Chapter 46.2


Filiergo Villa

DANIELLA KATE AVILAR


Kaagad kong hinanap ang file folder na ipinapakuha sa akin ni Dhale. She's busy kasi sa CIT dahil kasalukuyan ang mission ng gang to eliminate the rest listed on the dark list. She won't ask someone to do the leg work unless wala na talaga siyang choice so she asked me if pwede ko bang kunin ang file dito sa villa ni Rix. I'm also a CIT member pero pupunan muna ng iba ang spot ko at si Dhale na ang nag-explain sa Chairman at Director.


Rix's villa is a HUGE property and super daming rooms kaya hindi problema ang accommodations namin every time we're having a plan to party and stay in here kahit pa ilang araw. Each of us, alam na namin ang pasikot-sikot dito kaya hindi na ako nahirapan pa na hanapin ang room na sinasabi ni Dhale where I can find the folder. She told me na it's a confidential file about the darklist. She even reminded me to take care of it.


From the third floor, kaagad kong pinuntahan ang pinaka-dulong part ng pathway and then I turned from my left kung sa'n may pathway na naman and then sa pinaka-last, there's the room. When I entered, I was greeted by the smell of books. Mukha 'tong malawak na library dahil sa dami ng libro. May study table din na nakalagay sa center and from it's left side, may desktop. There's also an upper deck from the left, may study table din do'n and sa right naman may upper deck din at study table. And from the center upper deck, 'yon ang area kung saan may magkaharap na single sofa and a table in between. Madalas ito ang ipinapahiram sa amin ni Rix every time na need namin ng peaceful and safe na room para magtago ng files and to study cases as well, but among us, si Dhale talaga ang madalas dito.


From the table placed at the center, may drawer do'n na passcode-protected. I touched it and then lumabas ang maliit na LCD with keypad device, then I entered the code na ibinigay ni Dhale sa akin. When it opened sumalubong sa akin ang color brown na envelope na siyang kaagad kong kinuha bago ko sinara ang drawer and took my way out of the room.


Mag-stay pa sana ako to check if there's something to eat sa ref ni Rix dahil gutom na rin ako. I haven't eaten anything yet since kanina, oatmeal at banana lang sa breakfast. We're too busy so I have to set this hunger aside muna, kinakaya ko pa naman.


Paglabas ko ng mansyon, I took my phone out to check the time. Tapos na kaya ng gang ang mission nila? Inilabas ko ang susi ng kotse, clicked the unlock key button bago ako pumasok sa loob. To secure the file, I placed the folder on the top-storage of my car. It's also a passcode-protected and obviously, si Rix ang inventor nito, only Nick was the one who installed it. Even Axcel, Dhale, Tanya, and the rest of us may mga ganito silang high-tech secret storage sa sasakyan, iba-ibang location nga lang nakalagay.


I started the car's engine and drove my way out of the villa. Automatic naman ang gate. It has car's sensor kaya hindi na ako bumaba pa para isara 'to at I-lock. Rix friends' cars ay naka-register sa security system ng gate kaya pili lang din ang nakakapasok dito. Mostly, Serpents. Unregistered cars aren't allowed unless it has Rix's permission from the inside. Connected kasi sa isang device na hawak niya ang buong security system ng villa, so he's the key to open anything inside and outside of this villa. This is Rix's property after all. Lahat yata ng gamit dito sa villa niya high-tech eh.


Kung tama ang tansiya ko, I think nakalayo naman na ako. I'm already driving for about fifteen minutes then nakaramdam ako na parang pumapalya ang makina ng kotse so nag-park muna ako sa tabi to check. 


Checking the car's engine isn't too hard for me. They say nga na kapag may car ka of course dapat alamin mo rin ang basic knowledge about sa mga sasakyan para kapag nasiraan ka edi you know the basics kung pa'no to gawin, but unlucky of me, pagbukas ko ng hood,makapal na usok at init ng makita ang bumungad sa akin.


