Chapter 41
Serpent Headquarter
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Where's the other? Bakit mag-isa ka rito?" Takang tanong ko kay Dhale na wala sa mood dahil sa halip na kumain ay nilalaro lang niya ang pagkain niya mula sa plato.
"Busy, as usual." Walang gana niyang sagot tiyaka isinandal ang likod niya sa upuan.
"At as usual hindi parin kayo nakakapag-usap ni Creid hanggang ngayon?" Napabuntong-hininga siya dahil sa tanong ko. Nagtataka rin ako kay Creid kung paano niya natitiis ng sobrang tagal si Dhale. Mukhang seryoso yata siya sa kung ano man ang ginagawa niya sa Germany.
"Have you seen Ellisse by the way?" Pag-iba niya sa usapan at sakto naman na may kung sino ang naglapag ng food tray sa mesa.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita namin siya. Kaagad na tumayo si Dhale para yakapin si Ellisse. "How are you?" Dhale asked at ngumiti lang ako nang mapa-tingin sa akin si Ell bago sila naupong dalawa.
"Everything will be fine. That's for sure." Nagka-tinginan pa kami ni Dhale dahil sa sagot niya. And that little smirk from her lips gave me sudden goosebumps.
"Well, of course, for sure, everything's going to be fine." Pagsang-ayon ni Dhale para basagin ang katahimikan na namuo sa pagitan namin. Napangiti nalang din ako dahil mukhang ayos naman na talaga si Ellisse. Hindi ko alam kung anong mayro'n but I trust her. Whatever she's up to right now, I know for sure that she knows what she is doing.
"Royal Knightress, pinapatawag ka ng Serpent Commander sa royal---"
"What again?!" Natigilan kaming lahat kahit si Axcel na kararating lang ay halatang hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ni Ellisse.
"Kalma lang naman, Royal Knightress nautusan lang ako." Pag-bawi ni Axcel sa gulat niya tiyaka naupo sa tabi ni Dhale. "Ayaw mo? Ako na lang ang kakain nito." Malawak na ngiting sabi niya tiyaka kinuha ang plato ni Dhale nang wala pa mang nakukuhang permiso. Naibaling ang atensyon namin kay Ell nang muli siyang magsalita.
"Konting-konti na lang talaga masasaksak ko na 'yang Hartley na 'yan." Nagkatinginan kaming tatlo tiyaka muling napatingin kay Ellisse na may galit na tinutusok ang cherry tomato na nasa plato niya.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksiyon niya, pero ang marinig na tawagin niya si Art sa pangalawang pangalan niya ang umagaw sa atensyon ko. She's deadly serious. Good to know na mukhang wala na nga talaga siyang kahit katiting lang na nararamdaman sa lalaking 'yon. I like the new Ellisse Zerina. Iba rin talaga pumili si Commander.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan, Zethanya?" Napaayos ako nang sitahin ako ni Ell. "Is there something funny huh?" Mataray na tanong niya. Mabilis akong umiling na tinawanan pa ni Dhale at Axcel. Kahit ako ay natawa nalang din. "Parang kailan lang kasi no'ng hindi ka namin halos ma-comfort dahil kay Art pero ngayon naman halos isumpa mo na siya."
"That man is an asshole. A pure kind. At talagang gustong-gusto niyang sinasagad ang pasensiya ko. Well, he'll see what I am built from."
"Woah~ ibang klase. Built from Serpent Commander ba 'yan?" Pabirong komento ni Axcel. Natawa kami ni Dhale dahil napa-'tss' nalang si Ellisse.
"Hey there! Hot and sexy is here!" Napatingin kami kay Novaleigh kasama si Friza dala ang food tray nila para saluhan kami sa pag-kain. "Hello, Royal Knightress!" Masiglang bati ni Leigh. Tinanguan lang siya ni Ell kahit halata parin ang inis sa mga mata niya. No one can blame her there.
"Mag-iisang lingo ng wala si Commander. May balak pa ba siyang bumalik?" Novaleigh started, at dahil sa tanong niya, nadako ang tingin ko kay Ellisse. Halatang natigilan din.
