Chapter 44


ZETHANYA YUI FELIZTRO 


Matapos ang nangyari kagabi, hanggang ngayon hindi parin natatahimik ang buong headquarter. Nagulat ang lahat kahapon nang malaman namin na napalibutan na ng Korbin gang ang buong headquarter. And what really scared me ay noong magsimulang magpaputok ng baril ang Aris, and then we found corpses of our fellow Serpent in some corners of HQ. 


Pero mabuti na lang at nangyari ang gulo matapos makauwi ng mga bisita. Kasama pa naman sa mga dumalo ang ama ni Commander at ang angkan ng Stanford. 


"Everything is settled." Napatingin ako kay Dhale nang makaupo siya sa harap ko tiyaka iniabot sa akin ang orange juice. "Dwight Kean will surely leave this Serpent or else, he's going to lose everything he has." Nakangiti niyang sabi tiyaka sumipsip sa lemonade na dala niya.


"Paano?" Curios na tanong ko.


"Blythe Kenzo Lewis Stanford...He's the second grandson of Don Joaquin, Dwight's older brother." Sagot niya na mas lalong nagpalawak sa ngiti niya.


"At ano ang kinalaman ng kapatid niya sa pag-alis ni Dwight?" Hindi ko maiwasang ma-curios pa lalo. I know there's something good happening at excited ako na malaman ang tungkol doon. 


"You'll see...by the way nasaan nga pala si Ellisse?" Pag-iba niya sa usapan na mukhang gusto niya akong ma-sorpresa sa kung ano mang good news ang nalalaman niya kaya naman hindi na ako humirit pa.


"Hindi pa ba siya dumarating?" Balik tanong ko na inilingan lang niya habang sumisipsip sa lemonade.


"The last time I saw her was last night after she left the imperial ball...How about you? Did she call or message you?" Tanong niya nang simulan niyang kainin ang caesar salad. 


Dahil sa tanong niya, napangiti ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. 


"Wait. Wait..." Pinaningkitan niya ako pero mas lalo lang lumawak ang ngiti ko, "Did something good happen as what I am thinking?" 



Flashback 

Nagulat ako nang ibulong sa akin ni Lucas na darating si Commander pero napanatag ang loob ko dahil alam ko na 'yon din ang hinihintay ni Ellisse. Hindi ko lang maiwasang mag-alala sa kaniya nang makita ko ang reaksiyon niya dahil magkasamang dumating si Commander at si Katriela. 


They have nothing to do with each other. Alam ko 'yon dahil sinabi sa akin ni Lucas. Kay Katriela ipinaubaya ni Mr. Dela Vega ang kaso ni Commander kaya siya ang nag-ayos nito. Siya ang nagpa-tunay sa Canis Royalties na walang katapat na mabigat na parusa ang ginawa ni Commander kay Doctor Helios. 


Pero sigurado ako na iba ang magiging epekto ni Katriela kay Ellisse. Katriela was the reason why Art left Ell. 


But her pain from the past is now history. At kung ano man ang mga pagbabago na nakita ko sa kaniya simula nang dumating siya sa Serpent, masaya ako para sa kaniya. Sobrang saya ko dahil unti-unti niyang natutunang tanggapin ang mundong minsan niyang kinamuhian. I can feel how happy she is at malaki ang naging part ni Commander do'n at gano'n din panigurado si Ellisse sa kaniya. 


Madaling araw na nang makabalik ang gang matapos nilang sundan si Chief. Katatapos ko lang din gamutin ang ibang mga kasamahan nila Friza na nagtamo ng mga sugat at tama ng baril. 


Pabalik na sana ako sa dorm nang makatanggap ako ng text message mula sa phone number na ibinigay sa akin ni Rix. It was Ell's. Pinapapunta niya ako sa underground hideout sa maze na unang beses ko pa lang na-eencounter. 


Hindi ko alam ang daan pero nagkita kami ni Rix papasok ng maze at pati raw siya nakatanggap rin ng message mula kay Ell. Mukhang kabisado naman ng kasama ko ang daan papunta sa entrance kaya madali lang kaming nakarating. 


