Chapter 42
THIRD PERSON
Mula sa grand hall bubungad ang tunog ng orchestra at naglalakihang mga chandelier na siyang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng lugar. Mapapansin din ang mga bulaklak sa tabi mula sa naglalakihan at magagarang plorera na mayroong palamuti na kulay ginto, ang nakaukit na itim na serpent sa harap nito.
Ang lahat ay abala sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Mayroong mga abala sa pakikipag-usap habang ang ilan naman ay abala sa pagsasayaw sa gitna ng hall na sinasabayan ng tunog ng orchestra ang bawat galaw nila. Sa labas na bahagi naman ng headquarter makikita ang mga bisitang nagsisidatingan na ang ilan ay mula pa sa ibang bansa. Nabibilang sa mga iyan ang mga mafia tycoons na sumasailalim sa pamamahala ng Serpent Society.
Kasama ng mga bisitang nagsidatingan ang kasalukuyang namamahala sa isang sikat na publishing company sa New York, ang CEO ng MCA na si Mr. Arnold Nourhi kasama ang kaniyang kasalukuyang secretary, at ang isa pa nilang kasamahan.
Sa kabilang banda naman makikita ang pagdating ng pamilya Reaganel kung saan nangunguna sa kanilang angkan si Doña Luceeia Reaganel, ang kilalang successor ng La Priya Trisca kasama ang kaniyang kanang-kamay na si Andrew Veliarga, at ang pamangkin ng Doña na si Lucas Aiden Vaughnn Reaganel na kilala bilang Royal Knight ng Canis Society.
Sa kabilang dako makikita rin ang pagdating ng pamilya Dela Vega na isa sa malakas at pinakamayamang katiwala ng Canis Society. Nangunguna sa kanilang angkan si Feliciano Dela Vega ang kilalang chairman ng Canis. Kasabay nila sa pagdating ang angkan ng mga Hernandez na siyang malakas nilang ka-sosyo sa kanilang kompanya.
Sumunod sa pagdating ang isang itim na bentley car, at sa likod nito naksunod ang dalawang magarang sports cars. Walang duda kung sino ang nasa loob, walang iba kung hindi ang tanyag at natatanging angkan na tinitingala ng karamihan. Ang pamilya Stanford. Kung saan kasama sa kanilang pagdating ang Royal Chief na si Tyler Young Stanford, at ang Serpent Queen na si Nathalia Belliatrix Stanford. Ang lahat ay tumungo nang makalabas sila mula sa kanilang mga sasakyan.
Ilang sandali lamang ay naagaw ng atensyon ng iba ang magkasunod na pagdating ng dalawang magarang sasakyan. Mula sa kulay puting Ferrari, lumabas ang isang binata kasama ng dalaga. Hindi maikakaila mula sa kanilang tindig at kasuotan na mula sila sa isa sa mga katangitanging angkan. Si Ethan Miller Dixson at si Zeushaine Miller Dixson na hindi maikakailang magkapatid dahil sa hindi nila pagkakalayo ng hitsura.
Mula sa ikalawang sasakyan naman lumabas ang lalaking nakasuot ng three-piece suit kasama ang babaeng nasa mid-40s ang edad. Siya ang may-ari ng DZX Entertainment, ang pinaka-makapangyarihang ka-sosyo ng mga Stanford. Si Jackson Lee Hilton at ang kaniyang ikalawang-asawa na si Amelia Hilton.
Mapapansin na ang atensyon ng lahat ay nadako sa kanila nang makapasok sila sa grand hall. Makikita ang pagkakaiba ng kanilang kasuotan mula sa suot ng mga miyembro ng mga gang at iba pang grupo.
"It's been a while since the last time I came here." Komento ng isang dalaga habang inililibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng hall.
"Don't drop your guard, sis. This is not our territory." Paalala ng kaniyang kapatid na si Ethan habang inililibot din ng husto ang kaniyang paningin sa paligid.
"I know what I'm doing, tss." Mataray na wika niya. Hindi rin nagtagal nang lapitan sila ng Royal Chief. Napangiti si Zeushaine at kaagad na bumeso kay Tyler.
"Where's Kenzo and Ash, big bro?" Kaswal na tanong ni Ethan habang palinga-linga sa paligid, nagbabaka-sakaling mahanap niya ang mga taong gusto niyang makita.
"Hindi sila makakapunta. They're still up to something." Sagot ng Royal Chief. Sabay silang napatingin kay Zeushaine na walang ganang bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang paligid. Tila bored na bored sa ganap. "I'll be right back," Paalam niya nang hindi na hinihintay pa ang sagot ni Ethan.
