Chapter 50.2


Frinvalley Island | A few hours ago......

FRIZA GONZALES 


"P*tang inang 'to" Pabulong na mura ko habang masama ang tingin kong nakatingin kay Novaleigh na dire-diretsong itinungga ang beer in can na dapat ay aabutin ko palang sa mesa. Ang kapal talaga ng mukha ng gagang 'to, kami na nga ang naghanda ng lahat ng pagkaing nakahain sa mesa, siya pa ang malakas ang loob na i-ambag lang ang bunganga niya. Tss!


"Babies! Here comes the goddess!" Dumipa pa ang malanding si Leigh tyaka tinanggal ang suot na cover up at inihagis 'yon sa kawalan. Pokpok talaga, tss. 


Padabog nalang akong sumandal sa backrest ng upuan habang pinagmamasdan ang mga kasama ko na nasa pool side. Wala akong ganang makisali sa kanila ngayon dahil una sa lahat, hindi ko alam kung bakit kailangan naming tumambay rito. 


Hindi naman sa taliwas ako sa utos. Alam naman naming kailangan naming protektahan si Tita Zerafina, maliwanag sa amin ang dati niyang posisyon sa outer pero akala ko ba ligtas siya rito? Na sikreto ang lugar na 'to mula sa mga p*tang inang kaaway? May alam ba si Commander na ano mang oras mula ngayon, posibleng atakihin ng kalaban ang lugar na 'to? 


Sa gitna ng pag-iisip ko ay naramdaman ko na naman ang pagka-uhaw ng lalamunan ko, parang naghahanap ng beer. T*ng ina kasi nung malandi, tss! Nang makatayo ako para umalis ay narinig ko pa ang pag-tawag ni Leigh sa pangalan ko pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko para pakyuhan siya dahil siguradong kalandian na naman ang lalabas sa bibig niya. 


Mula sa balkonahe sa labas, pinasok ko ang malawak na mansyon. Natanaw ko pa si Tita Zerafina sa kusina, mukhang kasasara lang niya 'yong oven. Parang nanay na rin ang turing namin kay Tita at siya naman ay parang anak na kami kung ituring kaya magaan ang loob namin sa kanya at komportableng-komportable kami. Madalas din kaming tumambay sa bahay nila noon, hindi lang kami nakapagtatagal dahil sa kay kuya Elijah. Masyadong mainitin ang ulo, ayaw niya sa maingay parang laging may dalaw. Tss! 


"Oh, Friza, 'nak? Anong kailangan mo? Gusto ni'yo pa ba ng ibang makakain?" 


Umiling ako at lumapit sa counter pagkatapos ay naupo sa high stool. "Beer po sana tita." 


Ngumiti siya bago tinanggal ang suot na oven mitt tyaka tinungo ang ref para kumuha ng tatlong beer in can. Ipinatong niya 'yon sa counter na nasa harap ko. "Salamat po." Ngumiti siya bago binalikan ang container at hinalo-halo ang laman nito.


"Dapat sinabihan ko si Mikael na hindi ko na kailangan ng bantay. Kaya ko naman ang sarili ko. Naabala pa tuloy kayo." Nakangiting komento ni Tita habang naghahalo. Napangisi naman ako matapos itungga ang beer. "Mas ayos na ring nandito kami Tita para hindi ka makatakas." Pabiro kong sagot na ikinatawa niya. 


Alam namin kung gaano kahigpit si Kuya Elijah kay Tita. Matigas ang ulo nitong si Tita. Hindi papapigil sa kung ano ang gusto niyang gawin at no'ng nakaraang nandito si Kuya Elijah, nasabi niya sa harap ng hapagkainan na ilang beses tumatakas si tita sa isang linggo halos araw-araw pa nga. At hindi na kami magtataka kung para saan 'yon dahil siguradong tungkol sa mafia ang dahilan kung bakit siya puslit ng puslit palabas. 


"Nga pala, Tita, nakausap ni'yo na po ba si Ellisse nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko. Kung hindi siya ma-contact ni Commander, nagbabakasakali ako na si Tita kausapin man lang ni Ellisse. T*ng ina, wala pa akong ideya kung anong mayro'n sa kaniya at kung ano talaga ang nangyayari. 


