Chapter 47.4


Frinvalley Island 


...

"Ayan, sige kumain ka ng madami. Ito pa. Ito sabaw, hindi ba paborito mo 'to?" 


Hindi maalis ang tingin ko kay mama habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko. Hindi ko na nga halos magalaw ang iba dahil ang dami na. 


She volunteered to cook for us, pero tinulungan ko na rin siya. I wanted to talk to her kanina pa habang nagluluto kami, but I don't have the courage to even say a word about the mafia. Why is she holding a gun? Where did she go? And how did she end up here? Kahit siya ay hindi rin nagsalita tungkol do'n.


"Ma'am, I guess-----"


"Ano ba, Mikael! Hindi ba sinabi ko na sa 'yong tita nalang? Masyadong pormal pakinggan ang Ma'am." 


Why is she acting like I didn't see her holding guns earlier? As if she doesn't know anything? How the hell did she become part of the mafia? And where the hell did she come from? Galing ba siya kanina sa pakikipagbarilan sa mga kapwa niya gangster?


"Oo nga pala, hiniram ko kanina 'yong kotse mong isa, medyo nagasgasan lang huh? Ayaw ba naman kasi akong tantanan ng mga ligaw na gangsters." She said to Renzo with an apologetic look. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagku-kuwento siya. 


Why are you trying to smile when I can clearly see the sadness in your eyes, Ma? 


"Sinabi ko naman kasi sa inyong h'wag kayong aalis 'di ba? Bakit ba ang tigas ng ulo ni'yo? Kaya hindi na ako magtataka kung sa'n nagmana 'yang kapatid ko." Iritadong komento ni Kuya pero nginitian lang siya ni Mama. As always. 


"Pa'no ni'yo pala plinanong sunugin 'yong drug storage, tita? Pa'no ni'yo nalamang may gano'ng pagmamay-ari 'yong unknown group?" Tanong naman ni Rix habang kumakain. 


I tried to eat kahit na parang hindi ko malasahan ang pagkain. 


"You okay?" Renzo gently squeezed my hand under the table. I smiled a little and nodded. Magkatabi kasi kami tapos nasa tapat ko si mama katabi si Rix at si Kuya nasa malapit kay Renzo sa center seat. 


"Hiningi ko lahat ng impormasyon kay Mikael." Simpleng sagot ni mama na nginitian pa si Renzo. 


Pabagsak na nilipag ni Kuya ang kutsara't tinidor sa plato niya at masama na naman ang tingin niya kay Renzo, "And you gave it to her? Are you dumb?" 


"Your mother asked for it. Who am I to decline her favor?" Sagot naman ng katabi ko tyaka tiningnan si mama at nginitian ito. Tss. Nagkampihan pa. 


"Ano ka ba naman, Elijah, anak. Bakit ba ang init-init ng ulo mo rito kay Mikael?" She asked pero nakangiti parin. 


"He knows the reason." Nanlilisik ang mga mata ni kuyang nakatingin kay Renzo, pero nginisian lang siya nito. 


I heaved a sigh. Kanina pa ako nakikinig sa usapan na parang walang gustong mag-explain ni isa sa kanila ng tungkol sa drug storage na pinag-uusapan nila. 


"Anak, ayos ka lang ba?" 


I bit my lower lip bago ko inangat ang tingin ko kay Mama. Tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya. "What happened to you, Ma?" 


Nagkaroon ng katahimikan sa hapagkainan.


"Hon...."


"Ayos lang, Mikael, mas okay siguro kung ngayon na natin pag-usapan ang tungkol do'n." Sa wakas, medyo naging seryoso na ang mukha ni mama dahil unti-unti ng napawi ang ngiti sa labi niya. 


"Ako na munang bahala sa footage." Paalam ni Rix tyaka umalis. 


"O siya sige't ililigpit ko lang sandali 'tong pinagkainan natin." 




...

Palipat-lipat ang tingin ko kay Kuya at kay Renzo na iwas ang tingin sa akin. Magkatapat ang single couch na inuupuan nila rito sa living room habang nasa bandang kaliwa nila ako kaharap ang mahabang couch sa kanan. There's also table placed between the two men. 


"Saan ba tayo mag-uumpisa?" Bungad ni Mama dala ang tray na may lamang dalawang baso ng lemonade juice isang pineapple juice at avocado juice na inilapag niya sa mesa. She sat on the couch across from me. 


