Chapter 52.5
Korbin's Main Base | 15 minutes before the explosion in Frinvalley Island
THIRD PERSON
Mula sa mahabang hapagkainan tila isang Hari sa kaniyang kaharian si Mr. X habang marahan niyang hinihiwa ang steak sa kaniyang plato. Tanging ang tunog lamang ng kubyertos ang maririnig sa malawak at may kadilimang hapagkainan. Wala man lang ni isang tauhan ang umaaligid sa tabi niya o mga kasambahay na naghihintay sa sulok upang matapos siya sa pagkain. Gayunpama'y, isang maliit na device ang laging nasa tabi niya. Pipindutin lamang niya 'yon sa tuwing may iuutos sa mga tao niya.
Matapos maisubo ang maliit na bahagi ng steak, marahan niyang pinunas ang labi niya gamit ang table napkin na hindi nawawala sa tuwing kakain siya. Ano pa nga ba ang aasahan sa isang taong kahit saang anggulo o bagay ay gusto niyang maging perpekto ang lahat?
Ilang segundong katahimikan pa ang lumipas hanggang sa isang tao ang walang pasabing nagbukas ng double door.
Hindi kaagad ini-angat ni Mr. X ang tingin sa lalaking kadarating, ngunit hindi lingid na handa ng sumabog ang galit niya sa kung sino mang istorbo ang bigla na lamang papasok sa hapagkainan nang walang pahintulot niya. Ibinaba niya ang kubyertos at dinampot ang baril na nasa tabi niya ngunit pag-angat ng tingin ay gulat ang naging reaksiyon niya.
"Do you really want to kill me by just plainly shooting me, Mr X?" The man asked. Walang ekspresyon ang mga mata nito. Hindi na niya hinintay pang magsalita si Mr. X at wala rin siyang pakealam kung bakit gano'n na lamang ang gulat ng may bahay nang makita siyang dumating. Ang sorpresang pagdating niya ay pangalawang beses pa lamang namang nangyayari. Kaya ano nga ba ang dapat ikagulat dito ni Mr. X?
Mabilis ulit na rumehistro ang kalmadong ekpsresyon ni Mr. X matapos niyang ibaba ang baril. Nakaupo na rin sa dulo ng mesa ang panauhin niya. Pinindot ni Mr. X ang switch button ng device na nasa tabi na siyang gumawa ng ingay sa kaniya-kaniyang device ng mga tauhan at kasambahay ng buong mansiyon na sila lamang ang nakaririnig. Ang lahat ay alerto at naghihintay ng utos mula sa kanilang pinuno.
"Serve the wine in seconds. For two." Malamig na utos niya kaya mula sa isang silid, ang mayordomo ng mansiyon ang kumilos para gawin ang iniuutos ni Mr. X. Lubos nilang kilala ang pinuno kaya alam ng bawat isa sa kanila na hindi lang basta wine ang nais nito kung hindi ang pinaka may dekalidad na alak. Isa pa, hindi lang naman para kay Mr. X ito kung hindi para sa panauhin.
Ilang sandali lamang ay nakatungong pumasok ng silid ang mayordomo dala ang trolley cart kung saan nakalagay ang isang bote ng wine at dalawang nagkikinangang kupita na kulay ginto. Ang mayordomo na mismo ang nagsalin ng wine sa dalawang baso bago ito maingat na iniabot sa taong nasa bawat dulo ng pahabang mesa. Tumungo siya bago tinahak ang daan palabas.
Kanina pa pinagmamasdan ni Mr. X ang kanyang panauhin na tahimik lamang kumakain ng steak. Napangisi siya bago kinuha ang kupita at paikot na nilaro ang alak mula sa baso. "Job flawlessly done, Dave."
Sa wakas ay natigil sa pag-hiwa ng steak si Dave para i-angat ang malamig niyang tingin sa kausap. Bihira man sa kaniya ngunit nang magtama ang tingin nila ni Mr. X ay napangisi siya bago binitawan ang kubyertos para kunin ang kopita tyaka ito bahagyang itinaas. "A toast for victory, I guess?"
"You guess?" Nakangising tanong ni Mr. X at bahagyang ibinaba ang kopita. Nanatiling nakangisi si Dave at tiningnan ang alak na nasa baso tyaka 'to marahang paikot na nilaro. "What do I know about real victory if I had never been tasted triumph my entire life?"
Bahagyang natawa si Mr. X. "You really know how to humble yourself huh? Well, you've been working with my Empire with a whole-soul dedication as my henchman. You've been the mind of it for a long time. How can't you be so sure that the triumph we've been desiring for a long time will fall right in our hands?"
Itinigil ni Dave ang marahang pagpapa-ikot niya sa alak na nasa baso para salubungin ang tingin ni Mr. X. "I think, it's too early to celebrate?"
Bahagyang tumaas ang kilay ni Mr. X. "Posible kung....may iba ka pang pinaplano...maliban sa hayaan mong makipag-palit ng pwesto sa 'yo ang anak mo. I didn't know he could choose to protect his father over the woman he deeply loves to death. Did the father let his son get killed? Have you two had a father-and-son talk without my knowing?" Nakangising sunod-sunod na tanong niya.
