Chapter 47.3
Bluevale Villa
ELLISSE ZERINA
"What's with the deep thinking, hon?" I felt his warmth behind me. His arms wrapped around my waist and it never fails to soothe me pero hindi parin sapat 'to para mabawasan ang iniisip ko.
"Do you have any idea who's this F?" Diretsa kong tanong. Nanaig ang sandaling katahimikan bago kumalas si Renzo sa pagkakayakap sa akin bago ako hinawakan sa balikat para iharap sa kaniya.
"I love you" He said with a smile. Seriously?
"H'wag mo 'kong dinadaan sa I love you, I love you mo, Lorenzo. Answer my d*mn question, Mr. Hilton."
He chuckled. Ito na naman ba, nagsisimula na naman siya. D*mn it!
"Fine. I'll tell you." Itinaas pa niya ang magkabilang kamay tanda ng pagsuko pero hindi naalis sa labi niya ang ngisi. "Honestly, I don't even have an idea who this f*cking F is."
Napakunot ako, "Hindi ka ba nababahala sa threat na binigay niya? I mean, you look calm."
He smiled and planted a kiss on my forehead, "What's there to make me anxious? The threat was directly to Serpent not to you, so I guess there's nothing to worry about?"
"What?" Mas lalo akong napakunot. Sarkastiko akong natawa, "Are you crazy? It was directly to Serpent, Renzo. Sa SERPENT SOCIETY. Naintindihan mo ba 'yong gustong iparating ng sender? This person is talking about your downfall, your group's downfall." Pagpapaliwanag ko pa pero hindi man lang nag-iba ang reaksiyon niya.
"And so?"
Napapikit ako ng mariin dahil nafa-frustrate na naman ako sa takbo ng utak nitong lalaking kausap ko. But before I could even speak, inunahan na niya ako.
"They can try. Anyone's welcome to invade Serpent, hon. No one's stopping them." Kalmadong sagot niya na wala man lang bahid ng pagkabahala. Is he really used of the threat?
"Hon" He called me and I had nothing to say but sighed.
"Don't you trust me?" He asked.
"That's not my point. Aware naman akong kayang-kaya mong pabagsakin at tapusin lahat ng sino mang magtangkang pabagsakin ang Serpent, pero kasi Renzo, things won't always play in your favor. Holding the reign of the most powerful mafia group is not enough reason to underestimate your opponent. No matter how good, great, or clever we are in a game, there are always people out there who are better than us. Who could outwit us."
Sa haba ng sinabi ko tanging ngiti lang ang isinukli niya. He gave me a smack on my lips. "I know, hon. I'm not belittling our opponent, I'm letting them do what they want because that's how I play. If you want to know more about the capability of the other players, play with them and watch how they move. You can't win if your focus is only to take them down."
He had a point kaya hindi na ako nakipagtalo. "So, what's your plan about F? Play along with the threat?"
Dumagdag pa kasi 'tong hampas lupang F na 'to hindi pa kami tapos kay Mr. X. Sinong next huh? Si R naman siguro tapos si L. Tss!
"Our priority is Mr. X. Let's leave the unknown sender for now."
"Tungkol nga pala saan 'yong meeting ni'yo kanina?" I asked dahil kanina parin ako kating-kating tanungin ang tungkol do'n.
"I gave the gang a task to dissolve a group of stupid assholes." Nakangising sagot niya. Magtatanong pa sana ako nang...
"Commander" Sabay kaming lumingon ni Renzo kay Axcel. "Ayos na po 'yong yatch."
I looked at Renzo and before I could even say a single word nahila na niya ako.
"Stay here. We'll get back tomorrow morning." Malamig pero may awtoridad na wika niya habang hila ako.
"Walang problema, Commander. Kami ng bahala rito sa villa." Sagot ni Axcel na kinindatan pa ako nang magkatinginan kami't malampasan namin siya.
At sa'n na naman kami pupunta?