"Matagal na po bang alam ng dalawang 'to ang tungkol sa involvement ni'yo sa mafia?" Diretsang tanong ko dahil ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. 


My mother smiled as she pointed a look to my brother then to Renzo and back at me, "Bago pa naging miyembro ng outer ang kapatid mo, kabilang na ako sa mga ranked members ng Mors." Sagot niya na gumulat sa akin. 


WTH? Even before I was abducted and brought to Serpent? 


"Bata pa lamang kayo ng Kuya mo, kabilang na kami ng Papa ni'yo sa Mors. Pareho kaming miyembro ng outer." 


"Kahit si Papa?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napayuko si Mama pero kaagad ding nag-angat ng tingin at pinilit na ngumiti, "Namatay siya sa isang overseas mission...Sa katunayan, wala kaming plano ng Papa mo na sabihin sa inyo ang tungkol sa mafia, pero hindi naman kayo bumabata, tumatanda kayo at nagkakaro'n ng sariling pag-iisip at pananaw kaya hindi na ako nagulat noong nalaman ko na sumali ang kapatid mo sa outer at naging head ng grupo." 


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga naririnig ko. Parang ang hirap i-proseso ng mga 'to. 


"Ako ang nag-utos sa kapatid mo na sundan ka sa New York para manmanan ang bawat galaw mo. Madaming grupo ng mga gangsters ang galit noon sa outer. Alam nila ang tungkol sa inyong magkapatid at siguradong naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon para makaganti at 'yon ay ang puntiryahin kayong dalawa."


"Did you also try to dissolve their group back then kaya madaming galit sa inyo hanggang ngayon?" Lakas-loob na tanong ko.


"Dahil hindi tama ang paggamit nila sa kapangyarihang mayro'n sila. Abuso sila at kahit sino lang sinasaktan, ninanakawan at pinapatay pa nga. Hindi lang 'yon, dahil sunod-sunuran sila sa ilan sa mga mafia tycoon na gustong pabagsakin noon ang Mors at ang Serpent."


So even then, there are those who wanted to take down Serpent huh?


"And how about the drug storage? You said, it was owned by an unknown group. Is it the one who wants me dead?" I asked with no longer hesitation. 


"Noong nalaman ko ang tungkol sa unknown group na 'yon na gusto kang patayin, nag-plano kaagad ako kung paano ko sila mapababagsak, pero kulang ang impormasyong hawak ko para maisagawa ang plano ko, at isa pa, hanggang ngayon, hindi parin sapat ang mga data na nakalap ko para matukoy kung sino ang namamahala sa grupong 'yon at kung ano ba talaga ang pangalan ng samahan nila. Bakit gusto ka nilang patayin."


Tiningnan ko si Kuya na nilalaro ang baril habang matalim ang mga tingin kay Renzo and when I looked at the latter, he's doing the same. Napansin niya kaagad na nakatingin ako sa kaniya kaya sa ibang direksiyon siya tumingin kasabay ng kunwaring pag-ubo niya. Tss. 


Ibinalik ko ang tingin ko kay Mama, "You said, you've asked Renzo for all the info about the drug storage...wala ba kayong nakitang evidences sa lugar na 'yon bago ni'yo sinunog?" 


Umiling si Mama, "Unidentified ang lahat ng tauhang nando'n. Sinabihan ko pa si Rix na i-double check pero unknown identification and lumalabas sa database identity system. Isang detalye lang ang tugma silang lahat...kabilang sila sa unknown group."


I sighed. Whoever this asshole hiding behind the curtain, sinisiguro ko na may araw rin siya. Masyado siyang nage-enjoy sa chasing game niya at ito naman hampas lupang si Mr. X, masyadong ginagalingan ang hide-and-seek strategy. 


"Dapat hinayaan ni'yo nalang ang Serpent gang na sumunog do'n sa drug storage." Hindi ako pwedeng magkamali, 'yon ang misyon na iniwan ni Renzo kila Jinno kanina. 


"What if nabaril kayo? What if hindi ni'yo alam na may nakahanda palang patibong sa lugar na 'yon? You almost----"


"Ellisse, anak...." Natigil ako nang ngitian ako ni Mama. It was a soothing smile na lagi niyang dala para itago ang kung ano mang bagay ang bumabagabag sa kaniya. "...Ilang taon kaming magkasama ng Papa mo sa ganitong trabaho kaya wala kang dapat ikabahala, isa pa to the rescue naman itong kapatid mo at si Mikael oras na magipit ako."


