Chapter 37


THIRD PERSON 


"Mission Accomplished." Nakangising saad ng isang lalaki matapos salinan ng alak ang rock glass tiyaka niya 'yon iniabot sa kaniyang kausap na nasa kaniyang harapan.


"H'wag kang mangampante, Mr. Stanford dahil nagawa mong paalisin sa pwesto ang Serpent Commander. Baka nakakalimutan mo na hindi mo pa tuluyang nakukuha ang buong teritoryo niya." Paalala ng kaniyang kausap tiyaka itinagay ang alak.


"I'm just starting my game, Mr. X. Ayoko namang ilabas kaagad ang alas ko. That would be a foul move." Sagot niya nang hindi nawawala ang mapaglarong ngisi mula sa kaniyang mga labi.


Sa panandaliang katahimikan, isang tao ang nagbukas ng pintuan ng silid kung nasaan sila. Lumapit ang isang babae na nagngangalang Layla kay Dwight Stanford tiyaka iniabot ang pahabang kulay pulang box matapos ay may kung anong ibinulong ito sa kaniya na mas lalo lamang nagpalawak sa kaniyang ngisi.


"Hayaan ni'yo na muna silang magpakasaya." Wika ni Mr. Stanford sa kaniya. Hindi nagtagal ay kaagad na tumungo si Layla sa dalawa bago tuluyang lumabas ng silid.


"Here's the deal..." Panimula ni Dwight sa kausap tiyaka inilapag sa mesang nasa pagitan nila ang pulang box. Kinuha iyon ng leader ng Korbin tiyaka binuksan at mula sa loob bumungad sa kaniya ang kulay itim na papel na kakaiba ang pagkakayari. Walang duda na 'yon ang listahan na inaasam niya.


"...Remember your lackey from the inside of Serpent? I ordered him to switch this real list to a fake one which was entrusted by Ms. Lorico. 'Yon ang listahan na hinahabol kunin nila Alexies Salvador at ng mga kasamahan niya na walang ibang nag-utos kung hindi ikaw. You don't trust me enough do you? Well, that's d*mn given. Gumawa ka ng sarili mong plano para kunin ang listahan pero tingnan mo naman kung anong nasa harapan mo ngayon. Do you still not trust me enough, Mr. X?..." Mapaglarong ngisi ang nasa labi ni Dwight. Sinalinan pa niya ulit ng alak ang rock glass ng kausap.


"My dear cousin, Ash Zane was the one who took the fake list from Alexies." Sumandal siya sa backrest ng couch "But, what would we expect from a Hilton? Let's say, Zane gave it back to the Serpent Commander, but who are we trying to fool here? I just want you to know that Lorenzo burned the list since it's fake, and now I'm still wondering why up until now it seems like he's commanding no one to take the real list which is now in your possession. Seems like he doesn't even care about the list anymore."


"Wala na akong pakealam kung ano ang plinaplano niya. Malapit ko ng maisakatuparan ang plano kong buhayin ang Dark Soul Organization. Siguraduhin mo lang na hindi ka papalya sa susunod na plano mo, Mr. Stanford." Pag-iiba sa usapan ng leader ng Korbin. Mas lalo pang lumawak ang mapaglarong ngisi ni Dwight.


"The next move is to completely checkmate the opponent." 




...

Serpent Headquarter

ELLISSE ZERINA 


"D*mn it, Axcel!" Inis na mura ko sa kaniya nang ma-corner niya ako sa mga bisig niya.


"Kahit na mabilis ka mag-isip kung mabagal ang katawan mo sa pag-tira sa kalaban, talo ka." Saad niya nang bitawan niya ako. Marahan kong minasahe ang leeg ko nang abutan niya ako ng towel.


"Si Jinno ang magtuturo sa 'yo kung paano ka pa mas mahahasang gumamit ng iba't-ibang uri ng baril at dagger." Patuloy niya tiyaka itinungga ang bottled water.


"Good news!!" Napatingin kami kay Novaleigh na kasama si Friza na kararating lang.


