Chapter 49.3


Serpent's Headquarters, Meeting Room

FRIZA GONZALES 


Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang nagpatawag ng meeting si Jinno. Sa pagkakaalam ko tapos na ang trabaho namin, at 'yon ay ang iligpit ang mga hampas lupang taong kabilang sa pekeng dark list. T*ng ina 999 times wala man lang bang pahinga kahit isang araw lang? 


"Hello babies!!" Masiglang bati ng malanding si Novaleigh pagkapasok niya ng meeting room. Sumunod namang dumating sina Fritz, Gingerly, Bryan at Althea. Teka, himala yata't hindi kasama ni Althea ngayon 'yong tahimik na si Cyan. 


"You're so aga yata, baby Friz?" Tinabihan ako ng malandi. Sa halip na sumagot ay tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. T*ng inang pormahan 'yan. Saang lupalop ng ukayan ba niya nahahagilap 'yang mga ganiyang pang-pokpok na damit?  


"Sana hindi ka nalang nagdamit, gaga. Mukha kang malanding suman na kinulang sa balot." Papuri ko.


"Mismo" Pagsang-ayon naman ng  gagong si Bryan na kalahi ng ampalaya. 


"Huh? Anong mali sa suot ko? Ang cool kaya." Depensa niya at talagang tumayo pa ang malandi para umikot at ipagyabang ang kapokpokan niya. "'Di ba, baby Fritz?" Pumupungay-pungay ang matang tanong niya sa nananahimik na si Fritz na biglang napatingin sa malandi dahil abala siyang kausap si Gingerly. 


"Ano 'yon?" Tanong ni Fritz. Magsasalita pa sana ang malandi nang sa wakas ay dumating na rin sina Jinno, Axcel at....


"Oh ba't nandito ka g*go?" 


"Syempre nandito kang t*ng ina ka." Nakangising sagot ni Nickolas na nagpatayo sa akin para sana sapakin na siya nang magsalita si Jinno. Kailan pa 'to natutong mura-murahan lang ako? 


"Let's wait for the Serpent Commander." Ma-awtoridad na sabi niya kaya naupo nalang ako ulit sa swivel chair. Ang g*gong si Nickolas ay patawa-tawa pang naupo sa tapat ko. P*tang inang 'to. 


Pero kung kasali siya ngayon sa meeting, bakit wala 'yong inosenteng g*go? Magtatanong palang sana ako nang magsalita si Gingerly. "Nasaan si Cyan, Al?" 


"I have texted him already, pero wala pa siyang reply hanggang ngayon. I couldn't find him around, maybe he's currently minding his own business in his condo." Sagot ni Althea. Tama, ang g*gong 'yon ay may sariling mundo. Pero t*ng ina niya, wala ba siyang balak dumalo sa meeting? Kung ingudngod ko kaya sa pagmumukha niya 'yong cellphone niya, tss!


"Hindi kaya magkasama sila ni baby Zion? Zion isn't here too." Komento ng malandi. 


Oo nga pala, 'yon pang isang kalahi ni Jollibee wala rito. Imposibleng magkakasama sina Rix, Zion at Cyan dahil p*tang ina lang, kapag nagsama-sama 'yong tatlong 'yon sino nalang ang maglalakas-loob na magsalita sa kanila? Madalas kanya-kanya ang mundo ng tatlong g*gong 'yon.


"Miss ni'yo na naman ako." Lahat kami ay napatingin sa bumukas na double door nang pumasok do'n ang kalahi ni Jollibee na si Zion. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa tumabi siya kay Axcel. 


Ilang segundo ang pagitan bago dumating ang isa pang g*go na si Cyan na naka-pokus ang tingin sa hawak niyang phone. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya hanggang sa makaupo siya sa tabi ni Althea. Umangat lang ang tingin niya nang bulungan siya ni Al. 