"T*ng ina ka talaga kanina pa 'yan ang bukambibig mo. Manahimik ka na nga lang, nakakasira ka ng araw. Tss!" Inis na sagot sa kaniya ni Friza na mukhang napansin din ang naging reaksiyon ni Ell. Sa inis niya kay Leigh lumipat pa nga siya ng upuan sa tabi mismo ni Ellisse.
Sa dami ba naman kasi ng pwedeng pumalit kay Commander si Art pa na ex niya. Whoever set everything up, for sure, he's up to something.
"Dapat talaga si Lucas na lang ang pumalit kay Commander." Napatingin na naman kaming lahat kay Novaleigh nang aktong isusubo niya ang ice cream. Kaagad din siyang nakalahata. "What? Bakit ganyan kayo makatingin?"
"T*ng ina ka talagang bruha ka. Anong kapalit ang sinasabi mo? Walang pwedeng pumalit---" Friza was about to throw her the spoon nang biglang pigilan ni Ellisse ang kamay niya tiyaka niya matalim na tiningnan si Novaleigh.
"Gusto mong ako mismo ang kumuha ng kapalit mo?" Seryoso at mariin na tanong niya.
Hindi ko alam pero kahit ako ay kinikilabutan sa kaniya kapag seryosong-seryoso siya. Hindi maikakaila na parang siya ang girl version ni Commander. Dahil nanatiling walang imik at nakayuko si Novaleigh, palihim kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa na kaagad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin.
"M-my apology, Royal Knightress." Paghingi niya ng paumanhin. Mahahalata ang dalang frustration ni Ellisse nang tumayo siya at paalis na sana...
"Hindi na rin masama na napalitan ang Serpent Commander. Mas lalawak na ngayon ang sakop natin kung matutuloy nga ang plinaplano ni Mr. Hernandez na pakikibahagi sa Aris." Napatigil siya nang marinig niya ang sinabi ng isang babae na miyembro ng Serpeng gang. Wrong timing.
"What did you say?" Kalmadong tanong niya nang harapin niya ang babae.
"R-royal Knightress." Mukhang hindi pa nila siya napansin kanina kaya naman dismayado silang tumungo para gumalang.
Habang kami pala ay hindi tanggap ang nangyaring pagbabago rito sa headquarter, may iba na parang wala lang sa kanila ang lahat. At talagang okay lang sa kanila na mapalitan si Commander ng kahit na sino lang. Hindi sa hinuhusgahan ko ang kapabilidad ni Art, pero kung iko-kompara kasi sa former Commander, ibang klase mamuno ang isang Hilton.
"Sino ang nagsabi na makikipagkasundo ang Serpent sa Aris?" Taas kilay na tanong ni Ellisse na hindi kaagad nila nasagot.
"That's an order from the Serpent Royal Commander."
ELLISSE ZERINA
Nagsisimula na namang mag-apoy ang inis sa loob ko nang marinig ko ang boses ng walang hiya kong ex. Humarap ako sa kaniya at napatingin ako kay Mr. Malriego na nasa tabi niya't mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin.
"May problema ba, Ms. Lorico?" Tanong ni Hartley nang muli ko siyang tingnan. Napangisi ako dahil sa inaasta niya. Well, I don't care kung siya ang Serpent Commander ngayon o kung mas mataas siya sa akin, dahil hindi ko maramdaman ang presensiya niya bilang isang Royalty.
"Are you d*mn serious? Your order? As the Serpent Royal Commander?...Pati ba naman ang linya na hindi naman dapat sa 'yo ay inaangkin mo?" Humalukipkip ako nang hindi inaalis ang ngisi sa mga labi ko. Sorry, Hartley, but you're in the wrong place.
"That would be your last, Ms. Lorico." Mahahalatang nainis siya sa sinabi ko dahil mababakas sa mukha niya ang pagtitimpi. Ganyan dapat, Hartley, mainis ka lang. Mainis ka hanggang sa maintindihan mo na hindi ka karapat-dapat sa tronong pilit mong inaangkin.
"You know what, Mr. Hernandez? Kung tutuusin, hindi ka naman talaga mailalagay sa posisyon mo ngayon kung hindi dahil sa tulong ng Aris." Diretsa ko sa kaniya na nagpataas sa kilay niya. Kung hindi dahil sa impormasyon na sinabi ni Renzo hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit siya nandito. That Dwight Kean is there to blame.
