Chapter 52.2


PATRICK NICKOLAS NAVARRO 


May halos sampung minuto na kaming nandito sa mini control room ng Horawoki telecom kung saan namo-monitor lahat ng ganap sa labas at loob ng buong building. Tama, mini control room palang 'to eh kung susukatin, triple na 'yong lawak nito sa mini control room ng HQ. 


Magkasama kami ngayon ni Cyan na abala ang mga mata sa panonood ng mga footage. Hindi pa yata 'to nagsasalita magmula no'ng humiwalay kami ng landas sa mga ungas na kasama namin. At ang matindi pa, wala man lang siyang ginawa kanina para tuluyan naming ma-angkin 'tong buong control room. 


Dahil nga bantay-sarado ang bawat sulok nito, inaasahan na namin na hindi magiging madali ang panghihimasok namin sa lugar. Una sa lahat, wala kaming pass. Pangalawa, hindi na naman 'yon kailangan dahil kapag sinabi ni Chief na hindi na edi hindi na. Magmamarunong pa ba kami sa Royalty? 


Dahil si Chief ngayon ang magsisilbing head ng gang, siya ang nag-desisyon kung saan kami pu-pwesto at kung sino ang mga kasama namin. Si Axcel at Fritz ang magkasama para bantayan ang itaas na bahagi ng building. Si Creid at Bryan ang magkasamang pumunta sa iisang direksiyon kanina. Ayon sa utos ni Chief, si Creid ang bahalang maglagay ng mga patibong sa mga rutang kailangang painan habang si Bryan naman ay pu-puwesto sa fifth floor dahil do'n niya raw aabangan ang mga bwisitang parating. At ako bilang inyong lingkod kasama ang di-pindot na si Cyan ang nandito ngayon sa control room. Inutusan ako ni Master Jinno kanina na i-duplicate ang screen ng footages na kuha rito sa control room konektado sa laptop niya kaya 'yon ang ginawa ko kaninang makapasok kami rito. 


Naalala ko na naman ang g*gong pabuhat na kasama ko. 


Dahil nanghihimasok lang naman kami rito sa Horawoki Telecom Building, kinailangan pa naming mag-ala Tarzan para lang makarating sa 7th floor kung nasa'n ang lokasyon ng mini control room. Kahit tahimik 'tong kasama ko, mabilis naman siya kung kumilos kaya hindi ko nalang pakekealaman kung gusto niyang panindigan ang pagiging robot niya. Inasahan ko pang may sasalubong ng mga armadong lalaki sa amin pagdating namin dito, pero wala naman. Ang linis nga ng lugar at walang pakalat-kalat na mga g*go sa tabi.


Bago namin tinahak ng robot kong kasama ang corridor papunta sa control room nag-angat muna ako ng tingin para makita kung may mga CCTV cameras sa daraanan namin. Lima sa kanan at lima rin sa kaliwa at dalawa sa malapit sa control room paharap sa amin. Sa posisyon ng mga cameras, halos kuha ang buong corridor kaya siguradong makikita kami ng kung sino man ang bantay sa control room. Salamat sa malapad na pundasyon ng building na 'to malapit sa bintanang pinasukan namin, hindi pa kami nahuhuli ng mga camera.


Nilingon ko ang kasama ko para sana sabihan siya na kailangan naming kumilos nang hindi nahuhuli sa footage pero laking gulat ko nang wala na siya sa likod ko. G*gong robot 'yon ah, saan na 'yon nagpunta?


Pagbalik ko sa dati kong posisyon sa pag-silip sa corridor, nakita ko si Cyan na walang pakealam tinatahak ang daan. Hindi man lang mabahala sa mga camerang sumusunod sa kaniya. G*gong 'to talaga. Lumabas na ako sa nakaharang sa akin at patakbo siyang sinundan. Napamura pa ako nang simulan niyang sunod-sunod na pagbabarilin ang mga camera na asintadong-asintado niya. 


Powtang 'to. May tinatago palang kayabangan sa loob. 


"Kung sinabihan mo ako par, para naman hindi ako nagmumukhang g*gong walang alam sa kilos mo." Komento ko matapos niyang asintahin ang mga camera sa magkabilang gilid kaya inasinta ko pa ang ibang nakatutok sa pwesto namin.