Sa kabilang banda naman ng hall makikita ang pakikipag-kamustahan at pag-uusap ng angkan ng mga Stanford at Hilton.
"Hindi inaasahan ng lahat ang ginawang pakikipag-ugnayan ni Lorenzo sa Aris, Jackson." Pahayag ni Don Joaquin, ang lolo ng mga magpipinsang Stanford.
"That's why I'm here, Mr. Stanford. Hindi ba tungkulin ng isang ama na papurihan ang kaniyang anak sa kahanga-hangang desisyong ginawa niya?" Makahulugang sagot niya na tila pa-sarkastiko pa dala ang tipid na ngiti mula sa kaniyang labi.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ng Don na bahagyang napakunot.
"My son never defies me but he just lost his father's trust for killing Doctor Helios to save someone else and now he's giving extra room for his opponent by letting Aris blend with Serpent." Wika niya tiyaka sumimsim ng wine.
"Ikaw ang lubusang nakakikilala sa kaniya, Jackson. Sigurado akong alam mo ang plinaplano ng anak mo." Nakangisi namang komento ng Don.
"That's the point, Don Joaquin. I better know my son than anyone else, and I know what this show is for." Makahulugang wika niya tiyaka itinungga ang wine glass na hawak.
ELLISSE ZERINA
Kahit na narito na ako sa pinakatagong bahagi ng headquarter maririnig padin ang malakas na tunog ng orchestra mula sa grand hall. Mula rito sa balcony makikita ang mga sasakyang nagsisidatingan, at hindi maikakaila na halos lahat ay mula sa mga bigating pamilya. From the fancy cars, suits and elegant dresses. For sure, millions are nothing but coins. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa Serpent Society?
Napabuntong hininga ako't napayakap sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Kung pwede lang sana akong mahiga na lang ng buong gabi sa kwarto, kaso hindi pwede dahil isa akong Royalty. Alam ko na kung sino ang ilan sa mga inaasahang bisita at pakiramdam ko gusto ko na lang magmukmok dito sa balcony hanggang matapos ang gabi.
"Kanina pa kita hinahanap." Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Tumabi siya sa akin tiyaka sumandal sa railings paharap sa malawak na field ng headquarter.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" Tanong ko nang may halong inis. Madalas talaga kung mayro'n man makapal ang mukha, ex pa. Tss.
"I am your escort for tonight, Ellisse." Sagot niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya na ang tingin ay nakatuon din sa akin. Those familiar looks from his eyes, ang mga mata niya kung paano siya tumingin noon sa akin. "Whether you like it or not, I will be your man, and you'll be my woman for tonight." Patuloy niya. Dahil hindi ko matagalan ang mga tingin niya, ako na ang kusang umiwas. What's wrong with him? Sigurado may binabalak na naman siyang hindi maganda para sirain ang gabi ko.
"I don't need your company, Hartley, at hindi ako interesado sa imperial night." Sagot ko tiyaka siya tinalikuran, pero pinigilan niya ako nang abutin niya ang kamay ko.
"What do you think you're doing?" Iritado kong tanong tiyaka hinawi ang kamay niya.
"You're the Royal Knightress, and I just want to tell you in advance...ako na ang magiging Royal Knight ng Serpent simula ngayong gabi dahil si Dwight ang magiging opisyal na Serpent Commander." Saad niya. Napangisi ako ng sarkastiko. Dream, assholes.
"Kahit pa ilang Dwight Kean o ikaw ang mamahala sa Serpent, no one has the capability to reign this place but Renzo. You're crazy, Zayn Hartley. "
"Am I? Tingin ko nga rin baliw na talaga ako, Ellisse." Sagot niya sa mababang tono. Anong mayro'n sa kaniya ngayon at sumasang-ayon siya sa sinabi ko?
"Nababaliw na akong angkinin ulit ang bagay na sinayang ko noon." Patuloy niya dahilan nang matigilan ako. He's weird, really. Magsasalita pa lamang sana ako nang bigla niyang iabot sa akin ang isang kulay pulang box. Tiningnan ko lang 'yon sa kamay niya hanggang sa siya na mismo ang nagbukas.
"Gusto kong makita ang Royal Knightress na suot ang kwintas na bigay ng Royal Knight." Saad niya tiyaka isinuot sa akin ang kwintas na hindi ko pinigilan. Walang gana ko lang siyang pinagmasdan hanggang sa maisuot niya 'to pagkatapos ay tiningnan ako. "You look gorgeous, my love."
