Chapter 48
Two weeks later....
ELLISSE ZERINA
"Morning" Renzo wrapped his arms around my waist from behind and kissed my cheek habang hinihiwa ko ang avocado. WTH! Umagang-umaga. Ito na naman ba ang pagiging clingy niya.
"Just take your seat. Kitang naghihiwa pa ako rito oh." Siniko ko pa ang matigas na abs niya palayo sa likod ko pero natawa lang siya't hindi nagpatinag. Seriously? "Hands off, Lorenzo." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin tyaka niya isinandal ang baba sa balikat ko kaya napaliyad ang ulo ko. Ramdam ko pa ang pagtaasan ng balahibo ko dahil sa pag-sniff na ginagawa niya sa batok tapos ay bumaba sa leeg ko, "I love you"
WTH! Naging hobby na talaga niya 'yan. Sa halip na makipagtalo pa ako dahil hindi rin naman siya makikinig sa akin ay humugot nalang ako ng malalim na pag-hinga at walang choice kundi ipagpatuloy ang paghihiwa ko.
This is our daily routine for the last two weeks. Babangon ako ng maaga para ipagluto ng breakfast ang lalaking 'to then we always eat together, aalis ng sabay papuntang HQ, uuwi ng magkasama pabalik dito sa mansiyon niya and rest are history.
Well, I've already decided that I won't move in here dahil for sure na malalaman at malalaman ng kapatid ko. Who knows? Baka may inutusan siyang galamay para manmanan ang bawat galaw namin ni Renzo (well, I know my brother better than anyone else), but I still ended up living here with the Serpent Commander.
Ilang beses akong tumanggi, nag-explain, at halos masigawan ko na siya sa inis para lang sabihing hindi ako titira rito, pero sa huli siya parin ang nanalo.
"Alright then. You stay at your dorm in HQ and I'll tell Elijah what WE DID back on the island." Pamba-blackmail ba naman niya and I know he won't hesitate to do what he said so of course there was no choice left with me but to move in here and live with him. Tss!
At hindi lang 'yon, confident na confident pa siya na hindi malalaman ng kapatid ko ang pagtira ko rito sa mansiyon ng mga Hilton hangga't hindi si Renzo ang nagsasabi. The guts of this man.
"Do you have any underground business this morning?" I asked nang matapos ko nang hiwain ang avocado. Buti naman at naisipan na rin niyang kumalas sa pagkakayap sa likod ko para maupo sa high stool katapat ng akin. Umupo na rin ako tyaka nilagyan ng kanin ang plato ni Renzo. Wala akong nakuhang sagot kaya inangat ko ang tingin ko para tingnan siya at ang walang hiya nakangisi na naman sa akin.
"What the hell is wrong with you, Mikael Lorenzo?"
"I said, I love you, hon" Taas-baba ang kilay niya and I know what that means kaya inirapan ko siya.
Well, right after that night we had on the island, napansin ko ang pagiging mas clingy ni Renzo sa akin. Wala yatang oras na hindi niya sinasabi sa akin na mahal niya ako at laging irap ang naabot niya galing sa akin na nginingisian lang niya at parang tuwang-tuwa pa. Tss!
Well, hindi na ako magtataka dahil alam ko kung bakit tuwang-tuwa siya at maaliwalas ang mood niya simula nang umuwi kami galing sa isla. Pati nga si Rix nagtataka. Tss! Tandang-tanda ko pa 'yong huling mga salitang sinabi ko kay Renzo no'ng gabing ginawa namin 'yon. Hindi 'yon dahil sa nadala ako ng pagod o antok kung hindi dahil 'yon talaga ang nararamdaman ko. I won't give him my everything if I don't love him enough.
Since that day, sobrang gaan ng pakiramdam ko. No doubt of any what ifs dahil sigurado ako sa kaniya.
Alam ko naman na ang magiging setup namin once I moved in here. Live in partner, yes. Magkasama kaming natutulog sa iisang kama, but don't make that dirty thoughts yet...wala ng sumunod na nangyari sa aming gano'n after the night we spent on the island. May inaasikaso si Renzo sa HQ at gano'n din ako. Hindi porque magkasama kami sa iisang bubong puro make love na ang inaatupag namin kahit kailan namin gusto.
There are times he tried to seduce me just to get my permission to do 'that' again pero kapag sinabi kong hindi dahil busy ako puro 'tss' ang sagot niya at parang nagdadabog na bata dahil hindi pinagbigyan sa gusto niya.
At ang lagi niyang sagot?"You're going to beg me for it, I know, you will, hon." With confidence pa at ngingisi-ngisi kaya madalas sumasakit ang mata ko kakairap sa walang hiya. Tss.
And what do I love about him?
Well, he loves hugging me behind and giving me a peck on the cheek evey morning na madadatnan niya ako rito sa kusina habang inihahanda ang breakfast namin o 'di kaya kapag nagigising ko siya kapag babangon na ako.
