Chapter 49.2
7:04 PM
ELLISSE ZERINA
Halos tatlong oras akong nakatulog dahil sa pagod. Ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko nang magising ako. D*mn it! Napangiwi ako nang subukan kong bumangon dahil ramdam ko ang hapdi sa ibaba ko. What would I expect? We did another three rounds.
Tiningnan ko ang tulog na si Renzo sa tabi ko. Nakadapa pa siya kaya kitang-kita ko ang tattoo niya na sakop halos ang kabuuan ng matikas niyang likod. I want to trace his tatts but I suppressed myself to do so dahil baka magising ko lang siya. Marahan kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa hita ko para makaalis ng kama.
"D*mn" Pabulong akong napamura dahil mas ramdam ko ang hapdi sa baba ko nang makatayo na ako, pero pinilit ko ang sarili kong h'wag indahin 'to. I checked the time on my phone when I reached the walk-in closet. Oh d*mn! Come on, I only have 45 minutes to reach my location.
Mabilisan akong nagbihis. I tiptoed when I went out of the closet to avoid making any noise. Malakas pa naman ang pakiramdam nitong si Renzo. I took a last glance at him. I smiled as I saw the ring on his finger which made me look at mine as well. Lumabas din ako kaagad ng kwarto bago ko pa siya magising. Bago umalis ay kinuha ko ang attaché case na inihanda ko sa atique tyaka tinext si Novaleigh na papunta na ako sa location kung saan ko kukunin ang kotseng inihanda niya. Nilisan ko ang mansiyon dala ang itim na lamborghini aventador ni Renzo.
I decided to meet her in an abandoned garment factory. Malayo palang ay tanaw ko na ang kulay pulang sports car dahil naiilawan 'to ng headlight ko. Kumaway-kaway pa si Novaleigh. Tss.
"Royal Knightress!" He greeted me with a wide and cheerful smile as I got out of Renzo's car pero hindi ko na inabala pang pansinin siya dahil agad kong inilabas ang attache case na dala ko na nasa passenger's seat. Napatingin pa rito si Novaleigh pero bago pa siya may masabi ay inihagis ko na ang susi ng kotse ni Renzo sa kaniya na mabilis niyang nasalo.
"Take the car back to HQ." Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa pulang kotse nang hindi tinatapunan ng tingin si Leigh.
"Royal----"
"I'll be off for days." Hindi ko pinagbigyang makasagot si Leigh hanggang sa makapasok ako sa driver's seat tyaka mabilis na pinaharurot ang kotse palayo. I looked at the rear-view mirror to check on her. Tss, masunurin nga talaga.
Ibinalik ko sa daan ang tingin ko sabay pihit ng gas pedal para paharurutin pa ang kotse.
Filiergo Villa
CARLOS BEAURIX MORALEZ
Kinagat ko ang berdeng mansanas pagbalik na pagbalik ko sa gaming chair na nandito sa kwarto ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa screen ng computer kung saan makikita ang mga footage na kuha ng mga hidden cameras mula sa iba't ibang lokasyon.
Nakapako ang tingin ko sa mansiyon ng taong nagkaro'n ng asawa ng hindi kinakasal. Dinampot ko ang phone na nakapatong sa desktop table para i-dial ang numero ni Lucifer.
Ibinaba ko ang mansanas sa saucer plate para kumuha ng lollipop sa drawer nitong mesang kaharap ko habang hinayaang mag-ring ang phone ko. "Napagod yatang umiscore 'tong si Lucifer." Pagka-usap ko sa sarili ko at sakto namang maisubo ko ang lollipop ay may sumagot na sa kabilang linya. Ini-loudspeaker ko para damang-dama ang mura niya.
[What the f*ck do you need this time motherf*cker?] Pabalang na bungad niya na halatang inis na inis. Sana lang nagkakapera ako sa mura niya.
"Lumabas si Ellisse ng mansiyon." Walang ganang balita ko habang hinahanap ang iba pang lokasyon na pwede niyang puntahan na nilagyan ko ng mga hidden cameras. Ba't walang bakas ng sasakyan niya? Mali ba ako ng hinala kung sa'n siya pwedeng makipagkita kay Novaleigh? Imposible.
