Chapter 46
Hudson Bay Hotel
FRIZA GONZALES
Pa-simple akong nakasandal sa railings dito sa itaas na lounge nitong kilalang hotel na pagmamay-ari ng mga Saevedra. Ang CIT ang bahala sa pagta-track ng lokasyon ng mga target ng gang kaya hindi na namin trabaho ang hanapin ang mga t*ng inang basura na kailangang mailigpit ngayong araw. Naghiwa-hiwalay kami para mas mabilis matapos. Ang problema lang namin ay kung sakali man na makatunog ang mga target paniguradong mabu-bulilyaso ang plano. Sa ngayon, wala pa naman kaming nararamdamang kaiba sa paligid.
BRYAN: Naka-set na
Mula sa earpiece na suot ko, nagsalita ang kasama ko. Pa-simple akong sumulyap sa magkabilang gilid ko bago ko tinahak ang daan papunta sa elevator. Nang bumukas ay kaagad akong pumasok tiyaka pinindot ang S button.
BRYAN: Tatlong minuto
Tiningnan ko ang suot kong relo, ilang segundo lang ay bumukas din kaagad ang pinto ng elevator. Mabilis kong tinahak ang walang katao-taong daan hanggang sa marating ko ang kaisa-isang pinto. Ang private control room na tanging mga Saevedra lang ang may karapatang pumasok.
BRYAN: Dalawang minuto
Napangisi ako nang awtomatikong tumunog ang volt ng pinto nang hindi ko ginagalaw ang fingerprint-protected lock nito. Ito ang silbi ng mga nasa CIT sa mga ganitong misyon, kontrolado nila ang mga routes na kinakailangang pasukin o dapat na labasan sa isang lokasyon lalo na kung may mahigpit 'tong security system katulad ng hotel na 'to, para maisagawa ng tagumpay at malinis ang misyon.
"Isang minuto't labing anim na segundo."
Kaagad akong lumapit sa pwesto ni Bryan kung nasaan handa na sa harap niya ang gagamiting sniping rifle. Inaasinta na rin niya ang lokasyon na papasukan ng target. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi naman 'to mukhang control room. Wala namang mga computer system o kung ano rito. Basta isang may kalawakang kwarto lang na purong puti ang kulay.
Tiningnan ko ang bintanang nasa harapan namin. Mula rito talagang makikita ng maliwanag ang mga taong pumapasok at lumalabas ng hotel. Hindi kami mahihirapang asintahin ang kalaban.
Ilang sandali lang, may isang lalaki na nakasuot ng pormal na suit ang pumasok. Humigpit ang hawak ni Bryan sa sniping rifle.
DHALE: Wait, Bry!
Mula sa earpiece na konektado rin sa CIT, boses ni Dhale ang pumigil kay Bryan. T*ng ina makakalayo na 'yong target!
DHALE: He's a decoy.
"P*ta" "T*ng ina" Halos sabay naming mura ng kasama ko.
Mabilis kong hinugot ang dalawang baril na nakasuksok sa belt ng leather pants ko. Sumunod na rin si Bryan na hindi ko alam kung ilang beses na niyang minura si Vernon Lee.
"P*tang matanda 'yon, nakatunog ba naman."
DHALE: VIP Room number 406. He's meeting with someone."
Pag-sakay ng elevator ay kaagad naming tinungo ang lokasyon ng VIP section, room 406. Walang pasintabi akong lumabas ng elevator dala ang baril ko. Pakealam ko ba sa mga CCTV cameras eh hacked na 'yan ng CIT. Tss.
"Ikaw ang backup, akong bahala sa matandang 'to." Hinawakan ko ng mahigpit ang baril ko nang ilang hakbang nalang ang layo namin sa room 406.
"Diretsuhin mo ng paputukan. P*tang 'yan hindi man lang ako pinagbigyang gamitin 'yong rifle na dinala ko." Komento ng kasama ko.
'Yon din ang punto ko. T*ng ina 999 times eh nag-effort din ako kaninang sumakay sa elevator papunta sa private room ng mga Saevedra tapos decoy lang pala 'yong hinihintay namin. Ang bilis lang napansin ni Dhale na hindi 'yon si Vernon Lee. Buti nalang hindi pa nakakalabit ni Bryan kanina 'yong gatilyo dahil paniguradong komusyon sa hotel sakali man na napatay niya 'yong t*ng inang decoy ni Lee.
