Chapter 52.4
Highstone Hospital
ELLISSE ZERINA
Headache was the first thing I felt when my consciousness came back. Puting kisame ang bumungad sa paningin ko nang marahan akong magmulat ng mga mata. My eyes roam around to check where I am.
A transparent glass window was placed on my right with the blinds curtain left open. There's a small living room across the bed I am lying, and on the left side is a sliding door. Pintado ang pader ng purong puti. May vase pa sa bedside table at....so I'm in the hospital.
Hindi ko alam kung saang hospital ako dinala at kung sino ang nagdala sa akin dito. Medyo masakit pa ang ulo ko pero pinilit kong makaupo sa kama mula sa pagkakahiga. I gently massaged my temple as I try to recall what happened.
I felt nothing but animosity as I entered the room. Silently. Hindi 'yon napansin ni Jackson Hilton dahil ilang metro rin ang layo ng pwesto nila mula sa pinto ng VVIP room. But Mr. Bautista was too quick to notice me since he was expecting me to interfere with his so-called charade meeting with the devil. Hindi niya ipinahalatang napatingin siya sa gawi ko at hindi ko na rin inabala pa na makipagtinginan sa kaniya ng matagal dahil medyo natatakpan siya ng kaharap niyang demonyo.
I was holding my gun as tightly as if no creature could ever dare to take it away from me, not even my chance to annihilate the King of Hilton Empire. Punong-puno ng galit, sakit at lungkot ang puso ko habang pinagmamasdan ang payapang meeting na nagaganap. Hindi ko na inabala pa na intindihin o pakinggan ang mga sinasabi ni Mr. Bautista at ang mga sagot sa kaniya ni Jackson. I didn't even bother to know if the latter agreed with Mr. Bautista's offer with him. Ang akin lang ay gusto ko ng matuldukan ang buhay ng taong pumatay sa ama ko.
May pulang lamat na yata ang kamay ko dahil sa higpit ng hawak ko sa baril at mas lalo ko pa 'tong hinigpitan nang tumayo si Mr. Bautista dala ang lagi niyang suot na ngiti. Inilahad niya ang kamay niya sa kausap,"I am very pleased to look forward to working with the Hilton."
And I will f*cking look forward to killing the King of Hilton Empire.
Ilang segundo pa ang hinintay ko bago naisipang tumayo ni Jackson Hilton. Ang akala ko'y hindi niya aabutin ang kamay ni Mr. Bautista. Well, he's a d*mn perfectionist. Nakikipag-kamay lang yata siya sa mga taong kasing-taas niya, but I think there is none who fits his d*mn standards.
Nang tumayo na si Jackson ay doon ko mas naramdaman ang kasabikang kalabitin ang gatilyo ng baril. I only need one move and he's d*mn dead. Nang matapos ang pakikipag-kamayan niya kay Mr. Bautista, that's the cue for my turn to end this.
When the devil turned his back on Casper Bautista, I pulled the trigger with no d*mn hesitation. Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na apat na sulok ng kwarto. Nakita ko pa kung paano dumaloy ang dugo sa dibdib ni Jackson kasabay nang paghawak niya sa tama niya para pigilan ang pag-dugo nito. Nag-angat ako ng tingin at nang mag-tama ang mga mata namin ng taong nasa harapan ko, pakiramdam ko napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
No words came out of my lips. Ang baril na kaninang hawak ko ng sobrang higpit ay hindi ko na halos namalayang nabitawan ko na. Mabilis kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko hanggang sa naging buhos na ito na parang ulang ayaw tumila. D*mn it! Where did I go wrong?
Sobrang bilis ng pangyayari at sa bilis nito halos hindi ko na namalayan ang mga putok ng baril na hindi ko na rin alam kung saan nanggagaling. My eyes were fixated at the man across me who still managed to gave me his warm smile despite the shot he got from me.
Umiling ako. I was about to call his name, but people grabbed my arms from behind. May itinakip sa ilong ko at do'n ko naramdaman ang matinding antok. Ramdam ko parin ang patuloy na pag-tulo ng mga mata ko habang tinitingnan ang lalaking nanatili sa kintatayuan niya habang tinitingnan akong hinihila palayo sa kaniya. Gusto ko mang sumigaw para tawagin siya pero hindi ko na magawa dahil pati lakas ko na hindi ko pa man nagagamit ay unti-unti ng nilulubayan ang katawan ko.