Pero, nakapagtataka lang. Hindi ba kami napansin ng mga bantay sa control room? Imposible namang iwang bakante ang kwartong 'yon. Mahigpit sa seguridad ang Horawoki kaya dapat kanina palang nakipag-barilan na kami sa mga tauhan nila baka hanggang ngayon nakikipagpatayan palang kami sa kanila, bakit parang masyado yatang tahimik 'tong building? O sadyang pinagpala lang kami? 


Tumigil ako nang tumigil siya sa harap ng pinto ng control room. Humakbang ako palapit sa kaliwa niya at inihanda ang baril na hawak ko. Hindi naman ako naninigurong may bantay sa loob dahil kung mayro'n nga, malamang kanina pa sila lumabas dahil nakita na nila kami si camera, pero mas mabuti ng maging handa. Aba, kahit single ako, gusto ko pang mabuhay, ewan ko rito sa kasama kong robot na wala man lang armas na hawak dahil itinago na niya sa holster niya ang baril na hawak niya kanina. Oh 'di ba? Kung hindi ba naman siya isa't kalahating depowta.


"Baka naman gusto mo munang maglabas ng armas, par?" Sita ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita. Sa halip ay hinawakan niya ang knob ng pinto pero bago pa man niya mapihit 'yon ay sinipat ko na ang kamay niya. "H'wag mong sabihing manghihimasok ko ng walang pan-depensa?" Sarkastiko ko pang paninita ulit pero parang wala lang ang sinabi ko sa kaniya. Mas nakaka-t*ng ina pa palang kausap ang robot na 'to kaysa sa inosenteng si Rix. 


Mukhang hindi ko na siya mapapakiusapan pa kaya hinugot ko pa ang isang baril sa likod ko kaya dalawa na ang hawak ko. T*ng inang 'to, ako pa talaga ang maga-adjust para sa kaniya. Tinanguan ko siya para buksan na ang pinto na siya namang sinunod niya. Agad kong itinutok ang baril pagka-bukas ng pinto na siyang umagaw sa atensyon ng dalawang taong bantay sa loob. Napasulyap pa ako sandali sa screen ng computer. Napangisi tuloy ako. 


"Kita mo nga naman, oo, mga COD players pala kayo. Naglalaro rin ako niyan live nga lang." 


Hindi naman sa nanlalait ako pero may pagka-bobo 'tong dalawang armadong lalaking nadatnan namin dahil sa halip na hugutin ang mga baril nila nang mabilis silang makatayo, mas pinili pa nilang makipag-pisikalan sa amin, at dahil likas na ang pagiging alerto ko sa mga ganitong sitwasyon, bago pa man nila madapuan ng mga kamao nila ang flawless kong pangangatawan hindi na ako nagsayang pa ng segundo sa pagkalabit ng gatilyo ng mga baril na hawak ko. Halos magkasabay ang pag-bagsak ng katawan nila sa sahig dahil sa tama nila sa noo. Napatingin ako sa kasama ko na walang pakealam sa nangyari dahil dire-diretso niyang tinahak ang swivel chair at naupo sa harap ng screen. Powtang 'to talaga. 


"Salamat sa tulong, par." Sarkastiko kong pasasalamat nang lapitan ko siya. At ang g*go tinanguan pa ako. Napailing nalang ako bago hinugot ang flashdrive na nasa holster pocket at isinaksak 'yon sa USB port para i-duplicate ang screen dito sa control room konektado sa laptop ni Master Ackrey. 


Si Master Jinno ang nasa parking lot ngayon para i-monitor ang ganap sa loob at labas ng building. Magmula nang makapasok kami kanina rito sa building, wala ng sumunod na utos si Chief, halos si Master na ang nag-ala head ng mga susunod na gagawin namin. Trabaho rin naman talaga niya ang utus-utusan lang kami sa misyon kapag wala si Chief. 


Ang ibang grupo mula sa Mors na naatasan para bantayan ang labas na bahagi ng Horawoki telecom ay dumating kanina limang minuto pagkatapos ng dating namin. 