Ipinagpatuloy ni Dave ang paghihiwa sa steak. "I'm not the father who would suggest the path for my son he should choose to walk to. He's a Hilton, Mr. X, and we both know that he has a high-functioning mind."
"That's indeed the point, Dave. YOUR SON is a Hilton. And if the path doesn't fit yours, shouldn't you be getting rid of him?" Sumimsim ng wine si Mr. X.
Muling natigil sa paghihiwa ng steak si Dave tyaka sinalubong ang tingin ni Mr. X. "You already did, didn't you, Mr. X? Long range shooting was an easiest and safest way to get rid of him." Napangisi ng bahagya si Dave bago ibinalik ang ginagawang pag-hiwa sa steak habang iniisip kung paano nagpadala ng sniper si Mr. X sa rooftop ng Hanteigh. "It would be much more impressing if you were the one in the room with him and kill him yourself instead."
Napakunot ang noo ni Mr. X dahil sa sinasabi ni Dave. Tila naguguluhan siya kung paano nalaman ni Dave ang tungkol sa sniper. Sa pagkakaalala niya'y hindi niya ito sinabi sa kaniya. Bago pa man siya may masabi ay nagsalita ulit si Dave. Sinalubong nitong muli ang tingin ni Mr. X dala ang blankong mga mata.
"Let's call it a triumph if you really did kill him." Diretso ang tingin nito sa kaniya. Seryoso at may paninindigan.
Napangisi si Mr. X dahil sa nakikita sa mga mata ni Dave. "And what if I failed?"
"I will then kill him myself." Kinuha niya ang kupita tiyaka sumimsim bago nagpatuloy, "Please note that I don't prefer a long range shooting."
Ilang minuto lamang ay natapos din ang late dinner sa mansiyon ni Mr. X. Nagpaalam din kaagad si Dave. Hindi naman maalis ang ngisi sa labi ni Mr. X dahil sa mga salitang binitawan sa kaniya ng bisitang kaalis lamang. Natutuwa siya dahil sa katunayan ay nakikita niya ang sarili kay Dave. A father who will trade anything, whether it's love and his own family for the sake of wealth and power. Hindi nga sila nagkakalayo ni Fredavien. Isang amang sakim na naniniwalang tanging kayamanan at kapangyarihan lang ang pinakamahalaga kumpara sa ano mang uri ng pagmamahal o tinatawag ng iba na pamilya.
That explains why he chose Fredavien to serves not just a typical henchman. Dave has everything in order to fulfill his long-time plan—the mind, the wealth, and a devil's heart.
Mula sa bintanang nakabukas sa huling palapag ng bahay, pinagmamasdan ni Mr. X ang kotseng lulan ni Dave. Itinungga niya ang natitirang wine mula sa kopita habang nakatingin sa papalayong itim na sasakyan. Ilang sandali lamang ay tumunog ang kaniyang phone. Kinuha niya ito mula sa bulsa at isang mensahe ang bumungad sa screen nito.
How's your late dinner with the only henchman you've been trusting for long years, Mr. X?
Guess. It was a lovely evening.
By the way, watch around you. I heard the Serpent Commander is in a critical state right now.
Isang larawan ang naka-attach sa mensahe. Larawan ng Serpent Commander na walang malay at duguan ang katawang nakahandusay sa malamig na sahig. Napangisi si Mr. X sa nakita. Ngunit, ilang sandali lamang ay nakatanggap ulit siya ng programmed message.
Did you just kill the only Mikael Lorenzo Hilton?
That's for you to know. Highstone Hospital is the address.
Make sure I won't see you there not even your shadow, coz if I did, I think I'll get more excited to kill you first followed by the Knightress and her dearest Commander.
More fun that way, don't you think, Mr. X?
Looking forward to your shitty empire's downfall very soon, Sir.
Loveliest,
- F
Napahigpit ang hawak ni Mr. X sa kaniyang phone. Isang tao lang naman ang kilala niyang maaaring magpadala sa kaniya ng ganitong mensahe. Nakatanggap na siya ng mensahe ng pagbabanta noong huling makasalo niya sa hapunan si Dave at ngayong nakasalo niya ito ulit ay nakatanggap na naman siya.
Nais man niyang i-track ang lokasyon ng sender, hindi niya 'to basta-bastang magagawa dahil isang programmed messages ang mga natanggap. Kusa na lamang itong lalabas sa devices ng receiver nang walang nakalagay na numero, IP adresses o anumang address na maaaring i-track. But if he will consider the capital of the sender, it say's F na posibleng nagtuturo sa isang tao. Fredavien.
Sa katunaya'y may hinala na siya noong umpisang maaraning traydurin siya nito, ngunit pinili niyang pagkatiwalaan si Dave. Naisahan nga ba talaga siya ng kanang-kamay niya? Posible pero si Mr. X ang tipo ng tao na kung baril lang ay hindi nauubusan ng balang ipantitira sa kalaban. Kung baraha lang, hindi siya nauubusan ng alas.
Pinindot niya ang device na dala parin niya. Ilang sandali lamang ay pumasok ang grupo ng mga taong armado. Lahat sila ay nakatungo kay Mr. X.
"Destroy the Frinvalley Island. It's almost time for New Year."
