Chapter 39
ZETHANYA YUI FELIZTRO
Simula high school hanggang college, sabay-sabay kaming grumaduate nila Ell, pero maliwanag sa amin na darating ang araw na kailangan namin magkaniya-kaniya. Dumating nga ang araw na 'yon.
Si Daniella ay nagkapagpatayo ng sarili niyang flower shop, sina Friza, Axcel, at Nick naman ay naging ka-sosyo ni Rix sa pagpapatakbo niya sa gaming company na ipinagkatiwala sa kaniya ng Kuya niya, ang Knight Liberty Entertainment. Si Dhale naman ay kasalukuyang intern noon sa isang broadcasting company. Si Creid lang ang naiba sa amin, dahil medyo laki siya sa layaw at lumaki siya sa isang mayamang pamilya, maaga niyang pinasok ang pagiging isang car racer at naging malaking katulong siya ng tito niya sa kompanya nila habang ako ay naging isang general surgeon sa Highstone Hospital.
We were all settled back then. 'Yon ang mga panahon na nasa ibang bansa si Ellisse at wala ni isa sa amin ang may koneksiyon pa sa kaniya... hanggang sa isang araw, nangyari ang trahediya na hindi namin lubos inasahan. It was three years ago...Birthday noon ni Dhale kaya naisipan naming lahat na i-sorpresa siya.
3 years ago...
"For sure mago-overtime na naman siya ngayon." Nakangusong komento ni Daniella tiyaka dumukot ng chicken drumstick mula sa bucket na kaagad inilayo sa kaniya ni Friza.
"Tumawag si Rix." Napatingin kaming tatlo kay Axcel pagkapasok niya at sumunod si Nick na malawak ang ngiti habang hawak ang bote ng champagne at red wine.
"Nasaan na ba ang inosenteng 'yon?" Inis na tanong ni Friza, but I caught Axcel's eyes as he looked at Nick. I knew at that point, there's something wrong.
"May problema ba, Cel?" Tanong ko habang pilit na itinatago ang kaba sa dibdib ko. The room was filled by silence hanggang sa sagutin niya ang tanong ko.
"Si Dhale..." Alam ko ng hindi maganda ang papupuntahan ng sasabihin niya kaya naman napatayo ako kaagad.
"W-what happened to her?" Tanong ko.
"Nasa kamay siya ng mga gangsters..." Pakiramdam ko, 'yon ang pinakanakatatawang joke na narinig ko sa buong buhay ko.
"Gangster? T*ng ina ka talaga Axcel Naugsh! Gagawa ka na nga lang ng prank palyado pa." Pailing-iling at natatawang komento ni Friza na alam kong hindi rin siya naniniwala pero sa mga tingin ni Axcel alam ko na seryoso siya.
"We need to save her then." Halos pabulong na sabi ko nang marinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Friza.
"H'wag mong sabihin na naniniwala ka sa g*gong 'to?" Natatawang tanong niya.
"Seryoso ako, Friza. Nasa panganib ang buhay ni Dhale." Seryosong sagot ni Axcel na siyang umagaw sa atensyon ni Friz.
"A-anong gangster? May gano'n pa ba ngayon?" Naguguluhang tanong ni Daniella.
"Mahabang kwento." Seryosong sagot sa kaniya ni Nick na mukhang pati siya ay may alam na rin sa mga nangyayari.
"Wala ng oras para masagot ang mga tanong ni'yo. Hindi panahon ngayon para magsaya." Wika ni Axcel bago naglakad palabas na sinundan ni Nick. Nagkatinginan kaming tatlo hanggang sa wala na rin kaming choice kung hindi ang sundan sila.
"Masasapak ko talaga ang dalawang 'yon kapag joke lang 'to." Reklamo ni Friza pagkalabas namin ng apartment building. Kaagad naming sinundan ang kotse ni Axcel hanggang sa makarating kami sa isang 'di pamilyar na club.
