Chapter 5


Serpent Headquarter

ZETHANYA YUI FELIZTRO 


"How is she?" Friza asked worriedly as I came out from the recovery room. Kaagad niya akong nilapitan at para bang nakikiusap ang mga mata niya sa akin na sabihin kong maayos lang ang lahat. I just smiled at her tiyaka hinawakan ang kamay niya.


"She's going to be fine, Friz." Sagot ko nang hindi tinatanggal ang mga ngiti sa labi ko. Alam ko na 'yon ang gusto niyang makita't marinig but honestly nag-aalala rin ako at ayoko na dagdagan pa ang pinapasan niya. I hope for Dhale's recovery soon.


"My apology to disturb you." Lumapit sa amin ang isang babae. "You are called to the heads room, Ms. Gonzales." I looked at Friza na wala man lang ibinigay na ekspresyon. Well, I think she certainly expected the consequence. Hindi kasi nila ipinaalam na papasukin nila ang Baldwin property ng silang dalawa lang ni Dhale. Nang makaalis siya kasama ang babaeng tumawag sa kaniya kanina ay sakto namang dumating si Rix.


"Kumusta ang lagay niya?" Kalmado niyang tanong. Wala sa amin ang maaaring kumilos ng basta-basta ng walang official order mula sa itaas patungkol sa nangyari. We can't do anything but to wait. Hindi basta-bastang kikilos ang samahan but the fact is once they move, it will surely be a dreadful bloody war.


"Ito ang medical test na isinagawa ko sa kaniya." Iniabot ko sa kaniya ang resulta. "That's an electrocardiogram or ECG, it shows the heart electrical impulse. How well does Dhale's heart's condition." Patuloy ko pero mukhang napansin niya ang mahina kong pagbuntong hininga.


"Ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong niya nang ibalik niya ang tingin niya sa resulta. Sasagutin ko pa lang sana ang tanong niya nang makita ko si Creid na palapit sa amin.


"Where's Dhale?" Cold na tanong niya but I can clearly see how worried he is.


"She's still asleep pero ayos na siya. She lost her consciousness due to vasovagal syncope. Kadalasang nangyayari ito kapag sobrang naapektuhan ng emosyon ng isang tao ang nervous system na siyang kumokontrol sa heart rate at blood pressure natin. In that case, our heart rate slows, and our blood vessels widen. In turn, that causes Dhale's blood pressure to drop. Therefore her body cannot deliver the blood her brain needs." Paliwanag ko assuring them that everything's going to be alright.


"Nasaan si Friza?" Tanong ni Rix habang si Creid ay nanatili lamang na tahimik.


"Ipinatawag siya sa heads room." Sagot ko nang bigla na lang umalis si Creid nang hindi man lang umiimik.


"Ano sa tingin mo ang iniisip niya, Rix?" Tanong ko habang nakatingin kami kay Creid na ngayon ay papalayo na.


"Minsan hindi ko rin talaga mawari ang utak ni Creid. Masyadong komplikado ang mga brain cells." Pareho kaming napatingin ni Rix kay Axcel na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Nakangisi pa siya bago itinuon ang tingin sa amin.


"Ano bang nangyari? Bakit mukhang wala yata sa mood si Creid?" Tanong ko. Kahit ako ay hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang inaasta ni Creid. Sa hitsura pa lang niya parang gusto niyang manapak or should I say, an eagerness to kill?


"Isa lang naman ang madalas niyang prinoproblema...babae. Simple lang hindi ba? Komplikado lang talaga 'yong buhay niya dahil parte na 'yon ng sistema niya." Sagot niya. I think so pero nakapagtataka lang dahil iba ang aura niya ngayon. Nakahanap na ba siya ng katapat niya? If that would be the case, then I think it's a good sign. I mean katapat na babae.


"Nga pala, pinaghahanda ang lahat. May paparating daw na special guest ang Serpent." Dugtong niya tiyaka sumunod sa pag-alis ni Creid. I looked at Rix na hindi nagbigay ng kahit na anong reaksiyon. Ilang sandali lamang ay iniabot niya sa akin ang result na ibinigay ko sa kaniya kanina tiyaka siya sumunod kay Axcel.


Sino naman ang special guest na tinutukoy niya? Tumunog ang phone ko kaya naman chineck ko 'yon kaagad. Isang email mula sa unknown sender. Kaagad kong binuksan ito at halos mabitawan ko ang phone ko sa nakita ko.