"Nasa'n na naman kaya ang inosenteng Rix na 'yon?" Tanong ko habang minamata ko ang CCTV footage ng ilan sa mga lugar dito sa loob ng building. Hindi ko naman inaasahan sasagot ang kasama ko kaya nagpatuloy ako sa ginagawa ko. 


"I can't find the presence of the Serpent Commander and the Chief." Napatingin ako sa robot kong kasama na himalang nagsalita. 


"Miss mo na ba, par?" Nakangisi kong tanong pero hindi niya ako pinansin. 


"Or perhaps, they arrived before us." Sagot niya na parang sarili rin niya ang kausap niya. Teka, nag-sarili nga palang sasakyan ang Chief kaninang umalis kami ng HQ kasama ang gang. Nauna rin siyang umalis. 


[Nick and Cy. On your next location.] Nabalik ang tingin ko sa screen sa kaliwa ko. Tapos na pala ang ginagawa kong screen duplication kaya malamang may access na si Master ng buong footage ng building. "Copy, Master." Hinugot ko ang flashdrive mula sa USB port at naunang tumayo. Napatingin ako sa kasama ko na tutok parin ang atensyon sa screen parang may tinititigan sa isa sa mga footage. 


"Hindi ka hihilain ng screen papunta sa sunod na lokasyon natin, par." Pangga-gago ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Naadik na ang powta. "Ano ba kasing tinitingan mo? May bed scene na ba riyan?" Lumapit pa ako sa kaniya para makita kung anong scene ang kinaaadikan niya pero bigla siyang tumayo kaya napa-atras pa ako dahil muntik na kaming magka-untugan. 


"I knew it." 'Yon lang ang sinabi niya at tuloy-tuloy na lumabas. Napatingin ako sa screen na kaharap niya kanina, ilang segundo ko pa 'tong tinitigan pero wala namang kaiba. T*ng inang robot 'yon, may nakikitang hindi makita ng normal kong mga mata. Napailing ako at sinundan siya palabas. 


"Oy, sandali lang naman, par! Masyado kang excited." Tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hindi na rin namin ikinabahala ang ibang CCTV na nadaraanan namin. 


Nang malampasan ko ang kaliwang corridor parang may naaninag akong pigura ng lalaking dumaan sa dulo nito kaya nabalik ang tingin ko rito. Powta, guni-guni ko lang ba 'yon? 


[What's the matter, Nick?] Tanong ni Master mula sa suot kong earpiece.


[Anong ganap? Nagbabalak ka na naman bang gumamit ng granada, Nick?] Rinig ko pa ang natatawang komento ni Axcel pero hindi ko parin maalis ang tingin ko sa dulo ng corridor. Guni-guni ko lang ba talaga 'yon? 


[Careful, Nick. The rule is to not use any explosive weapon.] Paalala ni Fritz at natawa pa si Axcel. Mga g*gong 'to, sila kayang hagisan ko ng granada. 


Tinahak ko nalang ang daan papunta sa daang tinahak din ng kasama ko. Powtang robot na 'yon, pabida. Pinapangunahan ang mga talentado sa kaniya. 


Bago pa magsara ang pinto ng elevator ay nakapasok na ako. Si Cyan na ang pumindot sa numero ng palapag na pupuntahan namin. 10th floor kung nasaan si Bryan. Habang pataas kami, hindi ko na talaga mapigilang hindi magtanong. 


"Nakita mo rin ba si Rix?" Tanong ko at saktong tumunog ang elevator, hudyat nang pagbukas nito. 


"He must be here. That's given." Sagot lang niya bago naunang lumabas. Napailing nalang ako. Hanggang ngayon, palisipan padin sa akin kung sino ang nasa likod ng pangalang Lucifer. 


Tinahak ko ang daan palabas. Nakakailang hakbang palang ako, nakakarinig na ako ng mga putok ng baril. Powta, dito pala may live na COD. 


BRYAN: Sa kaliwang corridor ka Cy, at ikaw Nick sa kanan...p*tang mga g*go, hindi nauubos! 