"Puntahan ko." Patayo na sana ako nang sumagot si Lucifer.
[Let her do her thing.] Tamad na sagot niya parang inaantok.
Lutang ba 'tong si Lucifer?
"May dala siyang attache case kanina. Baka magsimula 'yon ng gyera." Pangungunsinti ko kay Lucifer para baguhin ang utak niyang lutang. "'Di ko na nga makita mula sa mga lokasyong pwede nilang pagkitaan ni Novaleigh."
[Tss, stupid. Isn't it obvious? She outsmarted you, asshole.]
Napakunot ako. [I thought you knew her well? She's the one who knows you better than you do, Moralez.]
Nakatitig lang ako sa screen, hinahanap kung saan nga ba pwedeng magpunta si Ellisse. Imposibleng malaman niyang minamanmanan ko siya simula nang malaman kong ginamit niya ang email ni Lucifer para utusan si Lovely na mangalap ng detalye tungkol sa mga taong natitira sa listahan at tungkol kay Malriego.
"Hahayaan mo bang mag-isa 'yon? 'Pag may nangyaring----"
At tulad ng lagi niyang ginagawa, pinatayan ako ng tawag nang hindi man lang tinatapos ang sasabihin ko. Tsk, masyadong kalmado ang Lucifer na 'to. Kunsabagay mas gusto niyang kumikilos ng last hour.
Pagkasubo ko ng lollipop ay nakuha ng atensyon ko ang lumitaw na email notification sa laptop katabi ng desktop monitor. Iniwan kong nakasubo ang lollipop sa bibig ko para buksan ang mensaheng natanggap na mula kanino pa ba? Wala namang ibang nagkakalat sa email ko kung hindi 'yong mayabang na nagkaro'n ng asawa ng hindi kinakasal.
Pagbukas ko ay bumungad sa mga mata ko ang isang maikling litanya na nagpangisi sa akin.
Your next target is Angel Lazarte. Horawoki Prime.
Blakewood Temple
ELLISSE ZERINA
If there's one last person who knows this innocently cunning man named, Carlos Beaurix Moralez, aside from his older brother, it's no one else but me.
Days ago when I decided to ignore Renzo's phone calls and messages, I had the hunch that he might have ordered Beaurix to check on me. Si Rix 'yong tipo ng tao na pa-easy-easy lang sa harap ng computer pero hindi mo alam na buong pagkatao mo pala alam na niya, kung anong background mo, lahat ng paborito mo, anong hobbies mo, at kung ano-ano pa. He can unravel the basic details to the smallest ones. And knowing where was I and what the hell was I doing all this time they were in Cuba were like as easy as ABC for him.
I have a digital map kung saan ko makikita ang mga routes na pwede kong daanan papunta sa Blakewood Temple. Ayokong basta lang akong masundan ni Beaurix at Renzo kaya naman ginamit ko ang underground route. Well, I didn't know much about this City's underground-routes that was built by some mafia groups ages ago until Novaleigh have informed me about it. Nasabi ko kasi sa kaniya na hangga't maaari kailangan kong makalabas ng syudad nang walang nakakapansin sa akin. She was too d*mn curious about what I will be doing, but of course I didn't tell her anything, yet she was still more than willing to help me.
Tulad na nga ng sinabi ko, hindi malabong kahit nasa Cuba sina Rix, bantay-sarado niya ang bawat kilos ko. Posibleng nakapag-install na siya ng mga hidden cameras sa iba't ibang bahagi ng syudad na pwede kong daanan. That way, he could easily monitor me when I'm outside the HQ's premises. Hindi ko lang talaga inasahan na mas maaga ang uwi nila.
Although I didn't tell Renzo and Rix about my whole plan, I still considered the possibility that they have already known about where I am going and what I will be doing—and of course, who will I be meeting. Hindi ko na ikagugulat kung may alam sila. As long as they will let me do my business alone, I care less about what more they have known. Ang gusto ko lang din naman ay tahimik na matapos ang gabing 'to.