"Anong balita?" Tanong ni Axcel. Sa mga ngiti ni Novaleigh mukhang good news nga talaga ang dala niya.


"Pumunta ng London ang Royal Queen." Sagot ni Friza tiyaka ako tinabihan at walang ganang ininom ang bottled water ko na hindi pa nababawasan. Kaya pala para bang bumalik sa dati ang headquarter. 'Yon pala ang kaiba ngayong araw. Medyo umingay na rin at kahit sa field may pakalat-kalat ng mga gang members at rooks. Tss, they really fear their Queen, huh. 


"But Jinno said na ayon daw sa Royal Chief, may iniwang sulat ang Queen tungkol sa Serpent Commander." Saad ni Novaleigh na siyang nagpatigil sa akin. Ayon kay Rix ngayong araw babalik ang Commander pero magkakalahating araw na rin wala pa siya. Is he planning something? 


"May alam ka ba tungkol sa sulat na iniwan, Axcel?" Tanong ni Friza dahilan nang mapatingin kami kay Axcel na kibit balikat lang ang tanging naisagot. "Itanong ni'yo na lang kay Jin---aray g*go!" Napamura siya bigla nang batuhin siya ng bottled water ni Friza na saktong tumama sa mukha niya.


"Kami bang gina-g*go mo huh? Kung alam ni Jinno malamang alam mo rin." Bwiset na mura niya.


"Wala nga kasi talaga akong alam sa sulat. Anong malay ko ro'n?" Depensa niya habang patuloy parin sa pagmama-sahe sa panga niya.


"Are you sure ba talaga, baby Ax----"


"THE SERPENT COMMANDER HAS ARRIVED." Natigilan kami nang biglang umalingawngaw ang boses ng CIT Chairman sa buong headquarter.


"Alright! Nandiyan na si Commander!" Novaleigh was too excited to hear what we were all waiting for. Kahit ako ay hindi ko maitago ang excitement sa loob ko nang tipid akong mapangiti dahil sa balitang narinig. 


"Let's go, Royal Knightress." Mabilis niyang hinila ang kamay ko pero hindi pa man kami nakakalayo nang biglang hawakan ni Friza ang kamay ko.


"Mauna ka na, Leigh. Susunod na lang kami." Seryosong saad niya na siyang ikinakunot ng noo ko. Napatingin ako kay Axcel na napabuntong hininga habang nakatingin kay Friza. What's wrong with them? Parang may mali sa ikinikilos nila.


"Okay, bilisan ni'yo huh? Lalo ka na Royal Knightress. Hindi ka pwedeng mawala sa pagdating ni Commander." Saad ni Novaleigh tiyaka nauna ng naglakad na sinundan ni Axcel.


"May problema ba, Friz?" Curios na tanong ko nang muli ko siyang tingnan. Hindi siya sumagot sa halip ay nag-iwas siya ng tingin dahilan nang mas lalo akong naguluhan. D*mn it. She's making me feel like there's really something wrong.


"Pasensiya na, Ell. Hindi rin namin nalaman kaagad." Panimula niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.


"What are you talking about? Nalaman ang alin?" Is there something I must be aware of here?


"Ms. Lorico?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mr. Malriego. Tumungo si Friza sa kaniya na tipid lang niyang nginitian.


"Ipinapatawag ka ng Serpent Commander sa Royal Room." Saad niya na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko. 


I know how excited I am to see Renzo, but this time, I think, it's not the excitement that makes my heart beat this fast. But instead, my gut feeling seems like warning me that something terrible is d*mn to happen.


Naiwan si Friza sa combat room nang sundan ko si Mr. Malriego patungo sa Royal room. Pagkatapat namin sa pintuan ay hindi niya ito kaagad binuksan kaya naman napatingin ako sa kaniya na nasa harapan ko.


"May problema ba, Mr. Malriego?" Hindi ko maiwasang itanong, pero ang tipid na ngiti lamang niya ang tanging naisagot niya bago huminga ng malalim tiyaka pinihit ang doorknob. 


