Chapter 45.2
ELLISSE ZERINA
"Where are we?" Tanong ko pagkapasok ng kotseng sinasakyan namin sa isang malaki at mataas na gate na awtomatikong nagbukas.
"You'll see."
Nakakainis na dahil kanina pa niya sinasabi 'yang, you'll see, you'll see na 'yan. Tss!
Bumungad sa loob ang hardin mula sa magkabilang sides ng daang tinatahak namin. It's not a usual garden dahil sobrang lawak ng lugar. Parang isang malawak na villa na napalilibutan ng mga puno't iba pang halaman. This is giving me the Serpent's HQ's vibe.
Pero ang totoo lang nagtataka ako kung bakit dinala ako rito ni Renzo. Hindi naman sa ayoko sa lugar para sa date namin, I don't mind wherever we go as long as we're together, that's enough for me. Hindi ko lang maiwasang makaramdam ng hindi maganda. It feels like, there's something wrong in this place. Parang may takot akong pasukin ang lugar na 'to. D*mn it! Napa-paranoid na naman ba ako.
"Scared?"
Nakakunot kong tiningnan si Renzo dahil sa tanong niya. Gano'n na ba ako ka-obvious? "No. Why would I be?" Mataray kong pagpapanggap. I then took a peek outside from the closed window after he parked the car, "Hindi naman siguro ako inaabangan sa loob ng unknown group na gustong pumatay sa akin 'di ba?" I turned my gaze back to him, "And besides, ano na naman kung may kalaban nga sa lugar na 'to? The hell do I care? I'm more than prepared, tss."
"Prepared?" Sandaling kumunot ang noo ni Renzo na tila nagtataka sa huling sinabi ko. Napangisi tuloy ako. Bahagya kong kinapa ang ilalim ng dashboard na nasa harapan ko and there when my finger traced a hand gun. Marahan kong kinuha 'yon tyaka marahang iwinagayway.
"Tss" Napailing si Renzo sa ginawa ko't napangisi pa nga. "A handgun over a GROUP? Do you think you can kill them with that?" Nanunubok na tanong niya. I smirked, putting the gun in my shoulder holster hidden under my brown leather jacket.
Bahagya kong itinaas ang kamay ko para abutin ang itaas na bahagi ng kotse. Kung titingnan parang walang nakatago rito, but there's actually a hand sensor installed on it, so anyone could easily open this car's so-called secret small storage. Pag-bukas nito ay hinugot ko sa loob ang isang M67 grenade. "I wonder how does it feels like throwing something like this to a group of assholes?" I asked in a curious way.
"They've already shot your head before you could even throw that trump card of yours, hon." Nakangisi na naman niyang sagot tiyaka humalukipkip. Seriously? Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'to.
Pagkatapos kong ibalik ang grenade sa storage ay lumuhod ako sa inuupuan ko paharap sa back seat para abutin sa silong ng upuan ang bag. "What's that?" Tanong ni Renzo pero hindi ko siya pinansin. I unzipped the bag then I took a sniping rifle out of it.
"What the f*ck?"
"Why?" Taas kilay na tanong ko sa kasama ko na halatang gulat sa inilabas kong armas. Napabalikwas siya para tingnan ang bag matapos agawin sa akin ang sniping rifle. At talagang kinalkal pa niya ang laman ng bag at patuloy sa pagmumura.
"Where the f*ck did you get all of these?" Iritadong tanong niya nang ibalik sa akin ang tingin. Uh-oh.
"Maze's basement?" Alanganin kong sagot. Mariin siyang napapikit na parang pinipigilang sumabog ang inis niya. At bago pa siya may masabi inunahan ko na.
"Ikaw ba naman kasing ikulong sa basement, spoiling you with a car racing simulator, a pool, and a bunch of avocado ice cream. Ultimo pagtingin sa mga Serpent files bawal. What do you think of me huh? A kid who could keep the fun over those things?...Oh~ and I almost forgot, pati pala lahat ng susi ng sasakyan mo itinago mo dahil ayaw mong gamitin ko...Fortunately, out of boredom, I found another secret which is your hidden weapon room. Edi may pinagkaabalahan pa ako." Walang prenong litanya ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya kung hindi ang blanko niyang mga tingin. What now? Natahimik bigla ang isang 'to?
