Chapter 45.3


ELLISSE ZERINA 


"How's New York, Royal Knightress?"


Pakiramdam ko tumigil ng literal ang galaw ng oras. Am I dreaming? D*mn! Why am I even asking such an obvious stupid question? 


"At least say something...my dear little sister." He crossed his arms on his chest while scrutinizing my eyes as if there were words I couldn't say in there. 


Wala ni isa ang nagsasalita hanggang sa tumikhim si Master Harrisson para basagin ang katahimikan, "Bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka? Napakahilig ni'yo talagang manorpresa."


Hindi ko na maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. He did change a lot...yet that never changes the fact that the man standing in front of me is my older brother. D*mn it! Napansin ko ang pag-dako ng tingin niya kay Renzo.


"Someone informed me that the highly-respected and most valuable knight of the King just spares his time to visit Mors...with his..." Then he looked at me, "Life and everything." 


That look. I know what emotion he wants to express by that look, at hindi ko maiwasang kabahan sa nakikita ko. I then heard Renzo cleared his throat. Nakita ko sa peripheral vision ko ang bahagya niyang pagyuko para pulutin ang baril na nabitawan ko. 


"Excuse us for a moment, Master Harrisson. We'll need time to sort things out privately." Naramdaman ko ang pag-hawak ni Renzo sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. He partly smiled at me, reassuring me that everything is just fine. 


No, not after my brother just made his grand entrance...at maya-maya lang sigurado ako na sasabihin na niyang miyembro rin siya ng mafia. Ano pa nga ba ang ibang rason kung bakit siya nandito 'di ba? Sila Tanya nga may alam sa mafia at naging member ng powerful org, magtataka pa ba ako kung pati ang sarili kong kapatid?


Bago pa ako mahila ni Renzo, nagsalita na ang kapatid ko, "Sinong nagsabi na pwede mong hawak-hawakan ang kapatid ko sa harapan ko?" 


WTH? Isn't he aware that Renzo is the Serpent Royal Commander for d*mn sake?!  Sandaling tumigil si Renzo at nilingon si Kuya, "Close your eyes then, Elijah." 


"T*ng inang Elijah----"


"Bring us tea, Master Harrisson. Lakeside Pavillion." 


"Masusunod, Commander." Paalis na sana si Mr. Harrisson nang may pahabol pa si Renzo, "Get something for the Knightress..." sandali niya akong sinulyapan at ngumisi pa na parang wala si Kuya na nakakakita sa amin ngayon. "Avocado or Vanilla ice cream would do." Then he pulled me by the hand away. 


"What the hell was that?" Tanong ko habang hila niya ako. "Baka naman gusto mo munang ipaliwanag sa akin ang lahat bago mo ako hilain?" Sarkastiko kong saad. Tumigil naman siya tiyaka ako hinarap nang hindi binibitawan ang kamay ko.


"Your brother will follow us. Prepare yourself for you will hear a lot of a fairytale story today, hon." Ang kunot na noo ko ay mas lalo pang kumunot. He just smirked seeing my d*mn reaction. Ako ba 'tong pinagloloko ng lalaking 'to? Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako papasok sa puting pavilion dito sa tabi ng lake. What a fancy and peaceful place. 


"So now, tell me. Anong ginagawa ng kapatid ko rito sa Mors?" Diretsahan kong tanong pagkapasok namin sa loob. 


"Guess?" Nakataas ang kilay at nakangisi niyang balik tanong. Kung kanina gulat ako dahil sa nangyari, ngayon naman nagsisimula na akong ma-bwiset. 


"Would you stop playing d*mn mind games with me, Lorenzo?" At sa halip na matauhan ang lalaking 'to talagang natawa pa sa sinabi ko. WTH? Did I even say something funny? 


"Chill down, hon. Chill down." Iminonstra pa niya ang kamay niya na kumalma ako kahit na mas lalo lang akong nainis dahil sa ngisi niya. Bwiset na 'to. "I'm not playing any games with you, okay? We're here for a date, remember?" 