Frinvalley Island
FRIZA GONZALES
"Hey" Nilingon ko si Althea na kaagad akong inabutan ng beer in can nang magtama ang mga tingin namin. Tumabi siya sa akin at sumandal din sa railings dito sa rooftop ng villa ni Commander. Binuksan ko ang can tyaka ito itinungga. Napangiwi pa ako nang malasahan ko ang pait nito.
"You okay?" Tanong niya at sa halip na sumagot ako ay napabuga lang ako ng hangin bago ulit itinungga ang alak na hawak ko.
"Of course, no one's going to be fine especially if we don't know what shits are going on out there." Kita ko pa sa gilid ng mata ko na itinungga niya ang beer in can na hawak din niya.
T*ng ina lang talaga. Tama ang sinabi nitong si Althea. Pinagbawalan kasi kaming tumawag o mag-text muna sa iba hangga't nandito kami sa isla. Ang nakaka-p*tang ina lang ay hindi man lang sinabi sa amin ni Chief kung ano ang dahilan. Ang sabi lang niya 'yon ang utos ni Commander. Uulitin ko. Nakaka-p*tang ina dahil wala kaming kaide-ideya pero ano pa nga ba ang magagawa namin kung kay Commander mismo galing ang utos?
"Are we expecting assholes who might bomb this island anytime?" Tanong ng katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Pasmado yata 'yang bibig mo. Paano pang matutunton ng mga gago 'tong isla eh tago na nga 'to?" May inis na tanong ko. Medyo mainit pa naman ang bibig ng babaeng 'to.
"Think of it Friz." Humarap pa siya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya "Bakit tayo inutusang pumunta rito?"
Tss, nagtanong pa. Itinungga ko ang beer bago sumagot, "Para bantayan 'tong isla at si Tita Zerafina. Ba't ba tinatanong mo pa?"
"That's the point...Mrs. Lorico is prone to danger and so this island is dahil dito siya nananatili...at oras na malaman ng mga nanghu-hunting sa kaniya kung nasa'n siya, tingin mo ba magda-dalawang isip pa silang puntahan siya? They will surely come right away."
"Pero wala pa tayong natatanggap kay Chief na utos. Ang bilin niya, h'wag tayong aalis o kikilos nang hindi niya alam." Kontra ko sa sinabi niya dahil kilala ko 'tong si Althea, siguradong nagbabalak na 'tong sumabak ng bakbakan ano mang oras. P*ta lang kasi, wala bang gustong magbigay sa amin ng balita kung ano ng ganap sa labas?
"Do you think Mrs. Lorico doesn't know anything yet? She was an outer, and I think it's doubtful if she had no idea what's currently going on outside."
Napaisip ako sandali sa sinabi ni Althea. Imposible nga namang walang alam si Tita. Napaka-imposibleng wala siyang ginagawa kung hindi ang manatili lang dito na parang nagbabakasyon.
Simula nang dumating kami rito, wala namang kaiba sa kaniya. Hindi naman siya tumatakas o gumagawa ng kung anong ikapapahamak niya. Hindi rin namin napag-uusapan ang tungkol sa mafia o sa kung ano ang ganap sa HQ at sa iba naming kasamahan. Parang mga bisita lang niya kami rito na biglang naisipang mag-bakasyon. Mas ayos sana dahil tahimik at wala rin kaming masyadong ginagawa pero p*ta, hindi ako mapakali sa kakaisip sa mga nangyayari sa labas. Ayoko namang simulang magtanong kay Tita at lalong-lalo na sa masungit niyang anak na panganay.
At tungkol kay Kuya Elijah. Madalas din siya rito sa isla pero laging ginagabi ng uwi. Malamang head ng outer pero sigurado akong hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit halos araw-araw ang paglabas at pasok niya rito sa Frinvalley. P*tang inang kyuryusidad 'to.
Kinagabihan ay nagsalo-salo kaming lahat sa hapag. Madalas si Gingerly ang naghahanda ng pagkain namin pero dahil nandito si Tita Zerafina siya na mismo ang nagluluto ng pagkain namin, madalas si Ginger lang ang tumutulong sa kaniya. H'wag ni'yo ng isipin kung anong ambag nung malandi. Tss.
"Paglabas na paglabas ko talaga rito, magpapa-salon ako ng bonggang-bongga, from header to footer." Umepal ang malandi habang kumakain kami. Natawa si Tita dahil do'n.
"Naku ija, kung gusto mo may kilala akong expert sa pagpapaganda. For sure, magugustuhan mo." At itong si Tita naman tuwang-tuwa sa bruha. Tss.
"Oh! Really, Tita? For sure magugustuhan din niya ako! Pwede ko po bang makuha ang contact infow niya?" Nagpa-kyut pa na parang tuta ang malandi. Natawa naman si Tita sa tuta.
"Of course. I had her contact card. Ibibigay ko sa 'yo mamaya."
"Thanks, Tita! Manang-mana talaga si Royal Knightress sa 'yo!" Sabi pa ng sipsip na malandi. Napabuga ako ng hangin bago tinusok ang hiwa ng karne sa plato ko.
"Oo nga pala, Tita. How's the Royal Knightress naman? Nakausap ni'yo na ba siya? Ugh! Gusto ko ng gamitin 'yong phone ko para sana kamustahin siya."