"Have you ever asked yourself if you really deserve the Serpent throne? Have you ever thought if this is really where it all ends?... The game is just about to start, Hartley." Sandali akong tumigil at humakbang palapit sa kaniya.
"Do I really have to be scared of that game of yours, Royal Knightress?" Nakangising sagot niya na mas lalong nagpa-ngisi pa sa akin dahil gustong-gusto ko ang nangyayari ngayon. As what Renzo said...play along.
"A cockroach can fly and is good at hiding in dark, but be careful, the devil can eliminate any creatures whenever and wherever he wants to," I whispered.
"Oh what a romantic scene~" Mariin kong ikinuyom ang kamay ko nang makita kung sino ang lalaking nagsalita. Pasipol-sipol pa siya habang cool na naka-pamulsa.
"T*ng ina, anong ginagawa mo ritong lalaki ka?" Napatingin ako kay Friza na kaagad napatayo at matalim ang mga tingin kay Dwight Kean.
"I'll deal with you later, my lady. Sa ngayon, si Ms. Lorico muna ang kailangan ko." Nakangisi niya akong tiningnan.
"You're late as usual." Napatingin ako kay Hartley nang walang gana niyang kinausap si Dwight. He's literally giving the Serpent to Aris, huh? Ang kapal talaga ng mukha niya.
"There's nothing to worry about, Ms. Lorico. Hindi naman namin balak sirain ang Serpent...Magsasaya lang kami ng panandalian." Nakangising saad ni Dwight nang biglang may grupo ng mga tao ang nagsilabasan. WTH. Talagang dinala pa rito ang gang niya.
"Dwigh Kean Stanford!" Natigilan ang lahat nang umalingawngaw ang boses ng Royal Chief sa loob ng cafeteria, pero parang wala lang'yon kay Dwight na nakangisi parin na mahahalatang nang-aasar talaga. If I could, I won't hesitate to shoot this d*mn man.
"Been a while... Mr. King of good conduct." Sarkastikong bati niya sa Royal Chief na mahahalatang nagtitimpi sa kaniya. Hindi ko rin alam kung paano ako makapagtitimpi sa ipinapakita niyang ka-bulastugan ngayon.
"You're crossing out the Serpent rule, Dwight Kean. Wala sa usapan na kakampi ang Serpent sa Aris, and you---"
"You have nothing to do with whatever I want to do with Serpent. Just give it up, Tyler. Kahit nga si Lorenzo walang magawa, ikaw pa kaya na utusan lang niya?" Halata ang matinding pagtatampi ni Tyler sa pinsan niya. Kung pwedeng-pwede lang talaga. Kung pwedeng-pwede lang pasabugin ang bungo ng lalaking 'to.
"Since we're all here. Let me tell you the official catch." Inilahad niya ang palad niya at may isang babae ang nag-abot sa kaniya ng naka-tuping bond paper.
"Did Renzo really tell you the truth, Ms. Lorico?" Mapaglarong tanong niya na nagpakuyom sa mga kamay ko. "Kilala mo ba talaga siya? Do you really trust him that he will do everything to take his throne back to him?"
Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng kaba sa mga tanong niya. Nakangisi niyang sinulyapan ang papel nang tuluyan na niya 'tong maibuklat.
"What if I'll give you a reason for me to rule this society?" Seryosong tanong niya tiyaka iniharap sa akin ang papel mula sa envelope na iniabot sa kaniya kanina. Kinuha ko 'yon, at habang binabasa ang nilalaman ng papel, unti-unti kong naramdaman ang panghihina.
"Nakita mo mismo sa mga mata mo kung paano ipinaubaya ng dating Serpent Commander ang Serpent Society. Now, Ms. Lorico tell me...sino ang baliw na patuloy inaangkin ang teritoryo na hindi naman na niya pagmamay-ari?" Sa inis ko ay nilukot ko ang papel tiyaka ko ito inihagis sa kaniya.
"Renzo will never let anyone take his throne." Mabilis kong hinugot ang baril na nakatago sa belt ko tiyaka 'yon itinutok sa kaniya. "Leave all at once or I'll d*mn shoot you right here." Mariin kong pagbabanta sa kanila tiyaka ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa baril. Kahit pa gumawa ako ng eksena rito, wala akong pakealam. Walang pwedeng umangkin sa Serpent, dahil kahit kailan walang ibang pwedeng magmay-ari sa teritoryong 'to kung hindi si Renzo lang.
