Chapter 52.3


THIRD PERSON 


Bago pa man marating ng Serpent gang ang Horawoki Telecom Building, nasabi na ng Royal Chief sa kanila ang mga dapat nilang gawin. Kung sino ang makakasama nila upang isagawa ang task na naka-assign sa kanila at kung saan nila ito isasagawa. Ibinilin niya rin kay Jinno Ackrey na siya ang tatayong leading head ng grupo upang pangunahan ang misyon sa kaling magka-aberya sa end niya. 


Nauna ang Chief sa nasabing lokasyon bago pa man ito marating ng Serpent gang. Ilang minuto lamang ang pagitan matapos makarating ng gang kasunod ng Chief ay dumating na rin ang mga tauhan mula sa Mors na naka-assign upang palibutan at bantayan ang labas na bahagi ng building. 


Handa na ang lahat at nasa kaniya-kaniya na silang posisyon. Ilan sa kanila'y alam ang buong kaganapan, kung bakit nila isinasagawa ang misyon ngunit ang ilan nama'y may pagda-dalawang isip parin kung para saan nga ba talaga ang pagbabantay nila sa buong building ng Horawoki. Gayunpaman, walang reklamo nilang sinusunod ano mang utos sa kanila ng Royal Chief. Masyadong malaki ang tiwala nila sa mga Royalties para suwayin ano mang iutos sa kanila. Sa sitwasyon ng karamihan sa kanila, tila nangangapa sila sa bawat kaganapan sa loob at labas ng lugar. 


Katahimikan ang bumabalot sa kabuuan ng building kaya nagtataka ang ilan sa mga miyembro ng gang. Tila wala nga namang dahilan upang mabahala sila sa pag-atake ng kalaban, ngunit sa katunayan, maaaring nasa piligid lang ang ilan sa mga kaaway, naghihintay ng tamang tiyempo para unahan sila sa pagpatay. 


Mula sa ika-sampung palapag, tahimik na nagmamasid si Bryan Madfrel. Mag-isa siyang na-assign sa lugar. Sa loob-loob niya, maliit ang tyansang may mga kalaban nga talaga silang kailangang iligpit. Hindi  siya nababahala na ano mang oras maaaring lumabas sa kung saan ang mga kalaban at tulad ng hindi niya inaasahan, unang tinahak ng mga armadong lalaki na humigit kumulang sampu ang palapag kung nasaan siya. Sniping rifle ang gamit niya kaya kahit nakatago at nasa malayo siya, hindi siya mahihirapang asintahin ng mabilis ang mga kalaban. 


Mukhang masyado pang maaga ang pag-aakala niyang higit sampu lang ang kailangan niyang patumbahin dahil mayroon pang grupo ng mga armadong lalaki ang pumasok sa lugar. Natatakpan ang mga mukha at ulo nila ng itim na full head mask at tanging ang mga mata lang nila ang nakalitaw. Itim din ang suot nilang battle suit na parang handang-handa talagang sumabak sa matinding gyera. Walang ideya si Bryan kung anong grupo nabibilang ang mga hampas lupang lalaki. Isa lang ang posibleng sagot sa tanong niya. Korbin. 


Sa ikalabing-dalawang palapag kung nasaan si Creid Marquez upang maglagay ng mga pain sa mga rutang maaaring pasukan at labasan ng mga kalaban. Nasabihan na rin ang iba na hindi na ito pwedeng pasukin dahil sa mga paing nakaabang sa lugar. Maingat na nilisan ni Creid ang lugar upang puntahan ang susunod na lugar na naka-assign sa kaniya. 14th floor kung saan niya aabangan ang mga kalabang kailangan niyang iligpit. Naabutan pa niya rito si Zion Mandalaine na tila may kung anong hinahanap. Inililibot niya ang paningin sa bawat sulok ng lugar. Nang magtagpo ang mga tingin nila ay nagka-tanguan lang dahil bigla nilang narinig ang mga yabag ng paa na palapit sa direksiyon nila. 