Marahan niya 'yong binuksan hanggang sa makapasok kami sa loob pero nakapagtataka nang walang kahit na sino ang bumungad sa amin sa study table ng Commander kahit sa harap ng malaking bintana na madalas niyang pinupwestuhan sa tuwing malalim siyang nag-iisip.



"Where's Renzo?" I asked, trying my best to hide how nervous I am, but I didn't get a response from him.


Ilang sandali lang ay muling bumukas ang pintuan kung saan pumasok si Tanya na may dalang food tray na naglalaman ng strawberry at na-sliced ng avocado. Kung maayos pa ang sitwasyon, siguro natakam na ako sa dala niya, but this is not the d*mn right moment for it. The question here is why is she here carrying a tray of my favorite fruit? Exclude the strawberry. 


"What is really going on here?" I asked curiously, looking at Tanya to Mr. Malriego. Nagka-tinginan pa sila. Mr. Malriego signaled Tanya to give me the tray kaya ako nagtataka ko naman itong kinuha. 


"Ikaw na ang magdala sa kaniya niyan sa loob, Ms. Lorico." 


Bakit ang weird ng mga ikinikilos nila ngayon? Just what the hell is really going on here?


"Where is he? At bakit anong gagawin niya sa strawberry at avocado?" Kunot-noong tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi hindi siya kumakain dito sa headquarter. At kailan pa siya nagpa-special service ng pagkain? 


"Hinihintay ka niya sa Royal Garden." Ni hindi man lang niya nagawang sagutin ang huling tanong ko. He extended his arms letting me walk into the door kung saan ang direksiyon papasok sa Garden na sinasabi niya. 


This is d*mn crazy! 


Gulong-gulo ang utak ko nang tunguhin ko ang Royal Garden na nandito rin sa Royal room. Namangha ako kaagad pagkabukas pa lang ng pinto na nagiging transparent sa tuwing magbubukas, at nagiging black sa tuwing nagsasara. Ang daming halamang namumulaklak na iba't iba ang kulay, isama mo pa ang mga vine plants na mas lalong nagpapaganda sa paligid. Medyo malawak rin ang garden at sa gitna, mayroong maliit na fountain at little bridge naman sa tabi niya. What a place huh? 


Ito pala ang tinutukoy nilang Royal garden na ang pwedeng pumasok lang ay ang Royal Queen at iba pang royalties. Well, speaking of the Queen, good thing that she's no longer here. 


Napatigil ako sa paglalakad nang marating ko ang bahagi ng garden kung saan nakalagay ang hindi kalakihang wishing well, at kung saan nakatayo ang isang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa balikat pa lang niya mahahalata na ang maganda niyang katawan, pero nakapagtataka dahil mas maskulado ang katawan ng Serpent Commander sa kaniya. Did he already lose weight? Ang bilis naman yata. 


"So hanggang kailan mo balak tumayo riyan?" Walang ganang tanong ko. Parang nawalan ako ng excitement na makita siya. Is it because he's already here? 


"Long time no see...Ellisse." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa tray nang magsalita siya. Para akong napako sa kinatatayuan ko at pati bibig ko ayaw bumukas para magsalita nang humarap siya sa akin. WTH. 


"It's been a very long time...love." Para akong pinana sa sinabi niya, at bigla na lang rin nag-init ang ulo ko sa mga tingin niya na akala mo maaakit na naman niya ako. 


"You've changed a lot huh?" Nakangising saad niya na mas lalo kong ikinainis. Pakiramdam ko, ano mang oras gustong dumapo ng kamao ko sa mukha niya.


"Why the hell are you here, Zayn Hartley?" Nagpipigil sa inis na tanong ko. Siguro kung baril lang ang hawak ko at hindi tray, nakaluhod na siya sa harapan ko ngayon habang dumadaing sa sakit. D*mn him! 