I even saw his lips move from the right distance away from me...telling me...."I love you" before he lost his balance to the floor, then I lost my senses as well.
"Renzo...." Wala akong ibang masabi kung hindi ang banggitin ang pangalan niya as if he could hear me and come to me right at this moment. Did he summon the gang to take me away from Horawoki Telecom? Alam kong pinili niya ang Ama niya. He would protect his Father no matter what for their empire's pride, pero hindi sa paraang isa-sakripisyo niya ang sarili niyang buhay kahit alam niya na ako mismo ang tatapos sa kaniya. He switched places from his Father. Si Jackson Hilton and dapat na nasa pwesto niya hindi siya.
"Ms. Lorico." Halos hindi ko na namalayan ang pagpasok ng kung sino. Hindi ko na inabala pang punasan ang pisngi kong nabasa ng luha nang tingnan ko si Fritz.
"Where's Renzo?" Ang kaagad na tanong ko. He gave me a smile, pero hindi 'yon sapat para mapaisip akong ayos lang ang lahat.
"I need to see him Fritz." Bumaba ako ng kama pero humarang siya sa harap ko. "You need to stay here for the meantime, Ms. Lorico. Tumawag ang kapatid ni'yo kanina, ang sabi h'wag daw kayong aalis hangga't wala siya."
Napapikit ako ng mariin. "Si Renzo..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa luha na pilit kong pinipigilan pero kumawala parin naman. What the hell is happening? What the hell have I done? Wala na yatang paglalagyan ang luha sa mga mata ko.
"You don't have to worry about him, Ms. Lorico." Sa pagkakataong 'yon ay napaangat ang tingin ko kay Fritz. He heaved a sigh, "Sigurado akong hindi siya pababayaan ni Rix. Kilala natin si Commander. Hindi siya basta-bastang mapapatumba lang ng kung sino." Gusto ko pang kontrahin ang sinabi ni Fritz pero minabuti ko nalang isantabi 'yon. Gustong-gusto ko ng makalabas sa kwartong 'to pero ayokong makipag-pisikalan muna kay Fritz bago 'yon mangyari.
Nadako ang tingin ko sa bintana. Pilit kong pinipigilan ang luha ko pero wala talaga, nagkukusa lang 'to sa pag-tulo.
How far can you go and how much can you sacrifice for your father, Renzo? Bakit kailangan nating umabot sa puntong 'to? Should I blame you for keeping your Father away from his demise? Should I keep blaming Jackson Hilton for being the devil? Or should I blame myself this time for choosing the path of vengeance which I thought was right?
Paulit-ulit ko mang tanungin ang sarili ko sa pagkakataong 'to, isang sagot padin ang nakukuha ko. Ang sagot na piliin ko man o hindi, siguradong mayro'n at mayro'ng masasaktan.
"Pwede ba akong lumabas, Fritz?" Mula sa bintana, inilipat ko ang tingin ko sa kaniya. Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung hahayaan niya ako o hindi. "You can accompany me. Gusto ko lang magpahangin."
FRITZ GAVERLON
"You can accompany me. Gusto ko lang magpahangin."
I have a disguise prowess, and if you may ask, I have learned it the hard way. I can disguise myself as something or someone flawlessly. Hindi 'yon pagmamayabang dahil 'yon naman talaga ang totoo at tamang salitang dapat gamitin.
I know very well how to play the trick—pretending to be someone. In short, I'm good at acting. Hindi ako pumasok sa teatro o nag-workshop para rito. Sadyang, maaga lang akong na-expose sa ibang mga bagay na may koneksiyon sa pag-arte. Dahil dito, alam ko kung kailan nagpapanggap ang isang tao.
I may have the skills and prowess to see through people, but this time, I couldn't easily say if Ms. Lorico was only trying to pull something off here. Medyo nahihirapan akong basahin siya kahit pa ilang segundo akong makipagtitigan sa mga mata niya. Hindi ko masabi kung nagsasabi ba siya ng totoo o gumagawa lang siya ng dahilan para makatakas. Ayokong palabasin na may balak siyang tumakas kaya sinubukan kong kausapin siya ng maayos.