Limang metro ang layo ng lugar kung saan ko ipinarada ang kotse mula sa mataas at malapad na sliding gate ng Blakewood. Madaming tanim na matataas na puno ang lugar dahil lampas ang mga dahon at sanga sa may kataasang bakod. I don't need to sneak inside the premises dahil public place naman ang Blakewood.
Mukha 'tong malawak na parke sa loob. Ilang metro pa ang lalakarin mo mula sa gate papunta sa gitnang bahagi ng lugar kung saan nakatayo ang kilalang Blakewood Temple. May mangilan-ngilang tao ngayon. Most of them are couples, a group of friends and some are families. Nagsisikuhanan ng mga kaniya-kaniyang selfies at groupie sa mga night lights na iba't ibang disenyo na nakapaligid sa buong lugar.
Halatang alagang-alaga ang lugar na 'to. Talagang pinondohan 'to ng malaking halaga to preserve it as it is today. But sadly, exploring the beauty of these premises is not the purpose of why am I here in the first place.
Hindi ko namamalayang narating ang temple. May dalawang lalaking bantay sa nakasaradong double door. I smiled at them as I reached them. Seryoso sila nakatingin sa akin hanggang sa madako ang tingin nila sa attache case na dala ko nang ibaba ko muna 'to.
I took my VIP pass from the pocket of my leather jacket and handed it to them, keeping a smile on my lips. Nagkatinginan pa sila bago ulit ako tingnan. The man on the left said, "Sorry, Ma'am, but we are not allowing anyone to enter the temple as of now. Only the outside premises are open for public visits tonight. We apologize for the temporary inconvenience."
I smirked in my thought. As expected. Pero sa halip na ngumisi ay ipinakita ko ang pagkapawi ng mga ngiti ko sa kanila nang bawiin ko ang kamay kong nakalahad sa harap nila abot ang VIP pass. I took it back on my leather jacket's pocket, but in a slower motion. "Sayang naman. May gusto pa naman sana akong makita sa loob..." I held the gun with the silencer I was hiding on my body holster as I went on, "...Did you happen to know....Liam Malriego?"
Nagkatinginan silang dalawa bago naisipang hugutin ang mga baril nilang nakasuksok sa likod nila pero bago pa man sila makagawa ng kaga-guhan ay inunahan ko na sila sa pagkalabit ng gatilyo ng baril. I shot them on their forehead which caused their bodies to make a loud thud on the floor. Napangisi ako. I beat Renzo's record.
"I told you, I have no choice but to eliminate anyone who gets in my way."
"Kami na pong bahala rito, Royal Knightress." Sumulpot ang dalawang lalaki sa tabi ko na bihis na bihis katulad ng suot ng mga pinatay kong man in black. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng isa.
"Ingat, Ms. Lorico" The former added saluting at me so I just nodded.
Well I studied this entire place very well. Inaasahan ko na ang dalawang bantay kanina sa labas kaya nakipag-usap ako sa dalawang lalaki sa gang na pwede kong pagkatiwalaan na papalit para bantayan ang entrance door ng temple at para na rin i-dispose ang katawan ng dalawang naunang bantay. I needed those men who can I entrust my plan with. 'Yong madali kong mapapakilos nang wala ng madaming tanong. It's Zion Mandalaine and the silent one, Cyan David.
Walang katao-tao ang ground floor kaya tahimik kong tinahak ang hagdanan pataas, papunta sa kaisa-isang kwarto katabi ng kwarto ng target ko. The room here were build in japanese style. Sliding ang pinto at soundproof ang apat na sulok na pader ng kwarto kaya imposible na marinig ng kahit na sino ang usapang nagaganap sa bawat silid, but what's the use of high-technology nowadays?
Pagkapatong ng attache case sa mesa ay kaagad ko 'tong binuksan para kunin ang isang circular sound receiver device. Idinikit ko 'to sa pader bago ko kinuha ang phone sa bulsa para i-turn off. Hindi ko na pinansin pa ang mga na-receieved kong messages.
"A-are you sure about this, Sir?....I think t-this is too premium for a first task payment?"
That was the first voice from a man I have heard. What business are you talking about this time?