"Where are you going?" He asked habang nakapikit at halatang antok na antok pa ang boses niya. Kakaupo ko lang mula sa pagkakabangon habang siya ay nakadapa pa at nakapatong ang kaliwang braso niya sa hita ko.
"Just sleep. Magluluto lang ako ng almusal natin." I held his arms para alisin sa hita ko pero ipinadulas niya 'yon pataas para hapitin ang baywang ko. "Too early. Stay here, hon."
WTH? Anong too early ang sinasabi niya? Napabuntong hininga ako at hinawakan ang braso niya. "Come on, Renzo. Bitaw na." Sinipat ko pa ang kamay niya pero parang wala siyang pakiramdam at mas lalo pa talaga niyang hinapit ang baywang ko. "Stay"
Ayaw talaga, tss. "Fine. I'll stay here and you'll let me off back to my dorm in HQ."
"Seriously?" He groaned at walang choice kung hindi bumitaw at ilipat sa kabilang side ang mukha niya. I smirked. Madali naman palang kausap ang isang 'to.
But there are many times he inisists to cook for me. Madalas siya pa ang unang nagigising para ihanda ang almusal namin.
What a life of a newly wed right? Para na nga kaming mag-asawa sa daily routine namin, at sa totoo lang madalas niyang sinasabi sa akin 'yang tungkol sa kasal kasal na 'yan. Hindi ko na nga alam kung ilang beses niya akong tinanong sa akin kung saan ko gustong ikasal, kung anong klase ng wedding ang gusto ko....and of course, hindi niya pinalampas na tanungin ako kung ilan daw bang anak ang gusto ko.
And I still remember one time I jested him dahil sa mga tanong niya about sa kasal-kasal at pagkakaro'n ng pamilya kasama siya.
"What if we're not yet the one for each other, Renzo? Pa'no kung katulad ka lang din ni Hartley na dadaan sa buhay ko at magiging temporary part ng kwento ko?"
Because who knows? Alam ko na minsan ko ng isinumbat noon kay Hartley kung gaano ko kamahal si Renzo. Na kahit siya ang pangalawang maling tao na mamahalin ko, I won't stop to find ways to make him the right person for me. But still...like what I have said, walang may alam kung hanggang sa'n ang dulo ng mga bagay na mayro'n sa atin ngayon. I hope, there's no end to this love. To what we have right now.
Dahil sa biglaan kong pagtatanong ng gano'n kay Renzo, kinabukasan, guess what he did? Oh d*mn!
Nagising nalang ako na may suot ng silver na infinity ring at halatang mamahalin pa 'to. At ang mas nakakagulat talaga ay nang maabutan ko siya sa kusina habang naghahanda ng pagkain. When I looked at his ring finger, d*mn! He's wearing the same ring as well!
Napansin niya ako kaagad and he greeted me with a bright smile he barely does except kung nasa mood talaga siya. There's no one who could stop him there.
"Morning, WIFE." Bati niya habang inilapag sa mesa ang plato na may lamang italian omelette.
Surprised, my lips parted hindi dahil sa ulam kung hindi dahil sa tawag niya sa akin. Humakbang siya palapit sa akin. He gave a peck on my cheek as he guided me to the high stool. Kinunutan ko siya ng noo habang paupo ako.
"Anong trip 'to, Lorenzo?" Ipinakita ko ang likod ng palad ko "Kinasal tayo ng hindi ko alam?"
His smile turned to a daring smirk, "Making us official so I could own you now and f*cking always, Ellisse Zerina."
Napanganga nalang ako. This is Lorenzo. This is his way of getting things done. The quicker the better. Tss.
And yes, we're married....May magagawa ba ako kung siya na mismo ang nag-deklara at pilit na sinasabing.... "Not legally on papers, but still, you're my wife from now on, Zerina. Don't forget that."
No aisle. No bouquet. No priest. No gown. No suit. No vows. Nothing else but the rings we shared together. Imagine that? Gano'n siya umangkin ng pagmamay-ari niya. The only one Mikael Lorenzo Hilton.
"Kailan ang balik mo?" I asked nang iparada niya ang kotse sa harap ng malaking gate ng HQ. He just dropped me by dahil kasama niya si Rix para asikasuhin ang isang private raw na business meeting sa Cuba ngayon. Daming alam, pwede namang dito nalang sa Pilipinas.
"Missed me already?" Nakangising tanong niya.
"Mukha mo. Hindi ka pa nga nakakaalis, tss." Tinanggal ko ang suot kong seat belt tyaka siya hinarap at aktong magsasalita palang pero naunahan na niya ako.
"Call me if anything happens...or better I will and don't even try to ignore me, Ellisse Zerina. Got it?" Paalala niya na parang expect na niyang hindi ko sasagutin ang tawag niya. Tss, kapag busy ako tyaka ko lang naman hindi nasasagot 'yong calls niya pero kung makapag-alboroto hindi mabilang kung nakakailang mura siya sa ilang segundo.