"Yes. A date. A f*cking romantic date, Mikael Lorenzo." Madiin at sarkastiko kong sagot.


 Naglakad siya palapit sa akin nang hindi inaalis ang ngisi sa labi niya. He then put his index on my lips hushing me. Titig na titig siya sa mga mata ko. "I'll take you somewhere next time, hon. Lovelier than this." Mabilis niya akong ginawiran ng halik tiyka lumapit sa tainga ko para bumulong, "Your brother is here."


Lumingon ako at.... "What the fu-----" 


"Kissing is a norm for couples, Elijah. Don't be ignorant." Putol ni Renzo kay Kuya. Naupo siya sa couch tiyaka cool na nag-dikwatro pa. "Couch is waiting." Dagdag pa niya nang hindi inaalis ang tingin sa kapatid ko. Napaiwas ako ng tingin dahil matalim ang tingin ni Kuya sa akin na parang may nagawa akong mabigat na kasalanan. I sat on the single couch facing the gap between Renzo and my brother after the latter took his seat. 


Ilang sandali lang ay may isang babae na nakapang-secretary attire ang dumating dala ang tray ng tea at ice cream. She bowed before leaving. Napabuntong-hininga ako nang ibalik ko ang tingin ko sa dalawa na nagsusukatan parin ng tingin hanggang ngayon. Halatang kanina pa talaga nagpipigil sa inis si Kuya. Aaminin kong medyo may takot ako sa biglaan niyang presensiya pero ayokong ipahalata 'yon sa kaniya. 


Humalukipkip ako at pinag-krus ang mga binti ko. "Ilang oras ni'yo balak mag-titigan?" Walang ganang tanong ko sabay sulyap sa wristwatch ko. Napatingin si Kuya sa akin at sobrang talim parin hanggang ngayon ng tingin niya. Para iwasan 'yon, ibinaling ko ang tingin ko kay Renzo. "Mind to enlighten me what is happening here?" 


"You can ask your brother." Walang emosyong sagot niya kaya napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakatingin na kay Renzo. "No. Let me f*cking ask you asshole what did you do to my sister. Wala sa usapan na magkakaroon kayo ng relasyon."


Napakunot ako, "Usapan?" Bakit parang may mali yatang ganap rito. 


"He knew that Hosephio Yoro brought you to Serpent. He was well aware of every single happening inside my place." Renzo was the one who replied. Hindi parin niya binibitawan ang tingin sa kaharap. Napatingin ako kay Kuya, "Since when?" 


"The start" Si Renzo ulit ang sumagot kaya napatingin ako sa kaniya bago ulit tiningnan pabalik si Kuya. "How----"


"We had a deal." Renzo cut me off. "He's been keeping an eye on you ever since you left for New York. He knew everything, Zerina. Everything about this world and that f*cking unknown group is still out there waiting for their chance to kill you." 


"And what's your d*mn deal?" I asked letting my mind process what I am hearing. 


Renzo took a glance at my brother and said, "I will protect you by anointing you as the gang's Royalty, which happened earlier than what I planned, thanks to Ash Zane playing the heroic motherf*cker who wanted to take you out of Serpent, I had no choice but to announce that you're already the Royal Knightress just to offer him no choice but to leave you with me... On the other side, your brother must leave you alone under my protection and just do his job as a leading head of outer."


"Outer?" Wait...Parang may gano'ng sinabi kanina sa 'kin si Leonyxia. 


"The highest sect of Mors consists of Serpent's hidden assassins...Mors' ranked gangsters. They are assigned to pull off any task in any foreign country. Your brother is the leader of their sect." 


Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Kuya matapos ang sinabi ni Renzo. "You're an assassin..." Ang tanging nasabi ko. Am I really not dreaming? 