Nadatnan namin ang iba na nasa pool side. They're loud at halatang enjoy na enjoy sa pagpa-party. Napatigil pa sa pagkanta si Novaleigh nang makita kami. Halos lahat sila nakatingin na sa amin.
"May problema ba, Commander?" Jinno asked.
"Nothing. Just stay here for tonight and make sure you pull off the task I gave you." Striktong sagot ni Renzo.
"Bukas na bukas, Komander!" Saludo ni Nick.
Teka, bakit nga pala wala rito si Rix? Ngayon ko lang napansin.
"Bye, Ell!"
"Ingat kayo!"
"Enjoy the night, Royal Knightress!"
"Take care!"
I just smiled and waved at them habang hila ako ni Renzo palayo sa villa. May dinaanan kami para makababa ng cliff papunta sa dagat kung saan nakaabang ang isang yate. Mababa lang naman ang cliff kaya hindi delikado.
"Where are we going?" Tanong ko.
"To our last appointment today." Nakangiting sagot ni Renzo matapos niya akong alalayang makasampa sa yate.
"Nasa'n nga pala si Rix?" I asked habang nakatingin ako sa villa na tanaw parin habang papalayo na ang yateng sakay namin.
"Na-miss mo na naman ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ng taong hinahanap ko. WTH! Nakapang-summer short pa talaga at ibinalandra ang katawan....
"Put your f*cking shirt on, asshole. You're showing your bones too much." Sita sa kaniya ni Renzo bago tinungo ang counter bar. Hindi naman mabuto 'tong si Rix, may abs nga, sadyang mapanlait lang 'tong si Renzo, tss.
"G*go talaga ng Lucifer na 'to." Natawa ako dahil sa pabulong na reaksiyon ni Rix. What did he call Renzo? Lucifer? D*mn! Well, I felt him why he came up with that codename.
"Bakit nandito ka? Why didn't join the rest on the villa?" I asked as I started exploring the place.
"Wala, trip ko lang, ba't ba?" Sagot niya. Tss, Rix will always be Rix.
"I asked him to accompany us." Si Renzo ang sumagot sabay hagis niya ng beer in can kay Rix na kaagad naman nitong nasalo. Isinuot niya ang shirt niya at naupo sa single couch. Renzo did the same accross Rix after he handed me a large cup of avocado ice cream.
"Thanks"
He smiled at me bago itinungga ang beer in can.
D*mn! Ito 'yong hinahanap ko kanina pero wala. Excited akong naupo sa couch sa harap ng mesang nasa pagitan nila at sinimulang lantakan ang ice cream.
"How's Marquez?"
Pagkasubong-pagkasubo ko ng kutsara ay napakunot ako kaya napatingin ako kay Rix. "Sa condo muna raw siya mananatili hangga't 'di pa natotodas si Angel Lazarte." Sagot niya.
"Nakauwi na si Creid?" Pagsawsaw ko sa kanila.
"Last week pa." Sagot ni Rix na siyang bahagyang gumulat sa akin. Then did Dhale knows it?
"Anything about Mr. X?" Renzo asked again. Talagang si Rix ang inuutusan niyang mangalap ng impormasyon ng palihim huh?
"Paabot nga ng Ipad sa tabi mo, Ell." I did what he asked me to. May kinulikot siya sandali sa Ipad bago 'to ini-slide sa mesa palapit kay Renzo.
"What the f*ck?" Halos pabagsak na inilapag ni Renzo ang beer in can sa mesa habang tutok na tutok ang atensyon niya sa phone. "Are you f*cking sure about this?" Paniniguro niya.
"Ayan ang nakunan ko. Tugma lahat ng schedule niya sa schedule ng business meetings ni Mr. X kaya walang duda, and ipinagtataka ko lang...ba't siya?"
Napakunot ako sa huling salitang sinabi ni Rix kaya naman lumapit ako kay Renzo para silipin ang tinitingnan niya sa Ipad.