"Anong lugar 'to?" Nagtatakang tanong ni Friza pagkalabas namin ng kotse matapos niyang iparada 'yon sa tabi. Napapatingin pa sa amin ang ibang tao na nagpupunta sa club. Halos lahat ng lalaki ay may tattoo sa buong katawan, mga hikaw, at ang iba sa kanila may kasama pang mga babae na halos lumabas na ang kaluluwa sa suot nila.
"What kind of place is this?" Nakangiwing tanong ni Daniella bago namin marating ang entrance kung saan mayroong dalawang lalaki na maskulado ang katawan ang nakabantay sa magkabilang gilid ng pinto.
"Nasaan ang red card ni'yo?" Nagkatinginan kaming tatlo nang harangan nila kami. Friza was about to speak nang biglang magsalita si Axcel mula sa likuran namin.
"Kumalma lang kayo, kasama namin sila." Nakangising sagot niya.
"Para sa isang gabing kasiyahan...maaari bang tumabi na kayo sa daraanan namin?" Nakangisi namang tugon ni Nick. Ilang sandali lang ay tumabi ang dalawa at naunang naglakad si Axcel papasok tiyaka sinundan ni Nick.
"Anong ibig sabihin nito, Axcel Naugsh?" Seryosong tanong ni Friza nang makapasok kami kung saan samo't saring amoy ng pabango, club lights, at ang malakas na tunog ng DJ ang bumungad sa amin.
"Welcome to Red Fox Club, girls!" Malawak na ngising sabi ni Nick na nakadipa ang mga braso niya.
"Anong ginagawa natin dito? Where's Dhale?" Curios na tanong ko habang paakyat kami sa hagdanan patungo sa itaas na bahagi ng club.
"Makinig kayo...hindi basta-basta ang lugar na 'to." Panimula ni Axcel nang makaupo kami sa tagong bahagi ng bar.
"Ano bang sinasabi mo? Diretsahin mo na nga lang kami! T*ng ina naman" Naiinis na sagot ni Friza nang biglang dumating ang isang waiter na sa hitsura pa lang ay masasabi kong gangster siya. Hindi sa nanghuhusga ako, pero malaki ang tiwala ko sa instinct ko.
"Ilang kwarto ang kailangan ni'yo?" Mayabang na tanong niya nang biglang mapatayo si Friza na kaagad pinigilan ni Nick.
"Isang bucket ng beer, samahan mo na rin ng isang bote ng grey goose vodka para rito sa girlfriend ni Nick." Nakangising sagot ni Axcel sabay sulyap sa kay Friz ng nakakaloko bago umalis ang mukhang adik na lalaki.
"TANG INA MO, AXCEL NAUGSH!" Malutong na mura ni Friza. Mabuti na lang malakas ang DJ music dahil kung hindi baka siya na naman ang center of attention ngayon.
"Seriously, why are we here? Paano ni'yo nalaman ang lugar na 'to? At paano kayo pinapasok dito? And where's Dhale?" Naguguluhan at dire-diretso kong tanong. After a few seconds ay bumalik ang lalaki kanina para ihatid ang alak na in-order ni Axcel.
"Dito nila siya dinala." Tipid na sagot ni Nick nang makaalis 'yong lalaki.
"Ano? T*ng ina eh nasaan siya?" Galit na tanong ni Friza.
"Kasama niya si Rix kaya wala kayong dapat ikabahala." Sagot ni Axcel matapos kaming pagbuksan ng beer. Ayoko sa naiisip ko pero pakiramdam ko may tinatago sila sa amin.
"A-are you hiding something, Nick, Axcel? May dapat ba kaming malaman?" Biglang tanong ni Daniella na mababakas ang pagkabahala sa mukha niya. Mukhang pati siya ay nahalata rin niya.
"Alam ni'yo naman na ang tungkol sa mga mafia hindi ba?" Tanong ni Axcel. Nagkatinginan pa kaming tatlo nang magpatuloy siya sa pananalita.
"Kay Dhale namin nalaman ang lahat. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng Director at ng Investigator ng broadcasting company kung saan siya nagta-trabaho." Dagdag ni Nick.
