Chapter 48.2


9:47 PM | Sorevell Apartment Building 

THIRD PERSON 


Matapos ma-tipa ang four code security ng pinto ng apartment at makapasok, padabog na inihagis ni Creid ang susi ng kotse sa couch na nasa living room. 


"F*ck that woman!" Malutong na mura niya habang dire-diretsong tinungo ang kusina kung nasaan ang refrigerator. Pati ang pag-bukas at sara ng pinto ng ref matapos makuha ang bottled water ay tila nagdadabog ito. 


Tinungo niya ang kaniyang kwarto at dahil siya lang naman ang nasa apartment, iniwan niyang nakabukas ang pinto. Hinubad niya ang suot na gray na shirt kaya kita ng apat na sulok ng kwarto kung gaano kaganda ang hulma ng eight pack abs nito. Sunod na hinubad niya ang suot na sinturon, inihagis sa kama pagkatapos ay tuluyan na rin niyang tinanggal ang suot na pants. Ngayon ay naka-boxer na lamang siya. 


Plano na sana niyang maligo dahil hindi lang katawan niya ang tila naiinitan dahil pati ulo niya ay mainit na dahil sa nangyari kanina sa Midnight Blue Bar. It was about this certain woman, Angel Lazarte. 


Nahagip ng tingin niya ang cork board na nakasabit sa pader malapit sa study table. Nilapitan niya 'to at tila may malalim na iniisip habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang mga pangalan at larawan ng mga taong kabilang sa pekeng darklist na ilang linggo na ring nailigpit ng Serpent gang. 


Nalipat ang tingin niya sa mga larawang nasa isa pang cork board na katabi ng nauna. Nakadikit rito ang mga piraso ng papel at nakasulat na pangalan ng dalawamput dalawang miyembro ng tunay na darklist. Sa lahat ng pangalan at larawan, sa iisang tao lang napako ang kaniyang tingin. 


"Angel Lazarte" Bulong niya nang nakahalukipkip habang bahagya namang nakataas ang kanang braso at marahang hinihimas ng daliri niya ang kaniyang labi. 


I've never been got failed in any operation assigned to me. Kahit gaano kahirap at ka-delikado, hindi pa ako nalulusutan ni minsan ng target ko. Never in my f*cking life, and out of 42 killing cases, this mysterious woman failed me. Bulong nito sa isip. 


Tinalikuran niya ang cork board at tinungo ang kama para kunin ang phone niya sa bulsa ng pants. Kaagad niyang i-dinial ang phone number ng Chief. Naka-ilang ring muna ito bago nasagot. 


"Angel Lazarte managed to escape, Chief. She's......."


[Let her be. It was an order from Ms. Lorico.] Kalmadong sagot ni Tyler. [We're not allowed to commence the elimination hangga't walang sinasabi ang Royal Knightress. For now, join the gang to deal with minor operations. I'll be the one to inform Renzo about Ms. Lazarte.] Matapos 'yon ay naputol na ang linya. 


"What about the minor operations? What are you planning, Ellisse?" Bulong niya sa sarili tyaka sinulyapan ang cork board. Bigla na lamang niyang naikuyom ang kamay nang maalala na naman ang target niyang si Lazarte. 


Ihahagis na dapat niya sa kama ang phone nang sakto namang umilaw 'to. Dahil ayaw niyang makausap ang nasa kabilang linya, hinayaan niyang mag-ring muna 'to ng mag-ring. 


Nilapitan niya ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa study table. Kumuha siya rito ng isa, sinindihan tyaka hinithit bago sinagot ang tawag. 


"What do you f*cking need this time?" 


['Wag mo 'kong minumurahan, Marquez, mas maganda ang katawan ko sa 'yo.] 


Mas lalo pang nainis si Creid dahil sa walang kwentang sagot ni Jinno sa kaniya. "T*ng Ina mo."


[Init ng ulo, tss. Itatanong ko lang kung na sa 'yo pa ba 'yong file folder na pinakuha ko sa kotse. Hinahanap na 'yon ni Dhale kay Daniella.] 