"Copy" Rinig kong sagot ni Cy bago lumayo sa akin papunta sa kaliwa at ako naman ay tinahak ko ang kanan dala ang dalawang baril sa magkabilang kamay ko. 


Nakakailang hakbang palang ako, sinalubong na ako ng mga g*go. Ano 'to? Tauhan ba ng mga Horawoki? Naka-battle suit pa talaga ang mga powta. Gaya-gaya. 


CREID: Twelfth floor cleared. 


ZION: 'Naol cleared. Kayo ni Dhale nagkaliwanagan na rin? 


Nagawa ko pang matawa sa pakikipag-barilan nang sumagot sa earpiece ang g*gong si Zion. 


CREID: F*ck you, Mandalaine!


Asar ang babaerong nagseryoso sa isang Dhale Tizuarez. Baril dito baril diyan ang ginawa ko, napamura pa ako dahil nadaplisan ako sa balikat. 


JINNO: How are things going in there, Zion?


ZION: Na-defused na 'yong tatlong bomba rito sa 56th floor. Papunta na 'ko niyan sa taas para i-defuse pa 'yong iba.


JINNO: Good. Everyone, prepare for our next position. 


Powta, agad-agad? Mukhang wala na yatang katapusan 'tong mga armadong lalaki dito sa 10th floor. 


BRYAN: P*ta may sniper!


Kahit na hindi ko maaninag kung nasaan si Bryan naka-pwesto, napalingon ako at kahit malayo-layo nakita ko pa ang ginagawang pakikipag-laban ng robot sa mga kalaban. 


JINNO: Sniper located on the upper deck, 15 meters away from you, Bryan. Creid, your turn. 


Napangisi ako dahil sa bilis ni Master na magbigay ng susunod na move. 


CREID: Copy


['Wag niyong pakealaman 'yong sniper. Akin 'yan.] 


Napatigil ako dahil sa nagsalita mula sa earpiece pero na-alarma rin kaagad nang may sumulpot na namang dalawa pang lalaki kaya mabilis ko silang inasinta sa noo. Napahawak pa ako sa suot kong earpiece. 


JINNO: Rix? How did....Kasama mo si Patricia?


RIX: Ako ng bahala sa mga bomba rito sa pangalawa sa huling palapag. 


Mga? G*go lang? Kailan pa natutong mag-defuse ng bomba ang powtang Rix na 'to? 


JINNO: Alright then. Zion, change location. Last floor with Axcel and Fritz. Proceed with the next move. 


FRITZ: Copy


AXCEL: On it


ZION: Roger 


"Malinis na rito sa 10th floor, master." Saad ko at tinahak na ang daan papunta kay Cyan na saktong katatapos lang din sa pakikipag-laban. Hinihingal pa ang robot niyong lingkod. Inilibot ko ang tingin ko sa upper deck nitong lugar para hanapin si Patricia. Natanaw ko naman siya na palabas sa isang sulok. Nakatingin din siya sa akin pero sandali lang 'yon dahil umalis din siya agad. 


Powta, sa tagal naming nandito, ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga nangyayari. 


"P*ta nangawit ako ro'n." Komento ni Bryan nang malapitan niya kami. Nasa balikat niya nakapatong ang gamit na rifle. Napansin ko ang mabilis na pag-sulyap ni Cyan sa suot niyang relo kaya napatingin din ako sa suot ko. 


ROYAL CHIEF: On position, Axcel, Fritz, and Zion. 


Nanatili kaming nakatayo sa pwesto namin at hinihintay ang sunod na magaganap. 


ROYAL CHIEF: In the count of three...two.....F*CK! 


Rinig pa namin mula sa earpiece ang sunod-sunod na mga putok ng baril at iba pang ingay na siguradong galing sa lokasyon ni Chief. Nagkatinginan kaming tatlo. 


[A sniper from the other building! How------f*ck!] Sunod-sunod na ang mga putok ng baril at mga malulutong na mura pati kay Patricia. Powta, ano ng nangyayari? 


"P*ta naman!" Hindi na nakapag-tiis si Bryan at nauna ng umalis kaya pati kami ni Cyan ay sumunod na sa kaniya. 


PATRICIA: F*ck! Protect the Knightress! 