Of all times, ngayon pa tumirik 'tong kotse ko, and of all places dito pa sa walang katao-taong area. I know the basic naman to fix this car, but hindi ko kaya ng mag-isa 'to, and besides kailangan ko rin mag-rush to bring the file kay Dhale.


I have no choice but to contact her. Kaya I-dinial ko kaagad ang phone number niya, pero naka-ilang rin na rin ay hindi pa niya sinasagot. I called her twice pero wala pa rin. 


The CIT's busy, Daniella, of course. 


I tried calling Tanya pero unattended naman ang kaniya, so I called Leigh, nagbabakasakaling sagutin niya, pero unattended din, gano'n din si Axcel, Nick and Rix.


Pakiramdam ko nga maiiyak na ako sa frustration. Ramdam ko na rin ang gutom tapos ang layo ko pa sa ma-taong lugar. What if someone salvage me here? 


You can't blame me thinking something absurd here, but there's a possibility lalo na sa panahon ngayon. I couldn't think na may good samaritan na dadaan sa lugar na 'to just to offer me help. Mas naiisip ko ang danger na possible kong ma-encounter sa mga oras na 'to.


I didn't know kung ilang beses ko pang kinontak sila Dhale, but still she didn't pick. I frustratedly shut my eyes. It took me seconds bago ko na-realize na may isang tao pa pala akong hindi nako-call so I got to my contact, scrolled down looking for his name.


"Please, answer me..." I whispered pleading. Ilang beses na ring nagri-ring. "Come on, Jinno...." I bit my nail. 


I have called him ilang beses na rin, pero dati agad naman niyang sinasagot tapos ngayon kung kailan need ko ng tulong niya, ngayon pa niya yata balak....Oh yes, he's the head of the gang so obviously he's also busy with the darklist elimination. Mukhang kailangan ko pang maghintay rito for how many hours.


Malungkot kong ibinaba ang phone, pressing the end button. Napaupo ako't isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Kung alam ko lang na this will happen, sana dumukot muna ako ng ice cream sa ref ni Rix para naman 'di ako ma-boring maghintay rito. I left a message from Dhale to inform her baka mag-alala pa siya sa akin and sa file na hawak ko.


Nakatingin lang ako sa kawalan. Wala talagang masyadong dumadaan dito. Wala kayang maliligaw rito? Please, kahit isa lang, sana 'yong may mabuting puso. Pinagdikit ko pa ang mga palad ko, silently wishing for a miracle. I sighed as I realized how ridiculous my wish is. Bahala na nga, I'll wait here nalang hanggang mamaya.


I checked my phone again and I was surprised when it lit up. I didn't know how long my smile reached my ears. I quickly pressed the answer button. "Jinno!"


"Ba't tumawag ka?" He asked. Ang ganda talaga ng voice niya kahit over the phone.


Napatingin ako sa naka-bukas pa rin na hood ng kotse. I pouted, "I got a problem here. Sorry ah? Alam ko namang busy ka. Eh kasi naman 'di sinasagot ng iba 'yong tawag ko. May pwede ka bang I-call para puntahan ako ngayon? Nag-overheat kasi 'tong kotse ko eh. Galing ako sa villa ni Rix."


I know Jinno. He has lot of connections and I'm sure may pwede siyang utusan na tulungan ako ngayon. I wanted to ask him kung pwede ba niya akong puntahan, but he's in a mission eh, kaya it's better to ask him call someone to help me nalang.


[May malapit bang convenience store dyan? Do'n ka muna. 'Wag kang aalis. Hintayin mo 'ko.]


Siya talaga mismo ang pupunta? I pouted looking side by side. Kahit nga sasakyan walang dumadaan dito eh! 


"Next time sasabihan ko na si Rix na magpatayo ng malapit na mall dito o ice cream parlor para 'di ako maboring."