"Siguro pwede ko namang malaman kung sino 'yong ka-private meeting mo? I hope one of the darklist members." Pag-osyoso ko dahil hindi pa ako bumababa ng sasakyan. "Hindi ko rin ba pwedeng malaman kasi private?" I added tyaka ko binuksan ang maliit na copartment ng kotse niya malapit sa may stereo. Kinuha ko ang baril na nakasuksok sa baywang ko tyaka 'to nilagay sa copartment.
Wala akong nakuhang sagot kay Renzo pero ramdam ko sa peripheral vision ko na sinusundan niya ng tingin ang ginagawa ko, and I assume, nagtataka siya kung bakit naglalagay ako ng armas dito sa sasakyan niya. "You should be prepared at all costs. You taught me this." Isinara ko ang storage. Ramdam ko parin ang tingin niya.
Talagang hinanda ko kanina 'tong baril na dala ko dahil pansin ko na wala siyang dala kanina ni isa at imposible na magpapadala pa siya kay Rix. Renzo always bring his gun whenever and wherever he goes. Parang hindi siya mabubuhay ng wala 'yon sa kaniya. Siya mismo ang pumipili at naglilinis ng mga to. Renzo's trademark habit you may say.
"As much as possible I don't want to meddle with your business since you're not telling anything to me since we arrived on the island." Sunod kong binuksan ang upper part ng kotse kung saan may secret storage na passcode protected. I entered the four codes key bago ko hinugot sa holster ko ang M67 hand grenade at isa pang baril na maliit lang at parang laruan para ilagay sa storage bago ko 'yon isinara.
I sighed before I turned my vision on him directly into his eyes. Alam ko kung kailan may bumabagabag sa isip niya at kung kailan may hindi siya sinasabi sa akin. At isa sa mga 'yon ay ang tungkol do'n sa Ipad na ipinakita ni Rix sa kaniya habang nasa yate kami papunta sa island. He was surprised when he saw a photo of a man na hindi ko kilala.
I waited for him to speak about it since we're both aware about the cases na trinatrabaho ngayon ng Serpent: Mr. X and the real darklist elimination. Two weeks na ang nagdaan pero ni minsan hindi na niya binanggit sa akin ang tungkol sa mga 'yon kahit na tuloy ako sa pagpa-plano kung paano sisimulan kasama ang gang ang pagliligpit sa iba pang natitirang members ng darklist.
"Are you hiding something from me, Renzo?" Diretsa kong tanong nang hindi inaalis ang pagkakatitig ko sa mga mata niya. Hindi siya kaagad sumagot kaya ako na ang unang bumitaw ng tingin. "Of course, hindi porque asawa mo na 'ko—well legally not on papers, ay dapat alam ko na lahat ng gagawin mo at plano mo." But still, we're now married, well siya mismo ang nag-declara nun...and married couples must be open to each other, musn't they?
Nakakainis dahil ang daming pumapasok na hindi magandang ideas sa isip ko kung anong posibleng mangyayari ro'n sa Cuba. D*mn it!
"Hon..."
"It's fine." Sagot ko agad tyaka ko sinulyapan ang oras sa wrist watch ko, "You have to go, baka ma-late pa kayo ni Rix sa meeting." Aktong bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang biglang tumunog ang lock key nito kaya nakakunot kong tiningnan si Renzo. "Lorenzo"
He heaved a sigh, "You don't have to know. It does not even matter---"
"Why? Ano bang meron sa meeting na 'yon na hindi ko na kailangan pang alamin? It doesn't matter? Well, it matters dahil nacu-curious ako, Renzo. Pano kung setup 'yon huh? I-sabotahe kayo tapos kayong dalawang lang ni Rix ang nando'n. Who's going to help you?" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
"Hon, it's just----" he tried to held me pero tinapik ko ang kamay niya. "It's just one of the mafia businesses you're normally dealing with? Tingin mo ba maniniwala ako huh, Renzo? Kung hindi gano'n kahalaga bakit kasama pa si Rix sa halip na si Mr. Malriego? He's your secretary anyway. As much as I remember, Beaurix is an assassin. Why are you bringing your secret ace huh?....You're going to deal with a private operation aren't you?"
"No. We're not." Matigas na sagot niya na halatang nagpipigil ng inis. D*mn this! Siya pa ang maiinis? Tinitigan ko siya pero wala akong mabasa ni isa sa mga iniisip niya.
"Alright then. Good luck sa meeting. Pakibuksan na 'yong pinto." Malamig na sagot ko pero hindi niya ginawa ang utos ko kaya tiningnan ko siya. Huminga siya ng malalim at inayos ang upo paharap sa steering wheel.
"It's Liam....Liam Malriego." Biglang saad niya. Seryoso na ang mukha niya at bumuntong hininga ulit. He's frustrated. But wait...did he say, Malriego?
"Older brother of my secretary, Gilbert John Malriego."