"Ellisse." Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Tanya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"After he sacrificed everything just for you, ito ang igaganti mo sa kaniya, Ms. Lorico? Don't you know that you're defying his command again?" Nanginginig na ang kamay ko at napupuno na ang puso ko ng inis, galit, at guilt dahil sa sinabi niya.
"Ms. Lorico. Just take the gun down." Wika ng Royal Chief na ngayon ay kalmado na. Don't tell me hahayaan na lang niyang mapunta sa g*go niyang pinsan ang Serpent?
"Sigurado ako na hindi niya ibibigay ng basta-basta ang bagay na pinaghirapan niyang makuha. How could I believe you, asshole? Quit your stupidity and just d*mn leave." Pagmamatigas ko.
Hindi ko inalis ang pagkakatutok ko ng baril kahit na ramdam ko ang malamig na butil ng pawis na tumulo sa sentido ko. Kung kinakailangan na mabahiran ng dugo ang kamay ko ma-protektahan lang ang Serpent gagawin ko.
"How confident are you, Ms. Reckless?" Muling naagaw ng atensyon ng lahat ang pagdating ng Serpent Queen na nakasuot ng purong itim na dress at boots.
"Nathalia." Gulat na saad ng Royal Chief na mukhang hindi rin inaasahan ang biglaang pagdating niya.
"Aren't you the reason why he gave up his territory...Ms. Royal Knightress?" Sarkastiko na tanong niya nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang Royal Chief. Para niya akong sinampal sa sinabi niya at wala akong masabi't magawa dahil totoo 'yon.
Lahat kami ay napatingin kay Dwight nang bigla siyang magsalita. "Good thing you came...my Queen of Curse. Ikaw na mismo ang---" Pero hindi niya naituloy ang litanya niya nang unahan siya ng Serpent Queen.
"If you f*cking think you just win then go f*cking celebrate, Dwight Kean. Hari-hari ka 'di ba? Hindi rin naman magtatagal mawawala rin sa 'yo ang lahat. Bakit? Find it out while embracing the triump you bullsh*t moron." Matalim ang mga tingin ng Serpent Queen sa kaniya bago siya umalis na sinundan ni Mr. Malriego. Parang wala lang ang nangyari nang humakbang si Dwight palapit sa akin dala ang mapaglaro niyang ngisi.
"See that? Even the Queen has no right to oppose the approval of your beloved Commander." Wala akong ibang magawa kung hindi ang magkuyom ng kamay. Humakbang pa siya palapit sa akin. Bahagya siyang yumuko tiyaka lumapit sa tainga ko. "Just accept the fact that you can no longer do anything, Royal Knightress." Bulong niya. Wala akong nagawa at nasabi, dahil sa katunayan hindi naman mali ang sinabi niya. I can do nothing but clench my fist and let this go.
Umalis na ang lahat nang maisipan kong puntahan ang basement sa maze. I was blankly looking at the pool habang nakasawsaw ang mga paa ko sa tubig. Itinungga ko ang beer in can na humagod pa ang pait sa lalamunan ko. Naging palaisipan sa akin ang mga tanong kanina ni Dwight.
"Did Renzo really tell you the truth, Ms. Lorico?... Kilala mo ba talaga siya? Do you really trust him that he will do everything to take his throne back to him?"
What the hell are you really planning, Mikael Lorenzo?
...
Canis Society
THIRD PERSON
"Too desperate, huh... Anong nakain mo?" Mapang-asar na wika ng isang lalaki nang maabutan niya ang isang dalaga na pursigido sa kaniyang ginagawa kaharap ang mga papeles at folders na nasa harap ng kaniyang mesa.
"Pwede ba, Lucas h'wag kang manggulo?" Naiinis na sagot ng dalaga na salubong ang kilay at seryosong-seryoso na nakaharap sa screen ng kaniyang laptop.
"Malapit na ang imperial night. What's your plan?" Walang ganang tanong ni Lucas tiyaka humigop sa tasa ng kape habang walang ganang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalaga.
"I GOT IT!" Malakas na bumukas ang pinto na siyang umagaw sa atensyon nilang dalawa.