"May garden sa labas nitong hospital, pero...." tiningnan ko ang suot kong relo, "hindi ka pwedeng magtagal ro'n dahil binilin sa akin ni Chief na bantayan ka rito sa loob hangga't hindi pa sila dumarating."
"Five minutes would be enough then." Sagot niya at bumaba na sa hospital bed nang hindi na ako hinintay pang alalayan siya. Sinundan ko siya ng tingin palabas ng kwarto bago ako naglakad para sundan siya.
The Chief just called me minutes ago before Ms. Lorico got her senses back. Ibinilin niya sa akin na h'wag kong hahayaang makalabas ng kwarto ang Royal Knightress. Sumunod na tumawag si Mint na siyang kapatid ni Ms. Lorico. Mukhang alam naman niya ang tungkol sa misyon ng gang sa Horawoki Telecom. Hindi na nga siya nagulat nang malamang dinala rito sa Highstone ang kapatid niya. Ang huling bilin niya ay h'wag kong hahayaang makatakas ang Knightress hangga't hindi siya dumarating.
Katulad na ng sinabi ko, medyo nahihirapan akong basahin ang kilos at emosyon ni Ms. Lorico kaya wala akong ideya kung ano ba talaga ang susunod niyang plano. Pero base sa bilin ng Chief at ni Mint, mukhang may balak ang Knightress na tumakas.
Kung may nahalata man ako sa reaksiyon niya kanina pagkagising niya, 'yon ay ang takot at matinding pag-aalala nang hanapin niya si Commander. Is she planning to escape to rescue the Serpent Commander? Hindi ko masabing oo o hindi dahil sa pagkakataong 'to wala akong maisip na idea tungkol sa kung ano ang posibleng maging susunod na kilos ng Knightress.
May nadaanan akong vendo machine kaya tumigil muna ako rito para kumuha ng maiinom pero hindi ko nilubayan ng tingin si Ms. Lorico. Pagkakuha ng inumin para sa Knightress ay sinundan ko rin siya kaagad hanggang sa makarating kami sa labas. Naupo siya sa isang bench na naro'n. If she ever try to escape, I will have no choice but to run after her. Ilang metro rin ang layo ko sa kaniya, pero kung ikokompara sa bilis, duda akong makakalayo siya ng basta-basta.
I was about to walk near the bench to give her the bottle of juice I bought when she suddenly buried his face on his palms. Bahagyang gumagalaw ang balikat niya kaya napaatras ako at bumalik nalang sa pwesto ko. Ayokong istorbohin ang pag-iyak niya at tingin ko hindi rin makatutulong kung lalapitan ko man siya para sabihing magiging ayos lang ang lahat.
I was guarding her the whole minute while being cautious of any possible risk around us. Ako ang malalagot kay Commander oras na may mangyaring masama kay Ms. Lorico.
We actually didn't know what would happen back in Horawoki Telecom. Ang nasabi lang sa amin ay bantayan ang buong building. Sinabihan kami ni Chief na maghanda kaya automotatic na may magaganap na labanan pero hindi ko inasahang aabot sa puntong halos mag-suicide si Commander sa ginawa niya. Kung parte lang 'yon ng plano niya, makasisiguro akong ayos lang siya pero kung talagang kailangang hayaan niyang humantong siya sa gano'n, baka kailangan kong bawiin kay Ms. Lorico ang sinabi ko sa kaniya kanina na magiging ayos lang ang lahat. No person would be fine if the life of the person he/she love is at great risk.
Habang binabantayan ko si Ms. Lorico mula rito sa kinauupuan kong bench, ilang metro ang layo mula sa kaniya, nalipat ang tingin ko sa gawing kanan ko kung saan may pasilyo papunta sa likod nitong Hospital. Mula sa pwesto ko, tanaw ko ang tatlong itim na van na magkakasunod na lumabas mula sa back garage nitong Highstone. Sinundan pa 'to ng ilang ambulansiya. Napakunot ako. May emergency ba?
