Chapter 50


1 Day later...

Highstone Hospital, Rooftop 


ELLISSE ZERINA 


Ramdam ko ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko kahit pa suot ko na ang itim na leather jacket ko. Hinahangin ang mahaba kong buhok kaya para hindi ako mairita ay pinusod ko na lang muna 'to tyaka ko isinandal ang mga braso ko sa railings. 


There's nothing to see here in the apex part of this well-known hospital—under the ownership of the powerful Stanford clan, but the countless skyscrapers. The sun is about to set now. Medyo nagiging kulay kahel na rin ang bay na pumapalibot sa malawak na syudad dahil sa repleksiyon ng kalangitan. 


I won't deny the fact that this scenery never fails to amaze me. For me, this moment will always be the best to spend my time with; watch the dawn as if it's a masterpiece as if it's the most beautiful thing that ever exists in the world. 


And you know what I love the most about it? Sunset always reminds me that no matter how tough your entire day is, there is always tomorrow to look forward to. There is always a new day, a new chapter to live on...and there is always hope. Hope that one day, we can rest despite the tiring 24 hours of our life. Hope that someday, we can escape the cruelty of this world. Hope that a day would come in our life when everything is going to be alright. Kaya kahit nasaan bahagi ako ng New York noon, walang araw na hindi ko pinagmasdan ang paglubog ng araw. I was shattered back then, but the sunset reminded me to hope for better days. 


But this time, hindi ko alam kung gano'n pa ba ang sinasabi sa akin ngayon ng papalubog na araw. I just realized something...sunset could also be a reminder for us that there is also time to bade 'goodbye'. Wheter I admit it or not, ngayon ko lang hindi matagalang pagmasdan ang paglubog ng araw. D*mn it! 


I shut my eyes as the d*mn tears escaped from my eyes. Ilang beses kong paulit-ulit na iniintindi ang lahat pero nauuwi ako sa iisang kasagutan ng madaming tanong na naglalaro sa isip ko. And that, a memory paid me a visit. 



Frinvalley Island 


After the four of us had our serious conversation in the living room about my mother and father's involvement in the mafia, nagpaalam muna ako kay mama na maliligo lang ako para makapagpalit na rin. Pagkatapos mag-walk out kanina ni Kuya ay sinundan siya ni Renzo pero hindi na sila bumalik. Sa lawak ng villa, magsasayang lang ako ng oras kung hahanapin ko pa sila. My mother accompanied me in my room. Siya na rin ang naghanda ng gagamitin kong damit dahil wala akong dala. Hindi ko na tinanong pa kung saan siya nakakuha ng pwede kong gamitin dahil...do I still need to ask the obvious? Tss. Hilton will always be Hilton. 


Mula sa pagligo hanggang sa pagbihis ko ay iniisip ko parin ang lahat ng nalaman ko. What a hell surprise it was! From my friends to my only brother then to my parentsbeing a dedicated member of a mafia group. Napapabuntong-hininga na lang ako. 


Pinatuyo ko lang ang basa kong buhok bago ko naisipang lumabas ng kwarto para puntahan si mama. Feeling ko, hindi pa sapat 'yong oras na nakasama ko siya. It's been years since we had a mother-daugther bonding. I want to fill the moment I lost when I left kahit alam ko na sandali lang. Besides, I still have questions I want to ask her about. 


Pababa ako ng mataas na hagdanan. Medyo malayo-layo pa 'to sa living room kaya tinahak ko pa ang corridor pero bago ko pa man marating ang destinasyon ko ay natanaw ko na sina mama at Renzo na nasa living room. Magkaharap sila. Renzo's back is facing me while my mother is across the former, facing my direction. I was only five steps to them when I heard my mother speaks.


"How long have you known?" She asked in a serious way. 


Napakunot ako. Do'n palang ay alam ko ng may seryoso silang pinag-uusapan. Where the hell is my brother? Inilibot ko pa ang tingin ko nagbabakasakaling makita si kuya sa malawak na mansiyon bago ko ibinalik ang tingin ko sa living room nang marinig ko ang pagsagot ni Renzo. 


"Just a hunch, tita. I don't want to make a final conclusion. Not this early." 