"Pwede ba, Pat kumatok ka naman kung papasok ka? Hindi ko na nga matapos-tapos 'to manggugulo ka pa!" Naiinis na pahayag niya tiyaka inirapan ang kaniyang kaibigan. Napatingin naman si Patricia kay Lucas ngunit napailing lang ito habang nakangisi.
"What's wrong with KC? Ayos pa naman siya kanina ah." Nagtatakang tanong ni Patricia nang makalapit siya kay Lucas tiyaka inilapag ang folder sa mesa.
"What's that?" Tanong ni Lucas nang madako ang tingin niya sa folder tiyaka niya 'yon kinuha.
"What do you think, huh, Mr. Reaganel?" Sarkastikong balik tanong ni Patricia tiyaka muling pinagmasdan ang kaibigan niyang tutok ang buong atensyon sa laptop.
"Well then, I guess, case closed." Nakangising komento ni Lucas matapos suriin ng mabilisan ang nilalaman ng folder. Tumayo siya tiyaka lumapit sa dalagang abalang-abala sa kaniyang ginagawa.
"Kahit papa'no nakaisip ka rin ng matino." Sarkastikong papuri sa kaniya ni Lucas tiyaka iniabot ang folder dahilan ng pagkunot ng noo ng dalaga ng may pagtataka bago kinuha ang folder.
Kaagad niyang sinuri ang nilalaman ng sercet file na natanggap niya. Ilang segundo pa ang lumipas nang biglang niyang tinanggal ang suot niyang salamin at napatayo dala ang malawak na ngiti.
"I did it. I did it, Patricia! The Canis King agreed to it!" Hindi niya makapaniwalang komento tiyaka siya lumapit para yakapin ng mahigpit si Patricia.
"This is not the time to celebrate. We have to prepare for the imperial night." Striktong pahayag ni Lucas, ngunit ang ngiti ay hindi tuluyang napawi sa labi ng dalaga.
"I have to see him, Lucas. Kailangan ko siyang makausap." May pananabik na wika ng dalaga na tila ba inaasahan na ni Lucas. Nanatili siyang walang imik at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago iniabot ang circular badge sa dalaga na siyang mas lalong nagpalawak sa ngiti niya.
"Thank you!" Nagagalak na pasasalamat niya tiyaka patakbong lumabas ng kwarto.
"Tingin mo ba tama na ipaubaya natin kay Katriela ang lahat? I mean, we're talking about Mikael Lorenzo Hilton and KC's old friend, Ellisse Zerina Lorico." Tanong ni Patricia.
"I don't see anything wrong. I think Katriela is just doing what the Chairman has left her to finish."
"But we know her. No cases could even pique her interest, but this time she did her best to fix the Serpent Commander's case." Pahayag ng kausap dala ang ngisi sa labi.
"If old personal matter is what motivated her to fulfill the case then so be it." Sagot ni Lucas. Ilang segundo lamang ay tumunog ang kaniyang phone. Kaagad niya itong kinuha at sinagot.
"A deal? Are you sure?" Nakakunot ang noong tanong niya. Nagkatinginan pa sila ni Patricia.
"Fine. I'll call you back." Ibinaba niya ang tawag at kaagad na tumayo.
"What's wrong? Sino 'yon?" Nakakunot ang noong tanong ni Patricia.
"Lorenzo has access outside."
"What? Akala ko ba captured lahat ng devices at banned lahat ng social accounts niya?" May pagtatakang tanong ni Patricia.
"Tyler just called me and tell me that Dwight Kean took over the Commander's throne and Lorenzo was the one who personally sign the document. Imposible na wala siyang natatanggap na balita tungkol sa nangyayari sa Serpent galing sa labas. And how on hell did he even sign the paper?"
Napaisip si Patricia ngunit 'di nagtagal ay tila may napagtanto. Napatingin siya kay Lucas at sakto na napatingin din ito sa kaniya. "Have you ever think that Katriela was the one who gave him an access?"
Aris Group
LAYLA
"I think it's time for you to give back the thing you owe me, Dwight." Rinig naming sabi ni Hartley Hernandez nang maabutan namin ni Kevin ang pag-uusap nila sa Royal room.