Plano sanang tulungan ni Zion si Creid sa pagpatay sa mga kalaban pero nang mapatingin ito sa kaniyang orasan, wala na siyang magagawa pa kung hindi ipaubaya na lamang kay Creid ang task dahil kailangan na niyang mahanap ang mga bombang kailangang i-defuse. Sinenyasan niya lamang si Creid at kaagad naman nakuha ng kasama ang ibig nitong sabihin. 


Abala na ang ilan sa bakbakan, ang iba'y tahimik lang na nagmamasid sa paligid, ang ila'y ginagawa ng payapa ang mga task na naka-assign sa kanila, sa kabilang dako naman mula sa ikalawa sa huling palapag, pumasok ng magkasama mula sa bintana ang dalaga't binata. Halos magkasabay pa nilang tinanggal ang lock ng taling nakapulupot sa baywang nila na ginamit upang makaakyat sa building. 


Nagka-tanguan ang dalawa bago tinahak ng dalaga ang daan palayo sa kasama. Naka-sukbit padin sa likod nito ang may kahabaang bag kung saan nakatago ang pinakamamahal niyang sniping rifle. Samantala ang lalaki nama'y nagtanggal ng suot na suit na ginamit niya sa pag-akyat ng building. Hinugot muna niya ang nag-iisang baril na dala niya mula sa holster nito bago tuluyang tinanggal ang suit. Tanging ang itim na jacket na lamang ang suot niya at sa loob litaw ang gray na t-shirt. Isinuksok nito sa likod ang baril bago dinukot ang kaisa-isang lollipop niya sa bulsa ng jacket, binuksan 'to tyaka isinubo bago nilisan ang lugar na tila lalabas lang ng bahay upang makipag-kita sa isang kaibigan. 


Naging tahimik ang daloy ng bakbakan sa iba't ibang bahagi ng building, ngunit naiiba ang kaganapan sa pinaka-huling palapag kung saan makikita ang VVIP room. 


Kanina pa dumating si Mr. Jackson Lee Hilton upang makipagkita sa dati nitong kakilala na walang iba kung hindi si Casper Bautista na matalik na kaibigan ni Eliazer Lorico. Hindi malaman kung bakit nga ba pinaunlakan ni Mr. Hilton ang pakikipagkita sa kaniya. Dahil ba sa dating kaibigan din ni Mr. Hilton si Eliazer o dahil interesado talaga ito sa offer niya bilang arms smuggler? Alin man sa dalawa, ang mahalaga'y pinaunlakan si Mr. Bautista. 


Kung titingnan ang kabuuan ng bawat kaganapan, tila wala namang magaganap na mas malala pa sa isang mafia war, ngunit sa katunayan, may mga matang nakamasid sa paligid nag-aabang sa mga susunod na kaganapan at mga labing nakangisi na tila hawak na ang tagumpay na inaasam. 


No one knows that presence or perhaps that's what it seems for some. 


Naging maayos ang daloy ng meeting sa loob ng VVIP room. There's no sign of threat behind Mr. Hilton and to the man across him. There's no risk lingering around the four corners of the room...not until the door swung open na siyang hindi napansin ng dalawa dahil may kalayuan ng kaunti ang mesa mula sa pinto. Mahigpit na hawak ng isang dalaga ang isang baril na naglalaman ng german bullets. The gun was directly pointed at the back of the head of Mr. Hilton. Nagkunwaring hindi napansin ni Mr. Bautista ang dalaga upang maiwasang mabulilyaso ang kanilang plano.


Hindi parin tumatayo si Mr. Hilton kahit na tapos na ang naging usapan nila ni Mr. Bautista. Instead, he maintained his gaze directly to the man across him, Casper Bautista who quickly nodded at the Royal Kngihtress when their gazes met—it was a cue to prepare for their final plan.