Ilang segundo lang ang pagitan nang makatanggap ako ng tawag galing kay Axcel. Nang sagutin ko 'to ay ibinalik ko na ang tingin ko sa bench na inuupuan kanina ni Ms. Lorico, pero....."Sh*t!"
[May problema ba, tol? Nasa'n kayo? Wala kaming nadatnang tao rito sa kwarto ni Ellisse. Kasama mo ba siya?]
Napapikit ako ng mariin, "I lost her. Hahanapin ko, tatawag nalang ako mamaya." Mabilis kong pinatay ang tawag tyaka patakbong nag-ikot-ikot sa lugar nagbabaka-sakaling mahanap si Ms. Lorico. Ito na nga bang sinasabi ko. Sh*t!
Halos hingalin ako sa pagtakbo para lang ikutin ang labas ng Hospital at medyo nakalayo na nga rin ako rito dahil iniisip ko na nasa tabi lang ng daan si Ms. Lorico, naghahanap ng masasakyan, pero naka-ilang mura na ako dahil hindi ko parin siya mahanap. I slid my hand on my pocket jeans to get my phone. Plano ko pa lang sanang tawagan si Axcel nang makatanggap ako ng tawag mula kay Gingerly. What's with the sudden call? Hindi na ako nag-isip pa ng dahilan kung bakit siya tumawag. Kaagad kong sinagot 'to kahit medyo hinihingal pa ako.
"Hey, what's-----"
[Backup, Fritz!! Kailangan namin ng backup dito!!] I can hear the gunshots and explosion of bombs in the background kaya napahigpit ang hawak ko sa phone. Bago pa ako makasagot ay agad ng naputol ang linya ng tawag.
"Hey, Ginger! Sh*t! Gingerly!" Sinubukan kong i-dinial ng ilang beses ang numero niya pero unattended na. I clenched my fist due to all the mixed emotions trying to get the best out of me. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na naramdaman ang pagod ko nang walang tigil kong tinakbo ang daan pabalik ng Highstone.
Paanong natunton ng kalaban ang Frinvalley? Sh*t!
Tumunog ang elevator at nang bumukas ito ay saktong si Patricia at Axcel ang magkasama. "Did you find her?" Kaagad na bungad sa akin ni Patricia at halata ang pag-aalala sa kaniya. Umiling ako.
"We need to find her quick." Nauna si Patricia maglakad palayo pero pinigilan ko siya, "Sandali lang."
"What?" Naiinis na sagot niya. "Ms. Lorico must calm herself down before she could ever do much worse than what she did. We need to find her."
"Gingerly just called me."
"Anong nangyari?" Tanong ni Axcel kaya napatingin ako sa kaniya. "They need backup on the island."
"Mint's there. We can leave the rest to him. Isa pa, naro'n si Mrs. Zerafina." Sagot ni Patricia na parang sigurado siyang walang mangyayaring masama sa mga taong nasa isla hangga't nando'n si Mint at ang ina niya.
"How could you be so sure?" Hindi ko maiwasang mainis. Sh*t! This emotion is almost taking the best out of me.
"For now, Ms. Lorico's safety is our top priority here. We need to find her. Now." Tinalikuran na niya kami at patakbong lumayo. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang pag-aalala niya kay Ms. Lorico. Isa pa, miyembro siya ng Canis. Kung tutuusin, hindi naman na niya dapat problema ang problema ng Serpent. Our mission is not hers to be part of.
Napatingin ako kay Axcel nang tapikin niya ang balikat ko. "Alam mo, kilala ko si Mint. Wala ring sinasanto 'yon tulad ni Commander kapag ang usapan na ay ang kaligtasan ng mga taong mahalaga sa kaniya. At sigurado akong hindi parin pumapalya ang galing ni Tita Zerafina pagdating sa labanan." Tinapik niya ulit ang balikat ko bago sinundan si Patricia. Napabuga ako ng hangin bago sila sinundan.
"Bilis magbago ng isip ah." Kantsaw pa niya sa akin nang maabutan ko siya.
"I wonder if you would also feel the same if Tanya's one of the people on the island." Dahil sa sinabi ko ay napailing siya.
