Chapter 51
One day later...
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Seriously?"
Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang pagka-irita sa boses ni Dhale na kanina pa sinusubukang tawagan si Ellisse. Ilang beses ko na rin siyang sinubukang kontakin pero kahit ako hindi pa siya nakakausap sa personal man o kahit sa tawag man lang. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mag-alala.
"Baka nagpalit siya ng SIM." Komento ko nalang habang inaayos ang research paper dito sa mesa na nasa living room ng kwarto ko. Narinig ko ang heels ni Dhale na palapit sa pwesto ko pero hindi ko siya nagawang tingnan dahil abala ako sa pag-aayos ng papel.
"Did Axcel tell you something about what's going on?" She asked. Itinigil ko ang ginagawa ko para tingnan siya. Napabuntong-hininga nalang ako at mukhang nakuha naman na niya ang sagot ko dahil pati siya ay napabuntong hininga bago naupo sa couch na nasa harap ko.
"I tried calling Friz and the rest from Frinvalley para kumuha ng update, pero kahit sila hindi sinasagot ang tawag ko." O baka naman ibinilin mismo sa kanilang huwag sumagot ng tawag galing sa labas. Well, I don't know too. Wala rin akong ideya kung ano ba talaga ang nangyayari. Ang alam ko lang ay inutusan sila ni Commander na manatili muna sa islang 'yon.
"Come to think of it, Tanya. Axcel told me that Mr. Hilton has ordered Friz and the rest of the girls from the gang while the boys are currently on standby with the CIT. No one knows what's really going on here." Stress na stress na siya. Kahit ako ay naguguluhan din naman pero hangga't maari kailangan kong kumalma.
She then went on asking, "Have you ever thought if Mr. Hilton really knows what's going on with Ell?"
Hindi ko alam kung ilang beses na rin akong bumubuntong-hininga magmula nang dumating si Dhale rito sa dorm ko rito sa HQ. "Magaling bumasa ng sitwasyon si Commander. Besides, kilala niya si Ell. Kung ano man ang nangyayari ngayon na hindi natin matukoy, hayaan nalang muna natin dahil sigurado namang hindi pababayaan ni Commander si Ellisse lalo na kung alam niyang delikado para sa kaniya ang ginagawa niya....kung ano man 'yon."
Tapos ko na rin naman ang pag-aayos sa papers kaya tumayo ako para kumuha ng maiinom sa kusina. Sa pagtalikod ko ay narinig ko pa ang malalim na buntong hininga ni Dhale. Well, we're both worried here so I can't blame her.
Habang sinasalinan ko ng tomato juice ang baso ni Dhale ay nagsalita siya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya matapos kong salinan ang baso. "Is it about family issue?" Nakahawak pa siya sa chin niya. Mukhang malalim na nag-iisip at madami ng ideas ang siguradong pumasok sa isip niya. Dhale will always be Dhale.
Matapos kong salinan ng four season juice ang baso ko ay dinala ko na ang tray sa mesa na nasa living room. "Don't think too much about it, Dhale, ini-stress mo na naman ang sarili mo."
Hindi ko rin naman siya masisisi. Nature na yata niya ang maging concerned sa mga problema ng mga taong malapit sa kaniya—bagay na hinahangaan ko sa kaniya.
Mahina akong natawa nang bumuntong hininga na naman siya bago kinuha ang baso ng tomato juice na nasa tray. "There's a lot going on around, Tanya." I partly smiled dahil halata talaga ang concerned niya sa mga nangyayari. Nagkibit-balikat ako, "Makakatanggap at makakatanggap naman tayo agad ng cue command kay Commander pero sa ngayon wala tayong ibang pwedeng gawin kung hindi ang maghintay. At isa pa, kung ano man ang ginagawa ngayon ni Ell, magtiwala lang tayo sa kaniya. We know her well. Hindi niya ipahahamak ang sarili niya."
"That's the point, Tanya. We know her well...and we know how hard-headed she is. Si Kuya Elijah nga kaya niyang suwayin. What if she also goes against Mr. Hilton—which we know—Ell would do with no hesitation— that's why Mr. Hilton's just letting her do her will. As you have said, the Commander knows her well too...No one could stop Ellisse after all." She stated.