"I am very pleased to look forward to working with the Hilton." Tumayo si Casper Bautista dala ang ngiti tyaka ito naglahad ng kamay kay Mr. Hilton. Ilang segundong tinitigan ni Jackson ang kamay nito bago tumayo para abutin ang kamay ni Casper. Now, the Knightress has no hardships on shooting Mr. Hilton. Wala ng backrest ng upuan ang humaharang sa likod nito.


Ilang segundo rin ang mahigpit na pagkakamayan ng dalawa. Tanging ang pag-talikod na lamang ni Mr. Hilton ang hinihintay nila Casper at nang Royal Knightress, makakamit na nila ang tagumpay ng plano. 


Only anguish was written all over the Knightress' face. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa baril nang matapos magkamayan ang dalawa. One more move and she's ready to pull the trigger with no hesitation. 


Katulad ng inaasahan, pagkatalikod na pagkatalikod ni Mr. Hilton kay Casper ay siyang pagharap ng una sa Royal Knightress kasabay nito ang pag-alingawngaw ng malakas na putok ng baril sa apat na sulok ng silid. Finally, the bullet was planted on Mr. Hilton's chest. 


Did the Knightress intentionally shoot him there and not on his head? Tulad nga ng sinabi niya, gusto niyang makita si Jackson Hilton na maramdaman ang sakit ng pagkamatay niya, pero hindi na nasundan pa ang pagpapa-putok niya ng baril para tamaan ang target niya sa noo dahil magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw pa sa paligid. Hindi ito mula sa kaniya o kay Casper Bautista, kung hindi galing ito sa malaking glass window sa gawing kanan nila. 


Mabilis ang naging pangyayari sa loob ng silid. Tila hindi na halos namalayan ng dalaga kung saan at kanino tumatama ang mga bala ng baril na patuloy tumatadtad sa mga kagamitang nasa loob ng silid. May mga tunog ng pagkabasag ng mga kagamitan, mahinang pag-daing hanggang sa maramdaman niyang may malakas na pwersa ang humila sa magkabilang braso niya. Ni hindi na niya namalayan kung sino ang mga 'to dahil tila dinalaw siya ng matinding antok. Halos nakuha pa niyang mapamura dahil sa dami ng pagkakataong maari siyang mawalan ng malay tao, sa oras pa na kailangan niyang manatiling gising. 


Madami ng nagkalat na bangkay sa ibang palapag ng building. Natapos na rin ang ilan sa pakikipagbarilan sa mga kalaban ngunit hindi parin natatapos ang bakbakan sa huling palapag. Halos nakadapa na si Mr. Hilton at Casper Bautista dahil sa mga bala na patuloy tumatadtad sa iba't ibang bahagi ng silid. Halos mapa-mura ng malutong si Casper nang maramdaman niya ang daplis ng bala sa balikat niya sumunod sa braso at muntik ng pati ang mukha niya kung hindi lamang siya mabilis na nagpa-gulong upang itago ang sarili sa nag-iisang couch na nasa silid. 


Habang patuloy ang balang lumilipad papasok sa kwarto kung nasaan sila, hinanap ng mga mata ni Casper kung nasaan si Mr. Hilton. Nakita niya ito sa gawing kaliwa niya, nakahilata, at wala ng malay.


Hindi mabilang ng daliri kung ilang beses siyang napamura dahil sa patuloy na pagpapa-ulan ng bala ng kung sino man na paniguradong mula sa ibang building na malapit dito sa Horawoki Telecom. It must be from one of the rooftop's building across Horawoki's property. 


Ilang sandali pa'y humupa na ang putok ng baril. Mukhang nakontento na ang shooter sa pagpapaulan ng bala. 




10 minutes ago before the sniper shooting in the VVIP room at Horawoki Telecom

.....