Ngumiti si Tita pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang lungkot sa mga mata niya. P*tang ina, sabi na nga bang may mali talaga. Bago pa man siya makasagot ay biglang nag-ring ang isang phone. Ibinaba ni Tita ang hawak niyang container at may kinuha sa bulsa niya. Bumuntong hininga pa siya nang makita ang screen ng phone. Akala ko aalis siya para sagutin ang tawag pero mukhang hindi naman gano'n ka-pribado ang pag-uusapan nila ng kausap niya kaya nagpatuloy siya sa ginagawa niyang paghahalo habang hawak sa kabilang kamay ang phone. 


"Any update?" Wika niya sa kabilang linya. Hindi ko naririnig ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Paminsan-minsang tumatango si Tita pagkatapos ay bubuntong-hininga. Mukhang may tauhan siya sa labas. 


"What else can we do? Just keep an eye on her." Medyo matigas ang pagkakasabi ni Tita. Para lang siyang si Ellisse kapag seryoso. Mag-ina nga talaga sila, pareho ring may katigasan ang ulo. Tss. 


"Who's that again?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Elijah na salubong na naman ang kilay. T*ng inang 'yan, may dalaw na naman? Nakasuot lang siya ng itim na robe na parang siya ang nagmamay-ari nitong bahay. Magulo pa ang basang buhok niya na pinupunas niya ng puting towel. Isinukbit niya 'yon sa batok niya nang hindi inaalis ang tingin kay Tita. Napatingin ako kay Tita na nakikinig parin sa kausap niya sa phone, parang hindi pinapansin ang presensiya ng anak niya.


"Tss" Ang nasabi ni Kuya Elijah bago tinungo ang ref para kumuha ng bottled water. Sumandal siya do'n at hindi nilubayan si Tita ng mapan-sitang tingin. Tinginang Lorico, p*tang ina. 


Bumuntong hininga si Tita na ikinatingin ko sa kaniya. Ibinaba na niya ang phone at ibinalik 'yon sa bulsa bago tinungo ang oven. Nilampasan pa nga niya ang anak niya na parang hangin lang 'to. Napailing nalang ako bago itinungga ang beer. 


"Ma" Tipid lang ang sinabi ni Kuya Elijah pero p*tang ina, alam kong nagbabanta na siya. Napabuntong-hininga pa si Tita Zerafina matapos mailabas ang binake na cookies mula sa oven. 


"May inutusan akong bantayan ang kapatid mo. Sigurado akong hindi siya pababayaan ni Mikael pero mas mabuti na ang sigurado, isa pa, gusto ko rin ng update sa mga nangyayari sa labas." 


Napakunot ako pero pinigilan ko ang sarili kong magtanong dahil usapan nila 'tong mag-ina kaya nakinig nalang ako. 


"So she has already heard about it huh?" Komento ni Kuya Elijah na sigurado akong may alam sa mga ganap. T*ng ina na naman ba. Ano bang nangyayari? 


Tumigil si Tita sa paglalagay ng cookies sa isang container. Hindi na naman nakaligtas sa paningin ko ang paghigpit ng hawak niya sa counter. Kita ko ang tila nag-aapoy na galit sa mga mata niya kaya napatungga nalang ako ng beer. P*ta, ang hirap kapag wala kang alam sa mga ganap sa paligid mo. 


"Alam natin kung sino ang dapat sisihin sa lahat ng 'to." Mariing wika ni Tita bago itinuloy ang ginagawa niya. Wala naman silang pakealam kung nakikinig ako. Parang wala nga ako sa harap nila. 


"So you're really letting my sister do her part to start the war huh?" Napatingin ako kay Kuya Elijah. Blanko ang tingin niya sa kaniyang ina.


P*ta, ano? Anong war ang sinasabi nitong kapatid ni Ellisse na may dalaw? 


"Ano ba ang dapat gawin maliban sa hayaan siya, Elijah? Kilala mo ang kapatid mo. Kahit na magbarilan pa kayo para pakalmahin muna siya sa kung ano man ang plano niya, hindi mo siya mapipigilan."


Natawa ng sarkastiko si Kuya Elijah, "Kaya ayos na ayos lang sa inyo na ipahamak ni Ellisse 'yong buhay niya? Gano'n ba, Ma?" 