Nagpapalit-palit ang mga tingin ko sa dalawang kararating. At sa'n galing ang dalawang 'to? Nagkasabay pa talagang pumasok? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila kaya naisipan kong sitahin sila pero bago ko pa man 'yon magawa ay nagbukas na ulit ang double door. Isang tao ang pumasok na siyang nagpatayo sa amin para tumungo bilang paggalang. 


"Ackrey" Walang emosyong bigkas niya nang makaupo kaming lahat. Naupo sa center seat si Commander habang nanatiling nakatayo si Jinno sa isang dulo ng pahabang mesa. T*ng ina, bakit kinakabahan ako? Natural lang naman na makaramdam ng takot dahil sa presensiya ni Commander sa kwartong 'to, pero p*tang ina, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko rito. 


"Nakausap ko ang CIT kanina, Commander. Sinubukan nilang hanapin ang lokasyon ni Ms. Lorico mula sa Blakewood Temple papunta sa kung saan. Ang sabi, may inupahan daw ang Royal Knightress na isang apartment para do'n pansamantalang manatili." Mula sa malaking screen, lumitaw ang isang malaking satellite map. May blue dot na umiilaw-ilaw sa isang lokasyon. T*ng ina, anong ginagawa ni Ellisse sa isang apartment? At bakit tungkol sa kaniya ang meeting na 'to?  Anong kalokohan na naman kaya ang naisip gawin ng babaeng 'yon?


"Mula sa apartment na tinutuluyan niya, umalis siya papunta sa 'di malamang lugar. Hindi na ma-track ng CIT ang lokasyon ng phone niya dahil...."


"She changed her number...I guess..." Dugtong ni Novaleigh na nakatulala sa malaking screen. Napakunot ako. 


"She doesn't want anyone to get involved with her plan...am I correct, Ms. Dominguez?" Walang emosyon pero t*ng ina, nakakapanindig balahibo ang tingin ni Commander kay Novaleigh. Kung hindi ko pa siniko ang malandi, hindi niya malalamang siya ang kinakausap ni Commander. T*ng inang malanding 'to, lutang. 


"H-huh? W-what is it?" 


"What else did my wife ask you to do for her?" Napaawang ang bibig ko sa tanong ni Commander. T*ng ina? Tama ba 'yong narinig ko? Kailan pa kinasal si Ellisse? Ba't hindi namin alam? Kahit sina Axcel at ang iba ay siguradong nagulat sa narinig. 


"You were the one she asked for a new car. What else did she tell you...What else have you informed her about?" Dagdag pa ni Commander. Parang nasa korte lang kami at si Novaleigh ang suspek sa isang kaso. P*tang ina. 


Parang nawala ang ka-pokpokan at taas ng energy ni Novaleigh dahil natahimik siya sa mga tanong ni Commander. Nakayuko siya na parang hinahanap niya sa baba ang mga tamang salitang dapat niyang sabihin. 


"Leigh, do you know something about where the Royal Knightress could possibly be?" Tanong ni Althea. Nag-angat ng tingin si Leigh at marahang umiling. 


"S-she asked me for a new car, y-yes pero maliban do'n wala na siyang sinabi sa akin. Inutusan niya lang akong ibalik dito sa HQ 'yong kotse ni Commander." Natatarantang sagot niya. Talagang kinonstaba ni Ellisse ang babaeng 'to para gawin ang kung ano man ang plano niya? Kunsabagay, sipsip ang isang 'to sa kaniya kaya madali lang niyang mauutusan ang malanding 'to. 


"Sigurado ka bang wala kang sinabing ano mang detalye kay Ms. Lorico, Novaleigh?" Tanong naman ni Gingerly. Ilang segundo pa ang lumipas nang mapatakip sa bibig ang malandi na parang biglang may naalala. Napatingin siya sa gawi ni Commander. Tumayo siya at tumungo. 