[You mean you're in that remote road to Filiergo?] Tanong niya, medyo nag-iba ang tono ng boses. Mas lalo tuloy akong napa-pout. Kumalan pa 'tong tiyan ko kaya napahawak ako rito. "'Di ba, Jinno 'di naman totoo 'yong sinasabi nilang mga taong sina-salvage sa mga ganitong lugar?" Walang malay na tanong ko hawak parin ang tummy ko. Just to sooth the fear about the danger that I could possibly encounter here, talagang pati si Jinno ay natanong ko pa. Hayst.


[May dala ka bang baril?]


"Eh?"


[Baril kako. Kung may dala ka, ihanda mo. Papunta na 'ko.]


Napakunot ako. "Nakalimutan mo na ba Jinno na member ako ng CIT?"


[But you're still allowed to hold a gun. 'Wag mong sabihing wala kang dalang kahit na anong armas?] Hindi ko alam kung bakit pero parang napataas ang boses niya. 


"Eh sabi mo hindi ako pwedeng humawak ng sniping rifle!" Pagmamaktol ko.


[Hindi naman siniping rifle ang kailangan mo ngayon, Daniella Kate. Handgun. Lutang ka ba no'ng Serpent training? Serpents must have a weapon anytime, anywhere in case of emergency.]


Napa-pout na naman ako. Parang siya pa 'tong galit eh. "Eh malay ko ba kasi na mago-overheat 'tong kotse ko?" 


Ayan tuloy napangaralan pa ako ni Jinno dahil wala akong dalang weapon. "Next time, promise, magdadala na ako ng handgun as you said. Ah! And hand grenade na rin! Pwede naman siguro akong makahingi sa gang ni'yo?" I smiled with the thought. 


Feeling ko, kapag may gano'n akong dala, member ako ng gang.


[Ano? How could you still think of the fun of having a hand grenade with you at this moment?]


"Eh nakaka-excite kaya 'yon! Ibig sabihin, matuto na rin akong-----"


[Ten minutes. Wag kang aalis diyan. Malapit na 'ko.] Then he ended the call. Hindi man lang ako pinatapos.


Tulad ng sinabi ni Jinno, after ten minutes dumating na siya, wala pa yatang ten eh. I smiled when he parked his car sa unahan ng kotse ko.


"Tulungan na kita!" Malawak ang ngiti kong sabi when he got out of his sports car. Hindi niya ako pinansin dahil nakatingin siya sa nakabukas na makina ng kotse ko. Mabilisan lang niyang tiningnan 'to ng malapitan bago ako nilingon. "May tinawagan na akong kukuha nito."


"Eh?"


"Tara na." Nauna siyang naglakad pabalik sa sasakyan at naiwan akong nakakunot.


"Are we leaving this dito? Dito mismo?" Paniniguro ko. Nilingon naman niya ako nang mabuksan na niya ang pinto ng driver's seat, "Wala namang mawawala riyan."


Bigla ko tuloy naalala 'yong file kaya patakbo akong pumunta sa driver's seat para kunin ang file. I locked the car pagkatapos ay binalikan ko si Jinno. "Sumakay ka na." He ordered at nauna ng pumasok sa loob.


"Tapos ka na ba sa mission?" I asked nang makaayos na ako sa pagkakaupo ko beside sa driver's seat.


"Seat belt"


"Eh?" Walang malay na tanong ko. Narinig ko pa ang pag-buntong hininga niya bago siya...."T-teka, a-anong...." Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ako makaayos at napasandal ako sa backrest ng upuan. Ito na naman eh! Ayan na naman 'yong mata niya! Nakaka-hypnotize naman kasi eh! 


"Ilang beses ko na ba sinabing 'wag kang magpa-pout sa harap ko?" Napalunok ako dahil sa lapit namin. Bakit ang bango niya?


"Anong ginawa mo sa Filiergo?" Tanong niya, nanatili sa posisyon niya. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa envelope. "M-may kinuha l-lang na f-file." Bakit ba hindi ko maiwasang mautal kapag kausap ko siya?