Nang makapasok kami, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko dahil kakaiba ang disensyo ng lugar pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita si Commander sa living room. Kaharap niya ang bote ng alak at ang rock glass na may lamang alak. Kaagad akong tumungo maliban kay Rix na dire-diretsong naglakad tiyaka naupo sa sofa na katapat ni Commander. Ano bang ginagawa niya? Hindi man lang gumalang.


"Rix" Kabadong tawag ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako. "Lika rito, upo ka." Alok niya na parang kanya pa ang lugar. Napatingin ako kay Commander na blanko ang ekspresyong nakatingin kay Rix habang tungga ang baso ng alak.


"Ms. Feliztro." He called me kaya lumapit ako. Kinuha niya ang itim na paper bag na nakapatong sa mesa tiyaka iniabot sa akin.


"Bihisan mo raw si Ellisse." Wika ni Rix nang makuha ko ang paper bag. 


Napatingin pa ako kay Commander habang sinasalinan niya ng alak ang baso. "She's upstair, on the left."


Kaagad akong umalis para puntahan sa taas si Ell. Hindi ko na sinindihan ang ilaw dahil baka magising pa siya. Tanging ang lamp shade lang ang naiwang nakabukas. 


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. She looks tired dahil mahimbing ang tulog niya pero mababakas na maaliwalas ang mood niya. 


Matapos ko siyang mabihisan ay iniwan ko nalang ang extra na damit sa side table para may maisuot siya bukas. 


Bago ako tuluyang umalis, pinagmasdan ko siya ulit. I can't help but smile. "You deserve to be loved and happy with the man who loves you and respects you, Ellisse. Masaya ako para sa 'yo....Hindi ako nagkamali na mag-tiwala kay Commander para protektahan ka." 




ELLISSE ZERINA 


Kinusot ko ang mga mata ko nang maalimpungatan ako. Napa-ngiti ako nang maka-recover ang mata ko sa pagkaka-bukas. The ceiling was the first thing that greeted me, but for some reason, I smiled again. Pero kaagad ding napawi 'yon nang ma-realize ko na ibang damit ang suot ko. 


"What the hell?" Is he the one who changed my dress? Kung ganon...Ipinilig ko ang ulo ko. No, Renzo won't do that. I swear. 


Tinanggal ko ang comforter na nakabalot sa kalahati ng katawan ko. I got up and was about to leave the bed when I saw a note on the side table. May kasama pang damit sa tabi nito. 


Wear this, Royal Knightress. See you! :) 

- Tanya


Napangiti ako. So he asked my friend para bihisan ako huh? At talagang pinapunta pa niya rito sa secret basemen niya. 


Dumiretso na ako kaagad sa banyo para maghilamos at para na rin maligo. Habang nagbibihis ay natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko ang mamula-mulang marka mula sa kanang bahagi ng leeg ko. My heart then suddenly went crazy at parang ewan akong napapangiti dahil naaalala ko kung paano ko nakuha ang markang 'yon. What the hell, Ellisse Zerina! 


Bago pa man ako tuluyang mawala sa huwisyo, kinuha ko na ang purse ko. I took my phone to check if I got any message from him, but seeing nothing on the screen disappoints me a little. Well, we're going to see each other later anyway. 


Paalis na ako ng maalala kong isuot ang kwintas na isinilid ko sa purse. I wore it and look at my reflection on the mirror for few seconds. 


I'm glad that Renzo and I are now good. Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman. Ang kaso, hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging masaya kaya naman ngayon pa lang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko dahil ibang mundo na ang kinabibilangan ko. Isang mundo na puno ng risks na ano mang oras ay maaaring subukin kami.


This life I currently have isn't all about hangouts, dates, and parties. We need to be cautious at all costs to survive. 