"Rix!!" Halos mapaluha ako nang tawagin ko siya na mabilis bumalik para lapitan ako.


"Anong nangyari?" Tanong niya. Hindi ako makapagsalita hanggang sa kunin niya mula sa nanginginig kong kamay ang phone ko.


"H'wag mo munang sasabihin 'to sa iba." Kalmado niyang wika bago umalis. Para bang bigla na lang nag-flash ulit ang larawang nakita ko.


Paano siya nadamay rito? Ano ang kinalaman ni Ellisse sa nangyayari? Ang dami kong bagay na gustong malaman pero mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala at kasabikang mayakap siya.


 After Dhale, si Ellisse naman ngayon? She's not even part of any groups, and I can assure it more than hundred percent that she had no records of underground transactions. I knew it because she is Ellisse and she hates the world where we her trusted friends, are living right now.




26 minutes after the kidnapping...

New York | Karan Avenue

THIRD PERSON 


"All I thought was you were reading, yet you're here playing dull games again." Wika ng CEO nang makapasok siya sa isang private apartment.


"I was." Tipid na sagot ng isang lalaki na hindi man lang siya inabalang tingnan. Nadako ang tingin ng CEO sa dami ng patong-patong na librong nasa study table malapit sa living room kasama ng iba pang mga papeles at folders.


"At anong nahanap mo?" Tanong niya nang makaupo siya sa couch tiyaka pinagmasdan ang lalaking seryoso sa nilalaro niyang racing games gamit ang racing simulator.


"Just a plain detail about half-ass people." Sagot niya na ikinangisi't ikinailing ng CEO. "How's the task, by the way?" Patuloy na tanong ng lalaki na inaasahan na ng CEO na itatanong niya.


"Sa dami ng tao na pwede mong i-assign sa special task na alam mong komplikado—at delikado, siya pa talaga ang napili mo." Nakahalukipkip na pahayag ng CEO tiyaka tumayo papuntang home bar para salinan ng whisky ang dalawang rock glasses.


"I just want to ensure something" Sagot niya tiyaka itinigil ang paglalaro. Kaagad namang iniabot ng CEO ang baso ng alak sa kaniya.


"She may not be a typical woman given by her will to fulfill such a task with flounder conditions, yet assigning her to the task is like intentionally putting the moth in the flame. Sinabihan na kita tungkol dito." Pahayag ng CEO.


Nilagok ng kaniyang kausap ang alak tiyaka seryoso itong tumingin sa kaniya. "I know." Tipid na sagot niya. "And that's the first agenda." Napakunot ang CEO sa sunod na sinabi ng kaniyang kausap. Hindi niya mabatid kung ano ang tumatakbo sa isip nito.


"Kung plano mo pala na patayin siya, bakit hindi na lang ikaw mismo ang gumawa? You're just making things more complicated here, Renzo." Sarkastikong saad niya tiyaka itinagay ang alak.


"Who says I intend to kill her by letting her do that task you're supposed to be doing instead?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Napabuntong hininga ang CEO. Alam niyang hindi siya kailanman mananalo sa pakikipag-palitan ng argumento sa kausap.


"At least give me a hint what the hell are you planning out, then." Sagot na lamang ng CEO at ilang sandali lamang ay tumunog ang kaniyang phone na siyang nakapag-paayos sa kaniya ng upo. 


Dahil napansin ng lalaki ang seryosong aura ng CEO, cool na sumandal muna siya sa sofa tiyaka nilaro ng paikot ang whisky mula sa rock glass na hawak niya habang tahimik na pinakikinggan ang usapan.


"What?" Nakakunot ang noong tanong ng CEO sa kaniyang kausap mula sa kabilang linya. Ilang sandali lamang ay natapos ang kanilang pag-uusap.


"Who was that?" Tanong ni Renzo sa kaniya matapos ay sumimsim ng alak.


"Mr. Luis Betrilcio. He came for the meeting in Grand Azure to check on Ms. Lorico as what we have settled." Sagot niya ngunit mahahalata sa mukha niya ang pagkabahala. "According to him, Ms. Lorico didn't attend the meeting." Mababakas ang pag-igting ng panga ni Renzo. Ilang sandali lamang ay tumunog ang alarm ng kaniyang phone.