"J-jinno, p-pwede ba na mag-mo-----" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay lumayo na siya sa akin para umayos ng upo. Napatingin ako sa dibdib ko. Nakasuot na ang seat bealt ko. Ah, ito pala 'yong seat belt na sinasabi niya. Napasulyap pa ako sa kaniya nang saktong paandarin na niya ang makina ng kotse.


"Babalik na ba tayo sa HQ?" Tanong ko eh ang tahimik na kasi bigla.


"May gusto ka bang puntahan?" Balik tanong niya. Eh?


"'Di ba may mission ka pa? Tapos na ba?"


"That can wait." Sagot niya. So, hindi pa niya 'yon accomplished? Inuna pa niya akong puntahan?


"Sabi ko kasi kanina, mag-utos ka nalang ng pwedeng tumulong sa akin eh. Eh 'di ba may oras na sinusunod ang gang bago simulan hanggang sa matapos ang isang operation? Bakit ba kasi inuna mo pa ko eh utos ni Commander na-----"


"Head ako ng gang." Sagot niya habang tutok parin sa kalsada.


"Nag-training ka ba talaga sa Mors, Jinno?" Tanong ko, kulang na nga lang magpa-mewang ako. Sandali naman niya akong tiningnan. "Anong klaseng tanong 'yan Daniella Kate?" Nakakunot na tanong niya mukha pang naasar sa sinabi ko.


"Eh bakit inaabuso mo ang pagiging head mo ng gang? Porque ba ikaw na ang leader nila, ibig sabihin okay nalang na gawin mo ang gusto mo? Na tapusin ang operation ni'yo kahit anong oras mo gusto? Alam mo, kung nasa CIT ka lang, at ako ang Chairman o Director, failed ka na sa behavior pa lang."


Tiningnan niya ako ng mabilisan bago ulit tumingin sa daan. I saw him smirked, "Kailan ka pa natutong pangaralan ang mas nakatataas sa 'yo, Miss Avilar?"


"Serpent must know how to act properly in accordance to the rules. They must know what to prioritize and not. Na-train tayo physical, mental and emotional. Para saan pa ang mga 'yon kung hindi naman natin ia-apply? What I'm trying to say ay dapat bago mo unahin 'yong iba, dapat isipin mo muna kung ano ang mas mahalaga. We oath to do everything for Serpent, aren't we? Before anything else, as a Serpent, top-priority natin ang mga mission kaya dapat inuna mo muna 'yon. I'm thankful naman eh, syempre dumating ka to help me, pero nilabag mo naman 'yong rule ng gang. Besides kaya ko naman ang sarili ko eh." 


Kahit na may takot talaga ako kanina.


Sa haba ng sinabi ko smirk lang ang natanggap ko sa kaniya. I just pouted, "Sabi ko nga na hindi na kita pangangaralan. Sorry." Isinandal ko nalang ang likod ko sa backrest at nanahimik.


"Kung ako 'yong nasiraan at ikaw ang kailangang gumawa ng mission, sinong uunahin mo?" Tanong niya. I looked at him. Sandali niya akong tiningnan bago ulit nag-focus sa daan.


"Kaya mo namang gawin ng mag-isa 'yong sasakyan kapag ikaw ang nasiraan eh. Pwede mo ring tawagan 'yong mga kakilala mo for a help." Hayst. Nagtanong pa talaga siya sa 'kin.


"Paano nga kung kailangang-kailangan ko ng tulong mo?" Tanong na naman niya.


"Paano? Eh hindi ko naman alam gumawa ng complex na sira ng sasakyan. Tyaka ano naman ang maitutulong ko kung sakali? Gusto mo bang ipag-cheer pa kita, Jinno?" Medyo sarcastic ang tanong ko, pero baka 'yon ang need niya from me. Who knows 'di ba?


Napabuntong-hininga siya na parang siya pa 'tong frustrated. "Bakit ba hindi mo nalang sagutin 'yong tanong ko? Ako o 'yong misyon?"