"Actually I do have a plan already." Patuloy ko dahil balak yata nitong si Renzo na magtitigan na lang kami. "Kung totoo man na may nakaabang na kalaban sa loob, of course, since I'm the main target, you won't let me in kaya mas mainam na ikaw ang papasok habang ako?..." Kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang sniping rifle, "...I'll be shooting the heads of the assholes once you start the head-to-head elimination. Sa posisyong 'yon, mas may posibilidad na lamang tayo. You might ask, a group over two heads? Well, we can outnumber them with a capability of an ASSASSIN...right, Mr. Hilton?" Taas kilay na paniniguro ko.
If this man's going to make a defense and attack plan, for sure na ang naisip ko ay hindi malabong gano'n din ang gagawin niya. Sometimes, you should think the way how Renzo thinks.
"Yeah" Napangisi ako sa tipid na sagot niya.
"Now, let's get moving." Palabas na ako ng sasakyan ng hawakan niya ang hawak kong sniping rifle kaya natuon pabalik ang atensyon ko sa kaniya. What now?!
"You got a perfect plan on your sleeve but that's not what we're going to do here." Wala akong nagawa dahil mahigpit ang hawak niya sa armas kaya naagaw niya 'yon sa akin tiyaka ibinalik sa bag bago ako tiningnan. "I can take you to our enemies' place for a date but not this time, hon." Napakunot ako. "Are you sure walang kalaban na nakatago sa gilid-gilid para barilin tayo?" Sumilip pa ako sa bintana, "Hindi talaga maganda ang kutob ko rito sa lugar na 'to, Renzo. I think, we really need to take the sniping rifle or better the grenade with us."
He caught my attention back to him when he gently squeezed my hand. "Chill down, Zerina. I'm here. No one will dare to f*cking harm you. Besides, Serpent owns this place."
Bakit ba kasi napa-paranoid ako? D*mn!
Bago pa ako may masabi ay naramdaman ko na ang malambot na labi ni Renzo sa labi ko. The kiss was too gentle as if he's telling me how safe and secured I am with his presence beside me. And I am more than thankful for that.
"You ready?" Tanong niya nang makalabas kami ng sasakyan.
"Gun is ready." Sagot ko na nagpangisi sa kaniya bago ako hinila papaakyat sa hagdan palapit sa entrance door ng malawak na building.
"Ang tagal na nating hindi nagkikita, Lorenzo. Mabuti naman at muli kang nabisita rito." Isang lalaki na nasa mid 50's ang edad ang nakangiting sumalubong sa amin nang marating namin ang glass window. Nakasuot siya ng mahaba at itim na coat na mala-medieval period ang dating at may hawak na baston. He's old yes, pero halata sa tindig niya ang pormalidad and for sure kayang-kaya pa niyang sumabak sa bakbakan.
"How's Mors, Mr. Harrisson?" Renzo asked the old man. Hindi naman nawala ang ngiti ng matanda. "Kung paano mo ito iniwan noon ay gano'n pa rin naman hanggang ngayon, 'yon nga lang ay syempre may kaunting pagbabago." Sandaling nagawi ang tingin sa akin ni Mr. Harrisson. He squinted, "Teka, sino nga palang itong dalagang kasama mo?"
I was about to answer nang maramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Renzo sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ellisse Zerina Lorico. She's the Serpent Royal Knightress." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang pintig ng puso ko nang gawiran niya ako ng tingin, "She's my life. My everything." Pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi niya.
WTH, Mikael Lorenzo?! Palihim kong pinisil ang kamay niya at pilit siyang kinakausap sa tingin, telling him that he doesn't have to say that! But he just smirked. Tss.
"Lorico?" Nabaling ang tingin ko nang marinig ang isang boses ng babae na mukhang ka-edad lang namin. Mukhang kanina pa siya nakasandal sa pader malapit sa amin. She walked near us. Diretso ang tingin niya sa akin, and I can say, she's fearless, but not enough to intimidate me.