Napatingin ako kay Tita na matipid ngumiti sa tanong ni Leigh. Ibinaba niya muna ang kubyertos niya sa plato bago kinuha ang baso ng tubig na nasa tabi niya. Anong klaseng tanong ba naman kasi 'yong ibinato ng malanding babae? Alamn naman niyang pati si Tita pansamantalang hindi pwedeng gumamit ng phone o kahit na anong devices. Pa'no niya mako-kontak si Ellisse? Tss.
"By the way, Mrs. Zerafina..." Napatingin kami sa gawi ni Althea na nasa tapat ko katabi niya si Gingerly. Sinulyapan pa niya ako sandali bago itinuloy ang sinasabi, "Can I have a moment with you later?" Napakunot ako habang nakatingin sa kaniya. May plano ba 'tong babaeng 'to na komprontahin si Tita?
Nang matapos ang hapunan ay si Gingerly na ang nag-prisintang maghugas ng pinagkainan. Nagpatulong siya kay Leigh at 'yong malandi tinatawag pa niya akong samahan sila pero hindi ko nalang pinansin dahil maliligo pa ako. Isa pa, hindi talaga ako mapakali sa magiging usapan ni Tita at ni Al. Balak ko talaga sana silang puntahan sa may rooftop dahil do'n sila nagtungo kanina pero hindi naman ako magpapaka-tsismosa tulad ng gagong si Nickolas para lang makasagap ng balita. Malalaman at malalaman ko rin bukas na bukas dahil ako mismo ang kokompronta kay Althea. Hindi pwede na siya lang ay may nalalaman dito. P*ta masyado ng sumasakit ang ulo sa kakaisip sa mga sagot sa tanong ko.
Malapit na ring mag-hatinggabi pero heto parin ako sa kama't pabalik-balik dahil hindi ko makuha ang tulog ko. "P*tang ina naman" Ilang beses na akong mura ng mura dahil sa inis ko kaya bumalikwas nalang ako't bumaba ng kama para tumambay sa veranda nitong kwartong tinutuluyan ko. Sa lawak ng villa na 'to ni Commander, hindi namin kailangang tipirin ang mga kwarto kaya tig-iisa talaga ang tulugan namin. Mas komportable rin ako sa ganito dahil sigurado akong 'yong malandi ang makakasama ko sa kwarto sakali man na kailangan naming mag-dalawahan sa iisang tulugan.
Hinayaan kong maramdaman ko ang may kalamigang hangging panggabi. Nakasandal lang ako sa railings habang pinagmamasdan ang malawak na villa. Tanaw din dito ang payapang dagat na ang tanging lumiliwanag nalang ay ang bilog na buwan.
Sobrang tahimik dito. Kung nasa labas ka, parang walang tao ang nakaaalam na may ganitong klaseng lugar sa gitna ng malawak na karagatan. Sa sobrang payapa rito, hindi mo maiisip na may kalabang ano mang oras ay darating para maghasik ng kagaguhan.
Ano na nga kaya talagang ganap sa mga gago naming kasamahan? Si Ellisse, kamusta na kaya 'yong babaeng 'yon? P*ta, wala naman sigurong ganap na mafia war o kung ano.
Pakiramdam ko kailangan kong humithit ng sigarilyo para kahit papa'no ay makalma ako. Pabalik na sana ako sa loob ng kwarto para kunin ang kaha ng sigarilyo mula sa mesa sa tabi ng kama nang marinig ko ang tunog ng sasakyan....teka...hindi lang iisa, dahil base sa pagharurot nito marami sila. Sa sobrang tahimik ng lugar, madali mo lang maririnig ang mga mahihinang tunog mula sa malayo.
Sinubukan kong tanawin mula rito sa veranda ang mga sasakyan pero wala akong makita. P*ta, ito na ba 'yong sinasabi kanina ni Althea? Nagmamadali akong bumalik sa kwarto. Hindi ako sigurado kung may mga kalabang parating pero may nagtutulak talaga sa akin na paniwalaan 'yong sinabi kanina ni Althea. Nagmamadali akong nagbihis ng battle attire. Hinanda ko rin ang mga armas na kakailanganin ko bago ako lumabas ng kwarto.
Bumungad ang tahimik na koridor na siyang tinahak ko nang may buong pag-iingat. P*ta? Ako lang ba ang nakarinig? Mukhang tulog na tulog na 'yong mga kasama ko dahil sarado pa ang----
"P*tang ina!" Alertong napataas ang magkabilang kamay ko tanda ng pagsuko nang bumukas ang pinto sa kaliwa ko kung saan lumabas si Leigh na may hawak na sniping rifle at talagang nakatutok pa 'to sa akin.
Nag-peace sign pa siya habang malawak ang ngiti, "Akala ko enemy, sorry baby!"
Inirapan ko siya at nauna ng naglakad. Matalas din naman ang pandama ng malanding 'to. Talagang malandi nga lang. "Nasa'n 'yong iba?" Tanong ko nang sundan niya ako. Hindi siya sumagot dahil pareho kaming napatigil sa paglalakad nang may marinig kaming ingay mula sa baba, ang daan papuntang sala.