Ibinaba ko ang baso sa tray at sinubukang ngumiti kahit na tipid lang 'yon. May punto naman si Dhale. Sa totoo lang, naisip ko na rin ang ideyang sinabi niya. Malaki ang posibilidad na hinahayaan ni Commander na gawin ni Ellisse ang gusto niya dahil nonsense lang naman kung pipigilan niya si Ell dahil hindi naman talaga 'to magpapapigil lalo na kung sa tingin niya ay tama ang ginagawa niya. No one could wrong her. She's that girl. Kung malakas ang pakiramdam niya na nasa tama siya, kahit pa sino ang magsabi sa kaniyang mali siya o delikado ang ginagawa niya, hindi siya magpapapigil. That's the moment she believes to no one but herself alone.
"Kung ano man ang plano ni Commander, sigurado akong hindi niya pababayaan si Ell. He loves the Royal Knightress more than we could ever say." Inipon ko ang mga papers tyaka 'to isinilid sa isang folder at habang ginagawa ko 'yon ay sinulyapan ko si Dhale na mukhang hindi parin convinced na maaayos din ang lahat. Itinuloy ko ang ginagawa ko bago nagsalita, "Kaya ikaw, Ms. Tizuarez, bawasan mo na muna ang pago-overthink, okay?" I looked up to see her at sakto namang tumingin din siya sa akin. Bumuntong hininga na naman siya bago uminom ng juice.
"Nga pala, nagkabati na ba kayo ni Creid?" Pag-uusisa ko para lang mabaling na sa iba ang usapan, pero mukhang hindi magandang nagtanong pa ako. Para kasing nawalan ng ganang uminom ng juice si Dhale dahil pabagsak niyang inilapag sa tray ang baso. Sa halip na matakot ako sa inaasta niya ay natawa ako dahilan ng pagtaasan niya ako ng kilay.
She scoffed kahit na wala pa naman akong sinasabi. "H'wag mong sabihing hindi pa kayo nag-uusap simula no'ng bumalik siya galing Germany?" Tumayo ako para kumuha ng snacks sa hanging cabinet sa kusina. Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang muna.
Pagbalik ko ay nakabusangot siya. I never imagined na magkakaganito si Dhale dahil kay Creid and same goes to Creid. Inilapag ko ang bowl ng kettle corn sa mesa na sinundan pa niya ng tingin. "Story time!" I smiled at her, sinusubukang pagaanin man lang ang atmosphere pero bumuntong hininga lang siya na parang bored na bored kaya natawa ako. "Come on, Dhale! Ngayon lang tayo makakapag-bonding ulit ng ganito." Pangungunsinti ko sa kaniya. Sayang wala 'yong iba.
"I'm not in----"
"So, kamusta kayo ni Creid? Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko. Hindi pa ba kayo nag-uusap simula no'ng dumating siya galing Germany?" Tanong ko ulit. Looks like wala siyang choice kung hindi sagutin ako kaya napangisi ako nang umayos siya ng upo at medyo padabog na kinuha ulit ang baso ng juice niya.
Hinintay ko siyang makainom at nang mailapag niya na 'yon pabalik sa tray ay bumuntong hininga na naman siya. Mukhang hindi nga sila okay ni Creid.
"Remember when we were in Bluevale? Well, he called me..." Napakunot ako nang tumigil siya at napatungo. Hinintay ko siyang ituloy niya ang sinasabi niya pero pag-angat ng tingin niya sa akin ay laking gulat ko dahil namumuo na ang luha sa mga mata niya na agad niyang iniiwas sa akin.
"Anong sinabi niya? May nangyari ba?" I know Creid. The old Creid Marquez. At alam ko rin kung gaano kalaki ang epekto ng isang Dhale Tizuarez sa bagong Creid Marquez ngayon. Pero kung tama ang iniisip ko kung bakit umiiyak si Dhale ngayon...