Hindi ko na nagawa pang ihakbang pa ang mga paa ko palapit sa kanila. I decided to stay a few steps away from them, hiding myself behind  the shelf. 


"Anong gagawin mo oras na nagkatotoo ang mga hinala mo? Sigurado akong kilala mo na ang anak ko at alam nating dalawa kung ano ang magiging epekto nito sa kanya." Hindi ko alam kung ako ba o si Kuya ang tinutukoy ni mama na anak kaya mas lalo pa akong napakunot. 


"Let's keep it between us, tita. At least, for now. I don't want to worry her more about my father." 


Her? So there's no doubt, they are referring to me huh? At tungkol saan ang pinag-uusapan nila? At bakit nasama pa ang tatay ni Renzo? 


Narinig ko pa ang malalim na pag-buntong hininga ni mama kaya napatingin ako sa kaniya mula sa awang ng mga libro pero hindi ko rin naman siya makita dahil nakaharang ang matikas na likod ni Renzo sa kaniya. What the hell are they talking about?! 


"How much are you prepared for this, Mikael? I'll ask you again...paano kapag ang hinala mo ay siya pala ang katotohanan?" 


Seconds passed before Renzo replied. Akala ko sasagutin niya ang tanong ni mama pero hindi 'yon ang narinig ko. 


"I'm sorry, tita. I'm sorry if it needed to happen when in fact it must not. Mr. Lorico didn't deserve to die...I will keep on extending my apology." 


Mas lalo lang akong naguluhan nang marinig ko ang pagtukoy ni Renzo kay papa. Why? How could Renzo be sure about my father? Na hindi nito deserve mamatay? Why? Why the hell is he apologizing? At ine-extend pa talaga niya na parang ang laki ng kasalanan niya sa pakawala ni papa. May iba pa bang dahilan kung bakit namatay si papa? Maliban sa sinabi ni mama? D*mn! My head's full of d*mn questions already. 


"Why are you acting like your hunch is the truth already, Mikael? Sigurado ka bang hinala lang ang lahat ng nasa isip mo o hindi lang talaga matanggap ng sistema mo na 'yon ang katotohanan?...Now I can see how afraid you are about losing my daughter, Mr. Hilton...We both know it's inevitable." 


What the hell are you talking about, Ma? D*mn! Ano bang losing my daughter ang sinasabi niya kay Renzo? At bakit kahit maamo ang tono ng boses niya ramdam ko ang seryoso ng usapan nila. D*mn it! Akala ko ba tapos na ang bunyagan ng sikreto rito? Bakit parang may kailangan na naman akong malaman?


I kept the silence in my position, eavesdropping on them until Renzo spoke. "I know, Ma'am...but you know me. You know how a Hilton acts when we want to keep something badly in our possession."


Gulong-gulo na ako. Na-alarma lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagtunog ng elevator. Kaagad akong umalis pabalik sa kwarto nang makita ang paglabas ni Kuya. 


I need to find out what my mother and Renzo were talking about. 



I've been thinking about their conversation lately. Hindi ko alam kung gaano na katagal na itinatago ni Renzo at ni Kuya si mama sa Frinvalley para sa kaligtasan niya, pero sigurado ako na marami silang alam tungkol sa mga nangyari noon na posibleng konektado sa mga nagaganap ngayon. 


I'm not a dumb person para hindi makuha ang punto ng pinag-uusapan nina mama at Renzo. About Renzo's hunch. About losing me, and my father's foul-played death. Ilang beses kong tinanong kung tungkol saan ang mga hinala ni Renzo. Kung ano ang katotohanang tinutukoy ni mama at bakit mas gusto ni Renzo na h'wag sabihin 'to sa akin. He doesn't want to worry me about his father he said...but why? What about Mr. Jackson Hilton? 


'Yan ang mga katanunang halos pumiga sa utak ko kakaisip, but now I know the connection of each one. At 'yon ang hindi ko matanggap kahit pa anong gawin kong pag-intindi. 



Flashback 

"Have you talked to Liam Malriego? He was in Blakewood." He asked but I was lost for words and so he went on. "Of course, you haven't because I commanded him to keep his mouth shut." Walang bahid na pagsisinungaling o ngisi sa labi niya. Seryoso at propesyonal na propesyonal ang tindig niya.