"My apology, Commander! N-nasabi ko sa kaniya 'yong tungkol sa..." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya pero wala siyang ibang magawa kung hindi magsalita "...sa....u-underground route ng syudad." 


Mabilis na nag-tipa ng kung ano-ano si Jinno sa keyaboard at mula sa malaking screen sa harap namin lumabas ang panibagong mapa. Mga tila buhol-buhol na linya na kung hindi ako nagkakamali ay ang underground route na tinutukoy ni Novaleigh. P*tang ina? Si Ellisse dadaan sa rutang 'yan?!


"Wait...Hindi ba, masyado naman yatang delikado kung sa city's underground route daraan si Ms. Lorico?" - Gingerly 


"Besides it was built ages ago. We all know how many landmines were hidden everywhere beneath the routes. She can't keep on taking the underground road anywhere." Dagdag ni Althea. Napapikit ako ng mariin. P*tang ina talaga. 


"Hindi mo ba sinabi ang tungkol sa mga landmines sa kaniya, Leigh?" Kalmadong tanong ni Axcel. 


"N-nakalimutan ko. I thought n-nagtatanong lang siya dahil n-nacurious siya."


"We need an immediate plan, Commander." Seryosong wika ni Jinno nang madako ang tingin niya sa center seat kaya napatingin kami kay Commander na kasalukuyang nakalagay ang phone sa kaniyang tainga. Mukhang si Ellisse ang.....


"F*ck! I can't still f*cking reach her!" Halata na ang labis na inis sa mukha niya. P*tang ina, ano ba kasing plano ni Ellisse?! 


Wala ni isa sa amin ang umiimik at tanging ang pagmasdan lang si Commander ang nagawa namin. Paulit-ulit ang ginawa niyang pagda-dial at panay ang mura niya. Sigurado ako na sinusubukan lang niyang manatiling kalmado kanina pero p*tang ina, sino ang kakalma kung alam mong nasa kapahamakan ang taong mahal mo? 


"Moralez" Napakunot ako nang magsalita si Commander kausap ang nasa kabilang linya. Moralez? 'Yong inosenteng g*go? Nagkatinginan pa kami ni Nickolas na parang pareho ang tumatakbo sa isip namin. 


Nakatingin lang kami kay Commander, nag-aabang sa mga susunod na pangyayari. Siguradong hindi lang ako nakakaramdam ng labis na tensyon ngayon dahil sa inaasta ni Commander. Walang mababakas na emosyon sa mga mata niya pero makikita mo ang pagliliyab ng galit niya sa bawat pagkuyom at pag-igting ng panga niya habang pinakikinggan ang kausap niya sa phone. 


"No. Just f*cking do your f*cking job." 


Ilang segundo pa ang lumipas nang mapakunot siya at ang labis na ikinagulat namin ay ang biglaan niyang pagtayo at malakas na pagsuntok sa mesa. "F*ck!" Pabagsak niyang inilapag sa mesa ang phone. 


"F*cking sh*t!" Nanginginig sa galit ang mga nakakuyom niyang kamay na pabagsak niyang itinukod sa mesa. T*ng ina, anong nangyari? 


"Commander...."


"Sarmiento, Homer, Gonzales and Dominguez. You're off to Frinvalley Island. Take care of Mrs. Zerafina Lorico at all costs. Never leave the premises until any further notice." Ma-awtoridad na utos niya kaya tumayo kaming mga babae. 


"We're on it, Commander."


"Leave it to us, Mr. Hilton."


"We'll take care of it, Commander!" 


"Kami ng bahala, Commander."


Sabay-sabay na sagot naming apat. Mukhang bumalik naman na sa ayos itong malanding si Novaleigh. 


"Acozta, Navarro, Ackrey, Gaverlon, and Madfrel. Prepare the gang. You're on standby with the CIT."


Nakakabilib talaga si Commander. Kahit na may dahilan para mataranta siya ay nagagawa pa niyang maging kalmado at makagawa ng plano. Pero t*ng ina, nasaan na ba si Ellisse? 