"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya, halatang iritado sa sinabi ni Mama kaya natawa lang 'to sa kaniya. 


"You should inform us beforehand next time, Tita. Your safety is our top priority here." Magalang at kalmadong saad ni Renzo. 


"Tss" Tumayo si Kuya at padabog na naglakad palayo. 


"Leave him to me, Tita. We need something to talk to anyway." Paalam ni Renzo na nginitian lang ni Mama. He looked at me and I just smiled too and nodded. 


"Alam mo, anak, kinikilig ako sa inyong dalawa." Nagulat ako nang biglang umangkla sa braso ko si Mama. Nasa tabi ko na siya at ang lawak ng ngiti. Natawa nalang ako. Seriously? She didn't change at all. Despite everything I heard today. 


"Sigurado po ba kayong ayos lang kayo rito?" Tanong ko. She smiled at me. Inayos niya ang buhok ko at iniipit 'yon sa tainga ko tyaka ako hinawakan sa magkabilang balikat. She looked at me straightly in the eyes. 


"Ayos na ayos ako, Ellisse. Binibigay lahat ng kuya mo at ni Renzo ang mga kailangan ko rito, 'yon nga lang ay medyo may pagka-masungit lang talaga 'yong kapatid mo. Tutol pa nga siyang dito ako mamalagi." Natatawang sagot niya. Kahit ako ay mahinang natawa. 


"So...I guess...alam ni'yo na rin kung paano ako nakapasok sa Serpent? Na....ako ang-----"


"Oo naman. Proud na proud nga ako sa 'yo noong nalaman ko na ikaw ang Royal Knightress. Akalain mo, ako member lang ng outer noon pero ang bunso ko Royalty pala!" Malawak ang ngiting wika niya. D*mn! I missed my mother so much! 


Hindi ko namalayang napayakap nalang ako sa kaniya. "I love you, Ma and I'm so sorry..." 


Marahan niya akong inilayo sa kaniya at pinunas ang luha sa pisngi ko, "H'wag na h'wag kang magso-sorry sa akin dahil wala kang dapat ikahingi ng tawad. Ako nga dapat ang humingi ng paumanhin dahil hindi namin kaagad sinabi sa 'yo ng kapatid mo ang tungkol sa mafia kahit na matagal naman na naming alam...Ang totoo niyan, anak..." Napayuko si Mama, "Alam ko kung gaano mo sila kinamumuhian noon kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa 'yo. Kaya, pasensiya na." 


Umiling ako nang iangat ni mama ang tingin niya sa akin. Maluha-luha man ay pinipilit padin niyang ngumiti. "Don't be, Ma. Ngayon, maliwanag na sa akin ang lahat at naiintindihan ko kayo. I don't want to do the same mistake I did to my friends. I resented them at 'yong sarili ko lang opinyon at nararamdaman 'yong inisip ko noon." 


She smiled at me at pinunas ulit ang luha ko. "Proud na proud ang Mama sa 'yo, anak." Niyakap niya ako at gano'n din ang ginawa ko. 


We used to have a heart-to-heart conversation, you know, a mother-daugther talk but now tungkol sa mafia ang usapan namin hindi katulad noon na mag-uusap kami tungkol sa mga ganap sa schools at 'yong unang beses na napaaway ako sa mga kaklase kong lalaki dahil mga bully sila. Hell! I'm not the type who won't back off even then. Muntik pa nga akong ma-guidance kung hindi lang sinalo ni Kuya 'yong kasalanan na ako naman talaga ang gumawa. Don't get me wrong, sila ang nauna at hindi tama na mam-bully sila. Tss! 


"Kumusta na nga pala sina Dhale?" Tanong bigla ni Mama nang kumalas siya sa yakap. Kinuha ko ang pineapple juice tyaka inabot sa kaniya bago ko inabot ang avocado juice tyaka sinimsiman 'to. 


"Nasa Bluevale po sila ngayon...."


"Balita ko mag-boyfriend at girlfriend na sila ni Creid?" Tanong niya matapos makainom.


WTH? "Kanino mo naman nalaman 'yon, Ma?" 