Napapikit ng mariin si tita, "Elijah, anak----"


"Why do you keep on listening to that asshole? How long have you known him? Kailan lang no'ng nagkakilala sila ni Ellisse. Alam mo 'yon, Ma, pero heto ka at paniwalang-paniwala na pagmamahal talaga 'yong mayro'n sila. That son of a b*tch doesn't even know what love is, and now you believe that he could protect my sister by letting her drag herself to danger?"


Dahit sa tensyon ay napatutungga nalang ako ng beer. P*tang ina lang dahil wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi nila, pero heto ako at nanatili sa upuan ko. Ang sigurado lang ako ay taliwas si Kuya Elijah sa relasyon ni Commander at Ellisse. 


Sa kabila ng pagka-irita ng Kuya ni Ellisse nagawa paring maging kalmado ni Tita sa pagbe-bake ng cookies. "Let them go, Elijah. Katulad na ng sinabi ko sa 'yo kanina, alam natin kung sino ang dapat sisihin sa gulong 'to kaya-----"


"'Yon na nga, Ma. Alam natin kung sino ang dapat sisihin. We both know how dangerous the opponent is but you keep on tolerating Lorenzo to take care of this sh*t."


"Why can you just trust him?" Sa wakas ay hinarap na ni Tita si Kuya Elijah. Medyo halata na rin ang pagka-irita sa mukha ni Tita. 


"Trusting a motherf*cker is out of my suit, Ma." 


Napabuntong hininga si Tita bago ibinalik ang atensyon sa pagbe-bake, parang nawalan na siya ng pag-asang ipaliwanag ang punto niya kay Kuya Elijah. Hindi ko sila lubusang maintindihan pero bakit ba kasi mapilit masyado 'tong panganay na anak ni Tita? Tyaka ano bang problema niya kay Commander? Hindi ba niya alam na ilang beses na niyang iniligtas ang buhay ni Ellisse mula sa kapahamakan? Pala-desisyon din talaga ang Kuya na 'to ni Ellisse madalas. Tss. 


"Nasabi ko na sa 'yo ang lahat pero mas mainam siguro kung pagbigyan mo si Mikael na makausap ka niya tungkol sa kapatid mo....at sa gulo na sa ayaw at sa gusto natin ay kailangan nating pasukin." 


"Tita Zerafina's right, Elijah." Napalingon kami at kahit sina Tita ay napatingin sa kadarating lang. Ibang klase talaga ang presensiya ng Hilton. T*ng ina, kahit kalmado ang mukha ni Commander, nagagawa ko ng panindigan ng balahibo sa katawan. 


"What are you doing here, asshole?" Kung pwede ko lang batuhin ng beer in can si Kuya Elijah dahil sa kabastusan niya, siguro ginawa ko na. Tss. 


"Well, I owned this villa in case you have dementia. And just for the record, your sister's now the owner of this property including the Bluevale camp. The reason why you're still standing in this land."


Bilyonaryo na pala talaga ang babaeng 'yon. Lihim akong napatingin kay Kuya Elijah na talagang bwiset na bwiset na. Kaya botong-boto talaga ako rito kay Commander, ibang klase kung mambara. Ano ka ngayon Elijah Mint Lorico? Buti nalang naagapan kaagad ni tita ang tensyon.


"Mikael, 'nak, kumain ka na ba? Nagluto ako ng kare-kare, baka gutom ka na." May pag-aarugang tanong ni Tita at talagang huling-huli ko ang mata ni Kuya Elijah na iritadong napatingin sa Mama niya. Anong ugali 'yan? 


"Thanks, Tita. I'd love to have it later." Sobrang tipid ang ngiting iginawid ni Commander kay Tita bago ibinaling ang atensyon sa iritadong head ng outer. "Why don't you give me a chance first to elighten you, Elijah? I'd be pleased." Palihim akong napangisi dahil halatang nang-aasar ang ngisi ni Commander. Napatingin pa si Kuya Elijah sa akin kaya napatungga ako ng beer na hawak ko. 


"Maghahanda ako ng tea para sa inyong dalawa." Nakangiting wika ni Tita. Matunog na napabuntong-hininga si Kuya Elijah dahil sa pagka-irita bago padabog na naglakad palayo. Tumango muna si Commander kay Tita bago sinundan ang Kuya ni Ellisse. 