"Hindi mo alam? Hindi ba dapat, ikaw ang unang makaalam sa bagay na 'yon, Royal Knightress?" Nakangising sagot niya tiyaka ako nilapitan. Dumampot siya ng isang strawberry at inilapit sa bibig ko. "I would appreciate if you will at least show me a warm welcome." 


Natawa ako ng sarkastiko dahil sa sinabi niya tiyaka ko hinawi ang kamay niya. "If you're going to hear one last thing from me. Well, d*mn you, asshole and get lost out of this place."


"Ganiyan ka ba bumati sa mas nakatataas sa 'yo, Ms. Lorico?" Patanong na sagot niya kasabay ng muling pagguhit ng ngisi sa kaniyang labi. This guy is really trying my patience. 


Nanatili akong nakatayo at hinayaan siyang lapitan pa ako hanggang sa tainga ko tiyaka siya bumulong, "Respect me, love~" I'm d*mn sick of hearing that d*mn call sign. Dahil sa inis ko ay inihagis ko sa tabi ang tray na hawak ko tiyaka ko siya buong lakas na itinulak palayo sa akin. 


"Not me again, asshole." Matalim ang mga tingin ko sa kaniya, but what would I expect? He's a whole d*mn asshole. 


"Why? Apektado ka pa rin ba hanggang ngayon, Ellisse? Sa pagkakatanda ko matagal na tayong hiwalay." Mahigpit kong ikinuyom ang kamay ko dahil sa sinabi niya. This is why love is bullsh*t. Zayn Hartley 'Asshole' Hernandez is the whole primary proof. 


"Isang malaking kahibangan na isipin mong hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa 'yo, Hartley. How pathetic of you to call me love after all the past years. Baka ikaw ang hindi pa moved on?" Diretsa kong sagot sa kaniya ng buong tapang. I smirked trying my best not to avert his d*mn gaze. 


Aaminin ko na naging mahina ako noon pero ibahin niya ngayon. The Ellisse Zerina he killed by heart had already cease to exist.  Matapos lahat ng napagdaanan kong hirap, poot, at sakit, isang bagay ang natutunan ko—ang hindi sumuko na hanapin at muling mahalin ang sarili ko.


"I just want to treat you right this time. Wala namang masama ro'n hindi ba? Isa pa, ikaw ang Royal Knightress ng Serpent kaya dapat lang na maayos ang pag-trato ko sa 'yo." Napangisi ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na sa ganitong paraan pa kami magkikita ulit. Ang bullsh*t na nga ng pagkakataon, ang bullsh*t pa ng pagmumukha niya.


"You never even treated me right, Hartley kaya hindi mo alam kung paano gawin 'yon. Tama ka na ako ang Royal Knightress, pero ito ang tandaan mo...hindi ko kailangan ng maayos na trato galing sa 'yo." Sagot ko sa kaniya nang hindi parin inaalis ang mga tingin ko sa mata niya. Tinalikuran ko siya at paalis na sana ako nang muli siyang magsalita na siyang ikinatigil ko.


"Sa ayaw mo man at sa gusto mo ako na ngayon ang Royal Commander ng Serpent Society. Wala ka ng magagawa kung hindi sundin ang utos at batas na itatatag ko." Matigas na saad niya. 


I clenched my fist. Wala na talagang kasing kapal ang mukha ng lalaking 'to. I maintained my calm as I turned around to face the asshole. "Sorry not sorry, Mr. Hernandez, pero isang batas lang ang sinusunod ko, at isang tao lang ang pakikinggan ko." Humakbang ako palapit sa kaniya tiyaka humalukipkip, "And as the Serpent Royal Knightress, I just want you to know that, you're not qualified to own this territory whoever you are or whatever rank you have...you will never be, Hartley...no one can." I left a smirk of triumph. Tinalikuran ko siya at tuluyang umalis.


Subukan lang niya para makita niya ang hinahanap niya. Tss. Gusto yata niyang maipamukha sa kaniya na mali ang lugar na pinasukan niya.


