya kaya agad kong sinagot.


[Where are you, Ellisse? Ayos ka lang ba?]


"I'm fine. I need your help." Diretsang sagot ko dahil wala na akong oras para magpaliwanag pa. 


[I'm sorry, but this is not the right time to continue the plan, Ms. Lorico.] Napabuntong-hininga ako dahil sa pormalidad sa tono ng boses niya.


"Nasa Highstone ako. This is our only chance to-----"


[Dinala si Lorenzo riyan.]


Natigilan ako sa sinabi niya. Renzo's here? Sina Axcel ba ang nagdala sa kaniya rito? Naalala ko bigla ang mga van at ambulansiyang nagsilabasan kanina. Don't tell me, mga pasyente ng Highstone ang laman nun at ililipat nila sa ibang hospital?


[I don't have time to explain, but I think you must talk to him first-----]


"No. This is the only chance we have, Mr. Bautista. Kung nandito si Renzo siguradong pupunta rin dito si Jackson Hilton para tingnan ang kalagayan ng anak niya." 


[That's the point, Ellisse. Tingin mo ba pupunta ng walang bantay si Mr. Hilton sa hospital? You can't attack him-----]


"Bring me guns and ammo....and clothes too. I'll be waiting." 


Pinatay ko na ang tawag bago pa siya may masabi. I messaged him the location where he could meet me. Halos labing limang minuto rin ang hinintay ko bago may kumatok sa pinto ng lumang storage room kung nasaan ako. Hindi ko agad binuksan ang pinto dahil baka....


"It's me." I twsited the knob with no hesitation when I heard Mr. Bautista. Hawak niya sa kanan ang paper bag na naglalaman ng damit at sa kaliwa naman ang itim na attache case na siguradong naglalaman ng mga armas. 


"I almost die sneaking in." Sarkastikong saad niya bago inabot sa akin ang mga dala niya. 


"Thanks." Kinuha ko ang mga 'yon bago isinara ang pinto nang walang pasabi. Nagbihis kaagad ako pagkatapos ay inayos ang baril na gagamitin ko. 


"You should talk to Lorenzo, Ellisse." Rinig kong saad ni Mr. Bautista na nasa labas. Itinuloy ko lang ang paglalagay ng ammo sa magasin. 


"Why are you so hard to convince?" Tanong niya matapos kong ikasa ang baril. Kinuha ko ang extra gun sa attache case, dalawang knives na isinuksok ko sa thigh holster ko. Tinahak ko ang daan papunta sa pinto tyaka 'to binuksan. Nasa pader nakasandal si Mr. Bautista. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. I sighed.


"To answer your question...I'm just so hard to convince and that's who I am, so you should stop asking me to end this because you know that I won't." 


Ilang segundo pa ang nagdaan bago ko binawi ang tingin ko at naglakad na palayo. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya o kung plano pa ba niyang samahan ako. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. 


"If you badly want to end this then you must kill Jackson Hilton now..." Tumigil ako sa paglakad at hinarap siya. He stopped following me as he went on speaking, "Right after this...I won't accompany you again at all, Ms. Lorico. This is your last." Inabot niya sa akin ang baril na pamilyar ang marka sa hawakan nito. The gun with the german bullet. Tiningnan ko siya sa mga mata bago ko kinuha ang baril sa kamay niya at naglakad na palayo. Hindi ko na naramdaman pa ang pagsunod niya. 


Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang isipin si Renzo. Tumigil ako para kalmahin ang sarili ko. As much as I want to see him, I can't. Pinunas ko ang luhang tumulo at paalis na sana nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng pants ko. I took it out and I was surprised when I saw Rix's name. It was a message from him. 


Nasa OR si Lucifer


Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong humakbang papunta sa lugar kung nasaan siya pero traydor ang mga paa ko. Nag-unahan na ring tumulo ang luha mula sa mga mata ko. D*mn it! D*mn! Why am I even crying right at this moment? Why am I still worried about the son of the person who killed my father? And why am I even asking the obvious? Stupid, Zerina. Stupid. 


Nakatingin lang ako sa pinto ng operating room. Walang bantay sa labas kaya wala akong pakealam na nakatayo rito habang hinahayaang mabasa ng luha ang pisngi ko. What did I do wrong, Renzo? Ginagawa ko ang alam kong tama pero bakit parang kinokonsensiya mo ako ngayon? D*mn you! Is this why you sacrificed your life? To hurt me? Is this your f*cking way to stop me you asshole? 