Kumatok ako ng tatlong beses sa room 406. Ilang sandali lang ay bumukas 'to. Nanlaki ang mga mata ng lalaking sumalubong sa amin at aktong isasara na sana niya ang pinto nang sipain ko 'to kaya pati siya ay napaupo papasok sa kwarto sa lakas ng pwersa ko.
"Nasa'n si Vernon Lee?" Tanong ko habang nakatutok ang baril sa kaniya. Halata ang labis na takot sa mukha niya.
"Serpent gang..." Napa-angat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. May hawak siyang rock glass na naglalaman ng alak. Mabilis na itinutok ni Bryan ang baril na dala niya. Sa nakikitang kong reaksiyon ng tukmol na si Lee, mukhang inaasahan niyang may aatake sa kaniya sa ganitong paraan.
"Kumusta ang dark list? Malapit ni'yo na yatang mailigpit lahat ng mga taong nasa listahan?" Nakangising tanong niya matapos niyang prenteng naupo sa couch na nakaharap sa amin. Mabilis naman na gumapang ang kasama niya palapit sa kaniya. T*ng inang Vernon na 'to, hindi yata takot mamatay.
"Malapit na nga. Kung tapos na ang mga kasama namin, malamang ikaw ang huling burado sa listahan." Komento ni Bryan.
"Ano pang hinihintay ni'yo? Iligpit ni'yo na ako. 'Yon naman talaga ang sadya niyo rito hindi ba?" Talagang idinipa pa niya ang magkabilang palad niya. Napakunot ako dahil sa inaasta niya. May mali rito.
Naramdaman ko na handa ng bumaril si Bryan kaya bahagya kong itinaas ang kanang palad ko para pigilin muna siya. Pinagmasda kong mabuti si Vernon Lee habang lagok ang baso ng alak. May kakaiba sa p*tang inang nilalang na 'to.
"P*tang matandang 'to, kating-kati na 'yong daliri kong kalabitin 'yong gatilyo." Naiiritang komento ni Bryan. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng kakaibang tunog kaya napalinga-linga ako sa paligid.
"Naririnig mo ba 'yon?" Tanong ko sa kasama ko.
"Ang alin?"
Napatingin kami kay Lee nang bigla siyang tumawa ng mala-demonyo. "Ano pang ginagawa ni'yo? Nagbago na ba ang isip niyong iligpit ako?" Napatingin ako sa kasama niya na nakayuko lang pero nahalata ko ang panginginig ng kamay niya.
Napalinga ako ulit ng marinig ko na naman ang tunog. Medyo naging mabilis 'to. "Gusto ni'yo yatang sama-sama tayong mamatay." Nagkatinginan kami ni Bryan dahil sa sinabi ni Lee.
DHALE: Oh no! Get out of there now! Friz and Bry! There's a bomb installed under the target's couch!"
"P*ta naman!" "T*ng inang 'yan!"
Halos masira ang pinto nang pwersahin ni Bryan na buksan 'to. Takbo ang ginawa namin para makaabot sa elevator pero bago pa man kami makapasok ay narinig na namin ang malakas na pagsabog kasabay ng pagtilapon ng katawan ko sa matigas na sahig. "T*ng ina!"
"Bilis na, Friza!" Sinubukan ko kaagad makatayo kahit na masakit ang kamay at dibdib ko. Kinaladkad na ako halos ng kasama ko para makasakay sa elevator.
"P*tang Lee 'yon, magpapakamatay na nga lang mandadamay pa!"
Napahawak ako sa braso ko. Napilay pa yata p*tang ina, 999 times! Sana mabaog sa impyerno ang Vernon Lee na 'yon.
Pero, teka nga lang...Bakit pang alam ng tukmol na 'yon na may bomba sa kwarto niya?
"Sabihan mo na 'yong iba... t*ng ina!" Napamura na naman ako nang kumirot ang bandang paa ko.
NOVALEIGH: We're done na mga babies! Where na-----
"Walang may pake."
Napatingin ako kay Bryan. Talagang p*tang ina rin madalas ang lahi ng ampalayang 'to.
Pagka-bukas ng elevator sa ground floor, bumungad sa amin ang malakas na tunog ng fire alarm kasama ng mga taong nagtataka sa ganap, may iba namang mukhang alam na nilang may nangyaring pag-sabog.
May mga maskuladong lalaki't nakasuot ng pormal suit ang mabilis na naglalakad. Halata naman na mga tauhan 'yon ni Saevedra kaya para hindi kami mapansin ay umakto kaming mga inosenteng bisita sa hotel hanggang sa tuluyan na kaming makalabas papuntang parking lot. P*tang inang braso't paa 'to!