Natigilan siya sa paghithit. Parang bigla nalang nawalan ng ganang manigarilyo nang marinig ang pangalan ni Dhale. Inilagay niya sa ashtray ang sigarilyo tyaka sinulyapan ulit ang cork board. 


"Ako ng magbibigay sa kaniya." Sagot niya at kaagad na pinutol ang linya. 


Malalim ang iniisip niya pero mas kalmado na ngayon ang itsura niya habang pinagmamasdan ang homescreen wallpaper ng phone niya. Ilang sandali lang ay bumungad sa screen ang isang text message galing sa unknown number. 


You impressed me...a lot, Mr. Marquez though I kinda managed to out-strengthened you. 


"F*ck this woman!" Malutong na mura niya at hindi pa man humuhupa ang nagliyab na galit niya ay may sumunod na naman na text galing sa iisang sender. 


By the way, thanks for tonight... 


Mariing napapikit si Creid dahil sa inis tila nagre-replay sa utak niya ang mga nangyari kanina. Ilang sandali lang ay may panibago na naman message. Pero sa pagkakataong 'to ay hindi mabilang kung ilang beses na napamura si Creid matapos makita ang mga sunod-sunod na larawang ipinadala sa kaniya ng sender. 


You will surely be a GREAT SHOOTER, Mister. 


Ang makahulugang caption nang isa sa mga larawan kung saan nakaupo si Angel Lazarte sa hita ni Creid paharap sa kaniya.


"F*ck it! F*ck this!" Hindi magkamayaw sa pagmumura si Creid at halos mapasabunot sa buhok. 


My wounds hurt a little, but it's fine now...and I guess, I should reciprocate the act. 


Hindi na nakapagtiis si Creid. Bwiset na bwiset niyang i-dinial ang numero ng sender na walang tigil sa pagpapadala sa kaniya ng mga text messages. Kaagad din naman itong sinagot. 


"What the f*ck do you want you f*cking whore?!" 


[That's a little bit more painful than the stab you gave me, Mr. Marquez.] Pormal na sagot ni Angel Lazarte pero sa katunayan ay nakangisi pa ito sa kabilang linya hawak ang saksak nito sa tagiliran na ngayon ay nakabenda na. [I only want one thing...I told you...I should reciprocate the act. I'm a generous person you know.] 


"This is the biggest mistake you ever did. Kung ako sa 'yo magsisimula na akong magtawag ng santong kaya akong itago. Or you should better start digging up your own f*cking grave...I'll find you...I f*cking will." Agad niyang tinapos ang tawag pero ilang segundo rin ay nakatanggap ulit siya ng mensahe.


I'll be waiting...

By the way, I was thinking...if how do you want me to reciprocate your act of hurting an Angel? 

Ah! Nevermind...I think, I already know how will I repay you. 

See you very soon....Mr. Marquez! 


Walang ibang magawa si Creid kung hindi ang sabunutan ang sarili niya habang pinagmamasdan ang mga larawang ipinadala kanina ni Angel Lazarte. "F*ck myself!" 


Napasadahan niya ng tingin ang file folder na nakapatong sa bed side table dahilan na mas lalo pang mapuno siya ng inis, takot, at guilt kasabay ng walang katapusang mura na lumalabas sa bibig niya. 


"F*ck, Creid Marquez! What the f*ck did you just do?!" 




Serpent HQ | Maze's Basement 

ELLISSE ZERINA 


Halos may ilang oras din akong nangalap ng info using Renzo's laptop. May gamit kasi siyang database information dito sa device niya kung saan pwedeng mangalap ng info basta may picture ang taong gusto mong hanapan ng personal background. Result? I ended up finding the same info about these certain four people left on the darklist plus the other one.


Kinuha ko ang maliit na papel kung saan nakasulat ang mga pangalan nila.


Hunter Avierlo

Neithan Darwins

Clare David 

Angel Lazarte



And the other one, Liam Malriego


I've already emailed Lovely to find out everything about these people, pero wala pa siyang huling response after she granted my request. Well, she thought it was Renzo (since I used his email add) who asked her to gather details kaya hindi na ako magtataka kung bakit mabilis niyang tinanggap ang request ko. According to Leonyxia, basta si Renzo ang magu-utos ng kahit na ano, agad-agad na susunod si Lovely. Gano'n niya ka-gusto si Renzo, tss. 