"H-he....is not....t-the X." Halos walang boses na bulong ko. That Liam Malriego isn't the real Mr. X. This man is just using him as a decoy.


"I won't make this long, Ms. Lorico...I have summoned you here just to clear up one last thing." Nagpatuloy siya sa paglapit sa akin pero hindi ko nagawang gumalaw ni isang hakbang. Ngayon ay mas malapit ko ng nakikita ang mukha niya. No doubt. Renzo got his fearless looks from his father especially the eyes. 


"You can never mark yourself a Hilton. Only deathless people do so you better....stay away from my son, Ms. Royal Knightress." He walked past my shoulder and whispered, "Or I will be obliged to kill you myself....You better know how firm a Hilton is to his words, young lady." 


With his threatening voice and stern face leaving me his last d*mn deadly warning, I was left speechless, unable to react until he was completely out of my vision. 


I didn't know how I still made steps out of that abandoned place. Of all the possibilities I came up with before coming here, I knew this might happen, but still, I don't know how the hell am I going to process all of this. Sobrang lapit ko na sa katotohanan pero parang ang layo ko parin dahil ayaw tanggapin ng sistema ko kung ano ang totoo. 


Para akong nagpapati-anod lang sa hakbang ng mga paa ko. I didn't even know how I still managed to get in my car and stare voidly in the air. Nasagot nga ang isa sa mga katanungan ko, pero hindi parin 'to naging sapat dahil sa halip na mabawasan mas dumami pa. Despite all the d*mn questions that are messing up in my head, someone came up in my mind. There is only one person who could answer my question. 'Yong tao na masisiguro kong walang pamimilian kung hindi sagutin ang mga tanong ko nang walang paligoy-ligoy. 


Sinindihan ko ang makina ng kotse. I slid my left hand into my jeans pocket to get the thing I hid there. Nang makapa ko 'to ay hinila ko habang nanatili ang tingin ko sa daan. I then took a glance at the card in my hand bago ulit itinuon ang atensyon sa pagda-drive. I double the speed of the car. 



...

Ipinarada ko ang kotse sa gilid ng daan. Walang katao-tao sa labas. Wala ring kailaw-ilaw maliban sa dalawang street light na nakalagay sa magkabilang gilid ng tulay. Medyo dim na ang ilaw nito kaya hindi sapat para mailawan ang malaking bahagi ng lugar. I got on my feet and stepped out of the car, taking the bridge's direction. 


Luma na ang bakal na tulay na 'to. Wala ring dumadaang sasakyan dahil talagang isinadya lang 'to para daanan ng mga tao pero kung tatansyahin ang lapad, I can even fit my car to reach the other edge of the bridge. This bridge was built ages ago. May mga lumang kwento pa nga tungkol dito na panakot sa mga bata dahil itong tulay ay daan patawid sa gubat, but who am I scaring here? I'm a grown up now. Kung totoo man ang multo at may kung sinong magparamdam sa akin ngayon dito, subukan lang niya dahil baka maisampal ko pa ang dala kong handgun sa pagmumukha niya. 


Sa kabila ng dilim at medyo may kalamigang hanging panggabi ay wala akong maramdamang takot. Ayokong magpadala sa emosyon ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Ayokong magpadalos-dalos pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagka-irita sa tuwing naaalala ko ang pag-uusap namin kanina ng ama ni Renzo. 


Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga sa kawalan. "Let's take the entire truth out of its shell," I whispered as I opened my phone and dial a phone number. Ilang ring pa ang natapos before the line got connected.


[I wasn't expecting a call tonight. This is?]


"Your friend's daughter" Walang ganang sagot ko. 


[Oh... Anything I can help you with?] Tanong niya. Rinig ko pa ang tunog ng kubyertos, mukhang naistorbo ko ang maaga niyang dinner pero hindi ko na inabala pang humingi ng paumnahin. I don't have a time for a long friendly talk. 


"I need answers. Precise and detailed answers, Mr. Bautista." Seryoso sagot ko. I didn't mind at all if it sounded demanding. All I want at this moment is the entire d*mn truth. 


Ilang segundo pa ang lumipas kaya nagsalita ako ulit, "I'll send you the location. This is non-negotiable, Sir." 