"How about Zion and Cyan, Commander?" Tanong ni Jinno. Oo nga, hindi sila nabanggit. Napatingin ako kay Commander na diretso ang tingin kay Zion na biglang napakamot sa batok niya at kung saan-saan tumitingin. Si Cyan naman ay mukhang g*gong nag-aayos ng suot niyang relo. Mga p*tang 'to, sabi na nga ba't may kaiba sa kanila. 


"Mandalaine and David. You f*cking follow me, idiots." 




9:06 PM | Horawoki Prime 

THIRD PERSON 


Isang oras bago mag-impunto alas-nuwebe ay nai-handa na ni Carlos Beaurix ang mga hidden cameras sa loob ng isang suite na tutuluyan ng kaniyang target. It's no other than the clever and gorgeous woman, Angel Lazarte. 


Hindi siya natuluyan ni Creid Marquez noon sa Red Fox Club. Dahil nga sa babae ang kaniyang target ay masyadong nangampante si Creid sa kakayahan ni Lazarte. Pero sa pagkakataong 'to, isang Moralez ang makakatapat niya. 


The question is...who can win the chasing game? 


Alam ni Beaurix kung ano ang mga kaya niyang gawin para mailigpit ang target ng hindi nagbubuhos ng madaming oras o nagsasayang ng lakas pero maliwanag din sa kaniya kung gaano katuso at katalino si Lazarte. Si Creid Marquez nga na isang miyembro ng outer nalusutan niya, posible na ganoon din sa isang Moralez kaya hindi niya dapat ito basta lang minamaliit dahil sa ito ay babae. 


Alam na ni Beaurix ang mga detalye tungkol sa target niya pero limitado lamang ang mga ito. Hindi naman ganoon kahalaga at hindi rin naman ganoon kawalang kwenta dahil mga pangunahing impormasyon lang naman ang mga nakalap niya. Kaya isang tanong ang patuloy na naglalaro sa isipan ni Beaurix habang pinagmamasdan ang kuha ng footage mula sa suite ng kaniyang target: Sino ka ba talaga at anong klaseng tao ka, Angel Lazarte? 


Inaasahan ni Beaurix na darating ng mga bandang alas dyes ang kaniyang target, pero labis na lamang ang pagkunot niya nang makita niyang bumukas ang pinto ng banyo mula sa suite. Napatingin siya sa oras na nakapaskil sa screen ng kaniyang phone. Lampas alas nuwebe pa lamang pero nakarating na pala ng suite ang target niya. Nagtataka man ay napangisi na lamang siya tyaka itinuloy ang panonood sa footage. 


Wala namang kaiba sa mga kilos ni Lazarte. Kalmadong-kalmado si Beaurix habang pinagmamasdan ang galaw ng dalaga. Wala man siyang pakealam kung nakatapis ito ng tuwalya dahil katatapos lang niya sa pagligo. Naglabas si Beaurix ng lollipop mula sa bulsa ng suot niyang itim na hoodie. Binuksan 'yon tyaka isinubo bago dinampot ang baril na nasa tabi ng kaniyang laptop para lagyan ng bala. Habang ginagawa 'yon ay hindi nawala ang tingin niya sa screen. 


Matapos lagyan ng ammos ang magazine ay ikinasa niya ito bago tinanggal ang lollipop sa pagkakasubo. Mas naging pokus pa ang atensyon niya sa footage nang sinimulang tanggalin ng dalaga ang tuwalyang tanging bumabalot sa magandang pangangatawan nito. Pinaningkitan ni Beaurix ang footage. 