Ikinuyom ko ng mahigpit ang mga kamay ko. No. I can't let you stop me. Not now, Mikael Lorenzo. You will be fine. I know, you will be fine.


Kahit na hirap ako ay tinalikuran ko ang pinto at pinilit na ihakbang ang mga paa ko palayo sa lugar. Walang akong papupuntahan kung magpapadala ako ng emosyon ko. 


Pinili kong tahakin ang daan pababa para do'n abangan si Jackson. Sa halip na gumamit ng elevator ay sa hagdanan ako dumaan. Siguradong ano mang oras ay mapupuno na ng mga armadong bantay ang buong hospital. Jackson Hilton must send men from their Empire to protect his son. 


"'Di ka man lang ba napapagod?" Natigilan ako at halos muntik ko ng makalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko nang biglang magsalita si Rix pagkaapak na pagkaapak ko sa third floor. Nakasandal siya sa pader na mukhang hinihintay talaga niya ako. Ibinaba ko ang pagkakatutok ko at tiningnan siya sa mga mata. "What do you want?" 


"'Di mo man lang tatanungin kung kumusta ako?" Tanong niya. I rolled my eyes and before I could even answer his stupid question, naunahan na niya ako. "Buti naman pumunta kang OR." 


"I'm not here to talk to you, Rix." Paalis na ako pero nagsalita na naman siya. "'Di ka man lang nako-konsensiya sa ginawa mo kay Lucifer?" Diretso ang tingin niya sa akin at ayoko na pati siya ay dumagdag pa sa pangongonsensiya sa akin. Hindi na ako nag-abala pang sumagot at tinalikuran na siya.


"Ito ba talagang gusto mo, Ellisse?" He asked which made me stop from walking away. "Don't ask the obvious, Beaurix...and please don't you dare stop me from killing the King of Hilton. If you ever try to ruin my plan, I'll make sure you will regret it for the rest of your life."


"'Di kita pipigilan kasi alam ko namang hindi ka papapigil. Ang akin lang, sana isipin mo ulit kung bakit kailangang humantong ang lahat sa ganitong sitwasyon." 


Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang mga yabag niyang palayo sa akin pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi bago tuluyang umalis. "Siguro magiging sapat na dahilan ang pagkamatay ni Renzo para tumigil ka. Hindi mo man mapatay si Jackson Hilton, hindi pa ba sapat na nailigpit mo ng walang kahirap-hirap ang anak ng taong pumatay sa ama mo? Hindi pa ba sapat na ikaw mismo ang pumatay sa taong mahal mo kapalit ng hustisya sa pagkamatay ni Tito Eliazer?" 


Napapikit ako ng mariin. Not even Rix won't stop me from this. Alam kong minamanipula niya lang ako sa pamamagitan ng pangongonsensiya sa akin. Renzo won't die. He's a Hilton. He won't die. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Bumagsak ang luha ko pero hinayaan ko lang 'to. Mabigat ang puso kong tinahak ang daan papunta sa destinasyon kung saan ko aabangan si Jackson Hilton. 




3:00 AM 


Wala akong tulog buong magdamag pero hindi ko inabalang magpahinga dahil hindi ko rin naman maramdaman ang antok, pagod o gutom. It's as if the exhaustion was filled by the lust to avenge my father. 


Halos kalahating oras akong naghintay bago sumapit ang alas-tres ng madaling araw. Nang makatanggap ako ng message mula kay Mr. Bautista ay kaagad ko itong binuksan.


He arrived. I think it's better to corner him on the VVIP section. I'm on my way there too. 


Ikinasa ko ang baril na hawak ko bago ako lumabas ng bakanteng kwarto at tinahak ang daan papuntang elevator. My plan was to corner him on the ground floor, pero mukhang mas kailangan kong sundan ang suggestion ni Mr. Bautista dahil siya ang mas nakakaalam sa disposisyon ni Jackson ngayon. I don't know how many men he brought with him. 


Mr. Bautista informed me earlier that he would take the ground floor and disguise himself as a doctor para do'n abangan ang target namin. He even wore a white coat to disguise for sure dahil kung pasyente madali lang siyang mapapansin ng tauhan ni Jackson. There are no longer patients here anyway so there's no sense if Mr. Bautista would disguise himself as a patient sitting on a d*mn wheelchair, carrying his dextrose stand. 


Pagdating ko sa VVIP section ay kinailangan ko pang tahakin ang malawak na waiting lounge. I hid myself on the information desk na naiwang walang bantay. Napakunot ako. Why there's no one here? Walang tao pero iba ang pakiramdam ko sa paligid ko. Para bang ano mang oras ay may susulpot na kung sino sa likod ko. Sa kabila ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam ay tinahak ko ang hagdananan paakyat sa isang private office na sakto lang ang taas katapat ng elevator sa baba. I can easily shoot him here. Nagtago ako sa gilid kung saan hindi ako kaagad mapapansin pagbukas ng elevator. 