Napabuga ako ng hangin. Nakakapagod na ring kausapin 'to. "Head ka ng gang pero hindi mo alam kung ano ang dapat unahin? Malamang eh 'di 'yong mission." I answered with no second thoughts. "Eh ano naman kung nasiraan ka? Kaya mo naman ang sarili mo 'di ba? Tyaka kung may man-salvage man sa 'yo eh may dala ka namang baril."


Again, he smirked. "Masunurin ka nga talaga sa rules." Bakit parang mas gwapo siya kapag ginagawa niya 'yon?


"Oo naman! Ikaw lang naman ang head ng gang na 'di pala sumusunod sa rules eh."


"I can break the rules and come to you if you're in trouble. Tulad ng ginawa ko." 


"Huh? Bakit na naman ako nadamay?" Kita mo, ako pa yata ang gagawin niyang reason.


"Buti nalang slow ka talaga." Ito na naman ba kami riyan sa pagiging slow ko. Bakit ba kasi sa akin niya isisisi ang pag-break niya sa rules?


Kokontra pa sana ako nang biglang kumalan ang tiyan ko kaya napahawak ako rito. Hindi ko sana ipahahalata kay Jinno eh mukhang napansin niya.


"Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya. Umiling ako. Bigla niya namang binilisan ang takbo ng sasakyan hanggang sa iparada niya ang kotse malapit sa fast food resto. He took a glance sa wrist watch niya. "Hintayin mo ako rito."


Mabilis din siyang bumalik at ngayon ay may hawak ng paper bag. He handed it to me. "Kumain ka muna." Tiningnan na naman niya ang wrist watch niya. I doubt kung makakakain ako sa lagay na 'to eh mukhang kailangan na niyang umalis.


"Ah...Jinno" He looked at me. "Unahin mo na kaya 'yong mission? Baba na ako rito, tutal may...."


"Dalian mo nalang kumain." He cut me off bago ulit tiningnan 'yong suot niyang wrist watch. Hindi talaga ako makakakain kapag ganito.


"Pero, Jinno----"


"Isa...." Mabilis kong inilabas ang pagkaing laman ng paper bag. Five pieces of chicken drumstick with two servings of rice. May kasama pa 'tong drinks sa loob, large size ng fries at may ice cream pa na dessert. I looked at him, nakatingin din pala siya sa akin. "Dalawa...." Mabilisan kong tinanggal ang takip ng naka-take out na pagkain, dumukot ng drumstick at kinagat. Tiningnan ko ulit siya baka bumilang pa rin. But he just smirked turning his glance away.


"Babalik ba muna tayo niyan sa HQ?" Tanong ko while chewing.


"Wala ng oras." Naibaba ko ang drumstick na hawak ko at napatigil sa pagnguya. "Sabi ko naman kasing-----" Tumigil ako dahil napatingin siya sa akin. The way he looked at me kasi parang magbibilang na naman kaya kumain nalang ako. 


"Gusto mo?" Alok ko pa sa kaniya sa chicken pero tiningnan niya lang 'yon bago kinuha ang drinks na hindi ko pa naiinom. He sipped it kaya itinuloy ko nalang ang pagkain. Ang dami naman kasi nitong rice! Mukhang kailangan maubos ko lahat.


Napatigil ako sa pag-nguya nang itapat ni Jinno ang straw sa bibig ko. "Inom" Without any complaints, sumipsip ako sa straw. Indirect kiss ba na matatawag 'yon? Sinundan ko pa siya ng tingin matapos kong makainom, eh kasi naman uminom din siya 'ron na parang wala lang 'yong laway kong dumikit sa straw. Hindi ko nalang pinansin. Mukhang 'di naman maarte 'tong si Jinno tyaka nag-toothbrush ako noh. Kung bakit ba naman kasi isang drink lang ang kinuha niya kung pwede namang dalawa?