"You made one of the wealthiest businessmen in the world invest in the company. Out of five, well it was still a good job. I don't want to get biased here, Mr. Serano that's why I'm giving you the outcome you deserve."
I bet....the one who's speaking is that man. Why is he talking like a good samaritan? Is this one of the signs na mali ang mga masasamang hinala ko sa kaniya?
"Here...take it."
"Well....I think, I-i have no choice at all..." Kabadong sagot ng kausap niyang si Mr. Serano.
"But of course, we need to end this meeting with a non-disclosure contract. I need to make this as clean as what I have asked to do."
Nagkaro'n na sandaling katahimikan.
According sa data na nakuha ko. Ang ka-meeting niya ngayon ay si Mr. Joferson Serano. He's not a mafia tycoon not even a local business owner, yet he's a genius when it comes to this field. Being the apex of an asset. He's a business strategist kaya alam na alam niya ang pasikot-sikot sa larangan ng pagne-negosyo pero nawi-wirduhan lang ako. He has a wide potential when it comes to building his own company and run it on his own, but he chose to be a shadow of the other mafia tycoons instead. Katulad na lamang nitong mafia tycoon na ka-meeting niya ngayon.
It's obvious that they are talking about this unnamed company na ang nagmamay-ari ay walang iba kung hindi ang kausap ni Mr. Serano, yet the one who will act as a CEO of the company is no one else but Serano. Obviously, to keep the real identity of the original owner.
"Is there anything else you want me to take care of, Sir?"
Mukhang tapos na ang pirmahan nang magtanong si Mr. Serano.
"We'll end with this for now. I'll just give you the other details as soon as I'm done with the other plan. Make sure everything is safe and keep them under your control. You know how much I hate disappointment, Mr. Serano."
Hindi ko maitago ang pag-asa sa loob ko. Sa mga naririnig ko, hindi naman siguro masamang pumag-asa na baka mali talaga ang mga hindi magandang hinala ko. I hope that this night will end with a good news....not until Mr. Serano spoke on the other side of the wall.
"Leave it all to me....Mr. X."
I was hoping this would end smoothly, but guess I was wrong. Totoo nga na the more you hope for something without certainty, the more it gets disappointed in the end. I expected too much that I almost hope for something to happen the way I wanted it to be done. Madalas umaasa tayo sa mga akala na mali naman pala kayo tayo nasasampal ng sobrang disappointment.
"Have you heard enough....Ms. Lorico?"
And that almost turned my soul icy. He knew. Mr. X knew that I am here. D*mn it!
Mabilis kong binalikan ang nakabukas na attche case sa mesa para kumuha ng armas. Ilang segundo lang ay narinig ko na mula sa labas ang mga mabibigat na yabag ng mga paa. His men are here. D*mn! Tinahak ko ang bintana ng kwarto, pero halos mapamura ako sa taas ng babagsakan ko. Sh*t!
Tiningnan ko pabalik ang sliding door kung saan tanaw ang mga anino ng tao. I have no choice then. Bago pa man nila mabuksan ang pinto ay sinimulan ko ng kalabitin ang gatilyo ng baril at walang habas na nagpaputok. Kitang-kita pa ang pag-tumba ng mga katawan nila sa labas. Inihagis ko sa tabi ang dalawang handgun na hawak ko para balikan ang attche case para kumuha ng iba pang armas na magagamit ko. I brought knives, two another handguns and bombs I kept on my body holster bago ako lumabas ng kwarto.
I checked the door on my left kung saan kanina nag-uusap si Serano at si Mr. X but the door has already left opened. Nakalabas na sila kaya mabilis kong tinahak ang daan pababa ng hagdanan. Kung dadaan man sila sa entrance door, alam na ni Cyan at Zion ang gagawin.
Hindi ako tinigalan ng mga armadong lalaki sa pagpapaputok kaya tago rito at labas diyan ang ginawa ko, shooting them here and there.
Malapit na akong makababa ng hagdanan pero natigilan ako nang magsilabasan ang mas maraming armadong lalaki sa baba ng hagdanan, blocking my way. Natanaw ko pa sa isang pasilyo si Mr. X. He halted and looked back. He left a devilish smirk before he paved his way out of the temple. D*mn! He knew my plan. D*mn him!