Mafia rings a bell dahil alam naming magka-kaibigan ang mga ilegal na nagaganap sa likod nito kahit na hindi kami ka-bilang o wala kaming koneksiyon sa kanila.
"At paanong nadamay si Dhale? Paano siya napunta sa kamay ng mga t*ng inang gangster na tinutukoy ni'yo o kung sino man sila?" Inis na tanong ni Friza.
"Dahil sa kwintas... May kaso kasi kung saan kabilang si Dhale sa mga reporters na kailangang kumuha ng buong dokumentasyon ng nangyaring barilan sa public market nitong nakaraang linggo lang. Napulot ni Dhale ang kwintas na pagmamay-ari ng isang gang member ng Serpent Society habang nangyayari ang imbistigasyon. Hindi kaagad ipinaalam sa team nila Dhale na sangkot ang Serpent at isang grupo ng mga gangsters sa nangyaring insidente... Ayon sa sinabi ni Rix, si Dhale ang napagbintangan ng grupong dumukot sa kaniya na mayroon siyang koneksiyon sa Serpent kaya ginawa nila siyang hostage gamit ang kwintas laban sa Serpent Society." Paliwanag ni Nick.
Anong klaseng kwintas ang napulot niya na mukhang sobrang halaga sa Serpent?
"How did you know all of this?" Nakakunot kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko ipa-process sa utak ko ang mga sinasabi nila. Tingin ko nga, nananaginip lang ako.
"Nasa ilalim kami ng pamamahala nila at kasalukuyan naming ginagawa ang Serpent Special Training...Isa kaming Serpent Pawn, ang tawag sa mga baguhan sa samahan nila." Sagot ni Axcel na mas lalong gumulat sa akin.
"Anong kalokohan 'tong pinasok ni'yo mga p*tang ina kayo?" Mariing tanong ni Friza na mahahalatang nagpipigil ng galit.
"Hindi katuwaan ang pagsali namin sa samahan nila, Friza. Nakealam kami para iligtas si Dhale. Swerte na nga kami dahil hindi nila kami pinatay, kaya sa ayaw at sa gusto namin kailangan naming dumaan sa matinding training para maging opisyal na miyembro nila." Paliwanag ni Nick.
"Pwede pa naman siguro kayong umalis right?" May alinlangan sa boses ni Daniella.
"Imposible na kaming makalabas ng buhay dahil hindi namin sinasadyang malaman ang sikreto ng samahan nila na ang tanging Royal Chief lamang ang nakakaalam." -Axcel
"What secret?" Curios at kunot-noong tanong ni Daniella.
"Ang kwintas na gustong bawiin ng Serpent mula sa grupong dumukot kay Dhale ay itinuturing ng black emissary na higit pa na mas mahalaga kaysa sa buhay ng kahit na sino." Paliwanag ni Axcel.
What kind of necklace is that na mas mahalaga pa sa buhay ng isang tao? Nagkatinginan kaming tatlo nila Friza. Tingin ko, maliwanag na sa amin na hindi isang biro ang pinunta namin dito.
"Black emissary ba ang tawag sa leader ng Serpent?" Tanong ko nang muli kong tingnan si Axcel.
"Black emissary ang tawag sa nakatagong alas ng Serpent Royalties. Siya ang representative ng samahan nila kung may high-risk operation na kailangang tapusin o prominenteng tao na kailangan agad mailigpit... Siya ang nagmamay-ari sa kwintas." Napatingin kami sa kwintas na inilapag ni Nick sa mesa. Isang kwintas na kulay itim at hugis bala ang pendant. Kinuha ko 'yon at pinagmasdang mabuti.
"And you're telling us everything, dahil may gusto kayong hilingin sa amin, tama ba?" Patanong na sagot ko. We're now sharing the same secret at hindi ko man gusto sa ideya nila kung bakit nila kami dinala rito, tingin ko wala na kaming magagawa.