"Jinno, what if isama mo nalang kaya ako sa mission?" Tanong ko matapos kinagatan ang pangalawang drumstick. He looked at me naman. Tiningnan na naman niya 'yong wrist watch niya. "Hindi pwede."


"Bakit hindi eh wala ka na ngang oras. Ayaw mo naman akong ibaba rito eh kaya ko naman ng bumalik sa HQ."


Tumaas ang kilay niya, "Pa'no 'yong file folder? I bet that's confidential."


Napa-pout ako. "Kailangan ko na ngang ibigay kay Dhale eh."


"Hindi ka pwedeng mag-commute mula rito hanggang sa HQ na hawak 'yang file na 'yan. I could secure that, pero kung iiwan mo sa 'kin 'yan at babalik ka ng mag-isa sa HQ hindi mo rin mabibigay kay Dhale." 


Dumukot ako ng fries tyaka 'to isinubo. Jinno then looked at me. Bumuntong hininga siya. "Isasama kita pero 'wag na 'wag kang aalis sa kotse, gets mo ba?"


Lumawak ang ngisi ko. Mariin akong tumango. Itinaas ko pa ng bahagya ang kanang palad ko na parang manunumpa. "Promise, 'di ako aalis dito."


"Tss." He smirked again. Dumukot pa siya ng fries at akala ko isusubo niya pero isinubo niya sa akin. Pinaandar na rin niya ang sasakyan. Excited na ako! First time ko yatang sumabak sa mission. Sadly, hindi actually ako hahawak ng baril.


Napatingin ako kay Jinno nang may isuot siyang earpiece. "Thirty minutes left before the last target." Bakit ang cool niya kapag seryoso siya sa trabaho niya?


Napatingin siya sa akin kaya mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa fries. Inangat ko lang ang tingin ko nang maramdaman kong hindi na siya nakatingin sa akin. 


Dati ko pa 'tong napapansin eh. 'Yong bigla nalang bumibilis 'yong heartbeat ko kapag nakikita ko siya. Tapos kapag naririnig ko 'yong boses niya, ang manly kasi pakinggan. Parang ngayon, bumibilis na naman 'tong heartbeat ko. Hindi kaya totoo 'yong sinasabi nina Tanya at Dhale sa akin dati? Na kapag bumibilis daw 'yong tibok ng puso mo dahil sa isang tao, ibig sabihin, may gusto ka sa kaniya....


"Daniella Kate!"


"Ay gusto!" Muntik ko ng matapon ang fries na hawak ko dahil sa gulat. "Bakit ka ba sumisigaw, Jinno?!"


"Anong gusto?" Nakakunot na tanong niya, ignoring my question.


Napabuntong-hininga nalang ako. Si Jinno, gusto ko? Naka-pout akong dumukot ng fries tiyaka 'yon isinawsaw sa ice cream at itinapat sa bibig ni Jinno, "Kumain ka na nga lang." 


Sumandal ako sa backrest and started eating the ice cream. "Patikim" 


Walang reklamo kong sinunod ang sinabi ni Jinno. Eh baka mamaya magbilang na naman. Itinapat ko ang kutsara sa bibig niya, pero hindi niya 'yong isinubo. Akala ko bang gusto niyang tikman? "Hindi 'yan." 


"Eh?" Tiningnan ko ang paper bag. Ah baka 'yong chicken. Ubos na kasi 'yong fries eh. Kumuha ako ng isang drumstick tiyaka itinapat ulit sa bibig niya. "Ayoko niyan." Akala ko bang....Napatingin ako sa drinks na pinag-share-an namin kanina. Kinuha ko 'yon tiyaka ulit itinapat sa bibig niya. "I'm not thirsty." 


"Eh anong----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil ipinarada niya ang sasakyan. Walang pasabi niyang inagaw ang ice cream sa kamay ko. Ikinayod niya ang spoon at isinubo sa akin. Dahil ayokong bilangan na naman niya ako, isinubo ko 'yon ng walang complaints. "Sa susunod kapag sinabi kong patikim, gusto ko galing mismo sa 'yo." 