Napailing nalang ako. Hindi parin ako mapakali sa mga nangyayari, pero tingin ko wala namang dapat ipag-alala? 'Yon lang kung totoo nga ang sinabi kanina ni Kuya Elijah tungkol kay Ellisse na plano nitong magsimula ng malaking gulo. 


Napatingin ako kay Tita na nakatalikod sa akin dahil naghahanda siya ng tsaa. Kalmado lang si Tita, pero iba ang sinasabi ng mga mata niya kanina. Hindi ko naman alam at wala akong ideya kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Isa lang ang nasisiguro ko. 'Yong lungkot at matinding galit. Hindi ako pwedeng magkamali sa emosyong ramdam ko sa mga tingin niya kanina. 


P*ta, senyales na yata 'tong dapat na akong kabahan. 




Present....

ZION MANDALAINE 


Hinayaan kong umalis si Ms. Lorico matapos kong maibigay sa kaniya 'yong attache case na naglalaman ng mga armas na kakailanganin niya. T*ngna, ang sakit parin ng braso ko. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tumigil siya. Akala ko naman may sasabihin pa siya o iuutos pero ilang segundo na ang nakalipas, nakatayo parin siya. 


"May problema ba, Royal Knightress?" Tanong ko. Hindi kaagad siya sumagot kaya magtatanong sana ako kung may kailangan pa ba siya nang bigla siyang magsalita. 


"Tell my regards to your Boss, Mr. Mandalaine."


Naiwan akong walang imik hanggang sa makalabas siya ng pinto nitong rooftop. Hindi naman sa nangengealam ako at ayoko rin naman mangealam hangga't walang utos ang galing kay Commander, pero alam ba niya kung bakit gano'n nalang umasta si Ms. Lorico? Alam ko naman ang pagiging masungit ng Royal Knightress, pero mukhang hindi lang basta pagsusungit ang dala niyang emosyon kanina. Tsk! Hayaan ko na nga lang. 


Bumalik ako sa parking lot ng Highstone kung saan nakaparada 'yong kotse ko. Naabutan ko parin si Cyan na hanggang ngayon ay nakaupo sa passenger's seat habang tutok na tutok ang atensyon sa laptop. Wala siyang pakealam sa presensiya ko kaya tahimik kong sinindihan ang makina ng sasakyan bago siya ulit mabilis na sinulyapan. "Balita?" 


"He's doing his usual job." Tipid na sagot niya. 


Hindi ko alam kung paano nagawa nitong si Cyan na mangalap ng impormasyon sa loob ng labing dalawang oras tulad ng iniutos sa amin ni Commander no'ng nakaraan. Wala naman talaga akong ambag sa ginagawa niya sa harap ng laptop, dahil una sa lahat mukhang mas komportable siyang magtrabaho ng mag-isa, kung hindi ko pa nga tatanungin kung may iba pa siyang kailangan o dapat naming gawin, hindi siya magsasalita. Napatunayan kong matalino talaga siya, may pagka-half t*ng ina lang. 


Matapos naming maibigay kay Commander lahat ng impormasyong hinihingi niya tungkol sa taong hindi ko alam kung target ba niya o ano, inutusan niya kaming manmanan ito. Pinuntahan namin ang lugar na posible at madalas pinupuntahan ng target namin para mag-install ng mga hidden cameras at inutusan namin ang ibang miyembro sa gang na maglagay sa palibot ng buong syudad para mas madali naming mabantayan ang bawat galaw niya. 


Ang totoo niyan, may ideya ako kung ano ba talaga ang nangyayari lalo na sa planong gawin ni Ms. Lorico. Hindi naman engot 'tong kasama ko para hindi makaramdam dahil sigurado ako na sa kabila ng katahimikan niya, may alam na rin siya. 


Sinusunod namin ang lahat ng utos ni Commander gano'n din ang lahat ng ipagawa sa amin ni Ms. Lorico. Mukha namang alam nilang pareho na nagta-trabaho kami para sa kanilang dalawa pero wala namang kumokontra sa kanila, maliban lang no'ng minsan na binalaan kami ni Commander na siya parin ang Boss namin.Curios lang ako no'ng tinukoy niyang 'wife' si Ms. Lorico. Tsk, private wedding ang nais? Alam ba 'yon ng kapatid ni Ms. Lorico? 