Kaya apat lang sa darklist ang pinahanapan ko ng detalye kay Lovely 'yon ay dahil duda ako sa mga nakalap na infos ni Alfrigal. At first, I was convinced, pero si Tyler mismo ang nagbigay ng hunch na baka hindi accurate ang nalaman ng matandang 'yon tapos dumagdag pa 'yong mga sinabi ni Clare David kanina kaya pagdating ko kanina dito sa basement, ni-review ko ulit ang mga background files ng lahat ng miyembro ng darklist mula sa drive. 


Hindi ko masabi, pero duda ako sa pagkakakilanlan nina Hunter Avierlo, Neithan Darwins at lalo na 'tong si Clare David na masyadong madaming alam. And about Liam Malriego, well, he's not a darklist member, isinama ko lang sa mga pinaimbistigahan ko kay Lovely dahil kailangan ko ng impormasyon tungkol sa kaniya. Hindi makikipagkita si Renzo sa kaniya dahil lang sa wala. There's something big about this Malriego. I can feel it. Wala akong proweba tungkol sa pagkatao niya pero may nabuo ng idea kanina sa isip ko. 


Sa sampung natitirang miyembro na dapat ay iliigpit namin ngayon, apat nalang ang natira sa kanila. Half-accomplished.


Si Angel Lazarte na nakatakas kay Creid which was unexpected according to what Tyler said to me earlier when he informed me na tapos na ang gang sa task na naibigay sa kanila. Creid is a tough guy to escape from kaya hindi na rin ako magtataka na sa kaniya ibinigay ni Renzo ang misyon sa Germany para iligpit si Crowseigh, at nakapagtataka nga naman na ngayon pumalya siya at sa isang babae pa talaga. 


Friza and Axcel too. Sila ang naka-assign na tatapos kay Hunter Avierlo pero ni anino ng target nila ay walang bakas sa lokasyon kung sa'n nila ililigpit 'to. Si Nick at Jinno naman wala ring dumating na Neithan Darwins sa lugar kung sa'n nila 'to tatapusin.


These two men. Nakapagtataka sila dahil parang alam nilang may nag-aabang na kamatayan sa kanila ngayong araw. Ni hindi man lang nila sinipot ang mga meeting na dapat pupuntahan nila. Hunter were suppose to meet a billionaire black market client pero hindi niya sinipot although ayon kay Friza at Axcel na nakakita, pumunta raw ang kliyente sa lugar na napag-usapan nila ni Hunter Avierlo. Si Neithan Darwins naman ay hindi itinuloy ang proposal business niya sa isang mafia tycoon na kabilang din sa Korbin. 


They let them lose their big opportunity from these two big-time clients for their own d*mn sake. Pwedeng wala silang pakealam kasi baka wala namang gaanong magiging epekto 'to sa background o kayamanan nila. Pwede ring sadyang mga duwag lang sila dahil alam nilang may papatay sa kanila...And I'm also considering the possibility na baka ayaw lang nilang i-expose ang mga pagmumukha nila. 


I remember what Clare David told me earlier. Posible ba talagang nasa HQ ang traydor sa amin? D*mn it! 


Napatingin ako sa wall clock. Malapit na palang mag-twelve. Kaagad kong chineck ang phone ko. 


WTH! 23 missed calls and 13 messages at galing lahat kay Renzo! 


Hon

WIFE! 

F*ck! Why aren't you texting me back?! 

D*mn it, Ellisse Zerina! Answer your f*cking phone!

So you met Clare David huh?

Where the hell are you?

F*cking sh*t, Zerina! Don't you dare make a move without my f*cking permission!


And so on. Nakalimutan ko na siyang replayan kanina dahil sa dami ng iniisip ko. I was actually about to call him dahil paniguradong kanina pa 'to sagad na sagad sa paga-alburoto nang biglang umilaw ang phone ko. It was Dhale kaya agad kong sinagot. 


[Sorry, Ell. Did I wake you up?] Tanong niya. Iba rin talaga mag-trabaho si Dhale. Laging OT, tss. 


"No. It's okay. Have you found something?" I asked her. 