Love huh? This is him. Ang Zayn Hartley Hernandez noon na pinagkatiwalaan at minahal ko ng sobra. Ang taong halos iniyakan ko ng dugo, na pati buhay ko ay muntik ko ng sayangin para lang sa kaniya...The man who ruined my everything, who played my heart, and treated me like dirt.
"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, Hartley, pero pwede bang tumigil ka na?" Walang emosyon kong sabi tiyaka ko tinanggal ang kwintas na ibinigay niya. "Stop calling me love dahil ikaw mismo ang nagmumukhang tanga sa ginagawa mo."
"Call me stupid, but I'm serious, Ellisse. Seryoso ako." Sagot niya habang ang kaniyang mga tingin ay diretso sa mga mata ko. Ang mga tingin niya na may pananabik at pagmamakaawa. Hindi ako umiwas ng tingin dahil wala akong maramdamang kaiba sa mga mata niya.
"So? Anong pakealam ko kung seryoso ka? Do you want me to play the role of the stupid girlfriend again?" Sarkastiko kong tanong.
"She's here." Pag-iba niya sa usapan. "Katriela is here."
I didn't expect the latter pero dahil kabilang din si Hartley sa mafia, ano pa nga ba't hindi naiiba ang girlfriend niya?
"Of course, she must be here. Kung nasaan ang boyfriend dapat nando'n ang girlfriend dahil baka ahasin ng kabit." Sagot ko na ikinatahimik niya. 'Yon ay kung mayro'ng tanga na magtangkang umahas sa lalaking 'to.
"Miss Lorico, Mr. Hernandez?" Tawag sa amin nang dumating si Mr. Malriego. "Ipinapatawag na po kayo ng Serpent Commander." Patuloy niya nang bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ko...sa pag-aakala na ang tinutukoy niya ay ang taong matagal ko ng hinihintay bumalik. Hindi parin ako sanay at tingin ko mahihirapan ako kung sasanayin ko man ang sarili ko na wala siya.
"He's not here, Ellisse. Isipin mo muna kung paano ka haharap sa ibang Royalties." Saad ni Hartley na nagpabalik huwisyo sa akin bago siya naunang naglakad palayo. Kailan pa siya naging mind reader? Tss.
Napabuntong-hininga ako bago sumunod sa kanila. Paano ko ihaharap ang sarili ko bilang Serpent Royal Knightress kung wala pa siya hanggang ngayon?
Malapit na rin ako sa grand hall nang hindi ko na talaga matiis ang sarili ko. I took my phone out of my purse and dialed his number, pero mukhang naka-timing talaga dahil unattended ang phone niya. D*mn it, Mikael Lorenzo!
Dumiretso akong CR para ayusin ang sarili ko. Napatingin ako sa repleksiyon ko mula sa salamin hanggang sa maalala ko ang isang bagay. Kinuha ko ang kwintas sa purse ko tiyaka 'yon pinagmasdan. Marahan kong hinaplos ang bullet pendant, at ilang sandali lang ay bigla na lang umilaw ang naka-engraved na Serpent dito na nagpa-bilis pag-tibok ng puso ko. It seems like Renzo is responding through the necklace.
"Please come back..." I whispered keeping my sight on the necklace.
Alam ko ang ganitong pakiramdam. I don't want to accept it in the first place, but what else can I do kung sa ilang ulit kong pagpipigil sa nararamdaman ko siya namang mas lalong pag-lalim nito?
"I said, I'm not interested. Just do your own business, Ethan." Napatingin ako sa babaeng kapapasok lamang na nakabusangot na pinatay ang kaniyang phone. Namilog ang mga mata ko nang i-angat niya ang tingin niya sa akin.
"Y-you're..." Pati siya ay napatigil nang makita ako pero binawi niya 'yon kaagad.
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa hanggang sa mapataas ang kaniyang kilay. Ganito pala ang hitsura niya kapag nakaayos. Dark matte burgundy lipstick na pumares sa burgundy dress na suot niya. She's gorgeous. Fiercly gorgeous.
"Unfortunately, I met you again...Royal Knightress." Saad niya nang makaharap sa salamin para ayusin ang lipstick niya.
I can't believe that I'm meeting her tonight. The woman who saved me way back from the Serpent training.
"Unfortunately...yes" I replied. Napangisi siya't napatingin sa akin mula sa salamin.