"I hope gwapo 'yong mga kalabang nasa-----"
"T*ng ina mo, itikom mo nga muna 'yang malanding bibig mo." Kinontra ko na dahil siguradong hindi na siya titigil hanggang mamaya. May binubulong-bulong pa siya pero hindi ko na inabalang pansinin dahil nauna na akong maglakad sa kaniya.
"Hey, Friz" Napatingin ako sa kanan ko kung saan may hagdanan papunta sa third floor. Pababa si Althea na suot na rin ang battle attire niya at may dalang baril. Nauna pa yata siya.
"Ginger!" Tawag ng malandi. Napalingon ako sa kaliwa ko at mula ro'n naman sumulpot si Gingerly na handa na ring sumabak sa bakbakan. Napabuga ako ng hangin. Mukhang mapapasabak nga talaga kami sa gyera.
Na-alarma kaming lahat nang may marinig na naman kaming ingay galing sa baba. Nagkatinginan pa kami at nagka-tanguan bago nagkahiwa-hiwalay ng destinasyon.
Magkasama kami nina Althea at Gingerly na tinahak ang hagdanan pababa. Si Leigh ay naghanap ng magandang pwesto para magamit niya ang rifle niya. Nasa kaliwang gawi ko si Ginger habang si Al ay sa kanan. Medyo nauuna ako sa kanila at lahat kami'y alerto sa paligid. Medyo may kadiliman ang bahay dahil hindi naman nakasindi ang mga main light, tanging ang mga dim lang na bumbilya ang iniwang nakabukas, pero hindi 'to sapat para mailawan ang daang tinatahak namin pababa.
Nakarinig na naman kami ng ingay at kaluskos kaya mas lalo kaming na-alarma. Sa baba nanggagaling ang ingay at ilang palapag na lang ng hagdanan ay tuluyan na naming maapakan ang sahig ng living room.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko rito." Bulong ni Gingerly.
"Sino bang gagaan ang pakiramdam sa ganitong eksena?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko dala na rin siguro ng kaba sa posibleng mangyari sa amin ano mang minuto sa lugar na 'to. Mga p*tang kalaban, talagang sumunod pa rito.
"Girls, you know what to do." Paalala sa amin ni Althea at bago pa man kami makagawa ng kung ano bigla nalang sumindi ang ilaw sa kanan kung nasa'n ang malawak na sala.
P*ta?
"Elijah Mint?" Halatang naguguluhang tanong ni Althea sa lalaking naka-upo sa sofa na wala man lang reaksiyon sa amin, naka-dikwatro pa habang hawak ang baso ng alak niya. Kaharap niya ay ang lamesita kung saan naka-patong ang baril at bote ng alak. T*ng ina anong meron? Sa suot niya, mukhang kadarating lang niya kanina. Sa wakas ay tumingin na siya sa gawi namin. Talagang tiningnan pa kami mula ulo hanggang paa.
"Prepared huh? You all have keen senses, ladies." Nakangisi niyang papuri. Ilang sandali pa narinig na namin ang yabag ni Leigh na pababa ng hagdanan dala parin ang rifle niya, "Hi babies!" Napatingin sa kaniya si Kuya Elijah pero nabaling din ulit ang tingin sa amin.
"You heard it too. Who are they?" Si Althea ang nangunang tinahak ang daan papunta sa lalaking prenteng nakaupo sa living room. Sumunod naman kami.
"Assholes? Who else?" Simpleng sagot niya. P*ta lang talaga. Nagawa pa talagang tumagay ng kapatid na 'to ni Ellisse, mukhang totoo nga talagang maya't maya lang nandiyan na ang mga gagong kalaban.
"At bakit hindi pa tayo umaalis? Nasa'n si Tita?" Tanong ko.
"Oh! I saw her kanina mula sa veranda ko bago ako lumabas ng room. She was like...." Pinanliit pa ni Leigh ang mata niya na parang inaalala 'yong nakita niya kanina. Namilog ang mga mata niya at umaliwalas ang timpla ng mukha kalaunan, "She was shooting someone from afar I guess? May hawak siyang rifle."
Napatingin ako kay Kuya Elijah na wala man lang reaksiyon sa narinig, sumunod ay kay Althea nang magsalita ito. "She told me there would be enemies coming here. Mukhang nandito na nga sila." Mukhang 'yon ang naging usapan nila kanina ni Tita.
"Ano pang hinihintay natin?" Tanong ni Gingerly na bahagyang nakakunot.
"Final cue." Tipid na sagot ni Kuya Elijah bago itinungga ang baso ng alak niya. Ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng suot na pants at nang mailabas niya ang phone niya, kumunot ang noo niya..."T*ng ina" Malutong na mura niya bago dinampot ang baril sa mesa.
Ilang segundo lang nang makarinig kami ng tunog ng helicopter. "Pull yourselves together." Mariing bilin ni Kuya Elijah sabay hugot ng isa pang baril sa likod niya. Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingangaw sa labas. Sinundan pa 'to ng mga pag-sabog.
"Anak!" Napatingin kami sa elevator nang bumukas 'yon at iniluwa si Tita Zerafina. Maging siya ay nakasuot ng battle attire. Patakbo siyang lumapit sa amin at bago pa man makapag-usap ang mag-ina, malakas na pagsabog ang gumulantang sa aming lahat. Hindi lang 'yon basta pagsabog dahil halos mapa-tilapon ang mga katawan namin sa kung saan. "P*tang ina!"
