Chapter 52
2 days later...
Serpent Headquarters
AXCEL NAUGSH ACOZTA
"Seryoso ba kayo mga par? Anong gagawin ni'yo sa mga armas na 'yan eh magbabantay lang naman tayo ro'n." Komento ni Nick na nakaupo sa mesa habang nilalaro sa daliri niya ang baril. Napailing nalang ako. Daming reklamo, tss.
"Oh, ikaw Fritz, tatayo ka lang din naman do'n ah, bakit magdadala ka pa niyan ng sniping rifle?" Sita na naman niya sa kasama namin na parang naghahanap ng makakampihan. Hinipan ko ang muzzle ng baril na hawak ko tyaka ko itinuloy ang pagpupunas rito.
Sinabihan kasi kami ni Chief na maghanda dahil babantayan namin ang buong Horawoki Telecom—ang pinakamataas na skyscraper sa buong Asya na pagmamay-ari ng mga Horawoki. Wala namang sinabi sa aming ibang detalye maliban sa bantayan ang buong lugar, pero oras na sinabi niyang 'maghanda' ibig sabihin lang nito na sasabak kami sa bakbakan. Mukhang hindi naman alam 'yon nitong si Nick dahil hindi naman talaga siya opisyal na kasama ng Serpent gang.
"Bry" Inihagis ni Fritz ang rifle kay Bryan na nasalo naman niya. Siya ang expert sa amin pagdating sa long range shooting kaya sa kaniya mas mainam na ipagkatiwala ang rifle.
"You better bring your dearest grenades, Nick." Biro ni Fritz sa kaniya na ikinangisi ko. Napa-tss pa si Nick nang bumaba siya sa inuupuang mesa at nagsimula na ring mamili ng mga armas na gagamitin niya.
Wala naman talagang may alam sa amin kung ano ba ang dahilan kung bakit namin babantayan ang Horawoki Telecom, kung may mahalagang tao ba na kailangan naming protektahan do'n o 'di kaya'y target na dapat iligpit. Sumusunod lang kami sa utos mula sa taas, at sigurado na hindi kay Chief direktang galing ang utos sa amin kung hindi mula 'to kay Commander.
Medyo komplikado ang mga nangyayari nitong nakaraang mga araw, pero kung iisipin sa pinaka-simpleng dahilan kung bakit kami pinaghahanda ngayon, siguradong konektado 'to sa Royal Knightress. Sana nga lang, hindi kami gano'n mahirapang basahin ang sitwasyon. Mahilig pa naman si Commander na magbigay ng utos nang hindi gano'n ka-detalyado. Sa madaling salita, kailangan mong mangapa sa mga plano niya.
"Ayos na 'to." Napatingin kami kay Nick na suot ang vest kung saan nakalagay ang mga hand grenades. Kahit kailan talaga ang isang 'to, tss.
"Attention" Lahat kami ay napaayos ng tayo nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Chief. Nasa likod niya si Jinno at Creid na walang bago sa masungit na ekspresyon ng mukha niya. Ano ka ngayon, Marquez? Taob sa isang Tizuarez.
Parang nabasa naman niya ang iniisip ko dahil itinaas pa niya ng bahagya ang kamay niya para pakyuhan ako. Mind reader amputs. Kunsabagay, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kung winasak ng taong mahal mo 'yong puso mo. Buti nalang ako torpe, safe na safe.
"We have the blueprint of the entire building. Make sure to familiarize every route." Saad ni Chief habang isa-isang ibinibigay ni Zion sa amin ang blueprint ng Horawoki telecom. Pinasadahan ko ng tingin ang blueprint nang matanggap ko ang kopya ko. Malawak nga talaga ang buong lugar. Kaya humugot din ng panibagong grupo ng mga well-trained na tao sa Mors si Chief kasama namin.
"You will guard the inside premises of the building while the rest from Mors will take the outside spots—of course, hiddenly. You might be asking what this operation is for. Well, briefly speaking, the mission is to keep the bomb out of its place before it gets triggered."
Bomb?
"Get your things ready. We're off in a minute." Lumabas na ang Chief kasunod nina Creid, Zion Cyan. Nagkatinginan pa kaming tatlo nina Nick at Fritz, mukhang pare-pareho ang iniisip namin.
Anong klase ng bomba ba ang kailangan naming i-defuse sa pagkakataong 'to?
"Hindi kaya....." Napatingin kami kay Nick bago naunang naglakad si Fritz palabas, "We'll find out later. Tara na."