WARNING: Danger location detected...


Pabagsak niyang inilapag sa mesa ang baso. Mahigpit na ikinuyom niya ang kaniyang kamay. "Prepare a private flight. Now." Matigas na utos niya bago tumayo't naglakad papalayo. Hindi man lubusang batid ng CEO ang plinaplano ng kasama, alam niya ang takbo ng isip nito.


When the queen piece is at risk, the king must move to save her woman, otherwise, the game is over. 



Present Time...

Serpent Headquarter

FRIZA GONZALES 


Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob ng head's room. Inasahan ko ng mangyayari 'to kaya kailangan kong harapin ang parusang naghihintay sa akin. Pumasok akong dala ang seryosong mga tingin at may maayos na tindig palapit sa kinaroroonan ng royal chief. Tyler Young Stanford. Ang natatanging anak ng may-ari ng Serafina Bewitched. Ang unang apo ni Don Joaquin Alvarez Stanford.


"Report." Tipid na sabi niya nang nakatalikod sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot hanggang sa paikot siyang humarap sa akin mula sa kinauupuan niyang swivel chair dala ang napakaseryosong ekspresyon.


"Details regarding the cloak-and-dagger you undertook?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang pagkakasabi niya. Bumukas ang pinto at mula roon pumasok si Jinno kasunod ni Creid at Axcel. Tumungo sila bago lumapit si Jinno para iabot ang resealable plastic kay Mr. Stanford.


"Ito ang mga medical tools na nakalap namin, Mr. Stanford kasama ng iba pang mga larawang nakunan sa nasabing lokasyon." Napatingin ako rito at halos manlaki ang mga mata ko sa gulat. Tama si Dhale, totoo ang tungkol sa organ trafficking.


"At kasalukuyan pa lamang pong isinasagawa ng research team ang private investigation tungkol sa nangyaring panghihimasok sa Baldwin property." Patuloy ni Jinno. Baldwin property? Sa pagkakatanda ko ay 'yon ang lugar na pinuntahan namin ni Dhale. Akala ko ba na hindi sang-ayon ang royal chief sa kasong 'to? Bakit ipinapaabot sa kaniya ang resulta ng imbestigasyon?


Nagkaroon ng sandaling katahimikan nang biglang pumasok si Mr. Malriego, ang commander-secretary. Tumungo kami hanggang sa makalapit siya kay Mr. Stanford na may kung anong ibinulong. Ilang sandali lamang ay kaagad na tumayo siya at matama kaming tiningnan.


"Get ready for the inauguration. That's an official order from the Serpent Queen." T*ng ina 999 times! Ano ba talagang nangyayari? Kanina tungkol lang sa organ trafficking at sa baldwin property lang ang usapan bakit may magaganap na inauguration? 


"Teka nga lang, ano ba talagang nangyayari?" Inis kong tanong sa mga kasama ko nang makalabas kami mula sa heads room. "Hindi ba dapat ay mahahatulan ako ng parusa sa ginawa kong pakikisabwat kay Dhale sa walang paalam niyang panghihimasok sa Baldwin property para mangalap ng impormasyon?" 'Yon ang inaasahan kong dahilan kung bakit ipinatawag ako pero bakit parang wala lang kay Mr. Stanford ang ginawa namin? Hindi sa gusto kong maparusahan, nakapagtataka lang talaga.


"Mahalaga para sa Royal Chief na sundin ang tamang proseso ng imbestigasyon bago mag-baba ng utos. Pero sa nakita nating ginagawa niya, wala siyang pakealam kung nalalabag ng sino man ang batas ng Serpent—tulad ng ginawa ni'yo ni Dhale. Hangga't walang itong malawak o seryosong bagay na naaapektuhan, dahil mas mahalaga na mailigpit ang target sa kasong 'to. 'Yon kasi ang mahigpit na bilin sa kaniya ng Royal Commander." Sagot ni Axcel. Kung gano'n nga, hindi mapaparusahan si Dhale? T*ng ina, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.