Nakatalikod sa camera si Lazarte dahil kaharap niya ang vanity table na nasa tabi ng Queen side bed. Tila walang kaide-ideya ang dalaga na may mga mata ng nakatagong camera ang nakakakita sa kaniyang walang kasaplot-saplot na katawan. Mas pinaningkitan ni Beaurix ang footage nang buksan ni Lazarte ang drawer. Kinuha niya sa loob ang puting tuwalya tyaka 'to ipinampunas sa basang buhok habang kaharap ang salamin at doon pinagmamasdan ang mala-dyosang repleksiyon. 


"Angel Lazarte" Pabulong ni Beaurix na tila napako na ang tingin sa screen. 


Kahit sinong lalaki ay walang dudang pagpapantasyahan ang magandang kurba ng katawan ni Lazarte. Ano mang anggulo walang kapintasan ito, pero hindi ang kagandahan ng dalaga ang pumukaw sa atensyon ni Beaurix. Isinubo niya ang hawak na lollipop at pinagmasdang mabuti ang marka sa likod ng dalaga. 


Mabilis niyang tinipa ang keyboard ng kaniyang laptop. Mula sa information database system kung saan niya tinipa ang isang keyword, wala ni isang detalye ang lumalabas. 


Unknown mark...and this woman with no definite identity. Ang bagay na naglalaro sa kaniyang utak hanggang sa isang ideya ang tila nabuo sa kaniyang isipan. Unknown. 


Pagbalik ng kaniyang atensyon sa footage ay nakasuot na ng kaniyang undies at bra si Lazarte at kasalukuyan na niyang ina-assemble ang isang handgun. Ngayon, ay mas litaw na ang hinaharap niya sa mata ng camera. Muling napako ang tingin ni Beaurix sa screen hindi dahil sa hinahangaan niya o pinagnanasaan ang kaniyang target kung hindi dahil sa ikalawang marka na nakita niya sa bandang puso ng dalaga. Namilog ang kaniyang mga mata...


Imposible. Ang salitang paulit-ulit na bulong ng isip niya, at ang labis na ikinagulat niya ay nang diretsong tumingin si Angel Lazarte sa camera, tila nakikipagsukatan ng tingin kay Beaurix. Makahulugang ngumisi ang dalaga bago itinutok ang baril sa direksyon ng camera. Isang kalabit at nawala ang footage.


Dinampot ng kaniyang kamay ang phone mula sa bulsa ng kaniyang hoodie nang maramdamang nag-vibrate ito. It was call from his so called 'crime buddy'. 


"Pat" Tipid na wika niya. 


[I found something. Check your email. ASAP.] Sagot ni Patricia sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag. 


Kaagad namang binuksan ni Rix ang email niya. Isang unread message ang bumungad sa kaniyang inbox. Binuksan niya 'to at tanging ngisi lamang ang naging reaksiyon niya. Isang tagumpay na ngisi na tila tuwang-tuwa sa nilalaman ng mensaheng natanggap. 


Kaagad niyang dinial ang phone number ni Patricia. Ilang segundo lang ay sinagot din ito. 


"Sinusundan mo parin ba si Ellisse?" Tanong niya. Humingi kasi si Beaurix ng pabor kay Patricia na sundan si Ellisse magmula nang makaalis sa mansyon ang dalaga dahil hindi niya 'to magagawa dahil nga inutusan siya ng Serpent Commander na tapusin si Angel Lazarte. Pero matatapos pa ba niya ang iniwang misyon sa kaniya matapos niyang malaman ang pagkatao ng kaniyang target? 


[From the Blakewood Temple, she was off to an apartment but then left right after. I lost sight of her. Hindi ako sigurado pero tingin ko dumaan siya sa underground route ng syudad kaya bumalik ako sa apartment na tinutuluyan niya para do'n siya abangan. She came back after an hour pero halos mag-iisang oras pagkatapos ay umalis din siya. I tailed her until I found out that she rented another luxury apartment under Dencouve properties. Umalis din siya agad pagkatapos ng ilang minuto kaya naisipan kong pasukin ang tinutuluyan niya. She was investigating on her own.]