"Nice seeing you again, Commander." Tipid ang ngiting iginawid niya tyaka bahagyang yumuko para magpakita ng paggalang. Renzo just nodded.
Her gaze then switched pointing at me, "Your name rings a bell huh? Have we already met before?" She asked.
"You don't look that familiar." Sagot ko.
"Leonyxa. Matuto kang bumati sa Royal Knightress." Ma-awtoridad na utos ni Master Harrisson na binuntong hiningaan lang ng kausap niya. Masasabi ko na sa mga tingin pa lang niya sa akin, parang napaka-unwanted na ng presensiya ko.
"At anong ginagawa rito ng isang Serpent Royal Knightress? A random visit?" Mayabang na sagot niya. Napakunot ako. This girl has this guts for trying my nerve huh?
"Leonyxa. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Mababakas sa mukha ni Master Harrisson na nagpipigil lang siya.
"Ano ba ang gusto mong marinig, Master---t*ng ina!" Napaawang ang labi ko nang biglang siyang binanatan ni Master Harrisson sa binti gamit ang kaniyang baston dahilan nang mapangiwi si Leonyxia sa sakit at bahagyang napaluhod.
"You're---"
"H'wag mo ng hintayin na ikulong na naman kita sa basement. Hindi ka na talaga natuto." Wika ni Master Harrisson nang makatayo si Leonyxa na paika-ika, hawak pa rin ang natamaan niyang binti. That served her right. Tss.
"Can we talk for a moment, Master Harrisson?" Napatingin ako kay Renzo nang magsalita siya. Mukhang wala siyang pakealam rito kay Leonyxia kahit na balasubas ang asta.
Mr. Harrisson looked at me then to the brat, "Sundan ninyo akong dalawa ni---"
"Ako na ang bahala sa kaniya." Napataas ang kilay ko nang magsalita si Leonyxia. She's looking at me with a playful smirk on her lips. Sigurado ako na may binabalak siya at kung ano man 'yon well, good luck sa trip niya.
"Mas mainam pa na gawin mo na lamang ang ipinapagawa ko----"
"You got a better idea accompanying the Knightress since Mr. Harrisson and I will be dealing with some private matter. Is that fine with you, hon?" Napatingin ako kay Renzo. Parang sinasabi ng mga tingin niya sa akin na fine dapat ang sagot ko kahit na para sa akin ay hindi. Tss.
I looked at the brat na talagang tagumpay na ang ngiti niya. Let's see, bitch.
"Kung ganoon ay ipauubaya ko muna sa iyo ang Knightress, Leonyxia." Makahulugang saad ni Mr. Harrisson, warning the b*tch.
"I'll make sure that she will learn a lot along the tour." She replied giving me a meaningful gaze. Kung nabubura lang ang ngisi, baka kanina ko pa pinunas 'yon sa labi niya.
Master Harrisson was the first one to leave, and before Renzo follow his lead, lumapit siya sa tainga ko para bumulong, "Watch your temper, hon. I'll be quick." Naramdaman ko ang mabilis niyang paghalik sa pisngi ko tiyaka niya binitawan ang kamay ko, at naglakad na papalayo.
"So, you're really the Commander's Queen huh?" Walang emosyong komento ng brat na kasama ko bago niya ako tinalikuran, "Sumunod ka sa 'kin."
Hindi ko lang talaga alam kung matatagalan ko ang pag-uugali niya dahil kanina pa ako naiinis sa kaniya. Well, I have a handgun. H'wag lang niyang sosobrahan ang ka-supladahan niya dahil baka mapilayan siya ng wala sa oras.
"Ikaw ang Serpent Knightress, siguro naman nasabi na sa 'yo ni Commander ang tungkol sa lugar na 'to." Panimula niya habang naglalakad kami sa malawak na hall kung saan makikita sa gilid ang mga lumang sculptures at mga naglalakihang paintings na nakasabit sa pader.
"That's why we came here. To obviously know about this place." Pamimilosopo ko. Tumigil siya sandali kaya gano'n din ang ginawa ko. Nakataas ang kilay niya at mukhang may gustong sabihin pero halatang pinipigilan niya ang bibig niya. Tinalikuran din niya ako para magpatuloy sa paglalakad.