Ang isa pang tanong ko kung bakit parang hinahayaan lang ni Commander si Ms. Lorico sa kung ano man ang plinaplano nitong gawin. Tiningnan ko si Cyan na nagtitipa sa keyboard ng laptop. Ano kayng iniisip ng half-half na 'to? 


"Ano? Buhay pa ba 'yang binabantayan mo?" Tanong ko habang nanatili ang atensyon sa daan.


"He has a reservation in Keylux Hotel and Resorts at 5 PM." 


Hindi ba pag-aari ng Dencouve group and property na 'yon? Napakunot ako sa kawalan. Sa lahat ng detalyeng nalaman namin tungkol sa taong 'yon, hindi siya 'yong tipo na mag-aaksaya ng panahon sa hotel para lang mag-chill. Hindi niya gawain ang tumuloy sa mga gano'ng lugar maliban nalang kung may kikitain siyang importanteng tao sa Keylux. 


Hindi kaya sa Keylux din tumutuloy si Ms. Lorico ngayon?


Sa dami ng tanong ko, minabuti ko nalang manahimik hanggang sa makarating kami sa malawak na mansyon ng Hilton. Sa pagpasok namin sa malawak na living room ay namataan ko na kaagad si Commander na nakatayo sa harap ng glass window tanaw ang malawak na hardin sa labas. Nakapamulsa pa ang isang kamay niya habang ang isa nama'y hawak ang phone na nasa tainga niya. Kaagad din siyang natapos bago kami hinarap. 


Sabay kaming tumungo ni Cyan at tinanguan lang kami ni Commander bago naupo sa single couch paharap sa kinatatayuan namin ng half-half kong kasama. 


"How's my wife?" Tanong niya sa malamig na tono habang sinasalinan ng mamahaling alak ang baso. Kinasal ba talaga sila ni Ms. Lorico? Ba't parang hindi naman? 


"Mandalaine" 


Natauhan ako kaya kaagad kong inayos ang pagkakatayo ko't tumikhim. "Ayos naman, Commander. Maganda parin." 


Napalunok ako nang matigil sa paglagok si Commander sa alak. Naka-pokus na ang madilim niyang tingin sa akin. Kahit hindi ko tingnan sa tabi ko, alam kong nakatingin din si Cyan sa akin. T*ngna, totoo naman 'yong sinabi ko. Maganda naman si Ms. Lorico. 


"Do you romantically admire my wife, Zion Mandalaine?" 


Nudaw? Pinaninindigan na ako ng balahibo sa dilim ng tingin sa akin ni Commander pero pinanatili kong maging kalmado. Handa na akong sumagot nang unahan ako ni Cyan.


"The target has a reservation in Keylux at 5PM, Mr. Hilton. Should we check on him?" Mula sa akin, nabaling ang atensyon ni Commander sa kasama ko. Goods. Buti naman at marunong sumingit sa usapan ang half-half na 'to. 


"One of Dencouve's properties huh?" 


Tinitingnan ko lang si Commander. Mukhang may malalim siyang iniisip. Alam kaya niya kung anong planong gawin ng asa-----ni Ms. Lorico? 


"Susundan ba namin si Ms. Lorico, Commander?" Nabaling sa akin ang atensyon niya kaya agad kong dinagdagan ang tanong ko, "Parang may balak siyang magsimula ng malaking gulo. Hindi ba masyadong delikado kung wala siyang backup?" 


Alam ni Commander ang iniutos sa amin ni Ms. Lorico na dalhan siya ng mga armas na gagamitin niya at panibagong sasakyan. Ang totoo niyan, si Commander pa nga ang nag-ayos at personal na pumili ng mga armas na idinala ko kanina si Highstone para kay Ms. Lorico at si Commander din mismo ang bumili ng sasakyan para sa Royal Knightress, at talagang 'yong bulletproof pa. Parang alam na alam niyang sasabak 'yong asa----si Ms. Lorico sa bakbakan. 


"I think, Zion's right, Mr. Hilton. It would be much better to keep an eye on Ms. Lorico so we can back her up anytime. Should we now inform the gang?" Mukhang kahit si Cyan ay nabasa rin ang sitwasyon ng Royal Knightress. 


"Let her do her thing. No one can stop her anyway." Ibinaba niya ang baso sa mesa bago kinuha ang baril na nakasuksok sa likod niya. Sinimula niya 'tong i-disassemble.