"Ah, matagal na kaming may koneksiyon ni Zeth. Madami siyang naiku-kwento sa akin. Sa kaniya nga kita laging kinukumusta. Nasabi pa nga niya na madalas mo raw inaaway ang Serpent Commander." 


Seriously?! So, ibig sabihin, matagal na rin palang alam ni Tanya na involve si mama sa Mors. At teka, anong inaaway ang sinasabi nitong si Mama?


I was about to speak pero naunahan na niya ako. 


"Anak, h'wag kang magugulat huh? Pero kasi alam nila ang tungkol sa akin at sa papa mo." Halos maubo ako sa ininom kong avocado juice. Hindi ko makapaniwalang tiningnan si Mama matapos kong ilapag pabalik sa tray ang baso. 


She then went on, "Nakita nila ako noon sa Mors noong naisipan kong bumisita. Kasalukuyang nasa training sila, wala na rin namang dahilan pa para itago sa kanila dahil nakita na nila ako kaya sinabi ko na sa kanila ang totoo pero nakiusap ako na h'wag munang sasabihin sa 'yo." 


Napainom nalang ako ulit sa avocado juice. Sino pa bang kakilala ko ang may involvement sa mafia? I hope this would be the last...




...

ELIJAH MINT LORICO 


Ang tigas talaga ng ulo ni Mama at sa dami ng pwedeng manahin ni Ellisse 'yon pa. The f*ck. Ba't ba ang hirap mag-alaga ng magulang at kapatid?


"Have you heard the news?" Napatingin ako sa tabi ko nang lapitan ako ng walang habas ang kayabangang pinuno ng Serpent Society. Iniabot niya sa akin ang stick ng sigarilyo na iritado kong kinuha mula sa pagkakaipit sa daliri niya. 


Nagsindi rin siya ng kaniya bago inabot sa akin ang silver flip up lighter. Humithit siya tyaka 'yon ibinuga, "How long it would take you before you could lift the curtain of this so called unknown group, Elijah?" 


Natigilan ako sa tanong niya. I f*cking clenched my fist every time I hear that f*cking mystery. Sinindihan ko ang sigarilyong hawak ko tyaka 'to hinithit. "And how long are you going to act that you know nothing about them?" Balik tanong ko na nagpangisi sa kaniya. 


"It's your game, Elijah." Hinithit niya ulit ang sigarilyo niya tiyaka ibinuga ang usok. "That asshole is after you, and you know why he f*cking wants your sister dead." 


F*ck that bastard! Kung pwede lang akong kumilos na ngayon para pasabugin ang bungo niya, baka nagawa ko na kaso hindi ako pwedeng kumilos ng padalos-dalos. I have a lot I could f*cking lose here anytime. Not my mother, not my sister. 


"Gusto nilang patayin ang kapatid ko pero hindi ka kumikilos para patikman sila kung anong kaya mong gawin. What are you trying to pull of here, asshole?" Diretsang tanong ko. 


Alam ko ang galawan ng g*gong 'to. Nagiging mas walang puso siya kung kapatid ko na ang usapan, pero maliban sa utusan ang Serpent gang na sunugin ang drug storage (na si mama na ang tumapos) wala pa siyang ibang ginagawa. I know, this ruthless man can kill anyone whoever his opponents is, anytime and anywhere he wants to. Hindi nga niya pinalampas si Salviejo. 


"I don't want to waste my time meddling with other's business. It's yours, not mine." 


"At si Ellisse? Siya parin ang target, hindi 'yon magbabago." Panunubok ko sa kaniya. Hinithit niya ang sigarilyo at kalmadong-kalmado sa mga oras na 'to. 


"I know..." Tiningnan niya ako direkta sa mga mata "And you know how I play once they turn their attack on her." 


Hinithit ko ang sigarilyo ng hindi inaalis ang tingin ko sa kaniya bago ko ibinalik ang tingin ko sa malawak na dagat na tanaw mula rito sa rooftop. "Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa kapatid ko, Lorenzo. At hindi porque pinagbibigyan ko kayong magsama, buo na ang tiwala ko sa 'yo. I don't f*cking care if you're the Serpent Commander. You know how I play too, Mr. Hilton....You better know how ruthless I can be when it comes to my sister."