"What about his brother?" Nakakunot na tanong ko, pero hindi natuloy ang usapan namin dahil biglang umilaw ang phone ni Renzo na nasa phone holder ng kotse niya. It was Rix so he tapped the answer button.
[Sensya na kung naistorbo ko kayo sa kung ano man 'yang ginagawa ni'yo. Matagal ka pa ba, Boss?] Bungad ni Rix na may pagpapakahulugan sa sinabi. Rinig ko 'to dahil naka-connect ang phone sa speaker ng sasakyan. WTH?!
"F*ck you, motherf*cker." At kaagad ng pinutol ni Renzo ang linya bago ako binalikang tingnan. "I'll tell you everything once we pull this off." He held my cheek and gently caressed it.
Wala akong magawa kahit na gusto ko pang malaman ang tungkol kay Liam Malriego. "Hon, please, I won't leave if you're going to keep that long face."
"Tss. Hindi naman siguro kayo sasabak sa gyera ni Rix 'di ba?" Paniniguro ko dahil isa pa 'yon sa gumugulo sa isip ko. May tiwala ako sa kanilang dalawa na kaya nilang pabagsakin sakali mang atakihin sila bigla ng kalaban pero hindi ko parin maiwasang mag-alala.
"We won't. It's just a plain boring meeting." Lumapit siya at mabilis na pinasadahan ng halik ang labi ko. "So drop your worries and wait for me." And he kissed me again pero mas matagal. Gentle this time.
"I love you." He whispered when we parted.
"Take care. Mahal din kita." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko pero bago pa man ang lahat ay naramdaman ko na ulit ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. It was deep this time. Naramdaman ko ang paggapang ng palad niya sa baywang ko at ang pagbaba ng halik niya sa bandang leeg ko.
"Renzo...h-hey" I tried to stop him pero mas lalo lang niyang pinalalim ang halik niya sa parteng 'yon kaya napakagat ako sa labi ko. "F*ck all the sh*ts. I'm gonna f*cking miss you, Zerina."
"Renzo, 'yong m-meeting..." Halos maubusan ako ng boses dahil tuloy parin siya sa ginagawa niya. "Hey!" Halos sipatin ko ang braso niya at nakuha pa talaga niyang matawa bago bahagyang lumayo sa akin. "Missed you already, WIFE."
WTH! 'Yong puso ko bwiset! Ayan na naman ba ang lalaking 'to sa pagtawag niya sa akin ng wife.
"We'll do another round when I come back, hon. Won't allow your NO anymore so you better be ready." Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero bago pa ako may masabi ay sinungaban na niya ako kaagad ng mabilis na halik sa labi. He then smirked tyaka inilagay ang braso sa gilid ko, "Complaints already denied, Mrs."
Hindi ako halos nakagalaw sa kinauupuan ko at hindi ko namalayang nakabalik na sa ayos ng pagkakaupo si Renzo sa driver seat kung hindi pa siya nagsalita. "The door is now open, hon. If you still want to stay here for hours, well I don't mind. I can extend my time for maybe two rounds at the backseat."
WTF?! Halos manlaki ang mga mata ko sa bulgar na sinabi niya. "D*mn you!" At halos humagalpak siya ng tawa sa reaksiyon ko. Bwiset na lalaking 'to. Sa inis ko ay padabog akong bumaba ng sasakyan at pabagsak na isinara ang pinto ng kotse niya.
"Hey, WIFE!" Sigaw niya na talaga mas nagpakulo sa dugo kong umakyat na kanina pa sa ulo ko.
"Mrs. Hilton!" Ikinuyom ko ang kamao ko ng pagkadiin-diin bago siya nilingon dala ang matalim kong mga tingin. Bumungad sa akin ang nakabukas ng bubong ng sasakyan at ang driver ay talagang napakalawak ng ngisi niyang nang-aasar sa akin. He mouthed "I love you."
I just rolled my eyes at tinalikuran siya pero natigil ako nang may biglang pumasok na ideya sa isip ko. I devilishly smirk tyaka nilingon ang lalaki na halatang nagtataka sa biglaan kong pagtigil pero malawak ding napangisi nang simulan kong maglakad palapit sa kaniya.
"Missed me? Or...wanna have the round already?" Makahulugang tanong niya at talagang ang bwiset na lalaki may pa-lip bite pang nalalaman. D*mn it!
Para hindi makahalata, ngumisi ako ng pagkalawak-lawak tyaka yumuko para mapantayan siya. Sinadya kong ilapit ang mukha ko sa kaniya at nang akmang hahalikan na niya ako ay agad kong inilihis ang labi ko sa may tainga niya para bumulong, "Shall we do THAT before you leave, Commander?" Nang-aakit na tanong ko at sinadya ko talaga idampi ang labi ko sa pisngi niya.