Serpent Headquarters, Maze's basement
CARLOS BEAURIX MORALEZ
"Tapos!" Isinara ko ang laptop pagkatapos kong i-reprogram ang software application na trinatrabaho ko no'ng nakaraan. Kung hindi lang sana sinira ni Lucifer 'yong laptop ko hindi na ako magsasayang ng oras para mag-recode, tsk. Parang masyadong pinatatagal ni Satanas ang pagkuha sa kaniya papuntang impyerno.
Habang prenteng nakataas ang mga paa ko sa lamesita rito sa living room, napasulyap ako sa kasama ko na prenteng nakaupo sa single couch na parang walang pakealam sa mundo habang nilalantakan ang malaking baso ng....avocado ice cream na naman? Wala rin naman akong pakealam kaya sa halip na magbigay ng walang kwentang komento, tumayo ako't inilapag ang laptop ko sa mesa para kumuha ng mansanas sa kusina niya.
Tiningnan ko ang oras mula sa antik na orasan na nakasabit sa pader bago tinungo ng mga mata ko ang direksyon ni Lucifer. Wala ba 'tong planong kumilos? Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket na suot ko para tingnan kung may natanggap ba akong mensahe, pero sino bang aasahan ko? Tsk. Pinatay ko nalang 'to at ibinalik sa bulsa bago ako bumalik sa living room dala ang mansanas.
"Oras alis mo?" Medyo walang kwenta kong tanong kay Lucifer na hindi man lang ako tiningnan. Matapos sumubo ng ice cream ay sinulyapan niya ang oras sa suot na wrist watch bago ulit sumubo ng ice cream. Masyadong kampante. Tsk.
"Ano bang pinag-usapan ni'yo ni Ellisse no'ng nakaraan? Kalmadong-kalmado ka yata." Usisa ko. Akala siguro niya hindi ko alam. Tiningnan niya ako dala ang blankong ekspresyon niya bago ulit ibinalik ang atensyon sa pagkain ng ice cream. "Since when did I f*cking give you the right to ask me anything?"
"Magtatanong ako kung kailan ko gusto." Kibit-balikat na tanong ko sabay kagat sa mansanas. Tiningnan pa niya ako na parang nakaka-gago ang sinabi ko. Napasulyap siya sa laptop na nasa lamesita kaya agad ko ng dinagdagan ang sinabi ko bago pa lumipad ang bala sa gamit ko. "Naniniguro lang ako kung tuloy ba tayo sa plano." Kung iisipin ko ulit 'yong gusto niya, isa lang ang posibleng maging resulta.
"Hilton won't turn against his words. I can't afford to place our King's clan in destruction for my own comfort. Hilton's law is to not turn our back on our empire whatever the case is. We were marked by it ever since we were born until we die."
Tumayo siya at tinalikuran ako. "We're off in a few minutes."
Tiningnan ko lang ang likod niyang palayo mula sa pwesto ko. Ni minsan, hindi ko pa kinuwestiyon ang plano niya at kung ano man ang iutos niya sa akin dahil utang ko ang buhay ni Ellisse sa kaniya, pero sa pagkakataong 'to, hindi ko maalis ang pagdududa. Kilala ko si Lucifer, kung paano siya kumilos at mag-isip. Alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya si Ellisse, pero kung usapang batas lang, alam ko kung gaano ka-strikto si Lucifer sa pagsunod sa mga 'to lalong-lalo na ang batas na sinusunod nila sa angkan ng mga Hilton.
Awtomatiko akong napangisi dahil sa mga nangyayari hanggang sa maalala ko na naman ang naging usapan namin no'ng nakaraan.
"We need to stop her before she could execute a plot to annihilate my father." Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya, pero sa pagkakasabi niya, wala na ni sino man ang makakapag-pabago sa desisyon niya.
"Bakit? Gusto mo na ikaw mismo ang tumapos kay Mr. Hilton?" Walang ka-kwenta-kwentang tanong ko pero kaagad ko ring inagapan nang makuha ko ang atensyon niya. "Ano bang plano?"
Iniisip ko palang ang mga komplikadong plano niya, aminin ko man o hindi, namamangha na ako. 'Yon lang kung aayon ba sa direksiyon niya ang gusto niyang mangyari.
8:47 PM
Horawoki Telecom Building
ELLISSE ZERINA
I let the cold night breeze embrace me. Nandito ako ngayon sa rooftop ng building kaya ramdam na ramdam ko ang lamig. I was waiting here for about five minutes since I arrived. Hindi sila basta-basta nagpapapasok ng kung sino lang sa lugar na 'to, well except if you have a VIP pass from the owner.