It was a photo of a man na papasok ng kotse. Naka-side 'to at medyo naharangan ang mukha niya ng isa sa mga tauhan niya, pero maliwanag ang picture, hindi nga lang pamilyar sa akin kung sino.
I looked at Renzo na malalim na nag-iisip. Does he know the man on the photo?
"Isusunod ko na ba sa mga tatapusin?"
"No. Not too fast." Sagot ni Renzo bago tumayo at naglakas palabas. I looked at Rix, mentally asking him what's the matter pero nagkibit-balikat lang siya kaya sinundan ko nalang si Renzo.
Naabutan ko siyang nakasandal sa railings at malalim parin ang iniisip. Minsan kapag nakikita ko siyang ganito, pilit kong gustong basahin ang iniisip niya pero kahit anong subok ang gawin ko, he still remains mysterious.
Sa halip na buksan ang topic tungkol sa picture na ipinakita ni Rix, minabuti ko nalang munang h'wag 'yon ang pag-usapan. We have loads to think. Si Mr. X, 'yong unknown group and that d*mn F sender. Mas mabuti kung iset-aside nalang muna namin kahit ngayon lang.
I cleared my throat to get his attention and that's what happened. Inalis niya ang pagkakasandal ng maskulado niyang mga braso sa railings para harapin ako.
"You know what, Renzo, I've been asking myself lately....why does it seems like you knew everything about me." I started. Tiningnan ko siya sa mata at kahit siya ay diretso lang ang tingin sa akin. D*mn! Why is it so hard to read this man?!
I went on, "Kilala ako ni Sir Nourhi. I mean, we're close dahil sobra ang tiwalang ibinigay niya sa akin during my times working on MCA as the CEO's sec. Hindi ka naman siguro nagpa-background check tungkol sa akin kay Sir Nourhi 'di ba? I know, you won't do that, because it would only waste your time. Besides, I've known Sir Nourhi for a long time. He won't give you any details about me especially those personal little things about his secretary like my favorite food and so on....maliban nalang kung blinackmail mo siya."
He raised his brow, "Well, I can get whatever I want, Zerina without even making too much effort to blackmail someone."
I shifted my glance to the horizon where the sun is setting. Huminga ako ng malalim at lumapit sa railings tyaka hinawakan 'to. What more would I expect from this man? Madalas kapag nagtanong ako, hindi direktang sagot ang binibigay niya sa akin.
"Alam mo bang isa sa mga wish list ko ang makapasok sa Museo Del Grande?" I smiled as I remember the moment I had there with Renzo. "I was so curious about that place. Hindi ko pa noon alam na konektado ang lugar na 'yon at ang mga Stanford sa mafia. You know, I just love museums. The silence, the history, and the meaning of old and modern art crafts living inside. Feeling ko nagta-time-travel ako."
Ramdam ko na nakatingin parin si Renzo sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagku-kwento. "I thought it was just a coincidence. Since Museo Del Grande is a great place for a date, well at least for me, of course, why not take me there? Besides, you have connection with the Stanfords. And then...you took me in Montana Peak for a dinner..." Tumigil ako para pigilan ang nagsisimulang luhang namuo sa mga mata ko.
"The setup of that dinner date left me a question until now...bakit lahat ng nakita ko no'n gabing 'yon, tugmang-tugma sa dinner date na pinangarap ko?" I smiled bitterly when I remember my supposed-to-be-last-date with my d*mn ex. It was the day we broke up, at 'yong dinner date na pinangarap kong ma-experience noon, kay Renzo ko 'yon naranasan.
"You even got my favorite flowers. Even the foods na simula palang nagtataka na ako kung bakit laging paborito ko ang nakahain. From the dessert, everything...and now this...." I shifted my gaze to him. Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil tuluyan na 'tong tumulo.
"Alam mo ba na ito 'yong last na nasa dating wish ko?" I looked around at mabilisang pinunas ang luha ko. "The yatch...the sunset...." I looked at him directly in the eyes, "with the man I love I want to be with."