Sa kabilang banda, mula sa Hanteigh's rooftop, ang building na siyang pinakamalapit sa Horawoki telecom, isang armadong lalaki ang naroon, nakadapa at naka-silip sa scope ng kaniyang sniping rifle. Tila aliw na aliw sa bagay na gagawin. Tahimik namang nakamasid sa likod niya ang isang lalaking naka-pormal na suit. Nakapamulsa pa ito habang diretso ang tingin sa Horawoki Building. 


"Tumayo na si Mr. Hilton, boss." Wika nang lalaking may hawak ng rifle. Napangisi ang lalaking tinawag niyang Boss. 


"Checkmate, Hilton." Bulong niya sa hangin kasabay ng pagtalikod niya. "Finish the job." Naglakad na ito palayo, palabas ng rooftop. 


Ang lalaki namang may hawak ng rifle ay aliw na aliw sinimulan ang pagkalabit ng gatilyo. Tatlong rifles ang dala niya at kanina pa naka-set ang mga ito. Ang gagawin na lamang niya ay lumipat ng pwesto at sumilip sa scope upang ituloy ang pag-baril sa loob ng VVIP room ng Horawoki Telecom. Ilang minuto ring nagtagal ang kasiyahang ginagawa ng lalaki. Sa sobrang pagka-aliw hindi na niya namalayan ang presensiyang nasa likod niya. Kadarating lamang nito hawak ang isang baril. 


"How's the job, idiot?" She asked. Ni hindi man lang nagawang lingunin ng lalaki ang dalaga sa likod niya. Nagawa pa niya humalakhak ng tawa habang nakasilip sa scope at patuloy sa pag-baril. "Hindi na gumagalaw si Hilton. Patay na sigurado." 


Napangisi ang dalaga pero napaka-sarkastiko ng pag-ngising 'yon dahil kaagad siyang sumeryoso habang walang ganang pinagmamasdan ang lalaki na patuloy sa kasiyahang ginagawa niya. "Akalain mo nga namang hindi nakalampas si Hilton pati sa kamay ko." Papuri pa niya sa sarili. 


Walang pakundangang ikinasa ng dalaga ang baril na dala niya dahilan nang mapalingon sa kaniya ang lalaki. Namilog pa ang mga mata nito at aktong itataas ang kamay tanda ng pagsuko ngunit bago pa man niya 'yon magawa ay bumulagta na ang katawan niya sa malamig na sahig ng rooftop, walang malay dahil sa natamong bala ng baril diretso sa kaniyang noo. 


"You better watch your f*cking words in your next life to hell, idiot." Dinampot niya ang isang sniping rifle tyaka 'to isinukbit sa kaniyang balikat at naglakad na palayo, palabas ng rooftop. 


Malapit na niyang marating ang dulo ng hagdanan pababa nang isang tinig ang nagsalita mula sa suot niyang hidden earpiece, walang iba kung hindi ang suot niyang diamond earrings. 


[I'll fetch you on-----]


"Horawoki Telecom." Matipid na saad niya habang tinatahak ang pasilyo. Nakamamatay ang talim ng tingin niya, tila wala man lang pakealam sa mga taong nakakasalubong niya sa loob ng Hanteigh Hotel na halos balutin ng matinding takot ang mga mukha nila. Halos lahat nang madaraanan niya'y mabilis na nagpapagilid para bigyan lamang siya ng daan.


[Babe, that was not----]


"Defy or follow my order." Matigas na wika niya. Nang marating niya ang parking lot kung saan nakaparada ang pulang Lykan Hypersport niya ay kaagad siya sumakay rito. Inilagay muna ang rifle sa passenger's seat bago sinindihan ang makina ng kotse at pinaharurot ito paalis. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, tila hindi nakuntento sa bilis ng takbo ng sasakyan kaya dinoble pa nito ang bilis. Madaling-madali siya na halos paliparin na niya ang sasakyan. 


She was madly driving when she whispered, "You'll be f*cking dead tonight, motherf*cker." 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top