Inilihis ko ang tingin ko pabalik sa kaniya para makita ang reaksiyon niya. Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko and that made me smirk. Ipinadausdos ko ang kaliwang palad ko sa dibdib niya at marahan 'yong iginalaw pababa, "But you have a private meeting haven't you?" I teased at tyaka itinigil ang palad ko na isang galaw pababa nalang ay ang private part na niya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng pag-hinga niya.
Napapangisi ako ng sobra dahil halata ang malalim na pag-lunok at pag-igting ng panga niya. Holding back huh?
"You have to go now, Mr. Hilton, or your WIFE might follow you to Cuba. Choose." Hindi ko parin inaalis ang kamay ko sa ibaba niya. Alam kong hindi niya gugustuhing sumunod ako ro'n.
"Your hand..." Mahina pero mabigat ang pagkakasabi niya.
"Oh, my apology." Mabilis ko 'yong tinanggal nang may ngisi tyaka ko siya hinalikan sa labi ng walang pasabi. Hindi ko hinintay na makaganti siya dahil mabilis lang ang ginawa ko at sinadya ko talagang bitinin siya.
"I'll wait for you, Commander."
Tumalikod ako at naglakad palayo at nang malapit na ako sa entrance door ay biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pants ko kaya kinuha ko 'yon para matingnan.
From: demonyong walang puso
Prepare for the consequence, Mrs. Hilton. I won't be easy to deal with. Not in bed.
....
For the past two weeks, wala akong ibang inatupag kung hindi ang mag-plano kung paano ililigpit ang mga miyembro ng dark list. Hangga't hindi sila nawawala, Korbin will never cease to keep on doing what they want just to gain wealth and power kahit pa makaapak sila ng mga inosenteng tao. Hangga't may sumusoporta sa grupo nila, hindi sila mawawalan ng kapangyarihan. Kumbaga dark list ang puso ng samahan nila, and once the heart is eliminated, it will be nothing but their downfall.
"Each partners has their own target. We only have 2 hours or less to eliminate each of them. Hindi tayo pwedeng lumampas do'n dahil sinusundan natin ang schedule ng target natin. Are we clear?" I explained, briefing the gang para sa gagawin namin.
"Kami ng bahala" - Friza
"Of course naman, Knightress!" - Leigh
"Got it" - Althea
"Copy" - Gingerly
"Kami pa ba...teka, nasa'n nga pala 'yong inosenteng si Rix?" - Nick
Sabay-sabay silang sumagot at ang iba ay tumango lang at sumaludo.
"Alam ni'yo na ang gagawin ni'yo oras na magka-aberya." Paalala ko pa bago tiningnan si Tyler na nasa tabi ko't nakahalukipkip pa. He just nodded at me.
One day before, ipinahanda ko na kila Jinno ang mga armas na gagamitin namin para sa mission. Na-orient na rin namin sila ni Tyler two days ago tungkol sa lugar kung saan nasaan ang target nila, kung ano ang mga dapat nilang gawin, at iba pang kailangan nilang infos tungkol sa target. At the very least, ayokong may sabit ang gagawin naming operation kaya siniguro kong aayon ang lahat sa plano ko. If not, then we have no choice but to proceed with the plan b.
Dalawa ang naka-assign sa isang target: one leading person and the backup. Hindi pwedeng isa lang. We're also considering the safety of each.
There are a total of twelve members on the list (well, I'm referring to the real dark list this time). Dominico Alfrigal is the first target of Serpent which was eliminated by Rix and me. Pangalawa si Sigmund Crowseigh na successor dapat ni Alfrigal, but later on, he was killed by Creid back on his mission in Germany. And now there are still ten people left.
1. Angel Lazarte
2. Hunter Avierlo
3. Neithan Darwins
4. Elmundo Watz
5. Yugori Zhang
6. Frankeinstein Zuchen
7. Fredbert Lagman
8. Santanita Lofero
9. Ken Niyagami
10. Clare David
Creid's next mission is this certain b*tch, Angel Lazarte, ang pinakatuso sa labing dalawang miyembro. Si Renzo ang nag-utos kay Creid na tapusin si Angel, and whatever the latter's plan to deal with this b*tch, siya na ang bahala.
Mula kay Hunter Avierlo hanggang kay Ken Niyagami ay ang gang na ang bahala. And I will be coming too and Tyler's accompanying me. Si Renzo na rin ang nagsabi at hindi naman ako ro'n tutol. Besides, Tyler is the chief, siya ngayon ang sumasalo sa trabaho ng pinsan niyang si Ash.
Well, if you may ask about my d*mn asshole ex, wala naman ng rason pa para mag-stay siya sa HQ at magmataas na siya ang Royal Knight so he left, at hindi na ako interesado pang alamin kung nasa'n siya. His asshole ally, Dwight Kean has been nowhere to be found since we heard na sumabog ang sinasakyan niyang kotse (na kagagawan mismo ng kuya niya) noong hinabol niya kami ni Rix dahil sa drive ni Alfrigal. We haven't heard anything about him from his older bro too, at wala naman akong pakealam do'n.