"We broke up." Kita ko ang pagkagat niya sa ilalim ng labi niya para lang pigilan ang iyak niya pero traydor ang mga luha niya dahil kusang tumulo ang mga 'yon na mabilis niyang pinunas. Hindi ako makaimik dahil hindi ko inasahan ang sasabihin niya. I didn't know she's been carrying something this heavy.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya sa pag-inom ng juice. "Well, I think it's better to end it this early. Creid will always be Creid and I couldn't blame him for being himself. No one could." Saad niya na hindi ko alam kung paano pa niya nasasabi ng diretso nang hindi nababasag ang boses niya.
Ayokong sabihin ang ideyang nasa isip ko kung bakit sila naghiwalay ni Creid dahil hindi ko rin sure kung makatutulong 'yon kay Dhale ngayon pero hindi ko rin inaasahang itutuloy niya ang pago-open up. "Angel Lazarte." Bigkas niya dahilan nang sandaling mapaisip ako hanggang sa maalala ko ang isang tao.
"Isa siya sa mga miyembro ng tunay na dark list, tama? Anong mayro'n kay Ms. Lazarte?" Tanong ko dahil gusto kong masiguro na tama ang nasa isip ko.
Sa kabila ng lungkot at sakit na dinadala ni Dhale, nakuha pa niyang ngumiti pero sobrang halata ang pagka-sarkastiko nito. "I just realized that there's always someone out there who's better than us in many ways. You know...anyone could be replaceable...just like me."
So tama nga ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin kay Dhale. Lucas and I have been together for almost two years, pero ni minsan hindi pa kami dumating sa puntong hiwalayan kaya wala akong maibibigay na payo kay Dhale. Ayoko rin namang sabihing magiging ayos lang ang lahat dahil alam ko na hindi 'yon gano'n kadali. Ako nga, iniisip ko palang na makipaghiwalay kay Lucas, ang bigat na sa loob, paano pa kung nangyari talaga 'yon sa amin?
Kaya sa halip na pagaanin ang loob ni Dhale sa mga payo na hindi ko naman sigurado ay tumayo ako para lapitan siya at yakapin. "Nandito lang ako, Dhale." Hinagod ko ang likod niya at do'n ko na narinig ang mahina niyang paghikbi.
Ang hirap sa kaniya, mahilig niyang sinasarili ang bigat na nararamdaman niya pero pagdating sa amin lalo na kapag may problema ang isa sa amin, concerned na concerned siya. She's good at taking care of us pero kapag sarili na niyang problema para sa kaniya mas mainam ng isantabi 'to para sa sarili niya. She's selfish dealing with her own hardships and pain, but among us, si Dhale ang hindi kayang magpanggap ng sobrang tagal at ipamukha sa aming ayos lang siya. Kumbaga sa suot niyang maskara, medo pay pagka-transparent 'to at marupok lang ang pagkakagawa kaya madaling bumigay.
"W-why is it so...h-hard...to love? I-is this what it really is? I-is this how t-things works for lovers?...Once na nag-seryoso ka, ikaw ang talo......I should've not said lovers since...Creid and I never feel the same way, to begin with...A-ako lang talaga, Tanya. It was only me after all..."
Hindi ko masabi kung gaano kasakit kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, pero isa lang ang sigurado ako. Kung mahal mo ang isang tao kahit pa alam mong malaki ang posibilidad na masaktan ka sa dulo, ano mang dahilan 'to magagawa mong sumugal dahil umaasa ka na pwedeng magbago ang sitwasyon ni'yo. Susugal ka kahit nasa pagitan ka ng pagkapanalo o pagkatalo. It may sounds stupid to some, but for those who truly love someone as much as words to say, hindi mali at hindi katangahan ang sumugal.
"I can't go on anymore, Tanya....Ayoko na."
Serpent's Headquarters, Maze's Basement
THIRD PERSON
Prente lamang na nakaupo si Beaurix sa mahabang couch sa living room habang nasa hita nito nakapatong ang laptop. Nakataas pa ang mga paa niya sa lamesita habang subo ang lollipop. Kasalukuyan namang abala ang mga kamay niya sa pagtipa sa keyboard. Compactly, he's busy coding.