Eh? Ano ra....Hindi ako nakagalaw nang maramdaman ko ang malambot na something sa lips ko. Wait...It's moving and it's Jinno's lips! Feeling ko automatic na pumikit 'yong mga mata ko. Hindi lang isang beses 'tong nangyari and every time na nagki-kiss kami, hindi ako umaangal...dahil aminado naman kasi ako eh...I think, I like it? 


"Tapos na, Daniella Kate." Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses niya. And now he's chuckling na! Napa-pout tuloy ako. Ako pa 'tong pagtatawanan niya after niya akong i-kiss ng walang pasabi. 


Tiningnan ko siya na ngayon ay focus na sa pagda-drive. Parang mas naging maaliwalas 'yong face niya. Parang naka-smile kasi siya ng konti eh. 


May gusto sana akong itanong...Hindi ba allowed lang na mag-kiss ang dalawa if they like each other? Like kung couple sila gano'n? Eh bakit kami ni Jinno? Hindi naman kami couple, hindi rin naman namin like ang isa't isa...bakit namin ginagawa 'yon? 


Naalala ko na naman tuloy 'yong palaging sinasabi sa akin ni Dhale. Na ang mga lalaki, marami raw silang tricks para makuha nila ang gusto nila sa isang babae. Eh si Jinno, kaya niya ba ako hinahalikan at madalas sweet siya sa akin kasi 'yon ang tricks niya para makuha niya ang gusto niya sa akin? What does he like to take from me? Katulad din ba siya ng mga womanizer sa club na after they take your feelings for granted, iiwan ka rin nila over someone else. 


Pero, feeling ko kasi, hindi naman gano'n si Jinno eh...Feel ko na hindi siya tulad ng ibang mga lalaki.


"Pwede na ba akong lumabas?" 


"Eh?" I was taken aback when he spoke. Naka-stop na ang kotse niya.


"Kanina mo pa 'ko tinititigan. Sa'n na naman napunta 'yang utak mo?" 


"Where are we na ba?" I asked, tiningnan ko pa ang outside view mula sa windshield. Bakit parang nasa gubat kami? 


"This is the safest place to leave you, yet you're still not allowed to get off this car. May mga naka-install na underground sensor sa buong property na 'to kaya 'wag na 'wag mong susubukang umalis dito, gets?" Paalala niya. Tumango naman ako. "Gets na gets." 


"Tawagan mo ako kaagad kapag may nangyari. Don't panic if you sense danger around you, got it?" Paalala na naman niya. Tumango ako ulit. "Got it!" 


Dala ang baril niya, he got out of the car, pero may nakalimutan pala akong sabihin sa kaniya kaya binuksan ko ang car's door sa side ko, "Jinno!" Sigaw ko. He's too quick na lumingon with a surprised reaction, "Kasasabi ko pa lang, Daniella-----"


"Please be safe!" Mabilis na nagbago ang reaksiyon niya. Buti naman hindi na siya galit. Parang nainis kasi siya kanina pagbukas ko ng pinto ng kotse niya eh. Kumaway pa ako sa kaniya wearing my 'good-luck' cheery smile bago ko sinara ang pinto. Buti nalang may natira pang pagkain dito. 


I was about to get the leftover chicken drumstick nang mapansin ko ang view na nasa harap ko. Mula dito kung saan naka-park ang kotse, nakikita pala ang puting mansion. Grabe! Super lawak ng property na 'to! 


Nahagip ng mata ko ang benocular na nakapatong sa dashboard. Kinuha ko 'to para magamit. Hindi ko maiwasang ma-amaze sa nakikita ko! Ang ganda ng view! 