Halo-halong mga sigaw at mura na ang mga naririnig namin sa earpiece. "Hoy, mga t*ng ina, buhay pa ba kayo?" Ikinasa ko ang hawak kong baril na kapapalit ko lang ng magasin.


Wala akong sagot na narinig kaya mas lalo akong kinabahan. Talentado ako pero kinakabahan din naman ako sa mga ganitong sitwasyon lalo na kung hindi ko alam kung buhay pa ba o bangkay na naming madadatnan 'yong mga g*go naming kasama. 


"P*tang ina talaga!" Mura ni Bryan na siguradong hindi na rin mapakali. 


Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa baril nang tumunog ang elevator. Nang bumukas 'to ay halos sabay kaming napamura ni Bryan nang bumungad sa corridor si Axcel na buhat ang walang malay na si Ellisse. Powtang ina! 


"Quick!" Sigaw ng natatarantang si Fritz kaya tumagilid kami para makapasok sila sa elevator. Natanaw ko ang tumatakbong si Chief habang nakikipag-barilan sa taong humahabol sa kaniya. Napatumba rin naman niya ang g*gong lalaki bago nagpatuloy sa paglakad-takbo. Hawak niya ang kaliwang braso niya na mukhang tinamaan din ng baril. Talagang depowta naman. Sinong matapang na nilalang ang umasinta sa Chief? Napatingin ako kay Ellisse. Hinanap ng mga mata ko ang tama niya pero wala namang dugo ang katawan niya. 


"She's fine." Parang nabasa naman ni Fritz ang reaksiyon ko. 


"Chief, wala ng oras!" Sigaw ni Axcel nang subukan pang asintahin ni Chief ang lalaking bigla-bigla nalang sumulpot sa isang kaliwang corridor. 


"Keep the Knightress out of here. I'll take another route." Saad niya bago tinahak ang kanang corridor. Bago nagsara ang pinto ng elevator ay natanaw ko pa ang lalaking nakabulagta sa loob ng nakabukas na kwarto sa dulo kung saan lumabas kanina si Chief at sina Axcel. Kung tama ang pagkakatanda ko sa blueprint 'yon ang VVIP room. Pinanliit ko ang mata ko dahil sa papaliit na espasyo ng pinto ng elevator. Isang lalaki na nakasuot ng itim na hoodie ang pumasok sa loob ng kwarto hawak ang baril...Powta, sabi ko na nga ba ang inosenteng si Rix talaga 'yong nakita ko kanina. 


Halos mapa-sabunot ako sa buhok ko nang tuluyan nang magsara ang pinto. "T*ng ina, anong nangyari?" Kalmado lang sina Fritz at Axcel pero parehong seryoso ang mga mukha nila. Nagkatinginan pa sila. 


"We need to bring the Knightress back to the HQ." Saad ni Fritz.


ROYAL CHIEF: No. Bring her to Highstone Hospital. We'll be there in a few minutes.


JINNO: Seven men are guarding the ground floor.


CREID: We're on sight. 


Nagka-tanguan pa sina Fritz at Axcel nang tumunog ang elevator. Inihanda rin namin nina Bryan ang mga baril namin. Ako at si Fritz ang nasa magkabilang gilid sa harap ni Axcel para protektahan si Ellisse na buhat niya, habang si Cyan ang nasa bandang likod ni Fritz at si Bryan sa gawi ko. 


Pagbukas na pagbukas ng elevator sa ground floor ay mas naging alerto kami. Walang sumalubong na mga armadong lalaki sa amin pero nanatili kami sa mga pwesto namin hanggang sa mailabas namin si Ellisse. Habang tinatahak namin ang daan palabas ng building, natanaw ko pa mula sa malayo ang g*gong lalaki na aktong balak kaming asintahin pero bigla nalang siyang tumumba. 


ZION: Bagal mo. 


Komento ng g*gong si Zion na malamang ako ang pinariringgan. Porque naka-sniping rifle ang g*go. T*ng ina rin talaga 'to. May mga natanaw pa akong paparating na mga armadong lalaki kaya halos sabay na naman kaming napamura ni Bryan.