Tiningnan ko ang mga armadong lalaki sa harap ko. Nagpadalos-dalos na ba ako? Masyado ko bang minaliit ang posibilidad na baka tama naman talaga ang mga hinala ko? Masyado ba akong umasa?
I don't have a time to take the bomb on my holster dahil bago ko pa 'yon magawa, sigurado akong natadtad na ng bala ang buong katawan ko. Napalunok ako nang sabay-sabay nilang itinutok ang mga baril nila sa akin. Ramdam ko ang lamig ng mga kamay ko sa takot. No. This can't be done this way.
Hanggang sa isang tama ang tumumba sa isa sa kanila na sinundan pa ng ilan. Some of them were about to pull the trigger aiming at me, but even those who dared to shoot me haven't given the chance to do so. The sniper shooting went on until no standing man was left. Napalinga-linga ako sa paligid na posibleng pinanggalingan ng sniper, but there's no trace of the shooter until I heard heavy footsteps behind me and so I turned around to face my savior.
A towering figure of a man wearing a dark brown suit plastered a smirk on his lips with a sniping rifle placed on his left shoulder. "Kaya ka napapahamak dahil masyado kang nagsasarili."
Napakunot ako. "Who are you?"
Hindi nawala ang ngisi sa labi niya. Inayos pa niya ang bridge ng suot niyang salamin. "Akala ko ba mahal ka ng Serpent Commander, bakit pinababayaan ka niyang pakalat-kalat dito at nagta-trabaho ng mag-isa?" Nakakunot na tanong niya't nanatiling nakangisi.
Mas lalo akong napakunot. "Who the hell are you?" Naiinis na tanong ko at mas hinigpitan ang hawak sa baril ko. Mukhang napansin naman niya 'yon kaagad kaya binitawan niya at inihagis sa tabi ang sniping rifle. He raised his hands as a sign of surrender. "Calm down, Ms. Lorico. I'm here to rescue the Queen. Have you seen?" Inginuso pa niya ang mga taong pinatay niya na nasa baba ng hagdanan pero hindi ko nagawang lingunin ang mga 'yon.
Humakbang siya pababa kaya mas naging alerto ako. I haven't seen this man before. What if isa siya sa mga pinadala ng unknown group na gustong pumatay sa akin?
Inilahad niya ang kamay niya nang makalapit sa akin. Well, he left two meters gap between us. "I'm Casper Bautista." Pagpapakilala niya. If I'm not mistaken ka-edaran niya siguro si Papa?
"Former member of inner" Bahagya niyang ibinaba ang manggas ng coat niya para ipakita ang tattoo niya sa left wrist. He really has an inner mark. I was about to fire him a question when he preceded me.
"I'm one of the late outer head's friends. Eliazer Lorico, your father....is my closest friend."
Lumuwag ang hawak ko sa baril. He heaved a sigh tyaka muling inayos ang bridge ng salamin niya. "What are you doing here, by the way?" He asked.
"Ako dapat ang magtanong niyan. Why are you here, Mr. Bautista?" Hindi ako maniniwala kapag sinabi niyang random visit lang. Tss.
"Well, your mother sent me. Pinababantayan ka niya sa akin." Diretsa niya na medyo gumulat sa akin. Si mama?
"Where is she?" Desperadang tanong ko dahil baka kung saan-saan na naman siyang pumupunta.
"She doesn't want to tell me. Akala ko nga alam mo, mukhang hindi rin." Sagot niya. So even this man, hindi sinabihan ni mama kung nasaan siya. D*mn, I was too close to death earlier.
"Thank you for saving me by the way, Mr. Bautista. Pakisabi nalang kay mama na----"
Iwinagayway niya ang palad niya sa ere para pigilan ako sa pananalita kaya tumigil ako. Then he talk, "Labag talaga sa loob ko na pagbigyan ang pabor ni Zerafina na bantayan ka. Matagal na akong umalis sa mafia, sadyang mapilit lang talaga ang mama mo at hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya pinagbibigyan kaya wala rin akong magawa kung hindi gawin ito. Mukha namang katulad ka rin niyang matigas ang ulo at hindi papapigil kaya sige, hahayaan kita sa gusto mong gawin basta...." He took something from his pocket. It was a card. He handed it to me. "...tawagan mo lang ako kung may kailangan ka."