Maharlika Highway, Block 6
GINGERLY SARMIENTO
HANNAH: The target is now estimated at 40 to 50 steps to your location.
Handa na ang baril na gagamitin ko para i-back up si Fritz kung sakali man na magka-aberya. Ang target namin ay si Realendo Yumul. Ayon sa CIT, galing siya ngayon sa tinutuluyan niyang lumang apartment malapit dito sa block six na ayon mismo sa impormasyong nakuha ng investigation team, madalas dito ang exit niya palabas sa lungga niya.
Sa labing dalawang miyembro ng dark list, si Realendo ang pinaka-low key sa kanila. Siya rin ang madalas hindi sumasama sa mga hangouts ng samahan nila maliban nalang kung involve ang tungkol sa misyon na kailangan nilang matapos. Ayon sa profile niya, isang keen observant itong si Yumul kaya may posibilidad na makaramdam siya sa presensiya namin kaya kailangang doble-ingat kami para mautakan namin ang target.
"He's coming." Alerto si Fritz sa ganitong mga misyon. Siya ang naunang lumabas ng kotse. Nanatili muna ako sa passenger's seat at hinayaan siyang gawin ang dapat niyang gawin.
Pagbalik ng tingin ko sa labas mula sa saradong bintana, wala na si Yumul. "Did we lost him already?" Nagtatakang tanong ko mula sa earpiece. Bakit parang ang bilis naman yata.
FRITZ: H'wag ka munang aalis ng sasakyan.
Ginawa ko ang utos ni Fritz, pero naging alerto parin ako sa paligid kahit na ang atensyon ko ay nakatutok sa kaniya na pa-simpleng tumawid ng kabilang lane. May mga magkakasunod na barong-barong na tindahan do'n. Napakunot ako. Gutom na ba siya? Tumigil kasi siya do'n sa tindahan ng mga junk foods. Akala ko tatambay lang, pero bumili talaga siya ng chichirya.
Sa totoo lang, kanina parin ako nagtataka. Hindi naman ganito manamit si Fritz. Ang ibig kong sabihin, sa tuwing may misyon hindi naman siya nagsusuot ng short pants lang at sweater. Masyadong casual at hindi halatang may kinalaman siya sa mafia....teka...
Napakunot pa ako lalo nang lumipat siya ng pwesto, sa kabilang tindahan naman. Parang turista lang siya na nag-stop over para mag-meryenda. Ngayon naman ay nasa tapat siya ng nagtitinda ng buko juice. Para lang akong nag-spy rito.
Maya't maya pa humarap siya at sandaling sumulyap dito sa kotse. "Lalabas na 'ko." Nabuksan ko na ang pinto at itutulak ko nalang 'to para tuluyang makalabas ako nang unahan na niya ako...
FRITZ: No. Diyan ka lang.
Napakunot ako nang humarap siya sa buko juice store kaya isinara ko nalang ulit ang pinto at patuloy sa pagmamasid sa kaniya.
Ilang sandali lang, halatang may pinag-uusapan na sila ng tindero. Mas lalo akong napakunot nang mapansin kong nagpamulsa si Fritz. Mula sa kanang bulsa niya, nakita kong inilabas niya ang maliit na baril na aakalain mo talagang laruan lang. Napatakip ako sa bibig ko, 'yon ang dala niya kanina at may silencer 'yon!
"What----" Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko nang harap-harapan niyang tinutukan sa noo ang tindero at kasunod no'n ang pagbagsak ng katawan ng nagtitinda. Wala ni isa ang nakapansin kahit ang mga katabing tindahan. Pati nga ang ilang mga dumadaan dahil sobrang bilis ng ginawa ni Fritz. Wala pa nga yatang dalawang segundo 'yon!
Napangisi ako habang pinagmamasdan siyang patawid na ngayon ng kabilang lane. Ang tipikal na Fritz Gaverlon. Wala talagang kupas ang reflexes niya, isama mo pa ang disguise prowess niya kaya hindi na nakapagtataka na alam niyang si Realendo Yumul ang nag-disguise kanina na buko juice vendor. Kahit ako nga hindi 'yon napansin.
Sa iksi ng bawat segundo, nakapag-disguise si Yumul dahil panigurado na nakatunog siya kaagad sa amin, ni hindi pa man kami uma-aksiyon. Legit nga na isa siyang keen observant. 'Yon ang dahilan kung bakit si Yumul ang ibinigay ni Jinno na target namin, dahil maliban sa pagiging observant din ni Fritz, isa siyang disguise enthusiast.