"Thirty-four high-profile mafia tycoons, twenty-six serial killers, and six powerful gangs have been eliminated by his own criminal hands. An overqualified assassin I could say." Renzo just smirked, praising my brother. 


Parang hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko kaya napatayo ako. I clenched my fist at pakiramdam ko gusto kong pagsusuntukin si Kuya. 


"Why didn't you tell me if you knew everything....about me...about this....in the first place?" Tanong ko sa kaniya habang pilit na kinakalma ang sarili ko. Finally he looked at me pero blanko na ngayon ang mga tingin niya. "May magbabago ba kapag sinabi ko sa 'yong may alam ako?" 


I heaved a sigh at padabog na naupo. He had a point, but still... "Are you really an assassin? I mean...Imagine the numbers you killed....Ikaw lang ba talaga ang may gawa nun? Hindi ka ba nababagabag ng konsensiya mo na-----"


"Ba't naman? Mas masarap pa ang tulog ko kung wala akong iniisip na kalaban kaya mas mainam na tapusin na sila." 


Natahimik ako. Nakatingin lang ako sa kaniya nang kunin niya ang cup ng ice cream na nasa food tray sa mesa. Why did you enter this world, Kuya? What's your real motive? I wanted to ask but I don't know how.


Humalukipkip ako, "I never expect this...na isang araw malalaman kong kriminal na pala ang kapatid ko." Natigilan siya sa pagkain at tiningnan ako. Hindi ko nilubayan ang mga mata niya, "I don't want to offend you, Kuya, but I'm just curious...Why? Why did you choose this life? Sa pagkakakilala ko kasi kay Elijah Mint Lorico, there's no way he would enter this ruthless world, not even once in his life or the other way."


Napangisi siya, "Yet I did at h'wag kang umakto na parang ako lang ang kriminal dito, Ellisse. Ilan na nga ulit ang napapatay mo?" Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. And now he's diverting the topic on me huh? 


"H'wag mong ibahin ang usapan, Kuya. I'm talking about your records. We both know how much risk this could bring to our mother." Pagtataas ko ng boses sa kaniya. 


Napangisi si Kuya sa kabila ng inis ko sa kaniya. "You've grown up, lil sister" Napapikit ako ng mariin. 


I'm still in surprise for this sudden revelation, pero 'yong naramdaman ko noon kila Tanya hindi ko 'yon ngayon maramdaman kay Kuya. Tha rage towards him for hiding me the truth. Siguro dahil naiintindihan ko na ngayon ang mundong 'to. Pero paano at bakit nga ba at kailan pa naging miyembro si Kuya ng mafia? 'Yon ang gusto kong malaman. 


"How did you become part of the mafia?" I asked again.


"Joining the trend." Trend? Kailan pa naging trend ang pagsali sa mafia?! Nag-kibit balikat pa siya at halatang walang gana sa usapan.


Aktong kukunin na sana niya ang isa pang baso ng ice cream nang magtanong ako ulit, "How long have you known Renzo?" Sa pagkakataong 'yon ay napatigil siya. He darted a sharp glance at the man accross him and said, "Bago ka pa umalis papuntang New York...And I started planning to kill this man when I heard about your abduction."


"What----"


"Should I thank you for sparing me until now, Elijah?" Nakangising tanong ni Renzo na parang wala lang sa kaniya ang sinabi ni Kuya. WTH is wrong with these two, seriously? 


"And about the unknown group who wants me dead. May lead ka ba tungkol sa kanila?" Tanong ko na sandaling kumuha sa atensyon niya. I never thought I'm going to have this 'mafia conversation' with my older brother. Tss. 


"Wala" Sagot niya bago ibinalik ang matalim na tingin kay Renzo. Can't they just stop the rivalry?! Parang may pinag-uusapan sila sa matatalim nilang tingin na sila lang ang tanging nakaiintindi.