Pagkalabas ko ng kwarto matapos kong makapag-ayos, isang tao kaagad ang hinanap ng mga mata ko. Inilibot ko ang tingin ko pero wala akong makita. Where is he? Dahil hindi ko siya mahagilap dito sa basement naisipan ko na lamang na pumunta sa headquarter.


Hindi ko pa alam kung ano ang nangyari kahapon pagkatapos naming umalis ni Renzo dahil wala pa akong natatanggap na balita. Kahit na may pag-aalala akong nararamdaman, tipid ko lang na nginingitian ang mga knights, knightress at rooks na nasasalubong ko na tumutungo sa akin. But then I halted when I felt a vibration from my phone. 


It was a message from 'demonyong walang puso'. I better change his name now. 


Missing you


Tss! I started typing...


Agad-agad? Ilang oras palang tayong di nagkikita, Mr. Hilton 


8H and 34 mins, and I miss your lips already, hon


WTH! Naplinga-linga pa ako sa paligid matapos kong mabasa ang reply niya. What a naughty man he is, tss! Napailing ako bago ulit sinimulang mag-tipa.


Where are you? Done with your breakfast? 


On my way back...Wait for me in the royal room. Let's have breakfast together.


Napansin ko na tahimik ang headquarter, at parang normal lang ang lahat tulad ng dati. I was on my way to the royal room nang makasalubong ko ang makapangyarihang Serpent Queen kasama si Mr. Malriego. Tumungo ako bago ko muling ini-angat ang tingin ko dahil tumigil sila sa harapan ko.


"Of all people... ikaw pa ang pinatulan." Alam ko na ang bagay na tinutukoy niya, at hindi ko na kailangang maapektuhan o matamaan sa trato niya sa akin. She's the Queen and she's always been like this. Sasabihin niya kung ano ang gusto niya at wala siyang pakealam sa maapakan niya. She's fearless. I admire her for that, pero h'wag lang niyang sosobrahan sa akin.


"Sa susunod ako na ang magtatanggal sa 'yo bago pa maka-gawa ng maling desisyon si Lorenzo." Matalim ang mga tingin niya at nagbabanta ang boses niya. Nilampasan niya ako, pero hindi ko siya hinayaang makalayo.


"Sigurado ka ba talaga na may kakayahan kang gawin ang bagay na 'yon, Serpent Queen?" Tanong ko tiyaka siya hinarap pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.


"What do you think of me, Ms. Lorico?" She turned around to face me carrying a smirk on her lips. "I AM THE SERPENT ROYAL QUEEN, AND I CAN MANIPULATE ANYTHING AND ANYONE THE WAY I WANT... Kayang-kaya kong magligpit ng mga sagabal ng walang hinihinging permiso sa kung sino man." 


Alam ko na hindi siya nagbibiro sa sinabi niya, pero hindi ako nagpatalo sa mga tingin niya. I told you, she might be the Queen of Serpent but I am the Queen of myself. 


"I'm not one of those anyone, Queen. Well, include me as you want, but I'm telling you, it would be the biggest mistake you could ever commit." Bulong ko sa tainga niya tiyaka bahagyang lumayo at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Alamin mo muna kung ano ang kaya kong gawin bago mo ako ituring na sagabal. O baka gusto mo na ako pa mismo ang magligpit ng mga kalat na gusto mong tumahimik?" 


Napangisi siya dahil sa sinabi ko na parang isang malaking biro 'yon sa kaniya. "Too much guts...which I really hate." Napawi ang ngisi niya at napalitan 'yon ng naghahamon at matalim na mga tingin.


"Serpent Queen...kailangan na raw po kayo sa court room." Saad ni Mr. Malriego na siyang pumutol sa sukatan namin ng tingin ng Serpent Queen.


"Since when did I become dispensable? Tss." Iritadong sabi niya bago ako sandaling tinapunan ng tingin. Mariin pa niya akong inirapan bago naglakad papalayo.


"Pasensiya ka na sa kaniya, Miss Lorico." Paghingi ng paumanhin ni Mr. Malriego.