Imposible na parte 'to ng plano ni Renzo. He won't surely let anyone take over his throne by a random guy. I know that. But if this is a part of Aris and Korbin's plan, well they better try. Try wasting too much blood and sweat but they will never take this place away from us...from Mikael Lorenzo. 


I will protect his throne, and I won't let anyone get it from him until he returns.



Canis Society

SOMEONE'S POV 


"Ma'am KC, ito na po ang lahat ng papeles na ipinapa---" Ibinagsak ko ang folder na hawak ko sa mesa tiyaka tiningnan ng masama si Ms. Glenn na napayuko dahil sa naging reaksiyon ko.


"Seriously? Lahat 'to ipapaayos mo sa 'kin? Are you kidding me?" Naiinis at sarcastic kong sabi tiyaka humalukipkip. This is not my taste of work, pero heto ako ngayon ka-date ang sandamakmak na mga papeles. It's been a week since nakauwi ako galing France pero ito ang ibinungad sa akin kaagad ni Dad. Nakakataba lang talaga ng puso.


"'Yon po ang utos ng Chairman, Ma'am." Napabuntong hininga na lang ako tiyaka iritadong inalis ang suot kong salamin.


"Pakisabi kay Dad na tinatamad na akong mag-ayos. I still have an appointment tomorrow at kailangan kong mag-beauty rest. I have to go." Tumayo ako tiyaka kinuha ang purse ko. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.


"Ma'am KC pinapabigay po ng Chairman." Ikinuyom ko ang kamao ko dahil sa inis tiyaka ko ibinagsak ang purse sa mesa. Konting-konti na lang talaga Dad kakalas na ako sa Canis. Inagaw ko ang folder sa kamay niya tiyaka 'yon binuklat.


"Anong gagawin ko sa bwiset na papel na 'to?" Naiinis na tanong ko. Malapit ko ng sunugin lahat ng papel na nasa paligid ko, and I am deadly serious. Kapag ako nasagad, susunugin ko ang buong base ng Canis. 


"Try to swallow it." Tiningnan ko ng masama si Lucas na kapapasok lang. Nandito na naman ba ang mood destroyer. Inirapan ko siya at muling ibinalik ang tingin ko sa folder.


"Ano naman ang kinalaman ko rito sa kaso ng Canis?" Walang ganang tanong ko habang binubuklat ang bawat pages na naka-attached sa folder.


"May kailangang asikasuhin ang Chairman sa Italy kaya ikaw muna ang papalit sa kaniya. You'll be leading the Central Information Team in behalf of him." Paliwanag ni Lucas. Again? So it means na umuwi lang ako para i-take over ang responsibility niya? I can't really believe him!


"Sorry, but I can't WASTE my time for this." Isinara ko ang folder tiyaka 'yon ibinagsak sa mesa. Iniisip ko pa lang ang gagawin ko tinatamad na ako.


"You can't leave, Ms. Dela Vega." Walang gana kong hinarap si Lucas tiyaka humalukipkip.


"And who are you para utusan ako, Mr. Reaganel? Kapag sinabi kong ayoko, ayoko." Pagmamatigas ko tiyaka siya tinalikuran. I was about to leave when he spoke again.


"Do you even think I agree with the Chairman to permit you to take over his responsibility? You're a mess, KC. Everybody knows it here, so you better stop being a brat daughter now and just do as the Chairman left you to do." Hindi ako makapaniwalang humarap sa kaniya. He's really annoying, ang sarap niyang tuktukan ng stiletto.


"Alam mo naman pala na mess ako edi ikaw na ang sumalo sa responsibility ng Dad ko. I don't have a plan to take his obligation, okay?" Iritado kong sagot, but he handed me back the folder. Ayaw talagang sumuko. 


"Whether you like it or not, you're in charge for this mission." Walang gana kong kinuha sa kamay niya ang folder tiyaka 'yon walang kainte-interest na tiningnan.


"Mikael Lorenzo Miller Hilton. Serpent Royal Commander." Bored kong pag-basa sa nakasulat sa front page tiyaka ko siya muling tiningnan, "Anong gagawin ko rito?" Tamad na tanong ko.