"At si Mama nasa'n siya ngayon?" I'll be expecting na nasa ligtas siyang lugar given by our current disposition. 


"She's safe, hon." Si Renzo ang sumagot kaya napatingin ako sa kaniya. She just partly smiled at me hanggang sa may marinig kaming nagkasa ng baril kaya napatingin ako kay Kuya at...


"What the hell are you doing, Kuya?! Put it down!" 


"Isang tanong isang sagot, Ellisse Zerina....Niligawan ka ba ng g*gong 'to?" Madiing tanong niya na matalim ang tingin niya direkta sa mga mata ni Renzo habang nakatutok ang baril niya rito. I clenched my fist. Sa inaasta ng kapatid ko, nakasisiguro ako na hindi siya magdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo. 


"Niligawan ka ba?" 


"What the hell are----"


"Sagot!" 


"No!" Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Kuya. "Hindi ka niligawan pero hon ang tawag sa 'yo? Eh t*ng ina pala----"


"Ano ba, Kuya ibaba mo nga 'yang baril!" Halos tumayo pa ako para awatin si Kuya dahil nakatutok parin kay Renzo ang baril and the latter? Prente pang nakaupo sumisimsim ng tea na parang walang pakealam sa ganap. 


"Kuya, please. Stop. Kumalma ka muna, magpapaliwanag------" Tinabig pa niya ang kamay kong pumipigil sa kaniya kaya medyo napaatras ako.


"Elijah Mint" Halos sabay kaming napatingin ni Kuya kay Renzo na saktong sumimsim ng tea bago ibinalik ang tasa sa saucer. He then looked at my brother, but this time, not with his void gaze at all but a deadly one. "I know she's your sister, but do remember that my presence as the Serpent Commander is still existing in this room." 


Napangisi si Kuya na parang natatawa pa sa narinig niya. Ilang segundo pa silang nagpalitan ng matatalim na mga tingin bago sumuko si Kuya't padabog nalang na bumalik sa pagkakaupo. Akala ko tapos na....


"I'm taking my sister with me....Commander." Napalunok ako't napahigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko dahil sa sinabi ni Kuya. I looked at Renzo, but he still keeping his cool. 


"How's your mission back in Switzerland, Elijah?" he asked instead, ignoring my brother's rant.


"Mapapatay ko talaga 'tong g*gong 'to paglabas ko rito, Ellisse." Bulong pa niya habang mahigpit ang kapit sa baril. WTH! Ano bang alitan ang mayro'n sa dalawang 'to? 


"Not bad, asshole, and as what we dealt with, I'll be taking my sister back in here once I pulled off the task." 


"I see..." Ibinalik ulit ni Renzo ang tea cup sa saucer. "But she's now an official Serpent Royalty. You know the rule. No one can pull her out unless I permit so...and you better know that I won't do such a thing. How about I give you another task?"


"Thanks but no thanks."


"About the unknown group? You just said you still have no lead. Well, better lie when I'm not around, Elijah. You're the head of outer after all. Knowing secrets I know is one of your adroitness. I know how much you're capable of eliminating anyone that keeps hiding in the abyss of darkness."


"Sasama sa 'kin ang kapatid ko sa ayaw at sa gusto mo, Lorenzo." Sandaling nanaig ang katahimikan. My brother as the head of outer, calling the Serpent Commander by his second name is kinda intimidating. 


"Ellisse Zerina. Follow me." Tumayo si Kuya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Tumalikod na siya at paalis na. I then looked at Renzo who's looking at me. He didn't say anything, at kahit wala akong marinig ni isang salita sa kaniya, alam ko sa sarili ko kung saan at kailan ako mananatili o aalis sa isang sitwasyon. 


I want to stay beside him. Beside the Serpent Royal Commander. 


"I'll stay at Serpent, Kuya." Buong-tapang na sagot ko kay Kuya nang tingnan ko siya. He stop right in front of the glass door. 