Wala naman ako ngayon dapat dito kung hindi dahil kay Mr. Bautista na sapilitan ko pang pinakiusapan na kakailanganin ko ng pass para legal na makapasok sa lugar. Masyadong mahigpit ang seguridad ng Horawoki and I can't afford to risk myself this early just to get this d*mn mess cleaned up. I didn't mind how he managed to get a pass, pero alam ko naman na kayang-kaya niyang gawan 'yon ng paraan dahil malawak ang connection niya. He can do whatever tricks he has just to give me the d*mn VIP pass dahil kung hindi, mapipilitan akong gamitin ang kahinaan niya para lang sumunod siya sa gusto ko.
It's either he would stay loyal to my mother or he works for me. We both know the consequence of the two and if I am to choose, of course, I'm not stupid to ignore the latter. Tss, it's really too easy to drag someone into a disadvantage zone if they're too afraid to lose something precious to them. Madali lang ang mag-manipula lalo na't alam mo ang kahinaan ng mga taong nakapaligid sa 'yo.
I heard a groaned on the rooftop's gutter na malapit sa akin kaya napatingin ako sa railings sa bandang kaliwa ko. May nakakapit na kamay ro'n suot ang itim na gloves then followed by his left hand holding on to the railings. Hinagis niya ang tali sa sahig bago kumuha ng pwersa sa railings para tuluyang makaakyat. I scanned him from head to toe. Tiningnan ko ang suot kong wrist watch at bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. "Sorry for the two minutes delay, Ms. Lorico."
Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa. "Where's the gun?" Inilahad ko ang palad at sakto namang natanggal na niya ang lock ng taling naka-suporta sa baywang niya. Well, he only got one VIP pass kaya obligado na siya ang ilegal na manghihimasok sa building dahilan kung bakit ginawa niyang entrance ang rooftop.
"Your mother called-----"
"The gun, Mr. Bautista." Matigas na putol ko sa sasabihin niya. I don't need a d*mn extra distraction for this moment. Wala naman siyang nagawa kung hindi hugutin ang baril na naka-safe sa vest na suot niya. He handed it to me.
"Sigurado----"
"I didn't have to ask you if I have doubts to use this in the first place." Kontra ko na bago pa man siya makapagsalita. Ilang beses na niya akong tinanong kung sigurado ba akong gagamitin ko ang german bullet sa pagliligpit kay X pero hanggang ngayon 'yon padin ang tanong niya.
"Didn't you want to put an end to Jackson's corrupted presence? Isang bala lang ang tatama nito sa vital parts niya, hindi na magda-dalawang isip si kamatayan na kunin siya." Tiningnan ko ulit ang baril na may disensyong bungo sa handle nito. Napahigpit ang hawak ko rito. This was the exact gun Jackson Hilton has used to kill my father. He planted a bullet on my father's head. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang 'yong aanihin, and now let me plant it back to his d*mn forehead.
"We're talking about Mr. Jackson Hilton here, Ms. Lorico. The Hilton Empire's King." Tiningnan ko diretso sa mga mata si Mr. Bautista. Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy para pilit na ipaintindi sa akin ang punto niya. "Tama ka, gusto kong matapos na rin ang kasamaang patuloy na ginagawa niya, pero hindi lang basta bato ang sinusubukan mong wasakin gamit lang ang baril. He killed Eliazer, your father, and my friend, but we can still think of a better and safer way to end this." Pangungumbinsi niya pero hindi 'to ang panahon para baguhin ang nasimulan ko na.
"Kung sinusubukan mo akong pigilan dahil 'yon ang bilin ni Mama, well, call her back, Mr. Bautista and inform her that I will end this tonight no matter what....right in this place." Tinalikuran ko siya at naglakad na papalayo, hindi na rin naman niya ako pinigilan. Alam kong maliwanag sa kaniya na kahit ilang beses pa niya akong hatakin palayo sa plano ko, wala na siyang magagawa kung hindi hayaan akong tapusin ang ka-gaguhang 'to.
....
Higit isang minuto ko ring tinahak ang direksiyon papunta sa destinasyon ko. Ayon sa blueprint ng lugar, isang VVIP room ang mayro'n dito sa huling palapag ng building. It's just a plain room na ideal para sa mga private meetings ng mga high-profiled na business owners.
Should I be surprised? Malawak ang koneksiyon ng mga Hilton kaya imposible na hindi sila kilala ng Horawoki. According to all the data I hava gathered these past few days, isa ang Horawoki sa mga makapangyarihan at mayamang ka-alyado ng Hilton pagdating sa business at pati na rin sa mga ilegal na transaksiyon sa loob ng mafia kaya obvious na isa ring mafia tycoon ang nagmamay-ari sa Horawoki properties.