Well, it's about the unknown threat I received two weeks ago noong pabalik na kami sa Bluevale villa mula sa isla. I had never mentioned anything to Renzo dahil sigurado na dadagdag pa 'yon sa iisipin niya. I know him, he won't let it slide lalo na't direktang para sa akin 'yong threat. I don't want to bother Kuya as well. For sure, he's busy dealing with the unknown group who wants me dead. Speaking of...well, d*mn this mysterious asshole running their so called unknown group. Tss! 


[I've almost reached the root of CIT's database system, but it was repeatedly leading me to a dead end. I also tried to communicate with Nick to track the threat's sender, but we've always ended up finding inaccurate locations. Maybe the sender is also aware that we might try to track him/her so he/she might have already done something about his/her device's IP address or whatever to block any hacker.]


Sumagi bigla sa isip ko ang threat na 'yon. 


You look the happiest with the Serpent Commander. What a temporary happiness you have over there, Ms. Lorico. I wonder how could the son of a Hilton gets ruthlessly mad if you die at the hands of his enemies.

I have plenty of targets in hand, but shall I start with your death? 

- A 


Who is this sudden unknown person entering this endless game? Is he/she part of the unknown group?


[Ell? You still there?] 


Nagbalik malay ako nang magsalita si Dhale. "Sorry. I think bukas nalang tayo mag-usap about sa threat. And please, tell Nick to keep it a secret for now. Ayokong may iba pang makaalam tungkol dito."


[Don't worry, I told him already...and what do you mean? Is Mr. Hilton not yet aware of your death threat?]


I sighed, "Mas mabuti ng wala muna siyang alam. I can deal with this alone, tyaka ko na sasabihin kapag may nakuha na akong tamang detalye tungkol sa sender." 


[Alright then. Tell me if you need anything I could help you with, okay? And please, take care. I know you, Ell. If you're planning something without telling to Mr. Hilton, please don't ever try.]


Wala na rin naman akong magagawa kung concerned sa akin ang kaibigan ko. "Don't worry. I'll be fine. Sige na, matutulog na ako. Thanks for your help." Sagot ko nalang.


[Always welcome. Good night.]


Matapos maputol ang tawag ay napabuntong hininga nalang ako tyaka ibinagsak ang katawan sa kama. Hindi ko na yata alam kung anong uunahin ko. The problem is here and there. D*mn it! Kailan ba 'to matatapos?! Malapit ng sumuko 'yong utak ko sa kakaisip. 


May unknown group na gustong pumatay sa akin. Kailangan naming malaman kung sino 'tong hampas lupang walang puso na si X. Isama mo pa ang mga tao niya sa darklist na hindi pa namin matukoy kong sino talaga. Tapos ito pang threat na na-received ko two weeks ago. D*mn it! 


Hindi ko nga alam kung paano pa ako nagawang dalawin ng antok sa dami ng iniisip ko. Siguro dahil na rin sa pagod. Nakahiga na ako sa kama and my eyes was half-closed when I saw my phone beside me suddenly lit up. Kahit naaantok na ay sinubukan ko paring sagutin 'yon nang hindi na tinitingnan kung sino 'to. 


[Why the f*ck are you not answering your d*mn phone, Zerina?! Your line was f*cking busy. Who were you catching up with?]


I smiled when I heard his familiar tone. Did he come back already? Hinintay ko pang gumalaw ang kama sa tabi ko pero wala. Tss. 


[F*ck! Say something.]


"I hate you" 


[What? You f*cking hate me when you was the one pissing me----]


"Renzo...." 


[What's with the voice?] Nananaginip yata ako dahil biglang umamo ang boses niya. D*mn! I miss him already. Pati sa panaginip dinadalaw ako. 


[Zerina, where the hell are you? What's with your voice? D*mn! At least, say something.]


"I....I...love...you...."


Parang nawala bigla si Renzo sa panaginp ko. Ayaw ba niyang sinasabihan ko siya ng I love you sa panaginip? Tss, ang arte. 


[Are you drunk? Where are you exactly?] 


"Hindi ka na galit?" 


Pati sa panaginip moody ang lalaking 'yon, tss! 