"Are you sure all the data stored from Alfrigal's drive are accurate?" Biglang tanong ni Tyler habang nasa byahe kami. He's the one driving at medyo napakunot ako sa tanong niya.
"What do you mean?"
Well, about the drive we got from that filthy rich asshole, nando'n lahat ng info tungkol sa mga underground transactions na ginawa niya, tungkol sa pamamalakad ng Korbin sa black market, at higit sa lahat ang data tungkol sa mga miyembro ng dark list.
I didn't expect na hindi pala magkakakilala ang mga members na nasa listahan. They don't know each other except kay Alfrigal at sa successor niyang si Crowseigh. They planned to join the list together. And the rest, hindi parin nila nakikita ang isa't isa and even Mr. X na pinagsisilbihan nila ay hindi parin name-meet ng personal ang mga galamay niya, yet they're running Korbin smoothly. Tss.
That was according from the confidential record ni Alfrigal na mukhang ginawa niyang journal diary kung saan niya isinusulat lahat ng nangyayari sa Korbin at sa iba pang ganap sa buhay niya.
"Did I miss something?" Tanong ko kay Tyler na natahimik ng ilang segundo.
Iniikot niya ang steering wheel para iliko ang sasakyan bago sumagot, "Alfrigal is a wise mafia tycoon. He loves this childish old trick called blackmailing. I heard he has a habit of acquiring personal infos about anyone that piques his interest so he could play his trick. Anyone he could use just to get what he wants..."
Well, that's Dominico Alfrigal, everyone.
"Why are you mentioning the obvious, Tyler?" Casual na tanong ko pero hindi niya ako nagawang tingnan dahil naka-focus sa daan ang tingin niya.
"If there's a God of acquiring personal infos, there's no one who could dethrone Alfrigal. Even about his co-members, he possesses all the data about them, but do you think that is what it really seems? The data about the members...do you think, it was acquired flawlessly?"
Napakunot ako. Ano bang gusto niyang palabasin?
"Sinasabi mo bang may mali sa mga detalyeng nakalap ni Alfrigal tungkol sa mga ka-myembro niya?"
"No matter how perfect we are on something, there's always room for tiny mistakes. Nothing's perfect. No one is and Alfrigal is not even an exception."
Nakuha ko kaagad ang sinabi ni Tyler. He has a point. I'm considering it. Pero saan banda mali si Alfrigal sa mga detalyeng nasa drive niya?
"May naiisip ka ba kung anong mali ang nagawa ni Alfrigal? Is it about his co-members profile? May dinoktor ba siyang impormasyon?" I asked. 'Yon lang ang posibleng kaso rito.
"We can't identify anything yet unless we get things done today."
Hindi na rin ako nagsalita pa matapos ang sinabi ni Tyler. Kahit puno 'yong isip ko dahil sa mga hunch niya ay sinubukan kong isantabi muna ang mga 'yon alang-alang sa target namin.
There's this person, Clare David. Siya ang pinaka-kaunti ang impormasyon na mayro'n si Alfrigal. Maliban sa pangalan at edad niyang twenty six at ang titulong hinahawakan niya bilang owner ng sampung kilalang five star hotel sa France, wala ng iba. Kung totoo ang haka-haka ko, this woman is a mysterious one, pwedeng siya ang pinaka-lowkey sa kanilang lahat.
Ako mismo ang nakipag-usap sa secretary niya through email three days ago para sa meeting na 'to. This mission isn't about eliminating, we need details too about their boss, Mr. X, and I'm here with Tyler to make a deal with this woman. She'll give us what we need, and we'll let her live. Kung trip niyang itikom ang bibig niya alang-alang sa pinuno nila, well, madali lang naman akong kausap.
At first, I wasn't expecting na tutugunan niya ang email ko. Akala ko nga secretary niya ang makaka-meet ko, but look what we have here.
"May trenta minutos ka lang para sabihin kung anong gusto mong sabihin." Ayan ang kaagad na bungad niya nang makapasok ako sa binuksan ni Tyler na double door.
I smirked at her unwelcoming greeting. Sanay na ako sa mga rude na tao katulad ng babaeng 'to dahil madaming beses ko na 'tong naranasan sa mga VVIP clients na hawak ko noong ako palang ang tumatayong secretary ng MCA.
Nakatayo siya sa veranda nitong VIP room na ipina-reserve ko rito sa Grand Azure. Nakasandal ang mga braso niya sa railings. She's casual with his pure black loose shirt, faded jeans, and black baseball cap.
"Twenty-eight minutes..." She coldly reminded.
I cleared my throat, "Shall we have our seat first, Ms. David?"
Ilang segundo pa bago siya lumingon. Hindi ko gaanong makita ang buong mukha niya dahil natatakpan 'yon ng suot niyang sombrero. She walked across the table between us. Hinayaan kong mauna siyang makaupo bago ako naupo sumunod si Tyler na puwesto sa tabi ko na alam kong alerto sa posibleng risk ng meeting na 'to.