She faced me, "Zeushaine Miller Dixson. Zeus for short, cousin of the former Serpent Commander." Pagpapakilala niya nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. Inabot ko 'yon pero ang tingin ko ay nanatili sa mukha niya.
"You didn't change at all since the first time we met. You still look...emotionally weak...and honestly, I hate it." Diretsa niya sa akin tiyaka hinugasan ang kaniyang kamay, pero natigilan siya nang muling mapatingin sa repleksiyon ko.
"I just don't understand why couz is so into you..." Saad niya tiyaka ngumisi.
"I don't understand as well" Sagot ko dahil nakuha ko kaagad ang gusto niyang sabihin.
Once he return, I want to know the answer dahil kahit ako nahihirapang paniwalaan si Renzo na sobrang laki ng kaya niyang i-sakripisyo para lang sa kaligtasan ko.
"That necklace..." Napatingin ako sa repleksiyon niya mula sa salamin. Napansin ko na nakatingin siya sa suot kong kwintas dala ang isang mapaglarong ngisi. "You even know his secret identity huh? You must be very special for him."
Mabilis niyang sinulyapan ang screen ng phone na mukhang may tumatawag yata. Instead of taking the call, she declined tiyaka ako tinalikuran.
"Pupunta ba siya?" Tanong ko bago pa man siya makalabas. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. She then turned around to face me with her usual fierce looks.
"Why? Waiting for him to save you from a misfortune that may happen tonight?" She smirked, "Everyone is here including his father and I bet he knows what his son did...surprisingly for someone like you. I'm warning you, Ms. Royal Knightress.....dealing with the Hilton won't be easy." Ang huling mga salitang binitawan niya bago niya ako iniwan.
Sandali kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin tiyaka ko hinawakan ang suot kong kwintas...
What am I going to do now, Mikael Lorenzo? How could I survive this night?
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Sorry, babe, I just got an errand on my way here." He apologized as he arrived tiyaka niya mahinang pinisil ang kamay ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Lucas Aiden Vaughnn Reaganel, why are you so dashing?
"Stop smiling, Zethanya. You know I can't kiss you here." Bulong niya sa akin nang bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa tainga ko. Nahalata pa talaga niya ang ngiti ko kahit na ang tingin niya ay nasa ilang mga bisita.
"Lucas." Pagtawag ko sa kaniya.
"Hmm?" Tipid na sagot niya nang hindi man lang ako tinitingnan. Napansin ko na kanina pa siyang lumilinga sa paligid kahit na kararating lang niya. Parang may inaabangan o kung ano mang minamanman.
"Sino bang hinahanap mo?" Nakakunot na tanong ko, at sa wakas ay nakuha ko na rin ang atensyon niya. Hindi siya kaagad sumagot sa halip ay nakatingin lang siya sa akin kaya naman napakunot-noo ako.
"You're stunning as always, babe." Papuri niya na mas lalong nagpa-kunot sa noo ko. Iibahin pa talaga niya ang usapan.
"Lucas, may problema ba?" Seryoso kong tanong. Sa hitsura niya, masasabi ko na may tinatago siya sa akin, at hindi ako mapakali dahil doon. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pag-higit sa baywang ko palapit sa kaniya na medyo ikinagulat ko dahil ang daming tao. Inilapit pa niya ulit ang mukha niya sa tainga ko para bumulong, "Wanna know a secret?"
Tiningnan niya ako sa mga mata ko dala ang ngisi sa labi niya. "Pwede bang hands off muna, Mr. Reaganel?" Baling ko't tinaasan ko pa siya ng kilay, pero mas lalo pa niya akong hinigit para makalapit ulit sa tainga ko tiyaka bumulong...
Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko lubos inasahan ang maririnig ko. "Seryoso? Kailan?" Hindi ko makapaniwalang tanong nang bahagya siyang lumayo sa akin pero nanatiling nakapulupot ang kamay niya sa baywang ko.
"You'll see, babe." Tipid ngiti niyang sagot habang marahang hinahaplos ng daliri niya ang kurba ng katawan ko. Lucas thing.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa nalaman ko. "May sasabihin ako." Bulong ko, pero hindi ko na hinintay pa na makasagot siya. Hinila ko ang kamay niya palayo sa hall. At nang marating namin ang balcony ay kaagad ko siyang hinarap. "Zethanya Yui... do you know that you and I are the only people here?" Nakataas ang kilay habang nakangising tanong niya.
Mahina akong natawa. "I know. Kaya nga may gusto akong sabihin ng tayo lang."
Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng balcony tiyaka ako tiningnan nang hindi man lang naalis ang mapaglarong ngisi sa labi niya. "Should we get a room instead?"
"Seryoso kasi, Lucas." Natawa pa siya ng mahina dahil sa naging reaksiyon ko. "Fine. Go, say it. I'm all ears."
"Lucas Aiden Vaughnn Reaganel... I love you." I sincerely said keeping my eyes straightly focused on his. Hindi nakatakas sa paningin ko ang ngiting pinakawalan niya dahil sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin tiyaka marahang hinaplos ang pisngi ko, "Just tell me what you need, Zethanya." Napangiti ako dahil alam na alam talaga niyang may pakay ako sa tuwing sinasabihan ko siya ng ILY. But this time, I just need one thing.
Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa baywang niya habang naka-tingala ako sa kaniya. Looking at him only reminds me of how much I love him. "All I need is a kiss." Halatang nagulat siya sa hiling ko, pero kaagad din namang nakabawi nang kabigin niya ang leeg ko. The next thing I know is that we're kissing under the starry night sky.
Just like that. One of those romantic moments we have.
"How could you ask me for a kiss if I could give my lips to you as much as you want, whenever and wherever, Zethanya Yui?" He whispered between our kisses before he carefully pushes his lips deeply into mine.
FRIZA GONZALES
"Good evening ladies and gentlemen, and to all of the honorable clans and royalties!" Panimula ng emcee. "Let us now begin this most awaited and prestigious imperial night of Serpent Society with the praise of our high-principled Royal Chief together with the presence of our virtuous Queen on behalf of the Serpent King." Patuloy niya na sinabayan ng masigabong palakpakan.
"I would like to call upon, the highly reputed head of Serpent Society, Don. Joaquin Alvarez Stanford." Patuloy ang masigabong palakpakan hanggang sa sinimulang magsalita ng Don.
"Hoy, Nick nakita mo ba si Ell?" Tanong ko na kanina pa inililibot ang tingin ko. Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yon?
"Isa siyang Royalty, Friza. H'wag mong asahan na makikiupo si Ellisse rito." Sagot ni Axcel. Tss!
Naiinis na ako dahil hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. Isa pang ikinababahala ko ay ang pamilya Hernandez at Dela Vega. Ganda rin ng timing ng mga t*ng ina eh.
"Enjoy the rest of---"
"This place is for both heaven and hell. Every time we kill, we fight for justice. Every time our hearts are filled with hatred and anguish, we live to annihilate the bursting flames of hell...tss!" Napatigil sa pagsasalita si Don Joaquin nang biglang may umagaw ng atensyon ng lahat. Isang lalaki na may hawak na papel na kaagad din niyang nilukot tiyaka itinapon sa tabi.
"Justice, huh?" Sarkastiko niyang sabi. T*ng ina talaga ng Dwight Stanford na 'to, napaka-eksena. Bida-bida ang p*ta.
"Kakaiba talaga ang lahi ng Dwight na 'yan. Siya lang yata ang naiiba sa kanilang magpipinsan." Komento ni Nick habang si Axcel ay pangisi-ngisi. Baka ampon lang talaga siya, tss! Sakim na nga mang-aagaw pa.
"Let me now have the spotlight... grand father." Nakangisi pero sarkastiko niyang sabi. T*ng ina nagngangalaiti talaga ako sa kaniya.
"Dwight Kean Lewis Stanford...."
"Sigurado ako na hindi mo gugustuhing magsimula ang apo ni'yo ng mas masayang eksena rito... Let me just clear one thing..." Humarap siya sa amin tiyaka bahagyang yumukod. "I, Dwight Kean Lewis Stanford, your highly reputed Serpent Royal Commander is now taking his throne...The power of Serpent Society is now under my command."
Tss! Isang malaking kahihiyan ang ginagawa niya sa Serpent. Talaga namang inangkin na niya ang hindi naman niya pagmamay-ari.
"Hindi ko na pahahabain pa ang gabing ito, gusto ko lang ipaalam sa lahat ng nandito ngayon sa teritoryo ko na simula ngayong gabi, ang namumuno rito ay walang iba kung hindi ako. Simula ngayon, ang Aris Group ay magiging ganap ng kaugnay ng Serpent Society."
Napangisi ako ng sarkastiko tiyaka ko inagaw kay Nick ang wine at itinungga 'yon. "Isa kang malaking g*go, Dwight Kean." Madiing sabi ko tiyaka pabagsak na inilapag sa mesa ang wine glass.