"Join the gang for now. Everyone's on standby." 




CARLOS BEAURIX MORALEZ 


Abala ang dila ko sa paglasap ng tamis ng lollipop na subo ko habang nagmamaneho ako papunta sa impyerno nang biglang umilaw ang phone ko na nakalagay sa holder malapit sa radyo ng kotse ko.


Bathala ng Katarantaduhan 


Kaagad kong pinatay ang tawag nang makita ko ang pangalan niya sa screen, pero maya't maya lang ay tumawag na naman. Masyadong makapal ang mukha ng isang ito kaya pagbigyan na nga natin. Sinagot ko ang tawag pero tinatamad akong magsalita, isa pa, abala ang dila ko sa lollipop. 


[Musta ang pagiging gago natin, kapatid?]


Tinanggal ko ang lollipop na subo ko. "Ays lang. Malayo pa sa pagsunod sa yapak mong maging modelo ng katarantaduhan." Walang ganang sagot ko na ikinatawa pa niya. Ba't ko ba kinakausap 'to wala namang kwenta ang sasabihin niya? 


"Oh, naalala mo ng tarantado ka, ibababa ko na 'to." Akmang puputulin ko na ang linya nang magsalita pa siya. [I called you for a favor, Beaurix.] 


Beaurix? Lakas mag-seryoso ng lalaking 'to kapag may kailangan. Hindi ako sumagot dahil tinatamad ako kaya hinayaan ko siyang magpatuloy sa sinasatsat niya. 


[Kung ano man ang ginagawa mo sa Serpent, itigil mo na. Lalo na ang pagiging sunud-sunuran sa anak ni Mr. Hilton. Nakikiusap ako bilang nakatatandang kapatid mo, Rix.]


Isinubo ko ang lollipop pero parang nakakaumay na ang lasa kaya inihagis ko ito sa nakabukas na bintana. "'Di ba ikaw ang sunud-sunuran? Paanong naging ako?" Walang kwentang tanong ko. Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. 


[Alam kong kanang kamay ka ng Serpent Commander pero alam mo ba talaga ang pinapasok mo?]


"Ikaw? Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Hindi ka naman miyembro ng mafia 'di ba? Ba't kung makahingi ka ng pabor parang alam na alam mo lahat ng ganap sa buhay ko?" 


Hindi alam ng mga magulang namin ang tungkol sa mafia maliban sa kapatid ko na masyadong madaming alam sa buhay ng iba. Alam nga niya kung pa'no kami nakapasok sa Serpent at sa iba pang grupo. Tsk. 


[Kaya nga ako nakikiusap dahil alam ko na ano mang oras mula ngayon, malaking gulo ang posibleng maglagay ng mga buhay ni'yo sa panganib. Hindi ka lang basta miyembro ng Serpent, Beaurix, kaya siguradong alam mo kung gaano ka-delikado para sa 'yo ang ginagawa mo.] 


Bihira lang ako kung ngumisi pero dahil sa sinabi ng kapatid ko, napangisi ako. "Gusto mo ba talagang itigil ko ang pagiging sunud-sunuran ko sa Serpent Commander o tigilan mismo ang bagay na kasalukuyang ginagawa ko?" 


Masyado ng madaming alam ang kapatid ko kung pati ang pangongoklekta ko ng impormasyon kay Lazarte na kasalukuyang kong pinagkakaabalahan ay alam pa niya. Pero hindi malabo...


[Your call, Beaurix. Do what I'm asking you to or I'll ask Dad to arrange your marriage with the only daughter of Benevioler.]


Talagang pinapili pa ako't tinakot. 


"Ge lang. Tarantado ka 'di ba? Sabihan mo lang ako kung kailan mo sasabihin kay Dad para masamahan kita." 


Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at kaagad ng pinutol ang linya. Pinaharurot ko ang sasakyan at binagalan ito nang matanaw ko ang kotse palabas ng malawak na impyerno ni Lucifer. Cyan at Zion. Pinalayo ko muna sila bago ako pumasok sa mataas na tarangkahan ng kampo ng kadiliman. 


"Umalis papun------t*ng ina!" Halos mapa-atras ako at naalarma dahil sa putok ng baril na tumama malapit sa pinasukan ko. Tiningnan ko si Lucifer na hawak ang baril at walang emosyong inaasinta ang target board na nakadikit sa pader malapit sa dinaanan ko. Walang gana akong umiling at lumapit sa upuan malapit sa pwesto niya.