Sa kabila ng pagka-seryoso ko ay nagawa pa niyang mahinang matawa. [Like brother like sister...Fine. Since your mother had a favor on me, mukha wala naman na akong pamimilian pa kung hindi pagbigyan ang imbitasyon mo since it's non-negotiable as what told.] Kahit na hindi ko makita ang mukha niya ay sigurado akong nasa labi na naman niya ang cool na ngisi. 


Ibinaba ko na ang tawag dahil ayoko ng humaba pa ang usapan. I then composed a message, telling him my location. 


Ilang minuto rin akong naghintay bago dumating ang kulay itim na kotse na tumigil sa harap ng sasakyan ko ilang metro ang layo. A towering figure of a man left the driver's seat and paved his way to the bridge where I was waiting for his arrival. Nakatingin lang ako sa kaniya na nakapamulsa pa at patingin-tingin sa paligid. Mukhang nilalamig pa kahit na naka-suot na ng long coat. 


He fixed the bridge of his eye glasses nang magtama ang mga tingin namin. "Ang creepy talaga ng mga Lorico. Sa dami ng lugar sa syudad na pwedeng pagkitaan, dito pa talaga." Paiiling-iling na komento niya nang magpatuloy sa pagmamasid sa paligid. He went on speaking nang hindi tumitigil sa pagi-inspection sa lugar, "I see...This is beyond privacy. No one would surely dare to hang out in this haunted bridge just to capture the plain night sky...well unless you are being followed by the unknown...." sandali siyang tumigil sa tuloy-tuloy na pagsasalita nang magtagpo ang tingin namin. Seryoso akong nakatingin sa kaniya. He then cleared his throat as if he said something he souldn't be.


"I see...May alam ka tungkol sa unknown group? You even know that they're after me huh? Ano pa bang bago? Though you're a former inner, surely you are well aware of what's the talk of the town inside your old cruel world." Medyo may pagka-sarkastiko kong litanya. 


"Zerafina mentioned....."


"You're working for my mother, but this time you need to cooperate with me, Mr. Bautista." Matigas ang pagkakasabi ko bago pa man niya matapos ang dapat na sasabihin niya. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya at gano'n din naman siya sa akin. 


With his seriousness that only took seconds, he smirked. Isinandal niya ang mga braso sa railings ng tulay at may kung anong kinuha sa bulsa niya. He lit up a cigar before he started to talk. "Name the price that can convince me to cooperate with you, Ms. Lorico. Before I could break your mother's trust on me, anong mapapala ko sa pakikipag-kooperasyon ko sa 'yo?" Hintihit niya ang sigarilyo at nanatiling nakatingin sa kawalan. 


I smirked, recalling all the details I have compiled about the man I am talking to right now. I didn't come here unprepared. 


"Long years ago, you wanted to take down an empire, but you didn't, because you didn't have the capability to destroy its power and wealth...and up until now, you still can't...and that made me wonder if it was the reason why you left the mafia world; Realizing that you're just a little ant against the clan you wanted to badly pinch to dust...I am so sure that you were with my parents back then....certainly, my mother since patay na si papa bago pa ninyo plinano ni mama na pabagsakin ang angkang 'yon. Vengeance. That was the reason why." Tiningnan ko siya na patuloy sa paghithit ng sigarilyo, parang hindi na nagulat pa sa mga natuklasan ko tungkol sa kaniya. Humithit siya ng huling beses bago itinapon ang upos na sigarilyo sa umaagos na sapa sa baba ng tulay. 


"Hindi ko alam na katulad ka rin ni Elijah na matalas ang isip sa paghahanap ng mga detalye na hindi na dapat pang inaalam." 


I was too quick to contradict him, "Hindi na dapat pang inaalam?" Halos matawa ako ng sarkastiko, "Why? Bakit hindi ko pwedeng malaman kung bakit ni'yo gustong pabagsakin ang angkan ng Hilton?" Iritado kong tanong. Hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom ng mga kamay niya pero hindi ko alam kung paano niya kaagad nabawi 'yon nang tumingin siya sa akin dala ang ngisi.


"Past is past, Ms. Lorico. Hayaan na natin ang nakaraan na manatili sa nakaraan. Wala na rin namang magbabago pa kung-----"


"You're just telling that to me because you thought you've done enough to win a battle when in fact, you didn't even try so hard to checkmate your opponent." Halos magtaas na ako ng boses.