"Nagsagawa si Dhale ng investigation na hindi naman niya karapatan. Pinasok niya ang isang ipinagbabawal na teritoryo, ang Baldwin property, at ipinasa niya kay Mr. Stanford ang lahat ng case studies na na-compiled niya kahit na alam niyang hindi niya 'yon responsibilidad. Maaaring matanggal siya sa Central Information Team dahil sa ginawa niya, pero dahil sa nangyari sa kaniya wala pang ipinatupad na opisyal na parusa ang royal chief. Mabuti na lang, approved na ang hawak niyang kaso tungkol sa human organ trafficking at nakarating na ito sa mga royalties pero hindi parin tayo nakasisigurong mapapawalang bisa ang hatol sa kaniya." Paliwanag ni Jinno.


"Hindi siya naging head researcher ng Serpent dahil lang sa wala." Dagdag ni Axcel nang nakangisi at napatingin kami kay Creid nang bigla itong umalis ng walang pasabi.


"Hoy, Creid! Sa'n ka pupunta?" Pagtawag ni Axcel sa kanya. Problema na naman ng g*gong 'yon? Tss.


"Sino nga pala ang bagong salta at kailangan pa na manggaling sa Royal Queen ang official order para sa inauguration?" Curious na tanong ko nang maalala ko ang sinabi ng chief.


"Walang bagong salta, Friza." Napakunot-noo ako sa sinabi ni Jinno na napatingin pa kay Axcel tiyaka sila sabay na napangisi. T*ng ina ng mga 'to, pahihirapan pa ako.


"H'wag mo ng isipin, wala ka rin namang utak." T*ng inang Axcel. Dahil sa sinabi niya ay kaagad ko siyang nilapitan para sakalin nang mabilis siyang nakatakbo. Itinaas ko ang kamay ko tiyaka nag-middle finger. T*ng inang g*go talaga. Wala ng matinong naiambag sa sistema.


"Inform the other knights about it. That's an order." Hindi ko makapaniwalang tiningnan si Jinno dahil sa sinabi niya bago ako nilampasan at naglakad papalayo. Mga t*ng ina nila, 999 times! Porque mga may pinanghahawakang posisyon sa gang, kung makapag-utos akala mo kung sino. Abusadong mga t*ng inang 'to!




Red Fox Club

AXCEL NAUGSH ACOZTA


"Ibang klase ka talaga, Creid." Pailing-iling kong sabi habang kalong niya sa hita niya ang isang babae na mukhang espasol ang mukha sa kapal ng foundation na sa tingin ko ay may potensiyal na maging clown.


G*go rin talaga ang isang 'to, nakuha pang mababae ngayon, buti sana kung maayos naman 'yong mukha ng nilalandi niya. Kung tutuosin nga mas maganda pa yong alagang tuta dati ni Rix.


"Can I have you after this, babe?" Malanding tanong ng babaeng clown sa kaniya habang haplos niya ang mukha ni Creid. Nakakasuka. Bilib na talaga ako sa kaniya, kahit na sino pinapatulan. Sinong gwapo ang hindi masusuka sa ganiyang hitsura? Si Creid lang yata talaga. 


"Not tonight, baby. I have to run some errand." Errand daw? May ibang naka-schedule sabihin niya.


"Hoy, tama na nga 'yang landi. Magi-isang oras na kayong naghi-hipuan diyan ah, 'di pa ba kayo nagsasawa?" Pagsita ko sa kanila. Kanina pa ako sukang-suka rito. Sinenyasan ko si Creid na oras na at mabuti naman nagsawa rin siya pero bago ang lahat, nakipag-halikan pa siya do'n sa babae na parang nauhawan ng sobra. Kalandiaang 'yan, wala na talagang tatalo sa lalaking 'to. 


"G*go ka talaga, Creid. Sinayang mo 'yong isang oras." Reklamo ko sa kaniya pagkaalis ng babae tiyaka ko nilagok ang alak na natitira sa bote.


"Five minutes. Let me handle this sh*t." Tumayo siya tiyaka naglakad papalayo. Five minutes huh? Napailing ako tiyaka siya sinundan dala ang bote ng alak na kabubukas ko lang. Tingnan natin ang pinagmamayabang niyang kinse minutos.


Nakarating kami sa likurang bahagi ng club kung nasaan ang isang kwarto na mayroong bantay na dalawang naka-sibilyang lalaki sa magkabilang gilid ng pintuan. Wala pang trenta segundo, sabog ang dalawang 'to. Itinungga ko ang dala kong alak tiyaka sumandal sa pader habang pinagmamasdan si Creid na palapit sa kanila.


