Chapter 38
One day after Doctor Helios Salviejo's death.....
THIRD PERSON
"Ito ba talaga ang plano mo?" Tanong ng isang lalaki na nagngangalang Leo, sa kaniyang kasama upang basagin ang katahimikan na kanina pa namamagitan sa kanilang dalawa mula sa waiting area ng airport.
"This is the only thing I can do now. I have to get back to how I used to live." Sagot niya habang pinagmamasdan ang ibang mga taong nagdaraan sa paligid nila.
"Kababalik mo lang bilang Royal Knight pero aalis ka na agad. Wala ka na bang planong bumalik ulit?" Tanong ulit ng Coah ngunit walang kahit na anong sagot ang nanggaling sa kaniyang kausap.
"Looks like the deal has been settled, huh?" Dumating ang isang babae na nakasuot ng maiksi at kulay pulang fitted dress na pinarisan niya ng kulay itim na boots. Mapapansin na ang pagdating niya ang siyang umagaw ng atensyon ng madaming tao.
"Queen---" Itinaas niya ang kaniyang palad para pigilan si Coach Leo na tumayo para sana tumungo.
"Thank you for bringing him to me, Coach Leo. I appreciate your consideration." Pasasalamat niya dala ang tipid na ngiti mula sa kaniyang labi na bihira lamang makikita ng karamihan.
"Sorry, Queen na-late ako." Napatingin si Coach Leo at ang Serpent Queen sa lalaking kadarating lamang na mahahalatang galing pa sa pagtakbo dahil abot pa niya ang kaniyang paghinga nang makalapit ito sa kanila.
"And what are you doing here?" Nakataas ang kilay na tanong ng Queen sa kaniya matapos sulyapan ang dala nitong maleta.
"He's coming with us, Nathalia." Napatingin ang Queen sa kaniyang pinsan nang tumayo ito. Walang emosyong ang kaniyang mga mata nang pasadahan niya ng tingin ang kaibigang si Andrei bago naunang naglakad palayo.
Makikita ang pag-igting ng panga ng Serpent Queen. "Stan---"
"Hoy Ash, teka lang! Hintayin mo naman ako!" Sigaw ni Andrei tiyaka patakbong sinundan ang kaniyang kaibigan.
"Hindi mo talaga mapaghihiwalay ang dalawang 'yan." Pailing-iling at nakangiting komento ni Coach Leo habang pinagmamasdan ang dalawa sa hindi kalayuan.
"This is what I really hate! Sa dami ng pwedeng utusan ng Serpent King na magbantay kay Ash, ako pa. Ako na lang lagi. I am the Serpent Royal Queen for evils' sake, but f*ck he's treating me like a lackey!" Iritado't naiinis na saad ng Queen tiyaka humalukipkip na siyang mahinang tinawanan ni Coach Leo.
"Masanay ka na sa mga pinsan mo, Belliatrix...lalo na kay Ash, at sa Serpent King." Komento ni Coach Leo. Ilang sandali lamang ay mayroong dalawang lalaking naka-formal suit ang lumapit sa kanila.
"It's time to go, Miss Benzon." Magalang na wika ng isa sa kanila. Nagpakawala ng buntong hininga ang Serpent Queen tiyaka umirap bago naglakad palayo ngunit ilang hakbang pa lamang ang kaniyang nagagawa nang tawagin siya ni Coach Leo.
"Hindi na bata si Ash, Belliatrix." Wika niya na siyang nakapagpatigil sa kaniyang paglakad bago hinarap si Coach Leo.
"But he's a f*cking vagabond. He's one of the pillars of Stanford. Our clan. Sino pa ba ang ibang sasalo sa kalat niya kung hindi ako at ang Serpent King?" Diretsang sagot ng Queen ng walang kurap.
"Pero tao rin siya gaya mo. May karapatan siyang pumili ng daan na gusto niyang tahakin." Sagot ni Coach Leo tiyaka matipid na ngumiti. Humakbang siya palapit sa Serpent Queen tiyaka tinapik nito ang kaniyang balikat. "Hindi magiging Royal Knight si Zane ng walang dahilan. Isa rin siyang Stanford, tama ka, at hindi naiiba tulad ninyo." Ang huling katagang iniwan niya bago naglakad palayo.
Napangisi ng mapait ang Serpent Queen tiyaka bumulong sa hangin. "Stanford is just a f*cking preeminent surname...Nothing but our pride."
PRESENT
Serpent Headquarter
ELLISSE ZERINA
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama pagkarating ko sa kwarto tiyaka ko ipinikit ang mga mata ko. "I'm tired..." Bulong ko sa hangin at ilang sandali lang ay biglang may kumatok sa pintuan kaya naman tumayo ako para buksan ang pinto kung saan bumungad sa akin si Jinno na may hawak na box.