"Ma!" Na-alarma akong tumayo nang marinig ko ang sigaw ni Kuya Elijah, kahit masakit pa ang braso kong tumama sa sahig.
"Behind you, Friz!" Sumunod ang sigaw ni Althea pero bago pa man ako mapalingon ay tumama na ang bala ng baril sa binti ko na nagpadaing sa akin ng sobra. Aktong babarilin ko na ang p*tang bumaril sa akin nang maunahan ako ng kung sino mula sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Leigh na may hawak ng baril. Patakbo niya akong nilapitan para alalayan. "You're so reckless talaga, baby!"
"T*ng ina!" Napa-daing ako nang ilakad ko ang mga paa ko. P*tang gago 'yon, sa dami ng babarilin binti ko pa.
"Mauna na kayo!" Si Gingerly ang humarang sa likod namin para i-cover kami ni Leigh dahil hindi makalaban ang malandi dahil inaalalayan niya ako, pero sinusubukan parin niyang bumaril.
Hindi ko alam kung ilang beses ko pang narinig ang mga putok ng baril na hindi ko alam kung saan na nanggagaling. May mga pagsabog sa paligid na hindi ko matukoy kung paano nangyari. Kalmado pa at tahimik ang buong villa kanina-kani lang. Wala naman kaming ibang narinig kung hindi ang mga sasakyang parating na hindi ko malaman kung kailan pa sila naka-pwesto sa mga dapat nilang pwestuhan bago nila kami atakihin. Masyado naman yata silang mabilis kumilos. Mga p*tang nilalang.
Tinahak namin ang may kasikipang koridor. Tuloy-tuloy parin ang mga putok ng baril at mga armadong lalaking sumasalubong sa amin at bigla-bigla nalang lumilitaw sa kung saan.
Mga p*ta talaga, kailan pa sila nakapasok?
"Backup, Fritz!! Kailangan namin ng backup dito!!" Sigaw ni Gingerly at nang magawi ang tingin ko sa kaniya ay saktong ibinaba niya ang phone. T*ng ina, teka nga lang, kailan pa siya pinayagang gumamit ng phone? Nang magkatinginan kami ay mukhang nabasa niya agad ang nasa isip ko. "Sorry, Friz. Kailangan ko lang talaga."
Mukhang naisahan niya si Kuya Elijah. Siya kasi ang may hawak ng mga phone namin at kung hindi ako nagkakamali tinago niya ang mga 'yon sa kung saan. Hindi man lang isinamang kunin 'yong akin, tss.
"Since when did the hell they enter?!" Naiinis na sigaw ni Althea na tuloy-tuloy sa pakikipag-barilan. Nang marating namin ang dulo ng koridor ay may limang armadong lalaki ang sumalubong sa amin. Aktong tatadtarin pa lang sana kami ng mga bala nang bigla nalang silang magtumbahan. Mabilis lang 'yon hanggang ang mga katawan nila ay nakahandusay na sa sahig. Mula sa likod nila naro'n si Kuya Elijah hawak ang dalawang baril sa magkabilang kamay niya.
"Quick!" Sigaw niya bago itinutok ang baril sa kaliwa niya pagkatapos ay sa kanan para patumbahin ang mga kalaban na naro'n.
"Seriously?! Hindi ba talaga sila nauubos?!" Reklamo ni Gingerly nang muli naming tinahak ang koridor. Nagsimula na naman siyang magpa-ulan ng mga bala. Siya ang nasa likod namin kaya napalingon ako. Mga p*tang nilalang. Tinanggal ko ang braso kong nakapatong sa balikat ni Leigh at kahit kumikirot ang binti ko ay pinilit kong kumilos para tulungan si Gingerly sa pagpapatumba sa mga kalaban habang tinatahak namin ang daan.
"Where's Mrs. Zerafina?" Tanong ni Althea na patuloy rin sa pakikipagpatayan. Magkakatalikuran kami. Kaming dalawang ni Gingerly ang naka-toka sa mga gagong bumubuntot sa amin, si Leigh sa kaliwa, si Althea sa kanan at si Kuya Elijah sa harap.
"This way." Sinundan namin si Kuya hanggang sa makapasok kami ng elevator. P*ta may elevator pa pala rito. Akala ko sa malapit sa may sala lang.
Nang makapasok kami sa loob ay may natanaw pa akong lalaki na nakatutok ang baril sa gawi namin. Itinulak ako ni Gingerly sa gilid bago umabot ang bala sa pinto. "Tss, that's bulletproof, ladies." Napatingin ako kay Kuya Elijah na nanatili sa kinatatayuan niya. Kung hindi lang bulletproof 'yong pinto, siguradong siya ang natamaan ng bala dahil siya ang nasa gitna.
"Wait...where's Tita mga babies?" Tanong ni Leigh.
"Waiting for us underground." Tipid na sagot ni Kuya Elijah. Sakto namang tumigil ang elevator at bumukas ang pinto nito. Bumungad sa amin ang mahabang pasilyo na parang kweba ang itsura.