Well, never underestimate someone, especially when you're aware of the possible danger they could bring to you.
Humugot ako ng malalim na pag-hinga bago sinulyapan ang wrist watch ko, "Twenty-six minutes. So let me get straight to the point, Ms. David-----"
"You came here for Mr. X, Royal Knightress." Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero nanatili akong kalmado sa harap niya. She smirked. An evil one. "Of course, I know. Ikaw ba? Alam mo kung bakit nandito ako?...." She folded her arms across his chest at pinag-krus ang mga binti, "Siguradong nasa detalyeng nakuha ni Alfrigal tungkol sa akin na ayokong humaharap sa kahit na sino pagdating man sa business o sa kahit na ano....ano pang nalaman mo tungkol sa akin mula sa walang kwentang drive ng matandang 'yon?"
So she knew about the drive huh? But she did nothing to Alfrigal. I guess, wala naman siyang pakealam sa matandang 'yon.
"That you're an evil." Diretsang sagot ko dahilan nang mapatingin sa akin si Tyler na napansin ko mula sa gilid ng mga mata ko. I kept my blank stare at the woman across me. She painted an evil smirk nang abutin niya ang kaha ng sigarilyo na nakahanda na kanina pa sa mesa tyaka 'yon sinindihan. She puffed her cigarette as if she's the only one in the room.
"Pero tingin ko mas demonyo ka pa sa 'kin." Nakangising sagot niya tyaka ulit hinithit ang sigarilyo. "Nacu-curious ako kung paano kumitil ng buhay ang kapatid ng isang Elijah Mint Lorico."
This b*tch knew a lot. Tss.
Humalukipkip ako at hindi inalis ang tingin ko sa kaniya, "Pwede kitang sampulan kung trip mong itikom 'yang bibig mo alang-alang sa walang puso ni'yong pinuno. So now, tell me, Ms. David...sino si Mr. X?"
Mas lalo pang lumawak ang ngisi niya. Finally, she decided to remove her cap at ipinatong 'yon sa mesa. She puffed her cigarette again. She turned her sight to Tyler and then back at me. "Bakit hindi mo itanong sa Serpent Commander? Siguradong alam niya lahat..." Makahulugang saad niya.
Sinadya kong sulyapan ang wrist watch ko, "Fifteen minutes, Ms. Clare David. Give us what we need and we'll let you leave this room. Breathing." Pagbabanta ko na hindi man lang umepekto sa kaniya. She puffed her cigarette once again.
"Sabik kayo masyadong iligpit ang taong 'yon, akala ni'yo ba gano'n kadali?" She smirked bago inupos ang sigarilyo sa ashtray. I smirked nang biglang nagkaro'n ng pulang laser light sa dibdib niya na nagpawala sa ngisi niya. Sniper.
"I repeat. Who's Mr. X?"
Madali lang sa kaniyang binalewala ang sniper na ngayon ay nasa noo na niya nakatutok. Diretso na ngayon ang tingin niya sa mga mata ko. Malalim, na parang puno 'to ng galit at halo-halong emosyon na hindi ko gaanong mabasa.
"You're not destined to kill someone like him, Ms. Lorico, because if you ever dare try to blow off his head, I'll kill you first." Alam kong kayang-kaya niyang totohanin ang sinabi niya. The way he looks at me, minsan ko ng nakita ang mga desperadong tingin na 'to sa mga mata ni Renzo, and I can't be wrong. The lust to kill someone whoever they are.
Hindi parin nawawala ang laser light sa noo niya pero mas kalmado na siya ngayon. "Hindi ni'yo ako pwedeng basta nalang patayin..."
"And how could you be so sure, about that, Ms?" Mabilis na naitutok ni Tyler ang dala niyang baril sa kausap namin pero hindi sapat 'yon para takutin ang babaeng kaharap ko.
"Dahil hawak ko ang totoo?" Nakangising wika niya, "Ang totoong detalye tungkol sa mga taong kabilang sa darklist."
"What do you mean?" Kaagad na tanong ko.
"Sinabi ko na 'di ba? Walang kwenta ang drive na hawak ni Alfrigal. Para sa 'kin isa siyang malaking bobong blackmailer at tatanga-tangang mafia tycoon kaya mabilis siyang nailigpit kasama ng galamay niya...There's another drive."
Tyler was right. May mali sa mga data na nasa drive ni Alfrigal lalo na ang tungkol sa mga co-members niya.
"Where's the drive?" Tanong ko kasabay ng pagkasa ng baril ni Tyler.
Idinipa ni Claire David ang magkabilang braso niya ng pagkalawak-lawak habang nakangisi, "Here she is, Royal Knightress. Breathing."
Kinuyom ko ang kamao ko. WTH is running in this b*tch's mind?