"Nalaman ng grupong dumukot kay Dhale ang lahat ng impormasyon ng bawat isa sa atin. Ano mang oras kikilos sila para makuha ang pakay nila...Oras na hindi natin maibigay ang halaga ng kayamanang gusto nila, sarili nating buhay at ng pamilya natin ang malalagay sa alanganin." Paliwanag ni Nick na bigla na lang nagpalakas ng pintig ng puso ko.
"We can ask for help...S-sa mga police, sa-----" Naputol ang dismayadong pananalita ni Daniella nang magsalita si Axcel.
"Hindi pwede. Isang malaking ungovernable group at isang 'di kilalang grupo ng mga gangsters ang sangkot sa kaso, panigurado na hindi magtatangkang pakealaman ng kahit na sinong opisyal ang problema natin." Paliwanag ni Axcel. Napatingin ako kay Friza na kanina pa walang imik at mahahalata ang pagka-seryoso sa mukha niya.
"Then what are we gonna do now? A-ayoko pang mamatay." Dismayadong sagot ni Daniella.
"Ang pagpasok lamang sa Serpent Society ang tanging paraan para mailigtas ang lahat. Sila ang tutubos kay Dhale, isa pa, pakay nilang makuha pabalik ang kwintas, pero kapalit nun ang pagpasok natin sa samahan nila." Paliwanag ni Axcel tiyaka itinungga ang beer. We're all against it. Friza, Daniella, and I pero cornered na kaming lahat, at sa paliwanag nila Axcel wala na kaming magagawa pa.
"W-we can't do that! Hindi---"
"Sige, ano pa ang magagawa mo, Daniella? May ibang paraan ka pa bang alam para mailigtas ang buhay ni Dhale at ng pamilya natin, huh?" Mataas ang boses na sagot sa kaniya ni Friza nang mapayuko na lang si Daniella. I can't blame her, sigurado ako na iniisip din niya ang kalagayan ng bawat isa.
"Kung ang pakikisali sa samahan nila ang tanging paraan para matubos ang buhay ni Dhale, wala na tayong ibang magagawa kung hindi ang dumaan sa special training na sinasabi ninyo para maging miyembro ng Serpent. Buhay ng kaibigan at ng pamilya natin ang nakasalalay rito. Walang ibang magsasakripisyo para sa kaligtasan nila kung hindi tayo." She stated in a sharp tone. I can see it through her eyes, desidido na siya at wala ng babago sa desisyon niya.
"Kung gano'n sama-sama na 'to. Si hirap at ginhawa, sa lungkot at saya." Nakangising komento ni Nick tiyaka sumandal sa kinauupuan niya tiyaka itinungga ang bote ng beer.
"Daniella?" Pagtawag ni Axcel sa kaniya na para bang bigla siyang nagbalik sa huwisyo.
"I-i'm in...I'm sorry." Sagot niya tiyaka muling yumuko. Hinawakan ko ang kamay niya at tipid na ngumiti. Tumingin ako kay Axcel at tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"Wala kayong dapat ipag-alala dahil hindi tayo pwedeng basta-bastang saktan o tangkaing patayin ng kahit na sinong miyembro ng Serpent." Nakangising saad ni Nick na mukhang kampanteng-kampante sa sinabi niya.
"What do you mean, Nick?" Tanong ko sa kaniya nang magtinginan pa silang dalawa ni Axcel tiyaka sabay na ngumisi. Hindi ko alam kung cool ba para sa kanila ang pagpasok sa isang mafia world or what, sa mga ngiti kasi nila halatang may excitement.
"Hindi ni'yo ipagsasabi sa kahit na sino ang sikreto ng Royal Chief tungkol sa black emissary. Maliban sa kaniya at sa atin wala ng nakakaalam, ligtas ang buhay natin sa kaniya hangga't hawak natin ang sikreto niya." Nakangising sagot ni Axcel. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
"Nasaan si Creid?" Biglang tanong ni Friza na ngayon ko lang din napansin ang pagkawala ng isa sa amin.