Sobrang hirap huliin ng galaw ni Jackson Hilton dahil paiba-iba ang mga inuutusan niyang gumawa ng trabaho niya bilang business man sa mismong kompanya man niya o sa mafia. Madami siyang trusted pawns at loyal na utusan para gawin ang mga bagay na kailangang tapusin, but among those ever loyal pawns of him, no one beats Liam Malriego's devotion to Hilton Empire. Kaya nga niyang magpanggap na Mr. X kahit ikapahamak niya. Sigurado ako na kahit kamatayan na, magagawa parin niyang maging loyal sa amo niya. Tss.
I tried to follow Jackson Hilton these past few days. Well, if I could kill him at that moment I would but I didn't want him to die that quick. Isa pa, para na rin akong nag-volunteer na patayin niya kung sakali man na itinuloy ko pa ang pagsunod sa kaniya. Hilton's men aren't that easy to deal with. They are all well-trained. They are mentally and physically built by the devil, so what would I expect? But this time, kahit bantay-sarado pa siya, there's no way I'll back off and wait for another d*mn chance to end him. This time, gusto kong maramdaman niya ng paunti-unti kung pa'no niya walang pusong pinatay si Papa.
Nalaman ko ang lahat tungkol sa kaniya sa pagsasarili kong sikap na mangalap ng impormasyon. Ayokong i-asa ang lahat kay Mr. Bautista. I want to find every single detail about my asshole enemy alone. Gusto ko na ako mismo mo ang direktang makaalam ng lahat ng bagay tungkol sa kaniya, sa mga galamay niya at sa pinakaiingat-ingatan niyang emperyo.
Kung iko-kompara sa mayro'n siya, para lang akong langgam na kayang-kayang niyang tirisin gamit ang paa niya. Well, I'd let anyone call me weak, and at the same time let them see how a weakling will declare a war tonight.
"I'm already here." Pagkausap ko kay Mr. Bautista gamit ang earpiece na suot ko. We need to communicate since magkahiwalay kami ng pwesto.
It was all my plan.
Since malapit si Mr. Casper Bautista kay Papa noon, naging close rin siya kay Jackson Hilton, hindi nga lang gano'n kalapit katulad ng samahan nila ni Papa. After all the years that passed, Casper Bautista is now an arms smuggler. 'Yon ang detalye na hindi ko agad nalaman tungkol sa kaniya dahil itinatago niya 'to. He said, he must keep his job low-key since he has a family behind he must keep protected no matter what. Isa pa, ayaw rin daw niya ng mga ka-kompetesnsiya at madaming kaaway, pero hindi 'yon maiiwasan kaya may mga ilang smuggler ang mainit ang ulo sa kaniya. Hearing his point of view, a plan came up in my mind.
Being an arms smuggler, he needs protection, 'yon ang kahinaan ng trabaho niya na kailangang punan. Isa pa, may pamilya siyang pinakaiingat-ingatan. And to attain that protection, he needs someone who can provide him security. Guaranteed security who can protect him and his family. And that's the moment Jackson Hilton will enter the game.
Hindi basta-basta ang pakikipag-sosyo sa isang Hilton. If you're weak even in just a tiny way, you're out. Hindi niya sasayangin ang oras niya sa mga taong mahihina at walang maipagyayabang, but Casper Bautista has already built a strong group of smugglers, so there's no way Jackson Hilton would decline the offer. Ang kailangan lang ni Mr. Bautista ay mapaki-usapan si Jackson na bigyan ng proteksiyon ang trabaho niya at ang pamilya niya kapalit ng smuggling service nito sa angkan ng Hilton. It may be bias for Mr. Bautista dahil proteksiyon lang naman ang makukuha niya, pero pamilya niya at ang ilegal na trabaho niya ang usapan dito kaya wala siyang pakealam sa pera o ano mang kayamanang mabe-benepisyo niya.
'Yon ay kung papayag ba sa offer niya si Jackson Hilton. Gaano man kalayo na ang narating ni Mr. Bautista bilang arms smuggler, posible paring hindi niya mapaki-usapan ang walang pusong si Jackson, and if ever that would be the case, I will then enter the game.
The fact is that Mr. Bautista's offer to Jackson Hilton is just a part of my plan. Their meeting is only to buy me some time before I take my turn to shoot the devil. Napangisi ako nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Mr. Bautista no'ng sinabi ko sa kaniya ang plano ko.