Natawa siya, "Battle? Anong alam mo sa laban na sinasabi mo, Ms. Lorico? Matagal na tapos ang nakaraan at kung ano man ang mayro'n do'n hayaan mo nalang na tangayin 'yon ng panahon."


Sa kabila ng sinabi niya ay nanatili ang diretso kong tingin sa mga mata niya. "What is it that you are trying so hard to hide from me, Mr. Bautista?" I badly want an answer, but he kept his void stare at me as he spoke, "Walang dapat na itago."


"Kung gano'n sa ginagawa mo ngayon, hindi mo pa pinagtatakpan ang katotohanan? You lived your entire life in the mafia as an inner kaya h'wag mong subukang itago sa akin na wala kang alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Mr. X." 


Bumuntong hininga siya at tumingin sa kawalan. "What about that man? Being a Hilton, he can be whoever he wants to." Simpleng sagot niya na sapat na para sagutin ang ilan pa sa mga katanungan ko. I thought he would stop there but then he went on...


"Jackson Lee Hilton is the ruthless maneuver behind Mr. X's countless crimes and corrupted wealth. He's using his right henchman who's also his secretary; Liam Malriegoas a decoy na sigurado akong inakala mong si Mr. X." 


Napapikit ako. Ilang ulit pa bang kailangang maipamukha sa akin ang katotohanang, ang ama ni Renzo ang siyang tunay na Mr. X? Did Renzo knew about this? About the real identity of his father? Because if he does, then why the hell was he not saying anything? Is he planning something? I f*cking doubt that.


"All I want is the entire truth, Mr. Bautista so tell me everything I need to know." Desperadang saad ko. 


"I told you, I need a price before I could break Zerafi-----"


"I'll help you destroy the whole Hilton clan." Walang pagda-dalawang isip na putol ko sa linya niya. Sobrang bigat ng dibdib ko sa sinabi ko, pero pinandigan ko 'yon just by keeping my narrow sight directly at him. He chuckled as if what I just said was the most stupid joke he have heard in his entire life, but there is no time to throw some stupid pun here. 


Biglang sumeryoso ang ekspresyon niya, mukhang naramdaman ang paninindigan ko sa sinabi ko. He heaved a sigh. "No one ever dares to throw even a piece of threat note to that clan, Ms. Lorico. Both Zerafina and I knew how dangerous it was...."


"Kaya hindi ni'yo noon nagawang ituloy ang plano ni'yong pabagsakin siya? Why did you even plan to destroy the Hilton clan in the first place if you knew from the start that your plan would surely be taken in vain? Sa pagkakaalam ko ngayon lang umusbong ang pagiging X ni Mr. Hilton. What was even the reason why you wanted him down his throne?  Sigurado akong may mabigat na dahilan kung bakit pati si mama plinanong pabagsakin ang Hilton noon." Sabad ko sa kanya para lang maipamukha sa kanya na hindi ako tanga para hindi maghinala sa pilit niyang pagtatakip ng katotohanan sa akin. 


I clenched my fist and tried to beg him once again, "Please, Mr. Bautista. Tell me the truth. Please." 


Tinanggal niya ang salamin at mariing pumikit bago 'yon ulit isinuot. He fixed the bridge of it and heaved another sigh before he started firing words. 


"Alam mo naman siguro kung ano ang nilalaman ng dark list, tama?" 


Napakunot ako pero sumagot din, "It consists of a powerful and wealthy people supporting the reign of Korbin. More likely an alliance to restore the power of Dark Soul Organization since they are the pillar of that d*mn group."


"At alam mo rin ba ang tungkol sa white list?" He asked na siyang nagpakunot sa akin. Hindi ko alam na may iba pang listahan maliban sa dark list.


 "It's also a list of people who created an alliance to take down Dark Soul. They might not be the wealthiest, but each of them has their own assets; their brain. They are too clever to plot a war against Dark Soul as if they have already won." Paliwanag niya.


"Are they still alive?"


"They were all dead." 


Napabuntong hininga ako. "Anong kinalaman ng white list kay Mr. Hilton?" 