"But before anything else, I would like to present to you the Serpent Royal Knight with his leading lady, his Serpent Royal Knightress." Napaayos ako ng upo nang marinig ang huling mga salitang binitawan niya. Nagsimula na naman ang palakpakan at mahahalata na halos lahat ay mula sa Aris. Tss! Pa-bidang mga t*ng inang 'to, lakas maka-angkin ng lugar na hindi naman nila teritoryo.
"Uy, g*go, si Ellisse ba 'yan?" Mura ni Nick habang pinagmamasdan si Ellisse sa harapan.
"Hindi ko alam na mala-diyosa pala talaga ang ganda ng Serpent Royal Knightress." Komento ni Jinno na nasa kaliwa ko.
Ang ganda ng kulay itim na suot niyang damit na litaw ang makinis niyang balat, at ang collar bone niya, pati ang maputi niyang hita mula sa slit ng kaniyang damit. Mas maganda sana 'yan kung hindi para sa p*tang inang Dwight Kean ang imperial night na 'to.
"I am glad to officially announce that the Royal Knight and the Royal Knightress of Serpent Society---" Napatigil sa pananalita si Dwight Stanford nang biglang bumukas ang mataas at malaking pintuan na siyang umagaw sa atensyon ng lahat.
Siguradong hindi lang ako ang napa-awang ang bibig nang makita kung sino ang pumasok. P*tang ina!
ELLISSE ZERINA
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko nang makita ko siya. Katulad lamang ng dati, wala siyang suot na kahit na anong ekspresyon sa mukha. Para bang bigla na lang nabuhayan ang loob ko, pero unti-unti rin 'yong napawi nang sundan ng pagdating niya ang pagdating ng isang pamilyar na babae na umangkla bigla sa kaliwang braso ni Renzo. And the asshole? Ayon, wala man lang pakealam kahit puluputan na siya ng ahas. Kung pareho ko kayang talian ang mga leeg nila nang mag-kaharap para mas masaya?
Habang pinagmamasdan ko sila, para bang unti-unting may bumabaong patalim sa dibdib ko. Hindi ko namamalayan na mahigpit ko ng naikukuyom ang kamay ko. Parang masaya yatang mag-training dito sa hall ngayon. Hagisan ng dagger. O di kaya'y barilan.
"Calm down, Ellisse." Naramdaman ko ang biglaang pag-hawak ni Hartley sa kamay ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.You should be the man beside Katriela, Hartley hindi si Renzo.
"Sorry for the brief interruption, Mr. Stanford. Please continue." Nakangiting sabi ni Katriela, pero ang tingin ko ay nanatili sa lalaking katabi niya na hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin.
What's wrong with him? Wala ba siyang gagawin? May nalalaman pa siyang pa final entrance kasama ang muse niya kuno tapos tatayo lang pala siya at mukhang walang balak gawin para kunin ulit ang dapat na sa kaniya? D*mn, Mikael Lorenzo!
Kahit na anong gawin ko, hindi ko maituon sa iba ang atensyon ko. Hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi ni Dwight dahil kay Renzo lang ako nakatingin habang nagbabakasakali na magtama ang mga tingin namin, pero hanggang huli ay wala akong nahintay.
Seriously? Ano bang nangyayari sa kaniya? And why the hell is he with Katriela? Dahil sa ininiisip ko, patuloy lang na bumibigat ang loob ko, at pakiramdam ko anytime lalabas na lang ng kusa lahat.
Not again, please...For the second time around, pwede bang ako naman? I'm sick of being left behind and replaced by someone else. Dahil kapag nangyari man 'yon ulit, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
"Miss Lorico." Kaagad akong nagbalik huwisyo nang marinig ko ang boses ni Dwight.
Hindi ko namalayan na ang lahat ay nakatingin na sa akin, at sa ikalawang pagkakataon, muling nadako ang tingin ko kay Renzo. Ramdam ko kung paano bumilis ang pag-pintig ng puso ko nang bigla na lang magtama ang mga mata namin. Wala akong ibang makita sa mga mata niya kung hindi ang blankong mga tingin niya, at nasasaktan ako dahil doon. Nasasaktan ako sa ipinapakita niya at sa nakikita kong presensiya ni Katriela sa tabi niya. What a whole d*mn asshole you are, Hilton!
"Ellisse." Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak at mahinang pagpisil ni Hartley sa kamay ko pero nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa dalawa.