Sobrang lawak pala talaga rito sa loob ng headquarter. Hindi ko maiwasang mamangha. Hanggang ngayon hindi ko parin inaasahan na sobrang daling napasakamay ni Dwight ang Serpent, at hindi ko man lang naisip na may plano siyang gamitin itong si Mr. Hernandez at si Doctor Helios sa plano niya.
"H'wag kang masiyadong magmadali, Hartley, hindi pa ito ang huling araw mo rito." Nakangising sagot ni Dwight. Ano na naman ba ang iniisip niya? Napatingin ako kay Kevin, at ganoon din siya sa akin. Mukhang magkapareho na naman kami ng tanong na nasa isip.
"What do you mean?" Nakakunot ang noong tanong ni Mr. Hernandez. Umupo si Dwight sa swivel chair tiyaka hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa crystal block na hugis serpent.
"We're against the law of the former Serpent Commander that's why you're here. Hindi ba ikaw ang pumayag sa alok ko na manguna sa pagpapatalsik sa kaniya? We have the same agenda, Zayn, pero h'wag mong kalilimutan na hindi ko na problema ang problema mo. Your romantic life is out my scheme." Sagot ni Dwight nang bigla siyang lapitan ni Mr. Hernandez tiyaka kinuwelyuhan. Palapit na sana ako para pigilan siya nang hawakan ni Kevin ang kamay ko.
"Wala ka ngayon sa posisyon mo kung hindi dahil sa akin, Dwight. Sa ayaw at sa gusto mo ako ang gagawin mong Royal Knight." Mariin at nagpipigil sa galit na wika niya bago marahas na binitawan ang kwelyo ni Dwight.
"Hindi ba ikaw mismo ang sumayang sa kaniya? Why don't you try to coax her? Convince her to come back to her ex?... Ang masasabi ko lang, ma-swerte ka na lang kapag binalikan ka pa niya." Nakangisi parin na sagot niya habang inaayos ang nagulo niyang kwelyo. Anong laro 'tong sinimulan mo, Dwight Kean?
"I'm warning you, Dwight Kean Stanford. Alam mo na kayang-kaya kitang paalisin sa posisyon mo ngayon." Nagbabanta sa galit na wika ni Mr. Hernandez bago tuluyang lumabas ng royal room. Napatingin ako kay Dwight na nakangisi at pailing-iling na pinagmamasdan ang pintuan na pabagsak isinara ni Mr. Hernandez.
"Mission accomplished na ba, Dwight?" Nakangising komento ni Kevin na kulang nalang ay palakpakan ang kasama namin.
"Not yet." Sagot niya tiyaka niya dinampot ang baril na naka-display sa mesa.
"Sigurado ka ba talaga rito, Dwight? Paano ang dating Serpent Commander?" Curious na tanong ko. Duda lang talaga ako, dahil basta na lamang ibinigay ni Mr. Hilton ang Serpent Society bilang kaugnay ng Aris. Sigurado ako na hindi niya 'yon gagawin ng walang mabigat na dahilan.
"Hindi oras ngayon para isipin kung ano man ang plinaplano ni Renzo. Nasa kamay ko ang buhay ng taong pinaka-iingatan niya. Isang maling galaw lang niya, alam niya ang pwedeng maging resulta. Sigurado ako na hindi siya basta-bastang kikilos. He's definitely waiting for the case to be fixed instead of escaping out of the cave just to take his throne back." Kampanteng sagot niya na mahahalatang may kung ano na namang bagay ang naglalaro sa isip niya.
"Tingin ko, magiging malaking sagabal si Ms. Lorico sa pagiging Serpent Commander mo, lalo na't siya ang Royal Knightress ng Serpent. 'Yong inasta pa lang niya kanina, parang kahit sino kaya niyang banggain." Komento ni Kevin.
Hindi ko rin inaasahan ang tapang na ipinakita niya kanina, nakamamangha at nakakatakot ang mga tingin niya. Pero mas mahihirapan siya lalo na't tuso itong si Dwight.
"Inform everyone to prepare for the imperial night. This is just the beginning of the show." Utos niya. Sandali kaming nagkatinginan ni Kevin bago ulit tiningnan ang kasama namin. Tumayo siya dala ang baril para puntahan ang malaking bintana.
Ano na naman ba ang plinaplano ng Stanford na 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top