Nanatiling tahimik si Beaurix. Hindi na siya magugulat kung paano nakapasok si Patricia nang walang kahirap-hirap. Just one command from the heiress of Dencouve group—Particia Maine Dencouve, it will be granted in a snap. 


[She found out something about the mystery of Mr. X.....I'm not sure about it, but I had this hunch na posibleng si Mr. Jackson Hilton ang nakipagkita sa kaniya kanina....The Royal Knightress is in danger, Rix.]


"Nasaan si Ellisse ngayon?" Kalmadong tanong ni Rix na medyo humigpit ang hawak sa kaniyang phone. 


[She's currently staying in her room. I'm still on the premises, but still, no signs of her coming out of her suite.] 


"Ilang oras ka ng nandiyan?" Tanong ni Rix na tila siguradong may halos oras na ngang nagbabantay si Patricia para abangan ang paglabas ni Ellisse ng kaniyang suite. Tiningnan ni Patricia ang suot na wrist watch bago sumagot. [Almost an hour.] 


Isinara ni Rix ang kaniyang laptop tyaka isinuksok ang baril sa likod. "Pahinga ka muna. Gabi na rin." 


Tila naguguluhan dahil napakunot pa si Patricia sa sinabi ni Rix. [Are you even serious, Rix? Your friend is in----]


"Kaya nga umuwi ka muna. Nakalusot na rin 'yon sa 'yo sigurado. Hayaan mo na muna siya." Kalmadong saad ni Beaurix habang tinatahak ang daan palabas ng Horawoki prime. May kausap man siya sa phone, nanatiling okupado ang isip niya sa madaming bagay. Idagdag mo pa ang isang presensya sa paligid niya na kanina pa niya nahahalata.


[Just call me then if you need a hand.] 'Yon lamang ang sinabi niya kahit na gusto pa sana niyang tumutol. Higit na kilala niya si Beaurix at alam niya ang ginagawa nito. 


Hindi na sumagot pa si Rix. Kaagad niyang ibinaba ang tawag at patuloy na tinahak ang daan patungong malawak na parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Pagkapasok niya ng driver's seat ay inilapag niya muna sa passenger's seat ang dalang laptop. Dinukot niya ang phone na nasa bulsa ng hoodie upang i-dial ang numero ni Lucifer. 


Napangisi pa siya nang kaagad sagutin ang tawag niya. [Moralez]


"Nakatanggap ako ng email kay Patricia. Akalain mong tama lahat ng hinala mo, pero ang problema may nalaman si Ellisse. Pinasundan ko siya kay Patricia mula sa Blakewood Temple.  Ang sabi niya nangupa raw si Ellisse ng apartment pero lumipat din at kasalukuyan siyang nasa luxury apartment na pagmamay-ari ng Dencouve group, pero sigurado akong nalusutan na niya si Patricia. Susundan ko na ba?" 


[No. Just f*cking do your f*cking job.] Madiin at malutong na mura ang sagot ng kaniyang kausap. 


Pa'no ko itutuloy na tapusin 'yong trabaho ko kung hindi ko pwedeng basta lang na todasin ang mistyeryosong babaeng 'yon? Ang sagot na nasa isip ni Rix pero sa halip na 'yon ang sabihin ay itinuloy niya ang pagsasalaysay.


"Sabi mo nga....At nga pala, ang hindi sigurado ay kung totoo nga ang hinala ni Pat na si Mr. Jackson Hilton ang nakausap ni Ell sa isang lugar kanina bago siya bumalik do'n sa naunang apartment na inupahan niya." 


[F*ck!] Malutong na mura ang narinig niya sa kabilang linya bago naputol ang tawag. Tiningnan pa niya ang screen ng phone at kibit balikat na inilagay ito sa dashboard. 


Hindi ko talaga makuha ang ugali ng Lucifer na 'yon. Kanina lang kalmadong-kalamado kahit na nalamang umalis si Ellisse ng mansiyon tapos ngayon naman...tsk! Ibang klase. 