"No, it's okay. Mas mabuti ng ipinapakita niya ng harap-harapan sa akin ang tunay na kulay niya kaysa naman magpanggap pa siyang anghel kung demonyo rin naman talaga ang lahi niya." Sagot ko habang pinagmamadan ang papalayong pigura ng Queen. 


She will surely do anything to protect Serpent, but the way she sees me as useless baggage, well let me prove her wrong about that.


"How was your night, my beloved Royal Knightress?" Napalingon ako at bumungad sa akin ang mukha ni Art. Napataas ang kilay ko dahil sa biglaan niyang pag-ngisi. Nakuha pa talaga niyang magyabang ngayong paika-ika na nga ang lakad niya. 


Tinanguan niya si Mr. Malriego. Mr. Secretary bowed to us before leaving as well, following the Queen.


"Kung balak mo na namang sirain ang araw ko h'wag mo ng simulan, Hartley." I warned my asshole ex pero mas lalo lang siyang napangisi. Well, d*mn him. Dapat binabalian din 'to ng buto sa kamay.


"Let your guard down, Ellisse. Wala naman akong gagawin...depende na lang kung kinakailangan." Mapaglarong sabi niya tiyaka nagpamulsa sa harap ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. 


"Baka gusto mo ng update?" Iniabot niya sa akin ang isang maliit na sobre. Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko ay kinuha ko 'yon. 


Literal akong natigilan nang makita ang mga larawan ni Renzo at Katriela na magkasama sa isang cafe, sa Midnight Blue Bar na pagmamay-ari ng mga Reaganel, pero ang lubusang umagaw ng atensyon ko ay ang huling larawan kung saan magkasama silang pumasok sa Grand Azure Moon.


What the hell are these all about? 


"Kuha 'yan isang araw matapos makalabas ni Renzo ng Canis." Hartley added. I looked at him to see if he's lying or what, and I know he wasn't. 


But Renzo told me that they have nothing to do with each other. Well, romantically. Kung mayro'n man, 'yon ay dahil si Katriela ang nag-ayos ng kaso niya para mapa-walang bisa 'to. 


"Why are you showing me theses, Hartley?" Seryosong tanong ko sa kaniya. 


Nagpamulsa pa siya bago sumagot, "Do you want to experience the pain of history once again, Ellisse?" He asked. "I'm just trying to help before you could waste your love on another wrong man again."


Natawa ako ng sarkastiko, "Wake up, Hartley. Renzo might be a devilish asshole in some way, but he's not the kind of man like you. He might hurt me in a way that can put my life at risk, but he never makes me feel worthless. He never treats me like dirt...Loving him and his world is my choice and I won't regret it even just once in this lifetime, dahil kahit maging isa pa siya sa mga mamahalin kong maling tao tulad mo, I'll always find ways to make it right."


Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. I sighed handing him back the envelope. "If you want to destroy us, better luck next time, Hartley." Then I walked out leaving him without words from the latter.


When I reached the royal room. I took a deep breath first before twisting the doorknob. Walang ibang bumungad sa akin kung hindi ang bakanteng upuan at malinis na mesa na wala man lang kagamit-gamit. 


Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Nothing changed as the last time I came here. Nahagip ng mga mata ko ang basag na salamin na hanggang ngayon ay nakasabit padin sa pader. Eveything inside this room feels empty without his presence. 


Napalingon ako kaagad nang marinig ko ang pag-bukas ng pinto. I was smiling, expecting to see Renzo, but it faded as I saw no one but Rix. 


"'Wag ka masiyado ma-disappoint, ako lang 'to." 


I just rolled my eyes. Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa couch dala ang paborito niyang lollipop. Tss. Same old Rix. 


"Where is he?" I asked. Sumunod akong naupo sa couch na nasa tapat niya.


"Balik trabaho. Ikaw? Ba't nandito ka?" Tanong niya na parang wala akong karapatang pumunta sa kwartong 'to. WTH! As if he has. 


Humalukipkip ako, "And you? This room doesn't need your presence. Why are you even here?" Mataray kong sagot. 