"His life is in your hands." Seryosong sagot niya na ikinatawa ko. Seriously? Ano ako, judge? attorney?


"I'm going to find someone to deal with this. Madami pa akong kailangang ayusin sa studio kaya---"


"Check the file, Ms. Dela Vega. Baka pagsisihan mo sa huli kapag nalaman mo ang buong kwento ng kasong ipinahawak sa 'yo." He said, and in just a couple of seconds, tumunog ang phone niya. Sinagot niya 'yon sa harapan ko.


"Right now?" Tanong niya sa kaniyang kausap tiyaka tiningnan ang oras mula sa suot niyang wrist watch. "Okay. I'll pick you up then." Sagot niya ulit tiyaka siya umalis nang walang pasabi. Oh come one, Reaganel! 


Muli akong napatingin sa folder na hawak ko as I let out a deep sigh. This is the main reason why I don't want to live with Dad. Lagi na lang inaasa sa akin ang pag-aayos ng mga papeles kahit na hindi naman talaga ako official member ng Canis. Kilala lang talaga ako na anak niya kaya labas pasok ako rito sa base nila. Ano bang pake ko sa mafia mafia na 'yan? 


I was skimming the papers nang bigla na lang may kung anong nahulog na galing yata sa folder na hawak ko. I was about to pick it up nang biglang tumunog ang phone ko. Mga istorbo talaga sa mundo hindi nawawala. Inis kong kinuha ang phone sa purse ko, but I got surprise when I saw the caller's name on the screen. Mabilis ko itong sinagot.


"Patricia!" 


[No one else but me.] Mahina siyang natawa. Oh, I miss this woman...like so much! 


"After a year tiyaka mo lang naisipang tumawag. Guess... may kailangan ka na naman?" Nakataas ang kilay na sagot ko. Mafia thing of course. 


Well, she's an heiress of a mafia group, so what's there to expect? Kung may tutulong man sa kaniya to get a wider connection para magawa ang isang misyon or even when it comes to business, illegal or not, there's no other one but me who could give her a hand. Sa dami ba naman ng kilala ni Dad sa business at sa mafia world na malamang kilala ko rin. My Father would also help me once I ask for a favor to help my friend, basta sundin ko lang ang ipinapagawa niya. 


[I just want to inform you that I'm coming back. That's all lazy woman...Babalik na ako sa Canis.] Sagot niya na para bang nag-echo sa tainga ko ang sinabi niya.


"Lasing ka ba, Pat?" Natatawa kong tanong sa kaniya when I heard her softly chuckled. Sounds like she's happy huh. Ano kayang mayro'n?


[Change of heart?...Sige na. See you.] Magsasalita pa sana ako nang patayin niya na kaagad ang phone niya. Anong nakain ng babaeng 'yon at naisipan niyang bumalik?


She used to be a member of Canis gang, pero dahil nga nagkaroon ang family nila ng business conflict noon, she had no choice but to leave Canis and do her obligation as an heiress of Dencouve group.


Once again, napatingin ako sa folder na hawak ko. Kahit na pilitin ko ang sarili ko na alamin ang tungkol sa sinasabi ni Lucas parang tinatamad na ako dahil sa dami pa ng papel na nasa harapan ko. 


I can't force myself to date all of this shitty paperworks kaya naman sa halip na magtrabaho ako naisipan ko na lang bumalik ng studio, pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng kwarto nang mapansin ko ang nakataob na larawan sa sahig. Oh yes, I forgot it fell from the folder.


I picked it up to check what is it, pero literal akong natigilan nang makita kung sino ang nasa larawan. Why is this image attached to this folder? 


Ang daming tanong kaagad ang naglabasan sa isip ko, at isang bagay ang muling umagaw ng atensyon ko. I checked the front page of the folder I left on the table. 


"Mikael Lorenzo Hilton...The Serpent Royal Commander" I whispered as I looked back at the printed photo I am holding. 


What connection do you have with Serpent Society...Ellisse Zerina? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top