Habang inililipat ko ang benocular sa ibang direction, I paused when I saw Jinno. Ang bilis naman niyang makalapit sa mansion. Expert na nga talaga. Sinundan ko lang siya ng tingin. Malapit na siya sa entrance door. Mas lalo pa akong na-amaze nang bigla siyang sumulpot sa harap ng dalawang lalaki, itinutok ang baril na may silencer sa forehead ng dalawa and then the two men lay down sa floor. He grabbed the two from their  collar tapos pulled them away at itinago sa sulok. 


Hacked na ng CIT ang CCTV cameras ng mansion for sure kaya parang walang alinlangan si Jinno na pasukin ang loob. Parang wala siyang takot kung may makahuli man sa kaniya o wala. Dahil nakapasok na siya, hindi ko na makita ang mga next happenings. Bigla tuloy akong na-bore. 


I thought tuluyan na akong mabo-boring, but then my phone suddenly rang. It was Dhale kaya agad kong sinagot 'to. "Dhale!" 


[Hey, sorry I couldn't answer your call. Where are you now?] She asked.


"Kasama ko si Jinno. Don't worry, safe 'yong file folder, kaso mamaya ko pa mabibigay sa 'yo huh? Okay lang ba?"


[Yes, I got your message. No worries. But where are you exactly? We're currently monitoring Jinno. He's now inside the premises of the mansion.] Buti pa siya...


"I'm here lang sa sasakyan niya. Mas safe raw kasi here." Sagot ko pero kaagad akong may naisip. "Ah, Dhale! Can you share me the CIT screen through our personal CIT portal?" 


[You're not planning to do something ridiculous, are you?] Paniniguro niya. 


"Eh kasi nabo-bore na ako here eh. I just want to check if the mission's going well. And isa pa, maybe I can help Jinno through monitoring the place, since I'm already here naman na." I heard her sigh, mukhang no choice na rin siya kung hindi pagbigyan ang favor ko. 


[Alright. Give me a few seconds.] 


Ilang sandali lang, I received a notification from my personal account sa CIT portal. I accepted the shared IP address ng CIT screen, which gave me access sa view sa loob ng mansion. The line from Dhale ay connected pa din. 


"Thanks!"


[I got you. Well then, I need to get back on sight-screen now. We're still monitoring the rest. And please, take care.]


I smiled habang tinitingnan ko si Jinno sa screen ng phone ko. "See you later! Bye, Dhale." 


Tahimik lang akong nanonood sa phone ko until I heard a loud sound of bomb kasabay nito ang pagkawala ng connection ko sa CIT screen. Wait, what's happening? 


From the windshield ng car, napatingin ako sa mansion. Halos mabitawan ko ang phone na hawak ko. Almost half of the property ay nilalamon na ng apoy. Do'n pumasok kanina si Jinno...


I just felt the tears fell down my cheeks. Sunod-sunod ng tumulo ang mga 'to, and the next thing, namalayan ko nalang na tumatakbo ako, hawak ang baril na hindi ko na namalayan kung saan ko hinugot. I was furiously running hindi para lumayo sa lugar o dahil takot akong mabaril o masabugan, but running to where the bomb exploded and as seconds passes by, palapit ako ng palapit sa puting mansion. 


I don't care kung mabaril ako rito habang tumatakbo, o biglang sumabog ang iba pang part ng property na 'to. All I have in mind is come to Jinno, rescue him kahit na hindi ko alam kung kaya ko ba o hindi.


Nakapasok ako after I found a route na hindi gaanong naapektuhan ng pagsabog. It took me almost minutes. May usok pa sa ibang part ng lugar kaya nauubo ako at medyo masakit sa mata. I didn't stop walking, looking for Jinno. Tingin ko nga two minutes pa ang itinagal until makarinig ako ng putok ng baril kaya sinundan ko where it came from. 


I reached the living room. Mausok pa rin dito pero hindi affected sa pag-sabog. Nakarinig ako ulit ng magkakasunod na firegun, and when I reached the narrow pathway, may nakita akong dalawang lalaki. 


A loud bang echoed... 


"Bullsh*t. Daniella Kate!" 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top