"Kasalukuyang tinatapos ang misyon niya." Nakangising sagot ni Nick tiyaka sabay silang napailing ni Axcel at nag-cheers pa. Hindi ko na kailangang isipin dahil paniguradong si Creid ay kasama rin nila.
"Hey girls!" Napalingon kami sa lalaking kadarating lang na magulo ang buhok at may bahid pa ng mantsa ang suot niya. Tiningnan ko 'yong mabuti at halos nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na bahid 'yon ng dugo. Don't tell me...
"Isa ka pang p*tang ina. Saan ka galing huh?" Nakahalukipkip na tanong sa kaniya ni Friza.
"Mission. Wala akong ginagawang masama ah." Depensa niya na ikinatawa nina Axcel at Nick.
I knew it. Sila nila Rix ang magkaka-sama rito. But still they can't lie, hindi nila maikakaila sa akin na nahihirapan din sila sa sitwasyon. This is the first time na kailangan naming mag-sakripisyo hindi para malutas ang isang simpleng bagay kung hindi para sa buhay ng bawat isa sa amin.
It was the bond that we built for as long as decades. The proof that we are family. We are partners in crime, and it's the reason why we didn't fear death just to save Ellisse that day when she was brought to the castle.
That was how we became Serpent. Sa paglipas ng panahon ng pananatili namin sa loob ng headquarter, nasilayan namin ang lahat at natuto kami kung paano mabuhay sa isang marahas na mundo, at sa kabila ng karahasan nasilayan namin na kahit sa dilim mayroong nagkukubling liwanag. 'Yon ang dahilan kung bakit namin minahal ang mundo ng Serpent.
Matapos ang madugong training namin na pinamahalaan ng Royal Chief, nabalitaan namin na darating ang Royal Commander na unang beses pa lamang namin masisilayan. Sa katunayan, noon pa man nakakatakot na talaga ang aurang dala niya. Kahit na pilitin mo mang basahin ang iniisip at ikinikilos niya, hindi mo siya maiintindihan. Isa lang ang masasabi ko, napaka-misteryoso niya.
Sa tatlong buwang pananatili niya sa headquarter bago siya nangibang-bansa, nasilayan namin kung paano siya magalit, makipag-sosyo, at lumutas ng mga kaso, at higit sa lahat maliwanag padin hanggang ngayon sa akin kung paano niya ipinamukha sa bawat isa sa amin na pagmamay-ari niya ang teritoryo ng Serpent at walang kahit na sino ang maaaring magtangkang bumangga, o sumalungat sa kaniya.
Ang hindi ko lang lubos maunawaan noon ay ang biglaang pagiging malapit niya kay Lianne Salvador na halos naging usapan sa buong headquarter. Napapansin noon na halos sila ang magkasama at nagkakausap at ayon sa nalaman ni Axcel, plinano ni Commander na ilagay sa posisyon si Lianne bilang Royal Knightress niya, pero sinalungat 'yon ng Serpent Queen kaya walang nagawa si Commander. Ilang araw lang matapos ang naging usap-usapan, nabalitaan ng buong headquarter ang biglaang pag-alis niya at walang may alam kung nasaan siya.
Nagulat na lang kami nang mabalitaan namin na magkakaroon ng inauguration. Hindi rin namin alam kung ano ang naging pakay ng Serpent Commander sa biglaang pagbabalik niya ng posisyon at pananatili niya hanggang ngayon sa headquarter. Nasanay kasi kami noon na madalas nasa misyon siya not until I found out something.
That day I saw nothing but rage in his eyes, and I know Ellisse was the reason.
...
"I don't get it, Tanya." Halos pabulong na sabi niya na para bang pilit iprinoproseso sa isip niya ang lahat ng nalaman niya.
"You don't have to push yourself too much, Ell." Hinawakan ko ang kamay niya tiyaka siya tipid na nginitian.
"Alam ba ni Renzo ang tungkol sa sikretong itinatago ni'yo? Tungkol sa black emissary?" Tanong niya.
Sa totoo lang ay iniiwasan ko na magtanong siya tungkol sa bagay na 'yon, pero knowing Ellisse? Hindi siya makokontento hangga't hindi niya nalalaman ang buong katotohanan. Hangga't hindi sapat para sa kaniya ang mga nalalaman niya.