Nagpatiuna siyang maglakad paakyat ng malawak at mataas na hagdanan na nalalatagan ng itim na carpet.
"Ito ang lugar kung saan nasasanay ang mga bagong salta. Ang tawag sa lugar na 'to ay Mors. Kapag nag-request ang headquarter ng panibagong grupo ng gang, dito sila humuhugot. Pero syempre lahat ng lumalabas dito papasok sa HQ, well-trained na mula sa mga rules at higit sa lahat hasang-hasa na sa pakikibaglaban. Sa madaling salita, ito ang training field ng mga baguhang Serpent pawns at ang playground ng mga knights at knightresses ng samahan."
So I bet dito naganap ang training nila Tanya noon, but in my case which is a far more different, siguro dahil VIP ako, at para na rin sa safety, sa HQ na ginawa ang training.
"Sila ang mga naging Presidente ng Mors." Saad niya nang mapansin na pinagmamasdan ko ang mga naglalakihang portrait na nakasabit sa pader. They all look familiar since nakita ko na rin naman ang mga pictures nila mula sa isang record book sa maze's basement. And guess who's the current President? It's no other than Mr. Jackson Lee Hilton, Renzo's father.
Habang isa-isa kong pinagmamasdan ang mga portrait, nadako ang tingin ko sa landscape frame na nakahiwalay sa pictures ng mga Presidents. It's a group photo taken, obviously decades ago dahil halatang luma na ang pictures.
"'Yan ang mga larawan ng mga official ranked group mula rito sa Mors." She explained without me asking.
"So you do have ranked gangs staying in this place as well huh?" Komento ko tiyaka ako lumipat sa frame na medyo mas maliit sa naunang landscape frame. While looking at the photo, I squinted. I think this one was taken just years ago. Hindi pa naman gano'n kaluma.
"'Yong mga ranked members na nananatili rito sa Mors ay nahahati sa dalawang sekta, ang outer at ang inner."
Lilipat na ako sa huling frame nang mapansin ko ang likurang bahagi ng grupong nasa larawan. The person from the left side. Medyo malabo kasi kaya kailangan ko pang lapitan ng maigi para tingnan. Wait...this...
"Masasabi mo na ang lugar na 'to ay parang isang eskwelahan para sa mga may determinasyong mapabilang sa mafia." She went on at nauna ng naglakad kaya wala akong nagawa kung hindi sundan siya.
Maya't maya pa ay nakarating kami sa isang malapad at mataas na pinto. Itinulak niya 'yon, at natigilan ako nang bumungad sa mga mata ko ang sobrang lawak na hall. What the hell!
Halos lahat ng taong nandito tila ba may kaniya-kaniyang mundo. May hawak silang mga pana, iba't ibang uri ng bomba, baril, dagger, axes, at iba pang mga armas, at ang iba ay ngayon ko pa lang nakita.
"Lahat sila ay mga bagong recruit. Serpent pawns." Patuloy niya habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ko. The weapons are all d*mn real!
"Hindi pa kompleto ang bilang ng mga pawns na nakikita mo ngayon. 'Yong iba nasa ibang building. Kung nagtataka ka, may mga libro pa na kailangang aralin at mga bagay-bagay na dapat alamin ng mga pawns. Hindi lang puro pag-baril at pagsaksak ang dapat nilang matutunan. A Serpent must know the basics. One who deserves the title should be smart enough and and emotionally-trained."
"Hey Leon!" Lumapit sa amin ang isang babae na nakapusod ang mahaba niyang buhok. Hindi mahahalata na isa siyang gangster dahil mukha siyang buhay na doll.
"New pawn?" Mula sa malawak na pagkaka-ngiti, kumunot siya nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagsalubong ang kilay ko nang biglang magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Namilog ang mga mata niya, at napatakip sa bibig niya na para bang nakakita siya ng isang artista mula sa likod ko kaya pati ako ay napalingon.
"Commander!" Nilampasan niya ako at nasagi pa niya ang balikat ko nang patakbo siyang lumapit kay Renzo na kadarating lamang kasama si Master Harrisson. Tumungo ang lahat ng makita nila siya.