ZION: Kami ng bahala rito. Ilabas ni'yo na si Ms. Lorico.


Napangisi tuloy ako. "Plus ten ka sa langit." 


Halos makahinga ako ng maluwag nang tagumpay naming marating ang parking lot kung saan nakaparada ang mga sasakyan namin. Patakbong nilapitan ni Bryan ang hummer niya at may kung anong kinuha ro'n, si Fritz naman pinagbuksan sina Axcel ng pinto ng Ferrari niya. 


"Ikaw na munang bahala sa kaniya." Bilin ni Axcel matapos ibaba si Ellisse sa passenger's seat na hanggang ngayon ay wala paring malay. Wala pa mang utos mula kay Master, inaasahan ko ng babalik kami sa loob para tapusin ang mga g*go. Inosente pa naman ang naiwan do'n sa last floor, baka na-ulol na 'yon. 


Pinaharurot ni Fritz ang kotse niya paalis. Bumalik na rin kami sa loob pero bago pa man ako makasunod kila Axcel, naagaw ng atensyon ko ang sasakyang humaharurot kaya napalingon ako. Masyado naman yata niyang pinangangalandakan ang pulang-pula niyang Lykan Hypersport. Paalis na ako nang tumigil ang kotse sa bakanteng parking spot ilang metro rin ang layo sa akin. Hindi naman sa pagiging tsismoso pero mas mabuti ng makasiguro akong hindi kalaban 'tong g*gong 'to. Inihanda ko ang baril na hawak ko at itinago ang sarili ko sa likod ng kotseng malapit sa akin. Nauna na rin sa loob ang tatlong g*go kong kasama. 


Ilang sandali lang ay narinig ko pa ang tunog ng takong. Powta si Novaleigh agad ang naisip ko. Nang sumilip ako ay hindi ang taong inaakala ko ang nakita ko. Pamilyar ang mukha niya. Matangkad, maputi, mahaba ang nakapusod niyang buhok na unat na unat. Makapal ang suot na pampapula ng labi, maganda ang kurba ng katawan na bagay sa suot niyang hapit na hapit na pulang bestida na abot hanggang leeg at lumalampas sa tuhod niya pero ang laki naman ng punit nito sa gilid kaya litaw ang maputi niyang binti. Powta, marami akong nakikitang magagandang dilag sa mga club pero iba ang isang 'to. Wala akong maipintas, t*ng ina. At ang maangas pa sa porma niya, nakapatong ang sniping rifle sa balikat niya na parang walang habas na magpapaputok ng kung sino man ang makasalubong niya. 


Tumigil siya malapit sa pinagtataguan ko kaya mabilis akong nagtago mula sa pagkaka-silip sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagpatuloy ang tunog ng takong niya. T*ng ina, saan ko na nga ba kasi huling nakita ang babaeng 'yon?


Sa pagitan ng pag-iisip ko, natauhan ako nang makarinig ako ng mga yapak ng paa. Tiningnan ko ang lalaking nakatayo malapit sa pinagtataguan ko. Si Master na nakatingin sa pintong pinasukan ng babae. Oh, h'wag niyang sabihin inlababo siya ro'n? 


"Master!" Tawag ko pagkalabas ko ng pinagtataguan ko. Nakuha ko agad ang atensyon niya pero tumingin din ulit sa pinto. Napakunot ako. "Kilala mo ba 'yong babae?" 


"She was the one who annihilated Winchad Scoth. The fake doctor. Angel Lazarte. Isa sa mga kabilang sa tunay na dark list." 


Lazarte...kung gano'n, anong ginagawa niya rito? Powta, hindi naman niya siguro planong tapusin 'yong mga g*go kong kasama sa loob? Dahil sa nakikita kong dahilan kung bakit siya nandito ngayon, posibleng mangyari ang naiisip ko.


"Change pieces, Nick. Take my position. I'll take yours." Hindi na niya ako hinintay pang makasagot. Tinahak na niya ang daan papasok sa building kaya wala na rin akong magawa kung hindi puntahan ang kotse niya para maging mata nila. 


Powta ito 'yong trabaho na gusto ko. Pa-chill-chill lang. 








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top