Tiningnan ko pa ng ilang segundo ang hawak niyang card bago lumapit sa kaniya para abutin 'to. "Thanks." I don't want to waste more time kaya tumalikod na ako pero nagsalita ulit siya.
"I will let you pave your way from here, but can you do me at least one favor, Ms. Lorico?" His words made me stop and I turned around to face him. Hindi na siya nakangisi. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Inayos niya ang bridge ng salamin niya bago ulit nagsalita, "Please, take care. I have already lost countless colleagues and my only friend. I can't afford to lose my friend's daughter this time."
At that moment, parang naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak. I suddenly missed my father. Bago pa tumulo ang mga namuong luha sa mga mata ko ay ngumiti ako bago tinahak ang daan palabas ng Blakewood.
Wait for me, Mr. X. I'll make sure that you won't get far this time....I'll make sure you will die tonight, Liam Malriego.
I was on my way to the apartment na inupahan ka para do'n muna manatili. I need to find out where the hell is he hiding this time. D*mn it! Hindi matatapos ang gabing 'to hangga't hindi ko nahahawakan sa leeg ang Malriego na 'yon.
Renzo might have reason kung bakit hindi niya agad sinabi sa akin na si Liam Malriego si Mr. X kahit na alam na niya bago pa kami makarating no'n sa isla. Naaalala ko pa ang larawan mula sa Ipad na ipinakita ni Rix sa kaniya. Liam Malriego was the one captured in the photo. He's Mr. X.
But I also do have a reason why can't I do this with Renzo. I need to do this on my own.
I turned on my phone when I reached the apartment. Nagpalit muna ako ng sim card para makaiwas sa mga calls and messages ni Renzo. Again, I need to fix this alone. Binuksan ko ang laptop na dala ko to check some emails. Baka kasi may nare-recieve na naman akong threat, pero maliban do'n sa na-receieve ko sa isla, wala ng sumunod pa. I was about to turn off the device when an email notification popped up. It was adressed from my mother. D*mn!
Anak, nasa'n ka? Hindi kita matawagan. May sasabihin sana ako.
A few seconds passed when I received another one.
I don't know what's running in your mind. Hindi kita ma-contact kaya si Mikael ang tinawagan ko. Sinabihan niya akong umalis ka raw ng mansyon.
Nasaan ka ba? Pati si Mikael hindi mo sinasagot ang tawag.
A few more seconds passed when I received another.
Bumalik ka kaagad sa mansiyon pagkatapos ng kung ano man ang pinagkakaabalahan mo, anak. Nag-aalala ako para sayo. Please, mag-ingat ka.
I have sent someone to guard you. Sinabihan ko na rin si Mikael.
Napapikit ako ng mariin at isinandal ang ulo sa headrest ng couch. I'm sorry, Ma. I'm sorry, Kuya...and I'm sorry, Renzo, but I really need to do this alone.
...
Thirty minutes passed before I could even pin down the asshole Liam's location. He's near Horawoki Prime kaya agad akong naghanda para puntahan siya.
When I was about to start the car's engine, bigla nalang umilaw ang phone ko na nakalagay sa phone holder ng kotse. It was a message notification. How could someone message me kung kabibili ko palang ng sim ko? I took my phone and open the message I got.
Western Factory, 2303, Block Yale
Napakunot ako nang mabasa ang address na nakalagay sa message. Who would ever sent me this message? Isang tao ang pumasok sa isip ko. Dali-dali kong binuksan ang digital map ng phone ko para tingnan ang lokasyon kung saan papunta ang target ko. WTH?!
Western Factory, 2303, Block Yale
Same location. D*mn it! If this is really him....well, you're too clever than I ever thought, Mr. X.
Pinaharurot ko ang kotse hanggang sa marating ko ang destinasyon. Isang abandonadong factory. Walang katao-tao ang daang tinahak ko kanina papunta rito. Medyo may kalayuan din 'to sa syudad.