D*mn it! Tumulo na naman ang luha ko kaya pinunas ko 'to. "How, Renzo? How did you know all of these? Alam mo bang....granted na lahat ng nasa dating wishlist ko?....And you....You granted all of those."
He cupped my face and gently wiped my tears, "Because I want to give you anything. Everything that makes you happy...except if you ask me to leave you, because you know I won't allow that. Never, in any lifetime, hon even if the time would ever come you're going to beg me for it."
"D*mn you, Mikael Lorenzo" I whispered tyaka ko siya niyakap ng mahigpit. I heard him chuckle.
"It doesn't matter how I learned everything about you even the smallest details of you. I love you, Ellisse Zerina, since day one, and I love you even more, hon. Today and to f*cking eternity."
Mas lalo lang akong naiyak kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya at hinayaan ang sarili kong nakasubsob sa matigas niyang dibdib. This moment might be the scariest time of my life, because I know, anytime everything could possibly change. That's life anyway, sometimes we gain something, sometimes we lost something. Nakakatakot lang isipin na 'yong mapapala natin puro sakit at pahirap tapos 'yong sobrang gandang bagay na minsan na nga lang dumating sa buhay mo 'yon pa ang mawawala.
I badly want this time to remain this way, but as long as our life is still in danger, it's better not to expect a happy ending at all. At the very least, I don't want to disappoint myself again with my own expectations of fairytales. I just want to treasure the present and whatever happens, happens but one thing is for sure...as much as I can change the possible outcome of the game that hasn't started yet, I will.
I don't want to lose this love.
I don't want to lose this man.
I don't want to lose my life with him. With the people I treasure.
Not again.
I bit my lower nang inangat ko ang tingin ko kay Renzo pero nanatili ang mga kamay kong nakapulupot sa katawan niya. Medyo nakayuko siya para makita ako. He gently wiped my tears through the back of his palm. He kissed my forehead bago ibinalik ang tingin sa akin dala ang ngisi. "I can grant your wishes twice, thrice or even more as how many times you want."
I couldn't find the right words until something flashed in my head. If I don't say it now, then when would be the right time? Kailan pa ang tamang panahon kung araw-araw walang kasiguraduhan ang buhay ng bawat isa sa amin?
"Renzo....I------"
"Mamaya na 'yan. Malapit na tayo"
"What the f*ck, you asshole!!"
Napabitaw ako kay Renzo nang magsalita si Rix mula sa upper deck ng yate. WTH? Kanina pa ba siya nando'n? May hawak siyang benocular at kasalukuyang sumisilip do'n.
"Hey, what it is you're saying, hon?" Tanong ni Renzo sa akin, hinawakan pa ang balikat ko para makuha ang atensyon ko mula sa pagkakatingala ko kay Rix sa taas ng yate. I looked at Renzo. Desperado ang mga mata niya and I know he already had in idea what I was going to say. Istorbo kasi 'tong isa naming kasama, tss.
Tiningnan ko ulit si Rix na abala parin sa pagsilip sa benocular. Tss. This man. Sa dami ng oras na pwedeng sumingit, ngayon pa talaga.
Tiningnan ko si Renzo at mabilis siyang ginawiran ng halik sa labi. "I still need an answer how you got to know me well, Mr. Hilton."
...
Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa isla. Nakasunod lang si Rix sa amin habang hawak ni Renzo ang kamay ko. Napaangat ang tingin ko sa cliff kung saan kami palapit. Inilibot ko pa ang tingin ko pero wala man lang akong makitang ni isang islander o mga cottage rito. I turned my gaze back to the cliff. Medyo malawak at may kataasan 'to kompara sa nando'n sa Bluevale.
"May property ka rin ba riyan sa taas ng cliff na 'yan?" I asked. Nagtataka lang talaga ako dahil mukhang wala namang kaming pwedeng daanan paakyat.....