"Ayos lang ba kayo?" Sinalubong kami ni Tita Zerafina. Teka, kailan pa siya nakarating dito? Nauna pa talaga siya. "Tita knows every secret route of this place. Commander gave her a fully access of the island." Bulong ni Althea.
"Friz, nak. Ano bang----" Nilapitan ako ni Tita at bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay naunahan na siya ng anak niya.
"Mamaya na 'yan. We need to leave now, Ma."
Medyo nakakalakad pa naman ako pero tumulong na rin si Tita sa pag-alalay sa akin hanggang sa makarating kami sa dulo nitong pasilyo.
"Kaloka naman pala 'tong property na 'to ni Commander! Bongga! Parang gusto ko tuloy tumira rito." Komento ng malandi. Naisip pa talaga niyang tumira rito ngayo't nagka-gyera na't lahat-lahat.
"What the-----f*ck!" Napamura si Althea nang gumuho bigla ang pader at ang mga tipak nito'y muntik nang dumagan sa kaniya kung hindi pa siya nahila agad ni Kuya Elijah.
"They won't stop until they burn this place into dust." Binitawan niya ang braso ni Al bago naglakad ulit. Naging mabilis din ang paglakad at takbo namin para marating ang destinasyon namin.
"Medyo nakaka-p*tang ina na 'to ah, babies!" Reklamo ni Leigh na umiiwas din sa mga maliliit na tipak ng bato galing sa mga pader at sa taas namin. "Hindi ko pa completely nakukuha ang loob ni baby Bryan tapos mamamatay na ako agad dito? Ang pangit naman 'di ba mga babies kung ang cause of death ko ay dahil nadaganan ako ng mga tipak ng bato." Reklamo niya dahil wala na yata siyang ibang masabi, malamang kinakabahan dahil hindi na siya makapanlalandi. Tss. Pero p*ta, hindi imposibleng dito kami mamatay dahil sa patuloy na pagguho nitong underground route na tinatahak namin. Dito na yata kami ililibing ng buhay, p*tang ina!
"Hey, Gingerly, what's your plan with Fritz?" Tanong naman nitong si Althea. Napakunot ako dahil sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'yon? Mukhang walang kwenta. Pati yata 'tong si Althea kung ano-ano ng tumatakbo sa isip niya kaya bigla-bigla nalang nagtatanong ng kung ano-anong hindi naman makatutulong para manatili kaming buhay sa pagkakataong 'to.
"At ikaw? Anong plano mo kay Cy? Bakit hindi ka pa umamin na mahal mo siya?"
Mamatay na nga lang love life parin ang iniisip. Mga gagang 'to.
"I had my voice recorded on his phone. I'm sure he hasn't heard it yet, but he will."
"Alam ni Fritz kung saan nakatago ang journal ko. Sinabihan ko naman siyang bahala na siya 'ron kapag wala na ako."
"Wow, girl! May pa-last will ka pang nalalaman. So kung si Al may audio recorded na confession, ikaw naman Ginger may pa-written love letter? Kaloka kayo! Hindi ba kayo nabiyayaan ng confidence para bulgarang landiin ang mga lalaki? Come on! Kung ako sa inyo, umamin kayo ng face-to-face. Anong silbi ng mga bibig ni'yo?" Advice pa nang malandi kahit na patuloy kami sa pag-iwas sa mga maliliit na batong nahuhulog sa ulo namin.
"Mamatay na nga lang landi parin ang alam." Komento ko.
"Mismo." Hindi ko inaasahang komento ni Kuya Elijah na tumigil bigla. May naka-abang na hagdanan sa harap niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay may pabilog na pinto ro'n na gawa sa bakal. Mukhang 'yon ang daan palabas.
"Ikaw na ang mauna, Friz." Inalalayan parin ako ni Tita Zerafina na makalapit sa hagdanan. Matapos akyatin ni Kuya Elijah ang hagdan para buksan ang pinto ay bumaba ulit siya para paunahin kami. Ako ang naunang umakyat habang nakaalalay sila sa ibaba.
Paglabas ko ay bumungad sa akin ang dagat. Kaya pala may kahabaan 'yong pasilyong tinahak namin. Mula sa villa papunta rito sa tabing dagat na pala 'yong susulputan ng underground route.
"Nandito na ba ang lahat?" Nang makaakyat kaming lahat ay sinuri pa ni Tita kung kompleto kami.
"Missing?" Napatingin kami kay Kuya Elijah nang mapalakas ang boses niya. Nakakunot pa ang noo niya habang nakikinig sa kausap sa phone.
"Sinabihan ko si Fritz na bantayan si Ellisse. Gago ka ba?" Halatang inis na inis na siya sa kausap bago mariing pinatay ang tawag.
"Anak, Elijah." Napatingin siya sa ina niya pero napabuga lang ng hangin si Kuya at napa-masahe sa sentido nito bago may kung anong pinindot sa screen ng phone tyaka itinapat ulit sa tainga ang phone.
"We're safe. Where are you?" Tanong niya sa kabilang linya. Sumulyap pa siya kay Tita pero ibinalik din ang tingin sa dagat. "She will probably on her way to Casper Bautista. Find him, and you'll find Ellisse. I'll send you the location." Wika niya bago ulit ibinaba ang tawag at sinimulang mag-tipa ro'n.