"Ayos ka lang?" Tanong niya nang makasakay siya sa kotse.
"So, anong role ko sa mission na 'to?" Sarkastiko't pabirong tanong ko matapos humalukipkip.
"Pabuhat?" Halos manlaki ang mga mata ko sa isinagot niya. "Anong pabuhat? Ikaw kaya ang nagsabi na h'wag akong lalabas ng sasakyan. Sumusunod lang ako sa instruction mo."
Teka nang-aasar ba ang isang 'to? Kasi halata sa ngisi niya.
"Wala kasi akong maisip na ibang salita. Why are you even asking anyway?"
Napabuntong-hininga nalang ako. "Pwede naman kasing sabihin mong back up."
"Ah~ Akala ko kasi ang tagalog ng back up ay pabuhat."
Wait, what? Ayan na naman, ngumingisi na naman siya!
NOVALEIGH: We're done na mga babies! Where na-----
BRYAN: Walang may pake.
Ito na naman ba kami sa dalawang 'to.
NOVALEIGH: 'Pag bitter tikom bibig.
BRYAN: 'Pag malandi talaga, sarap ibalibag sa sahig.
NOVALEIGH: Oh really? Don't be shy baby Bry~ Alam kong ang want mong sabihin ay masarap ako kahit pa gawing kama ang sahig.
Seryoso? Wala talagang pinapalampas na pagkakataon ang bibig ni Leigh.
BRYAN: T*ng ina, ul*l nalang ang papatol sa 'yo.
NOVALEIGH: Just say na want mo akong patulan ka~
Napabuntong-hininga ako. Hindi talaga marunong tumigil ang dalawang 'to.
"We're on our way now."
Red Fox Club
ALTHEA HOMER
Samo't saring amoy ng pabango ang naamoy rito sa loob ng club, but I'm used of it. Of this kind of wild place. I've been working at Serpent for about years now, kaya hindi na bago sa paningin ko ang makakita ng mga malalaswang scenarios especially sa mga ganitong klase ng lugar. Hindi na rin mawawala ang mga palihim na mga ilegal transactions na naisasagawa rito sa loob. Drug pushers and users are all over the corners of this place, mapa-babae't mapa-lalaki.
If you may ask, kilala ang club na 'to. For normal people who are not involve in mafia, impyerno ang lugar na 'to sa kanila. Ang pinaka-delikadong lugar na mapupuntahan nila sa buong buhay nila. Hindi pwedeng basta lang i-ban ng mga autoridad ang lugar na 'to, they can try, but before they could even do so, bullet's has already planted on their heads.
"You're too stunning to spend the night alone. Can I join you?" Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang lalaking kumausap sa akin.
He has this bad boy aura. He's handsome, at masasabi ko na mukhang German. Yet, I can say as well that he's a freaking womanizer. Ilan na kaya ang nagagamit niyang babae? Fifteen? Twenty? Or perhaps, more than that. Hindi sa pagiging judgmental, pero sa dami ba naman ng nakakahalubilo ko sa mafia world, madali nalang kumilatis ng mga ganitong tao.
"Enjoy yourself" I smiled a little para naman hindi ako maging rude kahit papa'no. Umupo naman siya pero kung matinong lalaki ang uupo malamang hindi 'to tatabi sa akin na halos wala ng space ang naiwan sa pagitan namin. Despite that, I acted as if I don't mind at all.
"So, what does a gorgeous woman doing here alone?" He started. Napangisi ako sa tanong niya. Gusto ko sana siyang diretsahin tungkol sa pakay ko, pero ayoko namang magpadalos-dalos, baka siya pa ang maging sagabal sa plano namin.
"Surely, you've been hooking up with a lot of women here and there, why don't you guess the reason why am I here?"
"Me? Hooking up with whom?" Natatawang tanong niya na parang hindi makapaniwala sa tanong ko. A typical womanizer trying to coax a woman of course. He's currently doing it to me.
"You undeniably have the looks and the body that women are craving. Hooking up with anyone you like is just a piece of cake." Itinagay ko ang bote ng beer na hawak ko. Halata sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi na ako nag-abalang tingnan siya dahil kay Cyan naka-pokus ang buong atensyon ko. He's been seating in the bar stool, drinking a wine for about ten minutes now since we consecutively arrived.