"What the hell?" Napatakip ang isa kong kamay sa bibig ko nang tuloy-tuloy naming pinasok ay may kalakihang butas na mukhang ipinasadyang route para sa tao.
Para kaming pumasok sa kweba pero hindi gano'n kadilim dahil binibigyang liwanag ng mga wall bulb ang daanan papasok. "Another underground huh?"
Hindi ko na yata mabilang kung ilang hideout ang mayro'n 'tong lalaking 'to, pero mukhang ito 'yong pinakatago sa lahat.
Tumigil kami sa harap ng pinto ng elevator. Tumapat si Renzo sa gilid ng pinto to scan his eyes and it opened. WTH! Ang high-tech naman masyado ng lugar na 'to. Imagine, may elevator pa. What would I expect from a Hilton?
"Masyado naman yatang private ang last appointment mo." I commented at ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto. Rix came out first before us.
"For safety, hon." Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Renzo sa akin habang hila ang kamay ko. I felt something weird. Parang bigla akong kinabahan.
"We're not here to kill another bastard, are we?" Paniniguro ko dahil hangga't maaari ayoko ng maulit 'yong maso-sorpresa na naman ako katulad sa nangyari do'n sa decoy ni Blythe Kenzo.
"Of course not, hon." Renzo smiled at me matapos niya akong tingnan at patuloy na hilain papunta sa...
"D*mn!" Halos mapabitaw ako sa kamay niya nang bumungad sa akin ang garaheng may nakaparadang burgundy red na sports car. "Is that a McLaren 765LT?" Nilapitan ko 'to para haplusin.
I was about to say "I'll drive" kaso...
"Get in."
"Tss" Padabog akong pumasok nang bumukas ang pinto. Si Rix naman ay sumakay sa big bike at nauna na sa amin.
May underground door ang unti-unting bumukas pataas nang malapit na kami rito. Bigla na naman akong kinabahan at hindi ko alam kung dahil ba sa mabilis na takbo ng sasakyan o may iba pang dahilan.
Kanina lang natatanaw ko mula sa baba ng cliff at sa yate 'tong mga punong nadaraanan namin. I don't know what trees are those, pero matataas at matataba ang mga trunk nito. Parang umaakyat kami sa bundok dahil pataas ang daan at halos paliko 'to.
Hindi tanaw ang island na 'to mula sa Bluevale dahil may mga nadaanan pa kami kaninang naglalakihang mga bato at virgind island na nagmukha talagang gubat sa paligid ng dagat, at medyo malayo-layo rito ro'n. I didn't expect this land to be this wide. Masyadong matago ang lugar na 'to.
Hindi pa man naipaparada ang sasakyan, tanaw ko na mula sa bintana ang isang villa na kakaiba ang pagkaka-disenyo. WTH! This is too much!
"Ilang villa ba ang meron ka, Mikael Lorenzo?" Natatawa kong tanong sa kasama ko matapos niyang iparada ang kotse sa harap ng villa.
"I think, more than 54? Exclude those not around Asia."
Napanganga ako sa sagot niya. More than 54 at sa Asia palang 'yon? Seriously?
"Feel free to explore the place, hon." He smirked bago siya naunang lumabas at kaagad ko namang sinundan.
Simple lang ang lugar pero ang fancy at ang komplikado ng pagkaka-disenyo. There's a mini lake on the right side of the front house. May dalawang pabilog na rooftop ang infinite style na bahay at pinalilibutan ng mga matataas na puno ang buong villa.
"Let's get inside." Hinila ako ni Renzo papasok. Hindi ko na namalayan kung saan nagtungo si Rix.
May dapat pa ba akong ika-sorpresa sa loob? There is! Every corner is in minimalist style with the theme of gray and black, mula sa pader, sa kisame at sa sofa na nasa living room.
"How's the adventure so far, Ms. Knightress?" Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa kaliwa kung nasaan ang bar counter.