"You should take the Commander's command. You're the head of outer, aren't you? I'll accompany Renzo. Serpent must deal with the biggest opponent anytime soon, Kuya... For sure, alam mo ang tungkol kay Mr. X....We're currently in the progress of finding intel about his identity." I waited for seconds for his response, but he didn't so I went on, "Serpent needs a Royal Knightress------"


"Lorenzo needs a Royal Knightress. That's the right phrase, Ellisse Zerina." Pagtama ni Kuya.


Humugot ako ng malalim na paghinga, "I'll be fine, Kuya. You don't have to worry."


He turned around to face us. Tiningnan niya si Renzo pagkatapos ay ako diretso sa mga mata. "Shatter yourself twice, Ellisse Zerina and make sure you will never ended up painfully f*cked up again."




Meanwhile on the Serpent gang's mission

NOVALEIGH DOMINGUEZ


Guess what's ganap? Oh babies! We're currently sa isang adventure at kahit medyo creepy ang lugar, nanatili parin akong stunning sa dim na apartment. May mga bungo kasing nakasabit sa wall tapos mga kung ano-anong deadly weapons na naka-display sa isang pahabang divider. May scarlet thread of conspiracy pa nga sa cork board malapit sa study table. Ang sabi sa record ng target namin, abandonado 'tong building na 'to. Pero teka, Gwapo siguro 'yong may-ari rito, ang handsome ng amoy ng pabango niya eh. Napaka-manly singhutin. 


"H'wag kang hahawak ng kahit na ano." Remind sa akin ni baby Axcel habang nagti-tip-toe kami rito sa loob. Aww, buti pa 'to ang caring! 


Well, well, kami kasing dalawa ang partner-in-crime for today's mission. The task we're pulling off here? We need to eliminate the remaining six people listed in the dark list. The first one is Casper Montero, then Vernon Lee, Winchad Scoth, Realendo Yumul, Antonio Tan, and Sergyo Lanter. At na-assign sa amin ang pinaka-una. 


Napatigil kami both ni baby Axcel when we heard the footsteps approaching the room. Mabilis kong pinuntahan ang sofa at prenteng naupo ro'n. 


"Ano pang ginagawa mo----"


"Sssshh" Sinenyasan ko ang kasama kong manahimik muna and he had no choice at all but to let me do my thing. Mabilis din siyang nagtago sa gilid ng lumang divider dahil tuluyan na ngang nag-open ang pinto kasabay ng pag-sindi ng lights. 


"What the-----" Mabilis na pag-kasa ng baril ang sumunod na narinig ko at namalayan ko nalang na nakatutok na 'to sa akin. Woah! So bilis naman ng reflexes ng Casper Montero na 'to. In fairness huh, ang gwapo niya. 


With matching alindog ipinag-krus ko ang mga binti ko para mas lumitaw ang makinis kong legs. "Hi!" Masayang bati ko. Napakunot siya. Oh so, mukhang hindi niya ni-review ang profile ng mga members ng Serpent Gang, dahil kung yes, edi for sure makikilala niya ako kaagad, the only one, Novaleigh Dominguez. Buti nalang may pagka-bobo rin ang gwapong 'to. 


"Kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayo? Let's eat together! Ahm, saan mo pala want? Sa kusina ba o sa bed?" Malanding tanong ko na nagpangisi sa kaniya. "Ako bang gina-gago mo huh?"


Woah! Akala ko easy-to-get parang si Bryan two point zero 'to. "Fine" Humugot ako ng oh-so-deep na pag-hinga bago tumayo. Hindi parin niya inaalis ang pagkaka-point ng baril sa akin. "Madali lang naman akong kausap, baby. Eat me or I'll kill you." 


"Ano?" Natawa ako dahil sa kunot na reaction niya. May lahi ngang Bryan ang isang 'to. 


"Kidding aside! Ang sabi ko, want mo pa bang mabuhay? Kasi kung oo, gusto ko sanang mag-sorry kasi need ka na naming iligpit today."