Na-estatwa ang mga tingin ko sa sunod na nakita ko. Bigla na lang lumapit si Katriela kay Renzo, at may kung anong ibinulong. Ganoon na ba sila ka-close para magbulungan? Sa ilang linggong wala siya rito sa headquarter naging malapit ang loob niya kay Katriela. Paano huh? Nasa kweba na nga lang nakakulong, nakuha pa talagang lumandi. WTH!
Tinanggal ko ang kamay ni Hartley na nakahawak sa kamay ko, at matamang tiningnan si Renzo nang mag-tagpo ulit ang mga tingin namin. Kung isang malaking joke man ang confession niya sa akin noon, well then, f*ck him! Mag-sama silang dalawa ni Katriela at kahit mag-bulungan pa sila maghapon para masaya. Tss!
Inagaw ko ang mic na hawak ni Dwight tiyaka humarap sa harap ng madaming tao. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko kapag nagtagal pa ako rito sa kinatatayuan ko. "Please enjoy the rest of the night, everyone." Tipid na saad ko tiyaka ibinalik sa kaniya ang mic bago ako naglakad papalayo.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko nararamdaman ko ang pagbilis ng lakad ko hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo kasabay ng pagbagsak ng luha na kanina ko pa pilit pinipigilan.
"D*mn!" Mura ko tiyaka napahawak ako sa dibdib ko dahil kanina pa ito sumisikip. Tumigil ako't napahawak ako sa tuhod ko nang makaramdam ako ang pagod.
Napaupo ako't itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko nang maramdaman ko ang sunod-sunod na butil ng mga luhang pakiramdam ko ay wala ng balak pang tumigil. "D*mn you, Ellisse Zerina. D*mn you." Paulit-ulit na mura ko sa sarili ko.
Ano ba kasing pumasok sa utak ko't naniwala ako sa lalaking 'yon?
"Ellisse." Nanatili ako sa pagkakaupo nang marinig ang pagtawag sa akin ni Hartley. He shouldn't follow me. D*mn this man too.
"Leave me alone, Hartley. Please." Pakikiusap ko pero sa halip na umalis siya ay nilapitan niya ako. Umupo siya sa harapan ko tiyaka tinanggal ang mga palad kong nakatakip sa mukha ko, at pinunas ang luha sa pisngi ko gamit ang palad niya.
"Stop crying. Ayoko ng nakikita kang umiiyak, Ellisse." Saad niya pero nanatili akong tahimik. Ayaw ng nakikita akong umiiyak, pero siya nga 'tong g*go na kauna-unahang nag-paiyak sa akin noon. Ang kapal din talaga ng mukha ng ex kong 'to.
"Hindi ka dapat umiiyak. You don't deserve this pain, Ell." Muli niyang hinaplos ang pisngi ko pero kaagad kong kinabig ang palad niya tiyaka ako tumayo. I can't take this anymore.
"Can you just stop it? Ilang beses ko pa bang kailangan ipamukha sa 'yo na mukha kang tanga sa pagku-kunwari mong may pakealam ka sa akin huh? I'm no longer that d*mn stupid girl you broke into pieces, Zayn Hartley so d*mn get lost."
"I'm sorry, Ellisse." And that was the word I heard. Ang unang pagkakataon na sinabi niya ang mga salitang matagal ko ng hinihintay marinig mula sa kaniya. "I'm so sorry, Ellisse. I didn't mean to hurt you. Naipit ako sa sitwasyon noon, and I don't have a choice but to lie that I don't love you anymore. I'm sorry. I'm really sorry." At natigilan ako sa sinabi niya.
"Wala kang choice? Are you kidding me? Wala kang ibang choice kung hindi ang saktan ako? Gano'n ba, Art?" Hindi ko makapaniwalang tanong habang patuloy parin ang luha ko. Para niya akong sinampal sa nakaraan at dumagdag pa 'to sa kasalukuyang nararamdaman ko.
"I'm sorry, Ellisse. Hindi ko gustong saktan ka. You were right. I had my reason back then... But--"
"But you ended up hurting me, Hartley. Winasak mo 'yong puso ko. Sinira mo 'yong buong tiwala ko na halos wala ng natira sa akin kung hindi sama ng loob." Puno ng pait ang boses nang sagutin ko siya tiyaka ko pinunas ang luha ko. "Alam mo ba kung ilang beses kong sinubukang tapusin ang buhay ko dahil lang sa 'yo? Ginawa kitang mundo, Art at 'yon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko."
D*mn tears, it doesn't want to stop!