"Sino ka? Hindi maaring pumasok ang----" 


"Ooops~" Napangiwi ako dahil sa biglaang pagsapak ni Creid sa mukha ng lalaki sunod 'yong isa. Napaka-sadista talaga ng g-gong 'to. Mas maganda sana kung binigyan man lang niya ng konting thrill 'yong entrada niya. Napailing ako at patuloy silang pinanood hanggang sa napansin ko ang hawak ni Creid.


"Hoy, g*go." Mura ko pero bago pa man ako makalapit sa kaniya ay nalaslas na niya ang leeg ng dalawang lalaki at lupasay na sila sa sahig. Hindi ko man lang napansin na seryoso na pala 'tong kasama ko. Pabagsak niyang binuksan ang pintuan na siyang umagaw sa atensyon ng dalawang lalaking nasa loob na parehong nakasuot ng mask na itim.


"T*ng ina! Anong ginagawa mo---" Hindi natapos ang litanya ng isang lalaki na handa na sanang tumayo para sugurin si Creid dahil mabilis kong inihagis ang boteng hawak ko tyaka isinunod ang dagger na dala ko na tumusok sa pader kung saan siya nakasandal. Nagulat siya dahil halos muntik na 'yon tumama sa noo niya.


Tumayo 'yong kasamahan niyang lalaki, "Sino kayo huh?! Sino ang nagsabing may karapatan kayong---"


"Answer me or I'll f*cking shoot your head." Matigas na sabi nitong si Creid tiyaka niya ito tinutukan ng baril. Nag-transform na naman ba ang isang 'to.


"Kalma lang, Creid. Masyado kang atat." Pagpapakalma ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako pinansin. Palibhasa, dinadala na naman niya sa init ng ulo.


"Who's behind your gang?" Tanong niya na akma na sanang aatake ang lalaking pinatamaan ko kanina ng dagger pero natigilan siya dahil sa kaniya ipinutok ni Creid ang baril na tumama sa kaliwang braso niya dahilan ng malakas na pagdaing niya.


"Sagot!" Napabuntong hininga na lang ako. Ang tagal naman matapos ng show na 'to.


"H-hindi ko---"


"Five seconds."


"W-wala akong alam sa sinasabi mo!"


"4"


"T*ng ina, ano bang tinutukoy mo?!"


Ang slow naman ng lalaking 'to. Hindi na lang umamin at ng matapos na ang lahat.


"3"


"Sabing wala---"


"2"


At walang pakundangang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang malakas na putok ng baril na tumama sa noo ng kausap niya. Ayoko ng sumawsaw dahil nagliliyab na ang tensyong bumabalot sa kasama ko. 


Sunod niyang tinutukan ang isa pang lalaking pinadaplisan niya kanina. Wala pang nangyayari pero mahahalatang nanginginig na siya sa takot nang itinaas niya ang magkabilang kamay niya tanda ng pag-suko.


"W-wala akong---" Kahit ako ay sandaling natulala nang iputok ni Creid ang huling bala niya sa mismong noo ng lalaki.


"Ba't mo pinatay?" Nagtatakang tanong ko.


Naglakad siya palapit sa akin tiyaka ako nilampasan. "Useless." Malamig na sagot niya. G*go, nagsayang lang ng oras. Sinundan ko siya palabas ng bar pero hindi parin nawawala ang bagay na nasa isip ko. Kami lang ba nila Rix ang nakapansin sa ikinikilos ni Creid ngayon?


Hindi na 'to normal.


Tungkol sa dalawang lalaking pinatay niya, sila ang mga kasamahan ng lalaking nakalaban ni Friza sa lumang mansiyon ng mga baldwin. Ipinamanman sila ni Creid sa isang kakilala niyang nagta-trabaho rito sa club pagkatapos ng nangyari kina Friza at Dhale. Madalas daw silang tumatambay rito, minsan may mga kasama pa sila na mukhang miyembro ng isang samahan.


Ang ipinagtataka ko lang, anong ginagawa nila sa mansiyon ng mga baldwin?


Anong grupo sila kabilang? Sino ang isa pang lalaki na kasama nila?


Bakit hindi man lang nila pinuruhan sina Friza kahit alam nila na miyembro rin sila ng isang kilalang samahan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top