"Package para sa 'yo, Royal Knightress." Saad niya tiyaka inabot sa akin ang box.
"Who gave this?" Kunot-noong tanong ko nang hindi inaalis ang mga tingin ko sa box na wala man lang note o kahit na anong sender card. Tumingin ako kay Jinno na walang ibang sinagot kung hindi ang pagkibit ng kaniyang balikat bago nagpaalam para umalis.
Matapos kong isara ang pintuan hindi ako nagdalawang isip na buksan kaagad ang box. Natigil ako nang bumungad sa akin ang maliit na recording device kasama ng isang note.
I don't know if this is the right thing to do, but I guess I don't have a choice, either. Oftentimes, it's better to follow what our mind tells us to do than just simply following the treacherous desire of our hearts.
Walang pangalan ang nakalagay sa note kaya naman binuksan ko ang recording device na hawak ko. I pressed the play button and a voice started to speak.
"Alam kong magugulat ka kapag narinig mo 'to..." Natigilan ako bigla nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Ash.
"Ayokong makatikim ng suntok mo kaya mas mabuting ganito na lang kaysa sabihin ko pa ng personal... H'wag ka sanang magagalit, Ellisse kahit na alam ko at sigurado ako na mabu-buwiset ka na naman sa akin ngayon pa lang..." Napailing ako at bahagyang napangiti.
Ano na naman bang pakulo ng lalaking 'to?
"Tingin ko medyo nahuli ako ng dating, pero kahit na gano'n nagpapasalamat ako dahil nakilala kita, Ellisse. Masaya ako na kahit sandali lang dumating ka sa buhay ko, na sa maikling panahon nagkaroon ako ng ala-ala kasama ka." Hindi ko inaasahan ang mga salitang sasabihin niya. Kahit boses lang niya ang naririnig ko nararamdaman ko ang lalim ng pinanggagalingan ng mga salitang sinabi niya.
Simula noong nalaman ko na isang Serpent Royalty si Ash, unti-unti kong nakita ang pagiging seryoso niya sa ibang bagay. Hindi lang siya basta isang bulakbol na walang ibang ginawa kung hindi ang mangulit. 'Yon ang hindi ko nakita noon sa kaniya...That he has a deep sense when it comes to life. He's different from what I used to know.
"Gusto kong protektahan ka. Gusto ko na ako ang manatili sa tabi mo hangga't nabubuhay ako, pero mas gusto ko na makita kitang masaya. 'Yon lang ang tanging hiling ko, Ellisse...and I know I'm not the one who's capable to bring that happiness to you. I can't be your knight nor your armor, nothing else but your friend. But you know what...I am more than thankful for us being friends because at least I got the chance to meet someone like you."
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sunod na mga sinabi niya. Kilala ko si Ash pero hindi ko inasahan na higit pa sa isang kaibigan ang turing niya sa akin. We're good friends, sa maikling panahong pinagsamahan namin hindi ko itatanggi na isa si Ash sa mga pinagkatiwalaan ko.
"I don't really want to say all of this... Alam ko kasing ayaw mo sa ganitong confession eh..." Narinig ko pa ang mahinang pag-tawa niya, pero ilang sandali lang ay muli siyang nagsalita. "Iisipin ko na lang na dumating ako sa buhay mo para padaliin ang mga bagay na naka-tadhana sa 'yo... Malay naman natin 'di ba? Dumating talaga ako para maging kupido sa inyo ni lover boy." Natawa siya ulit ng mahina at sandaling tumigil.
"Ang totoo Ellisse...matalik kaming magkaibigan noon ni Renzo bago pa man siya naging Serpent Commander, pero nagbago siya simula noong mamatay ang mommy niya." Sandali akong natigilan sa narinig ko.
"Ikinulong niya ang sarili niya, pinagtabuyan niya lahat ng taong lumalapit sa kaniya, at nawala ang buong tiwala niya sa lahat. Sa katunayan, nagsinungaling ako sa 'yo... Bumalik talaga ako ng Pilipinas dahil nalaman ko noon na magbabalik posisyon siya..." 'Yon ang panahon na wala akong kaalam-alam na magkakaroon ako ng koneksiyon kay Renzo at sa Serpent.
"Inasahan ko ng malaki ang pinagbago niya sa nakalipas na panahon na hindi kami nag-usap, at hindi nga ako nagkamali... Ang Mikael Lorenzo ngayon... ayaw niya ng may bumabangga sa kaniya, at ng may sumasalungat sa utos niya, pero sa pagbabagong 'yon mas malaki ang naging epekto mo sa kaniya." Dugtong niya.
Paano nangyari 'yon? Ni hindi nga kami magkakilala...Paano ako nagkaroon ng epekto sa kaniya? Tingin ko nga, siya ang may malaking epekto sa malaking pagbabago sa buhay at pagka-tao ko.