Sandali siyang natigil sa pag-tipa nang madako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa single couch malapit sa kaniya. Naka-dikwatro 'to at mukhang kanina pa pinagmamasdan ang screen ng kaniyang phone.
Si Beaurix ang tipo ng tao na madalas walang pakealam sa mga taong nasa paligid niya, pero sa pagkakataong 'to nakuha niyang magsalita matapos hugutin ang lollipop na nasa bibig.
"Gusto mo turuan kita kung pa'no gumamit niyan?" Inosenteng tanong niya na siyang kumuha ng atensyon sa kausap. Masama ang tingin niya kay Rix pero parang wala lang naman ito sa ikalawa. Bumalik siya sa pagtitipa. "Nag-text na ba? Nakikipaghiwalay?" Singkapal ng foam ang mukhang tanong niya.
"Why can't you just f*cking shut that f*cking mouth of yours if you have nothing to say but shit?"
Tanging kibit ng balikat lang ang iginawid niya habang tutok ang atensyon sa screen ng laptop.
"F*ck you." Rinig pa niyang malutong na mura ng Serpent Commander bago nito nilisan ang inuupuan at naglakad palayo.
"Sa'n lakad?" Pahabol pa niya. "Kung tungkol sa annulment----t*ng ina!" Halos mapatalon si Rix sa kinauupuan nang tamaan ng bala ng baril ang screen ng laptop niya. Dahil sa sobrang inis ay nilingon niya ang may gawa nito pero tanging ang pagbagsak at pagsara ng pinto nalang ang naabutan niya.
"Nanawagan ako sa diyos ng karma. Pakidalaw si Lucifer ngayong araw." Masama ang loob na bulong nito bago ibinalik ang atensyon sa laptop na wala ng pag-asa pang mabuhay. Pabagsak niyang inilapag 'to sa mesa at saktong namang nag-vibrate ang phone niya sa bulsa ng suot na pants. Walang gana niyang hinugot 'yon para tingnan ang kadarating na mensahe.
One new message from: Bathala ng Katarantaduhan
Dahil para sa kaniya walang kwenta ang mensaheng natanggap, ibinalik niya ang phone sa bulsa bago tumayo at handa na sanang lisanin ang living room nang mag-vibrate na naman ang phone niya ng ilang ulit.
Labag man sa kalooban ay kinuha niya ang phone sa bulsa tyaka binuksan ang mensaheng natanggap.
Kita tayo, kapatid. Sa dating tagpuan. Mi$$ YU <3<3<3
"Tsk. Tarantado talaga." Walang emosyong bulong niya tyaka ini-scroll up ang screen para mabasa ang iba pang walang kwentang mensahe ng kaniyang kapatid.
Wag ka mag-alala, may dala akong peace offering :* <3
May naka-attach pa talagang larawan sa sumunod na mensahe. Larawan 'to ng dalawang kahon na siguradong alam na ni Rix kung ano ang laman. What more could it be aside from green apple and lollipop? Pero dahil mula 'to sa tarantado niyang kapatid, wala man lang kainte-interes na makikita sa mukha niya.
COME bAby~ cum, cum, bAbY, BaBy~
This is URGENT.
Ako lang naman 2, kapatid pero kung mi$$ mo na rin sina Mom <3 Dad pwede rin. Family bonding :* :* U$to mo ganon? <3<3
Napapikit ng mariin si Rix, walang ibang pamimilian kung hindi puntahan ang tarantado niyang kapatid. Binalikan pa niya ang baril na inilapag niya kanina sa mesa bago tinahak ang daan palabas ng basement.
Sa kabilang dako nama'y hindi pa rin mawala sa isip ng Serpent Commander ang tungkol sa mensaheng natanggap niya. To make it short, he tried to text his so-called 'wife', earlier. He wanted to see her so bad yet he wasn't expecting a reply but then he received a short response, enough for him to at least feel relief.
Matapos makaalis ni Rix ay tinahak na ni Renzo ang daan papunta sa parking lot ng basement. Matapos makasakay sa itim na Lamborghini Aventador ay pinaharurot niya ito para makarating sa destinasyon.