Hinawakan niya ang steering wheel ng sasakyan tyaka walang ganang bumuntong hininga, "Hanggang kailan mo planong maging tangang nakahiga riyan?" 


Mula sa backseat bumangon ang isang lalaki. "Tss. So, you finally found out something surprising, Beaurix." Nakangising panimula niya. 


"Tsismoso" Sagot ni Rix tyaka sinindihan ang makina ng kotse. 


"About this mark?" Lumapit siya sa upuan ng driver's seat para iharap ang cellphone niya kay Beaurix dahilan nang biglaang  pag-apak ni Rix sa preno. Napamura pa ang kasama niya sa likod pero hindi 'yon pinansin ni Rix dahil napako ang mga mata niya sa larawang nasa screen. 


Binawi rin ng binata ang phone bago lumabas ng sasakyan para pumasok sa passenger's seat at do'n maupo. Matapos niyang mailagay sa dashboard ang laptop ay nagsalita siya. "We surely both know what the chest mark stands for." 


Mabilis na naka-recover si Beaurix. Pinaandar niyang muli ang kotse at nanatiling naka-pokus ang atensyon sa daan. "Sabihin mo lang kung type mo Si Angel Lazarte. Ipapaalam kita kay Dhale." Walang emosyon pero siguradong naasar si Creid sa sinabi ng kaniyang kasama.


"F*ck you, Moralez."


"Edi pakyu ka rin, Marquez." 


"Tss"


Ilang segundong katahimikan bago naisipang magsalita ni Beaurix. "Sindihan mo nga 'yang laptop tapos i-email mo si Lucifer. Sabihin mo 'yong tungkol 'don sa kabit mong si Lazarte."


"What the f*ck?" Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Creid. Kung hindi lang siguro nagda-drive si Beaurix ay baka nasakal at dumapo na ang kamao ni Creid sa mukha niya.


"Ge na para may ibang silbi 'yang kamay mong hinaplos si An-----"


"T*ng ina mo!" Pagalit niyang hinablot ang laptop na nasa dashboard at padabog 'tong sinindihan. Napangisi naman si Beaurix. 


"'Wag mo kalilimutang isama 'yong larawan nung marka sa-----"


"I know, motherf*cker." 


"Edi ikaw ng outer ang may silbi." Walang kagana-ganang sagot ni Beaurix. Walang sagot ang narinig kay Creid, marahil abala 'to sa paggawa ng email pero nang sulyapan niya ito at nakangisi na si Creid habang nakatingin sa screen ng laptop.


"T*ng ina ikaw pala 'tong kabit ni Angel Lazarte. Did Patricia know about this?" Nang-aasar na tanong ni Creid habang malawak ang ngising pinapanood ang recorded footage ng suite ni Lazarte. 


"Sana nage-enjoy ka sa ginagawa mo." Walang ganang sagot ni Beaurix kaya napatingin sa kaniya si Creid dala ang mala-demonyong ngisi. "Ipakita mo kaya 'to kay Commander tapos sabihin mo ni-record mo." Natatawang suhestiyon ni Creid pero hindi na siya pinansin ni Beaurix. Ganyan siya, para sa kaniya, kung wala ng kwenta ang kausap, h'wag ng makipag-usap.


"I was wondering what were you up to. Are you still busy with the app you've been working on?" Biglang pag-iba ni Creid sa usapan. Tapos na niya ang email kaya agad niya itong ipinadala sa Serpent Commander. Hindi naman siya pinansin ni Beaurix kaya napatingin siya sa kasama. Parang wala itong naririnig pero agad din namang nagsalita.


"Kumusta kayo ni Dhale? Balita ko, hiwalay na kayo?" Walang buhay na tanong ni Beaurix pero napangisi lang si Creid. Alam niya na pilit iniiba ng kausap ang usapan. 