"Eh p*tang----" And before he could even pull the trigger, nabitawan na niya ang baril niya kasabay ng loud bang galing sa direksyon kung saan kanina nagtago si baby Axcel. Malakas na pag-daing ang sumunod but I ignored Casper's pain, I smirked looking at Axcel. 


Wala na siyang hinintay pang sasabihin ni Montero. He pulled the trigger once again, taking a closer step to our target. Akala ko matutuluyan na si Casper, but then nakuha pa niyang magsalita. Kalokang 'to! Mamamatay na nga lang, may pa farewell message pa yata. Aamin siguro 'to sa akin na crush niya ako. I flipped my hair with the oh-so-obvious thoughts. 


"T-talagang h-hindi kayo t-titigil nang hindi kami nauubos huh?" Natawa siya but halatang sobrang kirot ng tama niya sa braso, tagiliran at kamay. 


"Just tell me na crush mo ako, Mister. Baka hindi ka pa niyan makaamin kung magso-sona ka pa."


"I-iniisip ni'yo ba na k-kaming mga knights ng K-korbin ang totoong kabilang sa d-dark list?" Naghihingalo na siya pero nakuha pang magsalita at naa-understand ko pa naman. Pero wait, anong sinasabi niya? I looked at Axcel with my gorgeous questioning look, pero kay Casper siya nakatingin. Mukhang hindi siya nagtataka sa narinig. Gets ba niya 'yong sinabi ng target namin? 


"W-wala ni isa ang k-kaya niyong iligpit sa mga t-taong nasa tunay na l-listahan. M-masyado ni'yong y-yatang m-minamaliit ang K-Korbin...." 


Tunay na listahan? 


"Talaga? Eh pa'no sa tingin mo namatay si Alfrigal at Crowseigh?" Tanong ni baby Axcel. I looked at Casper, nag-smirked pa siya but then tinuluyan na siya ng gwapo at cool kong kasama. 


"Tara na" Naunang umalis si baby Axcel kaya agad akong nagtanong nang makalabas kami. 


"Maling listahan ba ang sinusundan natin, baby?" I asked my partner. 


"Hawak ni Mr. Kenzo ang totoong dark list. Iniimbistigahan niya ang miyembro ng mga taong kabilang sa listahan." Sagot niya when we both make sakay sa kotse niya.


"So that means na fake na dark list ang listahan na ibinigay sa gang?" 


"Kailangang palabasin na hawak natin ang listahan at ang plano nating isa-isang ililigpit ang mga taong kabilang rito—walang iba kung hindi ang mga knights ng Korbin. Oras na nakatunog sila na isa-isang nalalagas ang mga knights, iisipin nila na mali ang listahang sinusunod natin dahil hindi naman talaga mga assassins ang laman ng totoong listahan... Ang totoo niyan, nagpapanggap lang ang Korbin na naniniwala silang hawak natin ang totoong listahan sa pamamagitan ng patuloy nilang pag-atake sa Serpent dahil nga gusto kuno nilang mabawi ang listahan. Ang hindi nila alam, nakikipaglaro lang din tayo sa kanila. Kinuha ni Commander ang atensyon nila gamit ang pekeng listahan para hindi maistorbo ang ginagawang pagi-imbistiga ni Mr. Kenzo." 


Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sunod-sunod na infos na nalaman ko. "Meaning si Dominico Alfrigal at si Sigmund Crowseigh ay members ng tunay na dark list? Like they are one of those most powerful allies of Korbin?" Tanong ko dahil na-remember ko kaagad ang binanggit ni baby Axcel before niya tinuluyan si Montero kanina.


"Mismo" 


Napapalakpak ako. Come on! We just killed two of Korbin's pillars! Ibang klase talaga si Commander! Well planned. Well played. 


Oh wait! Where are the others na nga pala? 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top