"Mr. Hilton known as X is the boss of Korbin. Plano niyang buhayin ulit ang Dark Soul. He will do anything just to gain deathless power and countless wealth under his clan. His silent manipulative tricks that no one could ever surpass explain how. Gusto niyang mapasakamay niya ang lahat mula sa mga maliliit na grupo hanggang sa mga naglalakasan tulad na lamang ng Canis at Serpent."


Mas lalo pa akong napakunot pero bago pa man ako makagawa ng litanya ay nagpatuloy na si Mr. Bautista. "Do you have any idea why Elijah is too against you and Mr. Hilton's son?" 


Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tanong niya. All I knew was because Renzo seems to be a dangerous and ruthless man who could bring nothing in my life but danger. Gusto lang akong ma-protektahan ni kuya. I wanted to reply but I chose to let him speak.


"Oras na mapasakamay na ni Mr. Hilton ang lahat ng mafia group, madali na lang para sa kaniya na buhayin ulit ang pinakamakapangyarihang grupo na naghari noon, ang Dark Soul, and according to one of my reliable sources from Mors, Jackson Lee Hilton had already decided to pass the throne to his only son to reign the Dark Soul. Ang hindi ko alam ay kung alam ba ng Serpent Commander ang tungkol sa plano ng ama niya." 


Bakit pa magpapakahirap si Renzo na hanapin ang totoong pagkatao ni X kung alam naman na niya ang tungkol dito simula pa lang? "I doubt he knew it all along." Wala sa sariling sagot ko. 


Pero kung alam na niya at nauna pa siyang nakaalam ng lahat, why wasn't he telling me anything about it? What is he trying to hide from me? 


"Maayos na grupo noon ang Dark Soul. Tinitingala, kinatatakutan at iginagalang. Hindi sila basta-basta pumapatay ng kung sino lang maliban nalang kung mayro'ng tao o grupo mismo ang nagtangkang dungisan ang samahan. Ruthlessness is enough word to describe the world of mafia, but change it for Dark Soul for they were doing good deeds for people back then. Parang isang makapangyarihang charity group na tumutulong sa mga nangangailangan. Parang hukuman na humuhusga sa kung sino ang dapat patayin o maparusahan. Dark Soul served as the King of the City. Mapa-gobyerno iginagalang ang grupo...That was during the generation of Augustus Habir, the founder of Dark Soul. Everything seemed in the right place during his time not until it passed to the next generations. Walang sinusunod na bloodline sa pagpili ng magiging pinuno dahil tanging ang kailangan lang ay yaman at kapangyarihan. Hilton has everything under control that was why he was the chosen leader to reign the next generation. Noong una, maayos pa ang lahat, pero nabulag siya ng kayamanan at kapangyarihan na halos ibaon na niya sa hukay ang mga batas na itinatag ni Augustus para sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa halip na mapunta sa mabuti ang yaman at magamit ang kapangyarihan sa maayos na paraan, ibinuhos lahat ni Mr. Hilton 'yon sa pagpapalawak ng mismong angkan niya. He manipulated almost all the mafia tycoon, local businesses around the globe, except those who are against him...the people in the white list."


So that was how the white list has been created. The reason of its existence ay para pabagsakin ang maduming pamamalakad ni Jackson sa Dark Soul.


"The white list, also known as 'The Alliance of Peace and Justice' was against the old reign of Dark Soul. Katulad na ng sinabi ko, nagawa nilang pabagsakin ang grupo na dating kinabibilangan nila. Matapos ang matinding alitan, naging malaya ang mga grupong ikinulong sa maduming batas ng Dark Soul at kabilang doon ang Canis at Serpent na ngayon ay dalawa sa nangungunang pinakamakapangyarihang grupo sa mundo ng mafia....Pero hindi ro'n natapos ang lahat, mayroon paring mga natirang may itim na motibo laban sa ibang grupo. With his endless wealth, power and huge connections, nothing is impossible for Jackson Hilton. He's a manipulative bastard so it was too easy for him to take the advantage to gather these people with the same motive as his to create an alliance, and that's Korbinwhich was also one of the Dark Soul's servants years ago. Masyado nilang sinamba ang maduming pamamalakad ng Dark Soul dahil pati sila ay naluluhuan kaya ginagawa nila ang lahat para buhayin 'to ulit."


Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa ni Mr. Bautista. Unti-unting nasagot ang madami kong tanong, but there are still questions running in my head. 


"Are you sure patay na lahat ng taong nasa white list?" Paniniguro ko. 


Nagsindi ulit ng sigarilyo si Mr. Bautista. Hinithit 'yon bago inayos ang bridge ng salamin niya. "There are total of ten people in the list if I'm not mistaken. Genesis Chua, Christopher Scotreighn, Felipe Rosst, Esther Diozes, Roger Tan, Justiniano Sunico, Marcelito Luna, Venus Georgina Lazarte, Margareth Cecilia Aurora Hilton, and your father, Eliazer Lorico."  


Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Para akong napipi sa mga narinig ko. Si Marcelito Luna, he was killed by Dark Thorn Gang, back in Frisco Di Yarte. Noong inutusan kami ni Renzo na kunin ang dark list mula kay Mr. Luna. Dark Thorn was after the dark list too which was under Luna's possession, pero bago pa man makatungtong sa ship, may usapan na sila ni Renzo na ipauubaya niya ang listahan sa Serpent. That was clearly the reason why Korbin ended his life plus the fact that he was one of the people in the white list.


Pero ang lubos na ikinagulat ko ay ang huling tatlong magkakasunod na pangalan. Lazarte, Hilton and Lorico. What's the connection of Venus Georgina Lazarte to Angel Lazarte? Who's Margareth Cecila Aurora Hilton? If she's a Hilton, why did she choose to turn against the boss of Dark Soul which is also a Hilton? At si papa....konektado ba ang pagkamatay niya sa pakikiaanib niya sa white list?


"Venus Georgina Lazarte is Angel Lazarte's mother." Si Mr. Bautista na ang sumagot. 


WTH? Then why is that bitch a member of that d*mn dark list? Taliwas ba siya sa yapak ng ina niya? 


"Margareth Cecilia Aurora Miller Hilton is the legal wife of Jackson Lee Hilton." 


Hindi ko na alam kung papaano ko ipo-proseso ng paunti-unti ang mga nalalaman ko. Renzo's mother was against his husband? WTH is the meaning of this? And wait....


"Margareth Cecilia Aurora...." I whispered as an idea is coming up in my head. 


"The former CEO of MCA if that's what you want to ask." Sagot ni Mr. Bautista. Napapikit ako ng mariin. Her death then...might also be connected to her involvement in the list. 


Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang huling katanungang naglalaro sa isip ko. I've been preparing myself for this, pero hindi ko alam kung magiging handa ba ako sa maririnig ko. D*mn it! 


Pero bago pa man ako makapagtanong ay tiningnan ko si Mr. Bautista. Matapos niyang hithitin ang sigarilyo niya sa huling beses ay inihagis ang upos nito sa sapa. Parang sobrang lalim ng iniisip niya. I saw how he clenched his fist.


"Isa-isang ipinapatay ni Jackson ang lahat ng nasa white list. A Hilton will always be a Hilton. They hate people who dares to mess up with them no matter who they are." 


Parang sinaksak ng patalim ang puso ko sa paulit-ulit na paraan. I could no longer utter a word. Sa dami ng nalaman ko, dalawang bagay lang ang parang natira sa utak ko. 


Jackson Lee Hilton killed his wife Renzo's mother — who was also the ruthless devil who killed my father. 


Halos bumaon na ang mga daliri ko sa palad ko sa pagkakakuyom ng mga 'to. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko hanggang sa hinayaan ko nalang na tumulo ang mga 'to. 


Jackson Lee Hilton...Ang paulit-ulit na binubulong ko sa isip ko. 


Hindi na ako magpapakatanga pa para pag-isipan kung may alam si Kuya, si mama at si Renzo tungkol sa mga nalaman ko. 


Ito ba ang katotohanang gustong ilihim ni Renzo sa akin? Na ang sarili niyang ama ang kumitil sa buhay ng ama ko? No f*cking doubt why he wants to extend his f*cking apology to my mother. How 'bout his mother? Alam ba niyang ama niya rin mismo ang kumitil sa buhay ng mommy niya? Isa lang ang sigurado ako. Kung alam ni Renzo ang buong kwento ng white list, marahil alam niya rin kung paano 'to natapos at kung sino ang walang pusong tumapos nito. 