"I won't dodge your bullet if I fail to protect her." Malamig na sagot niya tyaka itinapon ang sigarilyo sa tabi at inapakan 'yon bago naglakad palayo.


Kung wala lang kaming usapan ng g*gong 'to, itinakas ko na palabas noon ng HQ si Ellisse. 





Bluevale Villa 

FRIZA GONZALES

 

"'Di raw tuloy ang mission bukas sabi ni Commander. May tumapos na." Anunsiyo ni Jinno nang makapasok siya rito sa malawak na playroom ng Bluevale. Napatingin naman 'yong ibang g*go na abala sa pagbi-bilyard.


"Tumapos, sino?" Kunot na tanong ni Axcel na inaasinta ang patatamaan ng puting bola ng bilyard. 


"Hindi sinabi." Tipid na sagot ni Jinno, kinuha ang iniwang cue stick sa tabi at siya na ang sumunod na tumira pagkatapos maka-puntos ni Axcel. 


Napaisip tuloy ako. Nasabi kasi ng tsismoso at madaldal na si Nickolas sa akin kanina ang tungkol sa misyong isasagawa nila bukas. Pinapasunog ni Commander 'yong drug storage na pagmamay-ari ng isang grupo. Unknown group. 


"Ba't kaya hanggang ngayon, wala parin si Rix?" Makahulugang tanong ni Nickolas na bigla-biglang sumulpot sa tabi ko. T*ng ina nito, kung makadikit parang tuko. 


"Lumayo ka nga, t*ng ina mo." Natawa siya at lumayo naman dahil siya na ang susunod na titira pagkatapos ni Fritz. 


Sino nga ba ang tumapos sa mission na 'yon? Baka may inutusang iba si Commander na mas mabilis sa mga g*gong 'to? Tss. Hindi naman siguro dahil bakit pa sila kinausap kanina kung sa iba rin naman iuutos ni Commander na tapusing 'yong misyon?


"OMG!!" Lahat kami ay napatingin sa gawi nina Daniella na kasalukuyang nakatayo sa sofa at patalon-talo pa sa sobrang tuwa. "I won! Ibigay ni'yo sa akin lahat ng taya ni'yo!" 


"This is unfair! Kanina ka pa nananalo, Daniella Kate! You're so nakakainis na gorll!" Padabog na ibinaba ng malanding si Novaleigh ang baraha niya tyaka humalukipkip. Tss. Malanding 'to talaga ayaw magpatalo. 


"Hindi naman siguro si Rix 'yong inutusan ni Komander na sumunog do'n sa drug storage noh?" Biglang tanong ni Nick kaya ang lahat ng atensyon naming nandito sa billliard table ay napunta sa kaniya. Anong alam ng g*go at inosenteng 'yon? 


"I don't think so." Komento ni Fritz na sinimulang asintahin ang pagtira sa puting billiard ball. 


"Nasaan nga pala si Rix? Sinabihan mo bang pumunta rito, Friz?" Tanong ni Axcel. 


"Walang reply." Walang ganang sagot ko. P*tang 'yon, saan nga ba siya ngayon? 


Napatingin ako kay Nickolas na nakahawak sa baba niya at pangisi-ngisi. T*ng inang 'to, nagi-imahinasyon na naman yata. 


"Baka may konting pagbabago sa plano ni Commander kaya sa iba na niya ipinatapos ang operation." Komento ni Gingerly nang ilapit niya sa gawi namin ang trolley tray na may lamang mga prutas at beverages. 


"Ano ba, Zion naman eh! Bakit ba nanggugulo ka rito?!" Napatingin kami ulit sa agaw-pansin na si Daniella. Nasa likod niya ang g*gong si Zion na pangisi-ngising sinisilip ang baraha ni Daniella pagkatapos ay sesenyas kay Leigh. Mga p*ta, napaka-isip bata. 


"So, I think, we're going to stay here hanggang sa makabalik sina Commander." Komento ni Althea. Ano pa nga ba? 


"Zion naman eh! Madaya ka!!" 


Nadako ang tingin naming lahat sa gawi ni Jinno nang...."Zion Mandalaine and Daniella Kate!!" 


Wala ni isa ang umiimik matapos niyang sumigaw. P*ta galit ba ang gag*ng 'to? Ngayon ko lang kasi nakita 'tong seryoso na parang ano mang segundo makakapatay. 