Crescent Cafe
CARLOS BEAURIX MORALEZ
Ilang metro pa ang layo ko mula sa ka-tagpo ko, tanaw ko na ang malawak niyang ngiti habang kumakaway-kaway pa sa akin. Wala akong planong kawayan siya o ngitian man lang. Tahimik at diretso kong tinahak ang daan papunta sa pwesto niya.
"Miss you too, kapatid." Walang kwentang bati niya matapos kong hilain ang upuan sa harap niya para makaupo ako.
"May I take your order now, sir?" Isang waiter ang lumapit sa amin. Nakangiti namang inabot ng tarantado ang menu sa kaniya na mukhang kanina pa ibinigay sa kaniya, mukhang alam na niya kung ano ang order dahil siguradong kanina pa siya rito. Wala siyang pake kung kalahating oras kong pinag-isipan kung pupunta ba ako rito o hindi. Inilibot ko ang tingin ko.
"One pink velvet latte for me and a large size of your green apple shake for my brother, please." Nabalik ang tingin ko sa tarantado pagkatapos ay sa waiter na sandaling napatingin sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin pabalik sa kasama ko. "Would you like to add some dessert, sir?"
Tiningnan ako ng tarantado, "Would you------"
"Wala akong pake sa dessert. Hindi ako pumunta rito para makipagkwentuhan sa 'yo."
Hindi na ikinagulat pa ng kasama ko ang sagot ko sa kaniya. Ni hindi man lang napawi ang ngiti niya nang balikan niya ng atensyon ang waiter. "The drinks would do."
"Alright. Right away, sir."
"Kaya wala kang love life, wala ka kasing manners." Komento niya nang nakangisi matapos makaalis ng waiter.
"Pake mo? Wala ka rin naman nun." Walang ganang sagot ko. Inilibot ko ulit ang tingin ko.
"Alin ang wala? Love life o manners?" Tanong pa niya pero hindi ko pinansin dahil abala ako sa hinahanap ko. "Parehas."
"Tss, outdated ka na. May manners ako. Love life? Malay mo meron." Napatingin ako sa kaniya na nakangisi sa akin. Nakakawalang gana kausap ang isang 'to kahit saang anggulo ko tingnan.
"H'wag mo kong tingnan ng ganyan, kapatid. Malay mo naman talaga meron 'di ba? Walang imposible sa taong nagmamahal. Ikaw nga pinatulan ni Pat." Walang kakwenta-kwenta niyang dagdag.
"O tapos? Sinasabi mo na marunong ka magmahal? Talaga? Alam ng tarantado 'yong gano'n?" Natural na tanong ko tyaka ulit inilibot ang tingin ko sa paligid pero napatingin ako sa kasama ko nang matawa siya.
"I left the boxes in my car. You can't find those here." Saad niya na parang nabasa ang iniisip ko. Sakto namang dumating na ang inumin na binili niya.
"Thanks!" Nakangiting pasasalamat pa niya. Walang gana kong tiningnan ang green apple shake na nasa large size ng baso.
"You're very much welcome, kapatid."
Walang gana kong kinuha ang baso at tinanggal ang straw nito para uminom. Natawa pa 'yong tarantado kahit na wala namang nakakatawa sa ginawa ko.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko matapos kong maibaba ang baso ng shake. Naging seryoso bigla ang ekspresyon ng kasama ko pero magtataka pa ba ako? Alam ko naman na bago pa ako pumunta rito kanina, may kailangan siya sa akin.
Humugot siya ng malalim na pag-hinga bago isinandal ang likod niya sa backrest ng upuan. "Remember the thing I have told you last time?"
Walang gana kong pinapaikot-ikot ang shake sa baso. "Kung 'yon din ang sasabihin mo sana ni-record mo nalang. Pero ays lang kung hindi na, hindi ko rin naman pakikinggan." Tiningnan ko siya na napailing lang.