Hinigpitan ko ang hawak ko sa baril. This time, it must be Jackson Hilton. 


Kakaibang kabog ng dibdib ang naramdaman ko nang marinig ko ang tunog ng elevator, hudyat ng pagbukas nito. Itinutok ko ang baril sa direksiyon ng pinto. Parang naging slow-mo ang pagbukas ng pinto ng elevator hanggang sa maging maliwanag na sa paningin ko ang pigura ng taong kanina ko pa hinihintay. 


I was about to pull the trigger when someone grabbed the gun from behind at mahigpit akong ikinulong sa mga braso niya. Sunod-sunod na mga putok ng baril ang narinig ko sa paligid. Kita ko pa ang pag-alis ni Jackson sa pwesto niya. Tumakbo 'to pakaliwa na may hawak na baril. Gano'n din ang mga lalaking kasama niya. 


What the hell is happening? Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko magawa sa higpit ng kapit ng pagkakakulong ko sa braso ng lalaking nasa likod ko. Hawak niya ang baril ko at sunod-sunod ang pagpapaputok na ginawa niya sa iba't ibang direksyon. 


"Kailan ba lalambot 'yang bungo mo, Ellisse Zerina?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang marinig ko ang boses ni Kuya. Aktong lilingon ako nang bigla niya akong pakawalan pero mabilis niyang nahuli ang braso ko at mahigpit 'yong hinawakan at hinila palayo. 


"What the hell are you doing here?! How did you-----"


"What a slow-witted Knightress you are my dear sister." Nang-aasar ang boses niya habang pababa kami ng hagdanan. Nagkalat ang mga bangkay ng mga armadong lalaki sa baba. 


"All cleared." Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Althea. May hawak siyang baril. Sumunod na dumating si Gingerly. 


"Royal Kightress!" And Novaleigh was running pero hinila ni Friza ang braso nito bago pa siya makalapit sa pwesto ko. What the hell is happening? Napatingin ako sa left corridor nang matanaw ko ang mga armadong lalaki na palapit sa pwesto namin. "D*mn!" I was about to pull my gun from my holster when my brother tightened his hand holding mine, stopping me to shoot. Napakunot ako. 


Na-doble pa ang pagkunot ng noo ko nang sabay-sabay na humarap sina Friza sa gawi ko at pati si kuya na nasa tabi ko ay humarap sa taong nasa likod ko sabay tungo nila. Can someone tell me what the hell is going on here? Dahil sa labis na kyuryusidad ay humarap ako sa taong nasa likod ko. Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. 


"This must be the part where you should be declaring, 'Checkmate, Mr. X." Malamig ang mga tingin niya. Blanko ang ekspresyon ng mukha niyang nakatingin sa akin. Parang awtomatikong nanguyom ang mga kamao ko at bago ko pa man mahugot ang baril sa holster ko ay isang tao ang natanaw ko sa likod ni Jackson Hilton palapit sa amin. 


"Ellisse, anak!" My mother's running to us with a gun in her hand. And when she reached us, I saw how her eyes turned red with tears forming in them. 


"This is not yet the time for drama, Zerafina." Jackson Hilton said. My mother sighed and stayed beside Mr. X. 


Now, who wants to tell me what the f*ck is going on? Bakit nakatayo si Jackson Hilton sa harapan ko? Why everyone's bowing before him na parang isa siyang santong karapat-dapat na igalang? Why are they acting like this devil never exists? Nakalimot na ba sila mama at kuya na ang taong pumatay kay papa ay walang iba kung hindi si Jackson Hilton? 


Mabilis kong hinugot ang baril sa holster ko pero bago ko pa man 'yon makalabit ay natabig na ni kuya ang kamay ko. "Pwede bang kumalma ka muna, Ellisse?!" Sigaw niya at tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umatras ako at umiling. Hindi ko makapaniwalang tiningnan si Mama bago tiningnan si Kuya. 


"How could you even forget that this man...." I pointed to Jackson and wished I could kill him with a deadly stare "...this f*cking devil killed my father!" I spit like poison. 


"Are you trying to repeat the history again, Ma? How many more lives will be perished with the evil hand of this man? How long will you let him reign a f*cking corrupted Empire? Magiging duwag na naman ba kayong tapusin ang ka-gaguhang sinimulan at patuloy na ginagawa ng demonyong 'to?" 