Mas lalo akong napakunot dahil sa kakaibang ngiti na ipinupukol ng babaeng lumapit kay Renzo. That's obvious. She likes the Commander. Tss. Poor her, taken na ang gusto niya.
"That's Wilgeihl Lovely Valezma. Ang magiging matalik mong kaagaw." Saad ni Leonyxia sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Without asking her why did she say so, she went on, "Obvious naman sa nakikita mo 'di ba?" Tukoy niya sa kinaroroonan nina Renzo.
Oh yeah. That living doll.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila. I crossed my arms at parang automatic na napataas ang kilay ko nang bahagyang ibaba ni Renzo ang kaniyang ulo, at sa pagkakataong 'yon ay bumulong sa kaniya 'yong Lovely. Hindi bagay sa kaniya 'yong pangalan niya. Tss.
"What the hell?" Iritado kong bulong nang sumulyap sa akin si Renzo tiyaka ako nginisian. Nakuha pa talagang ngumisi ng lalaking 'to.
"Kung may masunuring tao man na susunod sa utos ng Commander ng walang reklamo kahit pa ano, si Lovely ang mangunguna't mangununa sa listahan."
Kaya siguro close siya rito kay Renzo. Tss. But fortunately, the Commander fell so hard with someone who loves defying his rule. I smirked at the back of my mind.
Napansin ko na sa akin na pala nakatingin si Lovely. Para bang nag-iinit ang mga tingin niya. Manika na nga naging angry bird pa, tss. Humakbang siya palapit sa amin at hindi ko namalayan kung kailan siya humugot ng baril tiyaka 'yon ikinasa at itinutuok sa noo ko. That only took her seconds. That was a new record excluding Renzos.
I smirked because for real, this Lovely amazed me. The gun pointed at my forehead isn't enough to scare me. Not a bit. "Is this how you welcome your Royal Knightress, Ms. Valezma?" I asked with no single trace of fear.
Mukhang nainis siya dahil sa naging reaksiyon ko. Sino ba namang hindi kung hindi naman naiinis sa 'yo 'yong taong iniiinis mo? Tss.
"Just to remind you that before you could even pull the trigger, someone had already shot you." I went on, raising my brow.
"Put the gun down, Wilgeihl Lovely." Ma-awtoridad na utos ni Mr. Harrisson hawak ang isang baril na nakatutok sa likod ni Lovely.
"What a random pick for a Royal Knightress." Idiniin niya ang muzzle ng baril sa noo ko bago niya 'to ibinaba tiyaka itinago sa likod niya.
"Tama na 'yan, Lovely." Leonyxia tried to interrupt the growing tension, but she failed.
"I dislike you." Diretsa ng babaeng kaharap ko na nagpangisi sa akin. "The feeling is mutual" sagot ko.
"So you really want to try me huh?" Hindi ko inaasahan ang pagtulak niya sa akin kaya napa-atras ako. Good thing, hindi ako napaupo dahil na-balanse ko ang katawan ko.
"Lovely!" - Leonyxia
"She might be the Serpent Royal Knightress, but we're in Mors, which means she must go through whoever wants to fight with her." May diing wika ni Lovely.
So that's the rule of this place, huh? Kahit iginagalang ang Royalty, pwede ka pa ring hamunin ng kahit na sino. That's a twist huh? Na-sobrahan lang yata ng confident ang babaeng 'to.
"Leave this amateur to me."
"Anong sinabi mo?!" Nag-echo sa buong hall ang boses niya. Looks really can be deceiving. Mukhang manika nga, may lahing taguro naman pala.
"Hindi kita tatanggihan kung gusto mo akong makalaban. Besides, as you said, pwede akong hamunin ng kahit na sino rito. Well, as Royalty, let me pay your tradition some respect." Nakangisi kong panghahamon.
"You're too confident, Ms. Knightress."
"No. You are, Ms. Valezma." Humakbang ako palapit sa kaniya tiyaka bumulong, "Wanna know who's the real Queen of the man behind you?" Sinulyapan ko si Renzo na salubong ang kilay habang pinagmamasdan kami kaya naman napangisi ako.