THIRD PERSON 


[Why should I get mad? Are you sick? Did you have your dinner? It's almost past midnight now for shitty sake, Zerina. Why you still up?] Sunod-sunod na tanong ni Renzo nang may bahid ng inis pero hindi mawala ang pag-aalala sa boses nito. 


"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong mabaril kita."


[What the....] 


"Come on, hon....I'm sleepy...." Pag-iiba ng tono ni Zerina mula sa nagbabanta hanggang sa pagiging antok na tila nayayamot pa.


[The f*ck? Are you sleep talking?] May gulat na tanong ni Renzo pero hindi maiwasang mapangiti. It was the first time he has a conversation with his wife while the latter is subcontiously talking.


"You're mad..." 


Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Renzo dahil sa mahina at maamong boses ng asawa. [I'm not, hon and I will not be unless you're defying me again.] Sinubukan niya na baka magsasalita si Zerina kung may plinaplano itong lingid sa kaalaman niya. 


"I miss you...." Isang sagot na nagpatigil kay Renzo. He couldn't help but curse dahil gustong-gusto na rin niyang makita at yakapin si Zerina. He wants to kiss and cuddle his wife for freaking sake, at aminado siya sa sarili niyang pagdating sa natatanging Ellisse Zerina Lorico, tinag na tinag ang puso niya. 


[I'll be back soon...I miss you too, hon. I love you.] 


Sa 'di matansiyang kadahilanan hindi magawang putulin ni Renzo ang tawag kahit wala ng sumasagot sa kaniya sa kabilang linya, malamang ay dahil tulog na ang kaniyang asawa. Napapikit siya ng mariin. He badly want to go back, but he knows that he must get things done first. Hindi masukat kung gaano siya naiinis ngayon. Naiinis siya dahil kailangan niyang unahin ang trabaho bago ang asawa niya na siguradong kapag nalaman nitong hindi niya tinapos ang business meeting, mabu-buwiset lang din 'to sa kaniya. He knows her Queen well and he misses her so much. Badly.


"May gumamit ng email mo." Walang pasabing pumasok si Rix sa kwarto dala ang laptop na kanina pa niya hawak. Hindi na pinansin ni Renzo ang hindi nito pagkatok. Tiningnan niya ulit ang phone na nasa linya parin bago itinungga ang basong may lamang alak.


"Inutusan mo si Lovely Valezma na imbestigahan si Hunter Avierlo, Neithan Darwins, Clare David.....at.....Liam Malriego." Sa huling pangalang binanggit ni Rix matapos basahin ang tawag, nakuha niya ang atensyon ni Renzo. 


"'Di ikaw 'to. Si Ellisse ba?" Wika ni Rix habang nakatingin parin sa blankong ekspresyon ng Serpent Commander. Wala siyang nakuhang sagot, tiningnan ulit ni Renzo ang phone at napangisi bago nilagok ang natitirang alak sa baso niya, "I see...My wife just found out the foul information about Avierlo and Darwins  which has been retrieved from the drive." 


Napakunot si Rix na hindi naman nito madalas gawin. Hindi lang niya inasahan ang lumabas sa bibig ni Renzo. "Kailan pa kayo kinasal ni Ell? Buti pumayag 'yon."


Dahil sa sinabi ay nakatanggap siya ng matalim na tingin kaya mabilis niyang inagapan 'to. "Sabihin mo nalang sa kaniya 'yong tungkol kay Liam Malriego tutal alam mo naman. Pahihirapan mo na naman kasi."


Sinalinan ulit ni Renzo ng alak ang baso niya, "She will find it out in no time." Kompiyansang wika niya bago itinagay ang baso. 


"Tapos iba 'yong mahanap no." Nakatingin si Rix sa laptop niya pero siguradong ramdam niya ang matalim na tingin sa kaniya ni Renzo kaya mabilis siyang nakaisip ng panibagong usapan.


Walang ekspresyon niyang kinagat ang green apple na dala bago nagsalita, "Sigurado ka bang si Malriego ang ka-meeting mo?" Tanong niya nang hindi tinitingnan ang kausap.


"He was not the reason why I'm here in the first place, Beaurix."