"Tambay lang, bakit ba?" He counterback bago tuluyang isinubo ang lollipop tiyaka may kung anong hinugot sa likod niya. 


Inilapag niya ang baril sa mesa. Sinundan ko lang siya ng tingin nang tumayo siya at dumiretso sa tapat ng bookshelf. May libro siyang ginalaw ro'n and then it slowly opened. A secret storage? Walang ibang makikita sa loob kung hindi puting pader hanggang sa may hidden switch na naman siyang ginalaw sa bandang gilid and the wall slowly opened again. 


"What the hell?" Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang iba't ibang klase ng baril at dagger na nakasabit. He took two types of guns and then two daggers as well bago ulit isinara 'yon. 


"How did you know that?" Nagtatakang tanong ko, pero tiningnan lang niya ako bago inilapag ang mga armas sa mesang nasa pagitan namin. 


"Punasan mo" Utos niya tiyaka inihagis sa akin ang maliit na wiping cloth. Kinuha ko naman 'yon pero nakatingin ako sa ginagawa niya. He's disassembling the guns at may kung ano pang kinukulikot do'n. 


"Of course you're Renzo's most-trusted pawn, but seriously, Rix, anong gagawin mo sa mga 'to?" Nagtatakang tanong ko. 


"Pwede nating i-adobo tapos kainin." Pamimilosopo niya. Sa inis ko ay kinuha ko ang isang baril at dalawang dagger na hindi pa niya nagagalaw. He looked at me blankly bago ulit itinuloy ang ginagawa niya. "May ililigpit lang." Maayos na sagot niya. 


"And who's the ass?" I asked again pero hindi ko parin ibinababa ang mga armas. 


Hinipan niya ang muzzle ng baril tiyaka umaktong may inaasinta. "Mafia tycoon" Tipid na sagot niya. 


Ibinaba ko na ang mga armas at sinimulan na niyang kalikutin pa ang isang baril. I only stared at him for seconds before I went on talking, "I'm coming with you." Pinal na sagot ko na nagpatigil sa kaniya. He looked at me voidly, at ilang segundo kaming nagsukatan ng tingin. 


"Gusto ko pang mabuhay, Ell." Sagot niya bago ulit itinuloy ang ginagawa niya. 


Hindi ko siya pinansin. I stood up tiyaka tinungo ang bookshelf na pinuntahan niya kanina. I moved the book he moved earlier and when it opened I looked for the button he pressed on the side, but to my surprise hindi bumukas ang pader kaya naman nilingon ko siya na mukhang walang pakealam sa ginagawa ko. 


"Hey, open this." I called. Tiningnan naman niya ako. "Ayaw sa 'yo?" He asked. WTH! 


"Obviously, Carlos Beaurix. Kung gusto edi malamang kanina pa 'to bukas." Sarkastiko kong sagot. Bumuntong hininga siya tiyaka tumayo at lumapit sa kinatatayuan ko. 


"Hindi ka sasama. Ako lang ang pupunta." And then he moved the book at unti-unting nagsara ang bookshelf. 


"No." Ginalaw ko ulit ang libro kaya nag-bukas ang shelf. "Sasama ako."


"Hindi. Bawal babae ro'n." And then he closed it again. WTH!


Marahas kong ginalaw ang libro kaya nagbukas ulit ang bookshelf. "Open this d*mn wall, Carlos Beaurix or I'll give you a d*mn hard time accomplishing your mission." I warned. Bumuntong hininga siya at mukhang wala ng choice. 


Tumapat siya sa gitna paharap sa pader hanggang sa unti-unting nag-bukas 'yon. 


"What's the use of this d*mn button?" Takang tanong ko turo ang button na nasa gilid. 


"Props lang 'yan." Sagot niya. Tss. 


Kahit na hindi ko alam kung ano ang klase ng baril na kukunin ko, kumuha parin ako ng dalawa at katulad ni Rix kumuha rin ako ng dalawang dagger na kaiba ang disenyo. Rix closed the wall then nang bumalik ako sa couch para ayusin ang mga armas na nakuha ko. 