Napatingin ako sa gawi nila Daniella. Nakayuko na siya at si Zion naman ay bumalik sa pwesto niya kanina rito sa amin. Kita mo ang g*gong 'to. 


"Do you like Daniella, Zion? Kanina mo pa siya kinukulit." Diretsang tanong ng katabi kong si Althea. Lahat kami ay naghihintay ng sagot niya pero tahimik lang ang gago. Sinundan pa namin siya ng tingin nang lapitan niya ang trolley cart para kumuha ng beer in can, binuksan 'yon tyaka itinungga. 


"Silence means yes." Nakangising dagdag ni Althea. 


Ngayon ay nakaharap na sa amin ang gago. Sumulyap pa siya sa gawi ni Daniella bago sumagot, "Gusto? Hindi ba pwedeng mahal na?" P*tang.... Hindi ko alam kung bakit kay Jinno nadako ang tingin ko. P*tang ina, kung may hawak lang siyang baril hindi ko alam kung anong lagay nitong si Zion ngayon. 


Dahil sa nakakabinging katahimikan matapos sumagot ng p*tang inang si Zion, halos marinig namin ang pag-vibrate ng phone ng kung sino....at lahat kami napatingin kay Jinno nang hugutin niya ang phone niya sa bulsa ng pants niya. Pabagsak niyang inihagis sa billiard table ang cue stick sabay walk out. 


"What the hell was that, babies?!" 


"T*ng ina mo, manahimik ka, ang ingay ni'yo kasi!" Sita ko kay Novaleigh. 


"Powta, seryoso ka ba sa sinabi mo, Zion?" Pag-usyoso ng tsismosong si Nick at tinapik pa ang balikat ng kapwa niya gagong si Zion. Sina Axcel at Fritz naman ay napailing lang at pangisi-ngisi bago itinuloy ang pagbi-bilyard habang si Cyan ay tahimik at walang pakealam sa nangyayari. Nakaupo siya sa sofa sa tabi habang naglalaro ng kung ano sa phone niya. 


"Lakas ng trip mo, tss." Komento ni Fritz. 


"Pero seryoso nga Mandalaine? Mahal mo si Daniella?" Pag-usyoso pa ng tsismosong gago na walang iba kung hindi si Nick. Napasulyap tuloy ako kay Daniella na mukhang umiiyak habang ang malanding si Leigh ay may kung ano-anong pambe-brainwash na naman ang ginagawa sa kaniya. Lahat kaming nandito sa kabilang side ay naga-abang ng sagot ni Zion sa tanong ni Nick 


Itinungga niya ulit ang beer bago kami pinasadahan ng tingin, "Mga tismosong 'to. Mahal agad? Hindi ba pwedeng wala lang akong ibang masabi kanina?" Sabay alis niya sa harap namin palapit kay Cyan. Napailing ang tatong g*gong nagbi-bilyard. 


"Is it me or-----" 


"Tingin ko pareho tayo ng hinala, Al" Putol ni Gingerly sa sasabihin ni Althea kaya napatingin ako sa kanila. Nagkatinginan pa ang dalawa sabay ngisi.


"T*ng ina, dito pa talaga kayo sa harap ko gumaganyan." 




DANIELLA KATE 


Pinipigilan kong maiyak, pero naiiyak talaga ako kasi feeling ko nage-echo sa tainga ko 'yong galit na boses ni Jinno kanina. 


Eh si Zion naman kasi, dindaya nila akong dalawa ni Leigh! Nakakainis kaya tapos nasigawan pa kami. I bit my lower lip at dumudugo na yata dahil kanina ko pa pilit na kinakagat para lang mapigilan ko 'yong luha ko pero.....


"Waaaaaaah! Nakakainis naman kasi eh!!" Hindi ko na talaga magawang pigilan kaya iniyak ko nalang. Isinubsob ko pa 'yong mukha ko sa kama at inis na inis na sinusuntok ang foam. 


Paano kapag binilangan na naman ako ni Jinno? No.....nooooo!


"Ayoko naaaaaaa!!" 


"One" Napabalikwas ako't napatayo sa kama dala ang unan na ipinanharang ko sa kalahati ng mukha ko nang marinig ko ang striktong boses ni Jinno.


Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa mapasinghap ako nang makita ko siyang nasandal sa hamba ng pinto ng banyo. Oh no! Bakit ba ipinagyayabang niya 'yong abs niya sa 'kin eh hindi naman nakakainggit! 