"I need no powerful person to protect my assets, Ms. Lorico. Name every empire that can provide me eternal security, but sorry, I will only burn the list with their names on it. Be it a Stanford, Horawoki, or Hilton. I can protect myself and every asset I possess. I've been doing this for decades now, I might be weak to some, but I am independently built with the capability to secure everything I have."
He's a strong and independent businessman.
"He's here." Saad ko habang pinagmamasdan ang Ipad na hawak ko. I had Mr. Bautista's men to install the hidden cameras outside the building. Hindi nga lang kami nakapag-lagay sa loob dahil masyadong delikado 'yon, kaya limitado lang ang namo-monitor ko, tanging ang kaganapan lang sa labas.
Nasa dulo ng floor na 'to ang nag-iisang VVIP room ng buong building, at sa kabilang dulo katapat ng VVIP room ay kung nasaan ako ngayon. Mula sa tingin ko sa Ipad, sinulyapan ko ang babaeng staff na nasa sofa at mahimbing na natutulog. Kinailangan ko pang gumamit ng sleeping drugs para lang mapatahimik siya. Tss!
[Wait for my signal, Ms. Lorico.]
"I have my sight on time, Mr. Bautista. Alam ko kung kailan ako papasok, hindi ko kailangan ng signal mo." Matigas na sagot ko. If ever he tries to change the plan, well I have no choice but to harm him as well. Kung mas iniisip padin niya hanggang ngayon ang kaligtasan ko dahil siguradong sinabihan siya ni Mama, then sorry, I will be forced to silent him.
Ibinalik ko ang tingin ko sa Ipad matapos kong ayusin ang dalawang extra baril na dala ko. "D*mn!"
[Ms. Lorico? Anong nangyayari? May problema ba?] Nag-aalalang tanong ni Mr. Bautista. D*mn it!
"Serpent's here as well." Saad ko nang mahuli ng mga mata ko mula sa Ipad ang ilan sa mga nakasuot ng dark battle suit na tila mga kabuting itinatago ang mga sarili nila. Well, I am expecting this, but just like what I have said. I won't let this night goes without achieving my goal.
[He's coming.] 'Yan ang huling narinig ko kay Mr. Bautista bago nagkaro'n ng katahimikan. Maririnig ko pa naman ang usapan nila sa earpiece.
Tumayo ako dala ang baril na may german bullet nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko sa bulsa ng pants ko. There's only one person who would dare to call me right now. Nang makuha ko ang phone ay hindi nga ako nagkamali. Napapikit ako ng mariin dala ng matinding frustration. Why can't you just let me f*cking end this, Mikael Lorenzo? Anong plano mong gawin? Pigilan ako? I turned off my phone and slid it back to my pocket.
[Security is all I need from you, Mr. Hilton.] I heard Mr. Bautista's voice.
Ikinasa ko ang baril na dala ko tyaka ko tinanggal ang suot na earpiece. I held the knob of the room's door and twisted it. Bumungad sa akin ang may kalawakang corridor. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang pinto ng VVIP room. Tinahak ko ang daan palapit dito nang walang katiting na pag-aalinlangan.
I totally get it if Renzo chose his father over me. Jackson Hilton's blood is running in his veins. The devil who killed my father. Kahit gaano pa siya ka-walang puso, ama pa rin niya 'yon, pero hindi 'yon ang kaso sa akin. Kahit siya ang ama ng taong minahal ko, hindi ako tanga para lang ibaon sa hukay ang katotohanang siya ang pumatay sa ama ko. The past generation failed to end Jackson's life, but I won't let this generation passed ever again.
Kung kinakailangan kong itaya ang buhay ko mailigpit lang si Jackson Hilton, gagawin ko kahit pa mabahiran ang kamay ko ng dugo ng mismong ama ng taong mahal ko.
He owns his life. He has his own will to stand for Hilton. I didn't longer mind if he chose to tolerate the devil, it was his call after all. Besides, hindi niya ako kailangang piliin dahil mahal niya ako. Dahil kung ako man ang tatanungin...love is the weakest armor you could have in a battle and the strongest distraction to achieving your goal.
Love, in the end, is nothing but a piece of extra baggage. Siguradong 'yon ang iniisip ni Renzo. Well, we're f*cking thinking the same thing so it will be better to end everything this way.
Pinunas ko ang luhang mabilis na kumawala sa mga mata ko nang marating ko ang harap ng pinto ng VVIP room.
Let's f*cking end this once and for all, Jackson Hilton.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top