He's trying to keep this f*cking sh*t from me at kung sasabihin niyang para 'yon sa ikabubuti ko, hell I won't f*cking tolerate the same stupid reasoning again. 


"Ms. Lorico" 


Nakatingin ako sa kawalan at hinayaang mabasa ng luha ang pisngi ko nang tawagin ako ni Mr. Bautista. Pinunas ko ang mga luha ko at pinilit na kalmahin ang sarili ko kahit hindi ko 'yon magawa. 


"Thanks for your cooperation, Mr. Bautista. Now, let me handle your prize." 


Tumalikod ako at nagumpisa na namang mag-unahan ang luha sa mga mata ko. Tinatawag pa ako ni Mr. Bautista pero tuloy-tuloy kong tinungo ang kotse ko hanggang sa makapasok ako at walang pasabing pinaharurot ito ng mabilis. Nanlalabo na ang paningin ko pero d*mn! Wala akong pakealam kung ilang timba pa ang iiyak ko rito. 


Wala akong ibang iniisip kung hindi ang makita ang pagmumukha ni Jackson. 


I must end this at all costs once and for all even if it means, starting a f*cking war. 



...

"Royal Knightress!" 


Nagbalik ako sa katinuan nang may tumapik sa braso ko dahilan nang maalerto ako para hablutin 'to at pilipitin patalikod sa kaniya. "T*ng ina!" Mabilis din akong napabitaw nang ma-realize kung sino ang lalaking kasama ko ngayon dito sa rooftop. 


"Sakit mo naman tumanggap ng pagbati, Royal Knightress." Pabirong saad pa ni Zion na nakangiwi habang ipinapampag ang kaliwang braso sa kawalan para lang maibsan ang sakit ng pagkakapilipit nun. Walang emosyon ko siyang tinitingnan bago nadako ang tingin ko sa may kahabaang attache case na nasa paanan niya. 


"Is that all I have asked you to bring?" I asked as I bent down to get the black case. Tumango siya hawak parin ang kaliwang braso na ngayon ay marahan ng hinihilot. "May kailangan ka pa ba, Ms. Lorico?" 


Hindi ko siya pinansin at binuksan ang case para mai-check ang laman nito. Bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng baril at dagger, may nakahanda ring sniping rifle at benoculars, sa magkabilang gilid nakasilid ang iba't ibang klase ng hand grenade. I took the leather gloves out I hid inside the pocket of my leather jacket and wore it. 


Tumayo ako matapos kong isara ang case. Iniiabot ko ang susi ng kotse kay Zion na walang reklamo niyang tinanggap tyaka ako walang pasabing tumalikod paalis. Nakakailang hakbang palang nang tumigil ako dahil sa pag-vibrate ng phone na nasa bulsa ng suot kong pants. 


Pagbukas ng screen ay bumungad sa akin ang isang email notification. It was a subjectless email from the address name 'anonymous', pero binuksan ko parin 'to then a short message was composed. 


I love seeing you join the game, Ms. Royal Knightress. 

Looking forward to the deadliest war very soon. 

Hope to see you one of these days. 

Don't be dead too soon. 

I hate to declare an early victory without my eyes witnessing your pain.


Loveliest, 

- M


Who the hell is M? After A now M huh? Tss. Hindi ko nalang 'to pinansin dahil para saan pa? Wasting my time reading stupid threats is the last thing I want to do at this moment. 


"May problema ba, Royal Knightress?" Tanong ni Zion pero hindi ko na siya nilingon pa. 


"Tell my regards to your Boss, Mr. Mandalaine." Walang emosyon kong saad bago tumuloy sa pag-alis. 


Hindi ako tanga para hindi makaramdam na alam ni Renzo ang bawat kilos ko. Hindi na rin ako magtataka kung bakit wala siyang ginagawa para puntahan ako at pigilan dahil sigurado akong alam niya na kahit pwersahin pa niya akong pabalikin sa teritoryo niya, hindi niya 'yon kayang gawin. 


Wala akong ibang maramdaman sa pagkakataong 'to ng buhay ko kung hindi ang pagnanasang kumitil ng buhay at tapusin ang kagaguhang 'to. 


I'm already sick of playing this stupid game. Now let's f*cking end this. 














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top