Napatingin si Renzo sa phone nang mapansing may tumatawag sa kaniya. Napilitan tuloy siyang putulin na ang linya mula kay Zerina. Ilang segundo matapos ay natanggap niya ang tawag ni Tyler na agad niyang sinagot at inilagay sa loud speaker mode.


[There are still four left on the list. Angel Lazarte, Clare David, Hunter Avierlo, and Neithan Darwins. What do you want to do with them, Renzo?] Kaswal lang na tanong niya. 


"What did my wife commanded you to do?" Tanong niya tyaka itinungga ulit ang baso ng alak.


[Sorry?] Mukhang hindi na-gets ni Tyler ang tanong dahilan nang matawa ng mahina si Rix na nasa tabi kaharap parin ang laptop. Masama ang tingin ni Renzo sa kaniya bago sinagot ang kausap.


"What did the Knightress tell you to do?" 


[Oh, your wife...the knightress...] Medyo hindi makapaniwala si Tyler, pero namumuo na ang ngisi sa labi niya. 


"Got a f*cking problem with that?"


[Nothing.....Anyway, she told us to get back to dealing with minor operations in the meantime. I think she has something on her mind about the four remaining people on the list. Do you want me to do something about it?]


"Just follow her command."


[Pero baka mapa------]


"She's my wife, Tyler. Watch before you underestimate her." Tyaka pinutol ang tawag. 


Napasipol naman si Rix kaya napatingin sa kaniya si Renzo. "What the f*ck is your problem, asshole?"


"Ala naman." Tumayo siya at paalis na, medyo binilisan ang lakad, "Curious lang kung pa'no magkaro'n ng asawa ng hindi kinakasal."


"F*ck you, whole f*cking soul, Moralez!"




Korbin's main base


Mula sa mahabang hapagkainan ng mala-palasyong mansion, kumakain ang dalawang mafia tycoon na halos magka-edad lamang. Tanging ang tunog lamang ng kubyertos ang maririnig. Medyo may kadiliman ang kabuuan ng bahay dahil hindi ipinasisindi ng may ari ang mga chandeliers kung hindi ang mga ipinasadyang lampshade lamang na sapat na para mailawan ang mga daanan at gano'n din syempre ang mismong hapagkaininan. 


Madami ang mga kasambahay at tauhan sa mansyon, pero wala ni isa ang pakalat-kalat ngayong gabi. Mahigpit kasing bilin 'yon ng may ari lalo na kung may bisita itong bigating tao. Hindi niya gusto ng mga mata at taingang nakamasid sa paligid niya at higit sa lahat ang pinaka-ayaw niya ay ang mga taong istorbo.


"Mr------" 


Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril, wala pa mang nabubuong salita ang lalaking humahangos na pumasok sa engrandeng kusina, mabilis pa sa segundong humandusay sa malamig na sahig ang katawan niya dala ng natamong bala sa kaniyang noo. 


"How come? You're still that man I used to know." Walang emosyong komento ng lalaking nasa dulo ng mesa habang marahang hinihiwa ang steak. Wala man lang pakealam sa lalaking kapapatay lamang malapit sa pwesto niya.


Napangisi ang may ari ng bahay na nasa kabilang dulo ng hapag. Kinuha niya ang kopita ng alak matapos ibaba ang baril na ginamit sa kaniyang tauhan. "I told you, a hands of a murderer won't rust. You know, it runs in my blood." 


'Yon lang naman ang batas sa pamamahay na 'to. H'wag kang pakalat-kalat na waring nagmamasid at nagmamatyag. H'wag kang istorbo kung mahal mo pa ang buhay mo pero kung tuso ka, asahan mong hindi ka na masisikatan pa ng araw. Ruthless you may say, but that's how life works here in this house. You defy the rule once, you're dead. You made a tiny mistake, no apology, but it's your end. Well, that's how things work for this devil who owns the entire property. A devil that fits the word perfections. 


"How's being my shadow, Dave?" Tanong ng may bahay, hawak parin nito ang kopita ng alak. Naka-dikwatro pa at marahang nilalaro ng paikot ang inumin. "Are you enjoying it? I heard, may inutusan kang katiwala mo para magpanggap na ako." 