"Sigurado kang sasama ka?" Paniniguro ng kasama ko habang tinitingnan ako sa ginagawa kong pagdi-disassemble ng baril. Napasulyap pa siya ro'n. "You must be thankful." 


"Kailan ka pa natutong ma-ngulikot ng baril?" Tanong niya. Ipinasok ko ang magazine matapos lagyan 'to ng ammunitions. "Kanina lang." Sagot ko tiyaka ikinasa ang baril at umaktong may inaasinta. 


"So you're a fast learner, huh?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Renzo. My heart suddenly went crazy as I saw him wearing his formal suit. The Commander's fearless aura is back. 


"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko dahil parang kanina pa siya naka-sandal sa mesa at hindi ko man lang napansin. 


"I was in the royal garden." Sagot niya dahilan nang mapatingin ako sa pinto kung saan ang papasok papunta sa garden. I looked at him and he's still looking at me. Those gazes of his telling me million of words I couldn't comprehend but my heart does. 


Napatingin kami kay Rix nang biglang siyang tumikhim na obviously para makuha ang atensyon namin ni Renzo. 


"Got a f*cking problem, Beaurix?" He asked in a deep autocratic tone.


"Wala naman, Commander. Makati lang talaga lalamunan ko." Palusot niya. "Makabili nga ng biogesic. Mukhang lalabnatin ako." Tumayo siya at paalis na. Kailan pa naging gamot sa lalamunan ang biogesic? Tss. 


"Take the Royal Knightress with you." Napatingin ako kay Renzo dahil sa sinabi niya. Did I hear it right? Kahit si Rix ay mukhang hindi inaasahan 'yon.


"Hindi ako bibili ng gamot, Commander. Magliligpit ako ng mafia tycoon." Paglinaw ni Rix. Renzo just crossed his arms on his chest. "I know." 


Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. I stood up and both of them looked at me. 


"I need a car." Malawak ang ngiti kong saad kay Renzo. This is going to be fun, for sure! 


"No. Rix needs a car." Walang emosyong sagot niya bago inihagis ang susi kay Rix na kaagad niyang nasalo. Napakunot ako. That's unfair. 


"But we both need a car." Hirit ko. 


"Ako na magda-drive." Singit pa ng kasama ko. He must help me coax Renzo to lend me a car too. Tss. 


"I'll be watching you. You better wait for my signal." Umalis si Renzo mula sa pagkaka-sandal sa mesa para lapitan ako. Kinuha niya mula sa kamay ko ang dalawang baril. 


"What the hell are you doing?" Reklamo ko. Akala ko ba sasama ako? 


Sa halip na pakinggan ako ay hinugot pa niya ang dalawang dagger na nasa thigh holster ko tiyaka 'yon inilapag sa couch. He then walked out from my sight. Pinuntahan niya ang bookshelf tiyaka 'yon binuksan. The wall then opened at may kinuha siyang baril do'n. There's a little storage hanging on it at nang buksan niya 'yon ay may kinuha siyang pares ng itim na gloves. 


Walang imik niyang iniabot sa akin ang baril. He held my hand and put on the gloves and he did so without even breaking his gaze from mine. "You're going to privately annihilate a certain person not make a noise to start a mafia war, hon." 


Medyo nainis ako sa sinabi niya kaya tinabig ko ang kamay niya at bahagyang lumayo ako sa kaniya. "Whatever, Mikael Lorenzo." 


He chuckled pero bago ko pa man siya ma-bangayan ay hinigit na niya ang baywang ko palapit sa kaniya hanggang sa mag-lapat ang mga labi namin. 


His gently moving lips sent me this sensational feeling from within every time we kiss which I can't resist because the excitement automatically makes my lips do the moves as well.


We parted with all satisfaction. "Aim no one else but only the target. Understood?" He whispered. 


Mabilis kong ginawiran ng halik ang labi niya. I smiled at him. "Roger that, Commander." 


"Let's have our breakfast first then." 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top