"A-anong g-ginagawa mo rito, Jinno?" Tanong ko sabay atras pababa ng kama. 


"This is my room." 


"Eh?" Inilibot ko pa ang paningin ko hanggang sa may napagtanto ako. Napatakip ako ng bibig matapos kong mabitawan ang unan na hawak ko. 


"S-sorry...." Tumungo ako, "Akala ko kasi....ano naging emotional lang kasi ako kaya hindi ko namalayang iba pala 'tong room na napasok ko." I bit my lower lip at umatras pa palapit sa pinto. H'wag mo 'kong bibilangan, Jinno, please. 


Bigla akong kinabahan nang umalis siya sa pagkakasandal sa pinto at naglakad palapit sa...."Wait lang, Jinno!!" Pigil ko sabay harang ng dalawa kong kamay. 


Tumigil naman siya pero halatang nainis sa ginawa ko. Hala! Ayan na naman galit na naman siya! "Ba't ba sumisigaw ka?" 


"Eh kasi naman! Bakit ikaw sumisigaw ka rin naman!" Pagmamaktol ko. "Sinigawan mo nga kami ni Zion kanina eh."


"Ano?" 


Bingi ba 'to? 


"Bakit ka kasi sumisigaw, Jinno? Eh si Zion at Leigh naman kasi dinadaya ako! Nakakainis lang tapos sinigawan mo pa kami, edi hindi nalang namin itinuloy 'yong laro. Sayang 'yong taya ko eh."


He scratched his neck at umigting ang panga niya kaya napayuko nalang ako. Galit na nga. "Sorry...Aalis na ako. Sabi ko nga kasi maingay kami." Tumalikod na ako and I was about to twist na 'yong doorknob nang hawakan din 'yon ni Jinno para pigilan ako. 


I gasped when he held my shoulder tapos ay isinandal niya ako sa pader...Hindi ako makagalaw at hindi makapagsalita dahil seryosong-seryoso siya. Nakakainis naman eh! Ito na naman naiiyak na naman ako! 


"Jinno, n-nagsorry na ako d-diba?" Pilit kong pinipigilan 'yong luha ko pero hindi ko talaga kaya dahil baka mamaya pilayin ako nitong si Jinno eh kami pa namang dalawa lang 'yong tao rito, 'yong iba nasa baba pa nagsasaya. 


"Do you like, Zion?" Tanong niya pero mahina lang. 


"Eh? Bakit mo tinatanong kung----"


"Sagot, Daniella Kate. Do you like Zion?" Mas lalong naging seryoso ang mga mata niyang nakatingin diretso sa mga mata ko. Humigpit din ang kapit niya sa baywang ko. Ayoko talagang nakikitang ganito ka-seryoso si Jinno, 'yong seryoso na parang mananakit siya. 


"Parang crush gano'n?" Paniniguro ko, pero hindi naman siya sumagot kaya nagsalita ulit ako, "H-hindi ko naman siya crush, Jinno. Naiinis nga ako sa kaniya kasi ang daya niya." I pouted. Naalala ko na naman 'yong taya ko! 


Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jinno kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya at nakangiti na siya! Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi niya para iharap sa akin at makita ng maayos kung talaga bang ngumingiti siya. 


"Anong ginagawa mo?" Nakakunot na tanong niya. 


"Hindi ka na galit?" 


"I wasn't." Sagot niya at dahil sa sagot niya naitulak ko siya palayo sa akin. "Ano bang----"


"Eh bakit ka sumisigaw kanina? Akala ko naman galit ka, kinabahan pa-----"


"I wasn't mad. I was jealous." 


"Eh?" Wala akong ibang masabi dahil sa sinabi niya. Selos? Saan? Kanino? Napangiti ako ng malawak nang may ma-realize. 


"Kay Novaleigh at Zion ba, Jinno? Naku, walang gusto 'yon sa isa't isa kaya don't be jealous okay? Promise, wala talaga. Gusto mo ilakad kita kay Leigh? For sure, crush na crush ka nun." Excited na alok ko. 


Napapikit siya ng mariin na parang frustrated na naman. May nasabi na naman ba akong mali? 


"Daniella!!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Zion at ang yabag niyang palapit. 


"Jinno babies!!" Sumunod naman si Leigh. 