"May mga ilan sa amin sa darklist na hindi alam na may hawak si Alfrigal na impormasyon tungkol sa bawat isa sa amin. Hindi rin naman namin kilala ang isa't isa kaya bakit nila pakekealaman ang walang kwentang pinagagagawa ng matandang 'yon 'di ba?....pero alam mo kung anong nakakaaliw? Ilan sa amin, pinike mismo ang mga personal info noong pumasok sila sa samahan. Ang alam ng tangang si Alfrigal, walang pamemekeng naganap kaya naging sapat na para sa kaniya kung ano ang mga nalaman niya tungkol sa amin."
So that was Alfrigal's mistake that's now leading us to make another one because of the fake info we got from the drive. D*mn it!
"Matalino ka, Ms. Lorico. Katulad na katulad ka ng kapatid mo. Kayang-kaya ni'yong gumawa ng plano na walang takas ang target ni'yo kahit sino pa man sila....pero alam mo kung anong maling nagawa mo ngayon?...." She smirked before she went on, "sumabak ka sa gyera nang walang nalalaman tungkol sa kung sino ang mga makakalaban mo."
She stood up at nanatiling nakatutok sa kaniya ang pulang laser light, even Tyler stoopd up nang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kausap namin.
"Isa lang ang pakay ko sa larong 'to, Ms. Lorico....iligpit ang mga dapat na iligpit." Matigas na wika niya bago dinampot ang sombrero sa mesa. She was about to walk out, when....
"Move or I'll pull the trigger." Banta ni Tyler na nagpangisi kay Claire David before she darted a glance at the former. "Kung plano mo talaga akong patayin, sana kanina pa sabog ang bungo ko, Mr. Stanford." At tyaka siya nag-walk out pero bago pa man siya tuluyang makapaglakad ay mabilsi akong tumayo sa kinauupuan ko.
"You know the rule of this game, Ms. David." I was about to give the signal to the sniper gamit ang maliit na chip device na nakadikit sa wrist watch ko nang biglang magsalita ulit ang bwiset na babae.
"Sinabihan na kita, hindi ba? Alamin mo kung sinong kinakalaban mo, Ms. Lorico...." Mula sa pagkakatalikod niya sa akin ay pumihit siya para harapin ako dala ang makahulugang ngisi. "Baka nasa kalagitnaan ka na ng giyera, ikagulat mo nalang na ilan sa mga plano mong iligpit ay kilala mo pala...o baka malapit pa nga sa 'yo." Nakita ko pa kung paano lumipat ang tingin niya sa bandang likod ko kung nasa'n si Tyler bago ulit ako ginawiran ng tingin, "Mahirap ma-disappoint sa gitna ng labanan, baka ikamatay mo."
And then she walked out of the room. She left with no words coming out of my lips. D*mn it! Anong gusto niyang ipahiwatig sa sinabi niya? Is she playing mind games with me?
"Ms. Lorico----" Alam ko na ang sasabihin ni Tyler kaya inunahan ko na. "Let her go...Accept it or not, we must consider that b*tch. Sigurado akong madami pa siyang alam. She won't waste her time granting this meetup for nothing."
She gave me a hint. It was either to outsmart me or everything she said was partly true.
"Should I send someone to tail her?" Tyler asked nang sundan niya ako paglabas ko sa kwarto.
"No. Let her be free for now." Sagot ko.
What does she meant by her last words? Kung tama ang iniisip ko, malaki ang kailangan kong baguhin sa plano kong gawin sa darklist. But who is she talking about. Who was she pertaining to?
Mga taong malapit sa akin o kilala ko? D*mn it! Akala ko ba tapos na ako sa ganito? I was hoping si mama ang last na malalaman kong may involvement sa mafia. And now, mas matindi pa yata.
Is someone from HQ betraying us?
"Should we inform the gang to retreat the mission?" Tanong ni Tyler nang makaalis kami.
Hindi ko siya nagawang tingnan dahil madami akong iniisip, but I spared words to reply, "No. Let's see first if the plan A works."
Sa gitna ng pag-iisip ay biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko 'to para ma-check.
From: demonyong walang puso
Just got here. I miss you, hon
Gusto kong paulanan ng madaming tanong si Renzo pero hindi pwede ngayon dahil may kailangan siyang asikasuhin. I need to find this out alone.
"Let's go back to HQ." Saad ko kay Tyler.
Nang makarating na kami ay sinabihan ko lang siyang i-inform ako kaagad pagkatapos ng gang sa mission nila. Pagkatapos ay agad akong pumunta sa maze's basement. Pinasok ko ang kwarto ni Renzo para kunin ang laptop niya sa secret storage na nakatago sa walk-in closet niya. Lumabas din ako kaagad para magtungo sa kabilang kwarto.
Pagbukas ng laptop ay kaagad kong binuksan ang email niya. May mga ilan pang unread messages sa inbox niya pero isinantabi ko na muna. I started to write a new email....
From: M.L Hilton
To: Wilgeihl Lovely Valezma
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top