"He knew it. Siya ang kumuha sa amin para maging miyembro ng Serpent, siya rin mismo ang nag-utos sa Royal Chief na bantayan ang bawat galaw namin." Sagot ko.
Ipinangako ko kay Rix na wala akong sasabihin kay Ellisse ng kahit na ano tungkol sa sikreto na nalalaman namin pero tingin ko may karapatan si Ell na malaman ang totoo. Things are now different, and I know one day malalaman at malalaman din niya.
"I just don't understand...Bakit niya 'yon ginawa? Kayang-kaya naman ng Serpent gang, ng Royal Chief, o siya mismo na bawiin ang kwintas ng walang kahirap-hirap, ng hindi na tinutubos si Dhale. He didn't even know her, at pati kayo, hindi naman niya kayo kilala." That was the point, Ell.
Hindi niya kami kilala, at ordinaryong tao lang naman kami para sa Serpent noon. 'Yon din ang matagal ko ng ipinagtataka. Truthfully, wala na dapat siyang pakealam sa amin kahit pa mapatay kami ng grupong dumukot kay Dhale makuha lang niya ang kwintas. Pero hindi 'yon ang nangyari, tinubos niya sa Dhale, at ipinasok niya kami sa Serpent. Imposible man, pero isa lang ang naiisip kong dahilan, para sanayin kami, at maprotektahan laban sa mga grupo ng mga gangsters.
"Tell me, Tanya...ano ang totoong nangyari noong araw na nakita ni'yo ako sa castle? I shouldn't be here...hindi ba dapat patay na ako? At imposible na sa pagmamakaawa niyo sa harapan niya, pagbibigyan niya ang gusto ni'yo na mailigtas ako." I clenched my fist matapos niyang magtanong. Umiwas ako ng tingin.
"Sabihin mo sa 'kin ang totoo, Tanya...please."
Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob kong harapin siya. "He saved you, Ell...Ang Serpent Commander ang nagligtas sa 'yo. I told him about you being the CEO's secretary of MCA. Naisip ko na baka kapag nalaman niya na mahalaga ang posisyon mo sa kompanya na nasa ilalim ng Serpent, baka magbago ang isip niya. Besides, you're a VIP. He should spare your life... Ang totoo, ilan sa mga bantay sa kastilyo ang pinatay niya mismo at ipinapatay niya ang mga natitira sa Royal Chief." Paliwanag ko at mukhang nagulat siya sa huling sinabi ko.
Nagsimulang mamula ang mga mata niya dahilan nang mag-iwas ako ng tingin. Ito ang ayokong makitang reaksiyon niya. Pakiramdam ko, gusto ko na nga lang bawiin ang lahat ng sinabi ko, yet I know I can no longer take those back kaya naman magpapakatotoo na lang din ako.
Sorry for defying your command to shut my mouth, Commander.
"He was the one who killed the Serpent members who almost harassed you...At noong gabing nasilayan mo kung paano namatay si Mr. Chen, ginawa niya 'yon hindi para ipamukha sa 'yo kung anong kapangyarihan ang mayroon siya. Remember? He kept telling you na ikaw ang pumatay kay Mr. Chen. It's one of Serpent Rules, oras na nabahiran ng dugo ang kamay mo sa lugar na 'to, there's no way you can escape." Sandali akong tumigil pero nanatili siyang tahimik, and there I continued. "But your case was different, Ell...he did it to show what he can do with his power to protect you. Ginawa niya 'yon para manatili ka rito sa headquarter, kung saan dito na lang ang natatanging lugar na magiging ligtas ka matapos ang nangyari." Paliwanag ko.
"Sa katunayan, sa training pa lang may nilabag na siyang Serpent rules. Mabuti na lang nagawan ng paraan ng Serpent Queen." I added. Kung sasabihin ko lang din naman ang totoo, ayoko ng may matira pang nakatago.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong niya.