"How about you? How's being the shadow of the Serpent Commander, Mr. Assassin?"




Maze's basement 


On the other side, there are three men in the living room located beneath the maze. Si Cyan David na tahimik na ino-obserbahan ang kabuuan ng lugar, marahil ito ang unang beses niyang makapunta sa nakatagong underground basement ng HQ. While Zion Mandalaine had the same reaction as the former. Palinga-linga rin ito dala ang bahagyang pagkamangha sa mga mata niya. May ganitong lugar pala dito sa HQ? 'Naol. Ang nasa isip niya bago madako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa sofa at blanko ang tingin sa kanila. Kaagad naman siyang napaayos ng upo. Siniko pa nga niya ang katabi niyang si Cyan at senenyasan itong umayos dahil kanina pa pala sila pinagmamasdan ng sino pa nga ba na sa tingin palang kaya ka ng utusan? It's no one else but the Serpent Royal Commander. 


Tumikhim si Zion, nanatiling tuwid ang pagkakaupo sa sofa. Kaharap pa nila ang bote ng whiskey na nakapatong sa mesang nasa pagitan nilang tatlo. Nanatiling tahimik si Cyan at blanko ang ekspresyon habang si Zion ay gustuhin mang magsalita, nanatili na lamang tahimik nang muling salinan ni Mr. Hilton ng alak ang kaniyang rock glass. Dinampot niya ang phone na katabi ng alak at may kung anong pinindot doon. Ilang segundo pagkatapos ay magkasabay na nakatanggap ng message notification sina Cyan at Zion na halos magkasabay pang naglabas ng kani-kaniyang phone. 


Bumungad sa phone screen ng dalawa ang isang larawan. Nagkatinginan sila pagkatapos bago ibinaling ang tingin kay Mr. Hilton. 


"Twelve hours. I need every precise information about that certain person." Malamig na wika niya na medyo ikinagulat ni Zion pero pinanatiling kalmado bago nagsalita. "Kung lahat ng bagay tungkol sa taong 'to ang kailangan naming malaman sa loob ng labing dalawang oras----"


"Twelve hours is too limited time to find everything about a person especially when someone is living in a mystery which I can say—the same goes to this person..." Napatingin si Zion sa kaniyang katabi. 'Yon din ang punto niya pero medyo nagulat siya dahil sa haba ng sinabi ni Cyan. Bihira lang kasi itong magsalita pero sa mga oras na 'to ay nagawa niyang magsabi ng opinyon at sa harap pa talaga ng Serpent Commander. 


Lorenzo kept his cold gaze on Cyan David, waiting for the latter to go on. "...Yet twelve hours isn't too short as well to find something useful about this certain someone," Cyan added. Nag-angat siya ng blankong tingin kay Mr. Hilton. "You can leave it to us, Commander." 


At halos mapamura ng pabulong si Zion sa huling sinabi ng kaniyang kasama. Kailan pa naging batikan 'tong Cyan na 'to sa pangangalap ng impormasyon? Alam kong magaling siyang mangilatis ng tao pero ang mangalap ng impormasyon? Pwede na rin, pero sa loob ng labing dalawang oras? Sino siya? Si Rix?  Hindi makapaniwalang tanong niya sa loob-loob. Napagtanto naman niyang nakatingin sa kaniya si Mr. Hilton kaya agad niyang binawi ang pagkunot ng noo at tumuwid ulit ng upo. 


"Kami ng bahala sa taong 'to Commander." Sumaludo pa siya. Tumayo si Cyan at bahagyang tumungo. "We'll just send you everything later, Commander." 


Mr. Hilton nodded at Cyan. Walang choice si Zion kung hindi tumayo at bahagya ring tumungo. Paalis na sana sila nang magsalita si Mr. Hilton. "Next time, do not spoil my wife by accompanying her to do something risky without even telling me first. She might be the Royal Knightress, but I'm still your Boss."


























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top