Hindi ako kaagad lumabas ng kotse. I admit, natatakot ako sa posibleng kapahamakang nag-aabang sa akin sa loob, but I have to do this. I need to f*cking do this and make things done.
Kung ano man ang nag-aabang sa akin sa loob, buong puso kong haharapin 'to dahil alam ko naman sa umpisa na ito ang kailangan kong gawin. This is my choice and I have to stand with this path.
May takot man ay buong tapang kong tinahak ang mabatong daan papasok ng abandonadong factory. Dilim ang bumungad sa akin pero halos atakihin ako sa gulat nang biglang nagsibukasan ang mga dim na flourescent lamp kaya kahit papaano ay nagbigay liwanag sa lawak ng factory.
Mga basag-basag na bintana at mga sapot ang nasa paligid. Makapal na rin ang alikabok sa sahig, ang ibang parte ay basag-basag na at tinutubuan pa ng mga ligaw na damo. Nakahanda ang baril na hawak ko sa ano mang sorpresa ng taong posibleng manakit sa akin. Hindi maipirmi sa iisang direksyon ang tingin ko dahil sa pagiging alerto ko. Hindi ako papupuntahin dito para lang patayin ako. Whoever made me come here, or kung si Mr. X man mismo, sigurado ako na may iba pa siyang pakay.
Napatigil ako nang makarinig ako ng yabag.
"Isn't too early for you to attack your opponent, young lady?" A man's voice echoed over the place. Kung hindi ako nagkakamali, sa laki at nakakapanindig balahibong boses niya ay medyo may katandaan na siya. Maybe in his 50s?
Nakarinig ako ulit ng yabag kaya mas naging alerto ako sa paligid. "Who are you? Anong kailangan mo sa akin?"
"Do I need something from you? Aren't you the one who needs to meet someone in this place?"
"Stop fooling around! I know you were the one who texted me...Show yourself now....Mr. X." Walang alinlangang wika ko pilit na nilalakasan ang loob ko pero wala akong narinig na kahit na ano hanggang sa unti-unti kong maaninag sa dilim ilang metro ang layo sa kinatatayuan ko ang isang pigura ng tao.
Humigpit ang hawak ko sa baril nang makitang palapit siya sa maliwanag na bahagi ng lugar. Hindi ko alam kung bakit sobra-sobra ang kaba ko. Maliban sa takot, alam ko sa sarili ko na isa 'to sa mga sagot sa katanungan ko.
"Of course, I was the one who texted you...Because I need something from you, Ms. Lorico." Tuluyan nang nailawan ang kabuuan niya. Kahit dim lang ang ilaw ay sapat na 'to para makita ko ang mukha niya. I was expecting this....but why? Why did it turn out like this? Bakit nagkatotoo ang mga hinala ko?
Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Sa halip na kalabitin ang gatilyo ng baril ay parang nagkusa ang mga kamay kong ibaba 'to. Pakiramdam ko nawala ang pisikal na lakas ko. Inasahan ko na 'to kaya dapat alam ko ang gagawin ko, pero bakit ganito? Bakit parang hindi ko parin matanggap?
"Have you talked to Liam Malriego? He was in Blakewood." He asked but I was lost for words and so he went on. "Of course, you haven't because I commanded him to keep his mouth shut." Walang bahid na pagsisinungaling o ngisi sa labi niya. Seryoso at propesyonal na propesyonal ang tindig niya.
"H-he....is not....t-the X." Halos walang boses na bulong ko. That Liam Malriego isn't the real Mr. X. This man is just using him as a decoy.
"I won't make this long, Ms. Lorico...I have summoned you here just to clear up one last thing." Nagpatuloy siya sa paglapit sa akin pero hindi ko nagawang gumalaw ni isang hakbang. Ngayon ay mas malapit ko ng nakikita ang mukha niya.
"You can never mark yourself a Hilton. Only deathless people do so you better....stay away from my son, Ms. Royal Knightress." He walked passed my shoulder and deadly whispered, "Or I will be obliged to kill you myself...You better know how firm a Hilton is to his words, young lady."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top