"Your words, Ellisse." Seryoso ang pagkakasabi ni Mama kaya natawa ako ng sakastiko. "So now, you're on his side, playing what huh? Playing the servant role? Oh come on!"


"Let's wrap things up first here. Magpapaliwanag kami mamaya." I looked at my brother with a disappointed glance. "What else do you need to explain? Everything is right here. Hindi ako tanga para hindi makita ang nangyayari ngayon, Kuya."


"Hell no! Behind you, Mrs....." 


"P*tang ina!" 


Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko matapos sumigaw ni Althea at Friza. Maliwanag pang nakita ng mga mata ko kung paano hinila ni Jackson Hilton ang braso ni Mama papunta sa likod nito habang patuloy ang pagkalabit niya ng gatilyo ng baril sa direksyon ng mga armadong lalaking bigla-bigla nalang sumulpot sa likod nila, ilang metro ang layo. 


Tumigil ang pagpapaputok ng baril nang magsitumbahan ang mga lalaki. Isang lalaki ang naiwang nakatayo sa hallway. Kahit na malayo ay nakangisi ito. What the hell? 


"How unfortunate...In the end, you chose the wrong path, Ms. Lorico." Halos hindi ako makapagsalita. Casper Bautista...What the hell is he doing? He must be on our side, not Jackson Hilton. 


"You're on my f*cking way, f*cking old man." I heard someone behind him. And he was too late when the woman started to shoot. 


"Mr. Baldwin!" Then another woman came out from the left corridor, kasunod niya ang mga armadong lalaki na nakipagpalitan na rin ng putok ng baril. 


Hinugot ko na rin ang baril sa holster ko at nagsimulang paputukan ang mga kalaban. I didn't know how long it took us before the shooting ends. Ang huling nasilayan ko dahil abala ako sa pag-iwas ng mga putok ng baril ay ang pag-akay ng isang babae kay Casper Bautista palayo sa lugar. 


The woman who was carrying Mr. Baldwin took a glance in my direction. She still carries her coldness in his expression. "Claire David," I whispered. 



"Anak!" Hindi ko na namalayang nakalapit na si Mama sa akin. Nakayap ng mahigpit. Casper Bautista....Jackson Hilton...The one who saved my mother was Jackson. I saw it. How could....


I was only taken aback when a woman stood right behind my mother. She was the one who shoots Mr. Baldwin. She's wearing red matte lipstick matching his below-knee, fitted, red turtle-neck dress but has a long slit on its side kaya tanaw parin ang makinis at maputi niyang hita. Blanko ang ekspresyong dala niya pero halata sa mga mata niya ang talim ng tingin niya. That menacing glare looks very familiar. 


"Angel Lazarte" Wika ko, pero isang nakalolokong ngisi ang pinakawalan niya. And that smirk reminded me of someone. Naging seryoso rin ang mukha niya ulit. And now that I kept staring at her....I realized that she is somewhat....


Rinig ang tunog ng suot niyang stiletto nang humakbang siya palapit sa akin. "Angel." Jackson Hilton spoke as if it was a warning to whatever this Lazarte is planning to say or do. Hindi niya pinakinggan si Jackson Hilton. She's still looking at me, directly in my eyes. She leaned a little closer to reach my ear and whispered, "If something bad happens to my brother...I will summon death myself and take you to your own grave...Alive, Ms. Lorico." Lumayo siya ng kaunti at tiningnan ako sa mga mata, "Mark my f*cking words, you idiotic witch."


And she left followed by Mr. Hilton. Brother? And Mr. Hilton is her father? I didn't know Renzo had a sister. I didn't know that all this time I was with the real enemy....I didn't know that this is how the table turns. Parang naging blanko ang isip ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.


"Now, let's talk, Ellisse Zerina." Naunang naglakad si Kuya. Inalalayan ako ni Mama at nagpatianod lang ako sa pag-hila niya sa akin sa kung saan. Hindi ko alam kung nasaan kami, basta ang alam ko ay pumasok kami sa isang kwarto, naupo ako sa isang silya at hinayaan ang sariling tumingin sa kawalan.


"Now, try to understand it yourself, Ellisse. Everything. Everything you did." That was the first line of my brother, but I didn't have the courage to speak at all. 


Tanging pagtulo lang ng luha ang nagawa ko sa ilang segundong katahimikang nanaig sa apat na sulok ng silid kung nasaan kami. I just let him speaks. 


"Casper Bautista is the real Mr. X. He's Christopher Baldwin." 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top