"Sigurado ako na baka mapatay niya ako kapag nalaman niya ang lahat ng sinabi ko sa 'yo tungkol sa kaniya..." Muli siyang natawa ng mahina pero kaagad din nagbalik sa pagiging seryoso niya. "Actually, I have a favor to ask, Ellisse." Sandali na naman siyang tumigil at ilang segundo lamang ay nagpatuloy ang recorder. "This is not an order, but consider it as a favor from the Serpent Royal Knight... Protect the Serpent at all cost... You're the only one who can do it for him, Royal Knightress." 'Yan ang huling mga salitang sinabi niya.
Bigla ko na lang naalala noong plinano ng HQ na i-corner ang magkapatid na Salvador. Ash was the one who destroyed some of the hideouts of Korbin, at ang mismong pumatay kay Warnell Orfeighn. Pero pagkatapos ng kaso tungkol kay Doctor Helios hindi na kami nakapag-usap at hindi ko na rin siya nakita. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at walang may alam kung nasaan siya.
Ibabalik ko na sana ang recorder device sa box nang mapansin ko na may laman pa ito na natatakpan ng kulay itim na papel kung saan may maliit na note rin ang nakalagay.
As I promised. I want to give you this with sheds of blood, sweat, and tears. Well, I got this without using a cup of authority. Just so you know... I have my own way of getting anything I want. :)
Tinanggal ko ang papel na nakatakip rito at bahagyang napaawang ang labi ko sa bagay na bumungad sa mga mata ko.
"How the hell did he get this?" Bulong ko sa sarili ko habang sinusuri ang signed book ng librong Min Les Psemata na sulat mismo ni Natsuo Daigoro.
Narating ko ang huling pahina nito kung saan makikita ang isang pamilyar na Serpent mark na naka-engraved sa hard cover ng libro. Hindi kaya ito ang librong tinutukoy ni Tanya tungkol sa mga mafia group?
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Kumusta na kaya si Commander?" Biglang tanong ni Leigh habang ginagamot ko ang sugat niya mula sa likod.
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Novaleigh?" Inis na tanong ni Friza habang nakahalukipkip sa couch.
For sure naiinis pa din siya hanggang ngayon kay Art. Ang inaalala ko ay si Ell. These past few days, simula nang mailagay sa posisyon ang bagong Commander hindi na namin siya gaanong nakakausap. I know how strong she is, kung paano siya nagbago pero hindi ko parin maiwasang mag-alala.
"I just don't like Mr. Hernandez. Gwapo siya pero mas gusto ko ang pagiging strikto ni Commander, tiyaka isa pa, mas maganda kaya ang hot body ng Hilton." Nakangusong komento niya matapos ko siyang alalayang maibaba ang kaniyang damit.
"Gaga ka talaga, puro na lang gwapo't abs ang nakikita mo." Mura sa kaniya ni Friza.
"Totoo naman kasi, baby eh!" Pagmamaktol niya nang nakanguso pa na inirapan lang ni Friz. I don't know kung paano sila nakaka-survive sa isa't isa. Hindi yata mabubuo ang mga araw nila ng hindi nagmumurahan at nagkakainisan.
"By the way, Tanya, hindi ba nasa Canis si Lucas? For sure may alam siya tungkol sa kondisyon ngayon ng Serpent Commander." Inaasahan ko ng itatanong sa akin ni Leigh ang tungkol sa kalagayan ni Commander, at pati si Friza ay mukhang hinihintay ang sagot ko. Mukhang wala akong ligtas sa kanilang dalawa. I was about to speak nang biglang bumukas ang pintuan kung saan pumasok si Ellisse.
"We need to talk." Seryosong wika niya na sa akin lang nakatingin. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at tumalikod na siya tiyaka naglakad palabas ng infirmary room.
"D*mn! Royal Knightress is so scary kapag seryoso~" Napayakap si Novaleigh sa sarili niya pero ako ay nagtataka parin sa aura na dala ni Ellisse. Napatingin ako kay Friza na kaagad akong sinenyasan na sundan ko si Ell kaya naman nagmadali akong lumabas kung saan naabutan ko siyang nakatayo.
"May problema ba, Ell?" Tanong ko, though it's obvious na mayroon nga.
"Tell me everything about him." Tipid na sagot niya na siyang ikinatigil ko. "Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa kung paano kayo naging miyembro ng Serpent at lahat ng alam mo tungkol kay Renzo." Patuloy niya.
Sa mga tingin niya masasabi ko kung gaano siya kasabik malaman ang katotohanan. Wala na rin namang dahilan pa para itago sa kaniya ang lahat at alam ko rin na hindi titigil si Ellisse na alamin ang lahat ng gusto niyang malaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top