"What the hell! Anong ginagawa mo rito, Kuya?" Gulat na tanong ko habang kalmado lang siyang nagsasalin ng alak sa baso. Nakaupo naman si Rix sa stool chair patalikod sa amin habang kaharap niya ang laptop sa bar counter.
Wala akong nakuhang sagot kay kuya so I turned my gaze to Renzo na nakaupo na sa couch, naka-dikwatro at prente pang nakasandal ang likod sa backrest habang abalang nilalaro ang rubics cube. "Did you call him here?" I asked.
"Why would I? His presence is too unwanted for me to summon him here." Sagot niya bago itinigil ang paglalaro ng rubics dahil nabuo na niya 'to. He looked at me and smiled. "If there would be a last asshole I wanted to see today except for Beaurix, it's your brother, hon."
Nakarinig kami ng pagkasa ng baril kaya napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakatutok na ang baril kay Renzo. Namilog ang mga mata ko. "Ano ba?! Magsisimula na naman ba kayo!"
"You're the asshole, Lorenzo." Madiing wika ni Kuya ng hindi parin inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Renzo.
"No. We are, Elijah Mint." Sagot ng kasama ko habang cool at walang pakealam sa presensiya at sinabi ng kapatid ko. Napapikit ako ng mariin dahil hindi man lang nila ako nagawang pansinin.
"You know what, if we only came here to continue your d*mn rivalry, I'd better leave." Tumalikod na ako but before I could even make steps...
"Hon"
I heaved a sigh and look back at him. Ilang segundo akong nakatitig sa mga mata niya na parang kinakausap ako nang biglang magsalita si Rix.
"Hindi ba bukas pa ililigpit ng gang 'yong grupo ng mga alipores ng unknown group?" Napatingin kami sa kaniya na subo ang lollipop at bored na bored na kaharap ang laptop.
Napakunot si Kuya at inagaw ang laptop palapit sa kaniya tyaka padabog na inilapag ang baril sa counter. His eyes got widened in a surprise. "T*ng ina"
Mabilis niyang nilisan ang bar counter sabay hablot ng baril at hinugot pa ang isa sa likod niya.
"What's happening, Kuya?" Nag-aalalang tanong ko.
"Pati 'yong drug storage sinunog. Bilis naman ng gumawa nito." Rix added habang tutok ang tingin sa laptop. I looked at Renzo and to my brother na hindi mapakali dahil pabalik-balik siya ng lakad.
"I thought you're keeping an eye to her, Elijah?" Tanong ni Renzo na tumayo na rin sabay salo ng baril na inihagis sa kaniya ni Rix.
"F*ck! She was here earlier. I even checked her...." Natigil si Kuya at napatingin kay Renzo.
"Of course, you did without even knowing the blueprint of this place. I have a secret underground route here just so you know." Kalmadong saad niya habang inaayos ang magazine ng baril.
"T*ngina! Ba't ba kasi ang daming hidden route dito sa bahay na 'to!" Reklamo ng kapatid ko na hindi parin mapakali hanggang ngayon.
"Ano bang nangyayari? Baka naman gusto niyong ipaliwanag sa akin kung anong nangyayari 'di ba?!" Sarkastiko kong singit dahil nakakainis na ang paghi-hysterical ng kapatid ko.
"Your----"
Bago pa matapos ni Renzo ang sasabihin niya ay nakarinig kami ng tunog ng pagbukas ng elevator sa kanan kaya napatingin kaming apat rito at inabangan kung sino ang lalabas.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko nang tuluyan na 'yong bumukas.
A woman wearing a fitted battle attire with guns on both of his hands na nababalutan ng leather gloves. Katulad ko hindi niya inaasahang makikita ako. Nabitawan niya ang hawak niyang baril at nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya habang palapit sa kinatatayuan ko. I as well felt the tears forming in my eyes.
"Ellisse...."
"Ma...." Bigkas ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top