"Nasa New Zealand si Lazarte. Kaalis lang kagabi." Napasulyap pa ako sa isa pang baril na nakapatong sa mesa sa harap ko, may larawang nakapailalim do'n. Hindi naman ako interesado kung ano 'yon kaya inilipat ko ang tingin ko kay Lucifer na saktong kinalabit ang gatilyo ng baril. Bullseye. 


Pabagsak niyang inilapag ang baril sa mesa at naupo sa isa pang upuan. Kinuha ko ang larawan ni Lazarte na nakapalalim sa baril tyaka 'yon ipinakita sa kanya. "Tapusin ko na ba?" Blankong nadako ang tingin niya sa mga mata ko at alam ko na ang ibig sabihin nun kaya agad kong inagapan ang sinabi ko. "Si Ellisse? Anong plano mo?"  


"Let her kill the opponent." Natahimik ang paligid. Hindi ko naman kokontrahin ang sinabi niya kahit na may gusto akong sabihin. Wala rin namang pinakikinggan 'tong Lucifer na 'to, parehong-pareho lang sila ni Ellisse. Tsk. Kahit nga 'yong mababayaw niya hindi umubra sa kaniya, ako pa ba na mansanas at lollipop lang sapat na.


"Paano 'yong Lazarte?" 


Tumaas ang kilay niya, "Can't take your attention off of that woman huh? Do you like her that much?" Walang kabuluhang tanong niya. Napatingin ako sa lalaking naka-suit na biglang pumasok dala ang tray na naglalaman ng beer in can at cup ng.....inilapag niya 'yon sa mesang nasa harap namin bago tumungo at umalis. Avocado ice cream? 


Sinundan ko ng tingin si Lucifer nang kunin niya 'yon at sinimulang lantakan. "Kung nami-miss mo 'wag mong basta kainin lang 'yong paborito niya, tawagan mo o i-text mo para magkainan kayo." 


"The f*ck you said?" 


Walang ganan kong kinuha ang beer at binuksan 'yon tiyaka itinungga. Ramdam ko parin na nakatingin siya sa akin kaya tiningnan ko siya pabalik. Masama ang tingin sa akin na parang mali ang sinabi ko. Pinaglalaban nito? 


"Bakit? Normal lang naman ang magkainan sa mag-asawa 'di ba?" Inosenteng gatong ko bago ulit itinungga ang beer.


"Your f*cking term, motherf*cker." 


"Ano ba dapat? Sex? Make love?"


"Shut the f*ck up, Moralez." Napailing ako nang makita ang pagka-irita sa mukha niya habang patuloy na nilalantakan ang paboritong ice cream ni Ellisse. Miss na nga kasi niya pero hinahayaan lang naman niyang lumayo 'yong tao. Tsk. 


"Kailan kaya magpa-file ng annulment si Ellisse?" Walang kwentang tanong ko sa kawalan at sa bilis ng segundo halos hindi ko namalayang nakatutok na sa sentido ko ang nguso ng baril. 


"Kalma lang. Baka nakalimutan mong hindi pa natin alam kung anong plinaplano ni Ellisse?"


Mukhang nakuha ko ang buong atensyon niya dahil inalis niya ang pagkakatutok ng baril sa sentido ko tayaka 'yon pabagsak na inilapag sa mesa. "It's f*cking obvious, asshole." 


"Obvious na ano? Na ikaw ang planong iluklok ng ama mo bilang pinuno ng Dark Soul?" Inosenteng tanong ko. 


"Can you just shut that f*cking mouth of yours, Moralez?" Iritadong sagot niya. Nagkibit-balikat lang ako at muling itinungga ang pangalawang beer in can. 


"Ano ba kasing plano mo?" Tanong ko dahil kahit ako man ay hindi maisip kung anong susunod na kilos ang planong gawin ni Lucifer. Alam niya kung paano kumilos at mag-isip si Ellisse kaya siguradong may dahilan siya kung bakit hinahayaan lang niyang kumilos 'to ng mag-isa maliban sa rason na hindi magpapapigil si Ellisse. 


"Zerina's still in Keylux. Keep an eye on her. We need to know where is she taking her next move." 





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top