Bahagya akong umatras at sakto na balak sana akong saksakin ni Lovely nang mabilis kong nahawakan ang kamay niya tiyaka siya itinulak dahilan nang bahagya siyang mapaatras. Mabilis akong kumuha ng bwelo para atakihin siya ng isang side kick na mabilis din niyang naiwasan tiyaka ako inatake muli ng dagger pero mabilis ko 'tong naiiwasan. She was too quick to put the dagger back on her thigh holster.
Pinaulanan niya ako ng sunod-sunod na suntok at sipa hanggang sa ma-corner niya ako sa pader. Sinakal niya ako gamit ang braso niya kaya hindi ako makagalaw at makakuha ng bwelo para makawala. Napansin ko na balak na niya akong saksakin nang hugutin niya ang dagger sa holster niya, kaya naman walang akong ibang choice kung hindi tuhurin ang sikmura niya dahilan nang mabitawan niya ako pati ang dagger. Kaagad ko namang sinipa 'yon palayo.
"Too close, but too far from my speed's record."
Nagngingitngit ang mga ngipin niya dahil sa inis. Hindi na ako nagulat pa nang muli niyang hugutin ang isa pang dagger na mas mahaba kompara sa gamit niya kanina. She stood up with whole-souled determination to defeat me. That gives me the excitement to go on with this fight.
Muli niya akong inatake ng sipa habang hawak ang dagger. She was about to stab me, but with my strength, gladly, nasangga ko ang braso niya. I twisted it dahilan nang mapadaing siya sa sakit. Kaagad kong inagaw ang dagger at hinagis 'yon sa tabi. Now, she only have one last weapon.
"You b*tch!" I was out-strengthened when she moved her head to bump it in my forehead. Nabitawan ko siya dahil napahawak ako sa noo kong nauntog sa ulo niya. D*mn! Wha a rock-headed brat she is.
Nawalan ako ng balanse dahil sa hindi ko inaasahang suntok na ginawa niya hindi pa man ako nakakaayos ng tayo. Tuluyan na akong napaupo. I hurt my d*mn butt kaya hindi ako kaagad nakatayo.
"I didn't know that a head bump could easily turn you down." She painted a playful smirk, walking near me. She took the gun out behind her tiyaka 'yon itinutok sa akin.
"Tama na 'yan." Mr. Harrisson was the first one to stop the duel, but Renzo? His silence meant to say something. He knows me well, and he must already know what I am planning to do next.
"Winner draws first blood, Mr. Harrisson." My foe said with a triumphant smirk, and before the b*tch could ever pull the trigger, buong-lakas kong ini-angat ang paa ko para hawiin ang kamay niyang may hawak ng baril kasunod ng malakas na putok ng baril na tumama sa ibang direksyon. I then took that opportunity to stand up, pull my gun in my holster and pointed it to her chest. And that took me seconds which stunned my opponent. I beat her record.
"As you said... Winner draws first blood." I smiled. Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na ipinatama ko sa binti niya kasunod ng malakas na pag-daing at mura mula kay Lovely. Kaagad din naman siyang tinulungan ni Leonyxia palabas ng hall.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko hinarap ang dalawang tao na malamang ay nagsilbing main audiences sa katatapos lang na duel.
"Walang duda na ikaw ang Royal Knightress ng Serpent. Dugong Lorico nga naman." Papuri ni Mr. Harrisson na dala na ngayon ang ngiti sa kaniyang labi. I looked at the man beside him. "Shooting her was out of line, but you really did well. How my Queen act indeed."
I smiled at him, pero napawi ang mga ngiting 'yon nang mag-echo sa buong hall ang malakas at mabagal na pagpalakpak mula sa taong nasa likuran ko. Napatingin pa ako sa mga taong kanina lang ay audiences sa laban, pero ngayon lahat sila'y nakatungo na tanda ng paggalang.
Lumingon ako para tingnan kung sino ang dumating, and then the next thing, I just dropped the gun, surprised by the unexpected presence of the visitor who just came.
"How's New York, Royal Knightress?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top