"Kakain na siguro. Tara na Jinno." Bubuksan ko na dapat ulit ang pinto at "We're-----" 


Mabilis na tinakpan ni Jinno ang bibig ko tyaka ako iniharap sa kaniya at isinandal sa pader kasabay ng tunog ng pag-lock ng pinto at pag-off ng ilaw. Tanging 'yong lampshade lang sa bed side ang naiwang nakasindi. 


"Quiet, Daniella Kate." He whispered at feeling ko nakiliti ako sa ginawa niya. 


Tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. 


"Jinno!!" napasinghap ako nang makarinig kami ng malakas na pagkatok ng pinto ng kwarto kung nasaan kami, pero mas kinabahan ako nang marahang ipinadausdos ni Jinno 'yong kamay niya sa pisngi ko. Hindi man lang pinansin ang kumakatok na si Zion.


"How could you still be this pretty even in the dark, Daniella Kate?" 


Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ako? Maganda? 


Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin at alam ko na kung ano ang gagawin niya kaya inunahan ko na siya. 


"Jinno, hahalikan mo ba ako?" 


Natigilan siya at tiningnan ako diretso sa mata, "Kung ayaw mo...may magagawa ba 'ko?" Bumuntong hininga siya at feeling ko biglang bumigat ang pakiramdam niya, pati tuloy ako nagsising nagtanong pa sa kaniya. 


"Eh di ba 'yong kiss, ginagawa lang naman 'yon ng mga couples? Eh bakit tayo, hindi naman kita boyfriend at hindi mo naman ako girlfriend..." Napayuko ako but then I felt him held my chin up para magpantay ang tingin namin. 


"Pwede ba kitang maging girlfriend kung sakali? Pwede bang maging tayo?" Tanong niya na nagpatahimik sa akin. 


Nampa-prank ba siya? Napakurap-kurap ako. Dahil hindi ko alam ang isasagot ko ay natawa nalang si Jinno ng mahina tyaka hinalikan ang ibabaw ng ulo ko. 


"Hintayin mo 'ko, magbibihis lang ako sandali." Tumalikod siya sa akin at nang makita kong tatanggalin na niya ang suot niyang tuwalya pambaba ay mabilis akong tumalikod. Narinig ko pa ang nakakaloko niyang pagtawa. 


Tinatanong ba talaga ni Jinno kung pwede niya akong maging girlfriend? Na maging kami? Na as in boyfriend ko siya tapos girlfriend niya ako? Eh 'di ba kapag gano'n gusto ni'yo dapat ang isa't isa? 


Napahawak ako sa puso ko dahil sobrang bilis ng kabog. Eto na naman eh! 


"J-jinno?" Kinakabahan kong tawag. Hindi naman siguro masama kung itatanong ko noh? 


"Hmm?" 


"G-gusto mo ba ako?" 


Wala akong narinig na sagot galing sa kaniya kaya napayuko ako. Sabi ko nga kasi, silence means no. Feeling ko tuloy kinurot 'yong puso ko. Hindi naman kasi palagi ang ibig sabihin ng silence ay yes. 


"Baka kanina pa sila naghihintay sa labas. Tara na." Mabilis kong pinihit ang doorknob para makalabas. Hindi na rin naman ako tinawag ni Jinno. Buti nga hindi siya kaagad sumunod eh. 


Eh kasi naman! Pagkalabas ko nag-unahan na sa pagtulo 'yong mga luha ko. Nakakainis! Eh bakit ba kung ayaw niya sa akin? Ang sabi niya maganda lang naman ako? Tinanong lang din naman niya if gusto ko maging GF niya? 


Naiinis ako dahil hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko. Ganito ba 'yong feeling kapag aware ka na pinagti-tripan ng isang lalaki 'yong nararamdaman mo? Parang may naka-barang tinik sa dibdib ko. 


"Daniella Kate!" Napatigil ako sa paglakad nang marinig ko ang boses ni Jinno. Gusto kong humarap sa kaniya pero parang may nagtutulak sa akin na umalis nalang. 


"May sasabihin ako"


Alam ko na 'to eh! Kanina hindi siya nakasagot kung gusto niya ako o hindi. Ngayon sasabihin na talaga niyang hindi. Nooooo! 


Sa sobrang kaba ko ay tumakbo ako palayo. 









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top