Walang ekspresyon na mababakas sa mukha ng lalaking nasa kabilang dulo ng hapag. Tumigil ito sa pagkain. Kinuha ang kopita ng alak. "You have ordered me to do what I want, so I do it the way I want things gets done." 


Kung titingnan ay mas pormal ang kilos nito kaysa sa may ari ng bahay na isang mafia tycoon. Well, they're just the same. Mga perfectionist na mafia tycoon. Ang isa ay seryoso at natural na nakakatakot ang tingin at tindig habang ang may ari ng mansion ay palangisi at bakas ang pagiging mapaglaro nito. 


"I don't exactly remember when did I tell you to do what you want. Sa pagkakatanda ko ang sinabi ko ay gawin mo ang gusto mo na alam mong magugustuhan ko. The way I want things gets done, Dave, not your way." Saad niya nang may pagkakahulugan pero nakangisi parin. 


Ilang sandali lang ay bigla na lamang umilaw ang phone nito na katabi ng kaniyang baril. Hawak parin ang kopita, dinampot niya ang kaniyang phone para sagutin ang tawag. 


"Get inside" Malamig at seryoso na ang tinig niya matapos ibaba ang tawag dahilan nang mapatingin sa kaniya si Dave. 


Hindi rin nagtagal ay may isang tauhan ang pumasok sa hapag. Hindi man lamang niya pinansin ang kasamahan niyang nakahandusay sa sahig. Tumungo ito at sinimulang magsalita. 


"Tungkol po sa darklist, Mr. X....." 


Natigil sa pag-simsim sa kopita ang may ari ng bahay. Exactly. He's the one and only, Mr. X. The great manipulator of his marionette in Korbin. Hindi na maganda ang kutob niya sa sunod na maririnig kaya naman itinuloy niya ang pag-lagok sa red wine.


"Walong miyembro na po ang kasalukuyang namatay."


"Pardon?" Tila nabingi sa narinig si Mr. X. 


"Kabilang po sina Mr. Elmundo Watz, Yugori Zhang, Frankeinstein Zuchen, Fredbert Lagman, Ken Niyagami, at Ms. Santanita Lofero. Pero bago po sila pinatay, nauna po si Mr. Dominico Alfrigal na pinatay mismo sa bahay bakasyunan niya at si Sigmund Crowseigh naman ay sa isang auction sa Germany. Serpent po ang nasa likod ng lahat."


Mahigpit ang pagkakahawak ni Mr. X sa kopita na naging dahilan upang mabasag ito sa kamay niya. Dumugo 'yo pero ni hindi man lamang ininda ang sakit. Walang bakas ang makikita sa mukha niya kung hindi ang matinding galit nang madako ang tingin niya kay Dave. 


"You declined my visit requests five times. How could I even inform you about the current state of your beloved wealth sources?" Saad ni Dave tila ramdam ang tingin sa kaniya ni Mr. X. Kahit nakayuko kasi ito habang itinuloy ang pag-hiwa sa steak ay napansin niyang nakatingin sa kaniya ng matalim si Mr. X. 


Dave is the shadow of Mr. X. Masasabi na parang siya ang kanang kamay ng pinuno ng Korbin kaya naman responsibilidad niya ang sabihin lahat ng nagaganap sa loob at labas ng Korbin.


"You should've------" Hindi naituloy ni Mr. X ang dapat na sasabihin nang ibaba ni Dave ang tinidor at steak knife para kunin ang kopita. "I entrusted the whole empire of Korbin to you, Dave." Pagpapatuloy ni Mr. X nang may pagkakahulugan pero hindi natinag si Dave kahit na batid nitong kayang-kaya siyang patayin ngayon din ng kausap.


"I did everything you demanded me to do. Flawlessly, Mr. X. You know that. If it weren't for me, Korbin is nothing. Remember that I am the mind of all the wealth and power you have earned for the past seventeen years. Without me, you would never get this far. You can't restore the power of Dark Soul Organization alone, my old friend." 


Mas mahigpit pa ang pagkakakuyom ng kamao ni Mr. X dahil sa mga salitang nagmula kay Dave. Sobrang higpit na halos bumaon na ang mga bubog ng kopitang nasa palad niya. 