"Noong ipinapatay niya 'yong lalaki na halos tangkain kang patayin sa combat hall. Sumunod ang masked bullseye. Nasabi ni Axcel na kontrolado ng device na isinaksak sa 'yo ang utak mo. Hindi mo napansin 'yon, Ell pero noong araw na 'yon nadala ka ng emosyon mo, at sa kagustuhan mong makawala sa lahat, you attempted to kill yourself. It was the reason why he pointed your gun into him, kung saan sinalo ni Commander ang German bullet na dapat ay tatama sa 'yo." Bahagya akong napayuko. "Hindi lang isang beses nilabag ni Commander ang serpent rules para sa kaligtasan mo, Ell."
Pati ako ay hindi rin noon makapaniwala. I was wondering what the valid reason was, but now everything is clear.
"All this time...he's defying the rule...j-just for me?" Pabulong na tanong niya. Mababakas ang pamumula ng mga mata niya.
"Tell me one last truth, Tanya..." Kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya ang mga silatang na binitawan niya. "This necklace..." Hawak niya ang kwintas na suot niya tiyaka 'yon ipinakita sa akin. "Alam mo kung sino ang may-ari nito, tama?" She asked.
"Kapareho ng kwintas na 'yan ang kwintas na ipinakita sa amin noon ni Axcel bago kami pumasok sa Serpent. Sa pagkakatanda ko ibinalik niya 'yon noon sa Royal Chief para iabot sa Black emissary." Sagot ko.
Medyo nagulat din ako noong nakita kong suot ni Ell ang kwintas. Wala kasing pagkaka-iba ang suot niya sa napulot na kwintas ni Dhale. Kahit isang palatandaan lang ng pagkakaiba, wala akong makita.
"Hindi alam ng serpent ang existence ng black emissary, tanging ang Royal Chief at kami lang nina Dhale ang nakakaalam, yet we don't really have an idea who's this person is, dahil hindi pa namin siya nakikita." Patuloy ko. Sometimes, nacu-curious din ako kung sino nga ba talaga ang sinasabi nina Rix at Axcel na black emissary ng Serpent.
Someone whose duty is to fulfill a high-risk operation around the world and annihilate high-profiled people na siguradong may mabigat na kasalanan sa samahan. Aside from the gang and the Royal Knight, wala akong maisip na pwedeng utusan ng King o ni Commander para sa mabigat na misyon.
"He's hiding behind his dark hoodie and mask." Saad niya na siyang nakapagpatigil sa akin. How did she know? That was also the exact description from Rix.
"Siya ang nagbigay sa akin ng kwintas na 'to." What? Ang buong akala ko ay si Commander ang nagbigay sa kaniya ng kwintas.
"You met the black emissary?" Nagtataka at gulat na tanong ko.
"I did." Yumuko siya at mabilis na pinunas ang pisngi niyang nabasa ng luha. "Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin... All I thought I was this heroine rule breaker who's defying the rule, but the fact is that he was really the one who cheated his own d*mn rule. T-this is all my fault."
So...am I following it right? That the person he's talking about is Commander which is also...the black emissary?
Sa halip na magtanong ako ay hinawakan ko nalang ang kamay niya tiyaka siya niyakap.
"Please, don't blame yourself, Ell. Wala kang kasalanan." He did all those things to protect you, and I knew that was what he wanted to do from the very start until now. Hinagod ko ang likod niya pero kumalas siya sa pagkakayakap kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"I can't keep this, Tanya...I can't" Ramdam ko ang sakit sa boses niya at paninikip ng dibdib niya matapos niyang mabilis na pinunas ang luha niya tiyaka ako tinalikuran at patakbong umalis.
"Ellisse!" I tried to call her pero hindi na niya ako nilingon, at hindi ko na rin siya napigilan. Hindi ko namalayan na pati ako ay naluha na lang din. Kung may kakayahan lang sana ako na bawasan ang dinadala niya ngayon.
There's nothing I can do now, but to keep on hoping...na sana bumalik na ang Serpent Commander.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top