"Guess bullseye." Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman ko ang pag-distansya niya ilang inches ang layo sa akin. "I'm actually interested hooking up with you." Diretsa niya na hindi ko na ikinagulat pa. We're both looking at each other, but I couldn't feel anything special from the way he looks at me. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Cyan.
"Of course, offer declined." Natawa siya ng mahina kaya napatingin ako sa kaniya. Nilagok niya ang alak na nasa rock glass tiyaka tumingin sa direksiyon ng bar tender, malapit sa kinauupuan ng kasama ko. "What a lucky man he is to have a woman..." tumingin siya sa akin, "...who only craves for his attention alone."
This guy knows how to read eyes, huh? Even the way I looked at Cyan, alam niya. Talagang batikan nga pagdating sa mga babae.
"By the way, enjoy the rest of your night, Ms...." Tumayo siya at aalis na sana nang, "Just a friendly reminder...if I were you, I won't let this night goes in vain without filling up the craving I have for that man. Who knows? He might also want your....touch~"
He left and I stayed here looking at Cyan. Sandali siyang sumulyap sa gawi ko kaya nagtagpo ang mga tingin namin. Itinungga ko ang bote ng beer.
CYAN: Enough with the fun. Let's get things done now.
Tumayo na ako at tinahak ang daan papunta sa likurang bahagi ng club. Mula sa dulong pinto, may dalawang kalalakihan na maskulado ang katawan ang nagsilbing bantay sa magkabilang gilid ng daan. Inilabas ko ang inihanda ko kaninang baril na may silencer. Nakahalata rin naman sila kaagad sa kilos ko kaya mabilis silang humugot ng baril, pero bago pa man nila 'yon magamit, natumba na ang mga katawan nila sa sahig. They're too slow.
Aktong hahawakan ko na ang knob ng pinto para buksan 'to nang, "What are you doing here, Miss?" Mabilis akong lumingon. That German womanizer. Gumuhit ang ngisi sa labi niya nang magtagpo ang mga tingin namin. So, I was right earlier na aware siya sa trabaho namin sa loob ng mafia?
"Looking for someone?" He asked. Hindi parin nawawala ang ngisi sa labi niya.
"Antonio Tan. We're here to kill that bastard." Diretsa ko na mas lalong nagpalawak sa ngisi niya, pero unti-unti ring napawi 'yon. Mabilis niyang hinugot ang baril sa tagiliran niya at itinutok 'yon sa akin. Fast reflexes like Fritz huh?
"After you, Mi---"
"No. After you." Hindi ko alam kung paano sumulpot si Cyan sa likod niya. Napangisi ako dahil natigilan ang pakealamerong lalaki. I walked closer to the man across me.
"Shall we play, Mr. Stranger?"
Napa-atras ako dahil hindi ko inaasahang aatake siya kaagad. Mabilis niyang nahawakan ang braso ni Cyan, pinilipit 'yon dahilan nang mapa-mura ang kasama ko. I was about to pull the trigger of my gun when he forcefully push Cy kaya tumama ang likod nito sa pader tiyaka siya kumaripas ng takbo.
"T*ng ina!" Hindi ko pa man nalalapitan si Cy, mabilis na siyang kumaripas ng takbo para sundan ang lalaki.
Natigilan ako. I've never seen him like this before. Halata kasi ang galit sa mga mata niya. I know him well at hindi siya aakto ng ganito kung walang dahilan. But wait, why are we chasing that man instead of....nilingon ko ang pinto na dapat ay bubuksan ko na kanina pagkatapos ay sa daang tinahak ni Cy.
Fine! After that asshole.
Nadatnan ko pa sa labas si Cyan na hinahabol pa ang lalaki. Malayo na rin ang distansya nila. I'm almost out of breath. Tingin ko hindi ko na kaya kaya tumigil na ako hawak ang tuhod ko...Hanggang sa makarinig ako ng sasakyang nakabunggo ng kung ano. Halos mapatakip ako sa bibig ko.
"Cyan!" Mabilis ang ginawa kong pagtakbo kahit na hinihingal padin ako. "Hey, Cy!" Nang malapitan ay kaagad kong hinila ang braso niya palapit sa akin. Nagkumpulan na rin ang ibang mga tao sa gitna ng kalsada, pero ang buong atensyon ko ay na kay Cyan.
"He's dead." Ang sagot lang niya sa akin bago itinuon ang atensyon sa mga nagkukumpulang tao kung saan nakahilata ang lalaking wala ng malay at naliligo sa sariling dugo. I then looked at the truck that bumped the man. Tiningnan kong maigi ang driver's seat na medyo bukas ang bintana.... "Creid?"