Kalmado at walang bakas ng pagsisisi si Dave sa kaniyang sinabi. Matapos mainom ang red wine ay muli niyang sinalinan ito. "So what's your next plan?" He asked. Kahit papaano ay nagawa na rin kumalma ni Mr. X. Dinampot niya ang table napkin upang punasan ang dugo sa kaniyang palad. 


"Annihilate the King. The unknown King of Serpent." 


Sa unang beses ay nabasag ang pagiging seryoso ni Dave. Napangisi ito. "We both know that the King is still a mystery." 


Diretso ang tingin ni Mr. X kay Dave. Walang bakas ng ngisi sa kaniyang labi. Sa pagkakataong 'yon ay tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. "Of course, Dave, I'm not stupid. In order to kill the King and destroy Serpent, we must annihilate his pillar." Gumuhit ang ngisi sa labi niya. Tila ba hinahamon nito si Dave, but the latter remained as cold as ice. 


"It's time, Dave...It's now your turn to prove your loyalty one last time...Kill Mikael Lorenzo Hilton." 


Inaabangan ni Mr. X ang magiging reaksiyon ng kausap ngunit sa kasawiang palad ay tila mas naging blanko at malamig ang mga tingin nito. Tila itong isang blankong papel na wala ka ni isang mababasa. "Help me keep everything I possess. Wealth and power. You're my shadow, remember?" Dagdag niya. 


"Mr. X....." Mababa at medyo mahina ang pagtawag ng tauhan niya na kanina pa nakatayo sa gilid dahil hindi pa ito hinudyatan kaninang lumayas. 


"Speak" 


Hawak ang kaniyang phone ay nagsalita ito, "Tinangka pong patayin si Ms. Angel Lazarte sa Midnight Blue----"


"What the f*ck?! Even that filthy rich------"


"She managed to escape so there's nothing to worry about. Among the members, Angel is the evilest. She won't let anyone touch her." Putol sa kaniya ni Dave matapos ibaba ang kopita. He stood up tyaka marahang tumungo, "I'll keep in touch with you again, Mr.X. Thanks for the dinner." 


Tumalikod si Dave at naglakad na ito palayo. Tahimik na sumakay sa backseat ng kotse. Agad naman siyang sinulyapan ng driver, walang iba kung hindi ang sekretariya niya mula sa rear view mirror. 


"Let's meet my son."


Sa kabilang banda. Back to the dark mansion having this demonic feels like the owner of course, nasa hapag parin si Mr. X sumisimsim ng whiskey dahil hindi ito nakuntento sa red wine. Tila ba naglalaro sa isip niya kung ano ang iniisip ng taong kaaalis lamang. Yes, it was Dave. Just for the record, they're good friends. Business partners and partners in crime. 


Napangisi siya nang sulyapan nito ang kamay na nabubog kanina dahil sa basag na kopita. "After the Serpent Commander, it must be followed by the death of his mother-in-law...my old beautiful friend, Zerafina Lorico." He whispered like a crazy monster craving for the lust of blood. 


Bago pa niya ulit maitungga ang whiskey ay biglang umilaw ang phone nito. Kinuha niya 'yon sa tabi ng baril. It was a message from an unknown sender. He opened it and a programmed message was written on his screen.


My deepest condolences to your wealth and power. 8 consecutive deaths of darklist members. How does it feel to slowly fall down?


Naikuyom nito ang kamao at sa galit ay ibinato niya ang rock glass na gumawa ng malakas ng ingay. Then seconds, another message popped up. 


Let me guess.

So you just moved your piece of desperation just to kill Mikael Lorenzo Hilton huh? Well, that's a brilliant idea. Looking forward to it. 


Halos manginig na si Mr. X sa nabasa. One thing he has in his mind? The sender knew his plan. His moves. And there's only one person who knows it aside from him. 


"Fredavien" Matigas na wika niya. He's referring to Dave also known as Fredavien.


His attention was taken back to his phone when he received another message, but this time, not just a message, but more likely a deadly threat. 


Let's play.

 Kill Hilton, but once you fail, expect me. I'll bring a scythe to take you.

Have a very good night's sleep, Mr. X.

- F






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top