"That's why I prefer talking with you personally. Calls, messages, and emails won't work for you after all...Well, I assumed, you already know the reason, so I wasn't expecting you to come anyway. But given your presence here, what a surprise you gave my invitation a chance to have this meeting."
Sa dami ng walang kwenta niyang sinasabi, diretso lang ang tingin ko sa mga mata niya. "I will ask you again, Beaurix. Gaano ba kahalaga sa 'yo ang Serpent na halos willing ka na maging anino ng Serpent Commander?"
Mula sa mga mata niya tiningnan ko ang shake na nasa baso na parang dito ko makikita ang sagot sa walang kwenta niyang tanong. "At bakit gusto mong iwan ko ang Serpent? Kailan ka pa natutong pakealaman ang buhay ng iba?"
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya tiningnan ko siya. Diretso na ang tingin namin sa isa't isa na parang walang gustong magpatalo ni isa. "Delikado-----"
"Kung mamatay man ako, ako ang ililibing sa hukay hindi ikaw kaya h'wag kang makiusap sa aking iwan ko ang Serpent na parang sarili mong buhay ang naka-depende sa gagawin ko." Putol ko sa sasabihin niya bago ulit ibinalik ang tingin ko sa baso. Sa ilang taong pakikianib ko sa Serpent, ngayon lang nangealam ang tarantadong 'to. Sinong niloloko niya? Tsk.
"Alam ko ang ginagawa ko. Kaya kong ingatan ang sarili ko nang walang nagsasabi sa akin kung gaano ka-delikado ang mga bagay na ginagawa ko." Dagdag ko pa. Itinigil ko ang pagpapaikot sa shake na nasa baso at nag-angat ng tingin sa kaniya. "H'wag kang magpahalata na may alam ka sa nangyayari na pati kamatayan ko parang alam mo kung kailan. Pwede mong sabihin kung saan, pero ays lang kong gusto mo 'kong ma-sorpresa. Wala rin naman akong pake."
Napapikit ng mariin ang tarantado. Binitawan ko na ang baso at aktong tatayo na sana para umalis nang magsalita siya. "How much did you know about Angel Lazarte?" Parang awtomatikong gumalaw ang labi ko para ngumisi.
"Anong alam mo sa babaeng 'yon?" Balik tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. "Siya ba ang papatay sa 'kin? O baka inutusan ka niyang patayin ako?" Napawi ang ngiti sa mga labi ko nang hindi siya sumagot. Anong alam ng tarantadong 'to kay Lazarte?
Siya ang unang kumawala sa tinginan namin. Kinuha niya ang baso ng latte niya tyaka sumimsim bago ulit 'to ibinaba. "I actually have a deal for you." Hindi ako sumagot at hinintay siyang magpatuloy sa walang kwenta niyang sasabihin. "If I were you, I will now stop gathering every crumbs of detail about Ms. Lazarte. Kung ano man ang nalalaman mo tungkol sa kaniya at ang plano mong gawin sa mga 'to, ngayon pa lang, mas mainam kung itigil mo na 'to, Rix."
"Kasi?"
"She's not the woman you ever thought she is. She's-----"
"Alam ko."
Bumuntong-hininga siya at nagpatuloy, "Kaya nga-----"
"Kung ang mga magulang natin hindi ako kayang itali sa batas nila, tingin mo ba ikaw kaya mo?" Masyado siyang mapilit, wala namang kwenta ang mga sinasabi niya.
"Fine. Let me try the real deal...." Sumimsim muna siya ng latte bago ulit nagpatuloy. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "You will drop your business with the witch Lazarte and I won't pester you again to stop being the Serpent Commander's shadow."
Hindi ko na kailangang pag-isipan kung bakit gano'n nalang kabilis nagbago ang isip niya. Alam naman niyang hindi niya ako mapipilit na tigilan si Lazarte kahit gaano pa 'to ka-delikado. Nagsayang lang siya ng oras at salamat sa ka-tarantaduhan niya dahil pati oras ko sinayang niya.
Tumayo ako at tinalikuran siya pero bago pa ako makaalis ay may sinabi pa siya. "I will look forward to your victory, Beaurix."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top