"What?" Tiningnan ko si Cyan nang magtanong siya, "Parang si Creid 'yong----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis ang ginawa ng truck na pag-liko sa kabilang alley. Sinigawan pa siya ng mga tao. May mga kotse na ring nagsidatingan para habulin ang tumakas na suspek.
"Ayos ka lang ba talaga, Cy?" Tanong ko sa kasama ko nang maibalik ko ang tingin ko sa kaniya. He's still looking at the dead man lying on the, now a crowd road. "May problema ba?" I asked again.
"Antonio Tan. That's him." Napakunot ako't napatingin sa taong tinutukoy niya. It's the dead man na hanggang ngayon ay pinagpi-pyestahan parin ng mga tao. Pero iba ang picture na nasa profile ni Antonio.
"His old face was just a disguise he's been using for two years. No'ng nalaman niyang hina-hunting ng gang natin ang mga knights ng Korbin, naisipan niyang gamitin na ang tunay niyang hitsura para makapagtago."
"Pero walang sinabi sa atin si Jinno tungkol do'n." Naguguluhang sagot ko.
"He told me earlier. Nakalimutan daw niya."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, "Kailan pa naging lutang ang head natin? Si Jinno makakalimot? Baka may ibang pinagkakaabalahan."
"Love life I guess." He replied with no expression at all. Tumalikod na siya, nagpamulsa at parang walang pakealam na dinaanan ang kumpulan ng mga tao. Maya't maya pa may tunog na ng ambulansiya ang paparating.
Sandali akong lumingon para tingnan ang alley kung saan kanina dumaan ang truck na nakabunggo kay Antonio. Is that really Creid? Kung siya nga 'yon, kailan pa siya bumalik?
I was taken aback by a loud horn. Tiningnan ko ang kotseng nakaparada sa harap ko. Napabuntong-hininga ako bago pumasok sa passenger's seat.
"By the way, did you know Antonio Tan? Have you met him before?" Tanong ko kay Cy. Hanggang ngayon, nacu-curios padin ako kung bakit gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina.
"Why are you asking?" Tanong niya pero nakatuon sa daan ang blanko niyang mga mata.
Cyan is always been like this. Kahit yata masaya siya o malungkot, blanko ang facial expression niya. It's just so hard to know if he's happy or sad, bored, or what. But anyway, he's not Cyan if he doesn't have that facial feature.
"Natanong ko lang. You seemed like you know him given by the rage in your eyes earlier. Parang may naging alitan kayo sa past na hanggang ngayon dala mo pa. Mind to share?"
Cyan will never speak unless you ask.
"You saw that?"
Napakunot ako, "Saw what?"
"The rage?"
"Ah~ Bakit nga ba gano'n ka makapag-react? Did he offend you in the past?" I asked again. Nacu-curios talaga ako.
"Hindi pa kami nagkikita, ngayon pa lang. G*go pala talaga. I thought it's just the name." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
Cyan barely cursed unless he was really pissed. Big time.
"Did he just piss you off when he pushed-----"
"Too shallow reason," he cut me off.
"Then what? Why are you pissed this much? Dapat nga ako ang ma-bwiset dahil siya 'tong umaligid kanina sa akin. He even tried to coax me to hook up with him. What a real j*rk." Napailing ako't itinuon nalang ang atensyon sa daan.
Nahalata ko kaagad ang pagtahimik kaya napatingin ako sa kasama ko. Napakunot ako nang mapansin kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"Are you really fine, Cy? H'wag mong sabihing nata----"
NOVALEIGH: We're done na mga babies! Where na-----
BRYAN: Walang may pake.
I'm just looking at him. Why is it so hard to read your mind sometimes, Cyan David? I think he's really pissed kaya nanahimik nalang ako. Mamaya ko nalang siya kakausapin ng masinsinan. For now, I'll just let him cool down.
NOVALEIGH: 'Pag bitter tikom bibig.
BRYAN: 'Pag malandi talaga, sarap ibalibag sa sahig.
NOVALEIGH: Oh really? Don't be shy baby Bry~ Alam kong ang want mong sabihin ay masarap ako kahit pa gawing kama ang sahig.
Come on, Novaleigh! When are you going to stop with those naughty terminologies of yours?
BRYAN: T*ng ina, ul*l nalang ang papatol sa 'yo.
NOVALEIGH: Just say na want mo akong patulan ka~
GINGERLY: We're on our way now.
I looked at Cy when he spoke, "Same here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top