"What's going on?" Biglang singit ni Althea.
"Kamusta si Royal Knightress? Okay lang ba siya?" May pag-aalalang tanong pa ni Leigh.
Nanatiling tahimik si Gingerly at si Tita Zerafina pero nang magkatinginan si Kuya Elijah at ang ina niya ay siguradong agad silang nagkaintindihan.
"Ellisse is missing. We need to go back or we'll die here." Rinig ko pa ang malalim na pagbuntong-hininga ni Tita Zerafina dahil sa sinabi ng anak niya, mukhang nakaramdam kaagad dito si Kuya Elijah dahil napatingin siya sa ina.
Hindi ko alam kung inaasahan na ni Tita ang pagkawala ni Ellisse. Makikita parin naman ang bahid ng pag-aalala sa mga mata niya, pero parang hindi na niya ikinagulat ang pagkawala ni Ellisse. P*ta, anong mayro'n?
"Si Mikael. Ayos lang ba raw siya?" Tanong ni Tita pero hindi siya sinagot ni Kuya Elijah. Ilang segundo lang ay nakarinig kami ng tunog ng helicopter. Akala ko no'ng una'y kalaban sila pero nang makita namin wala namang ginawa si Kuya Elijah kung hindi tumingala ay hindi na rin kami nag-abalang kumilos pa.
Halos liparin ang mga buhok namin nang lumapag ang helicopter, ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin. Nauuna ang mag-ina at sinusundan namin sila hanggang sa makasakay kami ng ligtas. Nang makalayo na kami sa lupa ay do'n lang ako parang nabunutan ng tinik. Mukhang gano'n din ang mga kasama ko.
"Si Mr. X ba ang nasa likod nito?" Biglang tanong ni Gingerly sa gitna nang katahimikan. Nakatingin siya sa bintana kaya pati ako ay napatingin sa direksiyon na tinitingnan niya. Tanaw pa mula rito ang islang iniwan namin na nilalamon na ng apoy ang halos kabuuan nito. Kung walang underground route o kung nabitin kami sa oras at hindi namin kaagad natunugan ang mga kalaban, siguradong sa isla kaming 'yon maililibing ng buhay.
"Si Mr. X ang pinuno ng Korbin." Tipid na komento ni Tita. Naghintay kami ng sunod niyang sasabihin pero wala na. Napatingin ako sa binti ko. P*tang ina talaga, muntik na kami ro'n.
"Were you expecting the explosion?" Tanong ni Althea na nakakunot. Ang tingin ay nakatuon kay Kuya Elijah.
"I knew they would come right on the island, but them using bombs to kill us? I didn't see that coming." Tipid na sagot niya.
"At kanino mo nalaman na pupuntahan nila ang islang 'yon?" Pang-iintriga naman ni Gingerly. Nakatingin lang sa kaniya si Kuya Elijah. Akala ko hindi siya sasagot pero kalaunan ay sumagot din, "Source."
"And you're expecting us to believe you?" Kaagad na nagawi ang tingin ko kay Althea dahil sa tono ng pananalita niya. Halatang naiinis at mukhang nakalimot na yata siyang head ng outer ang kinakausap niya.
"Al" Sinubukan siyang kalmahin ni Ginger pero hindi niya 'to pinakinggan.
"You knew the attack, to begin with, yet you still have waited for it to start while having a glass of whiskey in the living room? Seriously?"
"Nakaramdam naman kayo agad 'di ba? Nakapaghanda pa kayo nang hindi nabibitin sa oras." Sagot niya.
"Sorry?" Si Gingerly na parang nabingi sa sinabi ni Kuya Elijah, "Ibig sabihin, hinintay mo pa kaming makaramdam na may parating na mga kalaban? Paano kung hindi kami agad nakatunog at hindi kami agad nakapag-handa? Wala kang planong sabihin sa amin na balak ni Mr. X na lusubin ang isla?" Mukhang pati siya ay nakaramdam na rin ng inis.
"Ah...babies....I think we should calm------"
"We almost die! Sinong kakalma sa nangyari?" Nanahimik si Leigh sa pagtaas ng boses ni Althea. Kahit ako ay nanatiling tahimik. Si Tita Zerafina naman ay gano'n din. "What the hell exactly is your plan, Mr. Elijah Minth?" May diing tanong ni Al.
"Ey, baby Friz, tingnan mo si Al at 'yang Kuya ni Royal Knightress." Bulong ng malandi sa tabi ko. Tiningnan ko naman ang dalawang taong tinutukoy niya na diretso ang tingin sa isa't isa. "Bagay na bagay sila, di ba? They look good together. Lakas nilang maka-enemies to lovers." Bulong pa niya. P*ta akala ko kung ano. Siniko ko siya kaya umayos siya ng upo.
Tumikhim si Tita na mukang sinubukang pakalmahin ang tensyon sa pagitan ng dalawa. "Ang mahalaga ay ligtas tayo. Hindi 'to ang oras para magsisihan."
Nagkaro'n ng katahimikan sa loob ng ilang segundo bago binasag 'to ni Kuya Elijah. "Whatever the plan of who, it's out of your business at all, Ms. Homer." 'Yon lang ang sinabi niya bago itinuon ang tingin sa ibang direksiyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top