"I'm sorry...I'm so sorry, Ellisse. I'm sorry, please...please forgive me, love." Mahigpit kong ikinuyom ang kamay ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko inaasahan na makikita ko ang pag-bagsak ng luha mula sa mga mata niya dala ang nanunuyo at nagmamakaawa niyang tingin. Kung noon, madadala pa ako sa mga tingin niya, pero ngayon wala na akong ibang maramdaman. Wala ng natira ni katiting na pagmamahal.
"I thought I was worthless, Hartley, that I wasn't enough and will never be, but you know what the pain made me realize?... That I am too precious for someone like you... And you don't deserve me in the first place." Pinunas ko ang luha ko, at hindi ko inalis ang mga tingin ko sa mga mata niya.
"Kaya kong patawarin ka, Art, pero kung inaasahan mo na maibabalik pa 'yong dating tayo, well shut the dream... We were done. Hindi na kita mahal, at hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal na sinayang ko noon sa 'yo." Buong tapang kong saad sa kaniya tiyaka siya tinalikuran pero hinila niya ang braso ko tiyaka niya ako mahigpit na niyakap.
"D*mn it! Let me go!" Pagpupumiglas ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang kapit sa baywang ko. "Dahil ba sa kaniya, Ellisse?" Bulong niya.
"Ano ba, Hartley bitawan mo nga ako! Let me go!" Pagpupumiglas ko ulit, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na halos hindi na ako makahinga.
"Pwede bang ako na lang ulit, Ellisse? Ako na lang ulit 'yung mahalin mo? Pwede ba? Love me please, I'll do everything, pangako hinding-hindi na kita sasaktan." Desperadong saad niya habang patuloy akong hinihigit sa dibdib niya.
"Art p-please, I-i can't breath. Let me go!" Patuloy ko sa pagpupumiglas.
"Tell me, Ellisse. Tell me ako ang mahal mo, hindi si Renzo. Please, let me heart it, love...Please..."
"Itigil mo na 'to, Art, p-please. B-bitawan mo na ako." Pakikiusap ko at pilit kumakawala sa braso niya. Nagsimula ng mag-tubig ang mga mata ko dahil sa halo-halong emosyon.
"Tell me---"
"I don't love you. Hindi na kita mahal, Zayn Hartley. Ano bang mahirap intindihin do'n?" Pagputol ko sa sasabihin niya nang tumigil ako sa pagpupumiglas dahil nanghihina na ako. Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Buong tapang ko siyang hinarap at kasabay nun ang pag-bagsak ng luha mula sa mga mata niya.
"Just stop, please."
"Hindi ako makapapayag, Ellisse. I can't let you go. You have to love me. Sa ayaw at sa gusto mo ako ang mamahalin mo. Renzo will only put your life at risk." I was about to speak nang bigla na lang niyang kinabig ang leeg ko, at hinigit ang baywang ko hanggang sa magtama ang mga labi namin.
"A-art! A-ano ba! B-bitawan m-mo---"
"D*mn, Ellisse, ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto ko, so please...please love, come back to me., love" Desperadong wika niya tiyaka pilit akong hinihigit palapit sa kaniya. Patuloy ako sa pagpupumiglas, pero wala akong magawa dahil nanghihina na talaga ako. Naramdaman ko na lang ang pag-tulo ng luha ko nang maramdaman ko ang halik niya pababa sa leeg ko.
"Art, p-please, stop this...L-let me go please." Pagmamakaawa ko hanggang sa bigla na lang may humawi sa braso niya para ilayo siya sa akin tiyaka siya sinuntok sa mukha dahilan nang mapaupo siya. Kasunod ng mabilis na pag-kasa ng baril ang pag-tutok niya ng baril kay Hartley.
"F*CK YOU" Natigilan ako dahil sa mabilis na pangyayari. Tanging likod lang niya ang nakikita ko. "I have already permit you to take my throne, Hernandez, but I never gave you the right to own the Queen not even to f*cking lay a finger on her."
Kinabahan ako dahil hindi niya inaalis ang pagkaka-tutok ng baril kay Hartley kaya naman lumapit ako sa tabi niya. I held his arm, holding his gun, "Just let him go..." Halos walang boses kong pakiusap. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin, "I hate sparing assholes, Zerina." Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kasunod nang malakas na pag-daing ni Hartley at puro mga sunod-sunod na malulutong na mura mula sa kaniya habang hawak niya ang kaliwang binti niya.
I was in panick to do something when Renzo grabbed my hand away. Wala na rin akong nagawa dahil mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top