"Advice ko lang sa 'yo, tol. Umamin ka na bago pa makuha ng iba." Tinapik pa niya ako sa likod bago naunang tumakbo papuntang sasakyan. Napailing nalang ako't napangisi. Torpe nga naman. Nag-bounce back pa sa kaniya 'yong payo niya.
Sa backseat na ako umupo dahil inokupa ni Axcel ang upuan sa tabi ni Patricia. We can entrust her the wheel. Napatunayan ko na rin namang magaling siya pagdating sa pagmamaneho. Ang problema lang namin ngayon ay kung saan namin hahanapin si Ms. Lorico.
"Did you know where she could possibly be?" I asked them both.
"Hindi, pero tinawagan na namin si Mint. Ang sabi niya posibleng makipagkita raw siya kay Mr. Bautista."
"Casper Bautista. The man who was helping her the whole time. Henchman ni Mrs. Zerafina" Patricia added. Henchman ni Mrs. Lorico? But he chose to make an alliance with Mrs. Lorico's daughter instead. The Knightress must know how to take things under her control huh?
"Did she make this whole setup with the Serpent Commander?" Tanong ko. Alam ba ni Ms. Lorico na si Commander ang babarilin niya sa VVIP room ng Horawoki Telecom?
"I don't think so." Sagot ni Patricia. "Mr. Hilton lost too much blood when we brought him to Highstone earlier. He was shot by a German bullet in his chest and is currently in critical condition."
Napakunot ako. Biglang sumagi sa isip ko ang mga van at ambulansiya kanina. "If he was brought to Highstone, then...."
"Sinabihan ni Chief ang may-ari ng Ospital na kailangang maiwang bakante ang buong Highstone kaya pansamantala munang inilipat ang mga pasyente sa ibang Ospital na pagmamay-ari rin ng mga Stanford." Axcel filled my line.
"The Commander's still in danger. We need to go back there as soon as we're done looking for the Knightress." - Patricia
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa loob ng sasakyan. Napatingin ako kay Patricia nang nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Mukhang wala pa kayong ideya dahil siguradong hindi pa nasasabi sa inyo ni Mr. Tyler...The real Mr. X is Jackson Lee Hilton, father of the Serpent Commander."
Hindi ko inasahan ang sasabihin niya. Hindi ko alam dito kay Axcel dahil nasa passenger's seat siya. Nakatalikod siya kaya hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
"And the father wanted his son dead?" I asked.
"Indeed...but the Serpent Commander still, chose to protect his father by switching places with him in order to protect the pride of Hilton Empire. That explains why Ms. Lorico shoots him. She thought it was Jackson Lee Hilton who had a meeting with Mr. Bautista."
"Teka...." Napatingin ako sa gawi ni Axcel. Hinarap pa niya ang sarili kay Patricia na naka-pokus lang ang atensyon sa daan. "Hindi ba nakilala ni Mr. Bautista na si Commander ang ka-meeting niya at hindi si Jackson Hilton? Kung tutuusin, halos magkalapit lang sila sa mesa. Isa pa, kung alam nga niya, bakit hindi niya kaagad sinabihan si Ellisse?"
That's the million peso question.
"What do you think?" Patricia asked. I don't think she already knows something about it.
"Posibleng nakipag-kasabwatan siya kay Commander sa kung ano man ang plinaplano nito. Kung tauhan siya ni Tita Zerafina, tingin ko, hindi niya agad-agad sisirain ang tiwala nito sa kaniya kahit pa sabihin nating anak si Ellisse ng taong pinagsisilbihan niya. Paano kung nagkukunwari lang siyang tinutulungan si Ellisse, pero ang totoo, si Commander talaga ang tinutulungan niya?" - Axcel
"We could also tell that Mint and Mrs. Zerafina are both allies of Mr. Hilton to make his plan succeed—whatever it was," I added.
"So you think all this setup was planned by the Serpent Commander? With his in-laws? To annihilate the only one Jackson Lee Hilton?"
"May iba ka pa bang ideya?" Tanong ni Axcel kay Patricia. I think she had an idea but chose to keep it from us.
"Well, we might be right, but we might also be wrong. Whatever it is, we must protect the Royalties."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top